Share

Kabanata 3210

Author: Lord Leaf
Sumunod, napatanong si Zayne, “Saan naman nanggaling ang mga litratong ito?”

Malamig na tumugon ang supreme commander, “Si Hamed mismo ang nagpadala ng mga imaheng ito!”

Naging mapanglaw ang ekspresyon sa mukha ni Zayne at nagngitngit ang kanyang ngipin, “Matatalo nga talaga ni Hamed ang hukbo namin kung ganito lang rin!”

Nang mabanggit ito, muli siyang nagsalita, “Kung iyan ang kaso, wala na sa akin ang desisyon kung dapat ba akong pumayag sa peace negotiation ni Hamed. Kailangan ko munang iparating sa Lord namin ang bagay na ito. Siya na ang bahalang magpasya sa sitwasyon!”

Mapanghamak na tumugon ang supreme commander, “Wala akong pakialam sa magiging desisyon niyo. Pumunta lang ako para sabihing papayag na kami sa alok ng kalaban. Darating ang negotiator ni Hamed sa barracks ng alas tres ng tanghali. Personal ko siyang kakausapin para sa peace negotiation, sumama ka man o hindi!”

Pagkatapos, hinablot ng supreme commander ang cellphone niya mula sa kamay ni Zayne saka siya umali
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jayr Ilarde
wala pa din update
goodnovel comment avatar
Isidro Ambrad
update please
goodnovel comment avatar
Herminio Talledo
update plsss
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3211

    Nang kumonekta ang tawag, diretsahang tinanong ni Porter si Zayne, “May maganda ka bang balita para sa akin?”Matindi ang nararamdamang hiya ni Zayne, “Lord… Naghanap si Hamed ng isang middleman para iparating ang mensahe niya sa amin. Nag-alok siya ng isang peace negotiation…”“Peace negotiation?!” Galit na humiyaw si Porter, “Responsable si Hamed at ang hukbo niya para sa buhay ng mahigit sa 2,500 na sundalo ng Ten Thousand Armies. Ito ang dami ng buhay na nasakripisyo dahil sa kanila. Maliban sa tuluyan nilang pagkakalipol, hindi ako tatanggap ng kahit anong ibang resulta!”Nilakasan ni Zayne ang kanyang loob para sabihin ang totoo, “Lord, ang problema natin ngayon, hindi natin magawang bigyan ng pressure si Hamed. Wala kaming ibang magawa kundi magbantay dito sa palibot. Pero, hindi rin naman solusyon na manatili kami rito habang buhay! Malaki ang nawawalang pera sa atin bawat araw, at kapag nagpatuloy ito, malalagpasan nito ang potensyal na benepisyo na pwede nating makuha sa S

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3212

    …Pagkatapos pumayag ni Zayne sa peace negotiation, agad na ibinalita ng middleman ang nangyari kay Hamed.Ngayong araw, napag-usapan nilang magkikita sila ng alas tres ng tanghali para sa peace negotiation. Para naman sa lokasyon nito, mangyayari ang peace negotiation sa garrison kung saan naka-istasyon si Zayne at ang government supreme commander.Subalit, hindi binigyan ng kabilang panig si Hamed ng eksaktong coordinates kung nasaan ang lokasyon ng garrison. Sa halip, binigyan lang nila si Hamed ng coordinates ng transit point kung saan ihahatid ng piloto ni Hamed ang kanyang negotiator saka nila dadalhin ito papunta sa mismong istasyon kung saan gaganapin ang peace negotiation.Nauunawaan ni Charlie ang motibo sa likod ng ganitong setup. Natatakot siguro ang kabilang panig na ibigay ang impormasyon kung nasaan ang eksakto nilang lokasyon dahil baka malagay sila sa peligro. Natatakot silang magpaputok si Hamed gamit ang iba’t ibang armas sakaling ibigay nila ang saktong coordina

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3213

    Sumakay na si Charlie sa helicopter. Pagkatapos ng ilang minuto, dumating na siya sa isang kaparangan na 50 kilometro ang layo mula sa base ni Hamed.Sa pagkakataong ito, may dalawang government helicopters ang nakaparada sa ibaba kasama ang ilang dosenang armadong mga lalaki na nagmula sa hukbo ng gobyerno at ng Ten Thousand Armies.Dahan-dahang lumapag ang sinasakyang helicopter ni Charlie sa harap ng dalawang government helicopters ng kalaban.Nang tumigil ang helicopter, habang nakasuot ng mask, tinulak ni Charlie papalabas ang pinto saka siya tumalon pababa.Sa pagkakataong ito, isang Syrian na sundalo ang lumapit at nagsalita ito sa lenggwaheng hindi nauunawaan ni Charlie. Ganoon din, kumaway si Charlie saka siya nagsalita, “Kung pwede, kausapin niyo ako sa Oskian dialect o kaya sa English!”Isang government officer ang lumapit at nagsalita siya sa isang hindi matatas na Oskian, “Hindi maganda… ang Oskian dialect ko…”Sa pagkakataong ito, isa sa mga Oskian na sundalo mula s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3214

    Suminghal is Charlie saka siya nagsalita na para bang wala siyang paki, “Ah, iyan pala ang kaso.”Sumunod, tinanong niya si Yaron dahil sa pagtataka, “Nga pala, may problema lang ako na hindi maunawaan kahit ano pa ang gawin ko. Pwede ba akong humingi ng payo mula sa’yo?”Naiiritang tumugon si Yaron, “Sige lang!”Tumawa si Charlie saka siya nagsalita, “Dahil napakalakas ng Ten Thousand Armies, bakit kayo natalo ng isang grupo ng mga taong walang pinag-aralan? Marami pa ang namatay sa inyo. Kung tama ang pagkakatanda ko, mahigit sa 2,500 katao ang naisakripisyo ang buhay dahil sa inyo. Isa pa sa kanila ang tinatawag na five-star War General?”“Ikaw…” Nang marinig ni Yaron ang mga salitang ito, nakaramdam siya ng matinding galit at agad niyang pinagsabihan si Charlie, “Umaasa lang naman kayo sa mga maliliit na patibong at pakulo para manalo. Sisingilin rin kayo ng Ten Thousand Armies nang may dagdag na interes sa hinaharap!”Tumawa ulit si Charlie, “Kung iyan ang kaso, hindi na kami

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3215

    Sa totoo lang, ang tunay na layunin ni Charlie rito ay hindi makita ang government supreme commander.Ang gusto niyang makatagpo ay si Zayne Carter, ang supreme commander ng Ten Thousand Armies sa Syria at ang tinatawag na Green-Eyed Wolf King.Matapos ang lahat, gusto niyang dalhin nang ligtas si Sheldon Schulz pabalik ng Oskia sa gitna ng panlulusob ng 30,000 katao. Kaya, wala nang ibang pwedeng gawin si Charlie kundi hulihin muna ang lider ng hukbo para mapabagsak niya ang mga tauhan nito.Maliban dito, nagkataon ring gustong pagsamantalahan ni Charlie ang oportunidad na ito para personal na masaksihan at masukat ang actual combat effectiveness ng Thousand Armies. Sa parehong pagkakataon, gusto niyang makita kung nasaang lebel ang combat ability ng Four War Kings.Para naman kay Yaron, masasabi ni Charlie na isa itong martial artist na nabuksan na ang dalawa sa kanyang meridians. Nasa lebel siya ng isang two-star martial artist.Sa puntong ito, may hula si Charlie na puro marti

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3216

    Kaya, dinala ni Yaron si Charlie para sumakay sa helicopter na matagal nang nakahanda bago sila pumunta sa frontline command ng kalaban.Pagkatapos lumipad ng halos sampung minuto, mabagal na bumaba ang helicopter sa harap ng isang prefabricated modular house. Ang mga prefabricated modular house na ito ay mga bahay ng middle at higher-level na officer mula sa gobyerno at Ten Thousand Armies. Mas maganda talaga ang kondisyon ng mga prefabricated modular house na ito kumpara sa mga tent.Bukod dito, kahit tent ito o isang prefabricated modular house, lahat sila ay nababalot ng mga camouflage na damit, at dahil makapal na camouflage ito, sobrang hirap na makilala ang eksaktong lokasyon ng mga officer kung titingnan sa langit.Pagkatapos bumaba sa helicopter, dinala ni Yaron si Charlie hanggang sa frontline conference room ng Ten Thousand Armies. Habang naglalakad siya, tinanong niya si Charlie, “Brother, hindi ko pa rin alam ang pangalan mo at kung saan ka galing sa Oskia?”Sumagot

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3217

    Si Zayne at ang supreme commander ng gobyerno ay nakaupo sa isang matigas at mahigpit na paraan sa loob ng conference room sa sandaling ito. Iniisip ni Zyne kung paano niya pipigilan nang matalino at palihim ang balak ni Hamed na magkaroon ng peace negotiation sa gobyerno mamaya.Nang bigla niyang marinig ang mga sinabi ni Yaron, nagulat siya nang kaunti, at tinanong niya nang hindi nag-iisip, “Anong sinabi mong pangalan ng negotiator?”Sumagot nang hindi akma si Yaron, “Master Wade…”Pagkatapos itong sabihin, mabilis na gumilid si Yaron at sinabi kya Charlie, na nasa likod niya, “Master Wade, mangyaring pumasok ka.”Tumango si Charlie, at nilagay niya ang mga kamay niya sa kanyang likod habang naglakad siya nang banayad papasok sa conference room.Sa sandaling pumasok siya, nakita niya si Zayne, na nakaupo sa conference table. Pagkatapos tumingin kay Zayne, napagtanto ni Charlie na malakas nga si Zayne. Mukhang nasa thirty years old siya, pero nabuksan na niya ang anim sa walong

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3218

    Suminghal si Zayne at tinanong nang retorika sa nakayayamot na tono, “Mukhang sobrang galing mo, huh?”Tumango si Charlie, at binuksan niya ang mga daliri niya habang sinabi, “Tingnan mo, ang tactical na plano ng paggamit ng mga permanent fortification at reverse slope fortification na may defensive tunnel sa loob, ang paggabay sa kanila na iwanan ang base nila sa lambak at magtago sila sa mga lagusan sa loob ng fortification sa bundok, kasama na ang strategic tactic na pagpapalakas sa mga fortification, ang pag-iimbak ng mga strategic reserves at laten enthronization. Ang lahat ng ito ay ideya ko. Sa gabay at kakanyahan ng mga tactics an ito, kahit na mga probinsyano lang ito, makakapaglabas pa rin sila ng galing sa pakikipaglaban na lampas sa imahinasyon ng mga ordinaryong tao. Ito ang ginawa ko para kay Hamed. Ayon sa dalawang malaking tagumpay, sa tingin ko ay medyo magaling nga ako.”Habang nagsasalita siya, huminto saglit si Charlie bago siya ngumiti at sinabi ulit, “Kahit papa

Pinakabagong kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5924

    Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5923

    Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5922

    Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5921

    Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5920

    Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5919

    Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5918

    Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5917

    Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5916

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status