Nang makita niya na hindi na siya sinasagot ni Sophie, bumuntong hininga nang kaunti si Helen bago niya sinabi sa seryosong boses, “Sophie, kailangan mong maintindihan na ang lahat ng bituin sa dalawang trilyong galaxy o mas marami pa ay may sariling tuntunin sa paggana nila. Paano pa ang buhay ng bilyong-bilyong tao?”Pagkatapos nito, nakahalukipkip si Helen bago sinabi nang tapat, “Dati ay pumupunta ako sa templo para magsunog ng insenso at sambahin ang Buddha. Pero, palagi niyong iniisip ng ama mo na sobrang mapamahiin ako. Kahit ano pa, tinuro ng Buddhism sa amin na tingnan ang mundo bilang isang butil ng buhangin!”“Kahit na isa lang itong buhangin, walang hanggan ang loob nito!”“Kung ikukumpara, ang galaxy ay parang isang butil lang din ng buhangin sa buong daigdig, pero may malaking mundo rin ito sa loob nito.”“Ang hangarin ng divination at panghuhula ay sabihin ang totoo sa mga tao. Ang lahat ay may sariling tuntunin, mula sa buhangin at sa mga bituin. Kahit na hindi mo i
‘Pero, may tiyak na pahayag na si Mama. Ayon sa pagkakaintindi ko sa kanya, kahit na sobrang marahan at madaling pakisamahan si Mama, sa sandaling nagdesisyon siya, wala nang lugar para makiusap…’‘Kaya, kung ipagpipilitan ko na hanapin ang tagapagligtas ko ngayon, siguradong ipapadala ako ni mama sa United States tulad ng sinabi niya…’‘Sa sandaling iyon, kung nasa United States ako, magiging libo-libong milya ang layo ko sa Oskia. At mas magiging imposible para sa akin na hanapin ang tagapagligtas ko…’‘Kaya, wala akong magagawa kundi magsinungaling muna sa mama ko para maging magaan ang pakiramdam niya… bago ko palihim na hanapin siya…’Hindi alam ni Helen ang tumatakbo sa isipan ng kanyang anak sa sandaling ito. Kaya, gumaan ang pakiramdam niya sa sandaling narinig niya na handang isuko ni Sophie ang paghahanap sa kanyang tagapagligtas.Kaya, tumingin si HElen kay Jaime bago niya sinabi sa seryosong tono, “Jaime, Adel ang gitnang pangalan mo dahil ang ibig sabihin nito ay isa
Gusto munang manatili ni Helen sa Aurous Hill.Hindi lang ito dahil namimiss niya si Curtis, ngunit gusto niya talaga ang payapa at mahalumigmig na siyudad sa tabi ng ilog.At saka, iniisip niya pa rin ang lumang mansyon na dating tirahan ni Curtis.Gusto niyang manatili sa Aurous Hill para mabili niya ang lumang mansyon. Pagkatapos, irerenovate niya ito nang mabuti.Kung walang espesyal sa mangyayari sa hinaharap, balak pa ni Helen na tumira sa Aurous Hill.Pinakasalan ni Helen si Sheldon dahil nawala na ang lahat ng kumpiyansa at pag-asa niya sa pagmamahal at relasyon pagkatapos makita ang lalaking pinakamamahal niya na ikasal sa ibang babae.Pero, kahit na pinakasalan niya si Sheldon, naramdaman lang ni Helen ang pagsuyo ng pamilya sa kanya at hindi pagmamahal.Sa sandaling nalaman niya ang pagtataksil ni Sheldon sa kasal nila, nawala rin agad ang pagsuyo niya bilang pamilya kay Sheldon.Kaya, kahit na hindi pa siya opisyal na divorce kay Sheldon, nagpasya na siya sa puso ni
Habang nagsasalit siya, sinabi ulit ni Jaime, “Oh! Hindi pa naman ako aalis sa Aurous Hill. Magsisimula na ang concert ni Miss Golding. Gusto kong manatili sa Aurous Hill para maghanda para sa concert, at babalik lang ako sa Eastcliff pagkatapos ng concert.”Hinding-hindi inaasahan ni Sophie na napakagaling ng kapatid niya sa pagdagdag sa kamalasan niya at pag-atake sa kanya habang tumba na siya.Tumingin siya nang masama kay Jaime bago sinabi kay Helen, “Ma, hindi ako nagdala ng sapat na damit ngayon. At saka, wala ang mga pang araw-araw na mga gamit ko dito. Ayos lang kung mananatili ako ng tatlo o limang araw sa Aurous Hill. Pero, sobrang mahihirapan ako na manatili dito nang matagal…”Sumagot nang walang pakialam si Helen, “Oh, sobrang simple lang nito. Libre lang din ang mga maid sa bahay. Sasabihan ko sila na iempake ang mga gamit mo at dalhin dito.”Habang nagsasalita siya, nagpatuloy si Helen, “Pwede mong sabihin sa akin kung may iba ka pang kailangan. Tutulungan kitang lut
Habang pansamantalang tinatago ni Sophie ang kanyang panloob na udyok habang nagpasya siyang manatili sa Aurous Hill, sobrang nababalisa pa rin si Wendy at kinakabahan habang abala siya sa Mallow Stenhouse Etiquette Corporation. Sa sandaling ito, takipsilim na at opisyal nang nakuha ni Wendy ang Mallow Stenhouse Etiquette Corporation sa hapon.Para hindi mabigo si Charlie, ginamit agad ni Wendy ang buong hapon para bilangin nang maingat ang lahat ng account sa Mallow Stenhouse Etiquette Corporation simula noong itinayo ito.Nilista niya ang lahat ng hostess na niloko ng Mallow Stenhouse Etiquette Corporation bago suriin ang nalugi nila ayon sa mga tala sa pagpunta nila sa iba’t ibang event at aktibidad. Pagkatapos nito, kinalkula niya ang kabuuang dami ng kabayaran na ibibigay niya sa mga taong ito.Pagkatapos, tinawagan agad ni Wendy ang lahat ng hostess na katulong niya pati na rin ang mga hostess na dating nagtatrabaho sa kumpanya at pinabalik sila sa kumpanya para sa isang mee
Nang makita ni Wendy na natanggap na ng lahat ang mensahe, patuloy siyang nagsalita, “Pinatawag ko ang lahat dito ngayong araw dahil may ilang bagay ako na gustong i-anunsyo sa inyo.”“Ang unang bagay ay binayaran na nina Hebron Lawry at Xavia Carter ang bahagi ng pera na dinaya niya sa lahat!”Sa sandaling sinabi ito ni Wendy, nagkagulo ang eksena!Sinabi ng isa sa mga babae, “Ano?! Binayaran na nina Hebron at Xavia ang pera? Totoo ba? Paano babayaran ng dalawang mapagsamantalang taong ito ang pera? Paano iyon posible?”Sumagot nang seryoso si Wendy, “Totoo nga ito. Pinadala na ng bayaw na lalaki ko silang dalawa sa isang karaoke bar para kumita ng pera upang pagbayaran ang kasamaan nila. Magtatrabaho bilang isang bar girl si Xavia, at magtatrabaho si Hebron sa malapit. Nasa bar sila ngayon ni Chief Jay. Naniniwala ako na magsisimula sila ngayong gabi. Pwede niyo itong itanong kung may kakilala kayo na nagtatrabaho doon.”Agad nilabas ng ilang hostess ang kanilang cell phone. Ila
Hindi maiwasang mahiya nang kaunti ni Wendy habang napapalibutan siya ng dumadagundong na palakpakan at hiyawan. Pinakalma muna nang kaunti ni Wendy ang kanyang sarili bago siya nagpatuloy, “Ang pangatlong bagay ay patuloy na tatakbo ang Mallow Stenhouse Etiquette Corporation sa ilalim ng bagong modelo. Ganito ang ideya ng operasyon…”May nasa tatlong daang babae na nandoond, at lahat sila ay sabik sa susunod na sasabihin niya sa sandaling ito.Nagpatuloy si Wendy sa seryosong tono, “Una sa lahat, patuloy na magbibigay ng etiquette service ang Mallow Stenhouse Etiquette Corporation para sa mga major enterprise, institution, at individual establishment sa Aurous Hill, tulad ng dati. Babae tayong lahat, at lahat tayo ay halos may pare-parehong karanasan. Kaya, maituturing na magkakapatid na tayo. Kung gustong magpatuloy ng mga ate ko sa industriya na ito, sana ay piliin niyo na magpatuloy at makipagtulungan sa Mallow Stenhouse Etiquette Corporation.”“Pangalawa, pinapangako ko nang so
“Kung gano’n, kapag nagsimula na tayo, marahil ay ilang empleyado ay hindi magagamit ang libreng shuttle service na ito…”“Uunahin ng shuttle service natin ang mga empleyado na nagtatrabaho sa malayo o ang kailangang magtrabaho nang maaga.”“Pero, pinapangako ko sa mga sister ko na pagkatapos kumita ng mas maraming pera ang kumpanya sa hinaharap, siguradong patuloy tayong bibili at magbibigay ng mas maraming transportasyon!”“Sa huli, makakagawa tayo ng sarili nating armada. Masisigurado natin na ang bawat isa sa mga sister natin ay masusunod at mahahatid sa venue ng event kahit na malamig, mainit, mahangin, o maulan pa ang panahon!”Nang sinabi niya ito, binati ulit si Wendy ng dumadagundong na palakpakan!Maraming babae ang namumula ang mga mata dahil sa sabik!Ang dahilan kung bakit nila piniling maging hostess ay dahil wala silang ibang kasanayan o kwalipikasyon.Bukod dito, hindi sila nanggaling sa isang maganda o maayos na pamilya.Kailangan nilang magtrabaho mula madalin
Tulad ng sinabi ni Vera, sa buong buhay niya, hindi niya kayang maghiganti kay Fleur gamit ang lakas niya, pero kaya niyang harapin si Fleur gamit ang matinding tapang. Marahil ay ang pinakamagandang paraan para harapin niya si Fleur ngayon ay huwag mapansin ni Fleur na malapit siya sa kanya.Kaya, medyo naimpluwensyahan din si Charlie sa kanya at sinabi, “Kung gano’n, hindi na natin kailangan kumuha ng tao para palihim na maglagay ng mga monitoring equipment. Sasamahan kita dito at hihintayin si Fleur. Gusto kong makita kung sino ba talaga ang Fleur na ito!”Tinanong ni Vera sa sorpresa, “Young Master, sasamahan mo talaga ako?”Tumango si Charlie. “Oo.”Sinabi nang seryoso ni Vera, “Parang maglalakad tayo sa isang lubid sa bangin. Nakamamatay ang isang kamalian.”Tumawa si Charlie at sinabi, “Kung hindi ka takot, bakit ako matatakot?”Ngumiti nang bahagya si Vera, at puno ng katapatan ang kanyang mga mata habang sinabi, “Kuntento ako sa mga sinabi mo, Young Master, pero hindi ak
Hindi inaasahan ni Charlie na si Vera, na mukhang mahina at walang masyadong karanasan, ay may ganitong tapang. Malinaw na alam niya na hindi nila kayang tapatan ni Fleur. Sa sandaling magkita sila, halos sigurado na mamamatay sila.Dahil, dati, sinabi ni Ruby sa kanila na nabuksan na ni Fleur ang kanyang elixir field, mahigit isang daang taon na ang nakalipas, at ang ibig sabihin ay mas malakas na siya noong isang daang taon na ang nakalipas kaysa sa kasalukuyang lakas ni Charlie.Pero kahit gano’n, handa si Vera na kunin ang panganib.“Alam mo na wala tayong pag-asa na mabuhay laban kay Fleur. Sigurado ka ba na gusto mong kunin ang panganib dito?” Tinanong nang seryoso ni Charlie.Tumango nang seryoso si Vera, nakatingin kay Charlie nang disidido habang sinabi, “Sa mahigit tatlong daang taon, iniwasan ko siya. Naging maingat ako sa punto na hindi na ako tumatapak sa kahit anong lugar na may kaugnayan sa kanya sa halos buong buhay ko. Pero ngayon, kahit alam ko na marahil ay pupun
Bukod dito, kung may mangyayari, mahihirapan siyang protektahan si Vera.Mukhang alam na ni Vera ang iniisip ni Charlie. Ngumiti siya at naunang magsalita at sinabi, “Darling, huwag kang mag-alala. Bihira lang magkaroon ng malakas na hangin sa Yorkshire Hill, at mas bihira pa dito sa taas. Bukod dito, sobrang ganda ng panahon ngayon. Isang gabi lang tayo mananatili, kaya walang kahit anong malakas na hangin. Kahit na mayroon, hindi ito abot sa atin.”Hindi inaasahan ni Charlie na may ganitong hilaw na ideya si Vera, kaya sinabi niya, “Sige, Darling, bumaba muna tayo sa bundok at pag-usapan ito sa daan.”“Okay!” Tumango nang kuntento si Vera, kinabit ang kanyang braso sa braso ni Charlie, at sinabi nang malambing, “Kung gano’n, kailangan nating magmadali. Natatakot ako na kung mahuhuli tayo, wala nang matitira na maayos na lugar!”Habang pababa ang dalawa sa bundok at nang silang dalawa na lang sa paligid, nagsalita si Charlie, “Miss Lavor, seryoso ka ba sa sinabi mo?”Sumagot nang
Hindi maiwasan ni Vera na ngumiti nang kaunti nang makita niya ang seryosong ekspresyon ni Charlie, at sinabi niya, “Young Master, kahit na kayang patayin ng mga close-defense missile si Mr. Jothurn, marahil ay hindi nila mapatay si Fleur. Bukod dito, si Fleur lang ang nakakaalam kung saan nag-cultivate si Master Marcius Stark. Young Master, mangyaring magtiis ka pa nang kaunti at huwag mong tapusin ang buhay ni Fleur dito.”Tumawa nang masaya si Charlie, “Sinasabi ko lang ang mga pakiramdam ko. Kahit na may makakapagdala ng mga close-defense missile dito, hindi ko magagamit ang mga ito dito.”Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Young Master, walang mga camera dito. Mangyaring hintayin mo ako saglit. Magbibigay galang ako sa mga ninuno ng mga Lavor.”Tumango sa maginoong paraan si Charlie at sinabi, “Hihintayin kita dito.”Ngumiti si Vera na parang humihingi siya ng tawad, pagkatapos ay naglakad sa malapit na gubat ng mga pine.Makalipas ang limang minuto, naglakad si Vera pa
Ngumiti si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala, hindi ako padalus-dalos na tao. Alam ko ang mga limitasyon ko.”Huminga nang maluwag si Vera, “Mabuti naman…”Pagkatapos nilang umakyat sa unang undok, inakyat nila ang bundok na parang likod ng isang pagong. Dahil ito ang ruta sa pangalawang bundok, marami pa rin ang mga tao dito tulad sa unang bundok.Ipinakilala ni Vera kay Charlie, “Parang likod ng isang pagong ang bundok na ito. Tinatawag itong Mount Turtle Back. Isa itong bihirang kayamanan na lupa dito. Noong isang lokal na pinuno ang lolo ko, nagsikap siya na piliin ang bundok na ito bilang ancestral tomb ng pamilya namin.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Ang buong bundok ba na ito ang ancestral tomb ng pamilya ng lolo mo?”Tumango si Vera at sinabi, “Tama. Maganda ang Feng Shui dito, parang isang dragon na nakapalibot sa bundok. Itinuturing ito na sobrang swerte. Ang pagpili sa lugar na para paglagyan ng ancestral tomb ay kayang biyayaan ang mga susunod na henerasyon
Nang bumalik si Vera sa Stoneridge makalipas ang mahigit tatlong daang taon, hindi na ito kagaya ng dati. Kahit na nandoon pa rin ang Ensel Bay, nabago na nang sobra ang hitsura nito dahil sa ilang siglo na pag-unlad kumpara sa nakaraang tatlong daang taon.Habang nakatayo sa malagong mga kalye ng Stoneridge, hindi tugma sa memorya ni Vera ang kasalukuyang eksena. Buti na lang, hindi malaki ang mga pagbabago sa bundok. Sa kabila ng ilang rurok na medyo minina, hindi nagbago masyado ang kabuuang tanawin.Pagkatapos itong makita ni Vera, natukoy niya na ang libingan ng kanyang ama ay matatagpuan sa hilagang-silangan ng kasalukuyang bayan ng Stoneridge, sa likod ng medyo mininang rurok at ang bundok na parang isang shell pagong.Iniwan nina Charlie at Vera ang kotse sa bayan at nagsuot ng magkaparehong sapatos na maagang inihanda ni Vera. Pagkatapos ay umakyat sila papunta sa mga bundok.Habang umaalis sila, tahimik na pinagana ni Charlie ang kanyang mental cultivation method, itinago
“Sa kalaunan, naisip ko rin na sa halip na tumakbo palagi, mas mabuti na iwan ko ang singsing kay Fleur para hindi na niya ako habulin at hayaan akong mabuhay nang payapa. Pero pagkatapos itong pag-isipan ulit, si Fleur ang pumatay sa aking ama. Kung magkokompromiso ako at magmamakaawa sa kanya, anong kaibahan namin ni Sanguine, na nagpapasok sa Qing dynasty? Magiging traydor kaming dalawa, kung gano’n.”Pagkatapos itong sabihin, sinabi ni Vera, “Pagkatapos maintindihan ang lahat ng ito, nagpasya ako na kahit gaano pa ito kahirap, dapat ay mabuhay ako. Kahit gaano pa ito kahirap, hindi ako pwedeng magkompromiso at sumuko kay Fleur. Basta’t mabubuhay ako, siguradong mabubuhay ako nang mas matagal kay Fleur. Sa sandaling iyon, ako ang mananalo sa huli.”Sinabi nang matatag ni Charlie, “Huwag kang mag-alala, siguradong mas tatagal ang buhay mo kaysa sa kanya.”Tumango nang tapat si Vera at sinabi, “Sigurado ako na mas tatagal ang buhay mo sa akin, Young Master. Pagkatapos kong mamatay,
Sa tuwing binabanggit si Sanguine, nagngangalit si Vera sa galit. Nang binanggit niya na walang nabuhay sa apat na tito at sa mga supling nila, napaiyak si Vera.Hindi inaasahan ni Charlie na sobrang lagim ng nangyari sa pamilya ng lolo ni Vera, at hindi niya maiwasan na bumuntong hininga habang sinabi, “Sa panahon na iyon, ang mga buhay ay kasing liit ng mga damo at dahon. Maraming pamilya na tumagal ng daang-daang taon o kahit libo-libong taon ang naputol sa panahon na iyon.”Kinuyom ni Vera ang mga kamao niya at nagngalit, sinasabi, “Ang lahat ng ito ay dahil sa traydor na iyon, si Sanguine!”Nang sinabi ang mga ito, nagpakita siya ng isang mabangis na ugali na bihira niyang ipinapakita, at sinabi nang mabagal, “Naging tapat ang mga Lavor sa maraming henerasyon! Ibinuhos ng mga ninuno ko ang lahat para pagsilbihan ang bansa, at sumali pa sa militar ang aking ama, nilabanan ang Qing Dynasty sa kalahati ng buhay niya, hindi nakalimutan na suportahan ang Oskia. Pero, hindi lang pina
Tumango nang marahan si Charlie, “Okay, salamat sa pagsisikap mo.”-Nang dumating ang eroplano ni Fleur sa Melbourne, nakaalis na sa Aurous Airport ang eroplano na sinakyan nina Charlie at Vera, papunta sa malayong Londel na mahigit isang libong kilometro ang layo.Habang lumilipad ang eroplano sa kanluran, nawala na ang dating sigla at kulit ni Vera. Sumandal siya panandalian sa balikat ni Charlie, at pagkatapos ay para bang nawalan ng focus ang kanyang mga mata habang nakatingin sa labas ng bintana.Nakikita ni Charlie na may mali sa kanya, at naiintindihan niya nang mabuti ang kalagayan niya ngayon. Dahil, sa mundong ito, walang sino man ang mas angkop na mangulila sa tahanan kaysa kay Vera.Isa siyang dalaga na mahigit tatlong daang taon nang hindi nakakauwi, at sa wakas ay pauwi na siya. Ang kahit sino ay makakaramdam ng magkahalong mga emosyon.Makalipas ang mahigit dalawang oras, dumating ang eroplano sa Londel Airport. Nang bumaba si Vera sa eroplano, medyo nanghina nang