Habang nagsasalita, muling nagdagdag si Hamed, “Kahit magulo rin ang sitwasyon sa Africa, kung didiretsuhin ko nang sabi, karamihan ng mga bansa sa Africa nasasadlak sa matinding paghihirap. Mahirap para sa mga mercenaries na mabuhay sa ganitong klaseng lugar. Subalit, iba ang Middle East. Marami sa mga bansa sa Middle East ang napakarangya, at kahit ang Iran, na matagal nang nagkaroon ng sanction ay napakayaman rin. Maliban dito, lahat sila mataas ang demand para sa mercenaries. Handa silang gumastos ng malaking pera para sa kanilang serbisyo. Kaya, masasabing ang Middle East ang pinakamalaking market para sa mga mercenaries.”“Bukod pa rito, marami ring heavy weaponry at equipment sa Middle East. Para itong exhibition hall ng mga weapons and equipment mula sa parehong East at West, at mula sa mga ito, karamihan Russian-made. Basta ba may pera ang isang tao, walang kahit ano ang hindi niya kayang bilhin. Kung talagang bubuo ng isang base sa Syria ang Ten Thousand Armies at makakakuha
Pakiramdam ni Charlie hindi makatotohanan kung hahanapin niya kung sino ang supreme commander ng kalaban mula sa lahat ng sundalo ng Ten Thousand Armies. Kahit gusto niyang kontrolin ang supreme commander nila, hindi siya pwedeng maging padalos-dalos sa kanyang mga gagawin.Kung isasantabi ang ibang bagay, hindi rin naman alam ni Charlie kung ano ang itsura ng supreme commander ng Ten Thousand Armies.Kung sakaling gagawin niya ang planong ito, ilang libong tao ang nasa labas. Kahit magtagumpay si Charlie na mapasok ang teritoryo nila, natatakot siyang magiging mahirap para sa kanya na matukoy ang pagkatao ng supreme commander sa loob lang ng isa o dalawang araw.Subalit, kung titignan niya mula sa ibang perspektibo ang problemang ito, hindi naman talaga komplikado ang lahat.Pwede namang tumungo lang roon si Charlie at direkta itong kitain.Nang marinig ni Hamed ang mga sinabi ni Charlie, napabulalas siya sa gulat, “Paano naman natin magagawa ang bagay na iyan? Brother Wade, mali
Tumawa si Charlie nang marinig ang sinabi ni Hamed, “Bakit mo kailangang matakot dahil lang isa kang pagong sa loob ng isang banga? Hangga’t matibay ang bangang kinalalagyan mo, imposible para sa kalaban mo na mawasak ang base mo sa loob lang ng maiksing panahon.”Habang nagsasalita, nagpatuloy si Charlie, “Higit sa lahat, kailangan mong maunawaan ang isang bagay. Wala namang pinagkaiba ang sitwasyon mo sa kanila. Kahit nasa loob ka ng isang banga, kahit papaano, teritoryo mo naman ito. Nakakulong ka lang sa sarili mong bahay, at may pagkain at maiinom ka naman, kaya bakit ka matatakot? Hindi lang sa hindi mo kailangang matakot, pero hindi mo kailangang mag-alala na lalala ang buhay mo dahil lang nakakulong ka sa loob.”Nang sabihin ito, muling tumawa si Charlie, “Pero para sa mga taong nakapalibot sa base niyo ngayon, hindi madali ang kanilang buhay. Kailangang tiisin ng 20,000 hanggang 30,000 na sundalo ng Ten Thousand Armies at ng gobyerno ang ihip ng hangin, ang gutom, at ang kas
Kagaya nga talaga ng hula ni Charlie ang sitwasyon ng Ten Thousand Armies na pinapangunahan ni Zayne sa Syria. Hindi na alam ni Zayne ang gagawin sa puntong ito.Noong una, binalak ni Zayne na basta ba napapalibutan nila ang base ni Hamed, kahit hindi sila makipaglaban, makakaramdam pa rin ito ng malaking psychological pressure sa kanyang balikat. Sa ganitong paraan, hindi magtatagal at mawawasak rin ang panloob na puwersa nila at maaaring mga may mga umalis sa hukbo ni Hamed.Subalit, hindi inaakala ni Zayne na kahit ilang araw na ang lumipas, wala ni isa o kahit aso man lang ang lumabas paalis sa base ni Hamed.Sa ganitong klaseng war approach, ang dapat katakutan ng isang tao ay kung masyadong malakas at nagkakaisa ang kalaban.Kung hindi natatakot ang kalaban, kailangan nila itong palibutan habang buhay hanggang sa maubusan ito ng mga bala, pagkain, inumin, o kahit anong mga materyales. Sa mga nakalipas na araw, tumataas nang tumataas ang financial deficit o pagkalugi sa baha
Habang nagsasalita, muling nagdagdag ang adjutant, “Tunay na mercenaries ang basic level soldiers ng Ten Thousand Armies. Nagsasanay sila nang mabuti para lumaban at handa silang ilagay sa peligro ang kanilang sarili para lang magkaroon ng masayang buhay. Kung hindi, bakit pa sila handang magbuwis ng pagod at dugo para lang gawin ang ganitong klase ng trabaho?”Biglang walang masabing kahit ano si Zayne.Nauunawaan niya nang mabuti ang kasalukuyang sitwasyon ng Ten Thousand Armies.Kahit nariyan ang Four War Kings pati na rin ang mahigit sa isang daang magagaling na War Generals, halos lahat ng miyembro ng Ten Thousand Armies ay sumali lamang sa kanilang organisasyon para kumita ng malaking pera.Wala silang kahit anong katapatan para sa Ten Thousand Armies. Pakiramdam nila maganda ang kinikita sa Ten Thousand Armies, malaki rin ito at kilala ng marami. Kaya, iyan ang dahilan kung bakit handa silang magtrabaho nang mabuti at magbuwis ng buhay para sa Ten Thousand Armies.Sa madali
“Peace negotiation?!”Nang marinig ang sinabi ng supreme commander, galit na tumugon si Zayne, “Pumatay ng mahigit sa 2,000 na miyembro ng Ten Thousand Armies ang g*gong ito! Pinahiya niya kami at nawalan kami ng reputasyon sa international mercenary field. Ngayon, ang lakas pa ng loob niyang makipag-negosasyon sa akin?! Ako na ang magsasabi sa’yo, imposible ang bagay na iyan! Hindi papayag ang Ten Thousand Armies namin!”Tumugon ang supreme commander sa isang boses na tila ba kumukumbinsi, “Ayaw mo ng peace negotiations, pero ayaw mo rin silang atakihin. Ibig sabihin ba gusto mo lang magsayang ng oras dito?”Malamig na tumugon si Zayne, “Hindi ba nagkaroon na tayo ng consensus ilang araw ang nakararaan na hindi tayo papayag na magkaroon ng peace negotiation kasama sila? Sa pagkakataong iyon, nagkakaisa tayong lahat. Gusto lang nating malipol ang puwersa ni Hamed. Hindi kaya nagbago na ang isip mo pagkatapos lang ng ilang araw?”Tumugon ang supreme commander, “Pabago-bago ang sitwa
“Ano?!” Napabulalas si Zayne, “Maraming napatay na sundalo ng gobyerno si Hamed, dapat sentensyahan niyo siya ng kamatayan. Pero, balak niyo pa siyang bigyan ng posisyon sa gobyerno?!”Nagsalita nang walang emosyon ang supreme commander, “Hindi na magiging problema ang mga bagay na iyon basta ba handa siyang sumuko. Alam mo namang naging pundasyon na rin ng mga puwersa ng oposisyon si Hamed. Tinitingala siya nang marami. Kung pipiliin ni Hamed na sumuko, mababawasan ng kumpiyansa ang oposisyon. Magandang bagay ito para sa amin, kaya bakit naman hindi kami magiging handa na ilagay siya sa isang mataas na posisyon!”Nagngitngit ang ngipin ni Zayne, “Mortal na kalaban ng Ten Thousand Armies si Hamed. Kung gusto niyo siyang iluklok sa isang posisyon, kailangan mo ring isipin kung paano kami tutugon sa sitwasyong ito sa hinaharap! Sa tingin niyo ba kaya niyong kalabanin ang Ten Thousand Armies?!”Nang marinig ito ng kabilang panig, halata namang nakaramdam ito ng kaunting kaba.Syempre,
Ang Ten Thousand Armies ang huling tao na papayag na magkaroon ng peace negotiation kasama si Hamed.Malaki ang nawala sa kanila dahil kay Hamed at kasalukuyang naging katatawanan ang Ten Thousand Armies sa buong mercenary field. Kung papayag sila sa isang peace negotiation kasama si Hamed sa pagkakataong ito, hindi ba lalo lang silang mapapahiya at maiinsulto?Subalit, alam ni Zayne na ang gobyerno ang tunay na lider sa sitwasyong ito. Kapag nagpatuloy si Zayne sa pagtanggi gayong payag naman ang gobyerno sa peace negotiation, magkakaroon ng mitsa sa pagitan ng Ten Thousand Armies at ng gobyerno ng Syria.Kapag nagpatuloy ito, hindi lang nila hindi magagawang mapatay si Hamed para ipaghiganti ang kanilang mga kasamahan, pero mataas rin ang posibilidad na talikuran sila ng gobyerno. Mawawalan rin sila ng pagkakataon na makuha ang lupang ipinangako sa kanila at masasayang lang ang lahat ng kanilang sakripisyo.Kung iyan ang kaso, hindi magiging pabor ang sitwasyon para sa Ten Thousa
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl