Hindi sinasadyang naitanong ni Charlie ang sitwasyon ni Marianne mula kay Vera. Pero, pagkatapos itong sabihin ni Marianne, nagpanggap pa rin siya na nasorpresa siya at tinanong, “Kailan ka pumunta para magtrabaho sa Aurous University?”Ipinaliwanag na lang ni Marianne nang tapat, “Ah, may Outstanding Talent Introduction Program ang Aurous University, kaya sinubukan kong mag-apply dito. Inimbita ako na pumunta sa interview, at pumasa ako sa interview…”Hindi mapakali ang tono ni Marianne, parang isang bata na may maling ginawa at nadiskubre ito ng mga magulang niya.Alam ni Charlie na malaki ang posibilidad na pumunta si Marianne sa Aurous Hill dahil sa kanya. Pero, sa sandaling ito, nagpanggap na lang siya na natulala siya, kaya sinabi niya, “Kahit na hindi kasing ganda ng Hong Kong University ang Aurous University, sobrang gandang university pa rin nito…”Tumango nang bahagya si Marianne, tumingin kay Charlie, at sinabi nang nauutal, “Sa… sa tingin ko ay maganda rin ito…”Si Ver
Halos nawala na ang pagdududa ni Charlie kay Vera sa puntong ito.Pero, nakakunot pa rin ang noo ni Charlie kahit na naniniwala siya na hindi alam ni Vera ang tunay na pagkakakilanlan niya.Kahit na naniniwala na siya na nagkataon lang ang paglitaw ni Vera sa Aurous Hill, medyo nag-aalala pa rin siya.Hinahabol ng Qing Eliminating Society si Vera noong huling nakita siya ni Charlie.Ngayong pumunta siya sa Aurous Hill, kung makakahanap ng kahit anong bakas ang Qing Eliminating Society tungkol sa kanya, siguradong matututo sila sa dating nangyari at pagkakamali at ipapadala ang mga pinakamalakas na martial arts expert nila sa Aurous Hill para hulihin siya.Bukod dito, dumating din ang lolo at lola ni Charlie sa Aurous Hill, at mahalagang target din ang pamilya nila ng Qing Eliminating Society.Kung gano’n, nasa Aurous Hill ang dalawang major target ng Qing Eliminating Society, at tataas nang sobra ang posibilidad na atakihin ng Qing Eliminating Society ang Aurous Hill.Ngayong na
Nang makita ni Marianne na nakatayo nang tulala si Charlie sa pinto, hindi niya mapigilang itanong, “Mr. Wade, anong problema?”Bumalik sa diwa si Charlie at ngumiti habang sinabi, “Oh, may iniisip lang ako. Pasensya na.”Lumapit ang waitress at sinabi, “Mangyaring pumasok kayo.”Tumango si Charlie. Nang sinunand niya ang waiter, tiningnan niya ang maliit na bell na nakasabit sa sliding door at agad siyang nagkaroon ng inspirasyon.Kung ipapadala ng Qing Eliminating Society ang isang great earl sa Aurous Hill sa hinaharap, kailangan ay may ‘bell’ siya na magbibigay sa kanya ng babala nang maaga.Pagkatapos umupo kasama si Marianne, nilabas ni Charlie ang kanyang cellphone at nagpadala ng isang text message kay Zachary, na nagbebenta ng mga antique sa Antique Street, sinabihan si Zachary na makipagkita sa kanya sa Champs Elys hot spring villa bukas ng tanghali.Nagsimulang magtrabaho si Zachary bilang inept advisor ni Albert kailan lang, at maayos ang nagawa niya. Naayos at nabago
Pagkatapos itong sabihin, ipinaliwanag ni Marianne, “Si Madam Marilyn ang kasambahay ni Mr. Carrick sa Aurous Hill. Nakatira si Veron sa Scarlet Pinnacle Manor, ang bahay ni Mr. Carrick, at inaalagaan siya ni Madam Marilyn.”Nabigla nang kaunti si Charlie nang marinig niya ito at bigla niyang napagtanto na ang dahilan siguro kung bakit sumakit ang ulo ni Vera ay dahil naparami ang nialgay niyang Reiki sa kanyang utak kaninang tanghali at napasobra sa psychological hint sa kanya.Ang dahilan kung bakit gumamit ng maraming Reiki si Charlie ay dahil pakiramdam niya na kakaiba na nakita niya siya, at natatakot siya na may kakaiba sa kanya.Pagkatapos itong pag-isipan ngayon, kung naparami ang Reiki na nilagay niya sa utak ng isang 18 years old na babae, siguradong gagawa ito ng malaking pinsala sa katawan niya. Kaya, marahil ay tumagal ang sakit ng ulo at hindi siya maging komportable.Biglang nahiya nang kaunti si Charlie. Pakiramdam niya na napasobra ang reaksyon niya at naging medyo
Dumating si Charlie sa Champs Elys hot spring villa kinabukasan ng tanghali.Dumating nang isang oras na mas maaga si Zachary para hintayin si Charlie. Nang makita niya si Charlie, sinabi niya nang magalang, “Master Wade, ano ang mga utos mo para sa akin?”Ngumiti nang kaunti si Charlie at tinanong siya, “Zachary, dinala mo ba ang mga bagay na pinapadala ko sayo?”Tumango nang paulit-ulit si Zachary, nilabas ang bag mula sa kotse, at sinabi kay Charlie, “Master Wade, dinala ko ang lahat ng sinabi mo!”Sumagot si Charlie, “Magaling! Pumasok tayo at mag-usap.”Dinala ni Charlie si Zachary sa sala ng villa. Pagkatapos ay binuksan ni Zachary ang suitcase nang naiinip at nilabas ang ilang piraso ng kahoy na kasing itim ng uling pero may iba’t ibang sukat at kapal.Habang nilalabas niya ang mga kahoy, ipinakilala niya kay Charlie, “Sinabi mo na gusto mo ng Thunderstrike Wood. Ito ang lahat ng mga maaasahan na Thunderstrike Wood na kaya kong mahanap mula kahapon hanggang ngayon. Siyam a
Sinabi ni Charlie, “Zachary, dahil nagtatrabaho ka na ngayon para kay Albert, nagtatrabaho ka rin para sa akin, kaya hindi ko itatago ang kahit ano sayo. Gusto ko ng jade ring na hinukay mula sa bagong libingan dahil gusto kong manloko ng tao. Marahil ay mahirapan akong manloko ng tao gamit ang jade ring na minina mula sa sertipikadong libingan.”Nalito si Zachary nang marinig niya ito at sinabi niya nang hindi nag-iisip, “Master Wade, bakit gusto mong ibalat kayo ang jade ring na hinukay mula sa bagong libingan bilang isang jade ring na hinukay mula sa isang sertipikadong libingan para manloko ng tao? Sa panahon ngayon, ang mga ganitong bagay tulad ng paghuhukay ng mga libingan ay iniimbestigahan nang mabuti, at ang mga antique dealer tulad ko ay hindi nangangahas na humingi ng mga bagay na hinukay sa bagong libingan dahil natatakot ako na mapapahamak ako at idedemanda. Ibang bagay na kung minina ito sa sertipikadong libingan. Dahil, sobrang luma na ng libingan, kaya kahit na hinukay
Sinabi nang kalmado ni Charlie, “Hindi na. Pumunta ka sa Antique Street at maghanap ng dalawang street vendor na matalino at kaya kang suportahan nang buo. Ibigay mo ang isa sa mga jade ring sa bawat isa sa kanila at sabihan sila na isuot ang mga jade ring. Sabihan mo sila na pumunta sa arrival hall ng airport at ang isa ay pumunta sa exit ng high-speed railway station, at magpahawak ka ng mga karatula sa kanila na tila ba may hinihintay silang tao para sunduin. Hindi mahalaga kung sino ang susunduin nila, at pwede na magsulat lang sila ng kahit anong pangalan sa karatula.”Nasopresa si Zachary at tinanong, “Master Wade, sino ang susunduin mo? Marahil ay wala kang susunduin kung gusto mo na magsulat sila ng kahit anong pangalan, tama?”Sinabi nang walang bahala ni Charlie, “Wala akong susunduin. May gusto akong hintayin!”Pagkatapos nito, sinabi nang sobrang seryoso ni Charlie, “Zachary, gusto kong pakinggan mo ang bawat salita sa lahat ng sasabihin ko! Kung magagawa mo nang maayos
Ang una ay ang British Lord ng Qing Eliminating Societym at ang ibang apat ay ang apat na great earl ng Qing Eliminating Society.Pero, hindi pupunta ang British Lord sa Aurous Hill sa personal, at patay na ang isa sa apat na great earl.Kaya, may tatlong tao na lang na natitira na pinupuntirya ni Charlie, at iyon ay ang natitirang tatlong great earl ng Qing Eliminating Society.Sa ngayon, nasa Aurous Hill ang lolo at lola ni Charlie pati na rin si Vera, at tumaas nang sobra ang tsansa na lumitaw sa Aurous Hill ang apat na great earl ng Qing Eliminating Society. Pagkatapos itong gawin, kampante si Charlie na makakatanggap siya ng maagang babala sa sandaling dumating ang kahit sinong great earl sa Aurous Hill.Ang airport at ang railway station ay ang dalawang gate ng Aurous Hill. Imposible para sa kahit sinong great earl na magmaneho dito mula sa nakapalibot na siyudad, kaya malaki ang posibilidad na sumakay sila sa eroplano o sa high-speed train.Sinabihan ni Charlie si Zachary n
Habang nagsasalita siya, unti-unting naging seryoso ang ekspresyon niya. Sinabi niya, “Leni, mangako tayo sa isa’t isa. Subukan muna nating mabuhay ngayong taon. Kung sa susunod na taon, may mangyaring himala at walang namatay sa atin, pwede kang pumunta sa Oskia at makilala ang mga magulang ko para makuha ang basbas nila. Pagkatapos, pupunta ako sa United States kasama ka.”Si Leni, na kanina pa masaya, ay biglang naging mukhang pagod. Binulong niya, “May apat na buwan pa hanggang sa susunod na taon. Natatakot ako na kahit na hindi ako mamatay sa sandaling iyon, hindi ako makakapunta sa Oskia para makita ka.”Namula ang mga mata ni Shermaine, pero ngumiti siya at sinabi, “Ayos lang. Araw-araw na lang tayo mag-video call. Online na ang lahat ngayon. Kahit ang mga korte ay may hearing sa online. Kung kailangan, pwede na lang tayo kumuha ng isang pari, at pakakasalan kita sa online.”Pinigilan ni Leni ang mga luha niya, tumango nang marahan, at ngumiti habang sinabi, “Okay, deal. Kapa
Hindi inaasahan ni Charlie na habang nagca-camping siya sa mga bundok ng Yorkshire Hill, matatagpuan niya ang dalawang batang pasyente na may cancer. Ang nagpasorpresa sa kanya ay gustong sumali ng dalawang ito sa mga clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical sa Aurous Hill, pero tinanggihan silang dalawa.Ang mas nagpahanga pa sa kanya ay ang taong ito, si Leni, ay kilala pa si Jameson.Habang iniisip ang iba ang tungkol kay Jameson, na dating pinapangunahan ang buong FDA, na kusang umalis at nagsimula ng charity sa Aurous Hill, tinanong nang mausisa ni Charlie si Leni, “Helron, sobrang pamilyar ka ba kay Jameson Smith?”Sumagot nang kalmado si Leni, “Hindi naman. Dahil, bago siya umalis, isa siyang mataas na opisyal sa United States, at ang mga taong nakakausap niya sa FDA ay mga matataas na biopharmaceutical company at mga negosyante sa buong mundo. Ang isang tao tulad ni Jameson ay kahanga-hanga kahit sa mataas na lipunan. Paano magkakaroon ng pagkakataon ang isang ordinaryong
Sinabi ni Shermaine, na nasa gilid, “Hindi naman gano’n. Ang pamamahagi ng mga pwesto para sa clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical ay hindi base sa kung sino ang may pera at kapangyarihan, ngunit kung sino ang pinaka nangangailangan ng gamot. Ang lahat ng sumali para sa clinical trial ay mga pasyente na may cancer. Halos tatlumpung porsyento sa kanila ang idineklara ng mga doktor na may anim na buwan na lang para mabuhay. May daang-daang pasyente na may advanced pancreatic cancer, at marami sa kanila ay mga bata. Ang mga taong katulad namin na nasa 20s na ay mahihirapan na makakuha ng pwesto.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Shermaine, sumali ka rin ba sa clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical?”Tumango si Shermaine at sinabi, “Oo, pero hindi ako napili. Ang pamamaraan ng pagpili ng Apothecary Pharmaceutical ay parang pagkukumpara ng mga paghihirap. Una, ikukumpara nila kung sino ang may pinakamalalang sakit, pagkatapos ay kung sino ang pinakabata, kung sinong pamilya
Ang mga kabataan na mahilig sa mga panlabas na gawain ay karaniwang bukas at masigla, at karamihan sa kanila ay palakaibigan at madaling pakisamahan. Bukod dito, ang mga kabataan na ito ay puno ng sigla kina Charlie at Vera, kaya mabilis na nag-usap nang masaya ang lahat.Sobrang laki na impluwensya ni Helron sa grupong ito, at malinaw na ginagalang siya ng lahat. Napansin ni Charlie na parang hindi siya masyadong matanda, kaya tinanong niya siya nang mausisa, “Heron, estudyante ka ba o nagtatrabaho ka na?”Tumango si Helron at sinabi, “Estudyante pa ako. Nag-aaral ako sa United States dati. Isa akong Oskian American, at bakasyon ngayon, kaya gusto kong bumalik sa Oskia para mag-hike nang kaunti at maranasan ang ganda ng bansa natin.”Nagpatuloy siya, “Karamihan sa amin ay mga estudyante sa unibersidad. Kami nila Jung, Louie Mant, ay nag-aaral sa United States. Sina Shermaine at Bobbi ay galing sa Queenston University. Sina Perry Hinskey at Jenell Looten ay galing sa Blastun Univers
Kaharap ang imbitasyon ng binatang ito na nagngangalang Helron, taimtim na pumayag si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Kung gano’n, hindi na kami mahihiya sa inyo!”Tumawa si Helron at sinabi, “Hindi mo kailangan maging magalang nang sobra. Magkakaibigan tayo mula sa iba’t ibang lugar, ang pag-aalaga sa isa’t isa ay ang tradisyon ng mga hiker.”Pagkasabi nito, tinanong niya si Charlie, “Tol, anong pangalan mo?”Magsasalita na sana si Charlie nang ngumiti si Vera, na nasa tabi niya, at sinabi, “Charlesly Lavor ang pangalan ng boyfriend ko. Pwede mo siyang tawaging Charles!”Nagulat si Charlie. Naintindihan niya ang layunin ni Vera. Dahil, nandito sila para hintayin si Fleur. Kahit na totoong pangalan ito ni Charlie o ni Vera, siguradong pamilyar si Fleur sa kanila, kaya mas mabuti na iwasang gamitin ang totoong pangalan nila hangga’t maaari.Pero, hindi niya inaasahan na bibigyan siya ni Vera ng alias na ‘Charlesly Lavor’ at nag-isip pa ng palayaw na ‘Charles’ para sa kanya.Ini
“Sigurado ako!” Hinila ni Vera si Charlie sa tulay na bato-bato. Sa gitna ng tulay, tinuro niya ang isang basag na asul na bato at sinabi kay Charlie, “Nasira ito dahil sa isang natakot na kabayo. Ang may-ari nito ay isang mason ng bato na pumunta para magdala ng dalawang batong rebulto sa bagong mansyon ng pinuno ng Stoneridge. Nabalisa ang kabayo, nadulas, at halos bumagsak siya, at nahirapan itong umabante na tila ba baliw ito, binaliktad ang hinihila nitong kariton. Tumama ang isa sa mga rebulto sa batong ito, at nag-iwan ito ng basag dito.”Habang nagsasalita siya, nagpatuloy si Vera, “Nagkataon, sinamahan ko ang lolo ko mula sa Digerro town sa araw na iyon para batiin ang pinuno dito. Kaya, nagkataon na nakita ko ang buong pangyayari noong gumawa ng problema ang kabayo sa tulay.”Habang nakikinig si Charlie sa paglalarawan niya, hindi niya maiwasan na isipin ang eksena na sinabi niya.Sa sandaling iyon, isang babae na nasa seven o eight years old na may suot na tradisyonal na
Tulad ng sinabi ni Vera, sa buong buhay niya, hindi niya kayang maghiganti kay Fleur gamit ang lakas niya, pero kaya niyang harapin si Fleur gamit ang matinding tapang. Marahil ay ang pinakamagandang paraan para harapin niya si Fleur ngayon ay huwag mapansin ni Fleur na malapit siya sa kanya.Kaya, medyo naimpluwensyahan din si Charlie sa kanya at sinabi, “Kung gano’n, hindi na natin kailangan kumuha ng tao para palihim na maglagay ng mga monitoring equipment. Sasamahan kita dito at hihintayin si Fleur. Gusto kong makita kung sino ba talaga ang Fleur na ito!”Tinanong ni Vera sa sorpresa, “Young Master, sasamahan mo talaga ako?”Tumango si Charlie. “Oo.”Sinabi nang seryoso ni Vera, “Parang maglalakad tayo sa isang lubid sa bangin. Nakamamatay ang isang kamalian.”Tumawa si Charlie at sinabi, “Kung hindi ka takot, bakit ako matatakot?”Ngumiti nang bahagya si Vera, at puno ng katapatan ang kanyang mga mata habang sinabi, “Kuntento ako sa mga sinabi mo, Young Master, pero hindi ak
Hindi inaasahan ni Charlie na si Vera, na mukhang mahina at walang masyadong karanasan, ay may ganitong tapang. Malinaw na alam niya na hindi nila kayang tapatan ni Fleur. Sa sandaling magkita sila, halos sigurado na mamamatay sila.Dahil, dati, sinabi ni Ruby sa kanila na nabuksan na ni Fleur ang kanyang elixir field, mahigit isang daang taon na ang nakalipas, at ang ibig sabihin ay mas malakas na siya noong isang daang taon na ang nakalipas kaysa sa kasalukuyang lakas ni Charlie.Pero kahit gano’n, handa si Vera na kunin ang panganib.“Alam mo na wala tayong pag-asa na mabuhay laban kay Fleur. Sigurado ka ba na gusto mong kunin ang panganib dito?” Tinanong nang seryoso ni Charlie.Tumango nang seryoso si Vera, nakatingin kay Charlie nang disidido habang sinabi, “Sa mahigit tatlong daang taon, iniwasan ko siya. Naging maingat ako sa punto na hindi na ako tumatapak sa kahit anong lugar na may kaugnayan sa kanya sa halos buong buhay ko. Pero ngayon, kahit alam ko na marahil ay pupun
Bukod dito, kung may mangyayari, mahihirapan siyang protektahan si Vera.Mukhang alam na ni Vera ang iniisip ni Charlie. Ngumiti siya at naunang magsalita at sinabi, “Darling, huwag kang mag-alala. Bihira lang magkaroon ng malakas na hangin sa Yorkshire Hill, at mas bihira pa dito sa taas. Bukod dito, sobrang ganda ng panahon ngayon. Isang gabi lang tayo mananatili, kaya walang kahit anong malakas na hangin. Kahit na mayroon, hindi ito abot sa atin.”Hindi inaasahan ni Charlie na may ganitong hilaw na ideya si Vera, kaya sinabi niya, “Sige, Darling, bumaba muna tayo sa bundok at pag-usapan ito sa daan.”“Okay!” Tumango nang kuntento si Vera, kinabit ang kanyang braso sa braso ni Charlie, at sinabi nang malambing, “Kung gano’n, kailangan nating magmadali. Natatakot ako na kung mahuhuli tayo, wala nang matitira na maayos na lugar!”Habang pababa ang dalawa sa bundok at nang silang dalawa na lang sa paligid, nagsalita si Charlie, “Miss Lavor, seryoso ka ba sa sinabi mo?”Sumagot nang