Tumango si Charlie at sinabi nang payak, “Tumayo ka. Ayusin mo ang negosyo ng pamilya Weaver at pamahalaan mo ito nang mabuti. Baka kailanganin ko ng tulong mo sa hinaharap.”“Opo, Master Wade, palagi kong susundin ang utos mo!”Para kay Liam, nakumpleto na ang buhay niya ngayon. Kaya, dalawa na lang ang nasa isip niya ngayon.Una, ibabalik niya ang pabor rni Charlie sa kahit anong paraan.Pangalawa, hindi siya magiging isa pang Jordan Weaver!Tinapik ni Charlie ang balikat ni Liam at sinabi nang kalmado, “Galingan mo sa negosyo mo, pasayahin mo ang ina mo!”Tumango si Liam nang paulit-ulit habang dumadaloy ang mga luha niya na parang ilog.Sinabi ni Charlie kina Anthony at Xyla, “Okay, maayos na ang lahat ngayon. Umalis na tayo.”Sumulyap si Xyla kay Charlie na tila ba nakatingin siya sa diyos sa langit.Hindi niya alam na kayang maging sobrang kaakit-akit at makarisma ng isang lalaki. Ang ugali at aura na mayroon siya nang pinaalis niya sina Jordan at Jeffrey sa bahay ay tal
Talagang maituturing na mahimalang gamot ang Rejuvenating Pill sa mga ordinaryong tao. Kaya nitong pabatain ang mga tao at pahabain pa ang kanilang buhay.Gayunpaman, para kay Charlie, ang pill na ito ay isa lang sa mga mababang antas na medisina na nakatala sa Apocalyptic Book, ang ibig sabihin ay hindi ito masyadong mahiwaga.Gumawa si Charlie ng tatlumpung pill ngayon. Nagtabi siya ng ilan para sa kanya bilang suplemento at tinabi ang iba bilang pabuya sa mga masunurin at matino.Kahit na nirerespeto nang sobra si Anthony sa Chinese medicine division, sa mga mata ni Charlie, isa lang siyang disipulo niya.Tapat si Anthony at buong pusong sumasama sa kanya at binabalik ang pabor niya. Hindi siya masyadong nakakatulong madalas, pero tapat siya, kaya magandang pabuya ang pill na ito.Habang binigay niya ang pill kay Anthony, sinabi niya, “Huwag mong itago ito, gamitin mo ito ngayong gabi at magpahinga ka nang mabuti.”Pinigilan ni Anthony ang pagkasabik niya at sinabi, “Okay, sal
Nang dumating si Kenneth sa bahay ng pamilya Wilson, nagmadali si Wendy at binati siya nang masaya, “Kenneth, sa wakas ay nakauwi ka na. Naayos ka ba ng pamilya Weaver?”Sinabi ni Kenneth sa inis, “Hindi nila ako maayos, sa huli, hiniling nila kay Charlie na gamutin ako.”“Charlie? Si Charlie Wade?” Tinanong ni Wendy sa sorpresa, “Ginamot ka ba niya?”Nagbuntong hininga si Kenneth, “Oo, pero ang necrosis lang, hindi pa rin ito magagamit…”Sinabi ni Wendy nang galit, “Kung gano’n, hindi mo dapat pinakawalan nang madali ang pamilya Weaver, lalo na si Jeffrey! Siya ang nagloko sa’yo na gamitin ang pangit na medisina nila at pinagdusa ka talaga. Kailangan mong pahanapin sila ng paraan para magamot ka kahit anong mangyari!”Malamig ang ekspresyon ni Kenneth. “Pinakawalan ko ang pamilya Weaver dahil kay Charie, pero kapag bumalik ako sa Eastcliff, hahabulin ko ang pamilya Weaver tungkol dito!”Nagulantang si Wendy. “Ken… Kenneth, babalik ka ba sa Eastcliff?”Sumulyap si Kenneth kay We
Hindi tinanggap ni Kenneth sila Lady Wilson at ang buong pamilya niya, kaya wala siyang pakialam sa nasisirang katayuan nila.Sa ngayon, ang naiisip niya na lang ay bumalik sa Eastcliff sa lalong madaling panahon, pagkatapos ay bibistiahin niya ang pinakamagaling na doktor sa siyudad para gamutin ang kanyang pagiging impotent.Umabante si Lady Wilson upang magmakaawa ulit, pero tinulak siya palayo ni Kenneth nang naiirita at sinabi, “Tama na, kailangan ko nang mag-impake. Tapos na ang usapan.”Namutla ang mukha ni Lady Wilson. “Hindi, Kenneth, hindi mo kaming pwedeng iwan lang nang ganito. Alam mo kung ano ang sitwasyon namin ngayon. Kung wala ang tulong mo, magiging bankrupt kami…”Pagkatapos, kumindat siya kay Wendy.Kumapit si Wendy sa braso ni Kenneth at nagmakaawa, “Kenneth, tama si Lola. Bukod dito, hindi ba’t sinabi mo na mag-iinvest ka ng walumpung milyong dolyar sa kumpanya namin? Sampung milyon pa lang ang binigay mo sa amin, hindi ito sapat para lutasin ang peligro nami
Hindi masaya si Lady Wilson.Anong gagawin niya? Ano pang magagawa niya?Wala ibang mapagkakakitaan ang pamilya Wilson, baon sila sa utang, at matagal nang nasira ang capital chains nila. Ang tanging paraan lang para makatakas sa problemang ito ay humanap ng mga investor, kung hindi, babagsak na sila.Pero si Kenneth, na tutulong dapat sa kanila, ay umalis na rin. Sino pang mahahanap nila ngayon?Nagbuntong hininga si Lady Wilson at sinabi, “Sa ngayon, ‘wag muna tayong magpadalus-dalos.”Biglang lumiwanag ang mga mata niya na tila ba may pumasok sa isip niya. Tumingin siya kay Wendy at sinabi, “Wendy, hindi ba’t binigay ka ni Kenneth kay Jeffrey Weaver? Kahit na hindi kasing yaman ni Kenneth, nasa isa o dalawang bilyon pa rin ang kayamanan nila! Bakit hindi ka magmakaawa sa kanya na mag-invest ng ilang milyon sa kumpanya natin para matulungan tayo sa sakunang ito?”Tinampal ni Christopher ang mga kamay niya sa sabik. “Ah oo! Paano natin nakalimutan si Jeffrey! Wendy, hindi ba’t m
Talagang nawalan ng pag-asa si Lady Wilson.Ayaw niyang mawala nang gano’n lang ang pamana na pinaghirapan niya sa buong buhay niya.Bukod dito, ang villa lang na ito ang pag-aari niya sa Aurous Hill.Kung magiging bankrupt sila, siguradong kukunin ang villa na ito. Pagkatapos, siya, ang anak niya, at ang pamilya niya ay mapupunta sa mga kalye.Pagkatapos, bigla niyang naalala na siguradong may pera si Christophe. Tinanong niya nang mabilis, “Chris, gaano karaming pera ang mayroon ka ngayon?”Tumibok nang malakas ang puso ni Christopher sa panic. Sinabi niya, “Ma, kaunti lang, kaunting milyon lang…”“Kaunting milyon? Bakit ang liit?” Sumimangot si Lady Wilson sa dismaya. “Binigyan ni Kenneth si Wendy ng limang milyon. Sa mga nakaraang taon, nanatili ka dito nang walang masyadong binabayaran at nakatanggap ka pa ng sahig sa Wilson Group! Saan na napunta ang lahat ng pera mo?”Pumangit ang mukha ni Christopher sa malungkot na hitsura. “Ma, wala akong ipon! Oo, mababa lang ang baya
“Hindi, ayoko!” Sumigaw nang balisa si Christopher, “Sinusubukan ko lang na huwag akong pwersahin ng ina ko! Bilis at gastusin na natin ang pera natin nang mabilis para hindi niya na tayo pilitin tungkol dito. Mas mabuti kung makakahanap tayo ng magandang bahay ngayon at bilhin ito!”Tinanong ni Hannah sa gulat, “Ano? Ngayon na?”“Oo!” Sinabi ni Christopher, “Akala ng ina ko na mayroon akong sampung milyon, hindi ba? Kaya, gumastos tayo ng sampung milyon para bumili ng bahay. Pagkatapos, ipapakita natin ang kontrata ng bahay at sasabihin sa kanya na ginamit na natin ang pera para bumili ng bahay. Ano pang masasabi niya sa oras na iyon?”Ngumisi sa lugod si Hannah at sinabi, “Wow, Chris, isa kang henyo! Sige! Humanap na tayo ng bahay!”Nang mapunta nanaman sa magulong sitwasyon ang pamilya Wilson, naging mainit na paksa ang pamilya Weaver sa siyudad.Isang malupit na paalala sa lahat ang nangyari sa pamilya Weaver dahil kung hindi ikaw ang pinakamagaling, malamang ay madudurog ka
Nang dumating na ang balita ng pamilya Weaver sa mga kalye, si Charlie, na nagpaalis kina Jordan at Jeffrey at ang tumulong kay Liam, ay nasa kusina at nagluluto ng tanghalian para sa kanyang asawa at mga biyenan.Sa lamesa, pinag-uusapan nina Jacob at Elaine ang tungkol sa pamilya Weaver. Mahilig silang makipag tsismisan, lalo na si Elaine. Magiging sabik siya sa susunod na tatlong araw kung alam niya ang kamalasan na nangyari sa ibang pamilya.Nang nilait ni Elaine sina Jordan at Jeffrey sa kamalasan nila, sumingit si Claire, “Ma, huwag mong laitin ang iba nang ganyan, hindi ‘yan mabuti.”Suminghal si Elaine nang mapangmata. “Huh, pwede kong hindi pansinin ang ibang tao, pero hindi ko palalampasin na laitin ang pamilya Weaver!”Pagkatapos, sinabi niya sa nahihiyang tono, “Ah oo, alam niya ba na parang naging magkalaguyo sina Wendy at Jeffrey noong nakaraang araw?”“Huh?” Napanganga si Claire sa pagkalito. “Imposible. Si Jeffrey ay nasa tatlumpung taon pataas, hindi ba? Mas matan
Pero, tatlumpung taon na ang lumipas, at wala sa apat na great earl ang gumamit talaga ng formation sa loob ng pineal gland nila. Ito ay dahil sa nakaraang tatlumpung taon, wala silang nakatagpo na kahit anong nakamamatay na krisis.Kahit na may nakamamatay na krisis si Mr. Jothurn sa Cyprus, kakaiba ang sitwasyon na ito. Sobrang bilis at sobrang lakas ng tatlong close-defense missile na umatake sa kanya, at masyadong brutal ang paraan ng pag-atake nila. Isang iglap lang ang lumipas simula nang maramdaman niya ang panganib hanggang sa kamatayan niya. Wala man lang siyang oras para isipin ang pineal gland na binuksan ng British Lord para sa kanila, tatlumpung taon na ang nakalipas.Bukod dito, walang saysay kahit na naalala niya ito dahil wala siyang oras para buksan ang formation sa loob ng pineal gland.May perpektong pagkakataon si Mr. Chardon ngayon. Nang maisip ito, tumingin si Mr. Chardon kay Charlie, humagikgik nang mapait, at palihim na ginamit ang teknik para paganahin ang p
Ang pineal gland ay ang maituturing na tirahan ng Nine True Paths sa cultivation. Sinasabi ng iba na kaakma ito ng pineal gland sa anatomiya ng tao, kayang maglabas ng iba’t ibang hormone na may kaunti at mahiwagang epekto sa katawan. Pero, sa pagtanda, unti-unting humihina ang kakayahan nito at halos magiging pandekorasyon na lang ito.Para sa mga cultivator, ang pagbubukas ng pineal gland ay ipinapahiwatig ang pagbubukas ng isang bagong mundo. Ang pagbubukas ng pineal gland ay ang paggamit ng Reiki para buksan ang pineal gland na matatagpuan sa gitna ng utak.Ang pineal gland ay kilala rin bilang upper elixir field. Karaniwan, madaling buksan ang lower elixir field, at hindi mahirap na buksan ang walong meridian. Pero, ang mga napakagaling na cultivator lang ang kayang buksan ang upper elixir field nila.Para sa mga cultivator, ang lokasyon na ito ay ang supreme realm ng Nine True Paths, kung saan nagmula ang kamalayan ng tao. Kung mabubuksan ng isang tao ang pineal gland at mag-c
Pero, hindi sinusunod ng kasakiman ng tao ang ganitong patakaran. Sa realidad, kapag mas bata ang isang tao, mas hindi nila kinatatakutan ang kamatayan. Maraming kabataan na nasa labinlima o labing-anim ang may lakas ng loob na harapin ang kamatayan kapag kalaban ang iba. Sa kabaliktaran, kapag mas tumatanda ang isang tao, madalas na mas natatakot sila sa kamatayan.Kahit ang isang tao tulad ni Mr. Chardon, na isang cultivator, ay hindi ligtas mula sa pangkalahatan na ito. Sa totoo lang, mas natatakot siya sa kamatayan kaysa sa karamihan.Nang makita ni Mr. Chardon na hindi nagpapakita ng awa si Charlie sa kanya, umiyak siya at sinabi, “Charlie, dati, kumikilos din ako dahil inutusan ako. Binigyan ako ng utos ng British Lord na hindi ko matanggihan! Kung gusto mong ipaghiganti ang mga magulang mo, ang British Lord dapat ang atakihin mo at hindi isang mababang tauhan na tulad ko…”Sinabi nang sarkastiko ni Charlie, “Oh? Binebenta mo ngayon ang boss mo para sa sarili mong interes? Ah,
Sa sandaling ito, si Ruby, na nakatago sa dilim, ay natulala nang tuluyan! Hindi niya inaasahan na ang malakas na lalaki na nakaitim sa harap niya ay ang anak na lalaki ni Curtis!Samantala, hindi alam ni Charlie na may nakatagong cultivator pa rin sa dilim na sampung talampakan ang layo. Nakay Mr. Chardon lang ang atensyon niya, na nasa harap niya. Kahit nakita niya ang miserable at takot na hitsura ni Mr. Chardon, hindi nakaramdam si Charlie ng simpatya para sa kanya.Tumingin siya kay Mr. Chardon at sinigaw ulit, “Halika, kidlat at kulog!”Isang nakabibinging pagsabog ang umalingawngaw habang isa pang kidlat ang bumaba mula sa langit! Ngayon, direktang tumama ang kidlat sa kanang kamay ni Mr. Chardon, ginawa itong uling!Sa nakaraang ilang kidlat, sadyang kinontrol ni Charlie ang lakas nito para paglaruan si Mr. Chardon. Pero, ngayon, sadya itong nilakas ni Charlie, direktang binaldado ang kanang kamay ni Mr. Chardon.Nakaramdam si Mr. Chardon ng matinding hapdi ng pagkasunog s
Dalawang malapit na pagsabog lang ang narinig, at ang dalawang dulo ng ispada ay ginawang abo ng mga kamao ni Charlie!Si Mr. Chardon, na may isang pares lang ng panloob na nagbabalot sa buong katawan niya, ay sampung talampakan pa lang ang nararating. Sa una, ginamit niya ang kanyang ispada para tumakas nang balisa nang hindi lumilingon para iligtas ang buhay niya.Pero, pagkatapos marinig ang dalawang pagsabog, isang biglaang bugso ng pananabik ang dumaan sa puso niya!Malinaw na iba ang dalawang pagsabog na ito kanina nang tumama ang atake ng ispada sa mga soul blade. Ang tunog ng dalawang pagsabog na ito ay parang resulta ng pagtama ng ispada sa katawan ng target!‘Maaari ba… Maaari ba na hindi naiwasan ni Charlie ang palihim na atake ko?!’ Biglang natuwa nang sobra si Mr. Chardon nang maisip ito.Lumingon siya agad-agad, gustong makita kung nasugatan ba si Charlie ng dalawang ispada niya. Kung gano’n, masasamantala niya ito at marahil ay makuha pa ang ulo ni Charlie! Pero, sa
Bukod dito, alam ni Mr. Chardon na ang nag-iisang mahiwagang teknik na kaya niyang gamitin sa malayo ay ang atake ng ispada mula sa kahoy na ispada ng British Lord. Sa kabaliktaran, ang mga teknik ni Charlie ay mayroong invisible na atake ng ispada katulad ng kanya, at ang banal na kidlat na bumababa sa langit.Hindi kayang saktan ng kahoy na ispada ni Mr. Chardon si Charlie, at wala siyang matataguan mula sa banal na kidlat. Kaya, kung magpapatuloy ito, siguradong manghihina siya kay Charlie. Ang solusyon lang para sa kanya ay makipaglaban nang malapitan sa kanya!Nang maisip ito, nagngalit si Mr. Chardon at sinigaw nang malamig, “Bata, ngayong araw, ikaw o ako—isa lang sa atin ang mabubuhay!”Pagkatapos itong sabihin, nilagyan niya ng Reiki ang mga binti niya at ginamit ang teknik ng teleportation na itinuro sa kanya ng British Lord habang sumugod siya nang nakakakilabot kay Charlie, na parang isang space jump.Ang pinakamalaking kalamangan ng teknik na ito ay ang mailap na direk
Nakita ni Mr. Chardon ang Thunder Order sa kamay ni Charlie at nakilala niya agad na isa itong kayamanan na gawa sa Thunderstrike wood. Kahit hindi niya alam kung paano gumawa ng mga mahiwagang instrumento, pamilyar siya sa kalidad ng mga materyales. May mahabang kasaysayan ang Thunderstrike wood sa kamay ni Charlie at malinaw na isa itong top-grade na Thunderstrike wood sa isang tingin.Mayroon siyang nagulat na ekspresyon habang sinabi, “Ano… Anong nangyayari? Saan mo nakuha ang mahiwagang instrumento na iyan?!”Ngumisi si Charlie at sinabi, “Sa totoo lang, ako ang gumawa ng dalawang Thunderstrike wood na ito. Kaso nga lang ay ang nasa akin ay ang ama, at ang anak ang nasa iyo. Kahit na madalas na mayabang ang anak, kailangan niyang magpakabait kapag nakita niya ang kanyang ama, kaya natural na mananatili itong tahimik!”Nagalit si Mr. Chardon at sinigaw, “Letse ka! Sa tingin mo ba ay hindi edukado ang isang matandang lalaki na tulad ko? Sa tingin mo ba ay maniniwala ako kalokohan
Sinigaw ni Mr. Chardon, “Halika, kidlat at kulog!” nang malakas at magarbo.Ayon sa eksena na ipininta sa isipan ni Mr. Chardon, pagkatapos ng malakas na sigaw niya, dapat ay nababalot na ng mga madilim na ulap at malabong kulog ang langit. Pagkatapos nito, isang kidlat na kasing kapal ng isang timba ang bababa sa langit, direktang tatamaan ang ulo ni Charlie.Naniniwala siya nang matatag na kahit na hindi tamaan nang direkta ng kidlat si Charlie, mawawalan siya ng kakayahan na lumaban. Sa sandaling iyon, may sampung libong paraan si Mr. Chardon para gawin siyang miserable at puwersahin siyang ibunyag ang lahat ng sikreto niya.Pero, pagkatapos isigaw ni Mr. Chardon ang ‘Halika, kidlat at kulog!’, walang madilim na ulap ang lumitaw sa langit tulad ng dati, at walang kahit anong nakabibinging kulog o kidlat.Sobrang linaw ng langit sa Aurous Hill ngayong gabi, at kasama na ang kaunting polusyon ng ilaw sa mabundok na lugar, kayang tumingala ng isang tao para makita ang buwan na hugi
Narinig niya ang isang nakabibinging tunog habang tumama ang malakas na puwersa sa mga braso niya. Ang pakiramdam na ito ay tila ba isang mabigat na tren ang sumugod sa kanya nang napakabilis.Agad naubos ng puwersa na ito ang Reiki na inipon ni Mr. Chardon sa mga braso niya! Nakaramdam din ng matalas na sakit ang mga braso niya, at pakiramdam niya na parang nabali ang mga ito.Pero, hindi pa ito ang katapusan nito. Tumalsik nang dose-dosenang metro ang katawan ni Mr. Chardon dahil sa malakas na puwersa na ito, bago niya nabalanse kahit papaano ang sarili niya.Si Mr. Chardon, na katatayo lang nang matatag, ay agad napaduwal ng dugo. Halos nawala na ang lahat ng pakiramdam sa dalawang braso niya, at ang buong dibdib niya ay tila ba nabasag habang nagkaroon siya ng malalang internal injury.Pero, hindi inaasahan ni Mr. Chardon na habang pinapatatag niya ang sarili niya, susugurin siya nang napakabilis ni Charlie!Sa kalagitnaan ng pagkabigla niya, lalaban na sana si Mr. Chardon gam