Samantala, sa kabila ng mataas nilang pag-asa kay Shunpei, hindi maganda ang sitwasyon nito sa kasalukuyan.Simula nang dumating sa Aurous Hill, nangongolekta na siya ng environmental specimens sa nakalipas na dalawang araw. Mula sa lupa, hangin, alikabok, at tubig, lahat sinubukan niyang gamitin para sa kanyang research.Gumamit na rin siya ng river water, lake water, tap water, at kahit spring water mula sa bundok ng Aurous Hill para magsagawa ng iba’t ibang eksperimento sa kanyang villa.Subalit, sa kabila ng masugid niyang pag-aaral, natuklasan niyang hindi lang walang katangi-tangi sa kapaligiran sa Aurous Hill, pero mas maganda pa ang sitwasyon sa Washington.Ganito rin ang nararamdaman ng mga ibang miyembro ng kanyang team.Kahit isa ang Aurous Hill sa ancient capitals ng Oskia, hindi masyadong maganda ang kapaligiran nito.Kahit hindi naman malala ang air pollution, hindi rin masasabing maganda ang kalidad ng hangin sa paligid. Higit sa lahat, isang tipikal na lambak ang
“Sige.” Tugon ni Charlie, “Kailangan mo ring mag-ingat. Mas mabuti kung mananatili ka lang sa loob ng Apothecary Pharmaceutical. Huwag ka munang pumunta kung saan-saan.”Agad na sumagot si Liam, “Masusunod, Master Wade!”***Kinabukasan ng umaga, nagsuot si Shunpei ng running clothes at tumakbo siya mula sa kanyang villa papunta sa Apothecary Pharmaceutical.Habang nasa daan papunta ng Apothecary Pharmaceutical, inanunsyo ni Jasmine sa publiko na magsasagawa ng auction ang Vintage Deluxe sa Aurous Hill pagkatapos ng 20 na araw. Inanunsyo niya rin ang impormasyon tungkol sa mga collections na ilalabas nila.Maliban sa ilang mga sikat na calligraphy, paintings, at antique porcelain, may item rin na tinatawag na ‘Rejuvenating Pill’ sa gaganaping auction.Hindi masyadong nagpaliwanag ang Vintage Deluxe kung ano ang ‘Rejuvenating Pill’, pinakilala lamang nila ito bilang isang Oskian medicine na may magandang medicinal effects.Nang lumabas ang balitang ito, hindi ito nagdulot ng kahi
Ang minimum threshold para sa registration ng Vintage Deluxe ay 10 billion Oskian dollars na siyang katumbas ng 1.6 billion US dollars.Mukha mang malaki ang ganitong halaga, pero sa totoo lang, mula pa lamang sa data, halos 3,000 na mararangyang tao sa buong mundo ang may assets na higit pa sa halagang ito.Maliban dito, hindi pa kasama diyan ang mga invisible tycoons na hindi nag-aanunsyo ng kanilang assets sa publiko.Kaya, hindi nasorpresa si Charlie na 500 applications ang natanggap nila sa loob ng dalawang oras.Subalit, para sa gaya ni Elaine at Jacob na nasa bahay lang, hindi nila mapigilang makaramdam ng galit nang makita nila ang balita na inilabas ng auction house.Nang makita ni Elaine ang news feed sa kanyang cellphone, hindi siya nagdalawang isip at agad siyang bumulalas, “Natatakot akong wala sa tamang pag-iisip ang Vintage Deluxe! Lintik! Anong klase ng kag*guhan ang naiisip nila para maglagay ng threshold na 10 billion dollars sa registration?! Hindi ba kalokohan
Agad na nagsalita si Jacob, “Kalimutan mo na lang! Ako ang representative ng Calligraphy and Painting Assocation para sa cultural exchange na gagawin kasama ang mga Koreans. Alam mo ba kung ano ang cultural exchange? Magkakaroon ng exchange ang mga cultural people, kaya bakit ka naman sasama sa amin? Kung malalaman ito ng iba, iisispin nila na nagdadala ako ng pamilya sa isang biyahe na publiko ang nagbabayad!”Nang marinig ito ni Elaine, nagsalita siya na para bang hindi natutuwa, “Hindi ba ikaw ang vice-chairman? Ikaw ang second-in-command pero hindi mo kayang dalhin ang asawa mo sa isang cultural exchange?!”Napaisip si Jacob sa kanyang loob, ‘Kahit pwede pa kiang dalhin, hindi kita isasama! Nasa tamang pag-iisip pa ako…’Kahit ito ang nasa loob ni Jacob, taimtim siyang nagsalita, “Hindi ang Calligraphy and Painting Association ang organizers ng event na ito kundi ang gobyerno. Pagdating ng pagkakataong iyon, magpapadala ng dalawa o tatlong representatives ang bawat cultural fiel
Nang makarating si Charlie sa kanyang kwarto, maingat niyang binuksan ang dokumento na ipinadala ni Jasmine.Napagtanto niyang mula sa ilang daang applicants, karamihan dito nanggaling sa United States at Europe.Mula sa kanila, mahigit sa 300 na applicants ang nagsign up mula sa United States.Maliban dito, mula sa mga pangalan ng applicants, makikitang hindi lang mga Americans ang interesado, kundi mayroon ring Oskian, Japanese, at Korean descent.Ang nakamamangha pa, halos lahat ng applicants mula sa United States ay mga plutocrats at entrepreneurs. Samantalang mahigit sa kalahati naman ng mga applicants sa Europe ang nanggaling sa royal families at nobility ng iba't ibang bansa doon.Kahit ang Northern European royal family nagsign-up rin para sa auction at ang pangalan na makikita ay wala ng iba kundi ang dating royal queen na bumaba sa kanyang puwesto.Hindi mapigilang mapa-isip ni Charlie, ‘Hindi ko alam kung aabot ng 10 billion dollars ang assets ng Northen European royal
Syempre nahulaan din ni Charlie ang dahilan kung bakit ito ginawa ni Lord Wade, pero hindi pa siya handang bigyan ng Rejuvenating Pill si Jeremiah—sa ngayon, wala pa siyang balak.Ang mas nakakamangha, sa buong listahan na natanggap ni Charlie, hindi niya nakita ang pangalan ng kahit sino mula sa British royal family.Dati, nakakuha si Charlie ng impormasyon mula sa intelligence network ng Ten Thousand Armies na mukhang interesado ang British royal family sa Rejuvenating Pill. Sinasabing hindi ipinaalam ng Crown Prince sa Royal Queen ang tungkol sa milagrosong gamot na nalaman niya mula sa Northern Europe pagkabalik niya ng Britain. Nang madiskubre ito, galit na galit ang Royal Queen at hindi siya makapaghintay na makuha sa sarili niyang mga kamay ang medisinang ito.Subalit, bakit hindi nagparehistro ang Royal Queen kahit nagbigay na sila ng opisyal na anunsyo tungkol sa auction?Pagkatapos pag-isipan sa loob ng ilang sandali, pakiramdam ni Charlie dahil ito sa requirement na nags
Sa pagkakataong ito, habang naghahanda si Jordan papunta ng Oskia, bigla siyang nakatanggap ng tawag.Tinatawagan siya ng kanyang pinakabata at pinakaboritong apo na si Kathleen.Ngayong taon, 22 years old na si Kathleen. Mahigit sa 70 na taon ang pagitan nila ni Jordan. Siya ang itinuturing na kayamanan ng pamilya dahil siya ang nag-iisang anak na babae ng pinakabunsong anak ni Jordan na isinilang sa gitna ng kanyang katandaan.Samantala, mahigit sa 50 years old na ang edad ng pinakamatandang apo ni Jordan, at kahit ang kanyang pinakamatandang apo sa tuhod, mas matanda pa ng ilang taon kay Kathleen.It ang dahilan kung bakit sa kabila ng murang edad ni Kathleen, siya ang may pinakamataas na estado sa pamilya. Masasabing maayos ang takbo ng buong buhay niya sa loob ng pamilya Fox.Sa mga mata ni Lord Fox pati na rin sa kanyang mga anak at iba pang apo, si Kathleen ang pinakamamahal nila.Hindi lamang ang kanyang lolo na si Jordan ang magiliw sa kanya, kundi pati ang mga uncles at
Mapanglaw ang ekspresyon sa mukha ni Jordan nang sumagot siya, “Kung ang Rejuvenating Pill nga talaga na ito ang milagrong naka-engkuwentro ng Lolo Lennard mo, hindi mataas ang halagang 5 billion US dollars para tumbasan ito. Kung ilalagay nila ito sa auction, normal lang na umabot ng 10 billion US dollars ang presyo nito…”Napabulalas si Kathleen sa pagkamangha, “Imposible naman yata ang bagay na iyan, hindi ba Lolo?! Pwede ka nang bumili ng isang Ford-class aircraft carrier sa ganyang halaga ng pera! Sino naman ang gagastos ng ganyang kalaking halaga ng pera para sa isang pill? Higit sa lahat, sa dami ng tao sa mundo, kasama na ako, wala naman ni isa sa amin ang nakakaalam ng epekto nito.”Bumuntong hininga si Jordan na puno ng emosyon, “Hindi lang ikaw, kahit ako hindi ko rin alam kung ano ang eksaktong epekto ng Rejuvenating Pill. Pero, may hula ako na kung walang mangyayaring hindi inaasahan, hihigit sa 10 billion US dollars ang presyo ng item na ito.”Nang mabanggit ito, tila
Umiling si Charlie at sinabi, “Lola, kahit na bumalik siya, marahil ay hindi ko siya dalhin para makilala kayo ni Lolo.”Tinanong ni Lady Acker sa pagkalito, “Bakit naman, Charlie? May galit ka pa rin ba sa amin?”Umiling nang bahagya si Charlie at sinabi, “Lola, ang asawa ko… Hindi niya pa rin alam ang totoong pagkakakilanlan ko.”Lumaki ang mga mata ng lahat sa sorpresa. Walang nag-aakla na hindi alam ng asawa ni Charlie ng apat na taon ang totoong pagkakakilanlan niya.Hindi mapigilang itanong ni Lady Acker, “Charlie, apat na taon ka nang kasal kay Charlie ngayon, kaya paanong hindi niya pa rin alam ang pagkakakilanlan mo?”Sinabi ni Charlie na parang sinisisi niya ang sarili niya, “Wala ako ng kahit ano noong pinakasalan niya ako. Nagtatrabaho pa rin ako bilang manggagawa sa isang construction site, nagbubuhat ng mga hollow blocks at semento. Pagkatapos naming ikasal, ikinasal ako sa pamilya nila. Sa mga mata ng mga Wilson, isa lang akong tao na walang edukasyon o totoong kaka
Tumango si Charlie at sinabi, “Lolo, sa totoo lang, pagkatapos maaksidente ng mga magulang ko, inayos ni Stephen na manatili ako sa bahay ampunan, kung saan pinanatiling lihim ang pagkakakilanlan ko.”Hindi mapigilan ni Lord Acker na bumuntong hininga at sabihin, “Mukhang minialiit ko ang mga abilidad ng iyong ama. Natatakot ako na ang ama mo lang ang makakaisip ng napakatapang na kilos sa dilim.”Sa puntong ito, sinabi niya nang sobrang saya, “Iniisip ko dati na marahil ay ang ama mo ang pinakamagaling na batang talento na nakita ko, pero hindi ko inaasahan na ikaw, Charlie, ay malalampasan siya. Kung hindi dahil sa tulong mo, ang lola mo, ang tita at mga tito mo, at ako ay matagal nang namatay.”Sinabi nang seryoso ni Charlie, “Loo, hindi mo kailangan na maging sobrang galang sa akin. Nasa ugat ko rin ang parehong dugo na dumadaloy sa mga Acker, kaya hindi lang ako manonood at walang gagawin para sa mga Acker.”Namula ang mga mata ni Lord Acker, at sinabi niya nang nabubulunan, “
Sobrang saya ng mga miyembro ng pamilya Acker nang malaman nila na pupunta si Charlie para maghapunan. Tuwang-tuwa silang lahat, tila ba ipinagdiriwang nila ang Bagong Taon.Inutusan ni Lady Acker ang mga anak niya na linisin ang lamesa at ayusin ang mga pagkain na dinala ng mga tauhan ni Albert.Patuloy na bumubulong si Lord Acker sa sarili niya, “Magandang araw ngayong araw. Kahit ano pa, iinom ako nang kaunti mamaya pagdating ni Charlie!”Si Lulu, na nasa gilid, at sinabi nang nagmamadali, “Pa, kailan ka lang gumaling nang kaunti, kaya hindi ka dapat uminom.”“Kalokohan!” Sumagot si Lord Acker nang walang pag-aatubili, “Hindi ba’t ang layunin ng paggaling ko ay para lang sa araw na ito? Hindi makatwiran para sa akin na hindi uminom sa napakahalagang okasyon!”Ngumiti si Lady Acker at sinabi, “Hayaan mo ang papa mo na uminom kung gusto niya. Dalawampung taon na kaming umaasa na bumalik ang apong lalaki namin. Kahit nga ako ay gusto rin uminom nang kaunti, lalo na siya.”Mabilis
Samantala, sa marangyang Champs Elys hot spring villa sa Aurous Hill, buong araw na naghintay nang balisa ang mga Acker pero hindi nila nakita si Charlie.Hindi sila makakain o makainom buong araw, gusto lang nilang makita si Charlie sa lalong madaling panahon para makumpirma gamit ang sarili nilang mga mata na ligtas nga siya.Sa oras ng hapunan, dumating at pumasok sa bahay si Albert at ang ilang tao. Pagkatapos pumasok, sinabi ni Albert kay Christian, na nagbukas ng pinto, “Mr. Christian, naghanda ako ng ilang masarap na pagkain para sa inyong lahat. Ang mga ito ay espesyal na inihanda ng mga chef mula sa Heavenly Springs. Ako mismo ang namahala sa mga sangkap at binantayan sila habang nagluluto sila. Sinabihan ko sila na gumawa ng sobrang pagkain, at sinubukan ko at sinuri ko na ito para sa lason. Ligtas itong kainin!”Hindi inaasahan ni Christian na ang middle-age na lalaki na ito, si Albert, ay sobrang mabusisi sa trabaho niya. Hindi niya maiwasan na masorpresa at mabilis na i
Nagulat nang sobra si Fleur nang maglaho si Elijah sa isang iglap.Sa una, hindi niya maintindihan kung bakit biglang naglaho si Elijah. Inabot siya nang matagal para mapagtanto na nilipat siguro si Elijah ng singsing sa ibang lugar.Nagalit siya dahil dito. Nagngalit siya sa galit at sinabi, “Ikaw matandang hayop, sobra ang pagkiling mo! Sinabi mo na hindi kami karapat-dapat ni Elijah na manahin ang pamana mo, pero binigyan mo siya ng isang kayamanan na kaya siyang ilipat ng lugar sa isang iglap. Bakit wala ako? Bakit hindi! Sabihin mo! Sabihin mo!!!”Si Fleur lang ang natira sa kuweba kung saan nagpahinga ang Master niya at kung saan naglaho si Elijah, at umalingawngaw sa lambak ang mga sigaw niya na parang baliw.Makalipas ang matagal na panahon, pinunasan ni Fleur ang dugo sa kanyang ispada habang may walang ekspresyon na mukha, ibinalik ang ispada sa kanyang baywang, at sinabi nang malamig, “Elijah, simula ngayon, magkalaban na tayo!”Pagkasabi nito, naglakad siya palayo nang
Puno rin ng galit si Fleur, kaya sinabi niya nang malamig, “Elijah, hindi mo na kailangan ipagtanggol ang matandang lalaki na iyon. Dahil patay na siya, dapat nating inumin ang Eternal Pill na ito at mabilis na pataasin ang cultivation natin. Dapat natin hanapin ang mga kayamanan na tinago niya sa lalong madaling panahon!”Nadismaya nang sobra si Elijah, “Fleur, simula ngayon, hindi mo na ako senior, at hindi na kita junior. Simula ngayon, isa ka na lang miyembro ng pamilya Griffin sa akin. Si Flynn lang ang kinikilala ko, at wala na akong koneksyon sa kahit sino!”Nabalisa agad si Fleur at sinabi, “Elijah, bakit sobrang manhid mo?! Isang libong taon nabuhay ang matandang lalaki na iyon, kaya bakit niya lang tayo binigyan ng mga pill para mabuhay ng limang daang taon? Malinaw na may ipinagkakait siya sa atin at napakahalaga nito!”Kinaway ni Elijah ang kanyang kamay at sinabi, “Kalimutan mo na, Fleur. Tapos na ang relasyon natin ngayong araw. Mananatili ako dio at pagluluksa ang mas
Alam niya na may isa pang kahulugan sa likod ng mga salita ng kanyang master. Ipinapahiwatig niya na hindi sapat ang pagiging tuwid at makatarungan niya kumpara kay Elijah, at may malaking agwat sa pagitan nila. Mas lalo siyang hindi nasiyahan.Pero, hindi balak ni Elijah na tanggapin ang singsing. Mabilis siyang tumanggi, at sinabi, “Master, tinulungan mo na ako nang sobra. Hindi ko kayang tanggapin ang singsing na ito…”Ngumiti nang bahagya si Marcius at tinapon ang singsing kay Elijah. Biglang naglaho sa ere ang singsing at lumitaw ito sa daliri ni Elijah sa sumunod na segundo.Bago pa maintindihan ni Elijah kung ano ang nangyari, nagsalita si Marcius, “Elijah, kinilala ka na ng singsing bilang master nito. Itago mo ito nang mabuti. Marahil ay iligtas ng singsing na ito ang buhay mo kung may hindi inaasahang pangyayari sa hinaharap.”Pagkatapos magsalita ni Marcius, pumasok ang dalawang tagak na pinalaki niya. Tumayo sila sa magkabilang bahagi n iMarcius at patuloy na kinuskos a
“Hindi sapat ang tadhana ko?!” Nang marinig ni Fleur ang mga salitang ito, kumunot ang noo niya at sinabi, “Master, anong ibig mong sabihin sa ‘hindi sapat ang tadhana ko’?”Sumagot nang kalmado si Marcius, “Hindi ka pa matagal sa landas ng cultivation. Maraming bagay ang kailangan maintindihan ng mga cultivator na hindi mo pa nauunawaan. Sa hinaharap, kapag naunawan mo na ang Book of Changes at Eight Diagrams, mapapagtanto mo na may iba’t ibang tadhana ang mga tao, at ang tadhana ang susi sa lahat.”Nasorpresa si Fleur at tinanong, “Master, ano ang tadhana?”Ipinaliwanag ni Marcius, “Ang tadhana ay ang pundasyon ng isang tao. Ang tiyak na tadhana ay maaaring irepresenta ng mga heavenly stem, earthly branch, mga ibon, o mga hayop. Karamihan ng mga tadhana ay nirerepresenta ng mga heavenly stem at earthly branch. Kahit ang hari ay may salungat na kapalaran laban sa kapalaran, pero para labanan ang tadhana, kailangan niya ng kapalaran ng isang tigre o sawa.”“Bukod dito, may mga mas
Kaya, sinundan nilang dalawa si Marcius papasok sa mabatong kuwarto niya. Tinuro ni Marcius ang dalawang unan at sinabi sa kanila, “Umupo kayo.”Nang makita nila ito, magalang sila na umupo nang naka-krus ang mga binti sa harap.Pagkatapos ay nagsalita si Marcius at sinabi, “Kahit na mababaw ang tadhana natin, mga master at disipulo pa rin tayo. May ambisyon kayong dalawa na labanan ang Qing army, at bilang kapwa Oskian, sana ay maipagpatuloy niyo ang layunin na ito at ibalik ang dangal ng Oskia…”Pagkasabi nito, naglabas siya ng dalawang pill mula sa kanyang bulsa at nilagay ito sa batong lamesa sa harap ng dalawa. Pagkatapos ay sinabi niya nang kalmado, “Ang dalawang pill na ito ay ang mga Eternal Pill na sinabi ko sa inyo dati. Kung iinumin ang mga pill na ito, kaya nitong pahabain ang buhay niyo ng limang daang taon. Gamit ang mga pill na ito, sana ay matupad niyo ang layunin na puksain ang Qing army.”Nanabik si Fleur nang marinig niya na ang mga pill sa harap niya ay ang Eter