Sumapit na ang hapo. Para maiwasan na dumating sa concert sa parehong oras ng pamilya ni Keith, dinala ni Charlie nang maaga si Claire sa concert hall.Maraming tagahanga na ang nagtipon sa loob at labas ng concert venue, naghihintay nang balisa na magsimula ang concert. Hindi pa oras para magpapasok, kaya gumawa ng traffic jam ang mga tagahanga na ito sa venue.Buti na lang, may VIP lane ang venue na may special security personnel na namamahala ng kaayusan sa labas. Kaya, walang kaguluhan ng sa mga tagahanga sa lugar na itoIpinaalam ni Charlie sa agent ni Quinn, kay Dorothy, ang tungkol sa pagdating nila ni Claire. Habang dumating ang kotse niya sa entrance ng VIP lane, hinayaan silang dumaan ng security pagkatapos suriin ang license plate.Ang VIP ay isang tunnel road na pababa. Habang dumidiretso ang kotse sa daan, dadaan ito sa underground parking ng stadium. Mula sa entrance, makikita ng isang tao ang ilaw sa kabilang bahagi. Ang entrance ng VIP area ay nasa gitna ng daan na
“Ayos lang. Huwag kang mag-alala dito,” sinabi ni Dorothy. “Tinulungan kami nang sobra ni Master Wade. Kami ang umabala sa kanya.”Pagkatapos, sadyang idinagdag ni Dorothy, “Siguradong gumawa kami ng maraming problema dahil madalas naming pinapapunta si Master Wade as New York para tulungan ang mga problema namin sa Feng Shui. Pasensya na at naistorbo namin ang oras niyo na magsama. Sana ay ayos lang sayo, Mrs. Wade.”Pero, hindi alam ni Claire ang pagpapahiwatig sa likod ng mga sinabi ni Dorothy. “Ayos lang, Miss Chan. Trabaho tio ng asawa ko. Nasa loob ito ng responsibilidad niya.”Ngumiti si Dorothy at tumango nang malambot. Marami siyang makabuluhan na bagay na gusto niyang sabihin kay Claire, pero alam niya na hindi dapat siya sumobra sa harap ni Charlie. Kaya, tumigil siya bago siya makapagsalita masyado.Sinabi niya nang nakangiti, “Master Wade, Mrs. Wade. Mangyaring pumasok kayo kasama ko. Dadalhin ko kayo sa VIP room.”Napansin ni Charlie ang sinusubukang gawin ni Dorothy
Alam ni Dorothy na ipinapahiwatig ni Dorothy kay Clairen a huwag lumabas kung posible. Para naman kay Charlie, hindi siya lalabas hangga’t maaari para maiwasan na makita ang mga Acker.Sa kabila nito, paano maiintindihan ni Claire ang palihim na pahiwatig ni Dorothy? Halos sinabi niya agad, “Huwag kang mag-alala, Miss Chan. Hindi kami pupunta kahit saan.”Ngumiti si Dorothy at tiningnan ang oras. Sa huli, sinabi niya, “Malapit nang dumating ang ibang VIP na bisita. Sa kabilang kwarto sila. Darating sila sa loob ng sampung minuto, at malapit ko na silang asikasuhin. Mauuna na ako para hindi ko na kayo maistorbo.”Tumango si Claire. “Okay. Sige, Miss Chan. Huwag kang mag-alala sa amin.”“Okay.” Tumango si Dorothy. Bago siya umalis, sinabi niya kay Charlie, “Mr. Wade, aalis na ako.”Pagkatapos umalis ni Dorothy, umupo nang wala sa sarili si Charlie sa sofa sa living area. Hindi siya mapakali dahil naisip niya na darating na sa loob ng sampung minuto ang lolo at lola niya.Napansin n
Sa sandaling ito, ang buong atensyon ni Charlie ay halos nakatuon sa lolo at lola niya, na nakahiwalay lang sa kanya sa isang pader.Narinig niyang sinabi nang magalang ni Dorothy sa lola niya, “Lady Acker, hindi mo kailangan na maging magalang sa akin. Ikaw ang lola ni Quinn, at karangalan ko na pumunta ka at si Lord Acker sa concert ni Quinn!”Ngumiti si Lady Acker at sinabi, “Si Nana na ang pinakasikat na Oskian na artista sa buong mundo. Karangalan namin na makapunta sa concert niya.”Si Lord Acker, na nasa tabi, ay hindi mapigilan na bumuntong hininga habang sinabi, “Si Miss Golding nga ang ilaw ng mga Oskian dahil may napakalakas na appeal siya at kaya niya pang dalhin ang concert niya sa United States.”Marahan na sinumbat ni Lady Acker, “Bakit mo siya tinatawag na Miss Golding?! Siya ang manugang na apong babae mo sa hinaharap. Huwag mo siyang tawagin sa pormal na paran. Nana ang pangalan niya.”Tumawa nang masya si Lord Acker at sinabi, “Oo, oo, Honey. Tama ka na sumbatan
Medyo nag-ingat din si Charlie dahil dito. Hindi niya kailangan lumabas sa pintong ito basta’t hindi pa tapos ang performance.Samantala, sa loob ng private room sa kabilang kwarto.Nakaupo sina Lord Acker at Lady Acker sa sofa. Nasa tabi ng matandang mag-asawa si Christian at ang asawa niya, at si Kaeden, si Jaxson at ang asawa niya, pati na rin ang pinakabatang aunt ni Charlie, si Lulu, ay nakaupo sa harap nila.Para naman kay Merlin, dumiretso siya sa bar at binuhusan ang sarili niya ng isang baso ng whisky. Pagkatapos nito, umupo siya sa mahabang footstool sa bar habang uminom siya nang mag-isa.Bukod sa apat na magkakapatid at tatlong uncle at aunt ni Charlie, ang tatlong anak na lalaki ni Kaeden, ang pinakamatandang anak na babae ni Jaxson, at ang 12 year old na anak na babae ni Lulu ay sumama rin sa kanila ngayong gabi.Ang mga junior na ito ay mga pinsan ni Charlie, at lahat sila ay mga tagahanga ni Quinn. Kaya, sinundan nila ang pamilya nila dito mula sa Los Angeles.Gus
Nang marinig ni Christian ang balita, naging masaya rin siya agad, at ngumiti siya nang maliwanag habang sinabi, “Hindi nakapagtataka na abot tainga ang ngiti mo. Magiging lolo ka na pala!”“Tama!” Sabik na sinabi ni Merlin, “Sinasabi ng mga matatandang ninuno na ang pamilya ang pinakamalapit sa puso natin, at totoo pala ito! Sa sandaling sinabi ng anak na babae koo na buntis siya, ayoko nang manatili ng isang minuto sa New York. Gusto kong lumipad ngayong gabi at bigyan sila ng sorpresa!”Tumawa si Christian at sinabi, “Oh, alam mo pa lakung paano sorpresahin ang asawa mo at anak? Hindi na masama, may progreso!”Pagkatapos itong sabihin, sinabi ni Christian, “Sige, huwag ka nang magsayang ng oras dito. Sasabihan ko ang crew na maghanda na, at pwede ka nang pumunta sa airport ngayon din!”Sinabi nang nagmamadali ni Merlin, “Hindi, hindi, hindi. Sumang-ayon na ako na samahan sina Lord Acker at Lady Acker na panoorin ang concert. Hindi ako pwedeng umalis sa sandaling dumating ako. Hi
Naintindihan niya ang kahulugan sa mga sinabi ng matandang lalaki, at sumang-ayon din siya sa konsepto ng matandang lalaki sa puso niya.Ang mga matandang henerasyon ng mga Oskian na pumunta sa ibang bansa para magtrabaho ay gusto rin magkaroon ng maunlad na pamilya at mga anak. Kasama na dito ang ama ni Merlin.Kahit na may limang kapatid na babae si Merlin, siya lang ang nag-iisang lalaki sa pamilya.Handang manganak ang asawa niya ng mas maraming anak para sa kanya, pero sa kasamaang palad, may ibang plano ang Diyos. Nagkaroon ng malalang hemorrhage ang asawa niya noong ipinanganak ang anak na babae niya, at tinanggal ng doktor ang uterus niya para iligtas ang buhay niya.Kaya, may nag-iisang anak na babae lang si Merlin.Sa sandaling ito, nang makita ni Lady Acker si Merlin, na isang malaking lalaki, na umiiyak, sinabi niya nang nagmamadali kay Lord Acker, “Hay! Ikaw makalumang lalaki! Ano na ang panahon ngayon? Binibigyang diin mo pa rin ang mga anak na lalaki kaysa sa anak n
Makalipas ang sampung minuto ng ganap na kadiliman, agad iilaw ang mga stage light sa isang iglap, at dose-dosenang sinag ng ilaw ang didirekta sa itaas ng stage. Sa sandaling iyon, si Quinn, na may suot na sci-fi armor, ay mahuhulog sa langit gamit ang kanyang kanta na ‘From the Future’ para gumawa ng nakakagulat at perpektong opening para sa concert.Pero, sa sandaling ito, nang makita ng mga tao ang Star Wars video nang nagsimulang mag-play ang video, nalito nang kaunti ang lahat.Nang makita ni Lord Acker na malapit nang magsimula ang concert, sinabi niya nang nagmamadali kay Merlin, “Merlin, huwag ka nang magsayang ng oras dito. Bumalik ka at samahan mo ang asawa mo at anak!”Pagkatapos itong sabihin, tumingin siya kay Christian at inutos, “Christian, sabihan mo ang crew na ihanda ang lahat sa airport at sabihan mo ang driver na dalhin is Merlin sa airport!”Tumango si Christian at sinabi kay Merlin, “Merlin, bilisan mo at samahan mo ang pamilya mo. Huwag kang pumunta kahit sa
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl