Nagmamadali niyang binuksan ang notification at nalaman niya na isa itong first-hand live data na inilabas ng lokal na media.Isa sa mga daan na papasok sa tunnel ay nabuksan na, at pumasok agad ang pulis sa eksena. Pagkatapos, nadiskubre nila ang aksidente ng Rolls-Royce.Pagkatapos, agad nilang nakita si Zakir, na binaril sa ulo. Nagalit agad sila dahil dito!Sa una ay akala nila na naaksidente si Zakir. Pero, hindi nila inaasahan na binaril si Zakir at pinatay!Mas naging kumplikado ang mga bagay-bagay dahil dito.Bakit binaril si Zakir? Sinong bumaril sa kanya?!Ang mas hindi nila maintindihan ay mukhang naglaho sa hangin ang dalawang hostage!Sinabi sa ulat ang detalyadong pagkawala ng mga hostage. Ayon sa ulat, nakita ng pulis ang dugo at buhok ng dalawang hostage sa likod ng sirang kotse. Kahit ang isa sa mga sapatos ni Sophie ay naiwan sa eksena. Nahanap din nila ang ebidensya sa loob ng sasakyan na nagpapatunay na nasa kotse ang mga hostage sa oras ng banggaan.Kaya, a
Sa parehong oras, sa mansyon ng pamilya Schulz sa Eastcliff.Hawak-hawak ni Lord Schulz ang cellphone habang pinipigilan niya ang sarili niya na itapon ang kanyang cellphone. Pagkatapos niyang mabasa ang balita, galit niyang sinabi, “Letse! Paano ba ito ginawa ni Matteo? Bakit nasa kotse rin si Sophie? Nasaan sina Helen at Sophie ngayon?! Nasaan ang letseng si Matteo na iyon at ang iba?!”Takot na takot na si Steven sa sandaling ito, pero nagpanggap siyang kalmado habang sinabi, “Pa, hindi ko matawagan si Matteo ngayon, at hindi natin alam kung buhay pa o patay na si Hipag at si Sophie. Walang balita tungkol sa kanila. Sa tingin mo ba ay may sadyang gumugulo sa pamilya Schulz?”Sa totoo lang, balak lang ni Lord Schulz na patayin si Helen mula sa simula hanggang sa huli. Pero, para maiwasan ang hindi kailangan na problema sa hinaharap, inutusan ni Steven ang mga tauhan niya na hanapin ang pamilya ni Zakir at bigyan sila ng dalawampung milyong dolyar para patayin din ni Zakir si Sophi
Sa sandaling ito, bahagyang umiling si Lord Schulz at sinabi, “Marahil ay hindi maayos ang nagawa ni Matteo ngayon, pero wala akong pagdududa sa katapatan niya.”Nagmamadaling nanggatong si Steven habang sinabi, “Pa! Tulad sa kasabihan, kahit na matagal mo nang kilala ang isang tao, marahil ay hindi mo naiintindihan ang totoong kulay niya! Noon pa man ay pinapahalagahan mo na si Matteo, pero sinong nakakaalam kung pagtataksilan ka ni Matteo pagkatapos niyang matukso sa ibang interes?”Suminghal nang malamig si Lord Schulz, “Steven, hindi mo man lang maintindihan ang simpleng bagay tulad nito? Talagang nakakadismaya ka!”“Ahh?!” Hindi alam ni Steven kung bakit bigla itong sinabi ni Lord Schulz, at sinabi niya nang nagmamadali, “Pa, patawarin mo ako sa pagiging tanga, pero mangyaring ipaliwanag mo ito sa akin.”Tinanong nang malamig ni Lord Schulz, “Kung mayroon nga talagang sumubok na suholan at bilhin si Matteo para saktan niya ang pamilya Schulz, bakit pa kailangang magsikap ang k
Para sa isang matalas na tampalasan tulad ni Cadfan, na sanay nang magplano at magkalkula, ang pagsisi sa iba sa isang krimen upang pagtakpan ang mga kilos niya ay karaniwan na trick na para sa kanya.Ang dahilan kung bakit niya nilalabas ang mapanghamak na opinyon niya sa mga kriminal tulad ni Zakir at pagbibigay ng pabuya ay dahil talaga gusto niya lang ilipat ang atensyon ng publiko.Sa opinyon ni Cadfan, karamihan sa tao ay madaling mauto, at wala silang sariling opinyon. Wala silang malakas na abilidad na makilala ang tama at mali, ngunit nakasalalay lang sila sa dami ng impormasyon na mayroon sila para magkaroon ng malabong hatol kung tama ba ito o mali, o totoo o peke.Kung magkakaroon ng mas maraming positibong opinyon sa kanila, siguradong iisipin nila at mararamdaman nila na positibo ang resulta.Kung mas marami ang opinyon laban sa kanil, iisipin nila na tama ang kabila.Maraming tao ang may iba-ibang hula sa internet ngayon. Lahat sila ay may sariling pag-iisip, at kay
Nagmakaawa na lang ang butler, “Eldest young master, mangyaring pakalmahin mo muna ang sarili mo. Mangyaring maghintay ka ng ilang sandali. Pagkatapos makipag-usapan ni Lord Schulz sa second young master, papasok ako at iuulat ito sa kanya!”Sumigaw nang malakas si Jaime, “Hindi! Hindi na ako makakapaghintay! Gusto kong pumasok ngayong din! Hindi ako magpipigil, at magiging malupit ako kung susubukan mo ulit akong pigilan!”Nang hindi na alam ng butler ang gagawin niya, may madilim na ekspresyon si Lord Schulz sa kanyang mukha habang sinabi niya kay Steven, “Steven, papasukin mo si Jaime.”“Okay!”Nagmamadaling tumalikod si Steven at umalis sa study room bago niya sinabi sa butler, “Sinabihan ako ni Lord Schulz na papasukin ka.”Sa wakas ay naluwagan na ang butler, at mabilis siyang nagbigay daan kay Jaime.Nagmamadaling sumugod si Jaime sa study room. Sa sandaling pumasok siya sa study room, kinwestiyon niya agad si Cadfan nang medyo balisa, “Lolo! Nasaan ang ina at kapatid ko?!
Nang lumabas si Steven sa study room, naglaho na si Jaime.Humabol siya ng isa o dalawang daang metro. Nang mapagtanto niya na wala siyang pagkakataon na mahabol at maibalik ang pamangkin niya, nagpasya siyang tumalikod at maglakad pabalik.Maganda ang kalooban ni Steven habang naglalakad siya pabalik sa study room ng matandang lalaki. Sa sandaling ito, hindi niya maiwasang isipin, ‘Ahh! Sobrang swerte ko talaga. Nag-aalala ako kung paano ko ilalayo ang atensyon ng matandang lalaki, at sobrang ganda at nagkataon na pumasok si Jaime at ginalti ang matandang lalaki sa sandaling ito. Ngayong galit na galit si Lord Schulz sa aknya, siguradong itutuon niya ang buong pansin niya para turuan ng leksyon si Jaime!’Sobrang kuntento si Steven. Pagkatapos niyang bumalik sa study room ni Lord Schulz, mayroon siyang nahihiyang hitsura sa kanyang mukha habang sinabi, “Pa, mas mabilis pa sa aso tumakbo ang Jaime na iyon! Hindi ko siya nahabaol…”Malamig siyang pinagalitan ni Lord Schulz, “Wala ka
Habang nagsasalita siya, sumagot nang malamig si Sheldon, “Huwag kang mag-alala. Makasisiguro ka na kung nangyari talaga ang mga sinabi mo, hindi lang ikaw ang hindi siya pakakawalan nang gano’n lang. Hindi ko rin siya pakakawalan. Pero, kung lalabanan natin siya, kailangan natin itong pag-isipan nang maingat bago tayo kumilos! Kung hindi, kung may mangyari muna sayo, paano mo maipaghihiganti ang ina at kapatid mo?!”Nanahimik saglit si Jaime bago niya sinabi habang masama ang loob, “Pa! Naiintindihan ko na ngayon…”Pagkatapos niyang magsalita, hindi niya maiwasang mabulunan habang umiyak siya at tinanong, “Pa! Kailan ka babalik? Hindi… hindi ko talaga alam kung ano na ang gagawin ko ngayon…”Bumuntong hininga si Sheldon bago sinabi, “Wala akong paraan para makabalik ngayon. Kung sasakay ako sa eroplano para bumalik sa Eastcliff ngayon, mahigit sampung oras bago ako makarating. Pero, sa sandaling umalis ako sa lugar na ito, siguradong makakatanggap ng balita ang lolo mo sa pag-alis
Ang lalaking nagsalita ay walang iba kundi ang ama ni Edmund, si Salem.Simula noong naglaho si Edmund at ang mga tauhan niya, ginawa ng pamilya Whittaker ang lahat ng makakaya nila para magkalap ng bakas kung nasaan sila.Pero, kahit gaano pa katindi ang imbestigasyon nila at pagtatanong tungkol dito, pareho pa rin ang resulta.Walang nakakita kay Edmund o kahit sino sa mga tauhan niya, at walang nakakaalam kung paano sila naglaho nang misteryoso. Hindi man lang sila nakakuha ng impormasyon na may kinalaman kay Edmund o kahit sino sa tauhan niya mula sa mga surveillance camera sa siyudad.Dahil dito, napagtanto ng pamilya Whittaker na malaki ang posibilidad na ginalit ni Edmund ang isang napaka impluwensyal at makapangyarihang tao sa Aurous Hill.Kaya, ang ama ni Edmund, si Salem, ay nagpasya na pumunta mismo sa Aurous Hill para magawa niya ang lahat ng makakaya niya upang mahanap si Edmund at ibalik siya sa United States.Sa sandaling ito, ibinaba rin ng private jet sa tabi niy
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl