Naalerto agad si Charlie sa mga sinabi ni Yule.Espesyal nga ang pagkakakilanlan at sitwasyon ng Ten Thousand Armies. Sa mundo ng mainstream, ang ganitong mercenary organization ay palaging titingnan sa gray perspective. Kung tatanungin ang mga tao kung mabuti o masama ito, walang duda na sa mata ng nakararami, ang bawat mercenary organization ay masama.Sa ngayon, hindi alam ng panlabas na mundo na kinuha na ni Charlie ang Ten Thousand Armies sa ilalim niya. Pero, hindi magiging sikreto ang tungkol dito habang buhay. Siguradong darating ang araw kung saan malalaman ito ng publiko.Pagdating ng oras na iyon, ang pandidiri ng mga tao para sa mga mercenary organization ay kakalat din kay Charlie.Kaya, hiningi nang nagmamadali ni Charlie ang payo ni Yule, “Uncle Golding, may mabuting payo ka ba pagdating sa Ten Thousand Armies?”Bahagyang ngumiti si Yule at sinabi nang seryoso, “May ideya ako na marahil ay hindi mabuti o mature, at siguradong kailangan nito ng ilang sakripisyo kung
“Sa dami ng third-world countries at infrastructure projects sa buong mundo, malaki ang demand para sa international security. Kung gagawin mo ang project na ito, mareresolbahan nito ang isyu sa transpomasyon ng ilang libong sundalo mula sa Ten Thousand Armies. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng malaking pagbabago sa Ten Thousand Armies sa loob lang ng ilang taon.”“Kung magagawang makaipon ng Ten Thousand Armies ng matagumpay na kaso ng pagtataboy ng mga pirata, paglaban sa mga tulisan o kaya sa mga illegal armed forces, pagtatanggol sa buhay at property ng mga taumbayan pati na rin ang pagpapanatiling ligtas sa mga foreign enterprises, siguradong bubuti ang reputasyon ng Ten Thousand Armies sa loob lang ng ilang taon! Magiging international security company ito na may mataas na demand at hindi mapapantayang imahe!”Sa puntong ito, huminto si Yule sa loob ng ilang sandali saka siya misteryosong ngumiti at nagpatuloy sa kanyang sinasabi, “Kung kailangan mo pa ring gumawa ng ilang mad
Nang marinig ang paalala ni Yule, tumango agad si Charlie saka siya nagsalita, “Huwag kayong mag-alala, Uncle Golding. Dahil nagpasya na ako na magkakaroon ng transpormasyon ang Ten Thousand Armies, dapat maging legal at reasonable ang lahat. Ipapaliwanag ko nang mabuti ang puntong ito kay Porter Waldron!”Habang nagsasalita, nagpatuloy si Charlie, “Maliban dito, mula sa pagkakaunawa ko sa kasalukuyang Ten Thousand Armies, halos lahat ng sundalo nila mga martial arts experts, at kahit wala silang thermal weapons, hindi bababa ang kanilang combat effectiveness. Hindi magiging problema sa kanila na asikasuhin ang mga ordinaryong tao na may armas.”Ngumiti nang bahagya si Yule, “Perpekto ang bagay na ito. Basta ba masisiguro mong legal at reasonable ang pamamaraan niyo, maganda ang magiging dulot nito sa pangmatagalan niyong operations. Kung magagawa mong linisin nang mabuti ang pangalan ng Ten Thousand Armies, mas magiging mabuti ang lahat!”Tumango si Charlie. Pagkatapos, inangat niy
Hindi na kailangang banggitin pa ang ocean shipping business. Nakasalalay ang malawak na network ng logistics ng mundo sa ocean shipping business kaya siguradong lalawak pa nang lalawak ang scale nito sa hinaharap.Para naman sa The Apothecary Pharmaceutical, maraming magagandang prescriptions si Charlie sa kanyang kamay. Kahit maglabas siya ng isa lang mula sa kanyang Apocalyptic Book, siguradong magiging best-selling drug ito sa global na lebel.Ang mas maganda pang oportunidad, masyadong mataas ang research and development costs ng mga drug companies gaya ng Pfizer, Novartis, Merck, at iba pang mga pharmaceuticals sa United States. Madalas umaabot ito ng ilang bilyong dolyar at ilang taon pa bago nila ito matapos. Maliban dito, hindi rin masyadong mataas ang success rate. Kaya, kailangan nilang gamitin lagi ang kanilang sales para matustusan ang kanilang research and development costs, pero si Charlie hindi niya kailangang gumastos ni isang kusing para sa research and development.
Sumunod na umaga, nagpaalam na si Charlie kay Yule at Rachel. Ganoon din, ipinagmaneho siya ni Quinn papunta sa airport.Maluwag ang daan sa Eastcliff tuwing umaga, pero sinadya ni Quinn na magmaneho nang mabagal at hinayaan niya munang mauna ang mga ibang sasakyang nasa likod.Ang dahilan kung bakit mabagal ang pagmamaneho ni Quinn ay dahil hindi niya kayang mawalay kay Charlie.Nahulaan rin ni Charlie kung ano ang nasa isip ni Quinn kaya hindi niya ito minadali.Habang walang atensyong nagmamaneho si Quinn, kinausap niya si Charlie, “Nga pala, Kuya Charlie, pupunta ka ba sa Eastcliff sa malapit na panahon?”Napaisip si Charlie sa loob ng ilang sandali saka siya sumagot, “Kikitain ko ang professional management team ng pamilya Wade pagkatapos nilang maghanda ng report materials, pero hindi ako sigurado kung pupunta ko ng Eastclifff o papakiusapan ko silang pumunta nang direkta sa Aurous Hill.”Mahinang sumagot si Quinn, “Baka maging abala ako masyado ngayong Abril. Marami akong
Nang makita ni Quinn na binabago ni Charlie ang usapan, hindi na siya nagpatuloy sa pagiging agresibo. Sa halip, sinundan niya na lang ang takbo ng usapan, “Sa susunod na buwan, magkakaroon ako ng concert sa Canada, Vancouver, Montreal, Toronto, at Ottawa. Pagkatapos, pupunta ako ng United States galing sa south ng Canada. Ang unang stop ko sa US ay New York, pagkatapos magsisimula ako sa east coast papuntang west coast. Bibisitahin ko ang North America sa loob ng isang buwan bago ako pumunta ng Europe.”Pagkatapos itong sabihin, napatitig si Quinn kay Charlie at may lungkot sa kanyang mukha nang magsalita siya, “Kuya Charlie, kapag nagsimula na ako sa overseas tour ko, hindi kita makikita sa loob ng dalawa o tatlong buwan…”Inalo agad ni Charlie si Quinn, “Importante sa’yo na magtrabaho ka, hindi ba? Higit sa lahat, ito na ang farewell concert mo. Mananatili ka na sa Eastcliff pagkatapos nito.”Tumango si Quinn, “Kapag umalis na ako ng entertainment industry, ako na ang mamahala sa
Nang makita ni Charlie na inaasar ni Albert si Isaac, hindi niya mapigilang tumawa. Bigla niyang naalala ang payong ibinigay ni Yule sa kanya tungkol sa Ten Thousand Armies. Emosyonal siyang nagsalita, “Albert, sa tingin ko kailangan mo rin ng oras para sa sarili mo. Sa hinaharap, hindi dapat ikaw ang mag-asikaso ng lahat ng underground matters natin. Hatiin mo rin ang trabaho sa Four Great Guardians na nasa ilalim mo, hayaan mo silang asikasuhin ang mga bagay na iyon.”Hindi nag-alangang tumugon si Albert, “Master Wade, gagawin ko ang sinasabi niyo. Magkakaroon ako ng meeting kasama sila pagbalik ko saka ko ibibigay sa kanila ang mga responsibilidad na sinabi mo.”Pagkatapos itong sabihin, nahihiyang nagtanong si Albert, “Nga pala, Master Wade… ano na ang gagawin ko kung ibibigay ko ang lahat ng trabaho sa kanila?”Ang dahilan kung bakit nilagay ni Charlie si Albert sa kanyang tabi ay dahil sa katapatan nito sa kanya.Sa katotohanang sumang-ayon agad si Albert sa sinabi ni Charlie
Agad na tumugon si Charlie, “Bakit naman kayo magiging abala, Aunt Dunn? Sandali, tutulungan ko muna kayong ipasok ang mga bagahe niyo.”Pagkatapos itong sabihin, agad na kinuha ni Charlie ang mga bagahe sa kamay ni Helen. Sumunod, sumenyas siya kay Helen para imbitahan ito nang magalang, “Aunt Dunn, mauna muna kayong pumasok.”Gusto sanang tumanggi ni Helen pero nang makita niya ang magalang na pakikitungo ni Charlie, hindi niya ito magawang tanggihan. Banayad siyang tumugon, “Maraming salamat!”Pagkatapos itong sabihin, agad na pumasok si Helen sa loob ng eroplano.Sumunod din si Charlie dala-dala ang bagahe ni Helen. Ganoon din, sumunod si Albert at Isaac kay Charlie pagkapasok nito sa eroplano.Apat na pasahero lamang ang dala-dala ng eroplanong ito pabalik ng Aurous Hill. Kaya, nang makapasok ang lahat, agad na isinara ng cabin crew ang pinto pagkatapos makatanggap ng positibong senyas kay Charlie na pwede na silang umalis.Inimbitahan ni Charlie si Helen na umupo sa isang
Samantala, sa marangyang Champs Elys hot spring villa sa Aurous Hill, buong araw na naghintay nang balisa ang mga Acker pero hindi nila nakita si Charlie.Hindi sila makakain o makainom buong araw, gusto lang nilang makita si Charlie sa lalong madaling panahon para makumpirma gamit ang sarili nilang mga mata na ligtas nga siya.Sa oras ng hapunan, dumating at pumasok sa bahay si Albert at ang ilang tao. Pagkatapos pumasok, sinabi ni Albert kay Christian, na nagbukas ng pinto, “Mr. Christian, naghanda ako ng ilang masarap na pagkain para sa inyong lahat. Ang mga ito ay espesyal na inihanda ng mga chef mula sa Heavenly Springs. Ako mismo ang namahala sa mga sangkap at binantayan sila habang nagluluto sila. Sinabihan ko sila na gumawa ng sobrang pagkain, at sinubukan ko at sinuri ko na ito para sa lason. Ligtas itong kainin!”Hindi inaasahan ni Christian na ang middle-age na lalaki na ito, si Albert, ay sobrang mabusisi sa trabaho niya. Hindi niya maiwasan na masorpresa at mabilis na i
Nagulat nang sobra si Fleur nang maglaho si Elijah sa isang iglap.Sa una, hindi niya maintindihan kung bakit biglang naglaho si Elijah. Inabot siya nang matagal para mapagtanto na nilipat siguro si Elijah ng singsing sa ibang lugar.Nagalit siya dahil dito. Nagngalit siya sa galit at sinabi, “Ikaw matandang hayop, sobra ang pagkiling mo! Sinabi mo na hindi kami karapat-dapat ni Elijah na manahin ang pamana mo, pero binigyan mo siya ng isang kayamanan na kaya siyang ilipat ng lugar sa isang iglap. Bakit wala ako? Bakit hindi! Sabihin mo! Sabihin mo!!!”Si Fleur lang ang natira sa kuweba kung saan nagpahinga ang Master niya at kung saan naglaho si Elijah, at umalingawngaw sa lambak ang mga sigaw niya na parang baliw.Makalipas ang matagal na panahon, pinunasan ni Fleur ang dugo sa kanyang ispada habang may walang ekspresyon na mukha, ibinalik ang ispada sa kanyang baywang, at sinabi nang malamig, “Elijah, simula ngayon, magkalaban na tayo!”Pagkasabi nito, naglakad siya palayo nang
Puno rin ng galit si Fleur, kaya sinabi niya nang malamig, “Elijah, hindi mo na kailangan ipagtanggol ang matandang lalaki na iyon. Dahil patay na siya, dapat nating inumin ang Eternal Pill na ito at mabilis na pataasin ang cultivation natin. Dapat natin hanapin ang mga kayamanan na tinago niya sa lalong madaling panahon!”Nadismaya nang sobra si Elijah, “Fleur, simula ngayon, hindi mo na ako senior, at hindi na kita junior. Simula ngayon, isa ka na lang miyembro ng pamilya Griffin sa akin. Si Flynn lang ang kinikilala ko, at wala na akong koneksyon sa kahit sino!”Nabalisa agad si Fleur at sinabi, “Elijah, bakit sobrang manhid mo?! Isang libong taon nabuhay ang matandang lalaki na iyon, kaya bakit niya lang tayo binigyan ng mga pill para mabuhay ng limang daang taon? Malinaw na may ipinagkakait siya sa atin at napakahalaga nito!”Kinaway ni Elijah ang kanyang kamay at sinabi, “Kalimutan mo na, Fleur. Tapos na ang relasyon natin ngayong araw. Mananatili ako dio at pagluluksa ang mas
Alam niya na may isa pang kahulugan sa likod ng mga salita ng kanyang master. Ipinapahiwatig niya na hindi sapat ang pagiging tuwid at makatarungan niya kumpara kay Elijah, at may malaking agwat sa pagitan nila. Mas lalo siyang hindi nasiyahan.Pero, hindi balak ni Elijah na tanggapin ang singsing. Mabilis siyang tumanggi, at sinabi, “Master, tinulungan mo na ako nang sobra. Hindi ko kayang tanggapin ang singsing na ito…”Ngumiti nang bahagya si Marcius at tinapon ang singsing kay Elijah. Biglang naglaho sa ere ang singsing at lumitaw ito sa daliri ni Elijah sa sumunod na segundo.Bago pa maintindihan ni Elijah kung ano ang nangyari, nagsalita si Marcius, “Elijah, kinilala ka na ng singsing bilang master nito. Itago mo ito nang mabuti. Marahil ay iligtas ng singsing na ito ang buhay mo kung may hindi inaasahang pangyayari sa hinaharap.”Pagkatapos magsalita ni Marcius, pumasok ang dalawang tagak na pinalaki niya. Tumayo sila sa magkabilang bahagi n iMarcius at patuloy na kinuskos a
“Hindi sapat ang tadhana ko?!” Nang marinig ni Fleur ang mga salitang ito, kumunot ang noo niya at sinabi, “Master, anong ibig mong sabihin sa ‘hindi sapat ang tadhana ko’?”Sumagot nang kalmado si Marcius, “Hindi ka pa matagal sa landas ng cultivation. Maraming bagay ang kailangan maintindihan ng mga cultivator na hindi mo pa nauunawaan. Sa hinaharap, kapag naunawan mo na ang Book of Changes at Eight Diagrams, mapapagtanto mo na may iba’t ibang tadhana ang mga tao, at ang tadhana ang susi sa lahat.”Nasorpresa si Fleur at tinanong, “Master, ano ang tadhana?”Ipinaliwanag ni Marcius, “Ang tadhana ay ang pundasyon ng isang tao. Ang tiyak na tadhana ay maaaring irepresenta ng mga heavenly stem, earthly branch, mga ibon, o mga hayop. Karamihan ng mga tadhana ay nirerepresenta ng mga heavenly stem at earthly branch. Kahit ang hari ay may salungat na kapalaran laban sa kapalaran, pero para labanan ang tadhana, kailangan niya ng kapalaran ng isang tigre o sawa.”“Bukod dito, may mga mas
Kaya, sinundan nilang dalawa si Marcius papasok sa mabatong kuwarto niya. Tinuro ni Marcius ang dalawang unan at sinabi sa kanila, “Umupo kayo.”Nang makita nila ito, magalang sila na umupo nang naka-krus ang mga binti sa harap.Pagkatapos ay nagsalita si Marcius at sinabi, “Kahit na mababaw ang tadhana natin, mga master at disipulo pa rin tayo. May ambisyon kayong dalawa na labanan ang Qing army, at bilang kapwa Oskian, sana ay maipagpatuloy niyo ang layunin na ito at ibalik ang dangal ng Oskia…”Pagkasabi nito, naglabas siya ng dalawang pill mula sa kanyang bulsa at nilagay ito sa batong lamesa sa harap ng dalawa. Pagkatapos ay sinabi niya nang kalmado, “Ang dalawang pill na ito ay ang mga Eternal Pill na sinabi ko sa inyo dati. Kung iinumin ang mga pill na ito, kaya nitong pahabain ang buhay niyo ng limang daang taon. Gamit ang mga pill na ito, sana ay matupad niyo ang layunin na puksain ang Qing army.”Nanabik si Fleur nang marinig niya na ang mga pill sa harap niya ay ang Eter
Nang maisip ito, agad bumalik ang isipan ni Fleur sa taong 1650, na mahigit tatlong daang taon na ang nakalipas.May isang hindi sarado at ipinagbabawal na lugar sa Mount Tason. Walang mga tao sa loob ng isang daang milya, at ang dahilan ay mayroong kakaibang miasma doon simula noong daang-daang taon na ang nakalipas.Nanatili ang miasma at hindi ito nawala, at ang kahit sinong pumasok doon ay magkakaroon ng sakit ng ulo, pagkahilo, at pagkawindang. Kahit saang direksyon sila pumunta, sa huli ay mapupunta sila sa labas ng miasma.Bukod dito, ang mga nakalanghap ng miasma ay magkakaroon ng malalang sakit ng ulo at pagkahilo ng ilang buwan, at maghihirap sila nang sobra. Ang ilang taong matigas ang ulo ay determinado pang lakbayin ang gitna ng miasma, at namatay sila sa loob.Bilang resulta, sa paglipas ng panahon, dumistansya sa lugar na ito ang mga tao sa paligid ng bundok at itinuring ito na ipinagbabawal na lugar.Pero, hindi alam ng mga tao na ito na ang gitna ng miasma na ito
Natakot nang sobra si Tarlon sa tingin ni Fleur sa punto na nanginig ang buong katawan niya, mabilis siyang lumuhod habang inuntog nang malakas ang kanyang ulo sa sahig, nagpakita ng matinding takot, “Nararapat akong mamatay! Nagmamakaawa ako na sana ay mapatawad mo ako, British Lord!”Suminghal nang malamig si Fleur at sinabi, “Simula ngayon, kung magsasabi ka ng isa pang salita, pwede ka nang bumalik sa Linix at bantayan ang ancestral tomb natin!”Ang ancestral tomb ng mga Griffin ay matatagpuan sa Linix.Pero, para sa mga miyembro ng pamilya Griffin sa Qing Eliminating Society, kung uutusan siya ng British Lord na bumalik sa Linix para bantayan ang ancestral tomb, katumbas ito sa pagpapatalsik sa kanya sa sinaunang panahon. Sa sandaling pumunta sila doon, wala silang magagawa kundi igugol ang buong buhay nila doon.Nataranta nang sobra si Tarlon. Mabangis niyang sinampal nang dalawang beses ang sarili niya, patuloy na lumuhod at yumuko habang sinasabi, “Nagkasala ako! Nagkasala
Nagngalit si Fleur at sinabi, “Paano iyon posible?! Kung may kahit anong koneksyon siya kina Ashley at Curtis, hindi siya manonood lang noong inatake sila ni Mr. Chardon dalawampung taon na ang nakalipas!”Kumunot ang mga noo ni Tarlon at sinabi, “British Lord, may punto ka. Pakiramdam ko na maraming kakaibang aspeto sa bagay na ito na may hindi mabilang na posibilidad, pero ang bawat isa ay parang may hindi maipaliwanag na elemento…”Nang maisip niya ito, nag-isip nang matagal si Tarlon, pagkatapos ay tumingin siya kay Fleur at tinanong, “British Lord, sa tingin mo ba ay may isa pang posibilidad?”Sumagot si Fleur, “Sabihin mo!”Sinabi nang nagmamadali ni Tarlon, “British Lord, sa tingin ko ay posible na marahil ay wala talagang kahit anong koneksyon ang kabila sa master mo. Posible rin na nagkataon niya lang nakuha ang painting at nagkataon na nalaman ang pagkakakilanlan mo kay Miss Dijo o Vera. Sadya niyang ginagamit ang painting na ito para takutin ka dahil alam niya na disipul