Nagkataon na Sabado ang sumunod na araw.Nakatuon na ang puso ni Claire na pumunta sa New York para makita ang concert, kaya, iminungkahi niya kay Charlie na gusto niyang samantalahin ang pagkakataon na ito na pumunta nang maaga sa New York dahil gusto niyang maglibot sa New York, pumunta sa concert sa gabi, at manatili sa New York sa gabi bago maglibot ulit sa New York bukas ng umaga bago sila bumalik sa gabi sa Linggo.Naramdaman din ni Charlie na masyadong nagsisikap ang asawa niya sa mga klase niya, kaya, gusto niyang samantalahin ang pagkakataon na ito na hayaan ang asawa niya na mag-relax at magpahinga.Kaya, pumayag si Charlie sa mungkahi ni Claire nang walang pag-aatubili at sinabihan ang isang tao na tulungan siyang mag-book ng suite sa Shangri-La sa New York.Pagkatapos nilang mag-almusal, nagmaneho sila papunta sa New York.Ayon sa dating kaalaman ni Claire sa New York, dinala muna siya ni Charlie sa Times Square at pagkatapos ay pumunta sa sikat na Statue of Liberty.
Nang marinig ito ni Charlie, hindi niya napigilan ang pagkunot nang kaunti ng noo niya.May malabong pakiramdam nga siya na marahil ay pumunta ang pamilya ng lola niya para suportahan si Quinn, pero hindi niya inaasahan na tama talaga ang hula niya.Para maiwasan ang kahit anong direktang contact sa pamilya ng lola niya, ayaw ni Charlie na pumunta sa concert.Pero sa isang dako, ayaw niyang maging malungkot ang asawa niya, at sa kabilang dako, may VIP room. Kaya, hindi niya ito masyadong sineryoso.Ngayon, nang marinig niya na nandito si Lady Acker kasama si Lord Acker, sinabi niya, “Bisita sila, Miss Golding, kaya dapat maging mabait ka at aliwin sila.”Sinabi ni Quinn, “Master Wade, sa tingin ko rin, pero may isa pang sitwasyon. Matanda na ang dalawang nakakatanda at may medyo espesyal na katayuan sila. Natatakot ako na hindi talaga angkop kung hahayaan ko silang panoorin ang performance ko sa auditorium. Kaya, ang ideya ko ay ipadala sila sa VIP room para makapag-relax nang kau
Mukhang naintindihan ni Claire ang teorya ni Charlie sa Feng Shui.Noon pa man ay naramdaman na niya na makatwiran ito, pero naramdaman niya rin na medyo misteryoso ito.Pero, namamangha siya sa mga bagay na hindi niya maintindihan kadalasan, kaya, hindi na siya nagtanong ng kahit ano.Samantala, si Charlie, na nasa tabi niya, ay kinakabahan na nang kaunti at hindi mapalagay sa sandaling ito.Hindi siya nag-aalala na mabubunyag siya sa harap ng pamilya ng lolo niya sa gabi, ngunit hindi niya mapigilan na magkaroon ng mapanglaw na pakiramdam.Kahit na may ilang reklamo siya sa ginawa ng pamilya ng lolo niya dati, sa kailaliman ng isipan niya, kadugo niya pa rin ang pamilya ng kanyang ina.Ngayong gabi ang unang pagkakataon na magiging malapit ulit siya sa kanila makalipas ang mahigit dalawampung taon, at hindi maiiwasan na kabahan siya.Samantala, dumating na ang lolo’t lola ni Charlie, pati na rin ang mga anak nila, sa Ark Building sa Manhattan.Habang sumakay sila sa elevator
Maraming insurance at financial service company sa buong mundo. Pero, kaunti lang sa kanila ang kayang magpatayo ng isang skyscraper sa Manhattan, kung saan mahal ang lupa. Ang Ark Group ang isa sa kaunti na ito.Sinimulan ng pamilya Acker ang negosyo nila sa Los Angeles, pero lumaki sila pagkatapos magpalawak sa Silicon Valley at New York.Maraming taon na ang nakalipas, nag-invest si Ashley sa maraming kumpanya na may malaking potensyal sa Silicon Valley sa sobrang babang presyo. Para tulungan ang mga investment na ito sa capital planning nila, pumunta ang pamilya Acker sa financial center ng United States, sa New York, at itinayo ang core ng negosyo ng pamilya doon.Maraming mga subsidiary ang pamilya Acker sa ilalim ng grupo nila, kasama na rin ang mga investment company. Pero, nanatiling core business ng pamilya Acker ang Ark Group.Pagkatapos ipatayo ang Ark Group, pinagsanib ni Ashley ang mga investment fund niya sa Silicon Valley sa Ark Group. Biglang naging pinakamalaking
Natulala ang lahat sa biglaang galit ni Keith, at tumingin ang lahat sa isa’t isa sa pagkabigo.Alam nila na hindi ito mapapalampas ni Keith. Hindi niya maintindihan kung bakit nagpumilit si Curtis na bumalik sa Eastcliff. Sapat na ang lakas ng pamilya Acker para alagan siya at tapat sila sa kanya, pero matatag na tumanggi si Curtis na manatili dito.Gayunpaman, alam ng lahat kung gaano ka-egoistic si Keith. Kapag kaharap si Curtis, palagi siyang mayabang at matigas ang ulo.Para siyang isang superior na sabik kumuha ng magandang talento. Handa siyang magbayad ng 10 million o higit pa para sa isang talento na kaya lang kumita ng one millon sa ibang kumpanya.Sa pananaw niya, walang rason ang kabila para tanggihan siya.Hinding-hindi niya inaakala na ayaw tanggapin ni Curtis ang alok niya at tinanggihan siya. Nainis at nagalit nang sobra si Keith.Sa una, hinahangaan nang sobra ni Keith si Curtis. Marahil ay mas mababa ang pamilya ni Curtis kaysa sa pamilya Acker, pero may potensy
Bumuntong hininga si Holly, wala siyang magawa.Malungkot niyang pinalalahanan ang asawa niya, “Keith, lilinawin ko ito sayo. Hindi ko mapapawi ang galit mo para kay Curtis, pero dapat baguhin mo ang nararamdaman mo sa kanya.”Pero, nanatiling matigas ang ulo ni Keith at nawalan siya ng pasensya. “Hindi! Hindi ako magbabago! Kahit na mamatay ako, hindi magbabago ang nararamdaman ko para kay Curtis!”Sa sandaling iyon, nagalit si Holly. “Magaling! Manatiling matigas ang ulo mo at huwag kang magbago, Pa! Kapag umuwi si Charlie, babanggitin ng pamilya sina Ashley at Curtis. Paano kung sabihin mo ang lahat ng ito sa kanya? Siguradong puputulin niya ang lahat ng relasyon niya sayo pagkatapos marinig ang sinabi mo tungkol sa kanyang ama. Kung itataboy mo ang apo ko, puputulin ko rin ang relasyon ko sayo! Tingnan mo lang!”Agad nawala ang galit ni Keith nang tinamaan siya ng babala ni Holly.Alam niya na malabo para kay Holly na putulin ang relasyon nila, pero iba ito para sa kanyang apo
Habang nakikinig sa sagot ni Merlin, naramdaman ni Keith na maraming kuwento sa likod ng paghihirap ni Merlin.Sinabi ni Keith, “Ayos lang ito. Ayos lang sa akin na makinig. Pwede tayong mag-usap nang mahabang sa lamesa mamaya.”Kagagaling lang ni Keith mula sa malapit na kamatayan. May seryosong problema siya sa memorya, at hindi niya alam ang mga kasalukuyang nangyayari sa United States.Pero, naiintindihan niya si Merlin at alam niya na si Merlin ay isang matigas na ulo na bata na hindi kayang aminin ang pagkatalo niya. Kaya, mas lalo siyang naging mauisa sa sasabihin ni Merlin.Alam ni Merlin na imposibleng ipaliwanag ang lahat kay Keith gamit lang ang ilang salita. Kaya, sinabi niya nang malabo, “Okay, Uncle Keith. Hindi dapat kita abalahin sa mga problema ko. Bakit hindi ko kayo samahan para uminom nang kaunti mamaya?”Dito, sinabi ni Holly, “Merlin, hindi ka dapat uminom kasama si Keith. Kung iinom ulit si Keith, natatakot ako na marahil ay kahit ako ay hindi niya makilala!
Ipinaliwanag ni Christian, “Ang halaga ng pagpapalit ng carpet tulad nito ay maliit na proporsyon lang ng asset ng pamilya namin. Katulad ng pagpapalit sa garbage bag para sa trash can mo. Nababalisa ka ba kapag pinapalitan mo ang garbage bag?”“P*ta…” Pinagtampal ni Merlin ang mga labi niya at binulong, “Nakakadiri kayo.”Nagtampo si Christian. “Sinasabi ko lang ang totoo.”Unti-unti silang pumunta sa dining area habang nag-uusap sila. Inimbita ni Keith si Merlin na umupo sa tabi niya.Maagang inutusan ni Kaeden ang staff. Sa sandaling umupo sila, inihain agad ng staff nang isa-isa ang mga inihandang pagkain.Nag-alok si Kaede ng isang bote ng whiskey, gusto niyang uminom nang kaunti kasama si Merlin at Christian.Mukhang nga-aalala si Keith sa kasalukuyang sitwasyon ni Merlin at patuloy niya siyang tinanong sa mga problema niya.Pero, si Merlin, ay tumangging magpaliwanag pa at binigyan lang si Keith ng mga malabong paliwanag tungkol sa ilang hindi nalutas na major case na nan
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl