Napasimangot si Charlie nang maisip niyang may ibang motibo si Kylie. Nagkaroon siya ng kongklusyon na baka masamang loob si Kylie.Nagkaroon rin siya ng espekulasyon na pinabili ni Kylie sa assistant niyang si Sherry ang villa ni Graham hindi para sa lolo nito kundi para lapitan siya.Sa ganitong kaso, maaaring pagpapanggap lang rin ang sponsorship na ginawa niya sa Calligraphy and Painting Association ng Aurous Hill.Baka ang tunay na motiboni Kylie ay malapitan siya sa pamamagitan ng kanyang biyenan na si Jacob. Sumunod, gagamitin ni Kylie ang pangalan ni Jacob bilang palusot para makapag-schedule ng Feng Shui appointment kay Charlie.Biglang naalarma si Charlie.Pagkatapos tanggapin ang 10 billion dollars at ang Emgrand Group galing kay Stephen, sinubukan ni Charlie ang lahat ng kanyang makakaya para itago ang tunay niyang pagkatao mula sa iba, lalo na sa pamilya ng kanyang asawa.Nanatili siya sa anino dahil ayaw niyang may lumapit sa kanya na kahit sino dahil sa kanyang tun
“Tama ka.” Tumango si Kathleen saka siya muling bumuntong hininga.“Ngayon, ang kailangan lang nating gawin ay makuha ang loob ng pamilya ni Charlie. Mapapataaas nito ang tsansa natin. Kung hindi, mapapaalis tayo sa pamilya Fox sa loob lang ng ilang taon at magiging walang kuwenta tayong mga palaboy para sa kanila.”Makapangyarihan ang pamilya Fox kahit low-profile Oskian family lang sila. Katulad rin ng mga ordinaryong Oskian families ang pamamalakad sa kanila.Ang pinakamamalang tunggalian sa loob ng kanilang pamilya ay may kinalaman sa inheritance.Si Kathleen nga talaga ang pinaka-pinapaburan sa pamilya Fox, pero dahil lang ito sa kanilang lolong si Jordan. Nagpapanggap lang ang iba nilang mga kamag-anak sa harap ni Kathleen dahil gusto nilang makuha ang loob ng kanilang family head.Pakiramdam ni Kathleen isa siyang princess mula sa ancient ages. Siya ang pinakamamahal na apo ng emperor. Dahil sa pagmamahal ng emperor sa kanya, kailangang magpakita ng respeto ng kahit sinong
Hindi madaing bagay ang gusto ni Charlie pero determinado siyang malaman kung ano ang tunay na pagkatao ni Kylie sa pinakamabilis na panahon.Pagdating ni Charlie sa kanyang bahay, inutusan niya agad si Porter na gamitin ang koneksyon ng Ten Thousand Armies sa ibang bansa para imbestigahan ang pagkatao ni Kylie Jane.Inisip ni Charlie noong una na fake identity ang Kylie na ginagamit ng kausap niya kanina. Pero, mula sa impormasyong nakuha ni Porter, mukhang may Kylie Jane talaga sa France. Mahahanap ang detalyadong citizen registration information niya sa national registry ng France.Malaking bansa ang France at marami itong immigrants. Maganda ang kanilang pamamalakad at pag-aasikaso ng impormasyon ng kanilang mga mamamayan sa registry. Hindi lamang araw ng kapanganakan, kasarian, antas ng edukasyon ang mahahanap sa registry kundi pati na rin ang trabaho, net income, at religious affiliations ng mga magulang ng isang indibidwal nakatala rin.Mula sa registry information ni Kylie
Mas maaga siyang pumasok ng bansa kumpara sa inaasahan. Pumunta si Kylie ng Oskia bago pa sabihin ni Charlie kay Liam Weaver na dalhin ang Apothecary Restoration Pill sa United States, at bago pa man i-anunsyo ng Vintage Deluxe ang auction event ng Rejuvenating Pill.Sa ganitong paraan, pwede nang alisin ni Charlie ang ikatlong posibilidad. Hindi siya nilapitan ni Kylie para sa Apothecary Restoration Pill. Nang dumating si Kylie sa Oskia, hindi pa nakakalabas sa publiko ang tungkol sa Apothecary Restoration Pill.Ganoon din, pwede ring alisin ni Charlie ang Rejuvenating Pill bilang motibo ni Kylie.Subalit, hindi ito pwedeng alisin ni Charlie nang tuluyan dahil sa isang bagay. Bago nila i-anunsyo ang auction ng Rejuvenating Pill, nakalabas na talaga ang balita tungkol dito.Minsan nang uminom si Lord Moore, Travis Lane, Albert Rhodes, Chandler Lennard, Yule Golding, at ang dating Royal Queen ng Northern Europe ng Rejuvenating Pill.Baka narinig na ni Kylie ang tungkol sa Rejuvenat
Namangha si Charlie sa kakayahan ni Kylie. Ganoon din, mula sa kung saan, nakarinig si Charlie ng malakas na busina mula sa labas.Sumunod, narinig ni Charlie na sumisigaw si Elaine mula sa kanyang kwarto sa 3rd floor. “Sino naman ang tarantadong nag-iingay sa labas? Wala na ba siya sa tamang pag-iisip?!”Hindi nagtagal, tumigil rin ang busina sa labas. Nasundan ito ng malakas na boses ni Jacob. “Elaine, Charlie, lumabas kayo at tingnan niyo ang bago kong kotse!”Narinig ni Charlie ang nagmamadaling hakbang ni Elaine mula sa itaas. Ika-ikang naglakad si Elaine papunta sa balkonahe.Samantala, nasa kwarto si Charlie sa 2nd floor sa gitna ng komosyon. Nagulat siya sa ingay kaya napasulyap siya mula sa bintana.Nakatayo si Jacob sa harap ng isang Rolls-Royce Cullinan sa courtyard ng kanilang villa, puno ng pananabik at pride ang ekspresyon niya.Nakatayo naman si Elaine sa balkonahe ng 3rd floor habang nakatingin sa baba. Nang makita niyang may isang hindi pamilyar na kotse si Jacob
Inilahad ni Elaine ang kanyang kamay, gusto niyang hawakan ang gintong istatwa. Subalit, hindi niya inaasahang kinuha ni Jacob ang susi ng kotse at isinara nito ang pinto.Tumunog ang Cullinan. Sa parehong pagkakataon, agad na lumubog ang gintong istatwa sa hood ng kotse. Sumunod, isang metal cover ang tumakip sa orihinal nitong posisyon at hindi na ito makikita.Nakita ni Elaine na lumubog ang gintong istatwa sa pagkakataong hahawakan niya na ito. Hindi niya tuloy mapigilang mapabulalas sa gulat, “Diyos ko! Pwede mo itong itago? Nakamamangha naman!”Napangisi si Jacob na para bang nanghahamak, “Tignan mo naman ang kahangalan mo! Syempre, aabot ng 200,000 ang halaga ng ganitong klase ng gintong istatwa! Kung may sakim na kagaya mo ang makakakita nito, natural lang na nanakawin nila ito! Kaya, gumawa ng user-friendly design ang Rolls-Royce para pigilan ang mga kagaya mong ganid na manakaw ito. Aga na mawawala ang gintong istatwa basta ba i-lock mo ang pinto ng kotse.”Patuloy na kin
“Regalo ito para kay Charlie?” Nalito si Elaine at hinintay niya ang paliwanag ni Jacob, “Jacob,ano ang ibig mong sabihin?”Agad na nagpaliwanag si Jacob, “Charlie, hindi ba tinulungan mo si Ms. Jane sa Feng Shui ng kanyang villa? Dumaan si Ms. Jane sa association ngayong araw para magpasalamat. Gusto niyang ipaabot ang kanyang pasasalamat para sa serbisyo mo ngayong araw. Namangha raw siya sa pagiging propesyunal mo. Gusto ka niyang bayaran pero tumanggi ka raw. Bumigat ang loob ni Ms. Jane kaya naisip niyang bumili ng kotse sa pangalan ko. Direkta niyang pinahatid ang kotse sa association kanina at sinabihan niya akong tanggapin ito!”Nang malaman ang katotohanan, agad na sinermunan ni Claire ang kanyang tatay. “Papa, bakit ka naman pumayag? Bakit ka tumanggap ng mamahaling regalo para kay Charlie?”Inosenteng tumugon si Jacob, “Claire, wala naman talaga akong balak na tanggapin ito pero nakapangalan na sa akin ang sasakyan. Kahit tanggihan ko ito, legal pa rin itong nakapangalan
Dahil, walang gustong masangkot sa aksidente kasama ang isang luxury car na may halagang 10 million dollars o higit pa!Kung mababangga nila ang luxury car dahil sa simpleng kapabayaan, kailangan nilang kunin ang responsibilidad. Hindi sapat ang one o two million dollar claim limit sa kanilang car insurance.Nagbago ang ugali ng mga driver sa mabagal na pagmamaneho ni Jacob, at doon pa lang ay napuno na ang kahambugan ni Jacob.Habang nagmamaneho siya, naramdaman niya na para bang siya ang hari ng kalsada. Kailanman ay hindi niya pa nararanasan ang ganito kalaking kataasan. Kahit na tinatanong niya si Charlie kung ano ang gagawin sa kotse, tahimik siyang nagdasal na hahayaan siya ni Charlie na gamitin ito.Bago pa makapagsalita si Charlie, sabik na sumingit si Elaine, “Charlie! Nandito na ang kotse na ito, kaya hindi na dapat natin ito ibalik!”Pagkatapos nito, sinubaybayan niya ang gintong linya sa katawan ng Cullinan at sinabi nang nakakaawa, “Hindi pa ako nakakasakay sa isang
Umiling si Charlie at sinabi, “Lola, kahit na bumalik siya, marahil ay hindi ko siya dalhin para makilala kayo ni Lolo.”Tinanong ni Lady Acker sa pagkalito, “Bakit naman, Charlie? May galit ka pa rin ba sa amin?”Umiling nang bahagya si Charlie at sinabi, “Lola, ang asawa ko… Hindi niya pa rin alam ang totoong pagkakakilanlan ko.”Lumaki ang mga mata ng lahat sa sorpresa. Walang nag-aakla na hindi alam ng asawa ni Charlie ng apat na taon ang totoong pagkakakilanlan niya.Hindi mapigilang itanong ni Lady Acker, “Charlie, apat na taon ka nang kasal kay Charlie ngayon, kaya paanong hindi niya pa rin alam ang pagkakakilanlan mo?”Sinabi ni Charlie na parang sinisisi niya ang sarili niya, “Wala ako ng kahit ano noong pinakasalan niya ako. Nagtatrabaho pa rin ako bilang manggagawa sa isang construction site, nagbubuhat ng mga hollow blocks at semento. Pagkatapos naming ikasal, ikinasal ako sa pamilya nila. Sa mga mata ng mga Wilson, isa lang akong tao na walang edukasyon o totoong kaka
Tumango si Charlie at sinabi, “Lolo, sa totoo lang, pagkatapos maaksidente ng mga magulang ko, inayos ni Stephen na manatili ako sa bahay ampunan, kung saan pinanatiling lihim ang pagkakakilanlan ko.”Hindi mapigilan ni Lord Acker na bumuntong hininga at sabihin, “Mukhang minialiit ko ang mga abilidad ng iyong ama. Natatakot ako na ang ama mo lang ang makakaisip ng napakatapang na kilos sa dilim.”Sa puntong ito, sinabi niya nang sobrang saya, “Iniisip ko dati na marahil ay ang ama mo ang pinakamagaling na batang talento na nakita ko, pero hindi ko inaasahan na ikaw, Charlie, ay malalampasan siya. Kung hindi dahil sa tulong mo, ang lola mo, ang tita at mga tito mo, at ako ay matagal nang namatay.”Sinabi nang seryoso ni Charlie, “Loo, hindi mo kailangan na maging sobrang galang sa akin. Nasa ugat ko rin ang parehong dugo na dumadaloy sa mga Acker, kaya hindi lang ako manonood at walang gagawin para sa mga Acker.”Namula ang mga mata ni Lord Acker, at sinabi niya nang nabubulunan, “
Sobrang saya ng mga miyembro ng pamilya Acker nang malaman nila na pupunta si Charlie para maghapunan. Tuwang-tuwa silang lahat, tila ba ipinagdiriwang nila ang Bagong Taon.Inutusan ni Lady Acker ang mga anak niya na linisin ang lamesa at ayusin ang mga pagkain na dinala ng mga tauhan ni Albert.Patuloy na bumubulong si Lord Acker sa sarili niya, “Magandang araw ngayong araw. Kahit ano pa, iinom ako nang kaunti mamaya pagdating ni Charlie!”Si Lulu, na nasa gilid, at sinabi nang nagmamadali, “Pa, kailan ka lang gumaling nang kaunti, kaya hindi ka dapat uminom.”“Kalokohan!” Sumagot si Lord Acker nang walang pag-aatubili, “Hindi ba’t ang layunin ng paggaling ko ay para lang sa araw na ito? Hindi makatwiran para sa akin na hindi uminom sa napakahalagang okasyon!”Ngumiti si Lady Acker at sinabi, “Hayaan mo ang papa mo na uminom kung gusto niya. Dalawampung taon na kaming umaasa na bumalik ang apong lalaki namin. Kahit nga ako ay gusto rin uminom nang kaunti, lalo na siya.”Mabilis
Samantala, sa marangyang Champs Elys hot spring villa sa Aurous Hill, buong araw na naghintay nang balisa ang mga Acker pero hindi nila nakita si Charlie.Hindi sila makakain o makainom buong araw, gusto lang nilang makita si Charlie sa lalong madaling panahon para makumpirma gamit ang sarili nilang mga mata na ligtas nga siya.Sa oras ng hapunan, dumating at pumasok sa bahay si Albert at ang ilang tao. Pagkatapos pumasok, sinabi ni Albert kay Christian, na nagbukas ng pinto, “Mr. Christian, naghanda ako ng ilang masarap na pagkain para sa inyong lahat. Ang mga ito ay espesyal na inihanda ng mga chef mula sa Heavenly Springs. Ako mismo ang namahala sa mga sangkap at binantayan sila habang nagluluto sila. Sinabihan ko sila na gumawa ng sobrang pagkain, at sinubukan ko at sinuri ko na ito para sa lason. Ligtas itong kainin!”Hindi inaasahan ni Christian na ang middle-age na lalaki na ito, si Albert, ay sobrang mabusisi sa trabaho niya. Hindi niya maiwasan na masorpresa at mabilis na i
Nagulat nang sobra si Fleur nang maglaho si Elijah sa isang iglap.Sa una, hindi niya maintindihan kung bakit biglang naglaho si Elijah. Inabot siya nang matagal para mapagtanto na nilipat siguro si Elijah ng singsing sa ibang lugar.Nagalit siya dahil dito. Nagngalit siya sa galit at sinabi, “Ikaw matandang hayop, sobra ang pagkiling mo! Sinabi mo na hindi kami karapat-dapat ni Elijah na manahin ang pamana mo, pero binigyan mo siya ng isang kayamanan na kaya siyang ilipat ng lugar sa isang iglap. Bakit wala ako? Bakit hindi! Sabihin mo! Sabihin mo!!!”Si Fleur lang ang natira sa kuweba kung saan nagpahinga ang Master niya at kung saan naglaho si Elijah, at umalingawngaw sa lambak ang mga sigaw niya na parang baliw.Makalipas ang matagal na panahon, pinunasan ni Fleur ang dugo sa kanyang ispada habang may walang ekspresyon na mukha, ibinalik ang ispada sa kanyang baywang, at sinabi nang malamig, “Elijah, simula ngayon, magkalaban na tayo!”Pagkasabi nito, naglakad siya palayo nang
Puno rin ng galit si Fleur, kaya sinabi niya nang malamig, “Elijah, hindi mo na kailangan ipagtanggol ang matandang lalaki na iyon. Dahil patay na siya, dapat nating inumin ang Eternal Pill na ito at mabilis na pataasin ang cultivation natin. Dapat natin hanapin ang mga kayamanan na tinago niya sa lalong madaling panahon!”Nadismaya nang sobra si Elijah, “Fleur, simula ngayon, hindi mo na ako senior, at hindi na kita junior. Simula ngayon, isa ka na lang miyembro ng pamilya Griffin sa akin. Si Flynn lang ang kinikilala ko, at wala na akong koneksyon sa kahit sino!”Nabalisa agad si Fleur at sinabi, “Elijah, bakit sobrang manhid mo?! Isang libong taon nabuhay ang matandang lalaki na iyon, kaya bakit niya lang tayo binigyan ng mga pill para mabuhay ng limang daang taon? Malinaw na may ipinagkakait siya sa atin at napakahalaga nito!”Kinaway ni Elijah ang kanyang kamay at sinabi, “Kalimutan mo na, Fleur. Tapos na ang relasyon natin ngayong araw. Mananatili ako dio at pagluluksa ang mas
Alam niya na may isa pang kahulugan sa likod ng mga salita ng kanyang master. Ipinapahiwatig niya na hindi sapat ang pagiging tuwid at makatarungan niya kumpara kay Elijah, at may malaking agwat sa pagitan nila. Mas lalo siyang hindi nasiyahan.Pero, hindi balak ni Elijah na tanggapin ang singsing. Mabilis siyang tumanggi, at sinabi, “Master, tinulungan mo na ako nang sobra. Hindi ko kayang tanggapin ang singsing na ito…”Ngumiti nang bahagya si Marcius at tinapon ang singsing kay Elijah. Biglang naglaho sa ere ang singsing at lumitaw ito sa daliri ni Elijah sa sumunod na segundo.Bago pa maintindihan ni Elijah kung ano ang nangyari, nagsalita si Marcius, “Elijah, kinilala ka na ng singsing bilang master nito. Itago mo ito nang mabuti. Marahil ay iligtas ng singsing na ito ang buhay mo kung may hindi inaasahang pangyayari sa hinaharap.”Pagkatapos magsalita ni Marcius, pumasok ang dalawang tagak na pinalaki niya. Tumayo sila sa magkabilang bahagi n iMarcius at patuloy na kinuskos a
“Hindi sapat ang tadhana ko?!” Nang marinig ni Fleur ang mga salitang ito, kumunot ang noo niya at sinabi, “Master, anong ibig mong sabihin sa ‘hindi sapat ang tadhana ko’?”Sumagot nang kalmado si Marcius, “Hindi ka pa matagal sa landas ng cultivation. Maraming bagay ang kailangan maintindihan ng mga cultivator na hindi mo pa nauunawaan. Sa hinaharap, kapag naunawan mo na ang Book of Changes at Eight Diagrams, mapapagtanto mo na may iba’t ibang tadhana ang mga tao, at ang tadhana ang susi sa lahat.”Nasorpresa si Fleur at tinanong, “Master, ano ang tadhana?”Ipinaliwanag ni Marcius, “Ang tadhana ay ang pundasyon ng isang tao. Ang tiyak na tadhana ay maaaring irepresenta ng mga heavenly stem, earthly branch, mga ibon, o mga hayop. Karamihan ng mga tadhana ay nirerepresenta ng mga heavenly stem at earthly branch. Kahit ang hari ay may salungat na kapalaran laban sa kapalaran, pero para labanan ang tadhana, kailangan niya ng kapalaran ng isang tigre o sawa.”“Bukod dito, may mga mas
Kaya, sinundan nilang dalawa si Marcius papasok sa mabatong kuwarto niya. Tinuro ni Marcius ang dalawang unan at sinabi sa kanila, “Umupo kayo.”Nang makita nila ito, magalang sila na umupo nang naka-krus ang mga binti sa harap.Pagkatapos ay nagsalita si Marcius at sinabi, “Kahit na mababaw ang tadhana natin, mga master at disipulo pa rin tayo. May ambisyon kayong dalawa na labanan ang Qing army, at bilang kapwa Oskian, sana ay maipagpatuloy niyo ang layunin na ito at ibalik ang dangal ng Oskia…”Pagkasabi nito, naglabas siya ng dalawang pill mula sa kanyang bulsa at nilagay ito sa batong lamesa sa harap ng dalawa. Pagkatapos ay sinabi niya nang kalmado, “Ang dalawang pill na ito ay ang mga Eternal Pill na sinabi ko sa inyo dati. Kung iinumin ang mga pill na ito, kaya nitong pahabain ang buhay niyo ng limang daang taon. Gamit ang mga pill na ito, sana ay matupad niyo ang layunin na puksain ang Qing army.”Nanabik si Fleur nang marinig niya na ang mga pill sa harap niya ay ang Eter