Share

Kabanata 4821

Author: Lord Leaf
Hindi na makapaghintay ang ibang martial artist para sa pagkakataon na malampasan ang isa pang hadlang sa cultivation level nila pagkatapos maghintay ng ilang taon o kahit deka-dekada.

Pero, isa-isang nabuksan ni Rosalie ang dalawang meridian niya sa loob lang ng ilang oras, umangat siya mula as three-star martial artist para maging isang five-star martial artist.

Ang ganitong bilis ay hindi pa naririnig sa larangan ng martial arts.

Hindi inaasahan ni Rosalie na bibigyan siya ng napakagandang pagkakataon ni Charlie. Dahil, umangat siya mula sa pagiging isang two-star martial artist at naging isang three-star martial artist dahil sa tulong ni Charlie. Katumbas nito ang direktang pagtulak sa kanya ni Charlie mula sa pagiging isang two-star martial artist at maging isang five-star martial artist gamit ang sarili niyang lakas.

Habang nasosorpresa, natutuwa, at naaantig siya nang sobra dahil kay Charlie, direktang sinara ni Charlie ang pinto, kinulong ang sarili niya sa kwarto, at nagsi
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4822

    Masasabi na ang lahat ng sangkap ng medisina sa harap ni Charlie ay nakumpleto na ang isang tiyak na pagbabago sa sandaling ito, at ang mga katangian ng medisina ay sumasailalim din sa ebolusyon sa ilalim ng dalawang epekto ng Phoenixica at Reiki.Ang nagpasorpresa nang sobra kay Charlie ay nang ginawang aktibo ang Phoenixica, ang malakas na katangian nito na binabalot ng Reiki ay mabilis gumawa ng isang hindi maisip na pattern ng operasyon.Parang isa itong planeta na gawa sa gas na patuloy na umiikot at lumalaki, at patuloy din itong bumabagsak sa gitna sa ilalim ng impluwensya ng Reiki.Habang pabilis nang pabilis ang ikot nito, parang isang itong napakalakas na centrifugal pump na galit na galit na inuubos ang Reiki sa katawan ni Charlie.Sa una ay kontrolado pa ni Charlie ang bilis na paglabas ng Reiki, pero mabilis niyang nadiskubre a hindi na niya makontrol ang bilis ng paglabas ng Reiki at nagbgo agad ito at kusang aktibong hinihigop.Makalipas ang matagal na panahon, mahi

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4823

    Ang hindi inaasahan ni Charlie ay biglang sasabog ang puting bola ng ilaw na umiikot nang mabilis.Sa sandaling sumabog ang bola ng ilaw, mukhang biglang tumigil ang malakas na daloy ng hangin.Pagkatapos, agad gumulong sa sahig ang isang bunton ng mga ginintuang pill na may diameter na nasa isang sentimetro. Ang mas kahanga-hanga ay ang mga pill na gumulong ay hindi kumalat ngunit nagtipon-tipon sa gitna.Huminga nang maluwag si Charlie nang makita na tagumpay na nagawa ang mga pill, at mabilis niyang hinawakan ang mga pill na ito sa palad niya.Pagkatapos silang bilangin nang maingat, nalaman niya na hindi marmai o kaunti ang mga pill, ngunit may eksaktong dalawampung pill.Pero, hindi masyadong masaya si Charlie. Dahil, kailangan niyang isakripisyo ang tatlong Cultivating Pill para magawa ang batch ng Regenerating Pill na ito.Kayang punuin ng Cultivating Pill ang Reiki pagkatapos itong inumin, pero walang ganitong epekto ang Regenerating Pill. Kung kakainin ng isang malusog n

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4824

    Ilang minuto lang ang nakalipas, katatapos lang ni Nanako sa trabaho niya at bumalik na siya sa bahay niya sa Tokyo gamit ang kotse.Simula noong pinamunuan niya ang pamilya Ito kailan lang, nagtatrabaho nang sobra si Nanako sa mga nagdaang panahon para mabilis siyang masanay at umangat sa papel bilang pinuno ng pamilya Ito.Sa normal na sitwasyon, karaniwan ay maghihintay siya pagkatapos ng alas nuwebe ng gabi bago siya umuwi pagkatapos ng trabaho.Ang dahilan kung bakit siya umuwi ng alas sais ngayong araw ay dahil ito ang ikalimampung kaarawan ng kanyang ama, si Yahiko.Kaya, maaga siyang umalis sa trabaho para ipagdiwang ang kaarawan ng kanyang ama.Dati, kapag ipinagdiwang ang kaarawan ni Yahiko, hindi lang ang mga miyembro ng pamilya Ito ang pupunta para ipagdiwang ang kaarawan niya, ngunit kahit ang head ng maraming prestihiyosong pamilya sa Tokyo ay pupunta para batiin siya.Pero, simula noong naputol ang mga binti ni Yahiko, ayaw na niya sa mga okasyon na maraming tao. K

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4825

    “Qungua?” Umiling ang dalagang kasambahay sa pagkalito. “Miss… Sa… Sa tingin ko ay hindi ko pa naririnig ang tungkol dito.”Sinabi ni Nanako nang nakangiti, “Ang qungua ay isa sa mga tradisyonal na damit ng babaeng Oskian, at karaniwan ay pula at ginto ang kulay nito. May magandang burda din ito, at sobrang ganda nitong tingnan. May iba’t ibang pag-unlad sa istilo sa mga nagdaang taon, at sobrang ganda talaga nito at mukhang maligaya kapag sinuot.”Sinabi ng kasambahay habang may blangkong ekspresyon, “Miss, hindi kailangan ng mga Hapon na tulad natin na magsuot ng Oskian wedding dress kapag kinasal tayo, tama? Hindi ba’t medyo kakaiba iyon?”Umiling nang makulit si Nanako at sinabi nang nahihiya, “Syempre ay magsusuot ako ng kimono kung papakasalan ko ang isang Hapon, pero kailangan kong magsuot ng Oskian wedding dress kung papakasalan ko ang isang Oskian para sakto sa okasyon. At saka, tulad sa kasabihan, kung papakasalan mo ang isang lalaki, kailangan mong sumunod at masanay sa m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4826

    Kilala siya sa Japan at itinuturing siya bilang isang idolo sa inspirasyon ng maraming tao. Mag-isa niyang binuhat ang pamilya Ito para maging isa sa mga top family sa Japan, at nasa kalakasan na edad siya na limampu. Dapat ay nasa edad na siya kung saan tinutupad nang sobra ang lahat ng ambisyon niya. Pero, sa sandaling ito, biglang nawala ang mga binti niya at naging isang taong may kapansanan siya na kailangan umasa sa iba para alagaan siya sa bahay, at kailangan niya rin gumamit ng wheelchair kapag lalabas siya. Mahirap punan ang puwang na ito sa puso niya para sa susunod tatlo o limang taon.Kaya, sinabi niya kay Hiroshi, “Tanaka-san, mangyaring imbitahin mo ang tagagawa ng billiard table at papuntahin siya dito bukas para makita kung may kahit anong paraan para pagandahin ang billiard table upang mas angkop ito sa kasalukuyang sitwasyon ng ama ko, tulad ng pwedeng ayusin ang taas nito hangga’t maaari, at dapat nakapaloob ang mga binti na sumusuporta sa lamesa para hindi tamaan n

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4827

    Marahan na hinila ni Nanako ang pinto at iniwan ang mga tsinelas niya sa labas ng pinto habang pumasok siya nang nakapaa.Nang makita ni Yahiko na nagbihis si Nanako na parang isang diwata, hindi niya mapigilang sabihin nang buong pagmamalaki, “Nanako, hindi na ako makapaghintay na makita kang ikasal. Siguradong mas magiging maganda ka kaysa ngayon. Natatakot ako na mahuhumaling sayo ang buong Japan sa sandaling iyon!”Ngumiti nang bahagya si Nanako at sinabi, “Eminent Father, hindi ko pa naisip na ikasal nang napakaaga.”“Oh…” Sumagot si Yahiko at sinabi nang emosyonal, “Hindi mo pa rin makalimutan si Charlie?”Hindi tinago ni Nanako ang nararamdaman niya at sinabi nang tapat, “Eminent Father, hindi ko pa rin mapakawalan si Charlie. Bukod sa kanya, walang lugar sa puso ko para sa kahit kanino. Kahit na makalimutan ko siya, imposible para sa akin na magustuhan ang kahit sino.”Natulala saglit si Yahiko at sinabi nang medyo nababalisa, “Nanako, mabuting lalaki si Charlie, pero hind

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4828

    Kaya, mabilis niyang sinagot ang tawag, pumunta sa walang laman na sulok, at sinabi nang sabik, “Charlie-kun, hindi ba’t nasa United States ka? Bakit mo ako tinatawagan?”Ngumiti nang bahagya si Charlie at sinabi, “Nanako, may mahalaga akong sasabihin sayo.”Sinabi nang nagmamadali ni Nanako, “Charlie-kung, mangyaring sabihin mo!”Inutusan siya ni Charlie, “Isantabi mo ang lahat ng gawain mo ngayon at dalhin mo ang iyong ama at si Hiroshi para makipagkita sa akin sa New York. Mas mabuti kung mas maaga.”“Huh?” Tinanong ni Nanako sa sorpresa at pagtataka, “Gusto mong dalhin ko sa New York ang Eminent Father at si Tanaka-san ngayon din?”“Oo.” Sinabi ni Charlie, “Mahabang biyahe ito, kaya mas mabuti na pumunta na kayo sa airport ngayon din. Hindi niyo kailangan magdala ng kahit anong bagahe o ano pa, pumunta lang kayo sa pinakamabilis hangga’t maaari.”Gustong sabihin ni Nanako na kaarawan ngayong gabi ng kanyang ama at kung pwede ba silang umalis makalipas ang dalawang oras para k

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4829

    Pagkatapos isuto ni Yahiko ang mga hindi komportableng prostheses, ilang lalaking kasambahay ang tumulong sa kanya para isuot ang hakama.Habang nakatayo si Yahiko at binibihisan sa bagong paraan, mukhang naibalik ang ilan sa dati niyang kakisigan.Pero, siya lang ang nakakaalam kung ano ang sakit nito.Nakatayo lang siya doon ng dalawa o tatlong minuto habang sinusuot ang mga damit, at nakaramdam na siya ng sakit, manhid, at ilang kati sa katawan niya na nakadikit sa mga prostheses.Gusto niya talagang itapon agad ang pares ng prostheses na ito at bumalik ulit sa wheelchair, pero wala siyang magawa kundi tiisin ang kagustuhan na gawin ito nang maisip niya ang sinabi ng anak niya na kukuha sila ng litrato.Sa una ay gusto niyang maglakas palabas nang mag-isa, pero medyo nahirapan siya pagkatapos ng ilang hakbang dahil sa mga prostheses, kaya kailangan niyang hayaan ang kasambahay na tulungan siyang lumabas sa kwarto.Pero, hindi niya alam na wala nang tao sa buong pamilya Ito ang

Pinakabagong kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5777

    Sa sandaling ito, may nahihiyang ngiti si Vera sa kanyang mukha, kagaya ng isang dalaga.Malinaw na sobrang sigla niya habang naglalakad sa tabi ni Charlie. Paminsan-minsan ay nagnanakaw ng tingin ang mga mata niya kay Charlie, pero sa tuwing nangyayari ito, sulyap lang ito, hindi siya naglalakas-loob na tumingin nang matagal. Sa tuwing tumitingin siya, kumukurba ang mga mata niya na parang mga dahon ng willow na sumasayaw sa hangin, talagang kinakatawan ang isang nakakapigil-hininga na kagandahan.Pero, ang Vera na naaalala nila ay palaging walang inaalala, mapaglaro, at minsan ay dominante, pero hindi mahiyain o mailap. Kailanman ay hindi nila siya inugnay sa mga salitang ‘mahiyain’ at ‘mailap’.Ngayon, sa wakas ay napagtanto na nila na may pambabae at mahiyaing bahagi rin si Vera.Pinanood ni Logan si Vera na naglalakad papunta sa kanila mula sa malayo at hindi niya mapigilan na bumuntong hininga habang nakangiti, “Kung magsusuot si Miss ng isang wedding dress o isang tradisyona

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5776

    Hindi napigilan ni Vera ang pagkibot ng mga kilay niya dahil sa mga sinabi ni Charlie. Mukhang may naintindihan siya pero hindi na siya nagtanong. Sa halip, isinantabi niya ang bagay na ito at ngumiti kay Charlie, sinasabi, “Young Master, dahil hindi ka makapagpasya, ako na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sabihin, ibinaling niya ang kanyang ulo saglit, at sinabi, “Kung sa sinaunang panahon ito, siguradong tatawagin kitang ‘irog’. Pero ngayon, wala nang gumagamit ng salitang iyon, at dahil magpapanggap tayo na mag-jowa sa halip na mag-asawa, paano kung tawagin kitang ‘darling’, at tawagin mo rin akong ‘darling’?”Pagkatapos itong sabihin, huminga nang mabilis si Vera. Namumula siya habang pinapanood si Charlie, natatakot siya na tatanggi siya o hindi siya masisiyahan.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni Charlie. Magpapanggap sila na mag-jowa, at magkapareho pa ang suot nila. Normal lang para na medyo malambing ang tawagan sa pagmamahalan. At saka, kung mag-jowa sila, parang hindi

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5775

    Inisip ni Charlie, ‘Anong tulong ang kailangan ko para magbihis? Hindi naman ako isang tao na may kapansanan.’Pero, ngumiti pa rin siya at sinabi, “Okay, aakyat muna ako.”Sa kwarto ni Vera sa itaas.Nakakalat sa kwarto ang parehong bango ni Vera, medyo nahilo siya dahil dito.Naalala nang hindi sinasadya ni Charlie ang karanasan niya na tinulungan siyang dalhin ni Vera sa kama noong may malalang injury siya, at hindi niya mapigilan na makaramdam ng kakaibang pakiramdam sa puso niya. Pero, hindi siya nangahas na mag-isip nang sobra at mabilis na nilabas ang mga damit na inihanda ni Vera para sa kanya.Habang nilalabas niya ang mga damit, napagtanto niya na naghanda si Vera ng magkaparehong damit ng mag-asawa para sa kanila. Ang mga damit na nasa kamay ni Charlie ay isang malaking Gucci T-shirt, klasikong LV-printed shorts, at parehong Hermes na tsinelas. Mukhang gusto ni Vera na magpanggap silang mag-asawa kapag pumunta sila sa Yorkshire Hill.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5774

    Tinikom ni Charlie ang mga labi niya, may gusto siyang sabihin, pero nagpigil pa rin siya.Kahit na halos apat na raang taon na ang pinagsama-samang edad ng apat na nakakatandang tao na ito, palagi nilang itinuturing na gabay na prinsipyo ang mga salita ni Vera. Hindi pagmamalabis na sabihin na si Vera ang gabay nila sa buhay. Naniniwala sila at ginagawa nila ang kahit anong sabihin ni Vera at pinapagawa ni Vera sa kanila.Kaya, kung taliwas ang sinabi niya sa mga sinabi ni Vera, siguradong pipiliin nila na makinig kay Vera.Walang nagawa si Charlie at hinayaan na lang ang matandang babae na lumuhod at pasalamatan siya. Pagkatapos niyang tumayo, nagsalita si Charlie at sinabi, “Siya nga pala, bumaba na ba si Miss Lavor?”Sinabi ni Logan, “Mr. Wade, inutusan kami ni Miss na pangunahan ka muna sa courtyard niya pagdating mo.”Akala ni Charlie na nagmamadali sila at bababa si Vera at pagkatapos ay magkasama silang pupunta sa airport. Hindi niya inaasahan na gusto ni Vera na paakyatin

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5773

    “Anong sinabi mo?!” Sumabog sa galit si Fleur sa sandaling iyon.Dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay, hindi niya pinansin ang halos lahat sa nakaraang tatlong daang taon. Sa tatlong daang taon na ito, siya ang unang tao na nagsabi sa kanya na pupugutan niya siya ng ulo.Nang marinig ni Zekeiah, na nasa kabilang linya, ang galit na sigaw ni Fleur, agad siyang natakot nang sobra, at mabilis siyang yumuko sa kabilang dulo habang humingi ng tawad, sinasabi, “British Lord, patawarin mo ako. Inuulat ko lang ang mga sinabi niya at wala akong balak na maging bastos…”Kahit na alam ni Fleur na inuulit lang ni Zekeiah ang mga sinabi sa kanya, nakaramdam pa rin siya ng galit sa puso niya.Natatakot si Zekeiah na hindi mawawala ang galit ni Fleur, kaya idinagdag niya nang mabilis, “British Lord, handa akong ibahagi ang pag-aalala mo at pumunta sa Aurous Hill sa personal para sayo. Sa sandaling iyon, susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para alamin kung sino ang misteryosong tao na iy

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5772

    Kahit na sobrang bilis na ng paglalakbay sa bilis ng halos isang libong kilometro kada oras, nababalisa pa rin si Fleur dito.Simula noong lumabas ang portrait ng master niya sa Aurous Hill, nabasag ang mentalidad niya. Nawalan siya ng kalma na dapat mayroon sa isang 400 years old na babae.Tumingin siya sa flight navigation chart sa harap niya nang mag-isa, tinitigan ang altitude at speed data, at hindi mapigilan na sabihin nang galit, “Kapag mas mabilis umunlad ang modernong teknolohiya, mas nagiging sakim ang mga hayop na ito. Dati, kayang lumipad ng Concorde ng mahigit dalawang libong kilometro sa isang oras. Ngayon, hindi man lang kayang umabot ng isang libo ang mga eroplano, at ang mga hindi ito kayang gawin ay walang sapat na layo! Nakakainis ito!”Nang makita ng isang crew member ang inis niya, mabilis siyang lumapit at sinabi nang magalang, “British Lord, kumalma ka po. Masyadong malayo ang distansya. Kahit na may Concorde tayo, mahihirapan ito. Ang pinakamalayong abot nito

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5771

    Medyo nalito si Ruby. Tumingin siya nang namamangha kay Charlie, at tinanong, “Young Master Wade, bakit gusto niyang kunin ni Miss Lavor ang panganib na lumapit kay Fleur? Hindi ba’t masyado itong mapanganib?”Kalmadong sumagot si Charlie, “Mukhang medyo mapanganib ito, pero ang totoo lang ay hindi namin balak ni Miss Lavor na lumapit nang totoo kay Fleur. Ang ideya ni Miss Lavor ay gumawa ng agwat sa oras. Ayon sa pagsusuri niya, kung saan pupunta si Fleur, marahil ay umatras na ang mga miyembro ng Qing Eliminating Society, lalo na ngayong pumasok sa tahimik na yugto ang buong Qing Eliminating Society. Kaya, basta’t maayos na magagamit ang agwat ng oras na ito, mas ligtas talaga para sa amin kung saan man siya pumunta.”Sa puntong ito, hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Siya ang pinakamalaking kalaban na nakaharap ko sa buhay ko, kaya kailangan kong malaman kung ano ang hitsura ng taong ito. At saka, ang layunin niya siguro sa pagpunta sa Oskia ngayon ay pa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5770

    Pagkatapos itong sabihin, humikab si Zekeiah at sinabi, “Ah, hindi ako makatulog ng dalawa o tatlong araw. Pagkatapos marinig na ayos ka lang, bigla akong inantok at hindi ko na mabuksan ang mga mata ko. Honey, matutulog muna ako sandali. Hindi ko na talaga ito kaya.”Tinikom ni Lulu ang mga labi niya. May pagod na ekspresyon niya, pero sobrang mapag-alaga ang boses niya habang sinabi, “Okay, Honey, magpahinga ka na ngayon. Tandaan mo na buksan mo ang ‘Do Not Disturb’ mode sa cellphone mo.”“Okay!” Sumang-ayon si Zekeiah, at sinabi kay Lulu, “Honey, ibababa ko na ngayon ang tawag.”“Okay, sige.”Nang natapos ang tawag, sinabi ni Keith nang may seryosong ekspresyon, “Hindi na ito kailangan pag-isipan. Siguradong may problema kay Zekeiah.”Sinabi nang hindi nag-iisip ni Lulu, “Pa, hindi ba’t ayos lang na mag-alala si Zekeiah sa atin at gusto niyang malaman kung anong nangyayari? Hindi problema siguro na magtanong pa, tama?”Sinabi nang malamig ni Keith, “Hindi problema na magtanong

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5769

    Sa kabilang dulo ng tawag, ang asawa ni Lulu, si Zekeiah, ay halos agarang sinagot ang tawag. Mukhang balisa ang boses niya habang tinanong, “Lulu, ikaw ba ito?”Humuni si Lulu bilang sagot, “Oo, ako ito.”Sa sandaling narinig niya ang boses ni Lulu, tuwang-tuwa siya at sinabi, “Lulu, ang laking ginhawa na ayos ka lang! Sinusubukan kitang tawagan sa nakaraang dalawang araw, pero hindi ako makakonekta. Nag-aalala ako nang sobra!”Sobrang kumplikado ng mga pakiramdam ni Lulu sa sandaling ito. Hindi niya man lang alam kung ang asawa niya ay isang undercover agent na nilagay ng Qing Eliminating Society sa sarili nilang bahay.Natural na hindi siya umaasa na totoo ito, pero dahil kaugnay ang buhay at kamatayan ng buong pamilya Acker, hindi siya nangahas na hindi ito seryosohin. Kaya, nagpatuloy siya ayon sa mga utos ni Charlie at sinabi, “Honey, halos hindi mo na narinig ang boses ko…”Sinabi ni Zekeiah, “May nangyari ba?!”Sumagot si Lulu, “Ilang araw lang ang nakalipas, isang napaka

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status