Umiyak si Jordan sa desperasyon nang marinig ang utos ni Charlie!Sa tingin niya ay mapanganib na bundok ang Mount Golmin, at sobrang kasuklam-suklam ng sobrang lamig na klima doon!Hindi talaga siya tatapak sa malamig na lugar na iyon kung hindi lang niya kailangan mangolekta ng medisina para sa sarili niya sa simula ng kanyang negosyo.Dahil sa pagkasuklam niya sa mapait at malamig na lugar na iyon, nandiri din siya sa ina ni Liam at tinrato lang siyang pansamantalang kasama.Gayunpaman, hindi niya inaakala, pagkatapos ng maraming dekada, parurusahan siya ni Charlie na manatili sa Mount Golmin at hindi siya paaalisin doon!Iyon ang lugar na pinaka kinamumuhian niya! Para bang pinatay na siya kung makukulong siya doon at hindi hahayaang umalis!Sigurado siya na malapit na siyang mamatay dahil lumalala na ang kalusugan niya, pero kung pupunta siya sa lugar tulad ng Mount Golmin, mas mabilis siyang mamamatay!Bukod dito, ang lugar na iyon ay parang impyerno sa matandang tulad niy
Umiyak si Jeffrey sa kawalan ng pag-asa, “Hindi! Ayokong pumunta! Ayokong pumunta sa impyerno na iyon!”Pagkatapos, humarap siya kay Charlie at inuntog ang ulo niya sa sahig para magmakaawa sa kanya. “Master Wade, patawarin mo sana ako! Pwede pa akong umalis na bansa at hindi na bumalik, hinding-hindi ko na guguluhin si Liam ulit! Pakiusap at huwag mo akong ipadala sa Mount Golmin!”Hindi pinansin ni Charlie ang pagmamakaawa nila at sinabi nang direkta sa mga natirang miyembro ng pamilya Weaver, “Makinig kayo nang mabuti. Simula ngayon, may dalawang pagpipilian na lang kayo. Maaari kayong mapasailalim sa pamumuno ni Liam at magsikap magtrabaho, at masisiguro ko na aalagaan ni Liam ang mga kapakanan niyo, o pwede kayong sumama sa kanila sa Mount Golmin at mangolekta ng ginseng!”Pinadyak ni Charlie ang kanyang paa at sinabi nang matatag, “Bibigyan ko kayo ng sampung segundo, mag-isip kayo nang mabuti at tumayo sa likod ng gusto niyong sundan!”Kumalat ang lahat sa paligid na parang
Umupo sina Jordan at Jeffrey sa sahig at desperadong umiyak. Hindi pa rin nila matanggap ang katotohanan na ipapadala sila sa Mount Golmin.Nang makita ang miserableng estado nila, sinabi nang payak ni Charlie, “Kahit na taglagas ngayon, sobrang lamig na doon. Kung hindi kayo maghahanda ng mga makapal na damit at jacket para sa taglamig at namatay kayo sa lamig, sarili niyo lang ang masisisi niyo.”Nang marinig ang utos niya, napagtanto nila na kung papatagalin pa nila ang mga bagay, baka mapunta sila sa Mount Golmin nang walang dala kapag dumating si Albert. Kaya, tumingin sila nang malungkot sa isa’t isa, at tumayo upang pumunta sa mga kwarto nila para mag-empake.Sa sandaling ito, sumuko na sila sa paglaban dahil napagtanto nila na malayo sa kontrol nila ang abilidad ni Charlie.Ang mga prominenteng pamilya sa Aurous Hill ay nagdadagdag ng pabuya sa hit order para kay Charlie. Kung hindi sila kikilos ngayon, talagang mamamatay sila sa siyudad!Iniwasan din ng mga miyembro ng pa
Tumango si Charlie at sinabi nang payak, “Tumayo ka. Ayusin mo ang negosyo ng pamilya Weaver at pamahalaan mo ito nang mabuti. Baka kailanganin ko ng tulong mo sa hinaharap.”“Opo, Master Wade, palagi kong susundin ang utos mo!”Para kay Liam, nakumpleto na ang buhay niya ngayon. Kaya, dalawa na lang ang nasa isip niya ngayon.Una, ibabalik niya ang pabor rni Charlie sa kahit anong paraan.Pangalawa, hindi siya magiging isa pang Jordan Weaver!Tinapik ni Charlie ang balikat ni Liam at sinabi nang kalmado, “Galingan mo sa negosyo mo, pasayahin mo ang ina mo!”Tumango si Liam nang paulit-ulit habang dumadaloy ang mga luha niya na parang ilog.Sinabi ni Charlie kina Anthony at Xyla, “Okay, maayos na ang lahat ngayon. Umalis na tayo.”Sumulyap si Xyla kay Charlie na tila ba nakatingin siya sa diyos sa langit.Hindi niya alam na kayang maging sobrang kaakit-akit at makarisma ng isang lalaki. Ang ugali at aura na mayroon siya nang pinaalis niya sina Jordan at Jeffrey sa bahay ay tal
Talagang maituturing na mahimalang gamot ang Rejuvenating Pill sa mga ordinaryong tao. Kaya nitong pabatain ang mga tao at pahabain pa ang kanilang buhay.Gayunpaman, para kay Charlie, ang pill na ito ay isa lang sa mga mababang antas na medisina na nakatala sa Apocalyptic Book, ang ibig sabihin ay hindi ito masyadong mahiwaga.Gumawa si Charlie ng tatlumpung pill ngayon. Nagtabi siya ng ilan para sa kanya bilang suplemento at tinabi ang iba bilang pabuya sa mga masunurin at matino.Kahit na nirerespeto nang sobra si Anthony sa Chinese medicine division, sa mga mata ni Charlie, isa lang siyang disipulo niya.Tapat si Anthony at buong pusong sumasama sa kanya at binabalik ang pabor niya. Hindi siya masyadong nakakatulong madalas, pero tapat siya, kaya magandang pabuya ang pill na ito.Habang binigay niya ang pill kay Anthony, sinabi niya, “Huwag mong itago ito, gamitin mo ito ngayong gabi at magpahinga ka nang mabuti.”Pinigilan ni Anthony ang pagkasabik niya at sinabi, “Okay, sal
Nang dumating si Kenneth sa bahay ng pamilya Wilson, nagmadali si Wendy at binati siya nang masaya, “Kenneth, sa wakas ay nakauwi ka na. Naayos ka ba ng pamilya Weaver?”Sinabi ni Kenneth sa inis, “Hindi nila ako maayos, sa huli, hiniling nila kay Charlie na gamutin ako.”“Charlie? Si Charlie Wade?” Tinanong ni Wendy sa sorpresa, “Ginamot ka ba niya?”Nagbuntong hininga si Kenneth, “Oo, pero ang necrosis lang, hindi pa rin ito magagamit…”Sinabi ni Wendy nang galit, “Kung gano’n, hindi mo dapat pinakawalan nang madali ang pamilya Weaver, lalo na si Jeffrey! Siya ang nagloko sa’yo na gamitin ang pangit na medisina nila at pinagdusa ka talaga. Kailangan mong pahanapin sila ng paraan para magamot ka kahit anong mangyari!”Malamig ang ekspresyon ni Kenneth. “Pinakawalan ko ang pamilya Weaver dahil kay Charie, pero kapag bumalik ako sa Eastcliff, hahabulin ko ang pamilya Weaver tungkol dito!”Nagulantang si Wendy. “Ken… Kenneth, babalik ka ba sa Eastcliff?”Sumulyap si Kenneth kay We
Hindi tinanggap ni Kenneth sila Lady Wilson at ang buong pamilya niya, kaya wala siyang pakialam sa nasisirang katayuan nila.Sa ngayon, ang naiisip niya na lang ay bumalik sa Eastcliff sa lalong madaling panahon, pagkatapos ay bibistiahin niya ang pinakamagaling na doktor sa siyudad para gamutin ang kanyang pagiging impotent.Umabante si Lady Wilson upang magmakaawa ulit, pero tinulak siya palayo ni Kenneth nang naiirita at sinabi, “Tama na, kailangan ko nang mag-impake. Tapos na ang usapan.”Namutla ang mukha ni Lady Wilson. “Hindi, Kenneth, hindi mo kaming pwedeng iwan lang nang ganito. Alam mo kung ano ang sitwasyon namin ngayon. Kung wala ang tulong mo, magiging bankrupt kami…”Pagkatapos, kumindat siya kay Wendy.Kumapit si Wendy sa braso ni Kenneth at nagmakaawa, “Kenneth, tama si Lola. Bukod dito, hindi ba’t sinabi mo na mag-iinvest ka ng walumpung milyong dolyar sa kumpanya namin? Sampung milyon pa lang ang binigay mo sa amin, hindi ito sapat para lutasin ang peligro nami
Hindi masaya si Lady Wilson.Anong gagawin niya? Ano pang magagawa niya?Wala ibang mapagkakakitaan ang pamilya Wilson, baon sila sa utang, at matagal nang nasira ang capital chains nila. Ang tanging paraan lang para makatakas sa problemang ito ay humanap ng mga investor, kung hindi, babagsak na sila.Pero si Kenneth, na tutulong dapat sa kanila, ay umalis na rin. Sino pang mahahanap nila ngayon?Nagbuntong hininga si Lady Wilson at sinabi, “Sa ngayon, ‘wag muna tayong magpadalus-dalos.”Biglang lumiwanag ang mga mata niya na tila ba may pumasok sa isip niya. Tumingin siya kay Wendy at sinabi, “Wendy, hindi ba’t binigay ka ni Kenneth kay Jeffrey Weaver? Kahit na hindi kasing yaman ni Kenneth, nasa isa o dalawang bilyon pa rin ang kayamanan nila! Bakit hindi ka magmakaawa sa kanya na mag-invest ng ilang milyon sa kumpanya natin para matulungan tayo sa sakunang ito?”Tinampal ni Christopher ang mga kamay niya sa sabik. “Ah oo! Paano natin nakalimutan si Jeffrey! Wendy, hindi ba’t m
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl