Sa nakalipas na ilang daang taon, maraming kwento ang kumalat tungkol sa pamilya Rothschild sa Europe at North America.May iilang nagsabi na pinamumunuan nila ang kalahati ng Europe, samantalang sinasabi naman ng iba na hindi lamang kalahati ng Europe ang nasa kamay nila, kundi pati na rin ang kalahati ng America.Mararamdaman ang presensya nila sa bawat sulok ng Europe at America—sila ang pinaka sa lahat ng aspeto. Ang pinakakumikitang bangko, ang pinakakumikitang oil refinery enterprise, ang pinakamalaking consortium, pati na rin ang pinakamalaking military group. Pagmamay-ari itong lahat ng pamilya Rothschild.Sa nangyaring Industrial Revolution, ang pamilya Rothschild ang nanguna at kumontrol sa railway transport ng Europe at America. Para naman sa gold, diamond, at iba pang mahalagang mineral resources, kasama na talaga ito sa tradisyunal na pinagkukunan ng kanilang kapangyarihan.Kung tatantsahin, aabot ang buong asset value ng pamilya nila sa halagang hindi bababa ng trilyo
Sa pagkakataong ito, balak ni Charlie na bigyan ulit sila ng mga medicinals pills. Siguradong matutuwa sila.Nang marinig ni Travis mula sa Lancaster na nag-iimbita ng mga bisita si Charlie, kinausap niya agad si Harvey, ang kaibigan ni Charlie sa ampunan, na ipagmaneho siya papuntang Aurous Hill.Maraming properties si Travis sa Aurous Hill. Kaya, binalak niyang manatili ng isang gabi sa lugar na ito sakaling magkaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari sa kanyang biyahe.Ang dahilan kung bakit inuuna niya ang bagay na ito ay dahil sa kanyang mga mata, bibihira lamang ang ganitong pagkakataon.Tanging si Doris lang ng Emgrand Group ang hindi nakatanggap ng imbitasyon mula kay Graham.Hindi naman dahil kinalimutan ni Graham si Doris. Wala lang talaga siyang contact information ng babae.Bago pa mapunta sa kamay ni Charlie ang Emgrand Group, matagal nang si Doris ang Vice President nito.Hindi siya isang binibini na nagmula sa isang makapangyarihang pamilya, hindi rin siya isang
Sa pagkakataong ito, sa in-patient department ng Silverwing Hospital sa Aurous Hill.Bilang pinakamagandang ospital sa buong Aurous Hill at sa buong distrito, lagi itong puno ng mga tao.Walang bakanteng mga kama kahit saan mang department.Hindi lamang ito puno ng mga pasyente, pero marami rin silang mga pasyente na nasa bahay lang, naghihintay hanggang sa magkaroon ng espasyo sa ospital.Sa loob ng intensive care unit para sa nephrology, isang walang malay na lalaki ang nakahiga sa kama habang nakakabit ang maraming tubes sa kanyang katawan. Mukhang nasa 50 taon na ang kanyang edad.Sa tabi ng kama, may isang babaeng nakaupo. Medyo matanda na ang itsura nito pero kahawig niya si Doris.Sa labas naman ng intensive care unit, may isang maliit na sala at pahingahan para sa mga kamag-anak ng pasyente. Bilang pinakamagandang ospital sa Aurous Hill, natural lang rin na elegante ang disenyo sa loob. Para bang nasa hotel sila.Sa pagkakataong ito, sa sala, may dalawang magkausap na ta
“Doris, basta ba umalis ka ng Emgrand Group at pumasok ka sa kumpanya ko bilang Vice Chairman at kalaguyo ko, agad kong papakiusapan ang mga tauhan ko na gamitin ang private jet ko para dalhin ang kidney na kakailanganin ng papa mo. Kung papayag ka sa akin ngayong araw, magkakaroon ng kidney ang papa mo bukas. Ano sa tingin mo?”“Wala kang hiya!” Habang nagngingitngit ang ngipin, galit na nagsalita si Doris, “Edmund, ang lakas naman ng loob mo na pagsamantalahan ako! Kasal ka na at may mga anak na rin! Bakit mo naman sasaktan ang pamilya mo para lang sa ganitong bagay?”Habang nakakurba ang labi, sumagot si Edmund na para bang wala siyang pakialam, “Para sa akin, bahagi lamang ng misyon ng pamilya ko ang ikasal ako at magkaanak sa iba. Kahit sino pa ang gusto nilang babae, papayag ako. Papakasalan ko siya. Basta ba pakasalan ko ang babaeng gusto nila, hindi nila papakialaman ang personal kong buhay.”Sumunod, nagpatuloy si Edmund habang nakangisi, “Para naman sa mga bata, wala talag
Habang nakatitig sa likod ni Edmund, nanginginig sa galit si Doris at patuloy ang pagtulo ng luha sa kanyang mukha.Dalawang taon ang nakaraan, nagkaroon ng matinding kidney infection ang tatay ni Doris. Hirap na hirap silang hanapan ito ng kidney dahil RH negative ang blood type niya.Sa pagkakataong iyon, sumubok si Doris na gawin ang match test, pero hindi rin siya pwede.Hindi nagtagal, dahil sa swerte, isa sa mga kamag-anak niya ang nakahanap ng suitable match ng kidney sa Southeast Asia. Handa rin ang kabilang panig na ibigay ang isa sa mga kidneys niya.Sumunod, gumastos si Doris ng ilang milyon para lang maresolbahan ang krisis sa kalusugan ng kanyang ama.Noong una, naisip niyang mabubuhay ang kanyang ama sa loob ng dalawa pang dekada o kaya tatlumpung taon.Subalit, hindi niya naman inaakalang pagkatapos lang ng dalawang taon, magkakaroon ng rejection response ang panibagong kidney. Hindi nagtagal, nag-malfunction na rin ito.Bago ang New Year, ayos lang naman ang kond
Ganoon din, may marahang nagbukas ng pinto.Isang babaeng hindi gaanong katandaan ang lumabas at nagtanong, “Doris, umalis na ba si Edmund?”Ito ang nanay ni Doris, si Faith Saunders.Agad na pinunasan ni Doris ang kanyang mga luha at nilingon niya ang nanay niya saka siya tumango. “Oo, mama. Umalis na siya.”Sumunod, agad siyang nagtanong, “Ma, kumusta na si Papa?”Bumuntong hininga si Faith. “Walang nagbago—wala pa rin siyang malay.”Nang mapansing may bakas ng luha sa mukha ni Doris, agad na humakbang si Faith para magtanong habang nag-aalala, “Doris, bakit ka umiiyak? Ano ang sinabi ni Edmund sa’yo? Hindi ba nangako siyang hahanapan ka niya ng kidney? May iba pa ba siyang sinabi?”Bumuntong hininga si Doris at bumulong siya, “Oo, nakahanap na siya ng kidney, pero gusto niyang magtrabaho ako sa kanya at maging kabit niya ako…”“Ano?!” Habang nanlalaki ang mga mata, napabulalas si Faith, “Hindi ba… Hindi ba ito ang dati mong kaklase? Bakit naman napakawalang hiya niya?!”Sum
Inabot ni Doris ang kanyang bulsa, kinuha niya ang isang pakete ng sigarilyong pambabae. Naglabas siya ng isang stick at inilagay niya ito sa kanyang bibig. Sumunod, hinanap niya naman ang lighter. Ganoon pa man, dahil sa panginginig, hindi niya magawang sindihan ang kanyang sigarilyo. Pagkatapos ng ilang beses saka niya lamang nagawang ipirmi ang mga kamay niya.Maputlang-maputla ang kanyang mukha sa repleksyon ng apoy sa lighter.Nang masindihan ang stick na hawak niya, marahang kinagat ni Doris ang sigarilyo gamit ang kanyang mapupulang labi saka siya huminga nang malalim. Sumunod, dahil napakatahimik ng lugar, rinig niya ang tunog ng nasusunog na sigarilyo.Bibihira lamag ang ganitong pagkakataon. Hindi mahilig manigarilyo si Doris, pero dahil sa dami ng ginagawa niya sa trabaho, madalas siyang napapagod at nadidismaya. Sa tuwing nangyayari ito, naninigarilyo siya para pagaanin ang kanyang loob.Nang pumasok ang usob sa matangos niyang ilong, para bang pumasok rin ang nicotine
Matindi ang nararamdamang inis ni Doris dahil ito ang pinakamalupit at pinaka-importanteng desisyon na gagawin niya sa buong buhay niya.***Samantala, nakaupo naman si Edmund sa kanyang Rolls Royce at nagmamaneho siya palayo ng Silverwing Hospital.Edmund Whittaker ang buong pangalan ni Edmund. Isa siyang American na kilala ang pamilya para sa pagiging real estate developer sa United States.Magkaklase sila ni Doris sa college at matagal na siyang may gusto sa babae. Pero dahil nakabantay ang pamilya niya sa mga oras na iyon, hindi siya naglakas loob na lapitan si Doris at ligawan ang magandang dilag.Ganoon pa man, hindi na kagaya si Edmund ng mga panahong iyon. Sapat na ang kanyang resources sa pamilya at may kapangyarihan na siya. Ngayong nasa Oskia na ang negosyo ng pamilya nila at papasok na sila sa real estate sector ng bansa, nakahanap siya ng palusot para pakawalan ang sarili niya sa mga kadenang nakatali sa binti niya.Naisip niya agad na ligawan si Doris. Ito ang unang
Tulad ng sinabi ni Vera, sa buong buhay niya, hindi niya kayang maghiganti kay Fleur gamit ang lakas niya, pero kaya niyang harapin si Fleur gamit ang matinding tapang. Marahil ay ang pinakamagandang paraan para harapin niya si Fleur ngayon ay huwag mapansin ni Fleur na malapit siya sa kanya.Kaya, medyo naimpluwensyahan din si Charlie sa kanya at sinabi, “Kung gano’n, hindi na natin kailangan kumuha ng tao para palihim na maglagay ng mga monitoring equipment. Sasamahan kita dito at hihintayin si Fleur. Gusto kong makita kung sino ba talaga ang Fleur na ito!”Tinanong ni Vera sa sorpresa, “Young Master, sasamahan mo talaga ako?”Tumango si Charlie. “Oo.”Sinabi nang seryoso ni Vera, “Parang maglalakad tayo sa isang lubid sa bangin. Nakamamatay ang isang kamalian.”Tumawa si Charlie at sinabi, “Kung hindi ka takot, bakit ako matatakot?”Ngumiti nang bahagya si Vera, at puno ng katapatan ang kanyang mga mata habang sinabi, “Kuntento ako sa mga sinabi mo, Young Master, pero hindi ak
Hindi inaasahan ni Charlie na si Vera, na mukhang mahina at walang masyadong karanasan, ay may ganitong tapang. Malinaw na alam niya na hindi nila kayang tapatan ni Fleur. Sa sandaling magkita sila, halos sigurado na mamamatay sila.Dahil, dati, sinabi ni Ruby sa kanila na nabuksan na ni Fleur ang kanyang elixir field, mahigit isang daang taon na ang nakalipas, at ang ibig sabihin ay mas malakas na siya noong isang daang taon na ang nakalipas kaysa sa kasalukuyang lakas ni Charlie.Pero kahit gano’n, handa si Vera na kunin ang panganib.“Alam mo na wala tayong pag-asa na mabuhay laban kay Fleur. Sigurado ka ba na gusto mong kunin ang panganib dito?” Tinanong nang seryoso ni Charlie.Tumango nang seryoso si Vera, nakatingin kay Charlie nang disidido habang sinabi, “Sa mahigit tatlong daang taon, iniwasan ko siya. Naging maingat ako sa punto na hindi na ako tumatapak sa kahit anong lugar na may kaugnayan sa kanya sa halos buong buhay ko. Pero ngayon, kahit alam ko na marahil ay pupun
Bukod dito, kung may mangyayari, mahihirapan siyang protektahan si Vera.Mukhang alam na ni Vera ang iniisip ni Charlie. Ngumiti siya at naunang magsalita at sinabi, “Darling, huwag kang mag-alala. Bihira lang magkaroon ng malakas na hangin sa Yorkshire Hill, at mas bihira pa dito sa taas. Bukod dito, sobrang ganda ng panahon ngayon. Isang gabi lang tayo mananatili, kaya walang kahit anong malakas na hangin. Kahit na mayroon, hindi ito abot sa atin.”Hindi inaasahan ni Charlie na may ganitong hilaw na ideya si Vera, kaya sinabi niya, “Sige, Darling, bumaba muna tayo sa bundok at pag-usapan ito sa daan.”“Okay!” Tumango nang kuntento si Vera, kinabit ang kanyang braso sa braso ni Charlie, at sinabi nang malambing, “Kung gano’n, kailangan nating magmadali. Natatakot ako na kung mahuhuli tayo, wala nang matitira na maayos na lugar!”Habang pababa ang dalawa sa bundok at nang silang dalawa na lang sa paligid, nagsalita si Charlie, “Miss Lavor, seryoso ka ba sa sinabi mo?”Sumagot nang
Hindi maiwasan ni Vera na ngumiti nang kaunti nang makita niya ang seryosong ekspresyon ni Charlie, at sinabi niya, “Young Master, kahit na kayang patayin ng mga close-defense missile si Mr. Jothurn, marahil ay hindi nila mapatay si Fleur. Bukod dito, si Fleur lang ang nakakaalam kung saan nag-cultivate si Master Marcius Stark. Young Master, mangyaring magtiis ka pa nang kaunti at huwag mong tapusin ang buhay ni Fleur dito.”Tumawa nang masaya si Charlie, “Sinasabi ko lang ang mga pakiramdam ko. Kahit na may makakapagdala ng mga close-defense missile dito, hindi ko magagamit ang mga ito dito.”Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Young Master, walang mga camera dito. Mangyaring hintayin mo ako saglit. Magbibigay galang ako sa mga ninuno ng mga Lavor.”Tumango sa maginoong paraan si Charlie at sinabi, “Hihintayin kita dito.”Ngumiti si Vera na parang humihingi siya ng tawad, pagkatapos ay naglakad sa malapit na gubat ng mga pine.Makalipas ang limang minuto, naglakad si Vera pa
Ngumiti si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala, hindi ako padalus-dalos na tao. Alam ko ang mga limitasyon ko.”Huminga nang maluwag si Vera, “Mabuti naman…”Pagkatapos nilang umakyat sa unang undok, inakyat nila ang bundok na parang likod ng isang pagong. Dahil ito ang ruta sa pangalawang bundok, marami pa rin ang mga tao dito tulad sa unang bundok.Ipinakilala ni Vera kay Charlie, “Parang likod ng isang pagong ang bundok na ito. Tinatawag itong Mount Turtle Back. Isa itong bihirang kayamanan na lupa dito. Noong isang lokal na pinuno ang lolo ko, nagsikap siya na piliin ang bundok na ito bilang ancestral tomb ng pamilya namin.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Ang buong bundok ba na ito ang ancestral tomb ng pamilya ng lolo mo?”Tumango si Vera at sinabi, “Tama. Maganda ang Feng Shui dito, parang isang dragon na nakapalibot sa bundok. Itinuturing ito na sobrang swerte. Ang pagpili sa lugar na para paglagyan ng ancestral tomb ay kayang biyayaan ang mga susunod na henerasyon
Nang bumalik si Vera sa Stoneridge makalipas ang mahigit tatlong daang taon, hindi na ito kagaya ng dati. Kahit na nandoon pa rin ang Ensel Bay, nabago na nang sobra ang hitsura nito dahil sa ilang siglo na pag-unlad kumpara sa nakaraang tatlong daang taon.Habang nakatayo sa malagong mga kalye ng Stoneridge, hindi tugma sa memorya ni Vera ang kasalukuyang eksena. Buti na lang, hindi malaki ang mga pagbabago sa bundok. Sa kabila ng ilang rurok na medyo minina, hindi nagbago masyado ang kabuuang tanawin.Pagkatapos itong makita ni Vera, natukoy niya na ang libingan ng kanyang ama ay matatagpuan sa hilagang-silangan ng kasalukuyang bayan ng Stoneridge, sa likod ng medyo mininang rurok at ang bundok na parang isang shell pagong.Iniwan nina Charlie at Vera ang kotse sa bayan at nagsuot ng magkaparehong sapatos na maagang inihanda ni Vera. Pagkatapos ay umakyat sila papunta sa mga bundok.Habang umaalis sila, tahimik na pinagana ni Charlie ang kanyang mental cultivation method, itinago
“Sa kalaunan, naisip ko rin na sa halip na tumakbo palagi, mas mabuti na iwan ko ang singsing kay Fleur para hindi na niya ako habulin at hayaan akong mabuhay nang payapa. Pero pagkatapos itong pag-isipan ulit, si Fleur ang pumatay sa aking ama. Kung magkokompromiso ako at magmamakaawa sa kanya, anong kaibahan namin ni Sanguine, na nagpapasok sa Qing dynasty? Magiging traydor kaming dalawa, kung gano’n.”Pagkatapos itong sabihin, sinabi ni Vera, “Pagkatapos maintindihan ang lahat ng ito, nagpasya ako na kahit gaano pa ito kahirap, dapat ay mabuhay ako. Kahit gaano pa ito kahirap, hindi ako pwedeng magkompromiso at sumuko kay Fleur. Basta’t mabubuhay ako, siguradong mabubuhay ako nang mas matagal kay Fleur. Sa sandaling iyon, ako ang mananalo sa huli.”Sinabi nang matatag ni Charlie, “Huwag kang mag-alala, siguradong mas tatagal ang buhay mo kaysa sa kanya.”Tumango nang tapat si Vera at sinabi, “Sigurado ako na mas tatagal ang buhay mo sa akin, Young Master. Pagkatapos kong mamatay,
Sa tuwing binabanggit si Sanguine, nagngangalit si Vera sa galit. Nang binanggit niya na walang nabuhay sa apat na tito at sa mga supling nila, napaiyak si Vera.Hindi inaasahan ni Charlie na sobrang lagim ng nangyari sa pamilya ng lolo ni Vera, at hindi niya maiwasan na bumuntong hininga habang sinabi, “Sa panahon na iyon, ang mga buhay ay kasing liit ng mga damo at dahon. Maraming pamilya na tumagal ng daang-daang taon o kahit libo-libong taon ang naputol sa panahon na iyon.”Kinuyom ni Vera ang mga kamao niya at nagngalit, sinasabi, “Ang lahat ng ito ay dahil sa traydor na iyon, si Sanguine!”Nang sinabi ang mga ito, nagpakita siya ng isang mabangis na ugali na bihira niyang ipinapakita, at sinabi nang mabagal, “Naging tapat ang mga Lavor sa maraming henerasyon! Ibinuhos ng mga ninuno ko ang lahat para pagsilbihan ang bansa, at sumali pa sa militar ang aking ama, nilabanan ang Qing Dynasty sa kalahati ng buhay niya, hindi nakalimutan na suportahan ang Oskia. Pero, hindi lang pina
Tumango nang marahan si Charlie, “Okay, salamat sa pagsisikap mo.”-Nang dumating ang eroplano ni Fleur sa Melbourne, nakaalis na sa Aurous Airport ang eroplano na sinakyan nina Charlie at Vera, papunta sa malayong Londel na mahigit isang libong kilometro ang layo.Habang lumilipad ang eroplano sa kanluran, nawala na ang dating sigla at kulit ni Vera. Sumandal siya panandalian sa balikat ni Charlie, at pagkatapos ay para bang nawalan ng focus ang kanyang mga mata habang nakatingin sa labas ng bintana.Nakikita ni Charlie na may mali sa kanya, at naiintindihan niya nang mabuti ang kalagayan niya ngayon. Dahil, sa mundong ito, walang sino man ang mas angkop na mangulila sa tahanan kaysa kay Vera.Isa siyang dalaga na mahigit tatlong daang taon nang hindi nakakauwi, at sa wakas ay pauwi na siya. Ang kahit sino ay makakaramdam ng magkahalong mga emosyon.Makalipas ang mahigit dalawang oras, dumating ang eroplano sa Londel Airport. Nang bumaba si Vera sa eroplano, medyo nanghina nang