“Okay.” Sinabi nang mabilis ni Charlie, “Kung gano’n, magkita tayo mamaya.”“Okay, Mr. Wade. Kita tayo mamaya.”Makalipas ang labinlimang minuto, dumating ang helicopter ni Kathleen sa top floor ng Shangri-La.Dinala ni Charlie sila Rosalie, Isaac, at Albert sa helicopter.Makalipas ang kalahating oras, lumipad ang helicopter sa isang tagong building sa labas ng New York City.Dito matatagpuan ang medical technology center ng pamilya Fox.Ang building na ito lang ang nag-iisang building sa loob ng dalawang kilometrong radius. Dalawampu’t limang palapag ang taas nito, at mahigpit ang bantay sa paligid nito.Pagkatapos bumaba sa helicopter, nagkusa si Kathleen na maglakad sa harap habang pinangunahan niya ang daan at sinabi kay Charlie, ‘Mr. Wade, itinayo namin ang medical technology center para sa research at development at para subukan ang ilang high-end at advanced na pamamaraan ng mga paggamot at mga gamot, kasama na ang pinaka-advance na proton therapy system at cellular immu
Nang makita ni Jameson si Charlie, masaya siyang nasorpresa. Sa parehong oras, nanabik siya nang sobra, tila ba nahawakan niya ang huling pag-asa niya sa desperadong sitwasyon.Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Mr. Smith, bakit nandito ka?”Sumagot nang magalang si James nang di niya namamalayan, “Mr. Wade, may ilang clinical project ang FDA na katulong ang Fox Medical Technology Center. Pumunta ako dito ngayong araw para kumpletuhin ang ilang trabaho…”Pagkatapos itong sabihin, bago pa makapagsalita si Charlie, lumuhod siya sa lupa at sinabi habang may mga luha sa mga mata niya, “Mr. Wade, matagal na akong umaasa na makita ka ulit, pero wala akong pagkakataon para magawa ito. Ilang beses na akong pumunta sa Aurous Hill, pero hindi ako makonekta ng Apothecary Pharmaceutical at ni Don Albert sayo… Palagi akong sinisingil ni Don Albert ng ilang introduction fee, pero pinagpagpaliban niya lang ito at hindi ako tinutulungan na ipakilala sayo…”Kumulot ang mga labi ni Albert na nasa li
Kung Harry Potter ito na isinulat ni JK Rowling, marahil ay sobrang mapagkakakitaan ito, pero wala itong strategic value para sa United States. Kaya, hindi magiging interesado ang White House sa libro na ito, lalo na ang kahit anong paglabag dito.Pero, kung may madidiskubre ang ibang bansa o kumpanya na mga patent na may strategic value, siguradong ang White House ang unang makakahanap ng paraan para makuha ang patented na teknolohiya na ito.Ang hiwaga ng Apothecary Restoration Pill ay hindi mahalaga kung anong uri ng cancer o nasaang stage ng cancer ang pasyente. Kahit na nag-metastasized na ang cancer sa buong katawan o gumawa ng organ failure, magiging maayos pa rin ang kondisyon ng isang pasyente na may malalang sakit na malapit nang mamatay sa sandaling ininom nila ang medisina na ito!Kung gagamitin ang ganitong uri ng medisina para kumita ng pera, siguradong maaakit nito ang pera sa buong mundo. Kahit na mayaman o mahirap sila, kapag nagkaroon sila ng cancer, marahil ay sus
Bukod dito, pinasikat ng pangalan ng Apothecary Restoration Pill ang Apothecary Pharmaceutical. Sa ganitong sitwasyon, nakumpleto na ng Apothecary Restoration Pill ang misyon nito.Nang marinig ni Jameson ang mga sinabi ni Charlie, bumulwak ang mga luha sa kanyang mga mata at iniyak niya, “Mr. Wade, narinig ko na nagbibigay ng libreng intensive treatment ang Apothecary Pharmaceutical para sa mga pasyenteng may malalang cancer na may mga mahihirap na pamilya sa Oskia. Nagmamakaawa ako sayo na isama ang anak ko sa program. Ang anak ko, si Jimmy, ay nakakaawa talaga. Hindi ko kayang makita siya na patuloy na naghihirap sa cancer…”Sinabi ni Charlie habang may seryosong ekspresyon, “Ikaw na ang nagsabi nito. Ang libreng medical care ng Apothecary Pharmaceutical ay para sa mga pasyenteng may malalang sakit na may mga mahirap na pamilya. Ang pangunahing kondisyon ay mahirap na pamilya. Sa puntong ito, mukhang hindi kayo pasok ng anak mo sa pamantayan na ito. Bukod dito, sa mahigpit na pana
Medyo nalula at naguluhan si Jameson nang marinig ang mga sinabi ni Charlie.Siya ang head ng buong FDA. Hindi lang na isa siyang maayos na upper-class na tao sa United States, ngunit isa rin siya sa totoong mataas na grupo ng mga elite.Pero, hinihiling sa kanya ng mga magaan na sinabi ni Charlie na umalis siya sa kasalukuyang trabaho niya at isuko ang lahat ng pinagsikapan niya. Hindi niya talaga ito inaasahan.Nang makita ni Charlie na mukhang naguguluhan si Jameson, sinabi niya nang magaan, “Ito lang ang personal na opinyon ko. Pwede kang bumalik at pag-isipan ito nang unti-unti. May kailangan pa akong gawin, kaya hindi na kita kakausapin pa.”Pagkasabi nito, tumingin siya kay Kathleen, na nasa tabi niya, at sinabi, “Tara na, Miss Fox.”Tumango si Kathleen at sumenyas nang nag-iimbita habang sinabi nang magalang, “Dito, Mr. Wade.”Pinanood ni Jameson sina Charlie at Kathleen na pumasok sa elevator, at pinanood niya na sumara nang mabagal ang mga pinto ng elevator habang patul
Samantala, pinangunahan ni Kathleen si Charlie sa elevator papunta sa first floor ng building, at dinaanan nila ang tatlong defense center sa first floor bago sila pumasok sa isang espesyal na elevator papunta sa freezing center sa fifth floor underground.Dahil inihanda ni Jordan ang freezing center na ito para ingatan ang sarili niyang katawan at dinisenyo ang freezing center para tumagal ng tatlong daang taon, ang seguridad dito ay hindi mas mababa sa defense facility para sa presidente na magtatago sa doomsday plan.Kahit na halos isang daang metro sa ibaba ang freezing center, may kumpletong strategic reserve dito. KAhit na tamaan talaga ng nuclear attack ang United States, ligtas pa rin ang lugar na ito.Ayon sa disenyo, kayang gawing yelo ng freezing center na ito ang nasa isang daang katawan. Pero, sa ngayon, bukod sa mga eksperimental na labi, si Merlin lang talaga ang ginawang yelo dito.Pagkatapos dumating ni Charlie sa freezing center, nalaman niya na ang lugar na ito a
Alam ni Charlie ang istilo ng pagkilos ni Merlin.Basta’t magigising siya at mababalik ang mga memorya niya, siguradong susubukan niya ang lahat ng makakaya niya para imbestigahan ang nangyari bago siya mamatay.Halimbawa, sino talaga ang pumatay kay Homer, ang salot ng pamilya Fox, at kung sino talaga ang gustong pumatay sa buong pamilya Acker.Kaya, sa opinyon ni Charlie, mas mabuti na gamitin niya ang pagkakataon na ito para kausapin nang mabuti si Merlin.Ipapaalam niya kay Merlin kung sino siya, ibubunyag na siya ang pumatay kay Homer, at sisiguraduhin niya rin na alam ni Merlin na siya ang nagligtas sa kanya at sa buong pamilya Acker.Kung marunong ang taong ito kung kailan aabante o aatras, siguradong magagamit siya ni Charlie sa hinaharap.Kung hindi alam ng taong ito kung kailan aabante o aatras, buburahin na lang ni Charlie ang memorya niya, papatulugin siya, at itatapon siya sa mga kalye ng New York.Kung gano’n, kahit papaano, naligtas ang buhay niya.Nang magpasya
Kaso nga lang ay wala sa mga staff na ito ang nag-aakala na gagamitin nila ang simple at malupit na paraan na ito para lusawin si Merlin ngayon.Dahil ang katawan ni Merlin ay parang isang yelong tipak na nasa minus 200 degrees, mabilis na lumamig ang maligamgam na tubig sa sandaling pinasok ang katawan niya sa tubig. Mabilis na binuksan ng staff ang circulation pump at hinayaan ang heating device na umikot at painitin ang tubig sa pool para mapanatili ang temperatura ng tubig sa 40 degrees Celsius.Mabilis na nagpakita ng mga kakulangan ang ganitong marahas na paglulusaw.Sa sandaling nalusaw ang balat ni Merlin, agad umagos ang dugo dito, parang isang piraso ng baka na kalulusaw lang. Nagsimulang tumagas ang likido ng mga cell sa dugo kahalo ang mga cell fluid at body fluid dahil sa pagkasira ng mga cell.Tinakpan ng taong namamahala ang mukha niya sa takot at sinabi, “Miss Fox, ito… ito ay pinsala na hindi na mababaliktad…”Nagulat din si Kathlee, pero sinabi niya nang kalmado,
Sa sandaling ito, may nahihiyang ngiti si Vera sa kanyang mukha, kagaya ng isang dalaga.Malinaw na sobrang sigla niya habang naglalakad sa tabi ni Charlie. Paminsan-minsan ay nagnanakaw ng tingin ang mga mata niya kay Charlie, pero sa tuwing nangyayari ito, sulyap lang ito, hindi siya naglalakas-loob na tumingin nang matagal. Sa tuwing tumitingin siya, kumukurba ang mga mata niya na parang mga dahon ng willow na sumasayaw sa hangin, talagang kinakatawan ang isang nakakapigil-hininga na kagandahan.Pero, ang Vera na naaalala nila ay palaging walang inaalala, mapaglaro, at minsan ay dominante, pero hindi mahiyain o mailap. Kailanman ay hindi nila siya inugnay sa mga salitang ‘mahiyain’ at ‘mailap’.Ngayon, sa wakas ay napagtanto na nila na may pambabae at mahiyaing bahagi rin si Vera.Pinanood ni Logan si Vera na naglalakad papunta sa kanila mula sa malayo at hindi niya mapigilan na bumuntong hininga habang nakangiti, “Kung magsusuot si Miss ng isang wedding dress o isang tradisyona
Hindi napigilan ni Vera ang pagkibot ng mga kilay niya dahil sa mga sinabi ni Charlie. Mukhang may naintindihan siya pero hindi na siya nagtanong. Sa halip, isinantabi niya ang bagay na ito at ngumiti kay Charlie, sinasabi, “Young Master, dahil hindi ka makapagpasya, ako na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sabihin, ibinaling niya ang kanyang ulo saglit, at sinabi, “Kung sa sinaunang panahon ito, siguradong tatawagin kitang ‘irog’. Pero ngayon, wala nang gumagamit ng salitang iyon, at dahil magpapanggap tayo na mag-jowa sa halip na mag-asawa, paano kung tawagin kitang ‘darling’, at tawagin mo rin akong ‘darling’?”Pagkatapos itong sabihin, huminga nang mabilis si Vera. Namumula siya habang pinapanood si Charlie, natatakot siya na tatanggi siya o hindi siya masisiyahan.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni Charlie. Magpapanggap sila na mag-jowa, at magkapareho pa ang suot nila. Normal lang para na medyo malambing ang tawagan sa pagmamahalan. At saka, kung mag-jowa sila, parang hindi
Inisip ni Charlie, ‘Anong tulong ang kailangan ko para magbihis? Hindi naman ako isang tao na may kapansanan.’Pero, ngumiti pa rin siya at sinabi, “Okay, aakyat muna ako.”Sa kwarto ni Vera sa itaas.Nakakalat sa kwarto ang parehong bango ni Vera, medyo nahilo siya dahil dito.Naalala nang hindi sinasadya ni Charlie ang karanasan niya na tinulungan siyang dalhin ni Vera sa kama noong may malalang injury siya, at hindi niya mapigilan na makaramdam ng kakaibang pakiramdam sa puso niya. Pero, hindi siya nangahas na mag-isip nang sobra at mabilis na nilabas ang mga damit na inihanda ni Vera para sa kanya.Habang nilalabas niya ang mga damit, napagtanto niya na naghanda si Vera ng magkaparehong damit ng mag-asawa para sa kanila. Ang mga damit na nasa kamay ni Charlie ay isang malaking Gucci T-shirt, klasikong LV-printed shorts, at parehong Hermes na tsinelas. Mukhang gusto ni Vera na magpanggap silang mag-asawa kapag pumunta sila sa Yorkshire Hill.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni
Tinikom ni Charlie ang mga labi niya, may gusto siyang sabihin, pero nagpigil pa rin siya.Kahit na halos apat na raang taon na ang pinagsama-samang edad ng apat na nakakatandang tao na ito, palagi nilang itinuturing na gabay na prinsipyo ang mga salita ni Vera. Hindi pagmamalabis na sabihin na si Vera ang gabay nila sa buhay. Naniniwala sila at ginagawa nila ang kahit anong sabihin ni Vera at pinapagawa ni Vera sa kanila.Kaya, kung taliwas ang sinabi niya sa mga sinabi ni Vera, siguradong pipiliin nila na makinig kay Vera.Walang nagawa si Charlie at hinayaan na lang ang matandang babae na lumuhod at pasalamatan siya. Pagkatapos niyang tumayo, nagsalita si Charlie at sinabi, “Siya nga pala, bumaba na ba si Miss Lavor?”Sinabi ni Logan, “Mr. Wade, inutusan kami ni Miss na pangunahan ka muna sa courtyard niya pagdating mo.”Akala ni Charlie na nagmamadali sila at bababa si Vera at pagkatapos ay magkasama silang pupunta sa airport. Hindi niya inaasahan na gusto ni Vera na paakyatin
“Anong sinabi mo?!” Sumabog sa galit si Fleur sa sandaling iyon.Dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay, hindi niya pinansin ang halos lahat sa nakaraang tatlong daang taon. Sa tatlong daang taon na ito, siya ang unang tao na nagsabi sa kanya na pupugutan niya siya ng ulo.Nang marinig ni Zekeiah, na nasa kabilang linya, ang galit na sigaw ni Fleur, agad siyang natakot nang sobra, at mabilis siyang yumuko sa kabilang dulo habang humingi ng tawad, sinasabi, “British Lord, patawarin mo ako. Inuulat ko lang ang mga sinabi niya at wala akong balak na maging bastos…”Kahit na alam ni Fleur na inuulit lang ni Zekeiah ang mga sinabi sa kanya, nakaramdam pa rin siya ng galit sa puso niya.Natatakot si Zekeiah na hindi mawawala ang galit ni Fleur, kaya idinagdag niya nang mabilis, “British Lord, handa akong ibahagi ang pag-aalala mo at pumunta sa Aurous Hill sa personal para sayo. Sa sandaling iyon, susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para alamin kung sino ang misteryosong tao na iy
Kahit na sobrang bilis na ng paglalakbay sa bilis ng halos isang libong kilometro kada oras, nababalisa pa rin si Fleur dito.Simula noong lumabas ang portrait ng master niya sa Aurous Hill, nabasag ang mentalidad niya. Nawalan siya ng kalma na dapat mayroon sa isang 400 years old na babae.Tumingin siya sa flight navigation chart sa harap niya nang mag-isa, tinitigan ang altitude at speed data, at hindi mapigilan na sabihin nang galit, “Kapag mas mabilis umunlad ang modernong teknolohiya, mas nagiging sakim ang mga hayop na ito. Dati, kayang lumipad ng Concorde ng mahigit dalawang libong kilometro sa isang oras. Ngayon, hindi man lang kayang umabot ng isang libo ang mga eroplano, at ang mga hindi ito kayang gawin ay walang sapat na layo! Nakakainis ito!”Nang makita ng isang crew member ang inis niya, mabilis siyang lumapit at sinabi nang magalang, “British Lord, kumalma ka po. Masyadong malayo ang distansya. Kahit na may Concorde tayo, mahihirapan ito. Ang pinakamalayong abot nito
Medyo nalito si Ruby. Tumingin siya nang namamangha kay Charlie, at tinanong, “Young Master Wade, bakit gusto niyang kunin ni Miss Lavor ang panganib na lumapit kay Fleur? Hindi ba’t masyado itong mapanganib?”Kalmadong sumagot si Charlie, “Mukhang medyo mapanganib ito, pero ang totoo lang ay hindi namin balak ni Miss Lavor na lumapit nang totoo kay Fleur. Ang ideya ni Miss Lavor ay gumawa ng agwat sa oras. Ayon sa pagsusuri niya, kung saan pupunta si Fleur, marahil ay umatras na ang mga miyembro ng Qing Eliminating Society, lalo na ngayong pumasok sa tahimik na yugto ang buong Qing Eliminating Society. Kaya, basta’t maayos na magagamit ang agwat ng oras na ito, mas ligtas talaga para sa amin kung saan man siya pumunta.”Sa puntong ito, hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Siya ang pinakamalaking kalaban na nakaharap ko sa buhay ko, kaya kailangan kong malaman kung ano ang hitsura ng taong ito. At saka, ang layunin niya siguro sa pagpunta sa Oskia ngayon ay pa
Pagkatapos itong sabihin, humikab si Zekeiah at sinabi, “Ah, hindi ako makatulog ng dalawa o tatlong araw. Pagkatapos marinig na ayos ka lang, bigla akong inantok at hindi ko na mabuksan ang mga mata ko. Honey, matutulog muna ako sandali. Hindi ko na talaga ito kaya.”Tinikom ni Lulu ang mga labi niya. May pagod na ekspresyon niya, pero sobrang mapag-alaga ang boses niya habang sinabi, “Okay, Honey, magpahinga ka na ngayon. Tandaan mo na buksan mo ang ‘Do Not Disturb’ mode sa cellphone mo.”“Okay!” Sumang-ayon si Zekeiah, at sinabi kay Lulu, “Honey, ibababa ko na ngayon ang tawag.”“Okay, sige.”Nang natapos ang tawag, sinabi ni Keith nang may seryosong ekspresyon, “Hindi na ito kailangan pag-isipan. Siguradong may problema kay Zekeiah.”Sinabi nang hindi nag-iisip ni Lulu, “Pa, hindi ba’t ayos lang na mag-alala si Zekeiah sa atin at gusto niyang malaman kung anong nangyayari? Hindi problema siguro na magtanong pa, tama?”Sinabi nang malamig ni Keith, “Hindi problema na magtanong
Sa kabilang dulo ng tawag, ang asawa ni Lulu, si Zekeiah, ay halos agarang sinagot ang tawag. Mukhang balisa ang boses niya habang tinanong, “Lulu, ikaw ba ito?”Humuni si Lulu bilang sagot, “Oo, ako ito.”Sa sandaling narinig niya ang boses ni Lulu, tuwang-tuwa siya at sinabi, “Lulu, ang laking ginhawa na ayos ka lang! Sinusubukan kitang tawagan sa nakaraang dalawang araw, pero hindi ako makakonekta. Nag-aalala ako nang sobra!”Sobrang kumplikado ng mga pakiramdam ni Lulu sa sandaling ito. Hindi niya man lang alam kung ang asawa niya ay isang undercover agent na nilagay ng Qing Eliminating Society sa sarili nilang bahay.Natural na hindi siya umaasa na totoo ito, pero dahil kaugnay ang buhay at kamatayan ng buong pamilya Acker, hindi siya nangahas na hindi ito seryosohin. Kaya, nagpatuloy siya ayon sa mga utos ni Charlie at sinabi, “Honey, halos hindi mo na narinig ang boses ko…”Sinabi ni Zekeiah, “May nangyari ba?!”Sumagot si Lulu, “Ilang araw lang ang nakalipas, isang napaka