Namangha si Charlie sa kakayahan ni Kylie. Ganoon din, mula sa kung saan, nakarinig si Charlie ng malakas na busina mula sa labas.Sumunod, narinig ni Charlie na sumisigaw si Elaine mula sa kanyang kwarto sa 3rd floor. “Sino naman ang tarantadong nag-iingay sa labas? Wala na ba siya sa tamang pag-iisip?!”Hindi nagtagal, tumigil rin ang busina sa labas. Nasundan ito ng malakas na boses ni Jacob. “Elaine, Charlie, lumabas kayo at tingnan niyo ang bago kong kotse!”Narinig ni Charlie ang nagmamadaling hakbang ni Elaine mula sa itaas. Ika-ikang naglakad si Elaine papunta sa balkonahe.Samantala, nasa kwarto si Charlie sa 2nd floor sa gitna ng komosyon. Nagulat siya sa ingay kaya napasulyap siya mula sa bintana.Nakatayo si Jacob sa harap ng isang Rolls-Royce Cullinan sa courtyard ng kanilang villa, puno ng pananabik at pride ang ekspresyon niya.Nakatayo naman si Elaine sa balkonahe ng 3rd floor habang nakatingin sa baba. Nang makita niyang may isang hindi pamilyar na kotse si Jacob
Inilahad ni Elaine ang kanyang kamay, gusto niyang hawakan ang gintong istatwa. Subalit, hindi niya inaasahang kinuha ni Jacob ang susi ng kotse at isinara nito ang pinto.Tumunog ang Cullinan. Sa parehong pagkakataon, agad na lumubog ang gintong istatwa sa hood ng kotse. Sumunod, isang metal cover ang tumakip sa orihinal nitong posisyon at hindi na ito makikita.Nakita ni Elaine na lumubog ang gintong istatwa sa pagkakataong hahawakan niya na ito. Hindi niya tuloy mapigilang mapabulalas sa gulat, “Diyos ko! Pwede mo itong itago? Nakamamangha naman!”Napangisi si Jacob na para bang nanghahamak, “Tignan mo naman ang kahangalan mo! Syempre, aabot ng 200,000 ang halaga ng ganitong klase ng gintong istatwa! Kung may sakim na kagaya mo ang makakakita nito, natural lang na nanakawin nila ito! Kaya, gumawa ng user-friendly design ang Rolls-Royce para pigilan ang mga kagaya mong ganid na manakaw ito. Aga na mawawala ang gintong istatwa basta ba i-lock mo ang pinto ng kotse.”Patuloy na kin
“Regalo ito para kay Charlie?” Nalito si Elaine at hinintay niya ang paliwanag ni Jacob, “Jacob,ano ang ibig mong sabihin?”Agad na nagpaliwanag si Jacob, “Charlie, hindi ba tinulungan mo si Ms. Jane sa Feng Shui ng kanyang villa? Dumaan si Ms. Jane sa association ngayong araw para magpasalamat. Gusto niyang ipaabot ang kanyang pasasalamat para sa serbisyo mo ngayong araw. Namangha raw siya sa pagiging propesyunal mo. Gusto ka niyang bayaran pero tumanggi ka raw. Bumigat ang loob ni Ms. Jane kaya naisip niyang bumili ng kotse sa pangalan ko. Direkta niyang pinahatid ang kotse sa association kanina at sinabihan niya akong tanggapin ito!”Nang malaman ang katotohanan, agad na sinermunan ni Claire ang kanyang tatay. “Papa, bakit ka naman pumayag? Bakit ka tumanggap ng mamahaling regalo para kay Charlie?”Inosenteng tumugon si Jacob, “Claire, wala naman talaga akong balak na tanggapin ito pero nakapangalan na sa akin ang sasakyan. Kahit tanggihan ko ito, legal pa rin itong nakapangalan
Dahil, walang gustong masangkot sa aksidente kasama ang isang luxury car na may halagang 10 million dollars o higit pa!Kung mababangga nila ang luxury car dahil sa simpleng kapabayaan, kailangan nilang kunin ang responsibilidad. Hindi sapat ang one o two million dollar claim limit sa kanilang car insurance.Nagbago ang ugali ng mga driver sa mabagal na pagmamaneho ni Jacob, at doon pa lang ay napuno na ang kahambugan ni Jacob.Habang nagmamaneho siya, naramdaman niya na para bang siya ang hari ng kalsada. Kailanman ay hindi niya pa nararanasan ang ganito kalaking kataasan. Kahit na tinatanong niya si Charlie kung ano ang gagawin sa kotse, tahimik siyang nagdasal na hahayaan siya ni Charlie na gamitin ito.Bago pa makapagsalita si Charlie, sabik na sumingit si Elaine, “Charlie! Nandito na ang kotse na ito, kaya hindi na dapat natin ito ibalik!”Pagkatapos nito, sinubaybayan niya ang gintong linya sa katawan ng Cullinan at sinabi nang nakakaawa, “Hindi pa ako nakakasakay sa isang
Nang pumayag si Charlie na panatilihin ang kotse, halos naiyak na sa sabik sina Jacob at Elaine.Tuwang-tuwa si Elaine at pumalakpak siya nang tuloy-tuloy. Pagkatapos ay inutusan niya si Jacob, “Jacob! Bilis at buksan mo ang pinto para sa akin! Hayaan mong subukan ko ang kotse! Hindi pa ako nakakasakay sa isang Rolls-Royce sa buong buhay ko!”Maganda ang kalooban ni Jacob, kaya hindi niya tinanggihan si Elaine at nagmamadali niyang nilabas ang susi kotse para buksan ang kotse. Pagkatapos ay binuksan niya ang pampasaherong pinto para kay Elaine at inimbita siya na pumasok.“Halika dito. Umupo ka sa loob. Ipapakita ko sa’yo ang Star roof ng Rolls-Royce!”Tinanong niya Elaine sa sorpresa, “Ano ang Star roof?”Sumenyas si Jacob sa kanya. “Oh, malalaman mo kapag pumasok ka at makita ito!”Nagmamadaling umakyat si Elaine sa pampasaherong upuan sa harap. Namangha siya nang tumingala siya. “Jusko! Napakaraming bituin sa bubong!”Humagikgik si Jacob. “Tingnan mo ito nang mabuti. May mga
Tumawa si Charlie. “Pwede natin silang bigyan ng pagkakataon na ipagyabang ang kotse para ilabas at ubusin ang enerhiya nila. Kung hindi natin ibibigay sa kanila ang pagkakataon na ito na magyabang, halos isa o dalawang taon na sasama ang loob nila sa atin, o mas matagal pa! Dadaing sila at maglalabas ng buntong hininga sa atin sa tuwing nasa bahay tayo, at sisihin tayo dahil hindi natin tinanggap ang kotse. Mas mabuti na hayaan ang kotse at pasayahin sila.”May naisip si Charlie, at pagkatapos ay nagpakita ng marahan na ngiti kay Claire. Tumaas ang mga kilay niya at tinanong, “Claire, ano sa tingin mo?”Nang marinig ito, umiling nang walang magawa si Claire at sinabi nang malungkot, “Tama ka… Kung ibabalik natin ang kotse, sa tingin ko ay isa o dalawang taon silang magmumukmok dahil dito.”Pero, biglang nag-alala si Claire. “Charlie, hindi ba’t masyadong mapagbigay si Ms. Jane…? Ang ginawa mo lang ay tingnan ang Feng Shui ng villa niya kaninang umaga. Pero, binigyan niya tayo ng na
Sa wakas ay nakumpirma na ni Charlie ang layunin ni Kylie. Sigurado na ang pangunahing motibo niya para lapitan siya ay para sa Rejuvenating Pill. Kaya, hindi niya kailangan mangamba sa mga mababait na pabor ni Kylie.Dahil, ang mga maliliit na pabor na binibigay niya sa pamilya niya ay maliit lang kumpara sa halaga ng Rejuvenating Pill.Pero, medyo nangangamba si Claire sa pabor. “Siguro ay mas mabuti na tanggihan ko na lang siya…”Napansin ni Charlie ang kaunting kabiguan ni Claire. “Claire, gusto mo bang tanggapin ang project?”Nag-alangan saglit si Claire sa una, bago niya siya sinagot habang tumango nang kaunti. “Ah, oo…”Mabilis niyang ipinaliwanag kay Charlie, “Interesado ako sa project, pero hindi para sa pera. May napakagandang foundation at base ang villa niya para trabahuhin ko. Kombinasyon ito ng dalawang villa. Wala nang ibang ganitong uri ng villa sa Aurous Hill. At saka, may malaking budget siya para sa renovation at design. Maraming lugar para sa isang interior des
Tumango nang taimtim si Charlie at binigay ang pagsang-ayon niya. “Syempre! Noon pa man ay may tiwala na ako sa talento mo sa design. Sa kasamaang-palad, hindi ka pinahalagahan ng pamilya Wilson at nilibing nila ang talento mo sa lupa. Kung gusto mong umunlad pa sa larangan na ito, magandang pagkakataon nga ang villa ni Kylie para ipakita ang lakas at talento mo. Naniniwala ako sa iyo. Good luck!”Kinuyom ni Claire ang kanyang kamao sa sabik at sinabi nang disidido, “Charlie, magtiwala ka sa akin! Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko!”…Samantala, sinunod ni Jacob ang mga utos ni Elaine at dumaan sa katabing villa nila.Sa sandaling huminto ang kotse, tinuro ni Elaine ang bubong ng kotse at sinabi nang sabik, “Jacob, buksan mo ang sunroof! Gusto ko silang sigawan dito!”Sumagot nang kaswal si Jacob, “Walang sunroof ang kotse na ito.”Lumaki ang mga mata ni Elaine sa gulat. “Ano?! Hindi ba’t mahigit 10 million dollars ang kotse na ito? Bakit wala itong sunroof? Hindi ba’t sobrang
Sa una ay balak ni Charlie na maghapunan kasama ang lolo at lola niya bago pumunta sa Scarlet Pinnacle Manor para makipagkita kay Vera, kaya hindi siya nagmamadali na tanungin si Vera tungkol sa mga tiyak na detalye ng kapalaran ng ascending dragon.Sa kailaliman ng puso niya, nabigla pa rin siya mula sa gulat sa nakaraan ng mga magulang niya.Nang marinig niya mula sa kanyang tito na sinasaliksik ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas, nakaramdam si Charlie ng malaking pagbabago sa pananaw niya sa kanyang mga magulang.Hinding-hindi niya inaakala na may malalim na ugnayan ang mga magulang niya pagdating sa cultivation. Bukod dito, hinding-hindi niya inaakala na nakuha ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas. Para kay Charlie, ang pagbubunyag na ito ay kasing-lakas ng pagsabog ng isang nuklear.Aksidenteng nakuha ng kanyang ama ang Preface to the Apocalyptic Book,
Ang panimulang bahagi ay karaniwang ang pambungad na impormasyon bago ang pangunahing laman. Kaya, pakiramdam ni Charlie na kung ang libro talaga na nakuha ng kanyang ama dati ay tinatawag na ‘Preface to the Apocalyptic Book’, marahil ay ito nga ang panimulang bahagi sa Apocalyptic Book!Nang maisip ito, tinanong niya nang mabilis, “Uncle, pagkatapos makuha ng aking ama ang libro na ito, ano pa ang mga sinabi o ginawa niya na hindi mo maintindihan o nag-iwan ng malalim na alaala sayo?”Nag-isip saglit si Christian at sinabi, “May sobrang daming kilos ng iyong ama na hindi ko maintindihan. Naghanap siya ng mga sinaunang libro at materyales kung saan-saan at naglakbay pa siya kasama ang iyong ina nang ilang beses, minsan ay ilang buwan pa. Pero sa oras na iyon, akala ko na medyo kakaiba ang isipan ng iyong ama, kaya hindi ko masyadong binigyan ng atensyon kung ano talaga ang ginagawa niya.”Sa puntong ito, biglang may naalala si Christian at sinabi, “Oh, naaalala ko na binanggit nang
Matagal nang alam ng mga Acker na ang benefactor nila at ang benefactor ng pamilya Fox ay ang parehong tao. Pero, nang malaman ni Christian na ang tao sa likod, na may mga mata at tainga kahit saan, ay ang nawawala niyang pamangkin ng dalawampung taon, medyo hindi pa rin siya makapaniwala.Sa sandaling ito, hindi itinago ni Charlie ang kahit ano at sinabi nang kalmado, “Sa araw ng auction para sa Rejuvenating Pill, balak ni Mr. Fox na bilhin ang Rejuvenating Pill. Pero, sinamantala ng kanyang anak ang pagkakataon na kunin ang kapangyarihan mula sa kanya. May ilang koneksyon ako kay Miss Fox, kaya tinulungan ko sila nang kaunti.”Tumango nang magaan si Christian at sinabi, “Hindi ko talaga inaasahan na may pambihirang abilidad ang panganay na pamangkin ko. Ang galing mo talaga!”Si Merlin, na kanina pa tahimik, ay nagsalita, “Christian, huwag mong kalimutan na kahit ang buhay ko ay niligtas ni Mr. Wade.”Natauhan si Christian at sinabi, “Oo, tama. Talagang kahanga-hanga ito! Dati ay
Umiling si Charlie at sinabi, “Lola, kahit na bumalik siya, marahil ay hindi ko siya dalhin para makilala kayo ni Lolo.”Tinanong ni Lady Acker sa pagkalito, “Bakit naman, Charlie? May galit ka pa rin ba sa amin?”Umiling nang bahagya si Charlie at sinabi, “Lola, ang asawa ko… Hindi niya pa rin alam ang totoong pagkakakilanlan ko.”Lumaki ang mga mata ng lahat sa sorpresa. Walang nag-aakla na hindi alam ng asawa ni Charlie ng apat na taon ang totoong pagkakakilanlan niya.Hindi mapigilang itanong ni Lady Acker, “Charlie, apat na taon ka nang kasal kay Charlie ngayon, kaya paanong hindi niya pa rin alam ang pagkakakilanlan mo?”Sinabi ni Charlie na parang sinisisi niya ang sarili niya, “Wala ako ng kahit ano noong pinakasalan niya ako. Nagtatrabaho pa rin ako bilang manggagawa sa isang construction site, nagbubuhat ng mga hollow blocks at semento. Pagkatapos naming ikasal, ikinasal ako sa pamilya nila. Sa mga mata ng mga Wilson, isa lang akong tao na walang edukasyon o totoong kaka
Tumango si Charlie at sinabi, “Lolo, sa totoo lang, pagkatapos maaksidente ng mga magulang ko, inayos ni Stephen na manatili ako sa bahay ampunan, kung saan pinanatiling lihim ang pagkakakilanlan ko.”Hindi mapigilan ni Lord Acker na bumuntong hininga at sabihin, “Mukhang minialiit ko ang mga abilidad ng iyong ama. Natatakot ako na ang ama mo lang ang makakaisip ng napakatapang na kilos sa dilim.”Sa puntong ito, sinabi niya nang sobrang saya, “Iniisip ko dati na marahil ay ang ama mo ang pinakamagaling na batang talento na nakita ko, pero hindi ko inaasahan na ikaw, Charlie, ay malalampasan siya. Kung hindi dahil sa tulong mo, ang lola mo, ang tita at mga tito mo, at ako ay matagal nang namatay.”Sinabi nang seryoso ni Charlie, “Loo, hindi mo kailangan na maging sobrang galang sa akin. Nasa ugat ko rin ang parehong dugo na dumadaloy sa mga Acker, kaya hindi lang ako manonood at walang gagawin para sa mga Acker.”Namula ang mga mata ni Lord Acker, at sinabi niya nang nabubulunan, “
Sobrang saya ng mga miyembro ng pamilya Acker nang malaman nila na pupunta si Charlie para maghapunan. Tuwang-tuwa silang lahat, tila ba ipinagdiriwang nila ang Bagong Taon.Inutusan ni Lady Acker ang mga anak niya na linisin ang lamesa at ayusin ang mga pagkain na dinala ng mga tauhan ni Albert.Patuloy na bumubulong si Lord Acker sa sarili niya, “Magandang araw ngayong araw. Kahit ano pa, iinom ako nang kaunti mamaya pagdating ni Charlie!”Si Lulu, na nasa gilid, at sinabi nang nagmamadali, “Pa, kailan ka lang gumaling nang kaunti, kaya hindi ka dapat uminom.”“Kalokohan!” Sumagot si Lord Acker nang walang pag-aatubili, “Hindi ba’t ang layunin ng paggaling ko ay para lang sa araw na ito? Hindi makatwiran para sa akin na hindi uminom sa napakahalagang okasyon!”Ngumiti si Lady Acker at sinabi, “Hayaan mo ang papa mo na uminom kung gusto niya. Dalawampung taon na kaming umaasa na bumalik ang apong lalaki namin. Kahit nga ako ay gusto rin uminom nang kaunti, lalo na siya.”Mabilis
Samantala, sa marangyang Champs Elys hot spring villa sa Aurous Hill, buong araw na naghintay nang balisa ang mga Acker pero hindi nila nakita si Charlie.Hindi sila makakain o makainom buong araw, gusto lang nilang makita si Charlie sa lalong madaling panahon para makumpirma gamit ang sarili nilang mga mata na ligtas nga siya.Sa oras ng hapunan, dumating at pumasok sa bahay si Albert at ang ilang tao. Pagkatapos pumasok, sinabi ni Albert kay Christian, na nagbukas ng pinto, “Mr. Christian, naghanda ako ng ilang masarap na pagkain para sa inyong lahat. Ang mga ito ay espesyal na inihanda ng mga chef mula sa Heavenly Springs. Ako mismo ang namahala sa mga sangkap at binantayan sila habang nagluluto sila. Sinabihan ko sila na gumawa ng sobrang pagkain, at sinubukan ko at sinuri ko na ito para sa lason. Ligtas itong kainin!”Hindi inaasahan ni Christian na ang middle-age na lalaki na ito, si Albert, ay sobrang mabusisi sa trabaho niya. Hindi niya maiwasan na masorpresa at mabilis na i
Nagulat nang sobra si Fleur nang maglaho si Elijah sa isang iglap.Sa una, hindi niya maintindihan kung bakit biglang naglaho si Elijah. Inabot siya nang matagal para mapagtanto na nilipat siguro si Elijah ng singsing sa ibang lugar.Nagalit siya dahil dito. Nagngalit siya sa galit at sinabi, “Ikaw matandang hayop, sobra ang pagkiling mo! Sinabi mo na hindi kami karapat-dapat ni Elijah na manahin ang pamana mo, pero binigyan mo siya ng isang kayamanan na kaya siyang ilipat ng lugar sa isang iglap. Bakit wala ako? Bakit hindi! Sabihin mo! Sabihin mo!!!”Si Fleur lang ang natira sa kuweba kung saan nagpahinga ang Master niya at kung saan naglaho si Elijah, at umalingawngaw sa lambak ang mga sigaw niya na parang baliw.Makalipas ang matagal na panahon, pinunasan ni Fleur ang dugo sa kanyang ispada habang may walang ekspresyon na mukha, ibinalik ang ispada sa kanyang baywang, at sinabi nang malamig, “Elijah, simula ngayon, magkalaban na tayo!”Pagkasabi nito, naglakad siya palayo nang
Puno rin ng galit si Fleur, kaya sinabi niya nang malamig, “Elijah, hindi mo na kailangan ipagtanggol ang matandang lalaki na iyon. Dahil patay na siya, dapat nating inumin ang Eternal Pill na ito at mabilis na pataasin ang cultivation natin. Dapat natin hanapin ang mga kayamanan na tinago niya sa lalong madaling panahon!”Nadismaya nang sobra si Elijah, “Fleur, simula ngayon, hindi mo na ako senior, at hindi na kita junior. Simula ngayon, isa ka na lang miyembro ng pamilya Griffin sa akin. Si Flynn lang ang kinikilala ko, at wala na akong koneksyon sa kahit sino!”Nabalisa agad si Fleur at sinabi, “Elijah, bakit sobrang manhid mo?! Isang libong taon nabuhay ang matandang lalaki na iyon, kaya bakit niya lang tayo binigyan ng mga pill para mabuhay ng limang daang taon? Malinaw na may ipinagkakait siya sa atin at napakahalaga nito!”Kinaway ni Elijah ang kanyang kamay at sinabi, “Kalimutan mo na, Fleur. Tapos na ang relasyon natin ngayong araw. Mananatili ako dio at pagluluksa ang mas