“Nakuha ko na!” Sinabi ni Sherry. “Nasa tumpok ito ng tiyak na impormasyon sa likod.”“Mabuti!” Hinila agad ni Kathleen ang impormasyon ni Charlie, at nakita niya agad ang ID photo ni Charlie.Kinuyom niya ang mga kamao niya at sinigaw niya nang sabik, “Siya nga!”Tinapik niya nang magaan ang ulo ni Charlie sa litrato at binulong, “Hello, Master Wade. Sa wakas ay nagkita na ulit tayo!”Pagkatapos nito, binasa niya agad ang opisyal na impormasyon ni Charlie. Pagkatapos ng mabilis na tingin, nasorpresa siya. “Walang impormasyon sa pamilya ni Charlie Wade?! Walang magulang, lolo, lola, o kahit sinong kamag-anak? Lumitaw ba siya bigla mula sa biyak ng bato?”Tumango si Sherry at ipinaliwanag, “Young Lady, medyo nakakaawa ang karanasan sa buhay ni Charlie Wade. Ipinapakita ng opisyal na impormasyon na inabandona siya noong isinilang siya at inampon siya ng Aurous Hill Welfare Institute. Medyo magulo rin ang household registration management system dati. Kaya, nanatili siya sa bahay amp
Hindi mahanap ni Kathleen ang tamang sagot sa kanyang tanong. Kumunot ang mga kilay niya at nanahimik nang matagal habang inisip niya ang mga posibilidad.Nang makita ni Sherry ang seryoso at medyo nababalisang ekspresyon sa mukha ni Kathleen, tinanong niya, “Young Lady, ano ang opinyon mo tungkol dito?”Bumuntong hininga si Kathleen habang tinitigan niya ang tumpok ng mga dokumento sa harap niya. Kinuskos niya ang mga sentido niya gamit ang kanyang maganda at maputing kamay, at sinabi niya nang nanghihinayang, “Ayon sa mga materyales na ito, simula kay Lady Wilson, ang kabuuang asset ng buong pamilya Wilson kapag pinagsama-sama ay mahigit 100 million dollars lang.”“Kung si Charlie Wade talaga ang gumawa ng Rejuvenating Pill na hinahanap ko, marahil ay kahit isa lang sa mga pill na ito ay may halagang sampu-sampung bilyong US dollar!”“Kung gano’n, ang sarili niyang lakas ay mahigit daang-daang beses o libo-libong beses na mas malakas sa pamilya Wilson! Bakit gugustuhin niyang mag
Nasanay na siya sa pagiging karaniwan ng buhay niya, at wala pa siyang ginagawang marangal sa limampung taon. Ngayon ay dumadalo siya sa iba’t ibang pormal na pagpupulong at pinapanood ang iba’t ibang pinuno at elite araw-araw bilang second-in-command ng Calligraphy and Painting Association. Binigyan siya ng ilusyon ng lahat ng ito na, siya rin, ay isang elite.Ngayong hapon, pumunta ulit sa siyudad ang mga kinatawan ng Calligraphy and Painting Association para sa isa nanamang pagpupulong. Ngayon, ito ay para pag-usapan ang mga detalye ng Korean exchange kasama ang mga miyembro ng Music and Arts Association, Writer’s Association, at Senior University.Hindi lang si Jacob ang pumunta sa pagpupulong na ito, bilang kinatawan ng Calligraphy and Painting Association, ngunit ang unang mahal din ni Jacob, si Matilda. Nandito rin sa ngalan ng Senior University ang dating kaklase ng ina ni Charlie, at ama ni Autumn, si Yolden.Sina Matilda at Yolden ay parehong doctorate holder na kababalik
Nang makita ang pananabik ni Mr. Bay, nagsimulang mausisa si Jacob. Pero, medyo hindi pa rin siya mapakali habang tinanong, “Anong nangyari, Mr. Bay? Anong nagpasaya sa’yo nang sobra?”Sabik na sinabi ni Mr. Bay, “Tinawagan ako ng secretary ng association at sinabi na may isang Oskian na galing sa ibang bansa na gustong mag-donate sa Calligraphy and Painting Association ng walong pares na gawa mula sa calligrapher na si Finnegan Jonas, sa ilalim ng utos ng kanyang lolo!”“Finnegan Jonas?” Inulit ni Jacob, mayroon siyang nalilitong ekspresyon. “Sobrang sikat na tao ba iyon?”Nang marinig ito ni Mr. Bay, natulala siya. Hindi niya talaga alam kung tatawa ba siya o iiyak. “Jacob… sinabi ko na sa iyo, hindi ba? Ikaw ang vice chairman ng Calligraphy and Painting Association. Hindi mahalaga kung hindi ka talentado sa calligraphy o painting, pero kahit papaano ay dapat may kaunting kaalaman ka. Sa tuwing libre ka, dapat magbasa ka at aralin mo ang mga gawa ng mga sinauna at modernong callig
Hindi alam ni Mr. Bay ang nakaraan nina Jacob at Matilda. Alam niya lang na sa una ay magkakilala sila, at dati rin silang magkaklase.May pamilya rin si Jacob, at naiintindihan ito nang mabuti ni Mr. Bay. Kaya, kailanman ay hindi niya inakala na may pakiramdam si Jacob para kay Matilda.Pero nang makita ang inis ni Jacob sa kung gaano kalapit si Matilda kay Yolden, napagtanto agad ito ni Mr. Bay.Pero, ganap na duwag talaga si Jacob.Paano siya mangangahas na aminin ang katotohanan kapag nalantad sa wala sa oras?!Mabilis na kumaway si Jacob at sinabi nang nagmamadali, “Hindi, hindi gano’n. Sa tingin ko lang ay hindi sapat si Yolden Hart para kay Matilda, Mr. Bay.”Tumango si Mr. Bay. Pagkatapos ay idinagdag niya nang seryoso, “Jacob, mas mabuti kung hindi ka magkaroon ng ganitong kaisipan! Isa ring semi-official organization ang Calligraphy and Painting Association at tayo ang kumakatawan sa larangan ng kultura. Kasal ka rin. Kung masasangkot ka sa isang scandal o magkakaroon n
Sa hindi katagalan, dumating sina Mr. Jay at Jacob sa building ng Calligraphy and Painting Association.Matagal na silang hinihintay ni Kathleen Fox dito.Sa sandaling bumalik si Mr. Bay, dinala sila ni Jacob ng secretary sa meeting room, at ipinakilala sila kay Kathleen.“Ms. Jane, ito ang president at vice-president ng Calligraphy and Painting Association, sina Mr. Bay at Mr. Wilson.”Pagkatapos, ipinakilala ng secretary si Kathleen sa kanila, “Mr. Bay at Mr. Wilson, tumawag ako kanina tungkol sa isang French Oskian na babae. Ito si Ms. Jane, Kylie Jane.”Hindi ginamit ni Kathleen ang totoong pagkakakilanlan niya para maging ligtas. Para sa kanya, marami siyang legal at totoong pagkakakilanlan sa iba’t ibang bansa. Ang pagkakakilanlan niya bilang Kylie Jane, isang French Oskian, ay isa lang sa marami.Tumingin si Kathleen kay Jacob, at gumaan ang pakiramdam niya. Sa wakas ay makakausap na niya si Jacob! Ngayon, may pagkakataon na siya na malaman ang tungkol sa manugang lalaki n
Nainirg ni Kathleen ang mga walang laman na papuri ni Jacob, at naniwala siya nang sobra na pinepeke ito ng lalaki.Gayunpaman, sumakay lang siya sa kanya. “Mr. Wilson, tama ka talaga. Kahanga-hanga na gawa nga ito. Kahit na hindi ito maikukumpara sa mga top calligrapher tulad ni Xephyr Walker, isa pa rin ito sa mga pinakamagandang sining na konektado sa Aurous Hill.”Sa parehong oras, nilapitan ni Jacob si Mr. Bay at tinanong nang kaswal, “President, magkano ang halaga ng mga ito?”Sumagot nang mahigpit si Mr. Bay, “Hindi mataas ang halaga ng mga gawa ni Finnegan Jonas kumpara sa mga top calligrapher sa buong mundo. Pero, kailan lang ay tumaas ang presyo ng mga magagandang gawa sa auction ng one million dollars o mas mataas pa. At saka, dahil may kamalayan ka na, ang kahit anong complete set ay mayroong mas mataas na halaga sa mga mata ng isang kolektor. Kung ibebenta ang mga gawa sa isang kumpletong series, magiging mas mahal ang presyo! Kung may maglalagay ng Octad series sa auct
Naisip agad ni Mr. Bay ang tungkol sa hapunan at sinabi agad, “Ms. Jane, isa kang mahalagang patron sa association namin. Hayaan mong ilibre ka namin sa hapunan ngayong gabi!”Alam ni Kathleen ang mga patakaran sa pakikisalamuha. Dapat maging magalang ang isa sa pagtanggap ng pabor sa tuwing kailangan, pero tumanggi nang matatag kung sa tingin mo ay hindi ito angkop.Gmit ang imbitasyon sa hapunan bilang halimbawa, kung nag-imbita lang ang kabila bilang paggalang, dapat magalang siyang pasalamatan at tanggihan nang matatag. Kung gano’n, mapapanatili ng dalawang partido ang maayos na palitan at tapusin ito nang masaya.Kung tapat ang kabila sa imbitasyon, hindi dapat maging magalang masyado ang isa o mag-alala sa pagbabayad ng libre. Ang pagtanggap sa imbitasyon ng kabila ang pinakamalaking paggalang para sa kabila.Nang maisip ito, sumagot si Kathleen habang may matamis na ngiti, “Mr. Bay, kung gano’n, malugod kong tatanggapin ang alok mo. Aabangan ko ito!”Tinapik ni Mr. Bay ang
Umiling si Charlie at sinabi, “Lola, kahit na bumalik siya, marahil ay hindi ko siya dalhin para makilala kayo ni Lolo.”Tinanong ni Lady Acker sa pagkalito, “Bakit naman, Charlie? May galit ka pa rin ba sa amin?”Umiling nang bahagya si Charlie at sinabi, “Lola, ang asawa ko… Hindi niya pa rin alam ang totoong pagkakakilanlan ko.”Lumaki ang mga mata ng lahat sa sorpresa. Walang nag-aakla na hindi alam ng asawa ni Charlie ng apat na taon ang totoong pagkakakilanlan niya.Hindi mapigilang itanong ni Lady Acker, “Charlie, apat na taon ka nang kasal kay Charlie ngayon, kaya paanong hindi niya pa rin alam ang pagkakakilanlan mo?”Sinabi ni Charlie na parang sinisisi niya ang sarili niya, “Wala ako ng kahit ano noong pinakasalan niya ako. Nagtatrabaho pa rin ako bilang manggagawa sa isang construction site, nagbubuhat ng mga hollow blocks at semento. Pagkatapos naming ikasal, ikinasal ako sa pamilya nila. Sa mga mata ng mga Wilson, isa lang akong tao na walang edukasyon o totoong kaka
Tumango si Charlie at sinabi, “Lolo, sa totoo lang, pagkatapos maaksidente ng mga magulang ko, inayos ni Stephen na manatili ako sa bahay ampunan, kung saan pinanatiling lihim ang pagkakakilanlan ko.”Hindi mapigilan ni Lord Acker na bumuntong hininga at sabihin, “Mukhang minialiit ko ang mga abilidad ng iyong ama. Natatakot ako na ang ama mo lang ang makakaisip ng napakatapang na kilos sa dilim.”Sa puntong ito, sinabi niya nang sobrang saya, “Iniisip ko dati na marahil ay ang ama mo ang pinakamagaling na batang talento na nakita ko, pero hindi ko inaasahan na ikaw, Charlie, ay malalampasan siya. Kung hindi dahil sa tulong mo, ang lola mo, ang tita at mga tito mo, at ako ay matagal nang namatay.”Sinabi nang seryoso ni Charlie, “Loo, hindi mo kailangan na maging sobrang galang sa akin. Nasa ugat ko rin ang parehong dugo na dumadaloy sa mga Acker, kaya hindi lang ako manonood at walang gagawin para sa mga Acker.”Namula ang mga mata ni Lord Acker, at sinabi niya nang nabubulunan, “
Sobrang saya ng mga miyembro ng pamilya Acker nang malaman nila na pupunta si Charlie para maghapunan. Tuwang-tuwa silang lahat, tila ba ipinagdiriwang nila ang Bagong Taon.Inutusan ni Lady Acker ang mga anak niya na linisin ang lamesa at ayusin ang mga pagkain na dinala ng mga tauhan ni Albert.Patuloy na bumubulong si Lord Acker sa sarili niya, “Magandang araw ngayong araw. Kahit ano pa, iinom ako nang kaunti mamaya pagdating ni Charlie!”Si Lulu, na nasa gilid, at sinabi nang nagmamadali, “Pa, kailan ka lang gumaling nang kaunti, kaya hindi ka dapat uminom.”“Kalokohan!” Sumagot si Lord Acker nang walang pag-aatubili, “Hindi ba’t ang layunin ng paggaling ko ay para lang sa araw na ito? Hindi makatwiran para sa akin na hindi uminom sa napakahalagang okasyon!”Ngumiti si Lady Acker at sinabi, “Hayaan mo ang papa mo na uminom kung gusto niya. Dalawampung taon na kaming umaasa na bumalik ang apong lalaki namin. Kahit nga ako ay gusto rin uminom nang kaunti, lalo na siya.”Mabilis
Samantala, sa marangyang Champs Elys hot spring villa sa Aurous Hill, buong araw na naghintay nang balisa ang mga Acker pero hindi nila nakita si Charlie.Hindi sila makakain o makainom buong araw, gusto lang nilang makita si Charlie sa lalong madaling panahon para makumpirma gamit ang sarili nilang mga mata na ligtas nga siya.Sa oras ng hapunan, dumating at pumasok sa bahay si Albert at ang ilang tao. Pagkatapos pumasok, sinabi ni Albert kay Christian, na nagbukas ng pinto, “Mr. Christian, naghanda ako ng ilang masarap na pagkain para sa inyong lahat. Ang mga ito ay espesyal na inihanda ng mga chef mula sa Heavenly Springs. Ako mismo ang namahala sa mga sangkap at binantayan sila habang nagluluto sila. Sinabihan ko sila na gumawa ng sobrang pagkain, at sinubukan ko at sinuri ko na ito para sa lason. Ligtas itong kainin!”Hindi inaasahan ni Christian na ang middle-age na lalaki na ito, si Albert, ay sobrang mabusisi sa trabaho niya. Hindi niya maiwasan na masorpresa at mabilis na i
Nagulat nang sobra si Fleur nang maglaho si Elijah sa isang iglap.Sa una, hindi niya maintindihan kung bakit biglang naglaho si Elijah. Inabot siya nang matagal para mapagtanto na nilipat siguro si Elijah ng singsing sa ibang lugar.Nagalit siya dahil dito. Nagngalit siya sa galit at sinabi, “Ikaw matandang hayop, sobra ang pagkiling mo! Sinabi mo na hindi kami karapat-dapat ni Elijah na manahin ang pamana mo, pero binigyan mo siya ng isang kayamanan na kaya siyang ilipat ng lugar sa isang iglap. Bakit wala ako? Bakit hindi! Sabihin mo! Sabihin mo!!!”Si Fleur lang ang natira sa kuweba kung saan nagpahinga ang Master niya at kung saan naglaho si Elijah, at umalingawngaw sa lambak ang mga sigaw niya na parang baliw.Makalipas ang matagal na panahon, pinunasan ni Fleur ang dugo sa kanyang ispada habang may walang ekspresyon na mukha, ibinalik ang ispada sa kanyang baywang, at sinabi nang malamig, “Elijah, simula ngayon, magkalaban na tayo!”Pagkasabi nito, naglakad siya palayo nang
Puno rin ng galit si Fleur, kaya sinabi niya nang malamig, “Elijah, hindi mo na kailangan ipagtanggol ang matandang lalaki na iyon. Dahil patay na siya, dapat nating inumin ang Eternal Pill na ito at mabilis na pataasin ang cultivation natin. Dapat natin hanapin ang mga kayamanan na tinago niya sa lalong madaling panahon!”Nadismaya nang sobra si Elijah, “Fleur, simula ngayon, hindi mo na ako senior, at hindi na kita junior. Simula ngayon, isa ka na lang miyembro ng pamilya Griffin sa akin. Si Flynn lang ang kinikilala ko, at wala na akong koneksyon sa kahit sino!”Nabalisa agad si Fleur at sinabi, “Elijah, bakit sobrang manhid mo?! Isang libong taon nabuhay ang matandang lalaki na iyon, kaya bakit niya lang tayo binigyan ng mga pill para mabuhay ng limang daang taon? Malinaw na may ipinagkakait siya sa atin at napakahalaga nito!”Kinaway ni Elijah ang kanyang kamay at sinabi, “Kalimutan mo na, Fleur. Tapos na ang relasyon natin ngayong araw. Mananatili ako dio at pagluluksa ang mas
Alam niya na may isa pang kahulugan sa likod ng mga salita ng kanyang master. Ipinapahiwatig niya na hindi sapat ang pagiging tuwid at makatarungan niya kumpara kay Elijah, at may malaking agwat sa pagitan nila. Mas lalo siyang hindi nasiyahan.Pero, hindi balak ni Elijah na tanggapin ang singsing. Mabilis siyang tumanggi, at sinabi, “Master, tinulungan mo na ako nang sobra. Hindi ko kayang tanggapin ang singsing na ito…”Ngumiti nang bahagya si Marcius at tinapon ang singsing kay Elijah. Biglang naglaho sa ere ang singsing at lumitaw ito sa daliri ni Elijah sa sumunod na segundo.Bago pa maintindihan ni Elijah kung ano ang nangyari, nagsalita si Marcius, “Elijah, kinilala ka na ng singsing bilang master nito. Itago mo ito nang mabuti. Marahil ay iligtas ng singsing na ito ang buhay mo kung may hindi inaasahang pangyayari sa hinaharap.”Pagkatapos magsalita ni Marcius, pumasok ang dalawang tagak na pinalaki niya. Tumayo sila sa magkabilang bahagi n iMarcius at patuloy na kinuskos a
“Hindi sapat ang tadhana ko?!” Nang marinig ni Fleur ang mga salitang ito, kumunot ang noo niya at sinabi, “Master, anong ibig mong sabihin sa ‘hindi sapat ang tadhana ko’?”Sumagot nang kalmado si Marcius, “Hindi ka pa matagal sa landas ng cultivation. Maraming bagay ang kailangan maintindihan ng mga cultivator na hindi mo pa nauunawaan. Sa hinaharap, kapag naunawan mo na ang Book of Changes at Eight Diagrams, mapapagtanto mo na may iba’t ibang tadhana ang mga tao, at ang tadhana ang susi sa lahat.”Nasorpresa si Fleur at tinanong, “Master, ano ang tadhana?”Ipinaliwanag ni Marcius, “Ang tadhana ay ang pundasyon ng isang tao. Ang tiyak na tadhana ay maaaring irepresenta ng mga heavenly stem, earthly branch, mga ibon, o mga hayop. Karamihan ng mga tadhana ay nirerepresenta ng mga heavenly stem at earthly branch. Kahit ang hari ay may salungat na kapalaran laban sa kapalaran, pero para labanan ang tadhana, kailangan niya ng kapalaran ng isang tigre o sawa.”“Bukod dito, may mga mas
Kaya, sinundan nilang dalawa si Marcius papasok sa mabatong kuwarto niya. Tinuro ni Marcius ang dalawang unan at sinabi sa kanila, “Umupo kayo.”Nang makita nila ito, magalang sila na umupo nang naka-krus ang mga binti sa harap.Pagkatapos ay nagsalita si Marcius at sinabi, “Kahit na mababaw ang tadhana natin, mga master at disipulo pa rin tayo. May ambisyon kayong dalawa na labanan ang Qing army, at bilang kapwa Oskian, sana ay maipagpatuloy niyo ang layunin na ito at ibalik ang dangal ng Oskia…”Pagkasabi nito, naglabas siya ng dalawang pill mula sa kanyang bulsa at nilagay ito sa batong lamesa sa harap ng dalawa. Pagkatapos ay sinabi niya nang kalmado, “Ang dalawang pill na ito ay ang mga Eternal Pill na sinabi ko sa inyo dati. Kung iinumin ang mga pill na ito, kaya nitong pahabain ang buhay niyo ng limang daang taon. Gamit ang mga pill na ito, sana ay matupad niyo ang layunin na puksain ang Qing army.”Nanabik si Fleur nang marinig niya na ang mga pill sa harap niya ay ang Eter