Nang makita ni Wendy na natanggap na ng lahat ang mensahe, patuloy siyang nagsalita, “Pinatawag ko ang lahat dito ngayong araw dahil may ilang bagay ako na gustong i-anunsyo sa inyo.”“Ang unang bagay ay binayaran na nina Hebron Lawry at Xavia Carter ang bahagi ng pera na dinaya niya sa lahat!”Sa sandaling sinabi ito ni Wendy, nagkagulo ang eksena!Sinabi ng isa sa mga babae, “Ano?! Binayaran na nina Hebron at Xavia ang pera? Totoo ba? Paano babayaran ng dalawang mapagsamantalang taong ito ang pera? Paano iyon posible?”Sumagot nang seryoso si Wendy, “Totoo nga ito. Pinadala na ng bayaw na lalaki ko silang dalawa sa isang karaoke bar para kumita ng pera upang pagbayaran ang kasamaan nila. Magtatrabaho bilang isang bar girl si Xavia, at magtatrabaho si Hebron sa malapit. Nasa bar sila ngayon ni Chief Jay. Naniniwala ako na magsisimula sila ngayong gabi. Pwede niyo itong itanong kung may kakilala kayo na nagtatrabaho doon.”Agad nilabas ng ilang hostess ang kanilang cell phone. Ila
Hindi maiwasang mahiya nang kaunti ni Wendy habang napapalibutan siya ng dumadagundong na palakpakan at hiyawan. Pinakalma muna nang kaunti ni Wendy ang kanyang sarili bago siya nagpatuloy, “Ang pangatlong bagay ay patuloy na tatakbo ang Mallow Stenhouse Etiquette Corporation sa ilalim ng bagong modelo. Ganito ang ideya ng operasyon…”May nasa tatlong daang babae na nandoond, at lahat sila ay sabik sa susunod na sasabihin niya sa sandaling ito.Nagpatuloy si Wendy sa seryosong tono, “Una sa lahat, patuloy na magbibigay ng etiquette service ang Mallow Stenhouse Etiquette Corporation para sa mga major enterprise, institution, at individual establishment sa Aurous Hill, tulad ng dati. Babae tayong lahat, at lahat tayo ay halos may pare-parehong karanasan. Kaya, maituturing na magkakapatid na tayo. Kung gustong magpatuloy ng mga ate ko sa industriya na ito, sana ay piliin niyo na magpatuloy at makipagtulungan sa Mallow Stenhouse Etiquette Corporation.”“Pangalawa, pinapangako ko nang so
“Kung gano’n, kapag nagsimula na tayo, marahil ay ilang empleyado ay hindi magagamit ang libreng shuttle service na ito…”“Uunahin ng shuttle service natin ang mga empleyado na nagtatrabaho sa malayo o ang kailangang magtrabaho nang maaga.”“Pero, pinapangako ko sa mga sister ko na pagkatapos kumita ng mas maraming pera ang kumpanya sa hinaharap, siguradong patuloy tayong bibili at magbibigay ng mas maraming transportasyon!”“Sa huli, makakagawa tayo ng sarili nating armada. Masisigurado natin na ang bawat isa sa mga sister natin ay masusunod at mahahatid sa venue ng event kahit na malamig, mainit, mahangin, o maulan pa ang panahon!”Nang sinabi niya ito, binati ulit si Wendy ng dumadagundong na palakpakan!Maraming babae ang namumula ang mga mata dahil sa sabik!Ang dahilan kung bakit nila piniling maging hostess ay dahil wala silang ibang kasanayan o kwalipikasyon.Bukod dito, hindi sila nanggaling sa isang maganda o maayos na pamilya.Kailangan nilang magtrabaho mula madalin
Tagumpay na nakuha ni Wendy ang unang hakbang para kunin ang q1 sa suporta ng lahat ng hostess.Patuloy na naging abala si Wendy sa kumpanya hanggang sa maggabi na bago niya nag-aalangan na sinakyan ang huling bus habang dala-dala ang kanyang pagod na katawang pabalik sa villa sa Thompson First.Simula noong nagtrabaho si Wendy, bihira na lang magutom ang pamilya Wilson. Sa wakas ay may kanina na sila sa bahay. Hindi niya kayang pakainin si Lady Wilson at ang walang kwentang sina Christopher at Harold ng karne o gulay, pero kahit papaano, kaya niyang magluto ng isang palayo ng puting kanin para mapakain at matugunan ang gutom nila.Nang umuwi si Wendy, katatapos lang pakainin ni Lady Wilson sina Christopher at Harold. Gumawa siya ng kalahating mangkok ng rice gamit ang kumukulong tubig para sa sarili niya, at nilagyan niya ito ng asin bago siya kumain nang mag-isa.Nang makita niya na nakauwi na si Wendy, hindi niya maiwasang magreklamo nang kaunti. “Wendy, bakit gabing-gabi ka na
Napaiyak si Harold. “Lola, sa wakas ay makakakain na ako ng ilang karne araw-araw…”“Oo…” Bumuntong hininga si Lady Wilson bago sinabi, “Pagkatapos niyong gumaling ng papa mo, dapat maghanap din kayo ng trabaho. Hindi ako mangangahas na umasa na kikita kayo ng malaki, pero kung kikita kayong dalawa ng lima o anim na libong dolyar kada buwan, higit pa sa sapat iyon. Kapag dumating ang oras, magkakaroon ng labinlima o labing anim na libong dolyar na kita ang pamilya natin kada buwan. Kapag nangyari iyon, matatapos na ang pinakamahirap na pagsubok natin!”Hindi maiwasang maging mapanglaw nang kaunti ni Wendy nang marinig niya ito.Inisip niya, ‘Hindi sobrang yaman ng pamilya Wilson dati, pero may sampu-sampung milyon o kahit daang-daang milyong dolyar kami na asset dati…’‘Sa panahong iyon, gagastos ang pamilya namin ng sampu-sampung libong dolyar o mas marami kada buwan para lang sa pagkain.’‘Pero, walang kunteto sa amin dati. Palagi naming nararamdaman na hindi sapat ang pagkain,
Idinagdag ni Charlie, “Tandaan mo na imbitahin din si Doris, ang vice-chairman ng Emgrand Group.”Sumagot agad si Graham, “Okay, Master Wade.Tatawagan ko si Miss Young para ipaalam ang tungkol dito.”Sumagot si Charlie, “Aabalahin kita na ayusin ang lahat para sa akin kung gano’n.”Sumagot agad nang magalang si Graham, “Master Wade, hindi na talaga kailangan ng pormalidad sa ating dalawa! Pwede mo akong utusan nang walang pag-aalinlangan!”Bahagyang humuni si Charlie bago siya ngumiti at sinabi, “Kapag dumating ang oras, maaga akong pupunta sa bahay niyo para gabayan si Aurora. Sa parehong oras, gusto rin kitang bigyan ng maliit na regalo.”Nang marinig ito ni Graham, nasabik siya nang sobra sa punto na nanginginig na ang boses niya. Hula niya na marahil ay balak siyang bigyan ni Charlie ng Rejuvenating Pill. Puno siya ng hindi makontrol na pananabik habang sinabi, “Maraming salamat, Master Wade!”Bahagyang tumawa si Charlie bago sinabi, “Masyado kang magalang. Magkita tayo bukas
Wala masyadong opinyon si Charlie tungkol kay Wendy.Sa una, inisip niya tulungan siya nang kaunti sa pamamagitan ng pagbigay ng kaunting pera sa kanya para lutasin ang mahirap na sitwasyon niya dahil sa tapat na pagsisisi niya.Pero pagkatapos niyang mapagtanto na inaapi siya at nalaman ang kasamaan nina Hebron at Xavia, nagkaroon ng ideya si Charlie na tulungan ang lipunan na tanggalin ang mga masamang tao na ito.Kaya, sumabay siya sa agos at pinasa ang q1 ni Heron kay Wendy para pamahalaan niya.Pero, maingat at nag-aalala si Charlie para kay Wendy. Kaya, nilinaw niya na kahit na siya ang namamahala sa kumpanya, sampung libong Oskian dollars lang ang magiging buwanan na sahod niya.Ang dahilan kung bakit niya ginawa ito ay para limitahan ang kanyang sahod at awtoridad, para maging kontento siya at hindi siya maging mayabang.Sa kabilang dako, hindi inisip ni Wendy ang lahat ng ito. Para tulungan siya ni Charlie sa ganitong antas, sobrang kuntento na siya. Ang gusto niya lang
“Ahh!” Napabulalas si Claire at napagtanto na bigla siyang inatake ni Charlie. Mabilis siyang nagpanggap na natakot at sinabi, “Ah! Sobrang bait ko na pakainin ang isang maliit tuta, pero kinagat ako!”Binuksan ni Charlie ang kanyang bibig. Habang kumakain siya ng strawberry, sinabi niya, “Kung maliit na tuta ako, ano ka naman?”Naglabas ng masayang huni si Claire at sumagot, “Dahil ako ang nagpakain sa isang maliit na tuta, ako ang may-ari ng maliit na tuta!”Tumawa si Charlie, “Kung ako ang maliit na tuta, ikaw ang buto na dala-dala ko sa bibig ko.”Tumawa si Claire, “Ang ‘bait’ mo naman na ilarawan ako bilang buto…”Sumagot nang seryoso si Charlie, “Alam mo ba na ang mga buto ang pinaka pinoprotektahan ng mga maliliit na tuta? Kahit na mahulog ang langit, hindi ito pakakawalan ng maliit na tuta. Kung may mangangahas na agawin ang buto, ibibigay ng maliit ng tuta ang lahat ng makakaya niya para ipagtanggol ito!”Nang makita ang seryosong ekspresyon ni Charlie, naantig si Claire
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro