Tumango si Charlie at sinabi, “Oo, pinaalam sa akin ni Mr. White na matatapos na ang trabaho sa susunod na buwan at pwede na tayong lumipat sa sandaling iyon.”Sinabi ni Claire, “Ayos lang ba na lumipat agad pagkatapos ng renovation? Hindi ba muna tayo maghihintay nang ilang araw para mawala ang amoy ng pintura at iba?”Sumingit si Elaine, “Ah, ayos lang. Pumunta kami ng ama mo noong isang araw. Gumamit sila ng imported na non-polluting na materyales para sa renovation na may zeo formaldehyde. Wala talagang amoy sa loob ng bahay. Bukod dito, naglagay sila ng air purifying system sa bahay na naglalabas ng preskong hangin buong araw, talagang advance ito at maganda sa kalusugan!”Tumango si Claire at hindi na nagsalita. Medyo wala siyang pakialam sa buong ideya na lilipat sila sa villa ng Thompson First, pero tama si Charlie. Hindi sila titira sa iisang palapag kasama ang mga magulang niya pagkatapos lumipat sa bagong bahay. Sa ganitong paraan, mas magkakaroon sila ng privacy at pansa
Dahil naghihintay ang mga tao para sa kanya, hindi na nag-abala si Elaine na tapusin ang pagkain niya. Mabilis niyang kinuha ang kanyang bag at nag-taxi papunta sa lumang villa complex sa Aurous Hill, ang West Garden Villa.Ang matandang kaibigan niya ay nakatira malapit sa villa complex na ito.Ang West Garen Villa ay medyo mayaman at marangya sa Aurous Hill dalawangpung taon na ang nakaraan. Gayunpaman, dahil luma na itong villa complex, hindi na ito karangya at kasing elegante tulad ng dati.Dati, naramdaman ni Elaine na sobrang ganda at marangya ang West Garden Villa. Bukod dito, naramdaman niya na hindi siya makakalipat sa ganitong villa sa buong buhay niya.Gayunpaman, iba na ang mga bagay ngayon. Nang maisip niya na malapit na siyang tumira sa pinakamagandang villa sa Thompson First, medyo walang pakialam na si Elaine sa West Garden Villa.Ang matandang kaibigan niya na nakatira sa villa complex na ito ay tinatawag na Summer Gibson, at nakilala siya ni Elaine maraming taon
Umiling si Summer bago siya ngumiti at sinabi, “Sa totoo lang, pupunta na ako sa United States. Doon na ako titira, at hindi na ako babalik sa Aurous Hill.”Sa sandaling ito, tinanong ni Elaine sa sorpresa, “Paano ka titira sa United States?”Bahagyang tumango si Summer bago sinabi, “Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo na pumunta sa ibang bansa ang anak kong lalaki para mag-aral sa United States? Hindi na siya bumalik sa siyudad pagkatapos pumunta sa United States. Kasal na siya doon, at buntis na rin ang manugang ko na babae ngayon. Hindi na balak umuwi ng anak ko sa Aurous Hill. Kaya, gusto niyang dalhin ako doon para tumira sa United States kasama siya para matulungan ko siyang alagaan ang mga anak niya sa hinaharap.”Biglang sinabi ng isa sa mga babaeng naglalaro ng mahjong, “Ah, Summer! Ibebenta mo ba ang lahat ng bahay at ari-arian mo sa Aurous Hill?”Sumagot si Summer, “Magtitira lang ako ng isa sa mga mas maliit na condominium sa siyudad. Kung may pagkakataon sa hinaharap, babal
”Oo.” Mabilis na nagpaliwanag si Christopher, “Ito ang life insurance na binili ng ama ko para sa kanya noong buhay pa siya para sa mga susunod na henerasyon.”Pagkatapos, sinabi rin ni Christopher, “Bakit hindi mo analisahin at gawin ang kalkulasyon? Ilang taon pa ba mabubuhay ang ina ko ngayong sobrang tanda na niya? Sa tingin ko ay tatlo o limang taon na lang ang natitira sa kanya.. Hayaan na lang natin siyang tumira sa atin sa susunod na tatlo o limang taon. Pagkatapos niyang mamatay, makukuha na natin ang anim na milyong dolyar na life insurance. Hindi ba’t sobrang sulit nito?”“Oo, sulit ito!” Sumagot si Hannah habang pinagkuskos niya nang sabik ang mga kamay niya. Pagkatapos, sinabi niya, “Kailangan nating alagaan nang mabuti ang ina mo ngayon. Hindi dapat natin hayaan si Jacob at ang pamilya niya na makakuha ng bahagi sa life insurance ng ina mo!”Tumango si Christopher at sinabi, “Natural lang. Huwag kang mag-alala, hindi natin hahatiin ang anim na milyong dolyar kila Jacob
Ngumiti si Summer at sinabi, “Ah, mangyaring pumasok kayo! Pasok! Hindi ako tumira nang maraming taon sa villa na ito. Kaya, ituring niyo ito bilang sariling bahay niyo habang naglilibot kayo sa villa.”“Okay!” Tumango si Christopher bago siya pumasok ng villa kasama si Hannah. Pagkatapos, tumingin siya sa layout at interior design ng villa.Sa sandaling ito, si Shella, ang real estate agent, ay ngumiti bago sinabi, “Mr. Wilson, ang West Garden Villa ay isa sa mga unang villa complex na itinayo sa Aurous Hill. Ang mga sumusuportang pasilidad ay kumpleto, at mayroon itong mahigpit at ligtas na seguridad. Kaya, garantisado na ang kaligtasan niyo. Ang totoong living area ng villa ay four hundred seventy square meters, at sakto ito sa lahat ng hinihiling niyo…”Ang dahilan kung bakit sabik si Christopher na bilhin ang lumang villa ay dahil mas mura talaga ito. Ang normal na four hundred seventy square meters na villa sa Aurous Hill ay nasa dalawampung milyong dolyar, ngunit ang kasaluku
Sa totoo lang, kailanman ay hindi inaasahan nina Hannah at Christopher na makakasalubong nila si Elaine dito!Hindi nila maintindihan ang sitwasyon. Bakit nandito si Elaine sa villa?Kaibigan niya ba si Summer?Nainis nang kaunti si Hannah sa sandaling ito.Sa totoo lang, balak na niyang babaan nang sobra ang presyo ng villa at ipipilit na bilhin ang villa sa halagang walong milyong dolyar. Kung hindi papayag ang kabila as presyo, unti-unti niya lang tataasan ang presyo hanggang sa siyam na milyong dolyar. Kumpiyansa si Hannah na siguradong mabibili niya ang villa sa halagang siyam na milyong dolyar.Gayunpaman, hindi niya inaasahan na biglang lilitaw si Elaine at aatakihin sila sa sandaling ito!Bukod dito, palaging sobrang galang at marespeto ni Elaine sa kanya. Kaya, bakit bigla siyang naging matapang at nilait siya sa harap ng lahat ngayon? Kailan pa siya naging matapang?Inaapi na si Elaine nina Christopher at Hannah simula pa noong kinasal siya sa pamilya Wilson. Pagkatapo
Namutla si Christopher, at mabilis siyang umabante para pagalitan si Elaine. “Elaine! Itigil mo na ang pagpuna at pag-insulto sa amin! Kahit gaano kalungkot ang sitwasyon namin, mas magaling pa rin kami sa iyo. Bakit hindi mo tingnan ang sarili mong buhay? Basura ang asawa mo, basura ang manugang mo, at talagang kaawa-awa ang buong pamilya mo!”Agad lumaki ang mga mata ni Elaine, pero sumagot lang siya sa panghahamak, “Ah! Kuya, tama ka! Basura nga talaga ang asawa ko, pero anong magagawa ko? Lahat ng lalaki sa pamilya Wilson ay mga basura! Hindi ba’t alam mo na ito sa puso mo?”“Ikaw…” Kinagat ni Christopher ang kanyang ngipin sa galit.Magaling ka, Elaine. Pinapagalitan ko ang asawa mo, pero talagang dinamay mo ang asawa ko at anak dito?!Sa sandaling ito, hindi binigyan ng pagkakataon ni Elaine na magsalita si Christopher. Nilagay niya lang ang kanyang mga kamay sa kanyang baywang at sinabi nang mayabang, “Pero huwag kang mangahas na sabihing basura ang mahal kong manugang, si C
Nang makita ni Elaine na itinaas na ni Hannah ang kanyang mga kamay habag sumusugod sa kanya, agad siyang umatras habang sinabi nang malamig, “May sasabihin ako sa’yo, Hannah. Hindi mo ako kayang kalabanin, kaya mas mabuti na itabi mo na lang ang mga kamay mo!”Sa sandaling ito, sumagot nang marahas si Hannah, “Hindi ko kayang kalabanin ang mabahong babae na tulad mo?! Kung hindi ko mapupunit ang bibig mo ngayon, hindi na Queen ang magiging apelyido ko!”Suminghal si Elaine at sumagot, “Magaling makipaglaban ang mahal kong manugang, si Charlie. Naniniwala ako na hindi mo pa nakakalimutan kung paano niya kinalaban ang mga bodyguard na kinuha mo o kung paano niya tinuruan ng leksyon ang walang kwentang anak mo, si Harold, isang leksyon na hinding-hindi niya makakalimutan? Maniwala ka man o hindi, kung susubukan mo akong labanan ngayon, tatawagan ko si Charlie ngayon din. Papapuntahin ko siya dito para turuan agad kayong dalawa ng leksyon!”Nanginig si Hannah sa sandaling narinig niya
Pero, tatlumpung taon na ang lumipas, at wala sa apat na great earl ang gumamit talaga ng formation sa loob ng pineal gland nila. Ito ay dahil sa nakaraang tatlumpung taon, wala silang nakatagpo na kahit anong nakamamatay na krisis.Kahit na may nakamamatay na krisis si Mr. Jothurn sa Cyprus, kakaiba ang sitwasyon na ito. Sobrang bilis at sobrang lakas ng tatlong close-defense missile na umatake sa kanya, at masyadong brutal ang paraan ng pag-atake nila. Isang iglap lang ang lumipas simula nang maramdaman niya ang panganib hanggang sa kamatayan niya. Wala man lang siyang oras para isipin ang pineal gland na binuksan ng British Lord para sa kanila, tatlumpung taon na ang nakalipas.Bukod dito, walang saysay kahit na naalala niya ito dahil wala siyang oras para buksan ang formation sa loob ng pineal gland.May perpektong pagkakataon si Mr. Chardon ngayon. Nang maisip ito, tumingin si Mr. Chardon kay Charlie, humagikgik nang mapait, at palihim na ginamit ang teknik para paganahin ang p
Ang pineal gland ay ang maituturing na tirahan ng Nine True Paths sa cultivation. Sinasabi ng iba na kaakma ito ng pineal gland sa anatomiya ng tao, kayang maglabas ng iba’t ibang hormone na may kaunti at mahiwagang epekto sa katawan. Pero, sa pagtanda, unti-unting humihina ang kakayahan nito at halos magiging pandekorasyon na lang ito.Para sa mga cultivator, ang pagbubukas ng pineal gland ay ipinapahiwatig ang pagbubukas ng isang bagong mundo. Ang pagbubukas ng pineal gland ay ang paggamit ng Reiki para buksan ang pineal gland na matatagpuan sa gitna ng utak.Ang pineal gland ay kilala rin bilang upper elixir field. Karaniwan, madaling buksan ang lower elixir field, at hindi mahirap na buksan ang walong meridian. Pero, ang mga napakagaling na cultivator lang ang kayang buksan ang upper elixir field nila.Para sa mga cultivator, ang lokasyon na ito ay ang supreme realm ng Nine True Paths, kung saan nagmula ang kamalayan ng tao. Kung mabubuksan ng isang tao ang pineal gland at mag-c
Pero, hindi sinusunod ng kasakiman ng tao ang ganitong patakaran. Sa realidad, kapag mas bata ang isang tao, mas hindi nila kinatatakutan ang kamatayan. Maraming kabataan na nasa labinlima o labing-anim ang may lakas ng loob na harapin ang kamatayan kapag kalaban ang iba. Sa kabaliktaran, kapag mas tumatanda ang isang tao, madalas na mas natatakot sila sa kamatayan.Kahit ang isang tao tulad ni Mr. Chardon, na isang cultivator, ay hindi ligtas mula sa pangkalahatan na ito. Sa totoo lang, mas natatakot siya sa kamatayan kaysa sa karamihan.Nang makita ni Mr. Chardon na hindi nagpapakita ng awa si Charlie sa kanya, umiyak siya at sinabi, “Charlie, dati, kumikilos din ako dahil inutusan ako. Binigyan ako ng utos ng British Lord na hindi ko matanggihan! Kung gusto mong ipaghiganti ang mga magulang mo, ang British Lord dapat ang atakihin mo at hindi isang mababang tauhan na tulad ko…”Sinabi nang sarkastiko ni Charlie, “Oh? Binebenta mo ngayon ang boss mo para sa sarili mong interes? Ah,
Sa sandaling ito, si Ruby, na nakatago sa dilim, ay natulala nang tuluyan! Hindi niya inaasahan na ang malakas na lalaki na nakaitim sa harap niya ay ang anak na lalaki ni Curtis!Samantala, hindi alam ni Charlie na may nakatagong cultivator pa rin sa dilim na sampung talampakan ang layo. Nakay Mr. Chardon lang ang atensyon niya, na nasa harap niya. Kahit nakita niya ang miserable at takot na hitsura ni Mr. Chardon, hindi nakaramdam si Charlie ng simpatya para sa kanya.Tumingin siya kay Mr. Chardon at sinigaw ulit, “Halika, kidlat at kulog!”Isang nakabibinging pagsabog ang umalingawngaw habang isa pang kidlat ang bumaba mula sa langit! Ngayon, direktang tumama ang kidlat sa kanang kamay ni Mr. Chardon, ginawa itong uling!Sa nakaraang ilang kidlat, sadyang kinontrol ni Charlie ang lakas nito para paglaruan si Mr. Chardon. Pero, ngayon, sadya itong nilakas ni Charlie, direktang binaldado ang kanang kamay ni Mr. Chardon.Nakaramdam si Mr. Chardon ng matinding hapdi ng pagkasunog s
Dalawang malapit na pagsabog lang ang narinig, at ang dalawang dulo ng ispada ay ginawang abo ng mga kamao ni Charlie!Si Mr. Chardon, na may isang pares lang ng panloob na nagbabalot sa buong katawan niya, ay sampung talampakan pa lang ang nararating. Sa una, ginamit niya ang kanyang ispada para tumakas nang balisa nang hindi lumilingon para iligtas ang buhay niya.Pero, pagkatapos marinig ang dalawang pagsabog, isang biglaang bugso ng pananabik ang dumaan sa puso niya!Malinaw na iba ang dalawang pagsabog na ito kanina nang tumama ang atake ng ispada sa mga soul blade. Ang tunog ng dalawang pagsabog na ito ay parang resulta ng pagtama ng ispada sa katawan ng target!‘Maaari ba… Maaari ba na hindi naiwasan ni Charlie ang palihim na atake ko?!’ Biglang natuwa nang sobra si Mr. Chardon nang maisip ito.Lumingon siya agad-agad, gustong makita kung nasugatan ba si Charlie ng dalawang ispada niya. Kung gano’n, masasamantala niya ito at marahil ay makuha pa ang ulo ni Charlie! Pero, sa
Bukod dito, alam ni Mr. Chardon na ang nag-iisang mahiwagang teknik na kaya niyang gamitin sa malayo ay ang atake ng ispada mula sa kahoy na ispada ng British Lord. Sa kabaliktaran, ang mga teknik ni Charlie ay mayroong invisible na atake ng ispada katulad ng kanya, at ang banal na kidlat na bumababa sa langit.Hindi kayang saktan ng kahoy na ispada ni Mr. Chardon si Charlie, at wala siyang matataguan mula sa banal na kidlat. Kaya, kung magpapatuloy ito, siguradong manghihina siya kay Charlie. Ang solusyon lang para sa kanya ay makipaglaban nang malapitan sa kanya!Nang maisip ito, nagngalit si Mr. Chardon at sinigaw nang malamig, “Bata, ngayong araw, ikaw o ako—isa lang sa atin ang mabubuhay!”Pagkatapos itong sabihin, nilagyan niya ng Reiki ang mga binti niya at ginamit ang teknik ng teleportation na itinuro sa kanya ng British Lord habang sumugod siya nang nakakakilabot kay Charlie, na parang isang space jump.Ang pinakamalaking kalamangan ng teknik na ito ay ang mailap na direk
Nakita ni Mr. Chardon ang Thunder Order sa kamay ni Charlie at nakilala niya agad na isa itong kayamanan na gawa sa Thunderstrike wood. Kahit hindi niya alam kung paano gumawa ng mga mahiwagang instrumento, pamilyar siya sa kalidad ng mga materyales. May mahabang kasaysayan ang Thunderstrike wood sa kamay ni Charlie at malinaw na isa itong top-grade na Thunderstrike wood sa isang tingin.Mayroon siyang nagulat na ekspresyon habang sinabi, “Ano… Anong nangyayari? Saan mo nakuha ang mahiwagang instrumento na iyan?!”Ngumisi si Charlie at sinabi, “Sa totoo lang, ako ang gumawa ng dalawang Thunderstrike wood na ito. Kaso nga lang ay ang nasa akin ay ang ama, at ang anak ang nasa iyo. Kahit na madalas na mayabang ang anak, kailangan niyang magpakabait kapag nakita niya ang kanyang ama, kaya natural na mananatili itong tahimik!”Nagalit si Mr. Chardon at sinigaw, “Letse ka! Sa tingin mo ba ay hindi edukado ang isang matandang lalaki na tulad ko? Sa tingin mo ba ay maniniwala ako kalokohan
Sinigaw ni Mr. Chardon, “Halika, kidlat at kulog!” nang malakas at magarbo.Ayon sa eksena na ipininta sa isipan ni Mr. Chardon, pagkatapos ng malakas na sigaw niya, dapat ay nababalot na ng mga madilim na ulap at malabong kulog ang langit. Pagkatapos nito, isang kidlat na kasing kapal ng isang timba ang bababa sa langit, direktang tatamaan ang ulo ni Charlie.Naniniwala siya nang matatag na kahit na hindi tamaan nang direkta ng kidlat si Charlie, mawawalan siya ng kakayahan na lumaban. Sa sandaling iyon, may sampung libong paraan si Mr. Chardon para gawin siyang miserable at puwersahin siyang ibunyag ang lahat ng sikreto niya.Pero, pagkatapos isigaw ni Mr. Chardon ang ‘Halika, kidlat at kulog!’, walang madilim na ulap ang lumitaw sa langit tulad ng dati, at walang kahit anong nakabibinging kulog o kidlat.Sobrang linaw ng langit sa Aurous Hill ngayong gabi, at kasama na ang kaunting polusyon ng ilaw sa mabundok na lugar, kayang tumingala ng isang tao para makita ang buwan na hugi
Narinig niya ang isang nakabibinging tunog habang tumama ang malakas na puwersa sa mga braso niya. Ang pakiramdam na ito ay tila ba isang mabigat na tren ang sumugod sa kanya nang napakabilis.Agad naubos ng puwersa na ito ang Reiki na inipon ni Mr. Chardon sa mga braso niya! Nakaramdam din ng matalas na sakit ang mga braso niya, at pakiramdam niya na parang nabali ang mga ito.Pero, hindi pa ito ang katapusan nito. Tumalsik nang dose-dosenang metro ang katawan ni Mr. Chardon dahil sa malakas na puwersa na ito, bago niya nabalanse kahit papaano ang sarili niya.Si Mr. Chardon, na katatayo lang nang matatag, ay agad napaduwal ng dugo. Halos nawala na ang lahat ng pakiramdam sa dalawang braso niya, at ang buong dibdib niya ay tila ba nabasag habang nagkaroon siya ng malalang internal injury.Pero, hindi inaasahan ni Mr. Chardon na habang pinapatatag niya ang sarili niya, susugurin siya nang napakabilis ni Charlie!Sa kalagitnaan ng pagkabigla niya, lalaban na sana si Mr. Chardon gam