Nang marinig ni Hugh na gusto rin siyang pasamahin ni Lord Wade para sunduin si Charlie, nakaramdam siya ng angal at pag-aalangan.Subalit, wala siyang magawa kundi sundin ito sa kabila ng kanyang nararamdaman. Kung hindi kaya ng kanyang mas nakatatandang pinsan na si Felix na suwayin ang utos ni Lord Wade, paano niya naman ito magagawa?Kaya, tumango na lamang siya bilang tugon.Sa pagkakataong ito, naglakad ang isang tagapagsilbi nila para magbigay ng ulat, “Lord Wade, Young Master Felix, dumating na si Princess Helena.”Nang marinig ni Felix na naririto na si Helena, nawala ang lumbay sa kanyang mukha.Si Princess Helena ang fiancée ni Felix. Siya si Helena Elliot, ang princess ng Northern Europe royal family.Kahit nagkaroon na ng kasunduan ang pamilya Wade at pamilya Elliot tungkol sa kasal, kahit anong mangyari, hindi pa opisyal ang engagement ng dalawa. Kaya, bilang paggalang at konsiderasyon, at dahil rin sa takot na pagpiyestahan at gawan ng tsismis ng paparazzi at media
Nagulantang si Helena at agad siyang nagsalita, “Masyado naman yata itong malaki… May kasabihan ang mga Oskians na wala kang makukuhang benepisyo kung hindi mo ito paghihirapan… Wala… Wala…”Tumawa si Jeremiah, “Bakit ka naman nagasasabi ng ganyang bagay? Sa tradisyon naming mga Oskians, natural lang magregalo kami ng pera sa araw ng kasal kaya hindi mo kailangang isipin ang mga ganitong bagay lalo na’t magiging manugang ka ng pamilya Wade. Hindi lang sila ang magbibigay ng regalo, pero ako rin, at ang iba pang mga uncle at aunt ni Felix.”Nagulantang nang bahagya si Helena at seryoso siyang nagsalita, “Hindi ko ito sinasabi para makasakit, pero hindi lang talaga bagay ang ganitong tradisyon para sa akin…”Pagkatapos itong sabihin, agad siyang nagpaliwanag, “Sa kultura namin, halos lahat ng mga kabataan tumitigil na sa paghingi ng pera sa kanilang pamilya pagdating ng college. Ganito rin ang kaso para sa akin at karamihan sa mga kaibigan ko. Umaasa ako sa scholarship at student loan
Nang marinig ni Helena na gusto siyang dalhin ni Felix sa airport, hindi niya mapigilang malito at napatanong siya sa sorpresa, “Pupunta tayo ng airport? Anong mayroon?”Nagpaliwanag si Felix, “Ganito kasi. May pinsan akong 20 na taon nang namumuhay sa labas ng pamilya namin. Ito ang unang beses na babalik siya ng Eastcliff, kaya, susunduin namin siya ni Hugh sa airport. Ikaw ang magiging manugang niya sa hinaharap. Kung wala kang ibang gagawin at hindi ka abala, pwede kang sumama sa akin para sunduin siya.”Nang marinig ito ni Helena, tumango siya nang walang pag-aalangan, “Walang problema. Tama lang naman na gawin ang ganitong bagay.”Tumango si Jeremiah sa tuwa saka siya ngumiti, “Sige. Kung iyan ang kaso, kayong tatlo na ang pupunta ng airport.”Pagkatapos, inutusan ni Jeremiah si Stephen, “Stephen, bilisan mo at mgahanda ka ng convoy.”“Masusunod, Lord Wade!” Tumango si Stephen. Pagkatapos, nagmadali siyang umalis ng villa para asikasuhin ang convoy.Kinausap naman ni Felix
Tumango si Felix. Lumabas siya ng villa habang kausap si Hugh. Pagkatapos, tumayo sila sa harap ng courtyard habang hinihintay na dumating ang convoy.Hindi mapigilan ni Felix na bumigat ang kanyang loob nang maisip niyang susunduin niya si Charlie sa airport. Nagngitngit ang kanyang ngipin, “Napakagaling talaga ng tarantadong si Charlie. Dalawang dekada siyang nawawala, pero ngayong babalik na siya, talagang kailangan ko pang pumunta nang personal para sunduin siya sa airport! Sino naman siya sa tingin niya? Karapat-dapat ba siya para sunduin ko?!”Agad ring nagdagdag si Hugh, “Totoo ang sinasabi mo Felix. Hindi ko talaga maintindihan. Sa tingin mo ba tumatanda na si Lolo at nawawala na siya sa tamang pag-iisip? Bakit ba tila pinapahalagahan niya nang matindi si Charlie? Imposible namang makarating sa tuktok ang gaya niyang lumaki lang sa tabi ng kalye. Kapag nalaman ng ibang mga tagalabas na nagdala ang pamilya Wade ng isang kamag-anak mula sa Aurous Hill na hindi man lang nakapagt
“Salamat!” Tumango si Felix sa tuwa, “Tatratuhin kita nang mabuti sa hinaharap.”Hindi mapigilan ni Hugh na makaramdam ng lito saka siya nagtanong, “Nga pala Felix, sa pagpunta mo pa lang ng airport nang personal, nagpapakita ka na ng respeto mo sa kanya. Kaya, bakit mo pa pinakiusapan ang manugang ko na sumama? Kahit anong mangyari, isa pa ring royal princess mula sa Northern European royal family ang mapapangasawa mo. Hindi ba sa tingin mo masyado nang malaking respeto ang binibigay mo sa pagsama sa kanya para sunduin ang pulubing iyon?”Napangisi si Felix saka siya sumagot, “Balak kong ipakita si Helena sa kanya para makita niya kung ano pinagkaiba naming dalawa! Kahit hindi na rin masama si Quinn ng pamilya Golding, mas mababa pa rin ang kanyang lebel kumpara kay Helena pagdating sa itsura at ugali!”“Syempre, natural lang ang bagay na iyan!” Hindi mapigilang bumuntong hininga ni Hugh, “Maliban sa ibang bagay, sa hubog pa lang ng manugang ko, walang-wala na si Quinn. Sa totoo la
Agad na nagsalita si Hugh, “Felix, hindi pa nasasala nang maayos ang wine. Bakit hindi ka muna maghintay nang sandali?”Walang pasensyang nagsalita si Felix, “Bakit mo pa ba sinasala iyan?! Darating na tayo sa airport bago iyan matapos. Buhusan mo na lang ako ng isang baso agad.”“Sige, Felix.” Hindi na umangal pa si Hugh at direkta niya na lang na ibinuhos ang red wine sa isang baso.Dinampot ni Felix ang wine glass at ininom niya ito sa isang lagok lang. Pagkatapos, inalis niya ang kanyang kurbata at napatitig siya sa labas ng bintana nang walang sinasabi at matalim ang tingin. May bakas ng lamig at pandidilim na bibihirang mapansin ng mga ordinaryong tao sa kanyang mga mata.Alam ni Felix sa loob ng kanyang puso na gusto niya lang ang itsura at katawan ni Helena, wala talaga silang nararamdaman para sa isa’t isa. Sa totoo lang, nagkaroon lang naman sila ng kasunduan sa kasal dahil pareho silang may makukuhang interes at benepisyo mula sa magkabilang panig.Hindi hinahayaan ni H
Maganda rin ang mood ni Charlie nang makita niya si Quinn. Humakbang siya ng ilang beses para makalapit saka siya ngumiti, “Gaano ka katagal naghintay rito?”Lumapit agad si Quinn para hawakan ang braso ni Charlie. Sumunod, ngumiti siya nang banayad, “Hindi naman matagal. Nakanood lang ako ng kalahati ng isang palabas.”Pagkatapos itong sabihin, agad na hinatak ni Quinn si Charlie papunta sa direksyon ng kanyang kotse, “Naghanda ng maramihang pagkain sila papa at mama para sa’yo sa bahay! Tara na at umuwi na tayo!”Napangiti si Charlie, “Huwag kang masyadong magmadali. Nasa likod pa si Mr. Cameron. Batiin mo muna siya.”Sa pagkakataong iyon, saka lamang napansin ni Quinn si Isaac na kabababa lamang ng boarding ladder. Nahihiya siyang bumulalas, “Pasensya na, Mr. Cameron, hindi ko kayo napansin agad!”Agad na tumugon si Isaac, “Miss Golding, masyado naman kayong seryoso. Paano naman mangyayaring may iba kayong mapapansin ngayon?”Nang marinig ito ni Quinn, namula ang kanyang magan
Alam ni Charlie na walang magandang intensyon ang dalawang magpinsan na ito nang pumunta sila para sunduin siya ngayon. Ang isa, hinahamak siya dahil dalawang dekada siyang nawalay sa pamilya, samantalang ang isa naman pumunta rito para ipamukha sa kanya na hindi mataas ang kanyang pinag-aralan.Subalit, walang halaga kay Charlie ang mga ganitong bagay. Kahit tumayo pa ang mga tatay ni Felix at Hugh sa harap niya ngayon, hindi siya mag-aabalang bigyan sila ng isang sulyap. Kaya, natural lang na wala rin siyang paki sa dalawang may sayad na pinsan niya.Subalit, hindi kinaya ni Quinn ang narinig niya. Inangat niya ang kanyang kamay para alisin ang kanyang mask at sunglasses saka niya tinignan si Felix at Hugh. Sumunod, galit siyang nagsalita! “Felix! Hugh! Anong ginagawa niyo rito? Kakauwi lang ni Kuya Charlie sa Eastcliff pero pareho kayong kumikilos na para bang mga payaso. Nagkakaisa pa kayo para pagkatuwaan siya. Sino naman ang gusto niyong pasayahin sa ginagawa niyo?”Saka laman
Walang agarang solusyon si Charlie sa lason ni Ruby at sa formation sa loob ng pineal gland niya. Napagtanto niya dito ang malaking agwat nila ni Fleur.Kahit na nakaligtas siya nang bahagya sa pagsabog dahil sa singsing na binigay ni Vera sa kanya, kung nagpadala si Fleur ng tatlong eksperto na malapit nang mabuksan ang pineal gland nila sa Aurous Hill, marahil ay walang tsansa na mabuhay si Charlie. Kahit sa gamit ang singsing ni Vera, malalagay niya lang siya sa panganib pagdating ng oras.Para naman kay Fleur, nabuksan na niya ang pineal gland niya, isang daang taon na ang nakalipas, at siguradong hindi na matanto ang kasalukuyang cultivation niya. Lamang siya ng isa o kahit dalawa o tatlong daang taon kay Charlie. Kaya, kung personal na pumunta si Fleur, marahil ay mas mababa pa ang tsansa ni Charlie na mabuhay.Nang maisip ito ni Charlie, hindi niya maiwasan na makaramdam ng pasasalamat. Kung hindi niya naligtas nang nagkaton si Madam Jenson at ang anak niya sa Mexico, paano s
Tumango si Ruby at sinabi, “Tama.”Tinanong ulit ni Charlie, “Gumamit ka na ba ng Reiki para lakbayin ang mga misteryo nito?”Sumagot si Ruby, “Sinubukan namin, pero karaniwan ay nakasara ang pineal gland, at hindi makapasok ang Reiki namin.”Tumango si Charlie, pagkatapos ay bumuntong hininga at sinabi, “Mukhang malakas talaga si Fleur. Hindi ko pa nga nabubuksan ang pineal gland ko. Kung hindi ko kayang paganahin ang sa akin, sa tingin ko ay hindi ko kayang buksan ang pineal gland ng iba. Kaya, marahil ay hindi matatanggal sa maikling panahon ang self-destructive formation sa loob mo.”Bumuntong hininga si Ruby nang magaan at sinabi, “Kahit kailan ay hindi ko naisip na tanggalin ang formation. Umaasa lang ako na hindi nito masasaktan ang ibang inosenteng tao. At saka, kaunti na lang ang natitirang oras ko para mabuhay. Mga dalawang taon na lang ang natitira sa akin.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Miss Chain, bakit mo sinabi iyan?”Ipinaliwanag ni Ruby, “May kakaibang lason
Samantala, nasa Champs Elys hot spring villa pa rin si Charlie, nakikipag-usap nang matagal kina Vera at Ruby.Kahit na nagpasya siya na magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan niya sa harap ni Fleur, marami pa ring detalye na kailangan linawin sa bawat hakbang.Sinabi ni Vera kay Charlie, “Young Master, napakatalino talaga ng ideya mo na magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan mo, pero ang panganib na lang ay kung paano natin lulutasin ang sitwasyon kung pumunta ang tatlong elder sa Aurous Hill at hindi nakita ni Fleur ang painting ni Master Marcius Stark? Ano ang gagawin natin dito?”Tumawa si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala. Ang pinakasikat na short video platform ngayon ay pagmamay-ari ng mga Wade. May paraan ako para ipadala ang painting na ito sa Calligraphy and Painting Association mamayang umaga. Sa loob ng ilang oras, pwede namin ilagay ang painting sa trending topic. Basta’t nagbibigay atensyon pa rin si Fleur sa Aurous Hill, siguradong mak
Nalugod nang sora si Flaue sa kilos ng tatlo sa sandaling ito. Ang gusto niya ay ang walang pag-aalinlangan na pagsunod nila. Kung hindi, hindi niya ituturo sa kanila ang teknik para buksan ang pineal gland nila sa una pa lang.Bukod dito, medyo hindi kumpleto ang teknik na itinuro sa kanila ni Fleur. Kahit na isang daang taon na silang nag-cultivate, kung wala ang panlabas na tulong ni Fleur sa nakaraang ilang taon, hinding-hindi nila mabubuksan ang mga pineal gland nila kahit ano pa ito.Kahit na nasa harap na nila ang mga pineal gland nila at may isang papel na lang na nakaharang para mabuksan nila ito, kung wala si Fleur, hindi nila malalampasan ang huling harang na ito. Pero, sa sandaling ito, hindi nila alam ang tungkol dito.Kaya, sa opinyon ni Fleur, kung mas pinapahalagahan nilang tatlo ang cultivation nila kaysa sa mga utos niya ngayon, lilimitahan niya ang huling pag-angat nila para maiwasan ang kawalan ng kontrol sa kanila pagkatapos mabuksan ang mga pineal gland nila.
Sa sandaling ito, sa isang liblib na isla na walang tao at nababalot ng yelo at nyebe sa South America, pinapangunahan ni Fleur si Tarlon sa isang malawak na mga istraktura sa ilalim ng lupa ng isla. Pumunta silang dalawa sa pinakamalalim na bahagi ng underground building kung saan nakasara ang isang lugar sa loob ng mga bato na may isang ventilation shaft lang na nakakonekta sa panlabas na mundo.Ang tatlong elder ng Qing Eliminating Society ay kasalukuyang nagcu-cultivate sa seklusyon dito.Kahanga-hanga isipin, sa isang daang taon ng cultivation nila sa seklusyon, hindi nila alam na nalibot na nila ang mahigit kalahati ng globo kasama ang Qing Eliminating Society, mula sa Oskia, papuntang Oceana, at sa huli ay sa South America.Ganap na pinutol ng tatlong tao na ito ang lahat ng ugnayan sa panlabas na mundo at mahigpit na binalot ng Reiki ang katawan nila, halos tinigil na ang metabolisma ng kanilang katawan. Wala silang ideya kung gaano katagal na panahon na ang lumipas sa labas
“Binabantayan nang mabuti ni Fleur ang Aurous Hill, tama? Sa sandaling lumitaw ang painting na ito, siguradong bibigyan niya ito ng atensyon. Sa oras na iyon, siguradong magkakaroon siya ng maraming tanong sa kanyang isipan!”“Gusto niya sigurong alamin kung sino ang naglabas ng portrait ng kanyang master, at siguradong mas gusto niyang alamin ang tungkol sa relasyon ng taong naglabas ng painting at ng master niya. Maaari ba na may kinuhang disipulo ang master niya bago siya? Kung gano’n, marahil ay mahigit 500 years old na ang taong iyon ngayon at may pambihirang lakas na mula sa napakaraming cultivation!”“Gusto niya rin sigurong alamin kung bakit biglang lumitaw ang portrait ng master niya sa Aurous Hill kinabukasan pagkatapos mamatay at maglaho ng dalawang great earl niya. Siguradong gusto niya ring alamin kung ang taong naglabas ba ng painting na ito at ang taong pumuwersa kay Mr. Chardon na pasabugin ang sarili niya ay ang parehong tao. Kung gano’n, bakit hindi namatay ang taon
Ngumiti si Ruby at sinabi sa pagsang-ayon, “Miss Lavor, tama ka. Sa nagdaang ilang taon, mas halat na naging mas balisa si Fleur kaysa dati. Sa mga nagdaang dekada, hindi nag-aalala si Fleur sa pagtanda, dahil hindi nagbago ang hitsura niya ng daang-daang taon. Pero, sa nakaraang dalawang taon, nagbigay atensyon pa siya sa pag-aalaga ng balat niya. Minsan kapag naglalakad malapit sa kanya, maaamoy mo pa ang bango ng mga skincare product. Mukhang natatakot siyang tumanda.”Humagikgik si Vera, “Siguradong darating ang dapat dumating. Anong silbi ng matakot?”Pagkasabi nito, bumalik ang diwa niya sa painting sa harap niya at biglang parang naintindihan ang plano ni Charlie.Kaya, lumaki agad ang mga mata niya at napuno siya ng saya habang tinanong niya nang sabik si Charlie, “Young Master, maaari ba… maaari ba na gusto mong gamitin si Master Marcius para magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan mo?”Si Ruby, na nasa gilid, ay nakinig sa sorpresa dahil hindi niya pa naiintin
“Magpakita ng isang malakas na harap para itago ang kahinaan mo?”Mukhang nalito sina Vera at Ruby pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Charlie. Natural na alam nila ang kahulugan sa likod ng mga sinabi ni Charlie, pero hindi nila maisip kung paano magpapakita ng malakas na harap si Charlie kay Fleur para itago ang kahinaan niya.Si Ruby ang unang nanghikayat sa kanya habang sinabi, “Mr. Wade, gagana lang ang estratehiya na ito kung matatakot mo si Fleur. Pero, sa totoo lang, kung ibubunyag mo ang pagkakakilanlan mo, kahit na puno ng patibong ang Aurous Hill, siguradong ipapadala ni Fleur ang tatlong elder na iyon para subukan ang pagkakakilanlan at background mo kahit anong mangyari. Mag-iingat lang siya sayo kung nakatago ka. Natatakot ako na mapipilitan ka lang na labanan siya hanggang kamatayan kung mabubunyag ang pagkakakilanlan mo.”Hindi mapigilan ni Vera na hikayatin din siya, “Tama, Young Master. Pakiramdam ko rin na makatwiran nang sobra ang sinabi ni Miss Dijo. Halos impo
Tumingin si Vera kay Charlie at sinabi, “Young Master, kung ipapadala talaga ni Fleur ang tatlong elder na iyon, nag-aalala ako na hindi mo sila kakayanin lahat. Young Master, mas mabuti na umalis muna sa Aurous Hill at iwasan sila para sa kaligtasan mo.”Sumang-ayon din si Ruby, “Mr. Wade, tama si Miss Lavor. Kung magkakasama ang tatlong elder, marahil ay kahit si Fleur ay mahihirapan na manalo. Hindi mo pa nabubuksan ang pineal gland mo. Kung mananatili ka sa Aurous Hill, sa sandaling dumating ang tatlong elder, mahirap na makatakas!”Pagkatapos mag-isip nang ilang sandali, umiling si Charlie. “Simple lang para sa akin na umalis, pero paano naman ang lolo at lola ko? Mga tanyag na target sila, at marahil ay may mga espiya pa ng Qing Eliminating Society sa kanila. Disidido ang Qing Eliminating Society na patayin sila, kaya kahit saan pa sila pumunta, hindi nila maiiwasan ang paghahabol ng tatlong elder na iyon.”Nang sabihin ito, biglang tinanong ni Charlie si Ruby, “Gaano karami a