Medyo mahirap na ito.Naramdaman ni Charlie na kailangan niyang kausapin si Isaac at mag-ayos ng buong proteksyon sa araw na iyon. Hindi dapat siya makilala kahit anong mangyari.Sa kalagitnaan ng kanilang hapunan, sinabi ni Loreen, “Bago pa ako pumunta sa Aurous Hill, kinausap ko ang mga kaklase natin sa kolehiyo at nagmungkahi sila ng isang class reunion. Ano sa tingin mo?”Agad na sinabi ni Charlie, “Salamat nalang, hindi ako pupunta.”“Bakit?” Tinanong nang mausisa ni Loreen. “Kahit na hindi tayo magkaklase sa kolehiyo sa apat na taon, nagkasama pa rin tayo ng isang taon!”Nang inalagaan si Charlie ni Lord Wilson, ipinadala niya siya sa Aurous University upang makilala niya si Claire. Silang dalawa ni Claire ay ginugol ang huling taon nang magkasama sa parehong klase.Pagkatapos ng graduation, agad silang nagpakasal.Hindi siya nakipagkaibigan sa kahit sino sa klase. Bukod dito, halos lahat sila ay minamaliit siya, kaya hindi siya interesado nang marinig ang reunion.Ibinah
Dahil pumayag si Charlie na pumunta sa class reunion, pinaalala ni Claire, “Kailangan nating maghanda ng regalo para sa pagbubukas ng restaurant ni Douglas, hindi dapat tayo pumunta nang walang dala.”Tumango si Charlie. “Sige, pupunta ako at bibili ng regalo para sa kanya bukas ng umaga.”“Magaling,” sinabi ni Claire “Kailangan kong pumunta sa opisina ng Emgrand Group bukas ng umaga.”Sinabi nang nasorpresa ni Loreen, “Gano’n ba? Pumunta ka sa opisina ko pagkatapos mo, pwede akong sumabit sa kotse mo papunta sa restaurant ni Douglas sa tanghali.”Ngumiti nang nahihiya si Claire, “Pwede mo nang itapon ang iniisip mo palabas ng bintana! Wala akong kotse. Kadalasan ay sumasakay ako sa taxi o sa bus, at minsan sinusundo ako ni Charlie gamit ang kanyang scooter.”“Ano?” Sinabi nang gulat ni Loreen. “Batang babae, direktor ka na ng isang kumpanya, bakit hindi ka pa bumibili ng kotse para sa sarili mo?”“Kasisimula ko pa lang at hindi pa ako kumikita. Kadalasan, ang sahod ko ay ginagam
Maraming babae ang nainggit at nausisa pagkatapos marinig ang balita.Iniisip ng lahat na sino ang sobrang swerte na magkaroon ng isang lalaki na gagastos ng milyong-milyong dolyar sa isang gabi para ireserba ang buong Sky Garden at magtapat ng pag-ibig sa kanya!Maraming tao ang nasabik sa araw na darating upang makapunta sila at makita nila ito!Para maging sikreto ang kanyang pagkakakilanlan, inutusan ni Charlie si Isaac na gumawa ng espesyal na pagbabago sa Sky Garden sa araw ng pagdiriwang. Sa parehong oras, nasabik siya sa pagdating ng araw na iyon!Gusto niyang bigyan si Claire ng isang di malilimutan na engrandeng kasal sa kanilang anibersaryo ng kasal!***Pumunta si Charllie sa 4s shop nang maaga sa sumunod na araw.Mayroon siyang bank card na may laman na sampung bilyong dolyar na hindi niya pa masyadong nagagamit.Sa oras na ito, gusto niyang gastusin ito para makabili ng isang maganda at kaaya-ayang kotse para kay Claire.Nilayon niyang bilhan siya ng Rolls-Royce,
Naglabas si Charlie ng sarkastikong ngiti at sinabi, “Magkano ang komisyon mo sa kotse na ‘to?”Sininghal ng tao, “Sampung libong dolyar!”Tumango si Charlie. “Sige, napakahusay, nawalan ka na ng sampung libong dolyar.”Pagkatapos ay tumalikod na siya at umalis. Nagkataong nakasalubong niya ang manager ng shop na may name tag sa kanyang damit at nakalagay Arthur Walsh.Direkta niyang tinanong ang lalaki, “Ikaw ba ang namamahala sa shop na ‘to?”“Oo, ako nga.” Tumango si Arthur. “May maitutulong ba ako?”Itinuro ni Charlie ang bastos na sales executive at sinabi, “Mas mabuti pang tanggalin mo na ang taong ‘yan. Isa siyang bulok na mansanas na walang magagawang mabuti sa negosyo mo.”Ang taong iyon ay mabilis na umabante at sinabi, “Mr. Walsh, huwag kang maniwala sa kanyang kalokohan, baliw siya! Isa lang siyang mahirap na talunan na pumunta para gamitin ang WiFi at aircon natin!”Ngumiti nang sarkastiko si Charlie. “Isang mahirap na talunan, sabi mo? Maghintay ka lang.”Agad si
Inisip niya kung ano ang magagawa niya hanggang sa isang magandang ideya ang biglang pumasok sa kanyang utak.Nagmaneho siya sa malapit na workshop ng pagawaan ng kotse, nagbayad ng dalawampung dolyar upang palitan ang logo ng BMW 760 at gawing 520.Ang pangunahing pagkakaiba sa dalawang modelo ay ang kanilang makina at ang disenyo sa loob. Ang labas ng BMW 5 series ay mukhang magkatulad sa 7 series sa punto na mahirap makita ang pagkakaiba nila bukod sa pagtingin sa tatak sa likod.Ang 520 ay ang pinakamababang spec model sa 5 Series, mayroon itong pangkaraniwang makina at pangkaraniwang teknolohiya, pangkaraniwan itong kotse.Sa kabilang dako, ang 760 ay ang pinakamataas na spec model sa 7 series na may napakataas na makina at may nakamamanghang maniobra. Sobrang lakas ng kotse na ito.Ngumiti nang matagumpay si Charlie habang minamaneho niya ang 760 na may logo ng 520 sa likod. Hindi pamilyar si Claire sa mga kotse at hindi siya masigasig sa kanila. Siguradong maniniwala siya k
Ang restaurant ni Douglas ay matatagpuan sa bagong redevelopment zone ng Aurous Hill. Medyo malayo ito sa siyudad at kakaunti lang ang mga tao. Kaunting nalito si Charlie kung bakit dito itinayo ni Douglas ang kanyang restaurant.Sinabi sa kanya ni Claire na ilang malalaking manufacturing company ang magtatayo ng kanilang kumpanya at mga pabrika sa redevelopment zone kasama na ang multinational na kumpanya tulad ng Foxconn, kaya ang lugar na iyon ay yayaman at uunlad nang mabilis.Sa ibang salita, matalino ang desisyon ni Douglas na magtayo ng restaurant dito.Ang restaurant ni Douglas, na pinangalanang The Charm, ay nasa sulok ng isang malawak na bagong kalye. Sa labas, mukhang malaki ito, may dalawang palapag. Ang pangalan ng restaurant ay nagmumungkahi ng masining na ideya.Nang dumating si Charlie sa pinto ng restaurant, mayroong nang hilera ng kotse na nakaparada malapit sa pasukan at may ilang mga taong nakatayo sa harap ng isang gintong BMW, naninigarilyo at nag-uusap.Naki
Marahang binati nina Claire at Loreen ang lahat. Nagngalit ang mga ngipin ni Clinton as sobrang pagkabalisa habang nakatingin siya kay Claire na mas lalong lumiliwanag at gumaganda.Noong sila ay nasa kolehiyo, desperado niyang sinubukan na kunin ang kanyang puso, pero hindi niya siya pinansin.Gayunpaman, pinakasalan niya ang isang walang kwentang talunan na umaasa lamang sa kanya.P*cha, bakit?!Siguradong bulag ang diyos!Lumiit ang kanyang mga mata sa pagkabalisa at kinutya. “Hey, Charlie, mukhang maganda ang buhay mo pagkatapos pakasalan si Claire! Nakakapagmaneho ka pa ng BMW ngayon! Binili ba ito ni Claire para sa’yo? Isa ka talagang huwaran ng isang laruan na lalaki!”Nainis si Claire sa sinabi niya habang mabilis na sinabi ni Loreen, “Clinton, mali ka, hindi si Claire ang bumili ng kotse ngunit si Charlie mismo ang bumili nito!”“Aba!” Kumibot ang mga labi ni Clinton. “Magaling, kaya mo nang makabili ng BMW 5 Series ngayon!”Pagkatapos, sinabi niya sa nakagagalit na to
Hindi mapigilan ni Clinton ang kanyang pagkasabik nang marinig ang kanilang pusta.Ang kanyang kotse ay ang modelo ng 540 habang kay Charlie ay 520. Ang talunan ay hindi posibleng manalo kahit subukan pa niya.Napahanga siya sa kapangahasan ni Charlie na pumusta nang malaki sa kanya!Ang kanyang kotse ay magiging basura kapag sinindihan ang tatlong metrong paputok sa loob ng kotse niya. Ang lahat—ang disenyo, upuan, at dashboard—ay agad na masisira.Hinuhukay ni Charlie ang sarili niyang libingan, kaya itutulak niya na lang siya!Tumango nang walang pag-aatubili si Clinton at sumigaw, “Guys, kayo ang magiging saksi namin’! Magkakarera kami kung sino ang mas mabilis. Kung sino ang matalo, lalagyan ng paputok ang loob ng kanyang kotse at sisindihan ito!”Pagkatapos, dinagdag niya, “Kung may mangangahas na lumabag sa pusta, mamamatay ang buong pamilya niya!”Ang mga lalaki na nakatayo sa gilid ng kalsada ay sumigaw nang malakas. Ang mga natirang kaklase sa loob ng restaurant ay lum
“Martial arts?” Tinanong ni Nanako sa sorpresa, “Charlie-kun, ang Oskian martial arts ba ang tinutukoy mo?”Tumango si Charlie at sinabi, “Tama. Gumagamit ng essential qi ang Oskian martial arts para buksan ang walong pambihirang meridian.”Natulala si Nanako at tinanong, “Pwede ba ako?”Pagkatapos itong sabihin, sinabi niya sa mahinang boses, “Dahil, hindi naman ako Oskian, Charlie-kun…”Kinaway ni Charlie ang kanyang kamay, tumingin kay Nanako, at sinabi nang seryoso, “Lumaganap na sa buong mundo ang Oskian martial arts. Maraming sect sa ibang bansa ang kumuha ng mga dayuhang disipulo, at marami ring mga dayuhang miyembro sa Ten Thousand Armies, kaya wala kang dapat alalahanin. Kung interesado ka, pwede kitang pasalihin sa training.”Tinanong nang nagmamadali ni Nanako, “Anong klaseng training ito? Ikaw ba ang personal na magsasanay sa akin, Charlie-kun?”Umiling si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Wala akong gano’ng abilidad. Isang dating leader ng isang martial arts sect mu
“Okay!”Nang tiningnan ni Nanako ang likod ni Marianne habang umaalis siya, pakiramdam niya na para bang kakaiba ang kilos ni Marianne, pero hindi niya maisip kung bakit. Pakiramdam niya na medyo natatakot si Marianne sa kanya dahil parang kakaiba ang ekspresyon niya sa sandaling nakita niya siya. Naramdaman pa ni Nanako na parang gumaan ang pakiramdam ni Marianne nang lumabas na siya sa elevator.Inisip ni Nanako, ‘Nakakatakot ba ako?’Dumating ang elevator sa underground parking lot habang iniisip ito ni Nanako.Nagmaneho si Charlie papasok sa underground parking lot pagkatapos maghintay ni Nanako ng mga limang minuto. Mabilis na tumayo si Nanako sa gilid nang umaasa.Umabante agad siya pagkatapos ipinarada ni Charlie ang kotse. Pagkatapos lumabas ni Charlie sa kotse, kumaway siya sa kanya nang sabik at pagkatapos ay yumuko nang bahagya habang sinabi, “Charlie-kun, nakakapagod siguro ang biyahe mo!”Natulala saglit si Charlie, pagkatapos ay ngumiti siya at sinabi, “Hindi ito na
Alam ni Nanako na hiling ng kanyang ama na magkaroon sila ng relasyon ni Charlie, kaya hindi siya nasorpresa nang tinukso siya ng kanyang ama. Hindi rin siya nahiya nang sobra. Sa halip, huminga siya nang malakas at nagreklamo, “Otou-san, magbo-book na ako ng hotel para sayo ngayon kung gusto mong matulog sa hotel. Pwede ka pang manatili sa hotel hanggang umuwi tayo sa Japan! Kung hindi pa ito sapat para sayo, kaya kong bilhin ang hotel na titirahan mo, Otou-san.”Humagikgik si Yahiko at sinabi, “Nanako, nagbibiro lang ako, hayaan mo na sana ako…”Pagkasabi nito, mabilis niyang idinagdag, “Oh, magsisimula na akong maglaro ng golf, kaya aliwin mo muna si Mr. Wade. Hindi kami babalik at mang-iistorbo pansamantala!”Hindi na masyadong nagsalita si Nanako nang makita niya na hindi na siya tinukso ng kanyang ama. Pagkatapos magpaalam sa kanyang ama, nagmamadali siyang lumabas at naghandang makipagkita kay Charlie sa basement.Pinindot niya ang down button sa elevator, at mabilis na bumu
“Okay, Master Wade!”***Pagkatapos ng tawag kay Aurora, tinawagan ni Charlie si Nanako. Nagbuburda si Nanako sa bahay. Nang matanggap niya ang tawag ni Charlie, sinabi niya nang masaya, “Charlie-kun, ano ang kinakaabalahan mo ngayon?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Nagmamaneho ako, at pabalik na ako sa siyudad. May gusto akong sabihin sayo sa personal. Nasa bahay ka ba ngayon?”Sinabi nang masaya ni Nanako, “Oo! Charlie-kun, pwede kang pumunta kahit anong oras.”Sinabi ni Charlie, “Okay, darating ako ng halos dalawampung minuto.”Mabilis na binaba ni Nanako ang burda sa mga kamay niya at sinabi nang nakangiti, “Maghahanda na ako ngayon at magpapakulo muna ng ilang tsaa para makapag-tsaa tayo pagdating mo mamaya, Charlie-kun.”Sinabi nang nagmamadali ni Charlie, “Hindi mo na kailangan mag-abala. May gusto ko lang akong sabihin sayo sa personal, at aalis ako pagkatapos kang kausapin.”Sinabi nang nakangiti ni Nanako, “Pwede kang mag-enjoy ng isang tasa ng tsaa habang nagsasalita
Tinawagan muna ni Charlie si Aurora pagkatapos magdesisyon. Medyo matagal na niyang hindi nakikita si Aurora. Ang huling beses na nakita niya siya ay noong ipinadala ni Aurora ang mga halamang gamot sa kanya sa ngalan ng kanyang ama.Medyo nahiya si Charlie nang maisip niya na nangako siya sa kanya na maglalaan siya ng oras para pangasiwaan ang training niya pero hindi niya ito magawa dahil masyado siyang naging abala.Mabilis na kumonekta ang tawag pagkatapos niyang tawagan ang number ni Aurora. Tinanong ni Aurora sa sorpresa, “Master Wade, bakit may oras ka na tawagan ako?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Tinawagan kita dahil may magandang balita ako na sasabihin sayo.”Tinanong nang masaya ni Aurora, “Ano ito? Maaari ba na pupunta ka sa bahay ko para pangasiwaan at gabayan ako sa training ko? Matagal mo na itong pinangako sa akin…”Sinabi ni Charlie nang nakangiti, “Kaugnay ito doon. Kailan lang ay nag-imbita ako ng isang martial arts expert para gumawa ng isang martial arts tra
Sinabi nang nagmamadali ni Isaac, “Albert, bakit hindi kita ilibre ng kain mamayang gabi? Kailangan nating uminom nang magkasama!”Sinabi ni Albert, “Mukhang hindi ako makakaalis pansamantala. Ako ang responsable para sa lahat ng logistics dito, kaya sa teorya, kailangan kong manatili dito buong magdamag!”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Albert, “Ganito na lang kaya? Maghanap tayo ng pagkakataon na uminom nang magkasama sa Champs Elys Resort pagkatapos opisyal na magsimula ang mga leksyon. Siguradong may ilang libreng oras tayo pagkatapos ng mga klase.”Sinabi nang nakangiti ni Isaac, “Okay! Gano’n na lang!”***Samantala, nagmamaneho si Charlie pabalik sa siyudad ng Aurous Hill.May malaking kahalagahan para kay Charlie ang pananatili ni Caden sa Aurous Hill para sanayin ang mga martial arts expert para sa kanya.Kahit kailan, hindi nag-cultivate o nag-ensayo ng martial arts si Charlie, kaya bukod sa pagbibigay ng mga pill at mga mental cultivation method, wala siyang ib
Nang makita ni Isaac na parang kumikilos nang misteryoso si Albert para bitinin siya, tinukso niya siya, “Albert, hindi pa ba kita kilala? Siguradong wala kang magawa maliban sa asarin ako! Paano tayo magiging magkaklase sa ganitong edad?!”Sinabi nang agrabyado ni Albert, “Hindi iyon totoo, Mr. Cameron! May habang buhay na pagkakaibigan tayo, kaya sa tingin mo ba ay aasarin kita nang kaswal?”Pagkatapos, idinagdag niya nang mabilis, “Okay, Mr. Cameron, hindi ko na itatago ang katotohanan sayo. Didiretso na ako sa punto. Alam mo naman na ni-renovate ni Master Wade ang Champs Elys resort kailan lang, pero alam mo ba kung bakit niya ni-renovate ang lugar na ito?”Sinabi ni Isaac, “Hindi ba’t gustong sanayin ng young master ang isang grupo ng mga martial artist doon? Anong kinalaman nito sa atin?”Humagikgik si Albert at sinabi, “Tinipon ko ang tapang ko para kausapin si Master Wade ngayong araw, at sinabi ko sa kanya na interesado tayo sa pag-eensayo ng martial arts, kaya hiniling ko
Kinamot ni Albert ang kanyang kamay at sinabi nang may seryoso at umaasang tingin, “Master Wade, sa totoo lang, gusto kong mag-ensayo ng martial arts. Sa totoo lang, matagal ko nang gustong matuto ng martial arts,, pero wala akong pagkakataon na gawin ito…”Habang nagsasalita siya, bumuntong hininga siya at sinabi, “Naisip ko na hilingin na maging master kita kanina, pero alam ko ang abilidad ko. At saka, matanda na ako, kaya dapat unti-unti kong matutunan ang mga bagay, kaya hindi ako nangahas na hilingin sayo na turuan ang isang baguhan na tulad ko na wala man lang pundasyon sa martial arts. Ngayong magtatayo ka ng isang training base, naisip ko na humingi na pahintulot na mag-ensayo at matuto rin kasama ang mga estudyante. Para naman sa kung magtatagumpay ako sa paglinang ng martial arts o hindi, nakadepende ito sa tadhana ko. Kung hindi ko tadhana ang martial arts, susukuan ko ito, pero mas marami akong magagawa para sayo sa hinaharap kung matututunan ko ito…”Sinabi nang nakangi
Hindi pinigilan ni Charlie si Caden nang makita niya na lumuhod si Caden sa dalawang tuhod. Alam niya na karapat-dapat siya para luhuran ni Caden. May awtoridad at kakayahan siyang magturo!Kaya, ang mga guro ang pinakadakila sa tradisyon sa Oskia.Dati ay binigyan niya si Caden ng isang pill para tulungan siyang maabot ang Great Perfection Realm ng Illuminating Realm. Kahit na pabor din iyon, hindi iyon maituturing na pagtuturo.Tinuturuan at nagbabahagi ng kaalaman talaga ngayon si Charlie kay Caden nang pinasa niya ang laman ng second chapter ng Taoist Sect Hanbloom Method.Lumuhod nang sumasamba si Caden habang yumuko siya sa harap ni Charlie.Hinintay ni Charlie na matapos ang paggalang niya bago niya inabot ang kanyang kamay para tulungan siyang tumayo at sinabi, “Master Howton, aralin mo muna sana itong mental cultivation method. Hindi na kita aabalahin pa. Sasabihan ko si Albert na ipaalam sayo bago dumating ang mga estudyante.”Pinagdaup ni Caden ang mga kamay niya, iti