Talagang kinamumuhian nang sobra ni Jiro si Charlie.Gayunpaman, hindi siya nangahas na kalabanin si Charlie.Kaya, tumawad na lang siya kay Albert.Sobrang banal din ng tono niya. “Don Albert, maaari mo bang sabihin kay Mr. Wade ang mensahe ko? Mayroong dalawa o tatlong bilyong dolyar na lang sa bank account ng Kobayashi Pharma, at marami pang hindi nagbabayad sa mga umutang sa amin. May utang din kaming ilang bilyong dolyar sa banko. Talagang nahihirapan kami ngayon!Sumagot si Albert, “Palaging seryoso si Mr. Wade sa mga sinasabi niya. Kaya, huwag mong isipin na pwede kang tumawad kay Mr. Wade kahit kailan mo gusto!”Nagmakaawa si Jiro, “Don Albert, talagang nahihirapan ako ngayon. Bakit hindi na lang natin ito gawin? Sabihin mo kay Mr. Wade na bigyan ako ng dalawang buwan. Siguradong ibabadala ko ang pera sa kanya sa pagkatapos ng dalawang buwan. Pero, sa loob ng dalawang buwan na ito, dapat niyang siguraduhin na walang sasabihin ang kapatid ko at hindi magpapakita sa publiko,
Tinanong nang nagmamadali ni Albert, “Gusto mo bang patayin ko na si Ichiro ngayon? Dapat ko bang kuhanan ng video para makita ni Jiro?”Sumagot si Charlie, “Gusto kong itago mo si Ichiro at humanap ka ng taong kayang gumawa ng special video effects. Gusto kong kuhanan mo ang pagbaril sa ulo ni Ichiro at ipadala ang video kay Jiro pagkatapos gamitan ng ilang special effects para siguraduhin na maniniwala si Jiro na patay na ang kapatid niya.Tinanong sa sorpresa ni Albert, “Mr. Wade, sinusubukan mo bang iligtas ng buhay ni Ichiro?”Sumagot si charlie, “Oo, sa tingin ko ay pwede nating magamit si Ichiro balang araw. Marahil ay magagamit ko pa siya para makuha ang Kobayashi Pharma sa hinaharap. Masyado kong pagbibiyan si Jiro kung papatayin ko si Ichiro para sa kanya, a halagang isang bilyon lang.”Pagkatapos, nagsalita ulit si Charlie, “At saka, huwag mo dapat isipin ang tungkol sa moral o kredibilidad mo pagdating sa bagay na ito. Dahil, wala taong utang sa Japanese. Sa kabaliktara
Hindi talaga maintindihan ni Reuben kung bakit nirerespeto nang sobra ng lolo niya si Charlie.Itinuturing na isang Diyos ni Lord Moore si Charlie. Ang dahilan niya ay katulad ng dahilan ni Anthony kung bakit niya nirerespeto nang sobra si Charlie. Silang dalawa ay mga matandang lalaki na malapit nang mamatay. Kapag mas lalo nilang alam ang kahihinatnan nila, mas lalo silang natatakot.Gayunpaman, wala pa nga sa tatlumpung taon si Reuben, at kung may magsasabi sa kanya na mabubuhay pa siya ng limang taon pagkatapos gamitin ang mahiwagang tableta, madali niya itong ibabasura. Sa kabaliktaran, para sa isang matandang lalaki na malapit nang mamatay, kapag may nagsabi sa kanya na kaya niya pang mabuhay ng limang taon, isa itong milagro na talagang maikukumpara sa kamay ng Diyos.Medyo naiintindihan ni Jasmine ang iniisip ng kanyang lolo. Dahil, hindi tulad ni Reuben, mayroon din siyang mahiwagang tableta na binigay ni Charlie. Tinatago niya ang mahiwagang tableta sa kanyang kotse, at an
Sa sandaling ito, tinanong ni Jasmine, “Lolo, dapat ba kaming magdala ng regalo?”Sumagot si Lord Moore, “May nagbigay sa akin ng isang piraso ng cold jade ilang taon na ang nakalipas. May epekto ito na pakalmahin ang isipan at bigyan kapayapaan ang may-ari. Gusto kong ibigay mo ito kay Donald at sabihin mo sa kanya na para sa anak niya ito. Kahit na may maliit na epekto lang ito, mas maganda na ito kaysa wala.”Tumango si Jasmine at sinabi, “Sige, lolo. Naiintindihan ko.”Sa sandaling iyon, tumayo si Lord Moore at sinabi, “Jasmine, gusto kong sumama ka sa akin.”“Sige, lolo.” Tumayo si Jasmine nang hindi nag-aatubili at nagmamadaling sinundan ang kanyang lolo sa kanyang study room.Nang pumasok sila sa kwarto, umupo si Lorod Moore sa upuan bago niya tinanong si Jasmine, “Jasmine, gusto kitang tanungin kung may progreso na ba kayo ni Mr. Wade?”Namula si Jasmine sa sandaling narinig niya ang sinabi ng kanyang lolo. “Lolo, ako… ako… iyan…”Ngumiti si Lord Moore nang makita niya a
Hindi matagal, nagmaneho na si Reuben kasama si Jasmine palabas ng bahay, at dumiretso sila sa Castle Peak Psychiatric Hospital sa labas ng lungsod.Sa loob ng Castle Peak Psychiatric Hospital, katatapos lang pakainin ng mga nurse si Kian, na nagiging baliw na sa puntong ito.Sa wakas ay bumalik na ang diwa ni Kian pagkatapos siyang pakainin, at pinunasan nila ang kanyang bibig, nilinis ang kanyang bibig, at nilinis ang kanyang tiyan. Mayroong sobrang kontentong ekspresyon sa mukha ni Kian habang nakahiga siya sa kama at nakatali ang mga kamay at paa niya.Pinigilan ng ilang nurse ang pagsuka nila habang lumabas sila ng intensive care unit papunta sa family resting room sa labas dala-dala ang isang palanggana na puno ng dumi na nilinis nila sa tiyan ni Kian.Sa sandaling ito, ang ama ni Kian, si Donald, at ang kapatid niya, si Sean, ay nakaupo sa sofa nang walang ekspresyon sa kanilang mga mukha.Pagkatapos lumabas ng intensive care unit, binati sila nang magalang ng isa sa mga nu
Nakahiga si Kian sa kama na may luha sa mga mata niya habang tahimik na nakatingin sa labas ng bintana. Naaamoy niya ang malakas na baho sa kanyang hininga sa tuwing humihinga siya, at sobrang nandidiri siya sa sarili niya.“Kian.”Nang makita niya ang sira at mapanglaw na ekspresyon sa mukha ng kanyang anak, hindi maiwasang mabalisa ni Donald.Hindi tumingin si Kian sa kanya, sa halip, patuloy lang siyang tumingin sa labas ng bintana habang nabulunan siya at sinabi, “Pa, bakit hindi mo na lang ako hayaang mamatay? Talagang malapit na akong mabaliw dahil gumagawa ako ng isang bagay na sobrang nakakadiri kada oras…”Umabante nang nagmamadali si Donald habang hinawakan niya ang kamay ng kanyang anak at sinabi, “Mabuti kong anak, kailangan mong tandaan na mas mabuting mabuhay ka kaysa mamatay!”Naiyak si Kian at sinabi, “Pero, sino pa ba ang may mas miserableng buhay sa akin? Kung kailangan kong mabuhay nang ganito sa buong buhay ko, mas gugustuhin ko na mamatay na lang ngayon…”Lab
Kalalabas pa lang nina Donald at ng kanyang anak, si Sean, sa intensive care unit nang dinala ng nurse sina Reuben at Jasmine sa family waiting room.Nakita agad ni Sean ang balingkinitan at kaakit-akit na si Jasmine sa isang tingin. Nagulantang siya sa isang saglit at bumalik lang sa diwa pagkatapos ng ilang segundo.Nasorpresa rin nang kaunti si Donald nang makita niya si Jasmine.Siya ang nakakatanda ni Jasmine, kaya wala siyang masyadong ugnayan kay Jasmine. Ilang taon na silang hindi nagkita, pero sas hindi inaasahan, naging mas maganda at kaakit-akit ang dalaga na ito kaysa dati. Hindi siya matatalo ng mga malalaking artista!Sa sandaling ito, mabilis na umabante si Reuben habang nagsalita siya nang sobrang galang, “Hello, Tito Webb. Ako sa Reuben mula sa pamilya Moore, at ito ang pinsan ko, si Jasmine. Narinig ng lolo ko na nandito ka sa Aurous Hill, kaya gusto niyang papuntahin kami upang bisitahin ka.”Nagpatuloy si Reuben, “Sa ngayon ay wala pa ang ama ko sa Aurous Hill
Kung magtutulungan ang pamilya pagkatapos ng kasal, marahil ay magkakaroon pa sila ng pagkakataon na pangunahan at kontrolin ang buong South Region.Nang maisip niya ito, sinadya niyang ngumiti at tinanong, “Jasmine, sobrang galing mo at maganda. Kaya, hindi ko mapigilang isipin kung kasal ka na ba?”Mabilis na sumagot si Jasmine, “Tito Webb, nagbibiro ka ata. Kung magpapakasal ako, siguradong sinabihan ka na ng lolo ko at inimbita ka na pumunta sa handaan ng kasal ko para mag-inuman!"Ngumiti si Donald habang tumango siya nang bahagya. Sobrang talino ng babaeng ito, at alam niya kung ano ang dapat sabihin.Pagkatapos, tinanong niya ulit, “Kung gano’n, Jasmine, may boyfriend ka ba ngayon? Kung mayroon, maaari ko bang malaman kung saang pamilya siya galing?”Sa sandaling narinig ni Sean ang tanong ng kanyang ama, nagmadali siyang tumingin kay Jasmine habang may nag-aalalang ekspresyon sa kanyang mukha habang hinihintay niyang sumagot si Jasmine.Naisip agad ni Jasmine si Charlie s
Mabilis na pinindot ni Ruby ang answer button at sinabi nang magalang, “Hello, British Lord!”Nagsalita ang British Lord sa medyo marahan na tono sa kabilang dulo ng linya at sinabi, “Ruby, nasaan ka ngayon?”Kumunot ang noo ni Ruby. Alam niya na kapag dala-dala niya ang cellphone ng British Lord, kaya niya siyang tawagan sa kahit anong oras, dalawampu’t apat na oras, at siguradong alam niya ang lokasyon niya. Pero, kahit na alam niya ang lokasyon niya, dumaan pa rin ang British Lord sa pormalidad na magsimula ng isang kaswal na pag-uusap sa kanya. Mukhang gusto niyang mapalapit sa kanya.Nang maisip ito, sinabi nang magalang ni Ruby, “Sa ngayon ay nasa Far East pa rin ako.”Humuni ang British Lord bilang sagot at tinanong siya, “Nakahanap ka ba ng kahit anong bakas sa Far East na kaugnay kay Vera?”Mabilis na sumagot si Ruby, “British Lord, hindi sapat ang kakayahan ko at hindi pa ako nakakahanap ng kahit anong impormasyon na kaugnay kay Vera.”Ngumiti ang British Lord at sinabi
Alam ni Mr. Chardon na hindi na niya pwede pang suwayin ang mga utos nang walang angkop na dahilan dahil sinuway na niya ang mga utos dati at inantala ang pagpunta niya sa Aurous Hill.Ang ibig sabihin ng hindi pagsuway sa utos ay kailangan niyang pumunta agad sa Willow Manor at patayin ang mga miyembro ng pamilya Acker na natutulog, kasama na ang lahat ng pumoprotekta sa kanila. Siguradong magugulat ang buong mundo sa isang napakalaking operasyon.Madaling mahulaan na bilang lugar ng pangyayari, siguradong magkakaroon ng martial law ang Aurous Hill. Kung mangyayari iyon, paano niya masusundan ang mga bakas ni Zachary at ng boss niya?Kaya, ang pinakamagandang paraan para antalain ang operasyon ay kusang sabihin ang tungkol sa mahiwagang instrumento. Dahil, hindi lang mahalaga sa kanya ang mahiwagang instrumento, ngunit mahalaga rin ito sa British Lord.Naisip ni Mr. Chardon na itago ang Thunder Order na kayang magtawag ng kidlat, nilabas ang jade ring, at ginamit ito para hikayati
Sa kalagitnaan ng pag-iisip, bigla siyang nakatanggap ng online call mula sa British Lord. Nagbago sa sorpresa ang ekspresyon niya, at mabilis niyang sinagot ang tawag, sinabi nang magalang, “Hello, British Lord.”Sa kabilang dulo ng tawag, tinanong nang mahigpit ng malamig na boses, “Mr. Chardon, kailan ka dumating sa Aurous Hill?”Sumagot nang nagmamadali si Mr. Chardon, “British Lord, dumating ako sa Aurous Hill kaninang umaga.”Nagpatuloy ang British Lord, “Gabi na siguro diyan. Mahigit labinlimang oras ka na nasa Aurous Hill, kaya bakit hindi mo pa pinapatay ang mga Acker?”Tumibok nang malakas ang puso ni Mr. Chardon, at sinabi niya, “British Lord, kadarating ko lang sa Aurous Hill ngayong araw at hindi pa ako pamilyar sa kapaligiran…”Idiniin ng British Lord, “Hindi ba’t sinabi ko na sayo na nakatira sa villa ng Willow Manor ang mga Acker? Kailangan mo lang pumunta sa Willow Manor ng gabi at patayin silang lahat para maiwasan ang kahit anong problema sa hinaharap. Simpleng
Hindi katagalan, huminto ang Rolls-Royce na minamaneho ni Madam Marilyn sa loob ng courtyard ng Scarlet Pinnacle Manor.Si Vera na ang nagbukas ng pinto nang hindi hinihintay si Madam Marilyn, lumabas sa kotse, at naglakad papunta sa top-floor na courtyard niya. Nang hindi lumilingon, sinabi niya, “Madam Marilyn, simula ngayong araw, hindi ako aalis sa bahay. Ilagay mo lang ang tatlong pagkain ko sa labas ng pinto ng courtyard, kumatok, at maaari ka nang umalis.”Nasorpresa si Madam Marilyn. Naintindihan niya na ayaw sumali ni Vera sa orientation, pero hindi niya maintindihan kung bakit gustong manatili ni Vera sa loob nang hindi umaalis sa bahay.Bilang isang kasambahay, alam niya na mas mabuting huwag magtanong ng mga hindi kailangan na tanong, kaya sinabi niya nang walang pag-aatubili, “Okay, Miss Lavor, naiintindihan ko! May mga espesyal na hiling ka ba para sa mga pagkain mo?”Sumagot nang kaswal si Vera, “Ayos lang ang kahit ano. Ikaw na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sa
Natatakot siya na konektado kay Charlie ang kulog kanina lang, kaya patuloy niyang binulong, “Sagutin mo nang mabilis ang tawag… Sagutin mo nang mabilis ang tawag…”Makalipas ang ilang sandali, kumonekta ang tawag, at narinig ang boses ni Charlie, “Veron, may kailangan ka ba?”Nang marinig ang boses ni Charlie, agad huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nagmamadali, “Charlie, nagpapasalamat ako para sa nangyari dati, kaya gusto kitang tanungin kung kailan ka libre. Gusto kitang imbitahin na kumain.”Humagikgik si Charlie, “Pag-usapan natin ito pagkatapos ng orientation mo. Sa ngayon, manatili ka lang sa school at huwag kang pumunta kahit saan.”Habang nagsasalita siya, may naalala si Charlie at tinanong siya, “Siya nga pala, nasa kalagitnaan ka pa rin dapat ng orientation mo, tama? Paano ka nagkaroon ng oras na tawagan ako?”Sadyang nagsinungaling si Vera, “Biglang kumulog kanina lang, at para bang uulan. Kaya, sinabihan kami ng instructor na magpahinga at suriin ang panahon
Samantala, sa Aurous University, libo-libong freshman mula sa iba’t ibang departamento ang nahati sa iba’t ibang pormasyon sa field para sa 14-day orientation.Ngayong araw pa lang ang simula, at maraming freshmen ang hindi sanay sa mahigpit na quasi-military orientation. Mahirap na nga tiisin ang sobrang init na araw, at dahil sa mahabang manggas na camouflage uniform at tuloy-tuloy na paglalakad, parang pinahihirapan nang sobra ang mga freshmen.Isang nakabibinging tunog ang biglang narinig sa timog-kanluran, nagulat ang lahat ng estudyante. Palihim na nagsasaya ang mga estudyante habang nakatingin sa mga madilim na ulap sa timog-kanluran, umaasa sila na biglang uulan.Karamihan ng mga estudyante ay inisip na kung biglang uulan, marahil ay masusupende ang orientation. Kung gano’n, sa wakas ay makakahinga na nang maluwag ang lahat. Kahit na hindi masuspende ang orientation, mas komportable na magsanay sa ulan kaysa tiisin ang mainit na araw.Kaya, halos lahat ng estudyante ay sa
Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau
Habang papunta si Mr. Chardon sa Mount Phoenix, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Zachary. Sa mensahe, isang pangungusap lang ang sinulat ni Zachary: ‘Bagong store ang magbubukas sa susunod na buwan.’Nang makita ito, sumagot agad si Charlie ng isang thumbs-up na emoji.Ito ang code na pinagkasunduan nila. ‘Bagong store na magbubukas’ ay isang balbal sa tomb raiding industry na ang ibig sabihin ay may bagong libingan na huhukayin. Ayon sa kasunduan nila, kapag nabenta ang Thunder Order, ipapadala ni Zachary ang code na ito kay Charlie.Ang dahilan sa paggamit ng ganitong code ay bilang isang pag-iingat. Kung makikita ito ng may masamang hangarin, iisipin nila na dalawang tomb robber lang ito na nagpaplano ng bagong operasyon, hindi ito konektado sa ibang bagay.Nang matanggap ang mensahe, alam ni Charlie na nabenta na ang Thunder Oder, kaya tinawagan niya agad si Isaac. Makalipas ang sampung minuto, nagpadala si Isaac ng ilang video clip kay Charlie.Ang mga vi
Nang makita ni Zachary na sobrang ingat ni Mr. Chardon, alam niya na hindi ito mapipilit at hindi dapat ito madaliin. Kaya, tinapik niya ang kanyang dibdib at sinabi, “Okay, Sir, pwede kang pumunta ulit bukas ng umaga at tumingin.”Lumapit si Mr. Chardon at sadyang hininaan ang boses niya, sinasabi, “Boss, paano kung ganito? Babayaran kita ng 200 thousand US dollars nang maaga. Kung may kahit anong bago, itabi mo muna ito para sa akin sa halip na i-display ito para hindi ito makuha ng iba. Mas mabuti kung magugustuhan ko ito pagkatapos ko itong makita, kung hindi, pwede mo na itong ibenta sa iba. Ano sa tingin mo?”Nag-isip saglit si Zachary, pagkatapos ay tumingin at sinabi, “Okay, hindi na ako mag-aalangan dahil direkta ka. Gagawin natin ang sinabi mo.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Nilabas niya ulit ang kanyang cellphone at nagpadala pa ng 200 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Gumastos ng 1.5 million US dollars si Mr. Chardon, pero hindi siya nabalisa. Sa kabaliktara