Kilala siya sa Japan at itinuturing siya bilang isang idolo sa inspirasyon ng maraming tao. Mag-isa niyang binuhat ang pamilya Ito para maging isa sa mga top family sa Japan, at nasa kalakasan na edad siya na limampu. Dapat ay nasa edad na siya kung saan tinutupad nang sobra ang lahat ng ambisyon niya. Pero, sa sandaling ito, biglang nawala ang mga binti niya at naging isang taong may kapansanan siya na kailangan umasa sa iba para alagaan siya sa bahay, at kailangan niya rin gumamit ng wheelchair kapag lalabas siya. Mahirap punan ang puwang na ito sa puso niya para sa susunod tatlo o limang taon.Kaya, sinabi niya kay Hiroshi, “Tanaka-san, mangyaring imbitahin mo ang tagagawa ng billiard table at papuntahin siya dito bukas para makita kung may kahit anong paraan para pagandahin ang billiard table upang mas angkop ito sa kasalukuyang sitwasyon ng ama ko, tulad ng pwedeng ayusin ang taas nito hangga’t maaari, at dapat nakapaloob ang mga binti na sumusuporta sa lamesa para hindi tamaan n
Marahan na hinila ni Nanako ang pinto at iniwan ang mga tsinelas niya sa labas ng pinto habang pumasok siya nang nakapaa.Nang makita ni Yahiko na nagbihis si Nanako na parang isang diwata, hindi niya mapigilang sabihin nang buong pagmamalaki, “Nanako, hindi na ako makapaghintay na makita kang ikasal. Siguradong mas magiging maganda ka kaysa ngayon. Natatakot ako na mahuhumaling sayo ang buong Japan sa sandaling iyon!”Ngumiti nang bahagya si Nanako at sinabi, “Eminent Father, hindi ko pa naisip na ikasal nang napakaaga.”“Oh…” Sumagot si Yahiko at sinabi nang emosyonal, “Hindi mo pa rin makalimutan si Charlie?”Hindi tinago ni Nanako ang nararamdaman niya at sinabi nang tapat, “Eminent Father, hindi ko pa rin mapakawalan si Charlie. Bukod sa kanya, walang lugar sa puso ko para sa kahit kanino. Kahit na makalimutan ko siya, imposible para sa akin na magustuhan ang kahit sino.”Natulala saglit si Yahiko at sinabi nang medyo nababalisa, “Nanako, mabuting lalaki si Charlie, pero hind
Kaya, mabilis niyang sinagot ang tawag, pumunta sa walang laman na sulok, at sinabi nang sabik, “Charlie-kun, hindi ba’t nasa United States ka? Bakit mo ako tinatawagan?”Ngumiti nang bahagya si Charlie at sinabi, “Nanako, may mahalaga akong sasabihin sayo.”Sinabi nang nagmamadali ni Nanako, “Charlie-kung, mangyaring sabihin mo!”Inutusan siya ni Charlie, “Isantabi mo ang lahat ng gawain mo ngayon at dalhin mo ang iyong ama at si Hiroshi para makipagkita sa akin sa New York. Mas mabuti kung mas maaga.”“Huh?” Tinanong ni Nanako sa sorpresa at pagtataka, “Gusto mong dalhin ko sa New York ang Eminent Father at si Tanaka-san ngayon din?”“Oo.” Sinabi ni Charlie, “Mahabang biyahe ito, kaya mas mabuti na pumunta na kayo sa airport ngayon din. Hindi niyo kailangan magdala ng kahit anong bagahe o ano pa, pumunta lang kayo sa pinakamabilis hangga’t maaari.”Gustong sabihin ni Nanako na kaarawan ngayong gabi ng kanyang ama at kung pwede ba silang umalis makalipas ang dalawang oras para k
Pagkatapos isuto ni Yahiko ang mga hindi komportableng prostheses, ilang lalaking kasambahay ang tumulong sa kanya para isuot ang hakama.Habang nakatayo si Yahiko at binibihisan sa bagong paraan, mukhang naibalik ang ilan sa dati niyang kakisigan.Pero, siya lang ang nakakaalam kung ano ang sakit nito.Nakatayo lang siya doon ng dalawa o tatlong minuto habang sinusuot ang mga damit, at nakaramdam na siya ng sakit, manhid, at ilang kati sa katawan niya na nakadikit sa mga prostheses.Gusto niya talagang itapon agad ang pares ng prostheses na ito at bumalik ulit sa wheelchair, pero wala siyang magawa kundi tiisin ang kagustuhan na gawin ito nang maisip niya ang sinabi ng anak niya na kukuha sila ng litrato.Sa una ay gusto niyang maglakas palabas nang mag-isa, pero medyo nahirapan siya pagkatapos ng ilang hakbang dahil sa mga prostheses, kaya kailangan niyang hayaan ang kasambahay na tulungan siyang lumabas sa kwarto.Pero, hindi niya alam na wala nang tao sa buong pamilya Ito ang
“Paano natin iyon magagawa?!” Sinabi ni Nanako, “Hiniling ni Charlie na isama ka at si Tanaka-san!”“Hindi pa rin ako pupunta kahit gano’n.” Galit na sinabi ni Yahiko, “Matagal na akong hindi lumalabas sa bahay dahil ayokong lumabas at ipahiya ang sarili ko, lalo na ang pumunta sa United States.”Sinabi nang matatag ni Nanako, “Ito ang intensyon ni Charlie-kun.”Sinabi ni Yahiko nang may ilang galit, “Ano naman kung intensyon niya ito? Ikaw ang may gusto sa kanya, hindi ako. Pwede kang pumunta nang mag-isa. Mananatili ako dito. Hindi ako pupunta kahit saan!”Nagalit nang kaunti si Nanako, at medyo mahigpit pa ang tono niya, at mukhang pinapagalitan niya siya nang kaunti habang sinabi, “Otou-san Nakalimutan mo na ba ang kabaitan ni Charlie-kun sa pamilya Ito?!”“Hindi ko nakalimutan!” Sinabi ni Yahiko nang masama ang loob, “Pero huwag mong kalimutan na kumuha rin ng medyo malaking pera si Charlie sa akin! Hindi niya binalik sa akin ang bilyong-bilyong US dollars pagkatapos niyang s
Mukhang medyo nagtatampo si Yahiko hanggang sa lumipad ang eroplano.Bago sumakay sa eroplano, kinuhanan ng litrato ni Nanako si Yahiko habang suot ang hakama at nakatayo sa mga prostheses sa ibaba ng eroplano at sinabihan ang mga kasambahay na buhatin agad siya sa eroplano pagkatapos nito.Makalipas ang kalahating oras pagkatapos lumipad ng eroplano at nagsimula na itong lumipad nang maayos, nagmamadaling dinala ni Nanako at ng tita niya ang pagkain at cake na dinala nila para ipagdiwang ang ika-limampung kaarawan ni Yahiko.Sinindihan ni Nanako ang mga kandila at kinanta ang birthday song bago sinuyo si Yahiko at sinabi, “Otou-san, hipan mo na ang kandila!”Hindi napagtanto ni Nanako na sa puntong ito, binago na niya ang tawag niya sa kanyang ama mula sa Eminent Father at naging Otou-san ito.Gumamit pa siya ng medyo mahigpit na tono nang ilang beses nang hindi namamalayan.Sa hindi inaasahan, pinigilan talaga nito ang orihinal na kayabangan ni Yahiko. Pagkatapos pagalitan ng k
“Okay.” Sinabi nang mabilis ni Charlie, “Kung gano’n, magkita tayo mamaya.”“Okay, Mr. Wade. Kita tayo mamaya.”Makalipas ang labinlimang minuto, dumating ang helicopter ni Kathleen sa top floor ng Shangri-La.Dinala ni Charlie sila Rosalie, Isaac, at Albert sa helicopter.Makalipas ang kalahating oras, lumipad ang helicopter sa isang tagong building sa labas ng New York City.Dito matatagpuan ang medical technology center ng pamilya Fox.Ang building na ito lang ang nag-iisang building sa loob ng dalawang kilometrong radius. Dalawampu’t limang palapag ang taas nito, at mahigpit ang bantay sa paligid nito.Pagkatapos bumaba sa helicopter, nagkusa si Kathleen na maglakad sa harap habang pinangunahan niya ang daan at sinabi kay Charlie, ‘Mr. Wade, itinayo namin ang medical technology center para sa research at development at para subukan ang ilang high-end at advanced na pamamaraan ng mga paggamot at mga gamot, kasama na ang pinaka-advance na proton therapy system at cellular immu
Nang makita ni Jameson si Charlie, masaya siyang nasorpresa. Sa parehong oras, nanabik siya nang sobra, tila ba nahawakan niya ang huling pag-asa niya sa desperadong sitwasyon.Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Mr. Smith, bakit nandito ka?”Sumagot nang magalang si James nang di niya namamalayan, “Mr. Wade, may ilang clinical project ang FDA na katulong ang Fox Medical Technology Center. Pumunta ako dito ngayong araw para kumpletuhin ang ilang trabaho…”Pagkatapos itong sabihin, bago pa makapagsalita si Charlie, lumuhod siya sa lupa at sinabi habang may mga luha sa mga mata niya, “Mr. Wade, matagal na akong umaasa na makita ka ulit, pero wala akong pagkakataon para magawa ito. Ilang beses na akong pumunta sa Aurous Hill, pero hindi ako makonekta ng Apothecary Pharmaceutical at ni Don Albert sayo… Palagi akong sinisingil ni Don Albert ng ilang introduction fee, pero pinagpagpaliban niya lang ito at hindi ako tinutulungan na ipakilala sayo…”Kumulot ang mga labi ni Albert na nasa li
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro