Nang makita ang pananabik ni Mr. Bay, nagsimulang mausisa si Jacob. Pero, medyo hindi pa rin siya mapakali habang tinanong, âAnong nangyari, Mr. Bay? Anong nagpasaya saâyo nang sobra?âSabik na sinabi ni Mr. Bay, âTinawagan ako ng secretary ng association at sinabi na may isang Oskian na galing sa ibang bansa na gustong mag-donate sa Calligraphy and Painting Association ng walong pares na gawa mula sa calligrapher na si Finnegan Jonas, sa ilalim ng utos ng kanyang lolo!ââFinnegan Jonas?â Inulit ni Jacob, mayroon siyang nalilitong ekspresyon. âSobrang sikat na tao ba iyon?âNang marinig ito ni Mr. Bay, natulala siya. Hindi niya talaga alam kung tatawa ba siya o iiyak. âJacob⊠sinabi ko na sa iyo, hindi ba? Ikaw ang vice chairman ng Calligraphy and Painting Association. Hindi mahalaga kung hindi ka talentado sa calligraphy o painting, pero kahit papaano ay dapat may kaunting kaalaman ka. Sa tuwing libre ka, dapat magbasa ka at aralin mo ang mga gawa ng mga sinauna at modernong callig
Hindi alam ni Mr. Bay ang nakaraan nina Jacob at Matilda. Alam niya lang na sa una ay magkakilala sila, at dati rin silang magkaklase.May pamilya rin si Jacob, at naiintindihan ito nang mabuti ni Mr. Bay. Kaya, kailanman ay hindi niya inakala na may pakiramdam si Jacob para kay Matilda.Pero nang makita ang inis ni Jacob sa kung gaano kalapit si Matilda kay Yolden, napagtanto agad ito ni Mr. Bay.Pero, ganap na duwag talaga si Jacob.Paano siya mangangahas na aminin ang katotohanan kapag nalantad sa wala sa oras?!Mabilis na kumaway si Jacob at sinabi nang nagmamadali, âHindi, hindi ganoân. Sa tingin ko lang ay hindi sapat si Yolden Hart para kay Matilda, Mr. Bay.âTumango si Mr. Bay. Pagkatapos ay idinagdag niya nang seryoso, âJacob, mas mabuti kung hindi ka magkaroon ng ganitong kaisipan! Isa ring semi-official organization ang Calligraphy and Painting Association at tayo ang kumakatawan sa larangan ng kultura. Kasal ka rin. Kung masasangkot ka sa isang scandal o magkakaroon n
Sa hindi katagalan, dumating sina Mr. Jay at Jacob sa building ng Calligraphy and Painting Association.Matagal na silang hinihintay ni Kathleen Fox dito.Sa sandaling bumalik si Mr. Bay, dinala sila ni Jacob ng secretary sa meeting room, at ipinakilala sila kay Kathleen.âMs. Jane, ito ang president at vice-president ng Calligraphy and Painting Association, sina Mr. Bay at Mr. Wilson.âPagkatapos, ipinakilala ng secretary si Kathleen sa kanila, âMr. Bay at Mr. Wilson, tumawag ako kanina tungkol sa isang French Oskian na babae. Ito si Ms. Jane, Kylie Jane.âHindi ginamit ni Kathleen ang totoong pagkakakilanlan niya para maging ligtas. Para sa kanya, marami siyang legal at totoong pagkakakilanlan sa ibaât ibang bansa. Ang pagkakakilanlan niya bilang Kylie Jane, isang French Oskian, ay isa lang sa marami.Tumingin si Kathleen kay Jacob, at gumaan ang pakiramdam niya. Sa wakas ay makakausap na niya si Jacob! Ngayon, may pagkakataon na siya na malaman ang tungkol sa manugang lalaki n
Nainirg ni Kathleen ang mga walang laman na papuri ni Jacob, at naniwala siya nang sobra na pinepeke ito ng lalaki.Gayunpaman, sumakay lang siya sa kanya. âMr. Wilson, tama ka talaga. Kahanga-hanga na gawa nga ito. Kahit na hindi ito maikukumpara sa mga top calligrapher tulad ni Xephyr Walker, isa pa rin ito sa mga pinakamagandang sining na konektado sa Aurous Hill.âSa parehong oras, nilapitan ni Jacob si Mr. Bay at tinanong nang kaswal, âPresident, magkano ang halaga ng mga ito?âSumagot nang mahigpit si Mr. Bay, âHindi mataas ang halaga ng mga gawa ni Finnegan Jonas kumpara sa mga top calligrapher sa buong mundo. Pero, kailan lang ay tumaas ang presyo ng mga magagandang gawa sa auction ng one million dollars o mas mataas pa. At saka, dahil may kamalayan ka na, ang kahit anong complete set ay mayroong mas mataas na halaga sa mga mata ng isang kolektor. Kung ibebenta ang mga gawa sa isang kumpletong series, magiging mas mahal ang presyo! Kung may maglalagay ng Octad series sa auct
Naisip agad ni Mr. Bay ang tungkol sa hapunan at sinabi agad, âMs. Jane, isa kang mahalagang patron sa association namin. Hayaan mong ilibre ka namin sa hapunan ngayong gabi!âAlam ni Kathleen ang mga patakaran sa pakikisalamuha. Dapat maging magalang ang isa sa pagtanggap ng pabor sa tuwing kailangan, pero tumanggi nang matatag kung sa tingin mo ay hindi ito angkop.Gmit ang imbitasyon sa hapunan bilang halimbawa, kung nag-imbita lang ang kabila bilang paggalang, dapat magalang siyang pasalamatan at tanggihan nang matatag. Kung ganoân, mapapanatili ng dalawang partido ang maayos na palitan at tapusin ito nang masaya.Kung tapat ang kabila sa imbitasyon, hindi dapat maging magalang masyado ang isa o mag-alala sa pagbabayad ng libre. Ang pagtanggap sa imbitasyon ng kabila ang pinakamalaking paggalang para sa kabila.Nang maisip ito, sumagot si Kathleen habang may matamis na ngiti, âMr. Bay, kung ganoân, malugod kong tatanggapin ang alok mo. Aabangan ko ito!âTinapik ni Mr. Bay ang
Sumakay si Kathleen sa tanong ni Mr. Bay at sumagot nang nakangiti, âMr. Bay, huwag kang mag-alala tungkol sa akin. Ituloy mo lang ang focus mo sa cultural exchange kasama si Mr. Wilson. Makapaghihintay ang local art exhibition hanggang sa nakabalik na kayo sa Oskia. Kahit ano pa, balak kong manatili sa Aurous Hill nang matagal.ââOh? Ganoân ba?â Nasorpresa si Mr. Bay nang marinig ito. âMabuti naman! Ang isang art exhibition na may budget na 50 million dollars ay magiging isa sa mga top exhibition pagdating sa sukat. Kailangan namin ng mas maraming oras at enerhiya para maghanda upang masagawa namin nang tagumpay ang isang napakalaking art exhibition.ââYup!â Tumango si Kathleen at tumawa. âMagiging prangka ako sa iyo, Mr. Bay. Balak bumalik ng lolo ko dito sa mga susunod na araw, iyon ang dahilan kung bakit ako pumunta sa Aurous Hill. Kapag pamilyar na ako sa lugar na ito, maghahanda ako ng bahay para sa kanya. Pagkatapos, makakalipat kami sa Aurous Hill nang walang inaalala.âTina
Hindi alam ni Jacob ang mga kahihinatnan ng mga sinabi niya. Hindi niya napagtanto na hindi niya sinasadyang ibenta ang kanyang anak na babae at manugang kay Kathleen.Sa kabaliktaran, naramdaman niya na tinulungan niya sila nang sobra sa pamamagitan ng pagpapakilala ng bagong kliyente sa kanyang anak at manugang.Hindi kasalanan ni Jacob na hindi manghinala. Paano niya malalaman na hindi talaga siya si Kylie Jane? Ang totoong pagkakakilanlan ni Kylie ay si Kathleen Fox, ang anak na babae ng isang prestihiyosong pamilya na may daang-daang bilyong US dollar na net worth.Hindi niya alam, nagmadali si Kathleen sa Aurous Hill na may layunin na hanapin si Charlie bago ang auction para sa Rejuvenating Pill.Sa dulo ng hapunan, maganda ang kalooban ni Kathleen.Hindi niya binanggit ang Feng Shui at ang home renovation niya sa natitira nilang oras. Ang pinag-usapan lang nila ay kaugnay sa art exhibition. Pinagmukha niya na ang Feng Shui at ang kanyang home renovation ay mga paksa lang na
Hinding-hindi inaasahan ni Elaine na si Jacob, na wala lang sa halos buong buhay niya, ay biglang makakahanap ng isang tumpok ng ginto pagtanda niya.Patuloy na nilalait ni Elaine ang walang saysay na posisyon ni Jacob bilang vice president para sa Calligraphy and Painting Association. Pero, sa loob niya, alam niya na may bigat ang posisyon na ito.Ang higher management ng mga ganitong cultural association ay kadalasan mga may kultura at maimpluwensyang tao. Bukod dito, nirerespeto sila ng mga city leader.Pero, naging malupit si Elaine kay Jacob sa buong buhay niya. Hindi niya pwedeng hayaan si Jacob na lampasan niya gamit ang mga bagong tagumpay niya, kaya sadya siyang nag-ipon ng mas maraming pangungutya para pabagsakin siya.Hindi nasiyahan nang sobra si Jacob sa pangungutya ni Elaine, at gusto niya siyang sagutin. Tumama nang malakas ang masakit na sinabi niya na walang kwenta siya at nandoon lang bilang dagdag. Hinalo nito ang kanyang manipis na hamak na ugali na nakatago sa
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, âSino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!âSa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, âMahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!âAgad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, âElaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?âMapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, âAnong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?âNapahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, âMahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?âNakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, âMa, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.âTumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, âWala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.âNagulat na nagtanong si Keith, âNapilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?âSumagot si Charlie, âLolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.âAgad na pumayag si Keith. âSige, pumasok na tayo at mag-usap.âPumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Bastaât suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, âYoung Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.âUmiling si Charlie at sinabi, âBukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.âTumango si Vera at sinabi nang malambot, âMuntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: âUncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?âMabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: âYoung Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.âNang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, âUncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?âSinabi ni Janus, âAng pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro