Sumunod, napatanong si Zayne, “Saan naman nanggaling ang mga litratong ito?”Malamig na tumugon ang supreme commander, “Si Hamed mismo ang nagpadala ng mga imaheng ito!”Naging mapanglaw ang ekspresyon sa mukha ni Zayne at nagngitngit ang kanyang ngipin, “Matatalo nga talaga ni Hamed ang hukbo namin kung ganito lang rin!”Nang mabanggit ito, muli siyang nagsalita, “Kung iyan ang kaso, wala na sa akin ang desisyon kung dapat ba akong pumayag sa peace negotiation ni Hamed. Kailangan ko munang iparating sa Lord namin ang bagay na ito. Siya na ang bahalang magpasya sa sitwasyon!”Mapanghamak na tumugon ang supreme commander, “Wala akong pakialam sa magiging desisyon niyo. Pumunta lang ako para sabihing papayag na kami sa alok ng kalaban. Darating ang negotiator ni Hamed sa barracks ng alas tres ng tanghali. Personal ko siyang kakausapin para sa peace negotiation, sumama ka man o hindi!”Pagkatapos, hinablot ng supreme commander ang cellphone niya mula sa kamay ni Zayne saka siya umali
Nang kumonekta ang tawag, diretsahang tinanong ni Porter si Zayne, “May maganda ka bang balita para sa akin?”Matindi ang nararamdamang hiya ni Zayne, “Lord… Naghanap si Hamed ng isang middleman para iparating ang mensahe niya sa amin. Nag-alok siya ng isang peace negotiation…”“Peace negotiation?!” Galit na humiyaw si Porter, “Responsable si Hamed at ang hukbo niya para sa buhay ng mahigit sa 2,500 na sundalo ng Ten Thousand Armies. Ito ang dami ng buhay na nasakripisyo dahil sa kanila. Maliban sa tuluyan nilang pagkakalipol, hindi ako tatanggap ng kahit anong ibang resulta!”Nilakasan ni Zayne ang kanyang loob para sabihin ang totoo, “Lord, ang problema natin ngayon, hindi natin magawang bigyan ng pressure si Hamed. Wala kaming ibang magawa kundi magbantay dito sa palibot. Pero, hindi rin naman solusyon na manatili kami rito habang buhay! Malaki ang nawawalang pera sa atin bawat araw, at kapag nagpatuloy ito, malalagpasan nito ang potensyal na benepisyo na pwede nating makuha sa S
…Pagkatapos pumayag ni Zayne sa peace negotiation, agad na ibinalita ng middleman ang nangyari kay Hamed.Ngayong araw, napag-usapan nilang magkikita sila ng alas tres ng tanghali para sa peace negotiation. Para naman sa lokasyon nito, mangyayari ang peace negotiation sa garrison kung saan naka-istasyon si Zayne at ang government supreme commander.Subalit, hindi binigyan ng kabilang panig si Hamed ng eksaktong coordinates kung nasaan ang lokasyon ng garrison. Sa halip, binigyan lang nila si Hamed ng coordinates ng transit point kung saan ihahatid ng piloto ni Hamed ang kanyang negotiator saka nila dadalhin ito papunta sa mismong istasyon kung saan gaganapin ang peace negotiation.Nauunawaan ni Charlie ang motibo sa likod ng ganitong setup. Natatakot siguro ang kabilang panig na ibigay ang impormasyon kung nasaan ang eksakto nilang lokasyon dahil baka malagay sila sa peligro. Natatakot silang magpaputok si Hamed gamit ang iba’t ibang armas sakaling ibigay nila ang saktong coordina
Sumakay na si Charlie sa helicopter. Pagkatapos ng ilang minuto, dumating na siya sa isang kaparangan na 50 kilometro ang layo mula sa base ni Hamed.Sa pagkakataong ito, may dalawang government helicopters ang nakaparada sa ibaba kasama ang ilang dosenang armadong mga lalaki na nagmula sa hukbo ng gobyerno at ng Ten Thousand Armies.Dahan-dahang lumapag ang sinasakyang helicopter ni Charlie sa harap ng dalawang government helicopters ng kalaban.Nang tumigil ang helicopter, habang nakasuot ng mask, tinulak ni Charlie papalabas ang pinto saka siya tumalon pababa.Sa pagkakataong ito, isang Syrian na sundalo ang lumapit at nagsalita ito sa lenggwaheng hindi nauunawaan ni Charlie. Ganoon din, kumaway si Charlie saka siya nagsalita, “Kung pwede, kausapin niyo ako sa Oskian dialect o kaya sa English!”Isang government officer ang lumapit at nagsalita siya sa isang hindi matatas na Oskian, “Hindi maganda… ang Oskian dialect ko…”Sa pagkakataong ito, isa sa mga Oskian na sundalo mula s
Suminghal is Charlie saka siya nagsalita na para bang wala siyang paki, “Ah, iyan pala ang kaso.”Sumunod, tinanong niya si Yaron dahil sa pagtataka, “Nga pala, may problema lang ako na hindi maunawaan kahit ano pa ang gawin ko. Pwede ba akong humingi ng payo mula sa’yo?”Naiiritang tumugon si Yaron, “Sige lang!”Tumawa si Charlie saka siya nagsalita, “Dahil napakalakas ng Ten Thousand Armies, bakit kayo natalo ng isang grupo ng mga taong walang pinag-aralan? Marami pa ang namatay sa inyo. Kung tama ang pagkakatanda ko, mahigit sa 2,500 katao ang naisakripisyo ang buhay dahil sa inyo. Isa pa sa kanila ang tinatawag na five-star War General?”“Ikaw…” Nang marinig ni Yaron ang mga salitang ito, nakaramdam siya ng matinding galit at agad niyang pinagsabihan si Charlie, “Umaasa lang naman kayo sa mga maliliit na patibong at pakulo para manalo. Sisingilin rin kayo ng Ten Thousand Armies nang may dagdag na interes sa hinaharap!”Tumawa ulit si Charlie, “Kung iyan ang kaso, hindi na kami
Sa totoo lang, ang tunay na layunin ni Charlie rito ay hindi makita ang government supreme commander.Ang gusto niyang makatagpo ay si Zayne Carter, ang supreme commander ng Ten Thousand Armies sa Syria at ang tinatawag na Green-Eyed Wolf King.Matapos ang lahat, gusto niyang dalhin nang ligtas si Sheldon Schulz pabalik ng Oskia sa gitna ng panlulusob ng 30,000 katao. Kaya, wala nang ibang pwedeng gawin si Charlie kundi hulihin muna ang lider ng hukbo para mapabagsak niya ang mga tauhan nito.Maliban dito, nagkataon ring gustong pagsamantalahan ni Charlie ang oportunidad na ito para personal na masaksihan at masukat ang actual combat effectiveness ng Thousand Armies. Sa parehong pagkakataon, gusto niyang makita kung nasaang lebel ang combat ability ng Four War Kings.Para naman kay Yaron, masasabi ni Charlie na isa itong martial artist na nabuksan na ang dalawa sa kanyang meridians. Nasa lebel siya ng isang two-star martial artist.Sa puntong ito, may hula si Charlie na puro marti
Kaya, dinala ni Yaron si Charlie para sumakay sa helicopter na matagal nang nakahanda bago sila pumunta sa frontline command ng kalaban.Pagkatapos lumipad ng halos sampung minuto, mabagal na bumaba ang helicopter sa harap ng isang prefabricated modular house. Ang mga prefabricated modular house na ito ay mga bahay ng middle at higher-level na officer mula sa gobyerno at Ten Thousand Armies. Mas maganda talaga ang kondisyon ng mga prefabricated modular house na ito kumpara sa mga tent.Bukod dito, kahit tent ito o isang prefabricated modular house, lahat sila ay nababalot ng mga camouflage na damit, at dahil makapal na camouflage ito, sobrang hirap na makilala ang eksaktong lokasyon ng mga officer kung titingnan sa langit.Pagkatapos bumaba sa helicopter, dinala ni Yaron si Charlie hanggang sa frontline conference room ng Ten Thousand Armies. Habang naglalakad siya, tinanong niya si Charlie, “Brother, hindi ko pa rin alam ang pangalan mo at kung saan ka galing sa Oskia?”Sumagot
Si Zayne at ang supreme commander ng gobyerno ay nakaupo sa isang matigas at mahigpit na paraan sa loob ng conference room sa sandaling ito. Iniisip ni Zyne kung paano niya pipigilan nang matalino at palihim ang balak ni Hamed na magkaroon ng peace negotiation sa gobyerno mamaya.Nang bigla niyang marinig ang mga sinabi ni Yaron, nagulat siya nang kaunti, at tinanong niya nang hindi nag-iisip, “Anong sinabi mong pangalan ng negotiator?”Sumagot nang hindi akma si Yaron, “Master Wade…”Pagkatapos itong sabihin, mabilis na gumilid si Yaron at sinabi kya Charlie, na nasa likod niya, “Master Wade, mangyaring pumasok ka.”Tumango si Charlie, at nilagay niya ang mga kamay niya sa kanyang likod habang naglakad siya nang banayad papasok sa conference room.Sa sandaling pumasok siya, nakita niya si Zayne, na nakaupo sa conference table. Pagkatapos tumingin kay Zayne, napagtanto ni Charlie na malakas nga si Zayne. Mukhang nasa thirty years old siya, pero nabuksan na niya ang anim sa walong
Walang agarang solusyon si Charlie sa lason ni Ruby at sa formation sa loob ng pineal gland niya. Napagtanto niya dito ang malaking agwat nila ni Fleur.Kahit na nakaligtas siya nang bahagya sa pagsabog dahil sa singsing na binigay ni Vera sa kanya, kung nagpadala si Fleur ng tatlong eksperto na malapit nang mabuksan ang pineal gland nila sa Aurous Hill, marahil ay walang tsansa na mabuhay si Charlie. Kahit sa gamit ang singsing ni Vera, malalagay niya lang siya sa panganib pagdating ng oras.Para naman kay Fleur, nabuksan na niya ang pineal gland niya, isang daang taon na ang nakalipas, at siguradong hindi na matanto ang kasalukuyang cultivation niya. Lamang siya ng isa o kahit dalawa o tatlong daang taon kay Charlie. Kaya, kung personal na pumunta si Fleur, marahil ay mas mababa pa ang tsansa ni Charlie na mabuhay.Nang maisip ito ni Charlie, hindi niya maiwasan na makaramdam ng pasasalamat. Kung hindi niya naligtas nang nagkaton si Madam Jenson at ang anak niya sa Mexico, paano s
Tumango si Ruby at sinabi, “Tama.”Tinanong ulit ni Charlie, “Gumamit ka na ba ng Reiki para lakbayin ang mga misteryo nito?”Sumagot si Ruby, “Sinubukan namin, pero karaniwan ay nakasara ang pineal gland, at hindi makapasok ang Reiki namin.”Tumango si Charlie, pagkatapos ay bumuntong hininga at sinabi, “Mukhang malakas talaga si Fleur. Hindi ko pa nga nabubuksan ang pineal gland ko. Kung hindi ko kayang paganahin ang sa akin, sa tingin ko ay hindi ko kayang buksan ang pineal gland ng iba. Kaya, marahil ay hindi matatanggal sa maikling panahon ang self-destructive formation sa loob mo.”Bumuntong hininga si Ruby nang magaan at sinabi, “Kahit kailan ay hindi ko naisip na tanggalin ang formation. Umaasa lang ako na hindi nito masasaktan ang ibang inosenteng tao. At saka, kaunti na lang ang natitirang oras ko para mabuhay. Mga dalawang taon na lang ang natitira sa akin.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Miss Chain, bakit mo sinabi iyan?”Ipinaliwanag ni Ruby, “May kakaibang lason
Samantala, nasa Champs Elys hot spring villa pa rin si Charlie, nakikipag-usap nang matagal kina Vera at Ruby.Kahit na nagpasya siya na magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan niya sa harap ni Fleur, marami pa ring detalye na kailangan linawin sa bawat hakbang.Sinabi ni Vera kay Charlie, “Young Master, napakatalino talaga ng ideya mo na magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan mo, pero ang panganib na lang ay kung paano natin lulutasin ang sitwasyon kung pumunta ang tatlong elder sa Aurous Hill at hindi nakita ni Fleur ang painting ni Master Marcius Stark? Ano ang gagawin natin dito?”Tumawa si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala. Ang pinakasikat na short video platform ngayon ay pagmamay-ari ng mga Wade. May paraan ako para ipadala ang painting na ito sa Calligraphy and Painting Association mamayang umaga. Sa loob ng ilang oras, pwede namin ilagay ang painting sa trending topic. Basta’t nagbibigay atensyon pa rin si Fleur sa Aurous Hill, siguradong mak
Nalugod nang sora si Flaue sa kilos ng tatlo sa sandaling ito. Ang gusto niya ay ang walang pag-aalinlangan na pagsunod nila. Kung hindi, hindi niya ituturo sa kanila ang teknik para buksan ang pineal gland nila sa una pa lang.Bukod dito, medyo hindi kumpleto ang teknik na itinuro sa kanila ni Fleur. Kahit na isang daang taon na silang nag-cultivate, kung wala ang panlabas na tulong ni Fleur sa nakaraang ilang taon, hinding-hindi nila mabubuksan ang mga pineal gland nila kahit ano pa ito.Kahit na nasa harap na nila ang mga pineal gland nila at may isang papel na lang na nakaharang para mabuksan nila ito, kung wala si Fleur, hindi nila malalampasan ang huling harang na ito. Pero, sa sandaling ito, hindi nila alam ang tungkol dito.Kaya, sa opinyon ni Fleur, kung mas pinapahalagahan nilang tatlo ang cultivation nila kaysa sa mga utos niya ngayon, lilimitahan niya ang huling pag-angat nila para maiwasan ang kawalan ng kontrol sa kanila pagkatapos mabuksan ang mga pineal gland nila.
Sa sandaling ito, sa isang liblib na isla na walang tao at nababalot ng yelo at nyebe sa South America, pinapangunahan ni Fleur si Tarlon sa isang malawak na mga istraktura sa ilalim ng lupa ng isla. Pumunta silang dalawa sa pinakamalalim na bahagi ng underground building kung saan nakasara ang isang lugar sa loob ng mga bato na may isang ventilation shaft lang na nakakonekta sa panlabas na mundo.Ang tatlong elder ng Qing Eliminating Society ay kasalukuyang nagcu-cultivate sa seklusyon dito.Kahanga-hanga isipin, sa isang daang taon ng cultivation nila sa seklusyon, hindi nila alam na nalibot na nila ang mahigit kalahati ng globo kasama ang Qing Eliminating Society, mula sa Oskia, papuntang Oceana, at sa huli ay sa South America.Ganap na pinutol ng tatlong tao na ito ang lahat ng ugnayan sa panlabas na mundo at mahigpit na binalot ng Reiki ang katawan nila, halos tinigil na ang metabolisma ng kanilang katawan. Wala silang ideya kung gaano katagal na panahon na ang lumipas sa labas
“Binabantayan nang mabuti ni Fleur ang Aurous Hill, tama? Sa sandaling lumitaw ang painting na ito, siguradong bibigyan niya ito ng atensyon. Sa oras na iyon, siguradong magkakaroon siya ng maraming tanong sa kanyang isipan!”“Gusto niya sigurong alamin kung sino ang naglabas ng portrait ng kanyang master, at siguradong mas gusto niyang alamin ang tungkol sa relasyon ng taong naglabas ng painting at ng master niya. Maaari ba na may kinuhang disipulo ang master niya bago siya? Kung gano’n, marahil ay mahigit 500 years old na ang taong iyon ngayon at may pambihirang lakas na mula sa napakaraming cultivation!”“Gusto niya rin sigurong alamin kung bakit biglang lumitaw ang portrait ng master niya sa Aurous Hill kinabukasan pagkatapos mamatay at maglaho ng dalawang great earl niya. Siguradong gusto niya ring alamin kung ang taong naglabas ba ng painting na ito at ang taong pumuwersa kay Mr. Chardon na pasabugin ang sarili niya ay ang parehong tao. Kung gano’n, bakit hindi namatay ang taon
Ngumiti si Ruby at sinabi sa pagsang-ayon, “Miss Lavor, tama ka. Sa nagdaang ilang taon, mas halat na naging mas balisa si Fleur kaysa dati. Sa mga nagdaang dekada, hindi nag-aalala si Fleur sa pagtanda, dahil hindi nagbago ang hitsura niya ng daang-daang taon. Pero, sa nakaraang dalawang taon, nagbigay atensyon pa siya sa pag-aalaga ng balat niya. Minsan kapag naglalakad malapit sa kanya, maaamoy mo pa ang bango ng mga skincare product. Mukhang natatakot siyang tumanda.”Humagikgik si Vera, “Siguradong darating ang dapat dumating. Anong silbi ng matakot?”Pagkasabi nito, bumalik ang diwa niya sa painting sa harap niya at biglang parang naintindihan ang plano ni Charlie.Kaya, lumaki agad ang mga mata niya at napuno siya ng saya habang tinanong niya nang sabik si Charlie, “Young Master, maaari ba… maaari ba na gusto mong gamitin si Master Marcius para magpakita ng malakas na harap at itago ang kahinaan mo?”Si Ruby, na nasa gilid, ay nakinig sa sorpresa dahil hindi niya pa naiintin
“Magpakita ng isang malakas na harap para itago ang kahinaan mo?”Mukhang nalito sina Vera at Ruby pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Charlie. Natural na alam nila ang kahulugan sa likod ng mga sinabi ni Charlie, pero hindi nila maisip kung paano magpapakita ng malakas na harap si Charlie kay Fleur para itago ang kahinaan niya.Si Ruby ang unang nanghikayat sa kanya habang sinabi, “Mr. Wade, gagana lang ang estratehiya na ito kung matatakot mo si Fleur. Pero, sa totoo lang, kung ibubunyag mo ang pagkakakilanlan mo, kahit na puno ng patibong ang Aurous Hill, siguradong ipapadala ni Fleur ang tatlong elder na iyon para subukan ang pagkakakilanlan at background mo kahit anong mangyari. Mag-iingat lang siya sayo kung nakatago ka. Natatakot ako na mapipilitan ka lang na labanan siya hanggang kamatayan kung mabubunyag ang pagkakakilanlan mo.”Hindi mapigilan ni Vera na hikayatin din siya, “Tama, Young Master. Pakiramdam ko rin na makatwiran nang sobra ang sinabi ni Miss Dijo. Halos impo
Tumingin si Vera kay Charlie at sinabi, “Young Master, kung ipapadala talaga ni Fleur ang tatlong elder na iyon, nag-aalala ako na hindi mo sila kakayanin lahat. Young Master, mas mabuti na umalis muna sa Aurous Hill at iwasan sila para sa kaligtasan mo.”Sumang-ayon din si Ruby, “Mr. Wade, tama si Miss Lavor. Kung magkakasama ang tatlong elder, marahil ay kahit si Fleur ay mahihirapan na manalo. Hindi mo pa nabubuksan ang pineal gland mo. Kung mananatili ka sa Aurous Hill, sa sandaling dumating ang tatlong elder, mahirap na makatakas!”Pagkatapos mag-isip nang ilang sandali, umiling si Charlie. “Simple lang para sa akin na umalis, pero paano naman ang lolo at lola ko? Mga tanyag na target sila, at marahil ay may mga espiya pa ng Qing Eliminating Society sa kanila. Disidido ang Qing Eliminating Society na patayin sila, kaya kahit saan pa sila pumunta, hindi nila maiiwasan ang paghahabol ng tatlong elder na iyon.”Nang sabihin ito, biglang tinanong ni Charlie si Ruby, “Gaano karami a