Malamig ang ngiti sa mukha ni Falco sa pagkakataong ito.Alam niyang pagbabayaran ng hangal na binatang nasa harap niya ang mga masasakit na salitang binitawan nito kanina.Matapos ang lahat, walang kahit sino ang makakapigil sa kanyang parasitic worm!Kahit kulay puti at mataba ang itsura nito, mas matigas pa sa bakal ang mismong katawan nito. Masasabing hindi tatabla ang kahit anong ispada o baril sa kanyang parasitic worm!Higit sa lahat, mas malakas pa ang biting ability nito at mas masahol rin ito kumpara sa isang malaking tigre!Minsan nang ginamit ni Falco ang kanyang native parasitic worm para pumatay ng mga Japanese ninjas. Sa labang iyon, nagpira-piraso ang mga bakal mula sa ninjato na armas ng mga ninjas nang tumama ito sa katawan ng parasitic worm.May sumubok rin na gumamit ng apoy para labanan ang native parasitic worm, pero kahit gaano pa kainit ang apoy, hindi nasaktan ang kanyang alaga.Kaya, sa puso ni Falco, nakita niya na ang tadhana ni Charlie.Kampante siy
Ganoon din, direktang kinagat ng native parasitic worm ni Falco ang bungo ni Charlie.Sa pagkakataong ito, habang nasa gitna ng buhay at kamatayan, biglang inabot ni Charlie ang kanyang kamay para direktang hampasin ang native parasitic worm. Para bang basketball player siya na nagsusuot lamang ng sombrero niya nang direkta niyang patalsikin ang native parasitic worm papunta sa lupa!Parehong napatulala si Falco at Carvalho sa pagbabagong ito!Wala ni isa sa kanilang dalawa ang nag-akalang matatalo ng kabilang panig ang native parasitic worm na nakakagat na sa bungo ni Charlie sa isang hampas lang.Inakala pa nga ni Falco na may mali sa kanyang mga mata at tila ba hindi niya nakikita nang malinaw ang lahat.Subalit, pagkatapos niyang kuskusin ang kanyang mga mata, napagtanto niyang namimilipit sa sakit ang kanyang parasitic worm habang gumugulong ito sa sahig.Napabulalas siya nang hindi niya namamalayan, “Ito… paano ito naging posible?! Walang makakatalo sa parasitic worm ko! Pa
Nang makita ni Falco na biglang umanib si Carvalho sa kabilang panig, napuno siya ng galit.Pinagtuturo niya si Carvalho habang nagngingitngit ang kanyang ngipin, “Kung alam ko lang na masama ang budhi mo taranrado ka, pinatay na sana kita at ang apo nang magkita tayo kahapon dito sa Mount Phoenix Cemetery!”Malamig na tumugon si Carvalho, “Falco Xanthos, marami ka nang napatay na tao sa buhay mo at marami ka ring hindi pinakawalan na mga inosenteng indibidwal. Ang kapal naman ng mukha mong sabihin na masama ang budhi ko?! Sa tingin ko ikaw ang tunay na salbahe rito!”Habang nagsasalita, pumunta si Carvalho sa harap ni Charlie at pinagtama niya ang dalawa niyang palad saka siya nagsalita sa isang magalang na boses, “Young Master Wade, maraming nagawang masamang bagay ang taong ito sa buhay niya. Nararapat lamang na mamatay siya. Ngayong araw, dapat mo siyang tapusin. Masasabing tinutulungan mo ang mundo kapag inalis mo ang mga kagaya niyang peste!”Takot na takot si Falco lalo na n
Nang makita ni Charlie na paparating ang isang Thunder Order sa kanyang direksyon, nasorpresa siya nang kaunti at naging maingat siya. Hindi niya rin alam kung bakit walang kakaibang nangyayari o kahit anong pagbabago sa langit nang ilabas ni Falco ang kanyang Thunder Order.Mula sa sariling karanasan ni Charlie sa paggamit ng Thunder Order, kapag inilabas niya ito, magkakaroon ng mga kulay itim na ulap, umaalingawngaw na kulog, at kidlat. Subalit, walang ganitong klase ng senyales nang ilabas ni Falco ang kanyang Thunder Order.Ganoon din, para bang may sumabog sa harap ng mga mata ni Charlie.Sa isang malakas na ugong, isang lightning bolt ang nagpakita mula sa ere. Subalit, tanging kulog at kaunting ulan lamang ang napansin ni Charlie sa pangyayari. Isang metro lang rin ang haba ng lightning bolt na lumitaw sa kanyang harap. Hindi man lang ito katumbas ng 1% ng enerhiya ng Thunder Order na mayroon si Charlie.Kaya, hindi kumilos si Charlie at hinayaan niya lamang na tumama ang i
“Ano sinabi mo?!”Nanlaki ang mga mata ni Falco, namutla ang kanyang mukha at napuno siya ng taranta, “Ikaw… Ikaw… may Thunder Order ka rin?!”Natawa si Charlie, “Bakit? Kakaiba ba ang bagay na iyan? Pwede kang magkaroon ng Thunder Order, pero ako hindi pwede?”Napabulalas si Falco, “Pero… pero matagal nang nawala sa kasaysayan ang paraan kung paano gumawa ng Thunder Order! Nakuha ko pa ang Thunder Order ko mula sa ancient tomb ng isang metaphysics master sa tulong ng isang ancient military officer! Maliban sa tatlong Thunder Orders na mayroon ako, hindi pa ako nakakakita ng kahit sinong may Thunder Order!”Natawa ulit si Charlie, “Mukhang hindi ka lang salbaheng tao, pero isa ka ring hangal! Sa mga mata ko, defective item lang ang Thunder mo. Bakit naman magkakaroon ng Thunder Order na isang beses mo lang magagamit? Hindi na nga magandang isang beses mo lang magagamit, pero napakaliit pa ng lightning bolt nito. Hindi ba masyadong nakakahiya na ipinagyayabang mo ito?”Habang nagsa
Sa madaling salita, matitikman niya ang sarili niyang medisina.Takot na takot si Falco na gagawin rin ni Charlie sa kanya ang ginagawa niya sa iba.Umaasa na lang siya na walang alam si Charlie sa pagpapalaki ng isang parasitic worm o kaya wala rin itong sariling native parasitic worms. Kung hindi, kung hahayaan ni Charlie na kagatin at butasan ng parasitic worm ang ulo ni Falco hanggang sa kainin nito ang utak niya, dadanas si Falco ng isang tortyur na mas matindi pa sa 18 levels of hell bago siya mamatay….Kaya, agad na nagmakaawa si Falco, “Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan. Master, pakiusap maawa kayo sa akin at patayin niyo na lang ako nang hindi ako nakakaramdam ng kahit anong sakit…”“Hindi ka makakaramdam ng kahit anong sakit?” Napangiti si Charlie, “Hindi mo pwedeng sabihin ang bagay na iyan sa akin. Pakiusapan mo na lang ang silkworm mo!”Habang nagsasalita ginamit ni Charlie ang dulo ng daliri ng kanyang paa para tapakan ang parasitic worm na nasa bingit ng ka
Nanginig nang matindi si Falco nang maramdaman niyang pumapasok ang simoy ng malamig na hangin sa kanyang bungo.Hindi nagtagal, nakaramdam siya ng sakit na para bang sampung libong beses na mas matindi kaysa maputulan ka ng mga braso at binti!Posible ang bagay na ito dahil sa nakasisindak na toxin na inilalabas ng parasitic worm na dahilan para maging sensitibo ng ilang daang beses ang kanyang nervous system.Maliban sa katotohanang direktang kinakain ng native parasitic worm ang ulo ni Falco at binubutasan nito ang kanyang bungo, kahit pa ang simpleng karayom na hindi matalas, magdudulot ito ng sakit sa kanya na para bang ilang milyong beses siyang pinapatamaan ng palaso ng isang tao.Nahimatay si Falco sa tindi ng sakit na nararamdaman niya, pero muli rin siyang nagising dahil sa parehong sakit. Malubha ang pinagdaraanan niya ngayon.Sa pagkakataong ito, nabuksan na ng parasitic worm ang kanyang bungo at narating na nito ang utak niya na pagpipiyestahan nito.Gusto nang mamat
Tumango nang kuntento si Charlie at sinabi, “Kung gano’n, pwede mo akong sundan pabalik.”Sumang-ayon nang nagmamadali si Carvalho, at nang tumingala siya, bigla siyang napabulalas nang malakas.“Eh?! Maaari bang nag-iwan si Falco Xanthos ng sarira pagkatapos siyang tamaan ng kidlat?”Nang marinig ito ni Charlie, napatingin siya sa lugar kung saan ginawang abo ng kidlat si Falco, at oo nga, may nakita siyang isang bagay na kasing laki ng itlog ng itik may kulay abong kayumanggi sa sahig.Hindi niya napigilan ang pagkunot ng noo niya habagn sinabi, “Paano naging sobrang laki ng sarira? Sa tingin ko ay bato lang ito sa kidney stone lang ito, tama?”“Sa tingin ko ay hindi…” Sinabi ni Carvalho habang naglakad siya papunta doon at pinulot ang kulay abong kayumanggi na bagay.Sinuri niya ito nang maingat, at hindi niya napigilang sabihin, “Oh, jusko! Isa… isa pala itong ambergris!”“Ambergris?” Kumunot ang noo ni Charlie. Kahihingi niya lang ng tulong kay Graham na maghanap ng ambergr
Yumuko siya nang magalang kay Charlie nang may gulat at pasasalamat habang sinabi nang may luha sa mga mata, “Salamat sa pagligtas sa buhay ko, Mr. Wade…”Niluwagan ni Charlie ang kanyang kamay na umaalalay sa kanya at sinabi nang kalmado, “Kung gusto mo talaga akong pasalamatan, sabihin mo sa akin mamaya ang lahat ng nalalaman mo nang detalyado.”Sumagot agad si Ruby nang walang pag-aatubili, “Mr. Wade, makasisiguro ka na sasabihin ko sayo ang lahat nang walang tinatago.”Tumango si Charlie at hindi na nagsalita, pagkatapos ay tumalikod siya at naglakad pabalik.Nagmamadaling sumunod si Ruby at nakita rin ang magandang babae na nakatayo sa harap niya.Nang makita niya nang malinaw ang mukha ng babae, nagulat siya na tila ba nakakita siya ng isang muto, at sinabi niya sa pagkabigla, “Vera… Vera Lavor?!”“Oo, ako nga!” Sumagot nang direkta si Vera. Pagkatapos ay tumingin siya kay Ruby, kumurap nang mapaglaro, at sinabi nang nakangiti, “Ikaw si Miss Dijo, tama? Matagal ko nang nari
Pagkatapos itong sabihin, nahihirapan na sinubukan ni Ruby na tumayo. Kahit na pinili niyang bumigay kay Charlie, bilang isang cultivator, ayaw niyang makita siya ni Charlie na gumagapang palabas mula sa siwang ng malaking bato.Pero, sinugatan nang malala ng pagsabog ang katawan niya, at halos naubos na ang lakas niya sa pag-akyat dito. Kaya, nang sinubukan niyang tumayo, nanginginig ang mga binti niya.Nang nagngalit siya at sinubukang humakbang paabante, isang matinding sakit ang biglang dumaan sa kanyang kanang binti, at hindi niya nakontrol ang pagbagsak ng buong katawan niya.Nang makita ni Charlie na babagsak siya sa mga matalas at matigas na bato, agad siyang sumuntok papunta sa kanya habang pabagsak siya.Isang malakas na alon ng enerhiya ang lumabas sa kanyang kamao, gumawa ng isang malakas na buhawi. Sa sobrang lakas ng buhawi, binuhat nito nang matatag ang katawan ni Ruby, na nasa 45 degree na anggulo at malapit nang bumagsak!Sa sandaling pabagsak na ang katawan ni Ru
Kinakabahan nang sobra si Ruby. Alam niya na kung madidiskubre siya ng kabila, halos sigurado siya na mamamatay siya, at siguradong pahihirapan siya sa lahat ng posibleng paraan para makakuha ng impormasyon tungkol sa Qing Eliminating Society at sa British Lord.Bukod dito, paulit-ulit na sinubukan ng Qing Eliminating Society na puksain ang mga Acker. Sa sandaling mapunta siya sa mga kamay nila, kahit na makipagtulungan siya nang masunurin, marahil ay hindi magiging maganda ang kahihinatnan niya. Kaya, ang huling pag-asa niya na lang sa ngayon ay hindi siya mahahanap ng kabila.Habang nakakapit sa huling pag-asa na ito, biglang nagsalita nang malakas si Charlie, “Miss Dijo, palihim mong pinapanood ang laban namin ni Mr. Chardon sa dilim kanina lang, at ngayon, nagtatago ka pa rin sa dilim. Hindi ba’t medyo hindi ito makatwiran?”Biglang tumama sa isipan ni Ruby na parang kidlat ang mga sinabi ni Charlie.Sa sandaling iyon, maraming bagay ang dumaan sa isipan niya, ‘Nahanap talaga
Nang makita ni Vera na tinuro ni Charlie ang isang direksyon, hindi na siya tumingin at ginamit agad ang control lever, pinalipad ang helicopter sa direksyon kung saan nakaturo ang daliri ni Charlie.Sa sandaling ito, si Ruby, na nagtatago sa siwang ng mga malalaking bato, ay hindi pa rin alam na napuntirya na siya ng kabila. Gusto niya lang gawin ang lahat ng makakaya niya na huwag pagalawin ang katawan niya, huwag gumawa ng kahit anong ingay, at hintayin ang mga tao sa helicopter na maghanap at natural na umalis sa lugar na ito. Kampante talaga siya na hindi siya madidiskubre ng kabila.Umikot nang ilang beses ang helicopter sa lambak, pero hindi bumaba ang mga tao para maghanap, at sobrang kapal ng malaking bato na nakaharang sa ulo ni Ruby. Kahit na gumamit ang kabila ng mga kagamitan tulad ng thermal imaging, hindi nila siya mahahanap sa ilalim ng malaking bato na ito.Ang dahilan kung bakit unti-unting hindi mapalagay si Ruby ay dahil papunta talaga ang helicopter sa direksyon
Ganap na nabasag at nabaluktot na ang cellphone, at kahit ang baterya ay lumobo dahil sa pagbaluktot nito. Nang makita niya ito, sa wakas ay nakahinga na siya nang maluwag, napagtanto niya na imposible na patuloy na ipadala ng cellphone ang posisyon niya sa British Lord.Makalipas ang halos sampung minuto, sa wakas ay gumaling na si Charlie dahl sa epekto ng Regeneration Pill. Binatak niya ang kanyang leeg, tamad na inunat ang kanyang katawan sa masikip na cabin, hindi mukhang isang tao na may malalang injury at nanghihina.Si Vera, na nasa gilid, ay sinabi sa sorpresa, “Young Master, magaling ka na?!”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Magaling na ang katawan ko, pero hindi ko pa naibabalik ang Reiki ko.”Habang sinasabi niya ito, naglabas siya ng dalawang Cultivating Pill at nilagay ito sa kanyang bibig. Sa sandaling pumasok ang mga pill sa kanyang tiyan, naging purong Reiki sila, na dumaloy sa mga naayos na meridian at elixir field niya, kumalat sa kanyang buong katawan
Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Tarlon, “Bukod dito, sa mga nagdaang panahon, isa-isa ang tagumpay nila at hindi sila mapigilan. Kung hindi natin sila pipigilan ngayon, natatakot ako na mas magiging marami ang problema sa hinaharap! British Lord, hindi inaasahan ang krisis na ito, kaya hindi ka na pwedeng mag-atubili!”Nanahimik saglit si Fleur.Nadagdagan ang pagkabalisa at pangamba niya dahil sa pag-aalala ni Tarlon. Alam niya na makatwiran ang sinabi ni Tarlon. Kung hahayaan nila ang kabila na umunlad nang palihim, marahil ay magkaroon ito ng malaking banta sa kanya sa hinaharap!Nang maisip ito, nagngalit siya at sinabi, “Ipaalam mo agad sa Central Governor Office na ipadala ang mga pinakamagaling na scout nila sa isang eroplano papunta sa Aurous Hill para imbestigahan ang bagay na ito!”“Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, hindi maiiwasan na mag-iiwan ng bakas ng pagsabog ang napakalakas na puwersa sa loob ng saklaw na ilang daang metro. Pagkatapos ng mada
Medyo nag-alala rin si Fleur sa sandaling ito habang binulong niya sa sarili niya, “Kahanga-hanga na ang lakas ni Mr. Chardon, at mas malakas pa siya gamit ang mahiwagang instrumento na binigay ko sa kanya. Kung sinakripisyo niya talaga ang sarili niya sa pagsabog, siguradong mas malakas ang taong pumuwersa sa kanya na gawin ito.”Habang nagsasalita siya, hindi mapigilang sabihin ni Fleur, “Hinding-hindi ko inaasahan na may napakagaling na master sa Aurous Hill. Ayon sa pagkakaintindi ko sa mga Acker, imposible na magkaroon sila ng ugnayan sa ganito kalakas na tao. Kaya, sino kaya ang taong ito?”Hindi mapigilang sabihin ni Tarlon, “British Lord, naniniwala ako na kakilala ng tao ang mga Acker. Kung hindi, bakit niya sila ililigtas sa kritikal na sandali?”Umiling si Fleur habang may madilim na ekspresyon at sinabi, “Hindi ko rin alam. Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, ang kalaban niya siguro ay isang cultivator na mas malakas. Pero, nagpadala ako ng mga tao para palih
Habang pinaandar ulit ni Vera ang light helicopter sa ere, sinamantala ni Charlie ang pagkakataon na inumin ang Regeneration Pill. Samantala, libo-libong milya ang layo sa headquarters ng Qing Eliminating Society, naglalakad nang nababalisa si Fleur sa kanyang kwarto.400 years old na siya ngayong taon, pero mukhang nasa 30s pa rin siya. Kahit na kaakit-akit at masigla siya, nakaukit sa kanyang mukha ang kanyang kalupitan dahil sa kanyang pangamba at pagkabalisa, matatakot ang kahit sinong makakakita sa kanya.Ang huling beses na nabalisa nang ganito si Fleur ay noong unang beses na hinabol siya sa bulubundukin ng Qing army kasama si Elijah.. Sa mga nagdaang taon, kahit na hindi niya nahanap si Vera, kahit papaano, isa itong laro ng pusa at daga na tumagal ng tatlong daang taon. Noon pa man ay ginampanan niya ang papel na pusa, kaya hindi siya nabalisa nang sobra kahit na hindi niya mahanap si Vera.Pero, ang pinagmulan ng pagkabalisa at pangamba niya sa sandaling ito ay dahil ang d
Hindi sinasadyang sabihin ni Vera, “Iba iyon…”Tinanong siya ni Charlie, “Paano iyon naiiba? Kaya mo itong tanggapin noong Charlie ang tawag mo sa akin, pero hindi mo ito matanggap ngayong tinatawag mo akong ‘Young Master’?”Sumagot nang nahihiya si Vera, “Hindi… Hindi iyon ang ibig kong sabihin… Pakiramdam ko lang na masyadong mahalaga ang mga pill na ito. Ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang natitirang pill bago ito ay dahil natatakot ako na malalagay ka sa panganib sa hinaharap. Kung gano’n, kaya kong itago ang natitirang pill para sa emergency. Ngayong ligtas ka na, hindi na angkop para sa akin na tanggapin ang kahit anong pill mula sayo, Young Master.”Sinabi nang walang pag-aalinlangan ni Carlie, “Kung gano’n, ayusin mo ang pananaw mo sa lalong madaling panahon at sabihin mo sa sarili mo na walang hindi angkop tungkol dito.”Pagkasabi nito, direktang nilagay ni Charlie ang pill sa kanyang kamay. Pagkatapos nito, hindi na niya hinintay ang sagot niya at naglabas siya ng isa