Dati, sa kabataan ni Lord Moore, lagi siyang agresibo sa kanyang mga desisyon. Hindi madaling sirain ang loob niya.Sa mga araw na iyon, naroroon na si Oscar sa tabi ni Lord Moore. Personal niyang nasaksihan na magawang lagpasan ni Lord Moore ang lahat ng hadlang sa kanyang daan at makamit ang kanyang mga ambisyon.Sa tuwing may gagawing malaking desisyon si Lord Moore, laging ganito ang itsura niya. Determinado ang kanyang mga mata at matatag ang kanyang loob.Agad na pumunta si Oscar sa opisina ng matanda. Pagkatapos siyang hintayin ni Lord Moore na isara ang pinto, nagulantang si Oscar sa unang pangungusap na lumabas sa bibig ng kanyang master!“Oscar, gusto kong i-activate mo ang lahat ng monitoring at surveillance systems sa bahay. Mula sa araw na ito, gusto kong gamitin ang monitor para bantayan ang bawat kilos ni Tyler!”Natigilan si Oscar nang marinig ito!Bago pa lumipat si Lord Moore sa villa na ito, espesyal siyang inutusan ni Lord Moore na maghanap ng pinakamagaling n
Maikukumpara ang pangangasiwa ng isang malaking pamilya sa pagpapatakbo ng isang bansa.Masasabing pareho ang politika sa pagitan ng mga mayayamang pamilya sa mga alitan sa pagitan ng mga sinaunang prinsipe na mababasa lang mga libro ng kasaysayan.Hindi mag-aalangan ang mga prinsipe na patayin ang mga kapatid nila o sarili nilang ama para lang makuha ang trono.Hindi naman kakaiba ang ganitong bagay sa lipunan ngayon, lalo na sa mga makapangyarihang pamilya na may assets na hihigit sa 100 milyon.Kahit nagkakaisa at maganda naman ang pakikitungo ng mga anak ni Lord Moore sa isa’t isa, naghanda pa rin si Lord Moore sakaling mangyari ang isang bagay na hindi inaasahan.Ngayon, siguradong makakatulong sa kanya ang internal monitoring system na inihanda niya.Agad na naglakad si Oscar papunta sa malapit na bookshelf. Sumunod, pinindot niya ang isang sikretong switch. Pagkatapos, gumalaw ang bookshelf papunta sa kaliwa. Nang magbukas ito, makikita ang isang malaking display na nakadi
Habang nakahiga sa kama si Tyler, sinagot niya ang tawag habang tumatawa, “Reuben, nasa bahay na ako. Tama iyan. Huwag kang mag-alala. Wala namang napansing kakaiba ang matandang ‘yon sa akin. Hindi rin maganda ang pakiramdam niya dahil pagod na pagod na siguro siya sa pag-aalala kay Jasmine. Bumalik na siya sa kwarto niya para magpahinga.”Sa pagkakataong ito, maririnig rin mula sa high-quality microphone ang boses ni Reuben mula sa kabilang linya. Nagtanong si Reuben, “Papa, kailan mo ba mapapa-inom ang drug sa matandang iyon?”Ngumiti si Tyler saka siya sumagot, “Huwag kang mag-alala. Sa ngayon, hindi pa ako nakakahanap ng tamang oras. Pero, inutusan ko na ang chef para maghanda ng isang mangkok ng bird’s nest para sa lolo mo. Ako ang kukuha ng pagkain niya mula sa kusina. Pagkatapos, ilalagay ko ang drug sa bird’s nest saka ko ito dadalhin sa kwarto ng lolo mo. Mananatili ako roon at hihintayin kong ubusin niya ang sabaw sa harap ko!”Agad na nagtanong ulit si Reuben, “Papa, gaa
Nang marinig ni Oscar ang mga utos ni Lord Moore, hindi siya nag-alangan at agad siyang tumango, “Lord Moore, huwag kang mag-alala. Makakasiguro kang tatandaan ko ang lahat ng mga sinabi mo!”Sa pagkakataong iyon, nakaramdam ng panatag si Lord Moore. Kumaway siya nang mahina saka siya nagsalita, “Oscar, pakiramdam ko pagod na ako. Mauna ka muna. Alam kong marami ka pang gagawin. Magpapahinga muna ako.”Kinakabahang tumugon si Oscar, “Lord Moore, bakit hindi muna kayo magpahinga sa kama niyo? Babantayan ko ang sala sa labas. Hindi talaga ako mapakali dahil sa nangyayari…”Napangiwi ang mga labi ni Lord Moore saka siya nagtanong, “Natatakot ka bang wala ka sa tabi ko kapag binigay nila ang medisina?”“Oo…” Namumula ang mga mata ni Oscar at seryoso ang boses niya. “Lord Moore, kahit alam kong makapangyarihan si Master Wade, pagdating sa ganitong bagay, sa totoo lang, natatakot akong may mangyaring masama…”Ngumiti si Lord Moore nang walang emosyon, “Huwag kang mag-alala. Ngayong wala
Kapag ininom na ni Lord Moore ang medisinang inilagay ni Tyler sa bird’s nest bago pa man makabalik si Charlie, magiging isang pasyente na lang siya ayon sa mga plano ng anak niya.Hindi dapat marunong gumamit ng cellphone ang isang pasyenteng may Alzheimer’s disease. Kaya, mula sa pagkakataong ito, hindi muna mahahawakan ni Lord Moore ang cellphone niya.Sa huli, napagpasyahan ni Lord Moore na alisin ang software sa cellphone niya bilang pag-iingat.Pagkatapos, kinuha ni Lord Moore ang Rejuvenating Pill saka siya humiwa ng kapiraso nito. Itinimpla niya ito sa tubig at direkta niya itong ininom.Hindi nagtagal, bumalik siya sa kama para humiga.Sa pagkakataong ito, nagliwanag ang visual screen malapit sa headboard ng kama. Makikita sii Tyler sa imahe. Sumunod, isang mahimig na tunog ang maririnig.Ito ang doorbell sa kwarto ni Lord Moore.Dahil malaki ang suite ni Lord Moore, sa tuwing nasa opisina siya o bedroom, hindi niya maririnig ang kahit anong katok mula sa labas. Kaya,
Hindi mapigilang makonsensya ni Tyler nang kaunti nang makita niya ang buntong hininga ni Lord Moore.Subalit, pagkatapos obserbahan ang matanda, napagtanto ni Tyler na wala namang mali kay Lord Moore. Kaya, agad siyang napanatag.Pakiramdam niya hindi pa siya sumasalungat sa mga intensyon ng papa niya kahit kailan. Hindi niya ipinahiwatig ang matindi niya oposisyon nang mapagpasyahan ng matanda na ibigay ang pagiging head ng pamilya Moore kay Jasmine. Wala namang rason si Lord Moore para magduda sa kanya.Kaya, nagpatuloy lamang si Tyler sa pag-arte. Ngumiti siya at magalang siyang nagsalita, “Papa, ubusin mo na ang sabaw habang mainit pa. Pagkatapos, sasabihan ko ang chef na maghanda ng masustansyang chicken soup para kainin mo mamayang gabi.”Tumango si Lord Moore. Wala siyang sinabing kahit ano at inubos niya lang ang bird’s nest na nasa mangkok.Nang makita ni Tyler na inubos ng matanda ang buong mangkok ng bird’s nest, nakahinga siya nang maluwag. Sa pagkakataong ito, napang
Ilan sa mga tagapagsilbi ng mansyon ang agad na tumakbo at nagtanong, “Sir, may nangyari ba?!”Sumagot si Tyler, “Ilang beses ko nang pinindot ang doorbell ni papa pero hindi siya sumasagot. Natatakot akong may nangyaring masama sa kanya. Tulungan niya akong buksan ang pintong ito!”Nang marinig ng mga tagapagsilbi ang sinabi ni Tyler, hindi nila mapigilang kabahan. Isa sa kanila ang nagboluntaryo, “Ako na ang bahala!”Isa pang tao ang agad na nagsalita, “Tutulungan kitang buksan ang pinto!”Sa pagkakataong ito, nagmadaling lumapit si Oscar kay Tyler. Kita ang kaba sa ekspresyon ng butler, “Sir, ano ang nangyari kay Lord Moore?”Nang makita ni Tyler si Oscar, agad siyang sumagot, “Uncle Oscar, sakto ang dating mo. Nasa loob si papa pero hindi siya sumasagot kahit ilang beses ko nang pinindot ang doorbell. Natatakot akong may nangyaring masama sa kanya!”Nanigas agad si Oscar, napagtanto niyang napainom na ni Tyler ang drug kay Lord Moore. Nakaramdam ng galit, lungkot, at pag-aala
Agad na nag-utos si Tyler kung ano ang mga dapat gawin para madala si Lord Moore sa ospital saka siya bumalik sa kwarto niya para magpalit ng damit.Habang nagbibihis, tinawagan ni Tyler si Reuben para sabihan siyang bumalik agad ng Aurous Hill.Matagal nang hinihintay ni Reuben ang balitang ito. Kaya, agad siyang nagpaasikaso ng private jet para makaalis na siya agad sa Japan. Bukas ng umaga ang flight niya paalis ng Tokyo.Para hindi magkaroon ng suspetsa si Charlie, tinawagan rin ni Reuben si Charlie. Puno ng respeto ang boses ni Reuben habang kausap si Charlie sa tawag, “Master Wade, nakatanggap ako ng balita sa papa ko. Mukhang nagkaproblema si lolo. May sakit siya ngayon. Pinapabalik ako ni papa sa Aurous Hill agad-agad. Aalis ako ng Tokyo bukas ng umaga…”Nagpanggap si Charlie na para bang nasorpresa siya sa balita, “Reuben, ano ang nangyari sa lolo mo? May nangyari bang seryoso?”Agad na sumagot si Reuben, “Master Wade, huwag kang mag-alala. Sabi ni papa hindi naman masyad
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro