Nang marinig ng old queen na tinawag ni Jasmine ang pangalan niya, tumayo siya nang tuwid at hinimas ang dibdib niya habang huminga siya nang malalim nang ilang beses. Doon lang niya naipon ang tapang niya at pumasok sa ballroom.May mataas na katayuan siya sa Europe, pero para sa mga mayayaman at makapangyarihang tao sa North America, Middle East, at Asia, isa lang siyang mahirap na matandang babae na may walang laman na titulo. Isang kawili-wiling eksena ang agad na nangyari nang magpakita siya sa audience. Tumayo ang mga European aristocrat at yumuko nang kaunti para ipakita ang respeto nila, pero puno ng panghahamak ang natitirang mga tao.Nang pumasok ang old queen sa venue, si Jeremiah, na nasa labas ng pinto, ay binati nang magalang si Chandler. “Old Master Lennard, sa wakas ay nagkita na ulit tayo!”Tumango si Chandler, at sumagot na may parehong paggalang at respeto, “Kumusta ka na, Lord Wade?”Ngumiti nang kaunti si Jeremiah. “May ilang bagay kung saan nabalisa ako nang k
Kailanman ay hindi inisip ni Jeremiah na bibigyan siya ng sobrang respeto at prestihiyo ni Charlie sa auction na ito.Malaking sorpresa na para sa kanya na magkaroon ng pagkakataon na sumali sa auction bilang isang VIP. Hindi niya inaasahan na bibigyan pa siya ni Charlie ng grand finale sa pagpasok niya.Kahit sapat na ang grand finale, ang mas hindi pa niya inaasahan ay tatawagin ni Jasmine ang lahat na tumayo at pumalakpak para batiin ang pagpasok niya. Ito na ang pinakamataas na pakikisama para sa isang napakalaking okasyon!Dahil, ang lahat ng kalahok ay mga top tycoon na ang economic power ay isang libong beses na mas malakas sa pamilya Wade.Pero, sa sandaling ito, ang mga taong ito ay nakatayo at pinapalakpakan ang pagpasok niya.Nakuntento nang sobrang ang kahambugan ni Jeremiah.Sa parehong oras, kinabahan siya dahil sa napaka engrandeng pagbati. Hindi niya alam kung gagamitin niya ba ang kanyang kanang paa o kaliwang paa muuna pagpasok niya sa auction.Habang nagsisika
“Kung ang buong Rejuvenating Pill ang habol mo, huwag kang sumali sa unang apat na auction para sa nahating Rejuvenating Pill. Sa sandaling napanalunan mo ang isang bahagi ng pill, mawawalan ka ng kwalipikasyon na mag-bid para sa buong Rejuvenating Pill sa finale ng auction.”“Bukod sa Rejuvenating Pill, ang lahat ng item na mapapanalunan mo sa auction ngayong gabi ay direktang irereserba at tatakan para sayo, dahil nagbayad na ng deposit na 50 million dollars ang lahat. Kung mas mababa ang transaction amount sa security deposit, ibabawas namin ang payment at ibabalik ang natitirang deposit sa iyo. Kung mas mataas ang transaction amount sa deposit, kailangan mong bayaran ang natitirang presyo sa lalong madaling panahon pagkatapos ng auction.”“At ang huli, kung mag-bid ka para sa Rejuvenating Pill, bibigyan ka ng cellphone ng staff namin. Pwede mong tawagan ang finance department at hilingin sa kanila na tapusin ang transfer sa lalong madaling panahon. Ibibigay namin ang Rejuvenating
Sa sandaling lumabas ang mga salitang ito sa labi ni Jasmine, nagkagulo ang mga tao sa sabik.Inaasahan nilang lahat na ang auction para sa Rejuvenating Pill ay mapupunta sa dulo at unti-unting ilalabas pagkatapos ng warm up. Sa kanilang sorpresa, ito ang unang item na nilabas sa auction!Sadya itong inayos sa bahagi ni Charlie.Gusto niya na sumabog ang pananabik sa sandaling pumasok ito sa pananaw niya.Hindi niya kailangan magsikap nang sobra para painitin ang lugar na iyon, at kailangan niya lang magtapon ng isang malaking bomba para pasabugin at siarin ang buong lugar.Kapag ang Rejuvenating Pill din ang unang item sa auction, makikita ng audience ang mga epekto nito gamit ang sarili nilang mga mata. Sa ganitong paraan, mag-aapoy ang pagnanasa nila para sa pill sa napakataas na antas.Sa sandaling ito, nakaupo nang komportable si Charlie sa monitoring room habang pinapanood niya ang live broadcast ng ballroom. “Mas maganda pa sa inaasahan ko ang performance ni Jasmine. Nahan
Marami ang gulat na gulat pa sa pagkakataong ito. Sa gitna nito, hindi nag-alangan si Travis na itaas ang kanyang kamay saka siya sumigaw nang determinado, “Handa akong magbayad ng 100 million US dollars!”Habang nasa monitoring room, hindi mapigilang mapangiti ni Charlie at mamangha, “Matalinong tao talaga si Travis Lane. Alam niyang hindi sapat ang financial resources niya kaya gusto niya nang makuha agad ang unang quarter ng pill. Kung hindi niya magagawang mapanalunan ito, siguradong magiging mas mahirap para sa kanya na makuha ang susunod.”“Tama ang sinabi niyo.” Itinuro ni Isaac ang naka-zoom na imahe ng mukha ni Travis. Habang nakangiti, nagsalita siya, “Tignan mo, Young Master! Ang laki ng perang binid ni Travis, pero kita mo sa mukha niya na masyadong masakit para sa kanya na gumastos ng ganito kalaki.”Napatitig si Charlie sa close-up ng mukha ni Travis at hindi niya mapigilang mapasabog ng tawa. Tumango siya habang nakangiti, “Mula sa 200 na applicants ngayong araw, mahi
Ang dahilan kung bakit sikat ang mga auctions sa buong mundo ay dahil wala itong upper limit kahit may lower limit ito.Kaya, pwedeng umabot sa nakagugulantang na presyo ang kahit anong item sa auction. Nakadepende lang ang lahat sa financial strength at mentalidad ng mga bidders.Kapag nagkaroon sila ng tensyon sa isa’t isa, kahit walang kuwenta pa ang mga item na binebenta, umaabot ito sa nakagugulantang na presyo dahil sa bangayan ng mga bidders na ito.Maliban dito, iilang mga taktika rin ang ginagamit para sa straightforward bidding. Mula sa mga ito, dalawa ang madalas na ginagamit ng mga bidders. Ang isang paraan ay itaas agad ang presyo sa malaking halaga para takutin ang iba o tapusin ang momentum ng ibang bidders. Sa madaling salita, gusto mong ipaalam sa kanila na may pera ka at madali mo silang madudurog. Ang ikalawa naman ay panatilihin ang lohika mo, ipakita mo sa ibang panig na handa kang maging kalmado at makipaglaban hanggang sa dulo.Hindi gagana ang unang paraan k
Kaya, dinagdagan niya agad ng halos 200 million US dollars ang presyo nito sa unang beses niyang bid para lang makuha ang quarter ng Rejuvenating Pill.Nakakagulat ang bagay na ito hindi lang kay Travis at sa dating queen ng Northern Europe, kundi pati na rin sa Middle Eastern tycoon na nag-bid kanina. Wala ni isa sa kanila ang nag-aakalang masyadong makapangyarihang ang African tycoon na ito! Itinaas niya ang presyo sa isang bigla lang sa lebel na hindi nila inaakala.Mabigat ang loob ni Travis.Kung icoconvert ang 500 million US dollars sa Oskian currency, nagkakahalaga agad ito ng 3 billion Oskian dollars. Kaya pa rin naman itong bayaran ni Travis pero hindi niya mapigilang mag-alangan.Sa dating auction ng Rejuvenating Pill, nabili niya ang isang buong pill sa halagang 2 billion dollars lang.Ngayon, kailangan niyang maglabas ng 3 billion dollars para lang sa isang quarter nito. Hindi niya mapigilang mapaisip at mag-alangan.Habang nahihirapan siyang magpasya, agad namang kum
Nang mag-alok ng 800 million US dollars ang African tycoon, agad na sumalampak ang dating queen ng Northern Europe sa kanyang upuan sa dismaya. Kita ang pag-aalangan sa kanyang mga blangkong mata.Lumagpas na ang bagong presyo sa kanyang limit.Kahit mabigyan pa siya ng pagkakataon na mabili ito sa ganitog halaga, hindi siya makakapagbayad. Alam niyang naubusan na siya ng swerte at hindi niya mabibili ang quarter ng Rejuvenating Pill na ito.Sa parehong pagkakataon, nagkaroon ng diskusyon ang mga manonoo. Alam ng lahat na may apat na quarter at isang buong Rejuvenating Pill ang ibebenta ngayong gabi. Siguradong magiging mas mataas ang mga susunod na bid dahil ang final bidding price ng unang quarter ng Rejuvenating Pill ang magiging batayan ng susunod.Baka nakakasira ng ulo ang magiging presyo ng mga susunod na Rejuvenating Pills dahil sa taas ng presyo ng unang quarter.Dahil dito, nauubusan na rin ng katinuan si Travis.Napamura siya sa loob ng kanyang puso, “800 million! Sa U
Sa una ay balak ni Charlie na maghapunan kasama ang lolo at lola niya bago pumunta sa Scarlet Pinnacle Manor para makipagkita kay Vera, kaya hindi siya nagmamadali na tanungin si Vera tungkol sa mga tiyak na detalye ng kapalaran ng ascending dragon.Sa kailaliman ng puso niya, nabigla pa rin siya mula sa gulat sa nakaraan ng mga magulang niya.Nang marinig niya mula sa kanyang tito na sinasaliksik ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas, nakaramdam si Charlie ng malaking pagbabago sa pananaw niya sa kanyang mga magulang.Hinding-hindi niya inaakala na may malalim na ugnayan ang mga magulang niya pagdating sa cultivation. Bukod dito, hinding-hindi niya inaakala na nakuha ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas. Para kay Charlie, ang pagbubunyag na ito ay kasing-lakas ng pagsabog ng isang nuklear.Aksidenteng nakuha ng kanyang ama ang Preface to the Apocalyptic Book,
Ang panimulang bahagi ay karaniwang ang pambungad na impormasyon bago ang pangunahing laman. Kaya, pakiramdam ni Charlie na kung ang libro talaga na nakuha ng kanyang ama dati ay tinatawag na ‘Preface to the Apocalyptic Book’, marahil ay ito nga ang panimulang bahagi sa Apocalyptic Book!Nang maisip ito, tinanong niya nang mabilis, “Uncle, pagkatapos makuha ng aking ama ang libro na ito, ano pa ang mga sinabi o ginawa niya na hindi mo maintindihan o nag-iwan ng malalim na alaala sayo?”Nag-isip saglit si Christian at sinabi, “May sobrang daming kilos ng iyong ama na hindi ko maintindihan. Naghanap siya ng mga sinaunang libro at materyales kung saan-saan at naglakbay pa siya kasama ang iyong ina nang ilang beses, minsan ay ilang buwan pa. Pero sa oras na iyon, akala ko na medyo kakaiba ang isipan ng iyong ama, kaya hindi ko masyadong binigyan ng atensyon kung ano talaga ang ginagawa niya.”Sa puntong ito, biglang may naalala si Christian at sinabi, “Oh, naaalala ko na binanggit nang
Matagal nang alam ng mga Acker na ang benefactor nila at ang benefactor ng pamilya Fox ay ang parehong tao. Pero, nang malaman ni Christian na ang tao sa likod, na may mga mata at tainga kahit saan, ay ang nawawala niyang pamangkin ng dalawampung taon, medyo hindi pa rin siya makapaniwala.Sa sandaling ito, hindi itinago ni Charlie ang kahit ano at sinabi nang kalmado, “Sa araw ng auction para sa Rejuvenating Pill, balak ni Mr. Fox na bilhin ang Rejuvenating Pill. Pero, sinamantala ng kanyang anak ang pagkakataon na kunin ang kapangyarihan mula sa kanya. May ilang koneksyon ako kay Miss Fox, kaya tinulungan ko sila nang kaunti.”Tumango nang magaan si Christian at sinabi, “Hindi ko talaga inaasahan na may pambihirang abilidad ang panganay na pamangkin ko. Ang galing mo talaga!”Si Merlin, na kanina pa tahimik, ay nagsalita, “Christian, huwag mong kalimutan na kahit ang buhay ko ay niligtas ni Mr. Wade.”Natauhan si Christian at sinabi, “Oo, tama. Talagang kahanga-hanga ito! Dati ay
Umiling si Charlie at sinabi, “Lola, kahit na bumalik siya, marahil ay hindi ko siya dalhin para makilala kayo ni Lolo.”Tinanong ni Lady Acker sa pagkalito, “Bakit naman, Charlie? May galit ka pa rin ba sa amin?”Umiling nang bahagya si Charlie at sinabi, “Lola, ang asawa ko… Hindi niya pa rin alam ang totoong pagkakakilanlan ko.”Lumaki ang mga mata ng lahat sa sorpresa. Walang nag-aakla na hindi alam ng asawa ni Charlie ng apat na taon ang totoong pagkakakilanlan niya.Hindi mapigilang itanong ni Lady Acker, “Charlie, apat na taon ka nang kasal kay Charlie ngayon, kaya paanong hindi niya pa rin alam ang pagkakakilanlan mo?”Sinabi ni Charlie na parang sinisisi niya ang sarili niya, “Wala ako ng kahit ano noong pinakasalan niya ako. Nagtatrabaho pa rin ako bilang manggagawa sa isang construction site, nagbubuhat ng mga hollow blocks at semento. Pagkatapos naming ikasal, ikinasal ako sa pamilya nila. Sa mga mata ng mga Wilson, isa lang akong tao na walang edukasyon o totoong kaka
Tumango si Charlie at sinabi, “Lolo, sa totoo lang, pagkatapos maaksidente ng mga magulang ko, inayos ni Stephen na manatili ako sa bahay ampunan, kung saan pinanatiling lihim ang pagkakakilanlan ko.”Hindi mapigilan ni Lord Acker na bumuntong hininga at sabihin, “Mukhang minialiit ko ang mga abilidad ng iyong ama. Natatakot ako na ang ama mo lang ang makakaisip ng napakatapang na kilos sa dilim.”Sa puntong ito, sinabi niya nang sobrang saya, “Iniisip ko dati na marahil ay ang ama mo ang pinakamagaling na batang talento na nakita ko, pero hindi ko inaasahan na ikaw, Charlie, ay malalampasan siya. Kung hindi dahil sa tulong mo, ang lola mo, ang tita at mga tito mo, at ako ay matagal nang namatay.”Sinabi nang seryoso ni Charlie, “Loo, hindi mo kailangan na maging sobrang galang sa akin. Nasa ugat ko rin ang parehong dugo na dumadaloy sa mga Acker, kaya hindi lang ako manonood at walang gagawin para sa mga Acker.”Namula ang mga mata ni Lord Acker, at sinabi niya nang nabubulunan, “
Sobrang saya ng mga miyembro ng pamilya Acker nang malaman nila na pupunta si Charlie para maghapunan. Tuwang-tuwa silang lahat, tila ba ipinagdiriwang nila ang Bagong Taon.Inutusan ni Lady Acker ang mga anak niya na linisin ang lamesa at ayusin ang mga pagkain na dinala ng mga tauhan ni Albert.Patuloy na bumubulong si Lord Acker sa sarili niya, “Magandang araw ngayong araw. Kahit ano pa, iinom ako nang kaunti mamaya pagdating ni Charlie!”Si Lulu, na nasa gilid, at sinabi nang nagmamadali, “Pa, kailan ka lang gumaling nang kaunti, kaya hindi ka dapat uminom.”“Kalokohan!” Sumagot si Lord Acker nang walang pag-aatubili, “Hindi ba’t ang layunin ng paggaling ko ay para lang sa araw na ito? Hindi makatwiran para sa akin na hindi uminom sa napakahalagang okasyon!”Ngumiti si Lady Acker at sinabi, “Hayaan mo ang papa mo na uminom kung gusto niya. Dalawampung taon na kaming umaasa na bumalik ang apong lalaki namin. Kahit nga ako ay gusto rin uminom nang kaunti, lalo na siya.”Mabilis
Samantala, sa marangyang Champs Elys hot spring villa sa Aurous Hill, buong araw na naghintay nang balisa ang mga Acker pero hindi nila nakita si Charlie.Hindi sila makakain o makainom buong araw, gusto lang nilang makita si Charlie sa lalong madaling panahon para makumpirma gamit ang sarili nilang mga mata na ligtas nga siya.Sa oras ng hapunan, dumating at pumasok sa bahay si Albert at ang ilang tao. Pagkatapos pumasok, sinabi ni Albert kay Christian, na nagbukas ng pinto, “Mr. Christian, naghanda ako ng ilang masarap na pagkain para sa inyong lahat. Ang mga ito ay espesyal na inihanda ng mga chef mula sa Heavenly Springs. Ako mismo ang namahala sa mga sangkap at binantayan sila habang nagluluto sila. Sinabihan ko sila na gumawa ng sobrang pagkain, at sinubukan ko at sinuri ko na ito para sa lason. Ligtas itong kainin!”Hindi inaasahan ni Christian na ang middle-age na lalaki na ito, si Albert, ay sobrang mabusisi sa trabaho niya. Hindi niya maiwasan na masorpresa at mabilis na i
Nagulat nang sobra si Fleur nang maglaho si Elijah sa isang iglap.Sa una, hindi niya maintindihan kung bakit biglang naglaho si Elijah. Inabot siya nang matagal para mapagtanto na nilipat siguro si Elijah ng singsing sa ibang lugar.Nagalit siya dahil dito. Nagngalit siya sa galit at sinabi, “Ikaw matandang hayop, sobra ang pagkiling mo! Sinabi mo na hindi kami karapat-dapat ni Elijah na manahin ang pamana mo, pero binigyan mo siya ng isang kayamanan na kaya siyang ilipat ng lugar sa isang iglap. Bakit wala ako? Bakit hindi! Sabihin mo! Sabihin mo!!!”Si Fleur lang ang natira sa kuweba kung saan nagpahinga ang Master niya at kung saan naglaho si Elijah, at umalingawngaw sa lambak ang mga sigaw niya na parang baliw.Makalipas ang matagal na panahon, pinunasan ni Fleur ang dugo sa kanyang ispada habang may walang ekspresyon na mukha, ibinalik ang ispada sa kanyang baywang, at sinabi nang malamig, “Elijah, simula ngayon, magkalaban na tayo!”Pagkasabi nito, naglakad siya palayo nang
Puno rin ng galit si Fleur, kaya sinabi niya nang malamig, “Elijah, hindi mo na kailangan ipagtanggol ang matandang lalaki na iyon. Dahil patay na siya, dapat nating inumin ang Eternal Pill na ito at mabilis na pataasin ang cultivation natin. Dapat natin hanapin ang mga kayamanan na tinago niya sa lalong madaling panahon!”Nadismaya nang sobra si Elijah, “Fleur, simula ngayon, hindi mo na ako senior, at hindi na kita junior. Simula ngayon, isa ka na lang miyembro ng pamilya Griffin sa akin. Si Flynn lang ang kinikilala ko, at wala na akong koneksyon sa kahit sino!”Nabalisa agad si Fleur at sinabi, “Elijah, bakit sobrang manhid mo?! Isang libong taon nabuhay ang matandang lalaki na iyon, kaya bakit niya lang tayo binigyan ng mga pill para mabuhay ng limang daang taon? Malinaw na may ipinagkakait siya sa atin at napakahalaga nito!”Kinaway ni Elijah ang kanyang kamay at sinabi, “Kalimutan mo na, Fleur. Tapos na ang relasyon natin ngayong araw. Mananatili ako dio at pagluluksa ang mas