Share

Kabanata 4644

Penulis: Lord Leaf
Hawak-hawak ni Charlie ang Healing Pill sa palad niya sa sandaling ito.

Ang Healing Pill ay nasa isang sentimetro ang diameter, at hindi man lang siya nag-abala na ilagay ito sa isang kahoy na kahon dahil hindi ito kasing halaga ng Rejuvenating Pill. Sa halip, tinakpan niya lang ito ng wax paper na ginagamit para takpan ang pagkain.

Nang marinig ni Kathleen na bibigyan siya ng regalo ni Charlie at kumikilos siya na parang isang bata, tila ba sadya niyang kinuyom ang mga kamao niya habang nakababa ang kanyang palad na para bang isa itong misteryosong regalo, akala niya na binibiro lang siya ni Charlie. Kaya, ngumiti siya at sinabi, “Anong klaseng maliit na regalo ang inihanda mo para sa akin, Mr. Wade? Maaari ba na maliit na insekto ito? Sasabihin ko sayo ngayon pa lang na hindi ako takot sa mga insekto.”

Sa kabataan, mahilig asarin ng mga maliliit na batang lalaki ang mga maliliit na batang babae. Ang pinaka karaniwan na bagay na ginagawa nila ay kumuha ng isang insekto at ilagay it
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4645

    Nang makita ni Charlie na umiiyak siya, sinabi niya nang nagmamadali, “Tingnan mo, paano kita pinaiyak sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang maliit na regalo?!”Pagkatapos ay binigyan niya siya ng isang piraso ng tissue at sinabi, “Punasan mo nang mabilis ang mga luha mo. Kung hindi, kapag pumunta ang flight attendant at makita ito, iisipin niya na inaapi kita kapag walang ibang tao.”Hindi mapigilan ni Kathleen na tumawa nang malakas. Habang tumataw siya, tinanggap niya ang tissue at pinunasana ng mga luha niya habang inasar siya, “Anong kinatatakutan mo? Hindi kita sisisihin kahit na inapi mo talaga ako…”Pagkasabi nito, napagtanto niya na parang hindi angkop ang biro niya. Kaya, nagmamadali niyang binago ang paksa. Naalala niya ang biro na ginawa niya kay Charlie kanina lang, at sinabi niya nang matatag, “Salamat sa malaking regalo na ito, Mr. Wade. Bibilhin ko ang dalawang kumpanya para sayo, ang Patek Phillipe at Rolex sa loob ng isang linggo at ibibigay ko ito sayo bilang kapa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4646

    Nanginig ang buong katawan ni Kathleen dahil sa mga sinabi ni Charlie.Alam niya ng bigat sa mga sinabi ni Charlie.Dahil sinabi ni Charlie na bubuhayin niya ng sampung taon pa ang lolo niya, siguradong tutuparin niya ang pangako niya.Para bang binigyan na niya ang lolo niya ng kalahating Rejuvenating Pill.Bukod dito, ang kondisyon lang ni Charlie para sa lolo niya para sa sampung taon na buhay ay hindi para humingi ng pera o ibang bagay, ngunit para tulungan siya na patatagin ang posisyon niya bilang head ng pamilya Fox!Hindi niya mapigilan na isipin, ‘Ginagawa ni Mr. Wade ang lahat ng ito para gumawa ng daan para sa akin…’Nang maisip niya ito, tumingin siya kay Charlie habang may mga luha sa kanyang mga mata at sinabi nang nagpapasalamat, “Mr. Wade, salamat sa lahat ng ginagawa mo para sa akin. Pangako na siguradong makikipagtulungan ang pamilya Fox sayo sa hinaharap, at kami ang magiging pinakamatatag at maaasahan na kakampi mo! Walang iba sa mundo na mas magiging mahusay!

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4647

    Nagsalita si Charlie at sinabi, “Tingnan mo, ang karaniwang gawain ng mga mayayamang tao o mayayamang pamilya na madalas nating nakikita ay kumita ng mas maraming pera. Pinanganak sila para lang kumita ng pera, at mapapagastos sila ng mas maraming pera kung saan tataas ito at magdadagdag ng mas malaking pera para sa kanila. Sa pamamagitan nito, ganap silang nabubulag ng pera.”Pagkasabi nito, sinabi ulit ni Charlie, “Kung ang isang pamilya ay may sobrang pera at tinatrato na lang nila ito na isang laro ng numero at ginagastos nila ang pera na ito sa direksyon ng purong pagkonsumo sa tunay na kahulugan o walang ibang paraan para ipahayag ito sa mga tiyak na halaga, anong mangyayari?”“Purong pagkonsumo…” Kumunot ang mga noo ni Kathleen saglit, pero medyo nalilito pa rin siya. Kaya, sinabi niya nang nahihiya, “Mr. Wade, hindi ko pa rin ito maintindihan nang mabuti. Maaari mo bang ipaliwanag pa ito sa akin?”Sinabi nang seryoso ni Charlie, “Para ibigay sayo ang pinaka simpleng halimbaw

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4648

    Sa mata ng karamihan ng tao, ang kayamanan ang simbolo ng lakas, pero kahit kailan ay hindi sineryoso ni Charlie ang pera.Maraming beses din na napatunayan sa kanya na ang pera, sa totoo lang, ay hindi ang palaging pinakamalakas.Halimbawa, ano naman kung may kayamanan si Jordan na one trillion US dollars? Kailangan niya pa rin gumastos ng mahigit 200 billion US dollars para lang makabili ng isang Rejuvenating Pill.Kahit ang eldest uncle ni Charlie, si Christian, ay handang magbayad ng 300 billion US dollars kapalit ang isang Rejuvenating Pill.Kung sa teorya, basta’t gusto ni Charlie, magagamit niya ang Rejuvenating Pill para kunin ang lahat ng kayamanan ng mga matatanda at mayayamang tao sa mundong ito.Kung gano’n, marahil ay malampasan pa ng kayamanan niya ang pamilya ng lolo niya, ang Saudi royal family, o kahit ang pamilya Rothschild.Pero, nang binigyan ni Stephen si Charlie ng 10 billion dollars dati, hindi niya man lang alam kung paano gagastusin ang pera. Ano naman ku

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4649

    Dahil, hindi lalabas sa big screen sa airport ang flight number ng isang private jet.Alas otso na ng lokal na oras nang nahatid ng Cadillac SUV si Charlie sa Hilton Hotel.Dinala muna ng driver ang dalawang malaking suitcase mula sa trunk, ang dalawang Hong Kong specialty na inihanda ni Shawn para kay Charlie.Pagkatapos nito, nilabas ng driver ang maliit na dalawampung pulgada na suitcase sa loob ng kotse, ang sariling bagahe ni Charlie.Nilagay din ni Charlie sa suitcase niya ang Patek Phillipe na relo ni binigay sa kanya ni Marianne.Nang makita ng bell boy sa hotel na may tatlong malaking suitcase si Charlie, nagmamadaling tinulak ng bell boy ang luggage cart at nilagay ang tatlong suitcase ni Charlie doon. Pagkatapos, sinundan niya si Charlie papunta sa top floor ng Hilton Hotel.Sa sandaling ito, katatapos lang maghapunan ni Claire kasama si Elaine.Nitong mga nakaraang araw simula noong pumunta si Elaine sa United States, naging pamilyar na siya sa siyudad ng Providence.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4650

    Binuksan ni Elaine ang pinto at naghanda nang gumawa ng ilang ingay sa labas ng pinto. Pero, nang bigla niyang nakita si Charlie na nakatayo sa labas ng pinto, naging sobrang saya agad ng pangit na ekspresyon niya habang sinabi nang sabik, “Oh, mahal kong manugang! Kailan ka nakabalik? Bakit hindi mo kami sinabihan?”Ngumiti nang bahagya si Charlie at sinabi, “Hindi ko kayo sinabihan dahil ayokong mag-alala kayo.”Ngumiti si Elaine at sinabi, “Alam ko na siguradong gusto mong sorpresahin si Claire!”Nang marinig ni Claire, na nasa loob, ang kaguluhan, naglakad siya papunta sa pinto at tinanong, “Ma, bumalik na si Charlie?”Nagmamadaling lumingon si Elaine at sinigaw sa labas, “Claire, bumalik na ang mahal kong manugang! Halika, bilis!”Habang nagsasalita siya, nakita niya na may bell boy nga nagtutulak ng isang luggage cart sa likod ni Charlie. Nang makita ni Elaine na may tatlong suitcase sa luggage cart, agad niyang tinanong nang sabik, “Mahal kong manugang, naaalala ko na paran

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4651

    Pagkatapos itong sabihin, hindi niya nakalimutan na sabihin kay Charlie, “Mahal kong manugang, sobrang saya at kuntento na ako na may intensyon ka na ganito, pero tandaan mo na huwag bumili ng mga bagay-bagay nang walang pinipili, okay?!”Ngumiti nang kaunti si Charlie at tumango nang marahan. “Okay, Ma. Naiintindihan ko.”May medyo malungkot na ekspresyon si Elaine, pero may talino pa rin siya na kalimutan ang paksa tungkol sa Van Cleef & Arpels na paksa, at mabilis niyang itinuon ang atensyon sa kahong ng alahas sa kamay niya.Habang binubuksan niya ang kahon, inisip niya, ‘Kabibili ko lang ng Bvlgari Emerald Goddess Dream necklace ilang araw pa lang ang lumipas. Ano kayang alahas ang ibibigay sa akin ni Charlie mula sa Bvlgari ngayon? Kung bracelet ito mula sa Emerald Goddess Dream, pwede itong ipares sa kuwintas ko, at magiging sobrang ganda nito!’Binuksan nang masaya ni Elaine ang kahon habang iniisip ito.Pero, pagkatapos nito, natulala siya sa bagay na nakita niya.“Ito…

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 4652

    “Na-homesick?!”Natulala at nalito si Claire sa biglaang sinabi ni Elaine, at tinanong niya nang hindi maintindihan, “Ma, nasa South Korea pa si Papa, at nasa United States kami ni Charlie. Paano ka na-homesick?”May nahihiyang ekspresyon si Elaine habang sinabi, “Iniisip ko lang ang Aurous Hill. Medyo mahirap nga masanay, at hindi komportable na tumira sa ibang bansa. Parang ang Aurous Hill ang pinakamagandang lugar para sa akin. Bakit hindi kayo tumingin kung may flight pabalik sa Aurous Hill, at mag-book ng ticket para sa akin para makabalik ako.”Tiningnan ni Claire si Elaine nang nagtataka at sinabi, “Ma, hindi ba’t sinabi mo na hindi ka makatulog dahil miss mo na kami at hindi mo kaya ang mag-isa sa napakalaking bahay? Hindi ba’t iyon ang dahilan kung bakit ka pumunta sa United States para hanapin kami? Ilang araw pa lang, pero gusto mo nang bumalik sa Aurous Hill? Hindi ba’t magiging mag-isa ka kapag bumalik ka sa Aurous Hill? Hindi ba’t mag-isa ka pa ring titira sa villa sa

Bab terbaru

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5921

    Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5920

    Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5919

    Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5918

    Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5917

    Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5916

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5915

    Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5914

    Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5913

    Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status