Ngumiti si Summer at sinabi, “Ah, mangyaring pumasok kayo! Pasok! Hindi ako tumira nang maraming taon sa villa na ito. Kaya, ituring niyo ito bilang sariling bahay niyo habang naglilibot kayo sa villa.”“Okay!” Tumango si Christopher bago siya pumasok ng villa kasama si Hannah. Pagkatapos, tumingin siya sa layout at interior design ng villa.Sa sandaling ito, si Shella, ang real estate agent, ay ngumiti bago sinabi, “Mr. Wilson, ang West Garden Villa ay isa sa mga unang villa complex na itinayo sa Aurous Hill. Ang mga sumusuportang pasilidad ay kumpleto, at mayroon itong mahigpit at ligtas na seguridad. Kaya, garantisado na ang kaligtasan niyo. Ang totoong living area ng villa ay four hundred seventy square meters, at sakto ito sa lahat ng hinihiling niyo…”Ang dahilan kung bakit sabik si Christopher na bilhin ang lumang villa ay dahil mas mura talaga ito. Ang normal na four hundred seventy square meters na villa sa Aurous Hill ay nasa dalawampung milyong dolyar, ngunit ang kasaluku
Sa totoo lang, kailanman ay hindi inaasahan nina Hannah at Christopher na makakasalubong nila si Elaine dito!Hindi nila maintindihan ang sitwasyon. Bakit nandito si Elaine sa villa?Kaibigan niya ba si Summer?Nainis nang kaunti si Hannah sa sandaling ito.Sa totoo lang, balak na niyang babaan nang sobra ang presyo ng villa at ipipilit na bilhin ang villa sa halagang walong milyong dolyar. Kung hindi papayag ang kabila as presyo, unti-unti niya lang tataasan ang presyo hanggang sa siyam na milyong dolyar. Kumpiyansa si Hannah na siguradong mabibili niya ang villa sa halagang siyam na milyong dolyar.Gayunpaman, hindi niya inaasahan na biglang lilitaw si Elaine at aatakihin sila sa sandaling ito!Bukod dito, palaging sobrang galang at marespeto ni Elaine sa kanya. Kaya, bakit bigla siyang naging matapang at nilait siya sa harap ng lahat ngayon? Kailan pa siya naging matapang?Inaapi na si Elaine nina Christopher at Hannah simula pa noong kinasal siya sa pamilya Wilson. Pagkatapo
Namutla si Christopher, at mabilis siyang umabante para pagalitan si Elaine. “Elaine! Itigil mo na ang pagpuna at pag-insulto sa amin! Kahit gaano kalungkot ang sitwasyon namin, mas magaling pa rin kami sa iyo. Bakit hindi mo tingnan ang sarili mong buhay? Basura ang asawa mo, basura ang manugang mo, at talagang kaawa-awa ang buong pamilya mo!”Agad lumaki ang mga mata ni Elaine, pero sumagot lang siya sa panghahamak, “Ah! Kuya, tama ka! Basura nga talaga ang asawa ko, pero anong magagawa ko? Lahat ng lalaki sa pamilya Wilson ay mga basura! Hindi ba’t alam mo na ito sa puso mo?”“Ikaw…” Kinagat ni Christopher ang kanyang ngipin sa galit.Magaling ka, Elaine. Pinapagalitan ko ang asawa mo, pero talagang dinamay mo ang asawa ko at anak dito?!Sa sandaling ito, hindi binigyan ng pagkakataon ni Elaine na magsalita si Christopher. Nilagay niya lang ang kanyang mga kamay sa kanyang baywang at sinabi nang mayabang, “Pero huwag kang mangahas na sabihing basura ang mahal kong manugang, si C
Nang makita ni Elaine na itinaas na ni Hannah ang kanyang mga kamay habag sumusugod sa kanya, agad siyang umatras habang sinabi nang malamig, “May sasabihin ako sa’yo, Hannah. Hindi mo ako kayang kalabanin, kaya mas mabuti na itabi mo na lang ang mga kamay mo!”Sa sandaling ito, sumagot nang marahas si Hannah, “Hindi ko kayang kalabanin ang mabahong babae na tulad mo?! Kung hindi ko mapupunit ang bibig mo ngayon, hindi na Queen ang magiging apelyido ko!”Suminghal si Elaine at sumagot, “Magaling makipaglaban ang mahal kong manugang, si Charlie. Naniniwala ako na hindi mo pa nakakalimutan kung paano niya kinalaban ang mga bodyguard na kinuha mo o kung paano niya tinuruan ng leksyon ang walang kwentang anak mo, si Harold, isang leksyon na hinding-hindi niya makakalimutan? Maniwala ka man o hindi, kung susubukan mo akong labanan ngayon, tatawagan ko si Charlie ngayon din. Papapuntahin ko siya dito para turuan agad kayong dalawa ng leksyon!”Nanginig si Hannah sa sandaling narinig niya
Pagkatapos, hinila ni Christopher si Hannah habang lumabas sila agad sa villa.Ang real estate agent na nakatayo sa gilid ay sumunod in nang nahihiya sa likod niya. Kahit na kinamumuhian niya rin ang dalawang customer pagkatapos pakinggan ang mga sinabi ni Elaine, wala siyang magagawa kundi sundan sila dahil palaging hari ang customer.Nang makita ni Summer na umalis silang dalawa, hindi niya maiwasang magbuntong hininga at sabihin, “Sister Elaine, talagang kakaib ang mga kamag-anak mo. Tinrato ba nila akong tanga? Nangahas talaga siya na bilhin ang villa sa halagang walong milyong dolyar…”Ngumiti si Elaine bago siya sumagot, “Malapit na sila ma-bankrupt. Sa totoo lang, mga mahirap lang sila na walang pera. Sa tingin ko ay hindi rin nila ito mabibili kahit na pinangako mo na ibenta ang villa sa halagang walong milyong dolyar!”Tumango si Summer at sinabi, “Nakakabigo talaga. Huwag na natin silang pansinin at ipagpatuloy na natin ang paglalaro ng mahjong!”***Nagsimulang magmura
Hindi alam ni Elaine na binabalak na nina Christopher at Hannah na nakawin ang mga pera niya at ang marangyang villa sa Thompson First na pagmamay-ari ng kanyang manugang, si Charlie.Patuloy siyang naglaro ng mahjong sa villa ni Summer kasama ang mga kaibigan niya hanggang gabi, hindi man lang nag-abala na umuwi para maghapunan. Umorder na lang ang apat na babae ng KFC. Hawak-hawak nila ang bucket habang kinakain nila ang chicken drumstick at naglalaro ng mahjong. Hindi nila mapigilang ngumiti habang hawak-hawak nila ang mga mahjong tiles.Tapos na maghanda ng hapunan si Charlie at kumakain na nang masaya kasama ang kanyang asawa at biyenan na lalaki sa sandaling ito. Hindi maiwasang magreklamo ni Claire nang makita niya na wala pa sa bahay ang kanyang ina. Pagkatapos, sinabi ni Claire, “Pa! Pwede bang kontrolin mo na si mama paminsan-minsan? Dapat sinusubukan mong pigilan siyang maglaro ng mahjong at magsugal!”“Kontrolin siya?” Suminghal si Jacob at sinabi, “Wala akong abilidad n
Gayunpaman, sayang at sa maling paraan niya ito ginawa. Iyon ang dahilan kung bakit tinatawag na hayop ng lahat ang tapat na anak na ito.Pagkatapos ng dalawang araw ng pagpapalaganap ng balita, ang pagkamatay ni Maso Kobayashi, ang chairman ng Kobayashi Pharma, ay kumuha ng maraming atensyon sa Japan.Sa ilalim ng masiglang propaganda na ginawa ng pangalawang anak ni Masao, si Jiro, biglang naging punong salarin si Ichiro na nilason at pinatay ang sarili niyang ama upang kunin ang posisyon ng ama niya bilang chairman ng Kobayashi Pharma.Sa sandaling ito, pinapagalitan ng buong Japan si Ichiro, dahil inisip nila na siya talaga ang pinaka masamang anak sa Japan. Binigyan pa siya ng palayaw ng mga tao na ‘ang kahihiyan ng Japan’!Sa parehong oras, tinaasan ni Jiro ang pabuya sa kanyang kapatid, sa ulo ni Ichiro mula sa 1 bilyon yen at ginawang 3 bilyong yen.Gusto niyang maging chairman ng Kobayashi Pharma sa lalong madaling panahon. Kaya, wala siyang magagawa kundi siguraduhin na
Talagang kinamumuhian nang sobra ni Jiro si Charlie.Gayunpaman, hindi siya nangahas na kalabanin si Charlie.Kaya, tumawad na lang siya kay Albert.Sobrang banal din ng tono niya. “Don Albert, maaari mo bang sabihin kay Mr. Wade ang mensahe ko? Mayroong dalawa o tatlong bilyong dolyar na lang sa bank account ng Kobayashi Pharma, at marami pang hindi nagbabayad sa mga umutang sa amin. May utang din kaming ilang bilyong dolyar sa banko. Talagang nahihirapan kami ngayon!Sumagot si Albert, “Palaging seryoso si Mr. Wade sa mga sinasabi niya. Kaya, huwag mong isipin na pwede kang tumawad kay Mr. Wade kahit kailan mo gusto!”Nagmakaawa si Jiro, “Don Albert, talagang nahihirapan ako ngayon. Bakit hindi na lang natin ito gawin? Sabihin mo kay Mr. Wade na bigyan ako ng dalawang buwan. Siguradong ibabadala ko ang pera sa kanya sa pagkatapos ng dalawang buwan. Pero, sa loob ng dalawang buwan na ito, dapat niyang siguraduhin na walang sasabihin ang kapatid ko at hindi magpapakita sa publiko,
Mabilis na pinindot ni Ruby ang answer button at sinabi nang magalang, “Hello, British Lord!”Nagsalita ang British Lord sa medyo marahan na tono sa kabilang dulo ng linya at sinabi, “Ruby, nasaan ka ngayon?”Kumunot ang noo ni Ruby. Alam niya na kapag dala-dala niya ang cellphone ng British Lord, kaya niya siyang tawagan sa kahit anong oras, dalawampu’t apat na oras, at siguradong alam niya ang lokasyon niya. Pero, kahit na alam niya ang lokasyon niya, dumaan pa rin ang British Lord sa pormalidad na magsimula ng isang kaswal na pag-uusap sa kanya. Mukhang gusto niyang mapalapit sa kanya.Nang maisip ito, sinabi nang magalang ni Ruby, “Sa ngayon ay nasa Far East pa rin ako.”Humuni ang British Lord bilang sagot at tinanong siya, “Nakahanap ka ba ng kahit anong bakas sa Far East na kaugnay kay Vera?”Mabilis na sumagot si Ruby, “British Lord, hindi sapat ang kakayahan ko at hindi pa ako nakakahanap ng kahit anong impormasyon na kaugnay kay Vera.”Ngumiti ang British Lord at sinabi
Alam ni Mr. Chardon na hindi na niya pwede pang suwayin ang mga utos nang walang angkop na dahilan dahil sinuway na niya ang mga utos dati at inantala ang pagpunta niya sa Aurous Hill.Ang ibig sabihin ng hindi pagsuway sa utos ay kailangan niyang pumunta agad sa Willow Manor at patayin ang mga miyembro ng pamilya Acker na natutulog, kasama na ang lahat ng pumoprotekta sa kanila. Siguradong magugulat ang buong mundo sa isang napakalaking operasyon.Madaling mahulaan na bilang lugar ng pangyayari, siguradong magkakaroon ng martial law ang Aurous Hill. Kung mangyayari iyon, paano niya masusundan ang mga bakas ni Zachary at ng boss niya?Kaya, ang pinakamagandang paraan para antalain ang operasyon ay kusang sabihin ang tungkol sa mahiwagang instrumento. Dahil, hindi lang mahalaga sa kanya ang mahiwagang instrumento, ngunit mahalaga rin ito sa British Lord.Naisip ni Mr. Chardon na itago ang Thunder Order na kayang magtawag ng kidlat, nilabas ang jade ring, at ginamit ito para hikayati
Sa kalagitnaan ng pag-iisip, bigla siyang nakatanggap ng online call mula sa British Lord. Nagbago sa sorpresa ang ekspresyon niya, at mabilis niyang sinagot ang tawag, sinabi nang magalang, “Hello, British Lord.”Sa kabilang dulo ng tawag, tinanong nang mahigpit ng malamig na boses, “Mr. Chardon, kailan ka dumating sa Aurous Hill?”Sumagot nang nagmamadali si Mr. Chardon, “British Lord, dumating ako sa Aurous Hill kaninang umaga.”Nagpatuloy ang British Lord, “Gabi na siguro diyan. Mahigit labinlimang oras ka na nasa Aurous Hill, kaya bakit hindi mo pa pinapatay ang mga Acker?”Tumibok nang malakas ang puso ni Mr. Chardon, at sinabi niya, “British Lord, kadarating ko lang sa Aurous Hill ngayong araw at hindi pa ako pamilyar sa kapaligiran…”Idiniin ng British Lord, “Hindi ba’t sinabi ko na sayo na nakatira sa villa ng Willow Manor ang mga Acker? Kailangan mo lang pumunta sa Willow Manor ng gabi at patayin silang lahat para maiwasan ang kahit anong problema sa hinaharap. Simpleng
Hindi katagalan, huminto ang Rolls-Royce na minamaneho ni Madam Marilyn sa loob ng courtyard ng Scarlet Pinnacle Manor.Si Vera na ang nagbukas ng pinto nang hindi hinihintay si Madam Marilyn, lumabas sa kotse, at naglakad papunta sa top-floor na courtyard niya. Nang hindi lumilingon, sinabi niya, “Madam Marilyn, simula ngayong araw, hindi ako aalis sa bahay. Ilagay mo lang ang tatlong pagkain ko sa labas ng pinto ng courtyard, kumatok, at maaari ka nang umalis.”Nasorpresa si Madam Marilyn. Naintindihan niya na ayaw sumali ni Vera sa orientation, pero hindi niya maintindihan kung bakit gustong manatili ni Vera sa loob nang hindi umaalis sa bahay.Bilang isang kasambahay, alam niya na mas mabuting huwag magtanong ng mga hindi kailangan na tanong, kaya sinabi niya nang walang pag-aatubili, “Okay, Miss Lavor, naiintindihan ko! May mga espesyal na hiling ka ba para sa mga pagkain mo?”Sumagot nang kaswal si Vera, “Ayos lang ang kahit ano. Ikaw na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sa
Natatakot siya na konektado kay Charlie ang kulog kanina lang, kaya patuloy niyang binulong, “Sagutin mo nang mabilis ang tawag… Sagutin mo nang mabilis ang tawag…”Makalipas ang ilang sandali, kumonekta ang tawag, at narinig ang boses ni Charlie, “Veron, may kailangan ka ba?”Nang marinig ang boses ni Charlie, agad huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nagmamadali, “Charlie, nagpapasalamat ako para sa nangyari dati, kaya gusto kitang tanungin kung kailan ka libre. Gusto kitang imbitahin na kumain.”Humagikgik si Charlie, “Pag-usapan natin ito pagkatapos ng orientation mo. Sa ngayon, manatili ka lang sa school at huwag kang pumunta kahit saan.”Habang nagsasalita siya, may naalala si Charlie at tinanong siya, “Siya nga pala, nasa kalagitnaan ka pa rin dapat ng orientation mo, tama? Paano ka nagkaroon ng oras na tawagan ako?”Sadyang nagsinungaling si Vera, “Biglang kumulog kanina lang, at para bang uulan. Kaya, sinabihan kami ng instructor na magpahinga at suriin ang panahon
Samantala, sa Aurous University, libo-libong freshman mula sa iba’t ibang departamento ang nahati sa iba’t ibang pormasyon sa field para sa 14-day orientation.Ngayong araw pa lang ang simula, at maraming freshmen ang hindi sanay sa mahigpit na quasi-military orientation. Mahirap na nga tiisin ang sobrang init na araw, at dahil sa mahabang manggas na camouflage uniform at tuloy-tuloy na paglalakad, parang pinahihirapan nang sobra ang mga freshmen.Isang nakabibinging tunog ang biglang narinig sa timog-kanluran, nagulat ang lahat ng estudyante. Palihim na nagsasaya ang mga estudyante habang nakatingin sa mga madilim na ulap sa timog-kanluran, umaasa sila na biglang uulan.Karamihan ng mga estudyante ay inisip na kung biglang uulan, marahil ay masusupende ang orientation. Kung gano’n, sa wakas ay makakahinga na nang maluwag ang lahat. Kahit na hindi masuspende ang orientation, mas komportable na magsanay sa ulan kaysa tiisin ang mainit na araw.Kaya, halos lahat ng estudyante ay sa
Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau
Habang papunta si Mr. Chardon sa Mount Phoenix, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Zachary. Sa mensahe, isang pangungusap lang ang sinulat ni Zachary: ‘Bagong store ang magbubukas sa susunod na buwan.’Nang makita ito, sumagot agad si Charlie ng isang thumbs-up na emoji.Ito ang code na pinagkasunduan nila. ‘Bagong store na magbubukas’ ay isang balbal sa tomb raiding industry na ang ibig sabihin ay may bagong libingan na huhukayin. Ayon sa kasunduan nila, kapag nabenta ang Thunder Order, ipapadala ni Zachary ang code na ito kay Charlie.Ang dahilan sa paggamit ng ganitong code ay bilang isang pag-iingat. Kung makikita ito ng may masamang hangarin, iisipin nila na dalawang tomb robber lang ito na nagpaplano ng bagong operasyon, hindi ito konektado sa ibang bagay.Nang matanggap ang mensahe, alam ni Charlie na nabenta na ang Thunder Oder, kaya tinawagan niya agad si Isaac. Makalipas ang sampung minuto, nagpadala si Isaac ng ilang video clip kay Charlie.Ang mga vi
Nang makita ni Zachary na sobrang ingat ni Mr. Chardon, alam niya na hindi ito mapipilit at hindi dapat ito madaliin. Kaya, tinapik niya ang kanyang dibdib at sinabi, “Okay, Sir, pwede kang pumunta ulit bukas ng umaga at tumingin.”Lumapit si Mr. Chardon at sadyang hininaan ang boses niya, sinasabi, “Boss, paano kung ganito? Babayaran kita ng 200 thousand US dollars nang maaga. Kung may kahit anong bago, itabi mo muna ito para sa akin sa halip na i-display ito para hindi ito makuha ng iba. Mas mabuti kung magugustuhan ko ito pagkatapos ko itong makita, kung hindi, pwede mo na itong ibenta sa iba. Ano sa tingin mo?”Nag-isip saglit si Zachary, pagkatapos ay tumingin at sinabi, “Okay, hindi na ako mag-aalangan dahil direkta ka. Gagawin natin ang sinabi mo.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Nilabas niya ulit ang kanyang cellphone at nagpadala pa ng 200 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Gumastos ng 1.5 million US dollars si Mr. Chardon, pero hindi siya nabalisa. Sa kabaliktara