Naintindihan niya ang kahulugan sa mga sinabi ng matandang lalaki, at sumang-ayon din siya sa konsepto ng matandang lalaki sa puso niya.Ang mga matandang henerasyon ng mga Oskian na pumunta sa ibang bansa para magtrabaho ay gusto rin magkaroon ng maunlad na pamilya at mga anak. Kasama na dito ang ama ni Merlin.Kahit na may limang kapatid na babae si Merlin, siya lang ang nag-iisang lalaki sa pamilya.Handang manganak ang asawa niya ng mas maraming anak para sa kanya, pero sa kasamaang palad, may ibang plano ang Diyos. Nagkaroon ng malalang hemorrhage ang asawa niya noong ipinanganak ang anak na babae niya, at tinanggal ng doktor ang uterus niya para iligtas ang buhay niya.Kaya, may nag-iisang anak na babae lang si Merlin.Sa sandaling ito, nang makita ni Lady Acker si Merlin, na isang malaking lalaki, na umiiyak, sinabi niya nang nagmamadali kay Lord Acker, “Hay! Ikaw makalumang lalaki! Ano na ang panahon ngayon? Binibigyang diin mo pa rin ang mga anak na lalaki kaysa sa anak n
Makalipas ang sampung minuto ng ganap na kadiliman, agad iilaw ang mga stage light sa isang iglap, at dose-dosenang sinag ng ilaw ang didirekta sa itaas ng stage. Sa sandaling iyon, si Quinn, na may suot na sci-fi armor, ay mahuhulog sa langit gamit ang kanyang kanta na ‘From the Future’ para gumawa ng nakakagulat at perpektong opening para sa concert.Pero, sa sandaling ito, nang makita ng mga tao ang Star Wars video nang nagsimulang mag-play ang video, nalito nang kaunti ang lahat.Nang makita ni Lord Acker na malapit nang magsimula ang concert, sinabi niya nang nagmamadali kay Merlin, “Merlin, huwag ka nang magsayang ng oras dito. Bumalik ka at samahan mo ang asawa mo at anak!”Pagkatapos itong sabihin, tumingin siya kay Christian at inutos, “Christian, sabihan mo ang crew na ihanda ang lahat sa airport at sabihan mo ang driver na dalhin is Merlin sa airport!”Tumango si Christian at sinabi kay Merlin, “Merlin, bilisan mo at samahan mo ang pamilya mo. Huwag kang pumunta kahit sa
Sa sandaling bumagsak si Merlin sa sahig, walang kahit isang tao sa elevator ang tumingin pa ulit kay Merlin.Nakita ng isa sa kanila ang patay na mukha ni Merlin, at sinabi niya gamit ang intercom system sa kanyang helmet, “Boss, mukang ang lalaking ito ay ang detective mula sa New York Police Department, si Merlin Lammy!”Sinabi nang mapanghamak ng lalaking nangunguna, “Ano naman kung siya si Merlin Lammy? Sa opinyon ka, hindi siya magaling.’Pagkatapos itong sabihin, inutos niya, “Kayong lahat, pumasok sa battle formation. Tandaan niyo ang layunin natin at huwag kayong mag-iwan ng kahit sinong buhay!”Narinig nang malinaw ng ibang dalawampu o higit pang lalaki ang boses ng boss nila dahil may suot silang aktibong noise-cancelling headphones. Kaya, hinawakan nila ang mga baril nila gamit ang kanang kamay at tinaas ang hintuturo nila at hinlalato sa gilid ng mga sintido nila gamit ang kaliwang kamay nila.Ang ibig sabihin ng senyas naito ay natanggap nila ang utos.Pagkatapos ni
Ngayon, mukhang mali ang intelligence.Pero, sa sandaling ito, hindi na siya nag-abala na alalahanin ang mga maliliit na sorpresa na ito.Agad siyang gumawa ng senyas na nagpupunas sa leeg sa mga tao na ang ibig sabihin ay ang lahat, kasama na ang mga tao sa private room sa tabi, ay dapat patayin!Kahit ano pa, ang proseso ng atake nila ngayong araw ay patayin ang lahat ng makita nila, at patayin ang kahit sinong makita ang code of action nila ngayong gabi.Pagkatapos, agad naghanda ang lahat. Mula sa kaway ng leader, ang pinagkasunduan ay hatiin nila ang sarili nila sa tatlong tangkad, high, medium, at low, at pagkatapos ay papasok sila nang napakabilis sa pasilyo na papunta sa private room!Biglang nadiskubre ng apat na eksperto ng pamilya Acker na umaatake ang mga kalaban sa oras na ito, at nanigas ang eight-star martial expert na nangunguna habang sumigaw, “May mga kalaban!”Pagkasabi nito, mabilis niyang pinilit ang essential qi sa loob ng katawan niya na lumabas sa katawan
Tulad sa kasabihan, pinatay sila ng mga bala sa pagkalito.Kahit bilang mga martial arts expert, imposible para sa kanila na lumaban kaharap ang napakaraming dami ng bala.Ito ang dahilan kung bakit ang mga patakaran ng mundong ito ay nasa kamay ng mga baril at missile sa halip na nasa kamay ng mga martial arts expert.Paano mapipigilan ng laman at dugo ang puspusang atake ng mga modernong armas?!Para naman kay Charlie, dahil pinabalik na niya ang Reiki at atensyon niya kanina, napagtanto niya lang na may nangyayari sa labas sa sandaling dumaan ang isang bala sa pinto ng private room niya.Maraming bagay ang pumasok sa isipan niya sa kalagitnaan ng mabilis na atake.Sino ang kalaban? Sino ang target? Maaari ba na nasa panganib ang pamilya ng lolo at lola niya sa kabila?!Sa sandaling ito, tumingin agad siya kay Calire, na nahuhumaling pa rin sa panonood ng opening video. Sa sandaling iyon, agad niyang ginamit ang kanyang Reiki at tinapik ang likod ng kanyang ulo nang walang pag
Sa sandaling ito, sa dulo ng corridor sa labas ng pinto!Nang makita ng leader ng mga gangster na namatay na ang apat na martial arts expert, tinanggal niya agad ang kanyang helmet sa sabik na sumigaw mula sa corridor, “Keith Acker, huwag kang lumaban nang walang kabuluhan. Mamamatay kayong lahat ngayong gabi!”Nang marinig ito ni Keith at ng iba, namutla agad ang mga mukha nila.Mukhang hindi ito kidnapping o extortion, sa halip, isa itong matagal na binalak na murder!Napaiyak agad si Keith sa isang iglap. Nabuhay siya bilang isang dakilang tao sa buong buhay niya, pero hinding-hindi niya inaasahan na sasapitin niya ang sakuna ng pagpuksa sa mga huling taon niya.Anong magagawa nila ngayon kahit na may trilyong-trilyong US dollars ang pamilya Acker? Hindi maibabalik ang buhay ng kanyang mga anak at apo!Sa sandaling ito, desperado na rin nang sobra ang ibang miyembro ng pamilya Acker.Nakilala agad nila ang realidad, at isang tiyak na pagkamatay na ang sitwasyon ngayong araw!
Natakot nang sobra ang lalaki dahil sa matinding sakit, pati na rin sa malakas na pagtagas ng dugo sa harap niya.Binuksan niya lang ang kanyang` bibig at sumigaw dahil sa hindi matiis na sakit, pero biglang tumigil ang pagsigaw niya!Ito ay dahil nagulat siya nang makita niya sa sulok ng mga mata niya na sa kabilang bahagi ng katawan nyia, may anim na kasamahan niya na nakatayo sa iisang linya, at ang bawat kaliwang balikat nila ay pinutol!Ang pinaka nakakatakot ay hindi lang naputol ang mga kaliwang balikat ng mga taong ito, ngunti kahit ang mga baril sa kamay nila ay malinis na naputol!Agad siyang nagkaroon ng takot na takot na ekspresyon sa kanyang mukha!Nagulat din ang ibang gangster sa paligid niya, tila ba nakakita sila ng isang multo. Nagulantang sila habang nakatingin kay Charlie, at hindi nila malaman kung tao ba siya o isang multo!Sa sandaling ito, personal na nasaksihan ng mga miyembro ng pamilya Acker na nasa private room na naputol agad ang mga braso ng lalaki a
Pero, hindi sila bibigyan ng pagkakataon ni Charlie!Kakagamit lang nila ng puspusan na atake sa diretsong corridor na ito, hindi pinatago ang apat na martial arts expert mula sa pamilya Acker.Makalipas lang ang ilang segundo, bumaliktad ang mga bagay-bagay!Ngayon, narararanasan na rin nila ang kawalan ng pag-asa ng apat na martial arts expert na iyon!Lumamig ang ekspresyon ni Charlie, at sinabi niya nang malamig, “Gusto niyong tumakbo? Makakatakbo ba kayo?!”Pagkatapos itong sabihin, tinitigan niya sila nang malamig, at isang Soul Blade ang agad na lumabas sa taas ng ordinaryong tuhod ng isang tao.Ang leader, na kawawala lang ng dalawang braso, ay nakaramdam ng isang matalas na sakit sa mga binti at tuhod niya bago pa siya makasigaw!Gusto niyang tumingin sa ibaba, pero biglang nabago ang sentro ng bigat niya, at ang buong katawan niya, kasama na ang mga hita niya, ay direktang nadulas mula sa itaas ng mga tuhod niya!Pagkatapos nito, agad siyang bumagsak at nahulog sa sah
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro