Subalit, hindi tumanggi si Nanako at hindi niya rin iniwasan ang usapan. Sa halip, inilagay niya ang kanyang kamay sa harap ng kanyang katawan saka siya yumuko. “Nauunawaan ko, Papa!”Ngumiti si Yahiko, “Masyado na akong matanda para tumayo sa labas habang may niyebe. Babalik muna ako sa loob. Huwag kang masyadong magpuyat.”Agad na sumagot si Nanako, “Ihahatid ko na kayo sa kwarto, Papa!”Kumaway si Yahiko. “Hindi na kailangan. Dahil nag-iisip-isip ka pa, hahayaan muna kita diyan.”Sumunod, tumalikod siya habang kinokontrol ang kanyang electric wheelchair. Pumunta siya sa direksyon ng kanyang kwarto.Pinanood ni Nanako na maglaho sa kanyang paningin ang kanyang ama. Nang mararamdam niya pa rin ang init sa kanyang mukha, marahan niyang inilapat ang kanyang kamay sa makapal na niyebe saka niya ito itinapat sa kanyang pisngi.Bumaba ng kaunti ang temperatura ng kanyang pisngi at unti-unti ring bumagal ang tibok ng kanyang puso.Ilang sandali ang makalipas, muli niyang inilahad ang
Dahil sa bugso ng damdamin, niyakap ni Rosalie nang mahigpit ang baywang ng kanyang ina, “Ma, bakit andito ka? Paano ka nakarating rito?”Nang makitang umatras ang mga sundalo, agad na nagsalita si Yashita, “Rosalie, kinausap ako ng Papa mo na pumunta rito.”“Si Papa?” Agad na napatanong si Rosalie, “Kumusta na siya ngayon? Nakauwi na ba siya? Hindi naman siya nalagay sa peligro?”Umiling si Yashita at banayad siyang nagsalita, “Huwag kang mag-alala, maayos ang kalagayan niya. Ligtas siyang nakabalik ng Eastcliff.”Saka lang nakahinga nang maluwag si Rosalie nang marinig ito, “Mabuti naman… Salamat sa Diyos…”Muling nagsalita si Yashita, “Rosalie, gustong sanang pumunta nang personal ng Papa mo para ilabas ka, pero dahil siya ang puntirya ng mahigpit na security ng Japanese homeland security department, hindi siya pwedeng pumunta rito. Iyan ang dahilan kung bakit ako muna ang bumisita sa iyo rito.”Nagtatakang napatanong si Rosalie, “Ma, paano ka nakapasok rito? Mahigpit ang bant
Muling nagpaalala si Yashita, “Sabi ng papa mo pwede kang mag-isip ng kahit anong pangalan na gusto mo. Tutulungan ka niya sa mga kakailanganin mo sa pagpaparehistro.”Napuno ng tuwa ang mukha ni Rosalie. Pero bago pa siya makaimik, nagdagdag si Yashita, “Rosalie, sabi ng papa mo pwede mo pa ring gamitin ang Schulz bilang apelyido at ikaw na rin ang bahala kung ano ang gusto mong itawag sa iyo, pero hindi pwedeng magmukhang anak ka niya.”Nanigas ang ngiti sa mukha ni Rosalie at napalitan ito ng isang mapaklang ekspresyon. Tinignan niya si Yashita saka siya nagtanong, “Ma, ayaw niya pa rin bang ipaalam sa ibang tao kung sino ako? Tama ba?”Nahihiyang sumagot si Yashita, “Rosalie, anak ka sa labas ng papa mo. Kakaunti lang ang nakakalaam nito. Tanging ang papa at lolo mo lang ang nakakakilala sa iyo sa buong pamilya Schulz. Mahal na mahal ng papa mo at ng asawa niya ang isa’t isa. Kapag nalaman niya kung sino ka, sigurado akong makikipaghiwalay siya sa papa mo…”Nasamid si Rosalie.
Habang nakatitig kay Yashita, tumango si Rosalie. May luha pa rin sa kanyang mga mata, “Huwag kang mag-alala, Mama! Babalik ako nang buhay para makita ka!”Hinaplos ni Yashita ang mukha ni Rosalie saka siya malambing na nagsalita, “Pagkabalik mo sa Oskia, huwag ka munang pumunta sa Schulz. Samahan mo muna kami ng lola mo. Babalik na lang tayo kapag maayos na ang lahat.”Tumango si Rosalie, “Naiintindihan ko, Ma. Basta mag-ingat ka.”Pinaalalahanan ni Yashita ang kanyang anak, “Tungkol sa pagtakas mo, huwag mo itong sabihin sa mga kasamahan mo. Ikaw lang ang balak naming ilabas. Kapag nalaman nila ito, baka bumigat ang loob nila at magdala sila ng gulo sa plano natin.”Bumuntong hininga si Rosalie. “Oo, Mama. Alam ko…”Tumango si Yashita. Sa kabila ng kanyang pag-aalangan, kailangan niya nang umalis. Samantala, dinala na si Rosalie pabalik sa kanyang selda.Subalit, sa pagkakataong ito, puno ng pasasalamat si Rosalie kay Sheldon.Kahit anak lang siya sa labas ng kanyang ama at hi
Seryosong nagsalita si Elaine, “Ano naman? Ngayong mga araw, hindi mo kailangang ng kakayahang umarte o kaya ng mala-anghel na boses para maging artista. Sapat na ang pagiging maganda! Tingnan mo naman ang mga kilalang artista sa atin ngayon, pwede nga silang gumawa ng albums kahit pangit naman ang boses nila; pwede nga silang umarte sa mga palabas kahit nauutal naman sila. Bakit ito naging posible? Dahil maganda sila!”Umiling si Claire na para bang nawawalan siya ng pag-asa, “Tama na, Ma. Hayaan mo na lang akong manood.”Muling nagsalita si Elaine, “Claire, seryoso ako. Sa tingin ko talaga kaya mo…”Sa pagkakataong ito, nagsimula nang kumanta si Quinn. Hindi mapigilang mapabulalas ni Elaine, “Diyos ko! Napakaganda pala ng boses ng babaeng iyan!”Agad na kumaway si Claire. “Ma, tumahimik ka nga!”Nasorpresa nang kaunti si Charlie nang marinig niya ang boses ni Quinn. Akala niya isang magandang artista lang ang babae, pero nang marinig niya ang pag-awit nito, masasabi niyang profe
Live ang broadcast ng Spring Festival Gala at 1.4 bilyon ang mga manonood sa buong bansa. Nang matapos si Charlie sa panonood kay Quinn, kababalik lang ng babae sa backstage. Pagkatapos ng kanyang performance, kailangan niya nang magpalit ng damit.Ang unang bagay na ginawa ni Quinn ay padalhan si Charlie ng isang text bago siya magpalit sa suot niyang evening gown. Gusto niyang malaman kung ano ang opinyon ng lalaki sa kanyang performance.Noong una, balak sana ng gala director team na umawit si Quinn ng isang kanta tungkol sa pagkakaibigan. Matagal na itong ipinangako ni Quinn sa team. Pero, nang muli silang magkita ni Charlie, nagbago ang kanyang puso.Kaya, muli niyang kinausap ang kanyang director team para sabihing gusto niyang baguhin ang kantang aawitin sa Spring Festival Gala. Nag-aalangan ang director team dahil pinlano nila nang mabuti ang magiging takbo ng programa, bibihira lamang ang mga pagkakataon na pinapalitan ang kantang napag-usapan.Subalit, dahil patuloy ang
Tumugon si Charlie, “Kailangan mo nang bilisan para masamahan mo si Uncle at Aunt. Pakikamusta na lang sila para sa akin. Gusto ko rin silang batiin ng Happy New Year!”Sumagot si Quinn, “Maraming salamat, Charlie. Happy New Year rin sa iyo!”Pagkatapos, itinabi ni Charlie ang kanyang cellphone at nakatuon na lamang ang kanyang atensyon sa panonood ng Spring Festival Gala kasama ang kanyang asawa na si Claire.Nang malapit na ang hatinggabi, malungkot na nagsalita si Jacob, “Kahit mas environmentally friendly na ang bansa ngayon simula nang ipagbawal nila ang mga paputok, para bang kulang pa rin ang ere ng New Year. Sayang talaga…”“Tama ka, Papa.” Hindi mapigilang mapabuntong hininga ni Claire habang nasa tabi, “Noong bata pa ako, gustong-gusto ko ang amoy ng usok na nanggagaling sa paputok. Bibihira lang para sa atin na magkaroon ng tsansa na makakita ng mga paputok ngayon.”Tumugon si Charlie, “Kahit bawal tayong magpaputok sa loob ng siyudad, posible pa rin naman ito sa labas
Diretsong nagmaneho si Charlie papuntang Shangri-La. Sa pagkakataong ito, itinulak na ng isang empleyado ang isang cart na puno ng paputok papunta sa entrance.Nang makita ng empleyado na dumating na si Charlie, agad niyang itinulak ang card papunta sa direksyon ng lalaki. Magalang siyang bumati, “Master Wade, sinabihan ako ni Mr. Cameron na maghanda ng fireworks at mga paputok para sa inyo. Gusto niyo bang tulungan ko kayong ilagay ito sa kotse niyo?”Tumango si Charlie saka niya binuksan ang likod ng kanyang kotse, “Maraming salamat sa tulong mo.”Agad na kumaway ang empleyado, “Master Wade, masyado kayong mabuti. Ito naman talaga ang kailangan kong gawin.”Pagkatapos, nagmadali ang empleyado na ilagay ang malalaking mga kahon ng fireworks at firecrackers sa trunk ng BMW na kotse.Pinasalamatan ni Charlie ang kabilang panig saka siya nagmaneho pabalik ng villa. Sa pagkakataong ito, tinawagan niya si Claire para makapaghanda sila ng mga biyenan niya. Pagdating niya sa Thompson Fi
Yumuko siya nang magalang kay Charlie nang may gulat at pasasalamat habang sinabi nang may luha sa mga mata, “Salamat sa pagligtas sa buhay ko, Mr. Wade…”Niluwagan ni Charlie ang kanyang kamay na umaalalay sa kanya at sinabi nang kalmado, “Kung gusto mo talaga akong pasalamatan, sabihin mo sa akin mamaya ang lahat ng nalalaman mo nang detalyado.”Sumagot agad si Ruby nang walang pag-aatubili, “Mr. Wade, makasisiguro ka na sasabihin ko sayo ang lahat nang walang tinatago.”Tumango si Charlie at hindi na nagsalita, pagkatapos ay tumalikod siya at naglakad pabalik.Nagmamadaling sumunod si Ruby at nakita rin ang magandang babae na nakatayo sa harap niya.Nang makita niya nang malinaw ang mukha ng babae, nagulat siya na tila ba nakakita siya ng isang muto, at sinabi niya sa pagkabigla, “Vera… Vera Lavor?!”“Oo, ako nga!” Sumagot nang direkta si Vera. Pagkatapos ay tumingin siya kay Ruby, kumurap nang mapaglaro, at sinabi nang nakangiti, “Ikaw si Miss Dijo, tama? Matagal ko nang nari
Pagkatapos itong sabihin, nahihirapan na sinubukan ni Ruby na tumayo. Kahit na pinili niyang bumigay kay Charlie, bilang isang cultivator, ayaw niyang makita siya ni Charlie na gumagapang palabas mula sa siwang ng malaking bato.Pero, sinugatan nang malala ng pagsabog ang katawan niya, at halos naubos na ang lakas niya sa pag-akyat dito. Kaya, nang sinubukan niyang tumayo, nanginginig ang mga binti niya.Nang nagngalit siya at sinubukang humakbang paabante, isang matinding sakit ang biglang dumaan sa kanyang kanang binti, at hindi niya nakontrol ang pagbagsak ng buong katawan niya.Nang makita ni Charlie na babagsak siya sa mga matalas at matigas na bato, agad siyang sumuntok papunta sa kanya habang pabagsak siya.Isang malakas na alon ng enerhiya ang lumabas sa kanyang kamao, gumawa ng isang malakas na buhawi. Sa sobrang lakas ng buhawi, binuhat nito nang matatag ang katawan ni Ruby, na nasa 45 degree na anggulo at malapit nang bumagsak!Sa sandaling pabagsak na ang katawan ni Ru
Kinakabahan nang sobra si Ruby. Alam niya na kung madidiskubre siya ng kabila, halos sigurado siya na mamamatay siya, at siguradong pahihirapan siya sa lahat ng posibleng paraan para makakuha ng impormasyon tungkol sa Qing Eliminating Society at sa British Lord.Bukod dito, paulit-ulit na sinubukan ng Qing Eliminating Society na puksain ang mga Acker. Sa sandaling mapunta siya sa mga kamay nila, kahit na makipagtulungan siya nang masunurin, marahil ay hindi magiging maganda ang kahihinatnan niya. Kaya, ang huling pag-asa niya na lang sa ngayon ay hindi siya mahahanap ng kabila.Habang nakakapit sa huling pag-asa na ito, biglang nagsalita nang malakas si Charlie, “Miss Dijo, palihim mong pinapanood ang laban namin ni Mr. Chardon sa dilim kanina lang, at ngayon, nagtatago ka pa rin sa dilim. Hindi ba’t medyo hindi ito makatwiran?”Biglang tumama sa isipan ni Ruby na parang kidlat ang mga sinabi ni Charlie.Sa sandaling iyon, maraming bagay ang dumaan sa isipan niya, ‘Nahanap talaga
Nang makita ni Vera na tinuro ni Charlie ang isang direksyon, hindi na siya tumingin at ginamit agad ang control lever, pinalipad ang helicopter sa direksyon kung saan nakaturo ang daliri ni Charlie.Sa sandaling ito, si Ruby, na nagtatago sa siwang ng mga malalaking bato, ay hindi pa rin alam na napuntirya na siya ng kabila. Gusto niya lang gawin ang lahat ng makakaya niya na huwag pagalawin ang katawan niya, huwag gumawa ng kahit anong ingay, at hintayin ang mga tao sa helicopter na maghanap at natural na umalis sa lugar na ito. Kampante talaga siya na hindi siya madidiskubre ng kabila.Umikot nang ilang beses ang helicopter sa lambak, pero hindi bumaba ang mga tao para maghanap, at sobrang kapal ng malaking bato na nakaharang sa ulo ni Ruby. Kahit na gumamit ang kabila ng mga kagamitan tulad ng thermal imaging, hindi nila siya mahahanap sa ilalim ng malaking bato na ito.Ang dahilan kung bakit unti-unting hindi mapalagay si Ruby ay dahil papunta talaga ang helicopter sa direksyon
Ganap na nabasag at nabaluktot na ang cellphone, at kahit ang baterya ay lumobo dahil sa pagbaluktot nito. Nang makita niya ito, sa wakas ay nakahinga na siya nang maluwag, napagtanto niya na imposible na patuloy na ipadala ng cellphone ang posisyon niya sa British Lord.Makalipas ang halos sampung minuto, sa wakas ay gumaling na si Charlie dahl sa epekto ng Regeneration Pill. Binatak niya ang kanyang leeg, tamad na inunat ang kanyang katawan sa masikip na cabin, hindi mukhang isang tao na may malalang injury at nanghihina.Si Vera, na nasa gilid, ay sinabi sa sorpresa, “Young Master, magaling ka na?!”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Magaling na ang katawan ko, pero hindi ko pa naibabalik ang Reiki ko.”Habang sinasabi niya ito, naglabas siya ng dalawang Cultivating Pill at nilagay ito sa kanyang bibig. Sa sandaling pumasok ang mga pill sa kanyang tiyan, naging purong Reiki sila, na dumaloy sa mga naayos na meridian at elixir field niya, kumalat sa kanyang buong katawan
Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Tarlon, “Bukod dito, sa mga nagdaang panahon, isa-isa ang tagumpay nila at hindi sila mapigilan. Kung hindi natin sila pipigilan ngayon, natatakot ako na mas magiging marami ang problema sa hinaharap! British Lord, hindi inaasahan ang krisis na ito, kaya hindi ka na pwedeng mag-atubili!”Nanahimik saglit si Fleur.Nadagdagan ang pagkabalisa at pangamba niya dahil sa pag-aalala ni Tarlon. Alam niya na makatwiran ang sinabi ni Tarlon. Kung hahayaan nila ang kabila na umunlad nang palihim, marahil ay magkaroon ito ng malaking banta sa kanya sa hinaharap!Nang maisip ito, nagngalit siya at sinabi, “Ipaalam mo agad sa Central Governor Office na ipadala ang mga pinakamagaling na scout nila sa isang eroplano papunta sa Aurous Hill para imbestigahan ang bagay na ito!”“Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, hindi maiiwasan na mag-iiwan ng bakas ng pagsabog ang napakalakas na puwersa sa loob ng saklaw na ilang daang metro. Pagkatapos ng mada
Medyo nag-alala rin si Fleur sa sandaling ito habang binulong niya sa sarili niya, “Kahanga-hanga na ang lakas ni Mr. Chardon, at mas malakas pa siya gamit ang mahiwagang instrumento na binigay ko sa kanya. Kung sinakripisyo niya talaga ang sarili niya sa pagsabog, siguradong mas malakas ang taong pumuwersa sa kanya na gawin ito.”Habang nagsasalita siya, hindi mapigilang sabihin ni Fleur, “Hinding-hindi ko inaasahan na may napakagaling na master sa Aurous Hill. Ayon sa pagkakaintindi ko sa mga Acker, imposible na magkaroon sila ng ugnayan sa ganito kalakas na tao. Kaya, sino kaya ang taong ito?”Hindi mapigilang sabihin ni Tarlon, “British Lord, naniniwala ako na kakilala ng tao ang mga Acker. Kung hindi, bakit niya sila ililigtas sa kritikal na sandali?”Umiling si Fleur habang may madilim na ekspresyon at sinabi, “Hindi ko rin alam. Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, ang kalaban niya siguro ay isang cultivator na mas malakas. Pero, nagpadala ako ng mga tao para palih
Habang pinaandar ulit ni Vera ang light helicopter sa ere, sinamantala ni Charlie ang pagkakataon na inumin ang Regeneration Pill. Samantala, libo-libong milya ang layo sa headquarters ng Qing Eliminating Society, naglalakad nang nababalisa si Fleur sa kanyang kwarto.400 years old na siya ngayong taon, pero mukhang nasa 30s pa rin siya. Kahit na kaakit-akit at masigla siya, nakaukit sa kanyang mukha ang kanyang kalupitan dahil sa kanyang pangamba at pagkabalisa, matatakot ang kahit sinong makakakita sa kanya.Ang huling beses na nabalisa nang ganito si Fleur ay noong unang beses na hinabol siya sa bulubundukin ng Qing army kasama si Elijah.. Sa mga nagdaang taon, kahit na hindi niya nahanap si Vera, kahit papaano, isa itong laro ng pusa at daga na tumagal ng tatlong daang taon. Noon pa man ay ginampanan niya ang papel na pusa, kaya hindi siya nabalisa nang sobra kahit na hindi niya mahanap si Vera.Pero, ang pinagmulan ng pagkabalisa at pangamba niya sa sandaling ito ay dahil ang d
Hindi sinasadyang sabihin ni Vera, “Iba iyon…”Tinanong siya ni Charlie, “Paano iyon naiiba? Kaya mo itong tanggapin noong Charlie ang tawag mo sa akin, pero hindi mo ito matanggap ngayong tinatawag mo akong ‘Young Master’?”Sumagot nang nahihiya si Vera, “Hindi… Hindi iyon ang ibig kong sabihin… Pakiramdam ko lang na masyadong mahalaga ang mga pill na ito. Ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang natitirang pill bago ito ay dahil natatakot ako na malalagay ka sa panganib sa hinaharap. Kung gano’n, kaya kong itago ang natitirang pill para sa emergency. Ngayong ligtas ka na, hindi na angkop para sa akin na tanggapin ang kahit anong pill mula sayo, Young Master.”Sinabi nang walang pag-aalinlangan ni Carlie, “Kung gano’n, ayusin mo ang pananaw mo sa lalong madaling panahon at sabihin mo sa sarili mo na walang hindi angkop tungkol dito.”Pagkasabi nito, direktang nilagay ni Charlie ang pill sa kanyang kamay. Pagkatapos nito, hindi na niya hinintay ang sagot niya at naglabas siya ng isa