Ipinaliwanag ni Christian, “Ang halaga ng pagpapalit ng carpet tulad nito ay maliit na proporsyon lang ng asset ng pamilya namin. Katulad ng pagpapalit sa garbage bag para sa trash can mo. Nababalisa ka ba kapag pinapalitan mo ang garbage bag?”“P*ta…” Pinagtampal ni Merlin ang mga labi niya at binulong, “Nakakadiri kayo.”Nagtampo si Christian. “Sinasabi ko lang ang totoo.”Unti-unti silang pumunta sa dining area habang nag-uusap sila. Inimbita ni Keith si Merlin na umupo sa tabi niya.Maagang inutusan ni Kaeden ang staff. Sa sandaling umupo sila, inihain agad ng staff nang isa-isa ang mga inihandang pagkain.Nag-alok si Kaede ng isang bote ng whiskey, gusto niyang uminom nang kaunti kasama si Merlin at Christian.Mukhang nga-aalala si Keith sa kasalukuyang sitwasyon ni Merlin at patuloy niya siyang tinanong sa mga problema niya.Pero, si Merlin, ay tumangging magpaliwanag pa at binigyan lang si Keith ng mga malabong paliwanag tungkol sa ilang hindi nalutas na major case na nan
Medyo nadismaya si Merlin sa kumpirmasyon ng pagkakakilanlan ni Janus.Umaasa siya na makarinig ng ilang kakaibang impormasyon, ang uri na kayang iparamdam sa mga tao na siguradong may nangyayari.Pero, nawala ang pagdududa niya tungkol kay Janus pagkatapos matanggap ang balita mula sa kanyang informant. Bilang isang matandang detective, alam niya na kayang i-disguise nang mabuti ng isang tao ang kasalukuyan, pero hindi ang nakaraan.Marahil ay magtagumpay ang maraming kriminal na linisin ang pangalan nila at maging matagumpay na tao. Pero, kadalasan, marami sa kanila ay nahuhuli sa huli para sa mga nakaraang krimen nila.Sa pagbubunyag ng mahabang kasaysayan ni Janus halos tatlong dekada na ang nakalipas, sapat na ito para ipaliwanag ang relasyon niya kay Quinn Golding. Walang mali para kay Quinn na kumain sa restaurant niya. Normal lang ito.Habang kumakain si Quinn doon, nagkataon na narinig niyang binabanggit ni Christian ang tungkol sa sakit ni Keith. Makatwiran na bumiyahe s
Maraming romantikong relasyon si Shawn sa Hong Kong sa mga nagdaang taon. Ang lahat ng babae na nagkaroon ng relasyon sa kanya ay pinuri siya bilang isang bihirang ginoo, kahit na naghiwalay sila ng landas sa huli.Maraming mayaman at romantikong tao sa paligid, pero halos imposible na makahanap ng isang tao na tulad niya.Gabi na sa Hong Kong, at nasa study room si Shawn, may suot siyang isang nightgown. Doon niya nadiskubre ang pinakabagong impormasyon tungkol kay Janus mula sa kanyang butler, kay Ken.Habang binabasa niya ang impormasyon, unti-unting naging maasim ang mukha niya. Ngumisi siya, “Maraming taon ko na siyang hinaharap. Hindi ko inaasahan na may pinapaandar na restaurant siya sa Oskiatown, sa lahat ng lugar! Tingnan mo siya ngayon! Mukhang pagod na pagod siya. Kung makakasalubong ko siya, siguradong hindi ko siya makikilala!”Sinabi ni Ken, “Sir, nagtago nang mabuti si Janus. Narinig ko na bihira lang siyang mag-ahit sa dalawang dekada at hinayaan niyang humaba ang b
Sa parehong oras, sa Oskiatown, sa New York.Maganda ang negosyo ng restaurant ni Janus dahil tanghalian. Abala siya at ang mga staff niya habang pinagsisilbihan nila ang mga customer. Sa lahat ng ito, tahimik na binabantayan ni Janus ang labas ng pinto.Simula kaninang umaga, may napansin siyang kakaiba. Palaging may hindi kilalang kotse na nakaparada sa tapat ng shop. Bukod dito, nagpalit ang kabila gamit ang apat na kotse at pinarda sa iba’t ibang lugar. Kahit na sa iba’t ibang lugar ito nakaparada, alam ni Janus na lahat ng lugar na ito ay nakikita ang main entrance ng restaurant niya.Medoy nabalisa siya dahil sa kaalaman na ito. Hindi siya mapakali.Alam niya na siguradong hinahabol siya ng New York police.Mas lalong kinabahan si Janus dahil pinupuntirya siya ng mga pulis. Samantala, napansin ng isa sa mga staff na kakaiba ang kilos niya. “Anong problema, sir?”“Ayos lang ako…” Sumagot si Janus. “Magtrabaho ka lang at hayaan mo ako.”Tumango ang staff member. “Kung pagod
Nagulat si Angus, hindi niya inaasahan ang mga salitang ito mula kay Janus. “Janus… B-Bakit ka babalik sa Hong Kong? Papatayin ka ng Shawn na iyon!”Ngumiti si Janus. “Dati, pinatagal ko ang pagtira ko sa United States gamit ang iligal na paraan. Isa akong illegal immigrant. Ngayong nahanap ako ng pulis, hindi matagal bago nila ako i-deport. Kahit na ayokong umalis, wala akong kontrol sa sitwasyon ko.”Sinabi ni Angus, “Kahit na, hindi ka pwedeng umupo lang dito at hintayin na ma-deport ka! Bakit hindi ka umalis as New York at magtago sa ibang lugar?”“Hindi na.” Kinaway ni Janus ang kamay niya, walang bahala. “Dalawang dekada na akong nagtatago. Kung magpapatuloy ako, mas lalo ko lang kamumuhian ang sarili ko.”Pagkatapos nito, tumingin siya kay Angus at sinabi nang seryoso, “Noon pa man ay gusto ko na bumalik, pero wala akong tapang. Sasamantalahin ko ang pagkakataon na ito na bumalik. Ispin mo na lang na tinulungan ako nitong mag-desisyon.”Kinabahan si Angus. “Pwede ka pang ma
Sumapit na ang hapo. Para maiwasan na dumating sa concert sa parehong oras ng pamilya ni Keith, dinala ni Charlie nang maaga si Claire sa concert hall.Maraming tagahanga na ang nagtipon sa loob at labas ng concert venue, naghihintay nang balisa na magsimula ang concert. Hindi pa oras para magpapasok, kaya gumawa ng traffic jam ang mga tagahanga na ito sa venue.Buti na lang, may VIP lane ang venue na may special security personnel na namamahala ng kaayusan sa labas. Kaya, walang kaguluhan ng sa mga tagahanga sa lugar na itoIpinaalam ni Charlie sa agent ni Quinn, kay Dorothy, ang tungkol sa pagdating nila ni Claire. Habang dumating ang kotse niya sa entrance ng VIP lane, hinayaan silang dumaan ng security pagkatapos suriin ang license plate.Ang VIP ay isang tunnel road na pababa. Habang dumidiretso ang kotse sa daan, dadaan ito sa underground parking ng stadium. Mula sa entrance, makikita ng isang tao ang ilaw sa kabilang bahagi. Ang entrance ng VIP area ay nasa gitna ng daan na
“Ayos lang. Huwag kang mag-alala dito,” sinabi ni Dorothy. “Tinulungan kami nang sobra ni Master Wade. Kami ang umabala sa kanya.”Pagkatapos, sadyang idinagdag ni Dorothy, “Siguradong gumawa kami ng maraming problema dahil madalas naming pinapapunta si Master Wade as New York para tulungan ang mga problema namin sa Feng Shui. Pasensya na at naistorbo namin ang oras niyo na magsama. Sana ay ayos lang sayo, Mrs. Wade.”Pero, hindi alam ni Claire ang pagpapahiwatig sa likod ng mga sinabi ni Dorothy. “Ayos lang, Miss Chan. Trabaho tio ng asawa ko. Nasa loob ito ng responsibilidad niya.”Ngumiti si Dorothy at tumango nang malambot. Marami siyang makabuluhan na bagay na gusto niyang sabihin kay Claire, pero alam niya na hindi dapat siya sumobra sa harap ni Charlie. Kaya, tumigil siya bago siya makapagsalita masyado.Sinabi niya nang nakangiti, “Master Wade, Mrs. Wade. Mangyaring pumasok kayo kasama ko. Dadalhin ko kayo sa VIP room.”Napansin ni Charlie ang sinusubukang gawin ni Dorothy
Alam ni Dorothy na ipinapahiwatig ni Dorothy kay Clairen a huwag lumabas kung posible. Para naman kay Charlie, hindi siya lalabas hangga’t maaari para maiwasan na makita ang mga Acker.Sa kabila nito, paano maiintindihan ni Claire ang palihim na pahiwatig ni Dorothy? Halos sinabi niya agad, “Huwag kang mag-alala, Miss Chan. Hindi kami pupunta kahit saan.”Ngumiti si Dorothy at tiningnan ang oras. Sa huli, sinabi niya, “Malapit nang dumating ang ibang VIP na bisita. Sa kabilang kwarto sila. Darating sila sa loob ng sampung minuto, at malapit ko na silang asikasuhin. Mauuna na ako para hindi ko na kayo maistorbo.”Tumango si Claire. “Okay. Sige, Miss Chan. Huwag kang mag-alala sa amin.”“Okay.” Tumango si Dorothy. Bago siya umalis, sinabi niya kay Charlie, “Mr. Wade, aalis na ako.”Pagkatapos umalis ni Dorothy, umupo nang wala sa sarili si Charlie sa sofa sa living area. Hindi siya mapakali dahil naisip niya na darating na sa loob ng sampung minuto ang lolo at lola niya.Napansin n
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl