Pagkatapos nito, tinanong ulit ni Stephen, “Lord Wade, it’s tatlong minuto na lang bago mag 9.30 am. Mayroong mahigit isang daang collateral family member ng Wade family ang naghihintay ngayon sa labas ng mansyon. Oras na ba para isa-isa silang papasukan para magbigay galang ngayon?”Tumango si Jeremiah at ngumiti habang sinasabi, “Okay! Magsimula tayo!”Habang sinasabi niya iyon, tumalikod din si Jeremiah at ipinakilala si Charlie, na nasa tabi niya, “Charlie, ang unang taong darating para magbigay galang mamaya ay ang pamilya ng iyong pangalawang lolo. Naaalala mo pa ba siya?"Umiling si Charlie. "Wala na akong masyadong maalala."Ngumiti si Jeremiah at sinabi, “Nakita mo na siguro siya ng isa o dalawang beses noong bata ka pa. Pero, matagal ka nang wala sa bahay, kung tutuusin. Bukod pa riyan, ang pamilya ng iyong pangalawang lolo ay nakabase sa Canada, at walang maraming pagkakataon para sa kanila na pumunta sa Oskia."Pagkatapos itong sabihin, sinabi ulit ni Jeremiah, “Sa dam
Sa sandaling sinabi ni Jeremiah ang salitang ‘Charlie’, umupo ulit si Clayton sa upuan niya.Medyo naging manhid na siya sa sandaling ito dahil sa galit sa puso niya.‘Simula nang pinalabas ni Papa ang buong pamilya at batiin si Charlie ngayong araw, ang lahat ng may kaugnayan kay Charlie ay lumampas na sa normal na pamantayan!’‘Nakikita ko na disidido si Papa na i-promote si Charlie at itulak siya sa tuktok na posisyon…’‘Sobrang mapanganib na senyales ito para sa amin ni Felix. Kung patuloy na mangyayari ito, marahil ay palitan pa ako n Charlie bilang tagapagmana ng pamilya Wade!’Sa sandaling ito, nang marinig nila James, Colton, at Franklin na si Charlie ang anak ni Curtis, nagulat silang lahat.Tiningnan ni James si Charlie mula ulo hanggang paa bago siya bumuntong hininga at sinabi, “Totoo nga, kamukha ni Charlie si Curtis!”Habang nagsasalita siya, tumingin si James kay Jeremiah habang tinanong, “Kuya, hindi ba’t maraming taon nang nawawala si Charlie ngayon? Kailan mo s
May mahigit dalawampung purong itim na Rolls-Royce sa simula ng convoy, sinundan ito ng ilang extended Land Rover na off-road vehicle sa likod nila.Ang mas nakakagulat ay may nasa dalawampu hanggang tatlumpung extended na flatbed transport sa likod ng mga off-road vehicle.Sa bawat flatbed transporter, may ilang mura at mababang kabaong na nakahanay ng pahalang!Dahil walang bakod ang mga flatbed transporter, ang mga kabaong ay nakatalo sa flatbed transporter gamit ang isang malaking lubid na kulay pula.Ang mas mapangahas pa ay hindi dahil nakatali ang mga kabaong gamit ang kulay pulang lubid, ngunit may malaking bulaklak na kulay pula na gawa sa sutla sa bawat isang kabaong!Sa kaugalian ng tradisyonal na libing sa Oskia, ang itim at puti ang pangunahing kulay, at ang dilaw at lila ang pandagdag na kulay.Sobrang ipinagbabawal ang kulay pula!Ang itim na kabaong ay ipinares sa kulay pulang lubid at bulaklak. Binigyan nito ng nakakatakot ng pakiramdam ang mga tao.Naalerto an
Nagulat nang sobra ang lahat ng bodyguard ng pamilya Wade dahil sa madugong eksena sa harap nila, tila ba tinamaan sila ng kidlat!Sinong nag-aakala na ang grupo ng mga taong ito ay mapapatay agad ang pinakamalakas na chief bodyguard gamit lang ang isang suntok sa sandaling nagkita sila?Anong klaseng nakakatakot na lakas ito?!Sa isang iglap, mahigit isang daang bodyguard ng pamilya Wade ang humakbang paatras nang ilang beses nang hindi nag-iisip. Natakot at nataranta ang lahat sa kailaliman ng mga puso nila!May sobrang relax na ekspresyon pa rin si Hunter sa mukha niya pagkatapos niyang patayin ang chief bodyguard gamit lang ang isang suntok. Naglabas siya ng panyo sa kanyang bulsa at pinunasan nang marahan ang likod ng kanyang kamay. Pagkatapos, tumingin siya sa paligid at sinabi nang malamig, “Malayang umabante ang kahit sinong hindi pa nakukumbinsi!”Sa sandaling sinabi niya ito, mahigit isang daang bodyguard ng pamilya Wade ang isa-isang umatras ng mahigit sampung metro.N
Sa sandaling ito, naglabas ng isa pang sigarilyo si Hunter sa kanyang bulsa. Pagkatapos itong sindihan, umiling siya at bumuntong hininga habang sinabi, “Nagsayang ako ng isang Cuban cigar dahil lang sa isang mababang alalay. Kailangan kuskusin ng mga magagandang sixteen o seventeen year old na Cuban girl ang mga ugat sa mga hita nila para gawin ang mga sigarilyo na ito. Sayang talaga…”***Sa parehong oras, sa sandaling narinig ng mga bodyguard na nagbabantay sa loob ng lumang mansyon ang balita sa walkie-talkie, nagulat agad sila nang sobra.Mabilis na tumakbo ang isa sa kanila papasok sa lumang mansyon habang naghanda siyang i-ulat ito kay Jeremiah.Sa loob ng main hall sa lumang mansyon, katatapos lang tanggapin ni Jeremiah ang lahat ng kinatawan ng collateral family ng pamilya Wade. Lahat sila ay nakaupo nang magkasama habang bumuntong hininga sila sa paghanga sa kasalukuyang kabantugan at tagumpay ng pamilya Wade. Nagsisimula na silang isipin ang sitwasyon kung saan magiging
“Ten Thousand Armies?!”Nang marinig niya ang tatlong salitang iyon, ang katawan ni James, ang nakababatang kapatid ni Jeremiah, ay nanginig sa takot habang sinabi niya nang natataranta, “Paano… Paanong Ten Thousand Armies ito?!”Pagkatapos itong sabihin, tumingin si James kay Jeremiah habang may natatakot na ekspresyon sa kanyang mukha at tinanong, “Kuya… Ikaw.. Paano mo kinalaban ang Ten Thousand Armies?!”Sa una ay walang masyadong alam si Jeremiah sa Ten Thousand Armies, pero kailan lang, maraming balita tungkol sa Ten Thousand Armies, kaya marami rin siyang nalaman tungkol sa Ten Thousand Armies.Kahit na nakaranas ng malaking pagkatalo ang Ten Thousand Armies sa Syria kailan lang, hindi dapat maliitin ang lakas ng Ten Thousand Armies.May sampu-sampung libong elite na sundalo sa Ten Thousand Armies, at ang lahat ng miyembro ng top brass ay mga martial arts master. Sa ganitong lakas, marahil ay hindi sila kayang labanan ng ilang maliliit na bansa, lalo na ang pamilya Wade na
Sinabi nang walang interes ni Charlie, “Kung kayang patayin ng kabila ang chief bodyguard ng pamilya Wade, siguradong mapapatay niya ang bawat isa sa inyo na nakaupo dito. Bukod dito, hindi siya mag-isa, at may mga kasama siya. Natatakot ako mga master din ang mga taong kasama niya. Kung ayaw niyong lumabas, kung susugod ang mga master na iyon pagkatapos niya silang utusan, lahat kayo ay parang mga tupa lang na naghihintay katayin, at walang makakatakbo sa inyo!”Pagkatapos itong sabihin, umabante si Charlie habang naglakad siya sa direksyon ng pinto. Habang naglalakad siya, sinabi niya, “Kung natatakot kayo, sumunod kayo sa likod ko. Kahit papaano, kung may gusto silang patayin, ako muna ang papatayin nila.”Nakaramdam ng kabog si Jeremiah sa puso niya dahil sa sinabi ni Charlie. Pagkatapos ay sinabi niya sa mababang boses, “Tama si Charlie. Si Chief Maize ang pinakamalakas sa lahat ng bodyguard, pero kaya siyang patayin nang madali ng kabila, lalo na ang mga ordinaryong tao tulad n
Nang marinig ng mga miyembro ng pamilya Wade na sinabi ni Hunter na pumunta siya dito sa ilalim ng utos ng lord ng Ten Thousand Armie, natakot sila nang sobra.Akala nila na sobrang hirap na para sa kanila na nagalit ang Ten Thousand Armies, ngunit sinong nag-aakala na ang taong nagalit nila ay ang lord ng Ten Thousand Armies?!Ito ang pinuno ng mga mercenary na may sampu-sampung libong elite mercenary sa ilalim niya!Hindi ba’t wala na silang paraan para mabuhay kung ginalit nila siya?Sa sandaling ito, sinabi nang malamig ni Hunter, “Ang pangalan ng lord ng Ten Thousand Armies ay Porter Waldron! Siya lang ang nag-iisang anak na lalaki ng mag-asawang sina, Leonardo Waldron at Amelia Macleod!”Pagkatapos itong sabihin, tumingin si Hunter kay Jeremiah at tinanong niya, “Tanda! Naaalala mo pa ba ang pangalan ni Leonardo Waldron?!”Sa sandaling sinabi niya ang mga ito, namutla agad ang mukha ni Jeremiah!Kilala niya si Leonardo at ang asawa niya!Pero, hinding-hindi inaakala ni Je
Pagkatapos ibaba ni Vera ang helicopter sa itaas ng courtyard ng villa, sinabi niya kay Charlie, “Young Master, mangyaring sumama ka sa akin. Maghahanda ako ng tinta at papel para masulatan mo ang portrait ni Master Marcius Stark.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Gusto mong magsulat ako dito?”“Oo.” Sinabi nang nakangiti ni Vera, “Kung makikita ni Fleur ang sulat ko, marahil ay maghinala siya na nagpapanggap lang tayo.”Nalito si Charlie at tinanong, “Ilang siglo na kayong hindi nagkikita. Paano niya makikilala ang sulat mo?”Tinikom ni Vera ang mga labi niya at sinabi nang nakangiti, “Pagkatapos mo akong iligtas dati, nag-iwan ako ng ilang salita sa kanya bago umalis sa Northern Europe. Kaya, mas ligtas kung ikaw ang magsusulat.”Tumango si Charlie at sinabi, “Okay. Kung gano’n, ako na ang gagawa nito.”Pagkatapos pumasok sa study room sa unang palapag, nilapitan ni Vera ang mahabang lamesa at naghanda ng tinta para kay Charlie. Pinulot ni Charlie ang isang brush at isinulat
Maagang nagpalit ng damit si Charlie sa umaga at inutusan si Albert na ihatid si Ruby sa Champs Elys Resort. Samantala, kinuha nina Charlie at Vera ang portrait ni Marcius at sumakay sa helicopter pabalik sa bahay ni Vera sa Scarlet Pinnacle Manor.Samantala, isang Boeing 777-200LR ang lumipad mula sa Buenos Aires, ang kabisera ng Argentina, at papunta ito sa Australia. Kahit na ito ang eroplano na may pinakamalayong saklaw sa buong mundo, hindi pa nito naaabot ang labing-walong libong kilmetro. Kaya, ang plano ng piloto ay pumunta muna sa Melbourne, Australia, magpa-gas doon, at pagkatapos ay lumipad papunta sa Aurous Hill.Bukod sa crew, may apat na pasahero lang sa buong eroplano sa sandaling ito. Ang apat na tao na ito ay si Tarlon at ang tatlong elder na kalalabas lang sa cultivation nila sa seklusyon.Noong pumasok sa seklusyon ang tatlong elder na ito, mahigit isang daang taon na ang nakalipas, kapuputol lang ng mga tirintas ng mga tao sa Oskia, at ang alam lang nila ay gumaw
Inabot ni Charlie ang kanyang kamay at tinulungan siyang tumayo. May seryosong ekspresyon siya habang sinabi nang malakas, “Ang layunin ko ay patayin si Fleur gamit ang sarili kong mga kamay at ipaghiganti ang mga magulang ko. Kung handa kang sundan ako, magiging kalaban mo si Fleur. Kaya mo ba itong gawin?”Nagngalit si Ruby at sinabi, “Mr. Wade, makasisiguro ka. Taksil at malupit si Fleur. Hindi lang na gumamit siya ng lason para kontrolin ako sa loob ng mararaming dekada, ngunit ginawa niya pa akong taong bomba. May hindi matutumbasan akong poot sa kanya!”Tumango nang marahan si Charlie at sinabi, “Magaling! Kung matutulungan kitang tanggalin ang lason sa katawan mo sa loob ng dalawang taon at kung susuwertihin ako na mabuksan ang pineal gland ko sa hinaharap, susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para tulungan kang tanggalin ang formation sa loob ng pineal gland mo. Pagkatapos mamatay ni Fleur, magiging malaya ka na nang tuluyan. Hindi ako mangingialam kung saan mo gustong pumun
Walang agarang solusyon si Charlie sa lason ni Ruby at sa formation sa loob ng pineal gland niya. Napagtanto niya dito ang malaking agwat nila ni Fleur.Kahit na nakaligtas siya nang bahagya sa pagsabog dahil sa singsing na binigay ni Vera sa kanya, kung nagpadala si Fleur ng tatlong eksperto na malapit nang mabuksan ang pineal gland nila sa Aurous Hill, marahil ay walang tsansa na mabuhay si Charlie. Kahit sa gamit ang singsing ni Vera, malalagay niya lang siya sa panganib pagdating ng oras.Para naman kay Fleur, nabuksan na niya ang pineal gland niya, isang daang taon na ang nakalipas, at siguradong hindi na matanto ang kasalukuyang cultivation niya. Lamang siya ng isa o kahit dalawa o tatlong daang taon kay Charlie. Kaya, kung personal na pumunta si Fleur, marahil ay mas mababa pa ang tsansa ni Charlie na mabuhay.Nang maisip ito ni Charlie, hindi niya maiwasan na makaramdam ng pasasalamat. Kung hindi niya naligtas nang nagkaton si Madam Jenson at ang anak niya sa Mexico, paano s
Tumango si Ruby at sinabi, “Tama.”Tinanong ulit ni Charlie, “Gumamit ka na ba ng Reiki para lakbayin ang mga misteryo nito?”Sumagot si Ruby, “Sinubukan namin, pero karaniwan ay nakasara ang pineal gland, at hindi makapasok ang Reiki namin.”Tumango si Charlie, pagkatapos ay bumuntong hininga at sinabi, “Mukhang malakas talaga si Fleur. Hindi ko pa nga nabubuksan ang pineal gland ko. Kung hindi ko kayang paganahin ang sa akin, sa tingin ko ay hindi ko kayang buksan ang pineal gland ng iba. Kaya, marahil ay hindi matatanggal sa maikling panahon ang self-destructive formation sa loob mo.”Bumuntong hininga si Ruby nang magaan at sinabi, “Kahit kailan ay hindi ko naisip na tanggalin ang formation. Umaasa lang ako na hindi nito masasaktan ang ibang inosenteng tao. At saka, kaunti na lang ang natitirang oras ko para mabuhay. Mga dalawang taon na lang ang natitira sa akin.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Miss Chain, bakit mo sinabi iyan?”Ipinaliwanag ni Ruby, “May kakaibang lason
Samantala, nasa Champs Elys hot spring villa pa rin si Charlie, nakikipag-usap nang matagal kina Vera at Ruby.Kahit na nagpasya siya na magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan niya sa harap ni Fleur, marami pa ring detalye na kailangan linawin sa bawat hakbang.Sinabi ni Vera kay Charlie, “Young Master, napakatalino talaga ng ideya mo na magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan mo, pero ang panganib na lang ay kung paano natin lulutasin ang sitwasyon kung pumunta ang tatlong elder sa Aurous Hill at hindi nakita ni Fleur ang painting ni Master Marcius Stark? Ano ang gagawin natin dito?”Tumawa si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala. Ang pinakasikat na short video platform ngayon ay pagmamay-ari ng mga Wade. May paraan ako para ipadala ang painting na ito sa Calligraphy and Painting Association mamayang umaga. Sa loob ng ilang oras, pwede namin ilagay ang painting sa trending topic. Basta’t nagbibigay atensyon pa rin si Fleur sa Aurous Hill, siguradong mak
Nalugod nang sora si Flaue sa kilos ng tatlo sa sandaling ito. Ang gusto niya ay ang walang pag-aalinlangan na pagsunod nila. Kung hindi, hindi niya ituturo sa kanila ang teknik para buksan ang pineal gland nila sa una pa lang.Bukod dito, medyo hindi kumpleto ang teknik na itinuro sa kanila ni Fleur. Kahit na isang daang taon na silang nag-cultivate, kung wala ang panlabas na tulong ni Fleur sa nakaraang ilang taon, hinding-hindi nila mabubuksan ang mga pineal gland nila kahit ano pa ito.Kahit na nasa harap na nila ang mga pineal gland nila at may isang papel na lang na nakaharang para mabuksan nila ito, kung wala si Fleur, hindi nila malalampasan ang huling harang na ito. Pero, sa sandaling ito, hindi nila alam ang tungkol dito.Kaya, sa opinyon ni Fleur, kung mas pinapahalagahan nilang tatlo ang cultivation nila kaysa sa mga utos niya ngayon, lilimitahan niya ang huling pag-angat nila para maiwasan ang kawalan ng kontrol sa kanila pagkatapos mabuksan ang mga pineal gland nila.
Sa sandaling ito, sa isang liblib na isla na walang tao at nababalot ng yelo at nyebe sa South America, pinapangunahan ni Fleur si Tarlon sa isang malawak na mga istraktura sa ilalim ng lupa ng isla. Pumunta silang dalawa sa pinakamalalim na bahagi ng underground building kung saan nakasara ang isang lugar sa loob ng mga bato na may isang ventilation shaft lang na nakakonekta sa panlabas na mundo.Ang tatlong elder ng Qing Eliminating Society ay kasalukuyang nagcu-cultivate sa seklusyon dito.Kahanga-hanga isipin, sa isang daang taon ng cultivation nila sa seklusyon, hindi nila alam na nalibot na nila ang mahigit kalahati ng globo kasama ang Qing Eliminating Society, mula sa Oskia, papuntang Oceana, at sa huli ay sa South America.Ganap na pinutol ng tatlong tao na ito ang lahat ng ugnayan sa panlabas na mundo at mahigpit na binalot ng Reiki ang katawan nila, halos tinigil na ang metabolisma ng kanilang katawan. Wala silang ideya kung gaano katagal na panahon na ang lumipas sa labas
“Binabantayan nang mabuti ni Fleur ang Aurous Hill, tama? Sa sandaling lumitaw ang painting na ito, siguradong bibigyan niya ito ng atensyon. Sa oras na iyon, siguradong magkakaroon siya ng maraming tanong sa kanyang isipan!”“Gusto niya sigurong alamin kung sino ang naglabas ng portrait ng kanyang master, at siguradong mas gusto niyang alamin ang tungkol sa relasyon ng taong naglabas ng painting at ng master niya. Maaari ba na may kinuhang disipulo ang master niya bago siya? Kung gano’n, marahil ay mahigit 500 years old na ang taong iyon ngayon at may pambihirang lakas na mula sa napakaraming cultivation!”“Gusto niya rin sigurong alamin kung bakit biglang lumitaw ang portrait ng master niya sa Aurous Hill kinabukasan pagkatapos mamatay at maglaho ng dalawang great earl niya. Siguradong gusto niya ring alamin kung ang taong naglabas ba ng painting na ito at ang taong pumuwersa kay Mr. Chardon na pasabugin ang sarili niya ay ang parehong tao. Kung gano’n, bakit hindi namatay ang taon