Pero, may seryosong ekspresyon ang police commissioner sa kanyang mukha habang sinabi, “Merlin, kapag may malaking nangyari na hindi kayang malutas, kailangan may kumuha ng sisi para dito. Napakaraming taon ka nang nagtatrabaho para sa New York Police Department, at imposible na hindi mo ito naiintindihan. Ayokong kunin mo rin ang sisi para dito, pero kung patuloy na magiging matigas ang ulo mo, maaga na lang ako na hihingi ng tawad sa iyo!”Nagngalit si Merlin at tumingin sa kanya. Kahit na puno siya ng galit at sama ng loob sa puso niya, alam niya na totoo ang sinasabi ng police commissioner.Sa totoo lang, ipinapagtanggol pa rin nang sobra ng New York Police Department ang sarili nilang mga tao kadalasan, at siguradong maghahanap ang higher management ng paraan para lutasin ang mga problema para sa kabuuang imahe ng department.Pero, noon pa man ay hindi kaya ng New York Police Department na ayusin ang lahat.Sa mga nagdaang taon, nagsanhi ng malaking galit sa publiko ang maraha
Tumagal lang ng maikling sampung minuto ang pag-uusap nila ng police commissioner, pero naramdaman ni Merlin na tila ba tumanda siya ng sampung taon.Alam niya ang layunin ng mayor para mag-retiro siya nang maaga, at kahit na hindi sa kanya itutulak ang sisi nang direkta, sa mga mata ng publiko, siya pa rin ang kukuha ng sisi para dito.Ang maagang pag paparetiro kay Merlin ay isang parusa para sa kanya.Pagdating ng oras, ipagmamalabis nila ang mga kontribusyon ni Merlin sa New York at banayad na ibibigay ang mensahe sa mga tao na maituturing si Merlin bilang isang tao na inalay ang buhay niya at career sa mga mamamayan ng New York sa loob ng napakaraming taon kahit na hindi maganda ang nagawa niya ngayon. Mabibilang ito bilang pagsisikap, at ngayon, alam ni Merlin na mali siya, at nagkusa siyang hilingin ang maagang retirement. Kaya, dapat makita ng lahat kung gaano siya nagsikap para sa New York sa karamihan ng buhay niya at huwag siyang masyadong pahirapan.Karaniwan, tatanggap
Bumuntong hininga si Christian at nagsalita, “Sa totoo lang, hindi mo dapat inimbestigahan ang mga pumatay na iyon…”Sinabi nang walang magawa ni Merlin, “Tapos na ang nagawa na. Huli na para pag-usapan ito ngayon. At saka, hindi hahayaan ng ugali ko na balewalain ang ganitong uri ng krimen na gumagamit ng karahasan laban sa krimen.”Humuni si Christian at tinanong siya, “Kung gano’n, ano na ang mga sunod na plano mo?”Sinabi ni Merlin, “Babalik na ako sa police station para ibigay ang trabaho ko ngayon ,at sisimulan ko na ang retirement ko bukas.”Pagkasabi nito, may naalala siya at sinabi, “Maayos na ba ang ama mo ngayon? Bakit hindi ako pumunta sa Los Angeles para makita siya? Sobrang lala ng sakti niya, at hindi makatwiran kung hindi ako pupunta para bisitahin siya.”Sinabi ni Christian, “Hindi mo na kailangan pumunta sa Los Angeles. Gusto ng ina ko na pumunta sa New York para panoorin ang concert ni Miss Golding, at inutusan niya na dapat pumunta kaming lahat na anak. Nakumbi
Nagkataon na Sabado ang sumunod na araw.Nakatuon na ang puso ni Claire na pumunta sa New York para makita ang concert, kaya, iminungkahi niya kay Charlie na gusto niyang samantalahin ang pagkakataon na ito na pumunta nang maaga sa New York dahil gusto niyang maglibot sa New York, pumunta sa concert sa gabi, at manatili sa New York sa gabi bago maglibot ulit sa New York bukas ng umaga bago sila bumalik sa gabi sa Linggo.Naramdaman din ni Charlie na masyadong nagsisikap ang asawa niya sa mga klase niya, kaya, gusto niyang samantalahin ang pagkakataon na ito na hayaan ang asawa niya na mag-relax at magpahinga.Kaya, pumayag si Charlie sa mungkahi ni Claire nang walang pag-aatubili at sinabihan ang isang tao na tulungan siyang mag-book ng suite sa Shangri-La sa New York.Pagkatapos nilang mag-almusal, nagmaneho sila papunta sa New York.Ayon sa dating kaalaman ni Claire sa New York, dinala muna siya ni Charlie sa Times Square at pagkatapos ay pumunta sa sikat na Statue of Liberty.
Nang marinig ito ni Charlie, hindi niya napigilan ang pagkunot nang kaunti ng noo niya.May malabong pakiramdam nga siya na marahil ay pumunta ang pamilya ng lola niya para suportahan si Quinn, pero hindi niya inaasahan na tama talaga ang hula niya.Para maiwasan ang kahit anong direktang contact sa pamilya ng lola niya, ayaw ni Charlie na pumunta sa concert.Pero sa isang dako, ayaw niyang maging malungkot ang asawa niya, at sa kabilang dako, may VIP room. Kaya, hindi niya ito masyadong sineryoso.Ngayon, nang marinig niya na nandito si Lady Acker kasama si Lord Acker, sinabi niya, “Bisita sila, Miss Golding, kaya dapat maging mabait ka at aliwin sila.”Sinabi ni Quinn, “Master Wade, sa tingin ko rin, pero may isa pang sitwasyon. Matanda na ang dalawang nakakatanda at may medyo espesyal na katayuan sila. Natatakot ako na hindi talaga angkop kung hahayaan ko silang panoorin ang performance ko sa auditorium. Kaya, ang ideya ko ay ipadala sila sa VIP room para makapag-relax nang kau
Mukhang naintindihan ni Claire ang teorya ni Charlie sa Feng Shui.Noon pa man ay naramdaman na niya na makatwiran ito, pero naramdaman niya rin na medyo misteryoso ito.Pero, namamangha siya sa mga bagay na hindi niya maintindihan kadalasan, kaya, hindi na siya nagtanong ng kahit ano.Samantala, si Charlie, na nasa tabi niya, ay kinakabahan na nang kaunti at hindi mapalagay sa sandaling ito.Hindi siya nag-aalala na mabubunyag siya sa harap ng pamilya ng lolo niya sa gabi, ngunit hindi niya mapigilan na magkaroon ng mapanglaw na pakiramdam.Kahit na may ilang reklamo siya sa ginawa ng pamilya ng lolo niya dati, sa kailaliman ng isipan niya, kadugo niya pa rin ang pamilya ng kanyang ina.Ngayong gabi ang unang pagkakataon na magiging malapit ulit siya sa kanila makalipas ang mahigit dalawampung taon, at hindi maiiwasan na kabahan siya.Samantala, dumating na ang lolo’t lola ni Charlie, pati na rin ang mga anak nila, sa Ark Building sa Manhattan.Habang sumakay sila sa elevator
Maraming insurance at financial service company sa buong mundo. Pero, kaunti lang sa kanila ang kayang magpatayo ng isang skyscraper sa Manhattan, kung saan mahal ang lupa. Ang Ark Group ang isa sa kaunti na ito.Sinimulan ng pamilya Acker ang negosyo nila sa Los Angeles, pero lumaki sila pagkatapos magpalawak sa Silicon Valley at New York.Maraming taon na ang nakalipas, nag-invest si Ashley sa maraming kumpanya na may malaking potensyal sa Silicon Valley sa sobrang babang presyo. Para tulungan ang mga investment na ito sa capital planning nila, pumunta ang pamilya Acker sa financial center ng United States, sa New York, at itinayo ang core ng negosyo ng pamilya doon.Maraming mga subsidiary ang pamilya Acker sa ilalim ng grupo nila, kasama na rin ang mga investment company. Pero, nanatiling core business ng pamilya Acker ang Ark Group.Pagkatapos ipatayo ang Ark Group, pinagsanib ni Ashley ang mga investment fund niya sa Silicon Valley sa Ark Group. Biglang naging pinakamalaking
Natulala ang lahat sa biglaang galit ni Keith, at tumingin ang lahat sa isa’t isa sa pagkabigo.Alam nila na hindi ito mapapalampas ni Keith. Hindi niya maintindihan kung bakit nagpumilit si Curtis na bumalik sa Eastcliff. Sapat na ang lakas ng pamilya Acker para alagan siya at tapat sila sa kanya, pero matatag na tumanggi si Curtis na manatili dito.Gayunpaman, alam ng lahat kung gaano ka-egoistic si Keith. Kapag kaharap si Curtis, palagi siyang mayabang at matigas ang ulo.Para siyang isang superior na sabik kumuha ng magandang talento. Handa siyang magbayad ng 10 million o higit pa para sa isang talento na kaya lang kumita ng one millon sa ibang kumpanya.Sa pananaw niya, walang rason ang kabila para tanggihan siya.Hinding-hindi niya inaakala na ayaw tanggapin ni Curtis ang alok niya at tinanggihan siya. Nainis at nagalit nang sobra si Keith.Sa una, hinahangaan nang sobra ni Keith si Curtis. Marahil ay mas mababa ang pamilya ni Curtis kaysa sa pamilya Acker, pero may potensy
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro