Habang nakahiga sa kama si Tyler, sinagot niya ang tawag habang tumatawa, “Reuben, nasa bahay na ako. Tama iyan. Huwag kang mag-alala. Wala namang napansing kakaiba ang matandang ‘yon sa akin. Hindi rin maganda ang pakiramdam niya dahil pagod na pagod na siguro siya sa pag-aalala kay Jasmine. Bumalik na siya sa kwarto niya para magpahinga.”Sa pagkakataong ito, maririnig rin mula sa high-quality microphone ang boses ni Reuben mula sa kabilang linya. Nagtanong si Reuben, “Papa, kailan mo ba mapapa-inom ang drug sa matandang iyon?”Ngumiti si Tyler saka siya sumagot, “Huwag kang mag-alala. Sa ngayon, hindi pa ako nakakahanap ng tamang oras. Pero, inutusan ko na ang chef para maghanda ng isang mangkok ng bird’s nest para sa lolo mo. Ako ang kukuha ng pagkain niya mula sa kusina. Pagkatapos, ilalagay ko ang drug sa bird’s nest saka ko ito dadalhin sa kwarto ng lolo mo. Mananatili ako roon at hihintayin kong ubusin niya ang sabaw sa harap ko!”Agad na nagtanong ulit si Reuben, “Papa, gaa
Nang marinig ni Oscar ang mga utos ni Lord Moore, hindi siya nag-alangan at agad siyang tumango, “Lord Moore, huwag kang mag-alala. Makakasiguro kang tatandaan ko ang lahat ng mga sinabi mo!”Sa pagkakataong iyon, nakaramdam ng panatag si Lord Moore. Kumaway siya nang mahina saka siya nagsalita, “Oscar, pakiramdam ko pagod na ako. Mauna ka muna. Alam kong marami ka pang gagawin. Magpapahinga muna ako.”Kinakabahang tumugon si Oscar, “Lord Moore, bakit hindi muna kayo magpahinga sa kama niyo? Babantayan ko ang sala sa labas. Hindi talaga ako mapakali dahil sa nangyayari…”Napangiwi ang mga labi ni Lord Moore saka siya nagtanong, “Natatakot ka bang wala ka sa tabi ko kapag binigay nila ang medisina?”“Oo…” Namumula ang mga mata ni Oscar at seryoso ang boses niya. “Lord Moore, kahit alam kong makapangyarihan si Master Wade, pagdating sa ganitong bagay, sa totoo lang, natatakot akong may mangyaring masama…”Ngumiti si Lord Moore nang walang emosyon, “Huwag kang mag-alala. Ngayong wala
Kapag ininom na ni Lord Moore ang medisinang inilagay ni Tyler sa bird’s nest bago pa man makabalik si Charlie, magiging isang pasyente na lang siya ayon sa mga plano ng anak niya.Hindi dapat marunong gumamit ng cellphone ang isang pasyenteng may Alzheimer’s disease. Kaya, mula sa pagkakataong ito, hindi muna mahahawakan ni Lord Moore ang cellphone niya.Sa huli, napagpasyahan ni Lord Moore na alisin ang software sa cellphone niya bilang pag-iingat.Pagkatapos, kinuha ni Lord Moore ang Rejuvenating Pill saka siya humiwa ng kapiraso nito. Itinimpla niya ito sa tubig at direkta niya itong ininom.Hindi nagtagal, bumalik siya sa kama para humiga.Sa pagkakataong ito, nagliwanag ang visual screen malapit sa headboard ng kama. Makikita sii Tyler sa imahe. Sumunod, isang mahimig na tunog ang maririnig.Ito ang doorbell sa kwarto ni Lord Moore.Dahil malaki ang suite ni Lord Moore, sa tuwing nasa opisina siya o bedroom, hindi niya maririnig ang kahit anong katok mula sa labas. Kaya,
Hindi mapigilang makonsensya ni Tyler nang kaunti nang makita niya ang buntong hininga ni Lord Moore.Subalit, pagkatapos obserbahan ang matanda, napagtanto ni Tyler na wala namang mali kay Lord Moore. Kaya, agad siyang napanatag.Pakiramdam niya hindi pa siya sumasalungat sa mga intensyon ng papa niya kahit kailan. Hindi niya ipinahiwatig ang matindi niya oposisyon nang mapagpasyahan ng matanda na ibigay ang pagiging head ng pamilya Moore kay Jasmine. Wala namang rason si Lord Moore para magduda sa kanya.Kaya, nagpatuloy lamang si Tyler sa pag-arte. Ngumiti siya at magalang siyang nagsalita, “Papa, ubusin mo na ang sabaw habang mainit pa. Pagkatapos, sasabihan ko ang chef na maghanda ng masustansyang chicken soup para kainin mo mamayang gabi.”Tumango si Lord Moore. Wala siyang sinabing kahit ano at inubos niya lang ang bird’s nest na nasa mangkok.Nang makita ni Tyler na inubos ng matanda ang buong mangkok ng bird’s nest, nakahinga siya nang maluwag. Sa pagkakataong ito, napang
Ilan sa mga tagapagsilbi ng mansyon ang agad na tumakbo at nagtanong, “Sir, may nangyari ba?!”Sumagot si Tyler, “Ilang beses ko nang pinindot ang doorbell ni papa pero hindi siya sumasagot. Natatakot akong may nangyaring masama sa kanya. Tulungan niya akong buksan ang pintong ito!”Nang marinig ng mga tagapagsilbi ang sinabi ni Tyler, hindi nila mapigilang kabahan. Isa sa kanila ang nagboluntaryo, “Ako na ang bahala!”Isa pang tao ang agad na nagsalita, “Tutulungan kitang buksan ang pinto!”Sa pagkakataong ito, nagmadaling lumapit si Oscar kay Tyler. Kita ang kaba sa ekspresyon ng butler, “Sir, ano ang nangyari kay Lord Moore?”Nang makita ni Tyler si Oscar, agad siyang sumagot, “Uncle Oscar, sakto ang dating mo. Nasa loob si papa pero hindi siya sumasagot kahit ilang beses ko nang pinindot ang doorbell. Natatakot akong may nangyaring masama sa kanya!”Nanigas agad si Oscar, napagtanto niyang napainom na ni Tyler ang drug kay Lord Moore. Nakaramdam ng galit, lungkot, at pag-aala
Agad na nag-utos si Tyler kung ano ang mga dapat gawin para madala si Lord Moore sa ospital saka siya bumalik sa kwarto niya para magpalit ng damit.Habang nagbibihis, tinawagan ni Tyler si Reuben para sabihan siyang bumalik agad ng Aurous Hill.Matagal nang hinihintay ni Reuben ang balitang ito. Kaya, agad siyang nagpaasikaso ng private jet para makaalis na siya agad sa Japan. Bukas ng umaga ang flight niya paalis ng Tokyo.Para hindi magkaroon ng suspetsa si Charlie, tinawagan rin ni Reuben si Charlie. Puno ng respeto ang boses ni Reuben habang kausap si Charlie sa tawag, “Master Wade, nakatanggap ako ng balita sa papa ko. Mukhang nagkaproblema si lolo. May sakit siya ngayon. Pinapabalik ako ni papa sa Aurous Hill agad-agad. Aalis ako ng Tokyo bukas ng umaga…”Nagpanggap si Charlie na para bang nasorpresa siya sa balita, “Reuben, ano ang nangyari sa lolo mo? May nangyari bang seryoso?”Agad na sumagot si Reuben, “Master Wade, huwag kang mag-alala. Sabi ni papa hindi naman masyad
Dalawang taon ang nakararaan, isang bibigating Japanese boss ang bumili ng bluefin tuna na may bigat na 278 kilo. Nagbayad siya ng halagang 3.1 million US dollars para mabili ito. Ang average price per kilogram ng bluefin tuna na binili niya ay $11,000.Kung ihahain ang ganitong klase ng high-quality bluefin tuna sa mga restaurant, ilang beses na mas mahal ang presyo nito.Mas mahal pa sa ginto ang presyo ng pagkain ng pinakamahal na bluefin tuna sa mga mamahaling restaurants.Para naman sa fifty-year-old Yamazaki whiskey, ito ang top national whiskey ng Japan. Nagkakahalaga ang isang bote nito ng higit sa tatlong milyong dolyar.Mula pa lamang sa paghahanda ni Yahiko ng mga mamahaling sangkap at inumin sa hapunan nila mamayang gabi, masasabing katumbas nito ang pagpapahalagang binibigay niya kay Charlie.Nang pumasok si Charlie sa dining room, nakita niyang matagal nang naghihintay si Yahiko sa mesa.Sa pagkakataong ito, may isang malaking bluefin tuna na nakahain sa sentro ng m
Nang marinig ni Yahiko ang pakiusap ni Charlie, agad na sumagot si Yahiko nang walang pag-aalangan. “Mr. Wade, maliit na bagay lang ang hinihingi mo. Pwede pa kitang paghandaan ng isang mamahaling yate. Kaya ko ring siguruhin na makakaalis kayo ng Tokyo nang walang hadlang. Napapaisip lang ako kung kailan mo balak umalis?”Muling nagtanong si Charlie, “Gaano katagal bago kami makabalik ng Oskia sa ganitong paraan?”Sumagot si Yahiko, “Mas malaki ang mga yate. Para sa mga malalaking barko na gaya nito, mataas ang resistance nila sa hangin at mga alon sa dagat. Pero, mas mabagal nang kaunti ang bilis nila kumpara sa mga maliliit na bangka. Mga 50 hanggang 60 kilometro ang bilis nito bawat oras. Kung babalik kayo ng Aurous Hill galing ng Japan, kailangan niyo munang dumaan sa Yaak River estuary sa Raventon. Matatantsa kong mga dalawang libong kilometro ang layo. Ibig sabihin, 30 oras ang itatagal ng biyahe niyo kung sakali.”Nagpatuloy si Yahiko, “Pero, dahil ipupuslit namin kayo sa ba
“Mandalay?” Kumunot ang noo ni Charlie at tinanong, “Tiyak ba ang impormasyon?”“Walang duda,” kinumpirma ni Isaac. “Sa ngayon, ang flight plan na binigay sa Australian Air Traffic Control Department ay para nga sa Mandalay. Marahil ay darating sila sa Melbourne Airport sa loob ng apat na oras at inaasahan na magpapahinga ng isang oras pagkatapos bumaba bago magpatuloy sa Mandalay. Halos walong oras na flight ito mula sa Melbourne papunta sa Mandalay, kaya hindi sila darating sa Mandalay sa loob ng sampung oras.”Nang malaman na hindi pupunta ang kabila sa Aurous Hill, ang unang naramdaman ni Charlie ay ginhawa. Akala niya na nadiskubre na ng kabila ang estratehiya niya na magpakita ng malakas na harap para itago ang kahinaan niya.Pero, nalilito rin siya at hindi niya maintindihan kung bakit nagpadala ng isang eroplano ang Qing Eliminating Society sa Myanmar. Kaya, tinawagan ni Charlie si Vera at ipinasa niya ang ulat ni Isaac sa kanya.Nasorpresa si Vera nang marinig na pumunta a
Pagkatapos magpaalam kay Vera at umuwi, abala pa rin ang isipan ni Charlie sa dalawang bagay.Ang una ay samantalahin ang oras at gawin linangin ang Thunderstrike Wood mula sa Mother of Pu’er Tea na binigay ni Vera at gawin itong Thunder Order.Ang isa pa ay maghintay ng walong oras at makita kung saan susunod na pupunta ang Boeing 777 ng Qing Eliminating Society. Kung pupunta ito sa Aurous Hill, kailangan niyang maghanda sa lalong madaling panahon.Dahil may walong oras pa siya, nagsimula agad si Charlie na linangin ang Thunder Oder pagdating niya sa bahay. Para kay Charlie, pamilyar na gawain na ang paggawa ng Thunder Oder.Nang bumalik siya sa kwarto niya at naglagay ng Reiki sa Thunderstrike Wood, akala niya na magiging kasing simple ito ng dati. Pero, nalaman niya agad na ang Reiki niya, na dating hindi mapigilan, ay nahirapan na gumalaw sa loob ng Thunderstrike Wood.Dati, ang paglinang sa Thunderstrike Wood ay parang pag-uukit sa isang ordinaryong kahoy gamit ang isang mata
Kumunot ang noo ni Charlie, “Kung gano’n, sino sa tingin mo ang nasa eroplano at saan sila papunta?”Sumagot si Vera, “Hindi ako mangangahas na hulaan ito.”Pagkatapos nito, idinagdag ni Vera, “Kahit na sino pa man ang nakasakay doon, basta’t hindi Australia ang huling destinasyon nila, siguradong mag a-apply sila para sa sunod na ruta ng flight nila bago makarating sa Australia. Aabot ng labindalawang oras ang paglipad mula sa Buenos Aires papunta sa Australia, kaya marahil ay magiging malinaw ang pinakamahalagang destinasyon ng eroplano nila makalipas ang walong oras.”Tumango nang bahagya si Charlie, “Mukhang kailangan nating maghintay hanggang bukas ng umaga para malaman.”Ngumiti nang marahan si Vera, sinigurado siya, “Young Master, hindi mo kailangan mag-alala masyado. Ayon sa kaalaman ko tungkol kay Fleur, hindi na siya ulit pupunta sa Aurous Hill. Marahil ay ibang tao ang dala-dala ng eroplano na ito para gawin ang ibang misyon sa ibang lugar.”Humuni si Charlie sa pagsang
Naantig nang sobra si Vera sa kilos ni Charlie. Pagkatapos nito, tapat na sinabi ni Charlie sa tatlong matandang lalaki, “Mga ginoo, pagkatapos inumin ang Rejuvenating Pill ngayon, lalampas ng isang daang taon ang buhay niyo. Para maiwasan ang hinala mula sa labas na mundo, dapat pag-isipan ni Mr. Carrick na mag-invest sa isang medical research institution. Sa ganitong paraan, kapag tinanong ng mga tao kung bakit hindi kayo tumatanda, may makatwiran na paliwanag.”Sumagot si Logan nang walang pag-aatubili, “Mr. Wade, makasisiguro ka na siguradong mag-iinvest ako sa ilang parehong enterprise at institusyon.”Tumango si Charlie at sinabi kay Emmett, “Mr. Sandsor, bilang isang tao na nasa mataas na posisyon, dapat asikasuhin nang maingat ang biglaang pagbabago na ito para hindi makakuha ng masyadong malaking hinala.”Sumagot si Emmett nang walang pag-aatubili, “Mr. Wade, nagpasya na ako na huwag bumalik sa Eastcliff. Sa hinaharap, mananatili ako sa tabi ni Miss kasama si Mr. Raven para
Kinuha ni Logan ang kutsilyo at mabilis na ipinahayag ang pasasalamat niya habang nagbabalak na hatiin nang direkta ang pill.Sa sandaling ito, nagsalita si Charlie, “Mr. Carrick, hindi mo na ito kailangan gawin.”Nabigla nang bahagya si Logan at tumingin nang hindi namamalayan kay Charlie. Pagkatapos ay naglabas si Charlie ng isa pang Rejuvenating Pill at binigay ito kay Logan, sinasabi, “Para ito sa asawa mo. Maaari mo ba itong ipasa sa kanya para sa akin?”Hindi lang si Logan ang nagulat dito, ngunit kahit si Vera ay nagulat. Hinding-hindi niya inaasahan na maglalabas si Charlie ng isa pa ang Rejuvenating Pill para ibigay sa asawa ni Logan, na hindi niya pa nakikilala.Binisita na ni Charlie ang Scarlet Pinnacle Manor nang ilang beses, at palagi siyang iniiwasan ng asawa ni Logan, hindi nakipagkita sa kanya sa personal.Ito rin ang unang pagkakataon na nagbigay si Charlie ng isang Rejuvenating Pill sa isang estranghero. Ang dahilan para dito ay dahil lang sa pasasalamat niya ka
Tumingin si Charlie sa tatlong matandang tao na may puting buhok sa harap niya, at hindi niya mapigilan na tumingin kay Vera na nsa tabi niya, na parang dalaga pa rin. Medyo nalito siya nang ilang sandali.Sobrang tanda na nga ng tatlong lalaki at may limitadong ugnayan pa. Malinaw na sobrang dami na nilang karanasan at matalino sila.Pero, sa harap ni Vera, ang tatlong ito ay parang mga bata na pinapagalitan ng kanilang magulang, sinusunod ang bawat utos niya nang walang tanong. Kahit na mukhang bata si Vera, nanatiling mahigpit ang kilos niya sa tatlong nakakatanda na ito, kaya medyo kakaiba ang naging pakiramdam niya.Gayunpaman, mabilis niyang isinantabi ang pakiramdam na ito at sinabi nang magalang sa tatlo, “Mangyaring tumayo kayo.”Hindi tumayo ang tatlo, pero tumingala sila para tumingin kay Vera.Mukhang walang pakialam si Vera sa mga matatandang lalaki na nakaluhod sa harap niya, at kaswal siyang tumango bago sinabi, “Dahil nagsalita na si Master Wade, maaari na kayong t
Tumango si Vera at ngumiti, sinasabi, “Nangako si Young Master Wade dati na bigyna kayo ng pagkakataon, at pumunta siya ngayong araw para tuparin ang pangako na iyon. Bilis at sabihin niyo ang pasasalamat niyo!”Nang marinig ito, tumingin ang tatlong lalaki sa isa’t isa nang sabik at lumuhod agad.Nang makita ni Charlie ang tatlong lalaki, na halos tatlong daang taon na ang edad kung pagsasamahin, na lumuhod sa harap niya, hindi niya ito natiis. Mabilis niyang sinubukan na tumayo para tulungan sila at sinabi nang tapat, “Young Master Wade, hindi mo kailangan tumayo. Tama lang na yumuko sayo.”Sinabi nang nagmamadali ni Charlie, “Mga ginoo, matatanda na kayo. Hindi niyo dapat gawin ang ganitong kilos. Hindi ito angkop…”Sinabi nang matatag ni Vera, “Young Master Wade, makasisiguro ka, walang hindi angkop dito. Ang kilos nila ay hindi lang para pasalamatan ka ngunit para sa sarili nila!”Nagpatuloy siya, “Pinalaki ko silang tatlo simula noong bata pa sila. Alam ko ang pagkatao at m
Hindi masyadong inaral ni Charlie ang tadhana.Sa Apocalyptic Book, may kayamanan ng iba’t ibang kaalaman, pero kulang ito sa mga paliwanag tungkol sa tadhana. Dati ay akala niya na ang tadhana ay parang caste system ng India, kung saan kapag mas mataas ang tadhana, mas mataas ang caste, ang ibig sabihin ay ang taong may mataas na caste ay may mataas na katayuan lang sa lipunan, pero wala silang malakas na lakas. Maaari pa ring magkasakit, tumanda, at maaksidente ang mga taong may mataas na caste tulad ng iba. Pero, ipinapahiwatig ng mga sinabi ni Vera na mas komplikado pa sa iniisip niya ang tadhana.Kaya, tinanong niya si Vera, “Kung may kapalaran ng dragon ang aking ama, hindi ba siya mapapatay ni Mr. Chardon?”Sinabi nang kampante ni Vera, “Tama! Ang kapangyarihan ng tadhana ay nasa ganap na herarkiya nila. Basta’t hindi naghahanap ng kamatayan ang taong may kapalaran ng dragon, paano mapapatay ni Mr. Chardon, na may kapalaran lang ng isang tigre, ang isang tao na may kapalaran
Tumango si Vera, “Ayon sa Book of Changes at Eight Diagrams, para sa mga buhay na hindi nalampasan ang sakuna, totoo na wala na ang Reiki, pero pagkatapos makalampas sa sakuna, lilitaw ang Reiki.”Tinanong ni Charlie sa pagkalito, “Parang hindi naman iyon makatotohanan…”Ngumiti si Vera at sinabi, “Akala ko rin sa una. Naisip ko pa na marahil ay mali ang pagkakaintindi ko sa Book of Changes at Eight Diagrams, pero pagkatapos ng World War II, nakatagpo ko ang modernong teknolohiya gamit ang mga radio wave. Biglaan, naging makatwiran ang lahat ng ito sa akin. Hindi ito mararamdaman ng mga ordinaryong tao gamit ang katawan nila, pero sa sandaling nagkaroon sila ng kondisyon na matanggap ang mga radio wave, patuloy nilang malalaman ang laman ng mga radio wave na iyon. Marahil ay ganito rin ang Reiki.”Lumaki ang mga mata ni Charlie sa gulat at sinabi, “Ang ibig sabihin ba ay hindi pa talaga katapusan ang Degenerate Age of Dharma?”Ipinaliwanag ni Vera, “Ang Degenerate Age of Dharma ay