Muling nagpaalala si Yashita, “Sabi ng papa mo pwede kang mag-isip ng kahit anong pangalan na gusto mo. Tutulungan ka niya sa mga kakailanganin mo sa pagpaparehistro.”Napuno ng tuwa ang mukha ni Rosalie. Pero bago pa siya makaimik, nagdagdag si Yashita, “Rosalie, sabi ng papa mo pwede mo pa ring gamitin ang Schulz bilang apelyido at ikaw na rin ang bahala kung ano ang gusto mong itawag sa iyo, pero hindi pwedeng magmukhang anak ka niya.”Nanigas ang ngiti sa mukha ni Rosalie at napalitan ito ng isang mapaklang ekspresyon. Tinignan niya si Yashita saka siya nagtanong, “Ma, ayaw niya pa rin bang ipaalam sa ibang tao kung sino ako? Tama ba?”Nahihiyang sumagot si Yashita, “Rosalie, anak ka sa labas ng papa mo. Kakaunti lang ang nakakalaam nito. Tanging ang papa at lolo mo lang ang nakakakilala sa iyo sa buong pamilya Schulz. Mahal na mahal ng papa mo at ng asawa niya ang isa’t isa. Kapag nalaman niya kung sino ka, sigurado akong makikipaghiwalay siya sa papa mo…”Nasamid si Rosalie.
Habang nakatitig kay Yashita, tumango si Rosalie. May luha pa rin sa kanyang mga mata, “Huwag kang mag-alala, Mama! Babalik ako nang buhay para makita ka!”Hinaplos ni Yashita ang mukha ni Rosalie saka siya malambing na nagsalita, “Pagkabalik mo sa Oskia, huwag ka munang pumunta sa Schulz. Samahan mo muna kami ng lola mo. Babalik na lang tayo kapag maayos na ang lahat.”Tumango si Rosalie, “Naiintindihan ko, Ma. Basta mag-ingat ka.”Pinaalalahanan ni Yashita ang kanyang anak, “Tungkol sa pagtakas mo, huwag mo itong sabihin sa mga kasamahan mo. Ikaw lang ang balak naming ilabas. Kapag nalaman nila ito, baka bumigat ang loob nila at magdala sila ng gulo sa plano natin.”Bumuntong hininga si Rosalie. “Oo, Mama. Alam ko…”Tumango si Yashita. Sa kabila ng kanyang pag-aalangan, kailangan niya nang umalis. Samantala, dinala na si Rosalie pabalik sa kanyang selda.Subalit, sa pagkakataong ito, puno ng pasasalamat si Rosalie kay Sheldon.Kahit anak lang siya sa labas ng kanyang ama at hi
Seryosong nagsalita si Elaine, “Ano naman? Ngayong mga araw, hindi mo kailangang ng kakayahang umarte o kaya ng mala-anghel na boses para maging artista. Sapat na ang pagiging maganda! Tingnan mo naman ang mga kilalang artista sa atin ngayon, pwede nga silang gumawa ng albums kahit pangit naman ang boses nila; pwede nga silang umarte sa mga palabas kahit nauutal naman sila. Bakit ito naging posible? Dahil maganda sila!”Umiling si Claire na para bang nawawalan siya ng pag-asa, “Tama na, Ma. Hayaan mo na lang akong manood.”Muling nagsalita si Elaine, “Claire, seryoso ako. Sa tingin ko talaga kaya mo…”Sa pagkakataong ito, nagsimula nang kumanta si Quinn. Hindi mapigilang mapabulalas ni Elaine, “Diyos ko! Napakaganda pala ng boses ng babaeng iyan!”Agad na kumaway si Claire. “Ma, tumahimik ka nga!”Nasorpresa nang kaunti si Charlie nang marinig niya ang boses ni Quinn. Akala niya isang magandang artista lang ang babae, pero nang marinig niya ang pag-awit nito, masasabi niyang profe
Live ang broadcast ng Spring Festival Gala at 1.4 bilyon ang mga manonood sa buong bansa. Nang matapos si Charlie sa panonood kay Quinn, kababalik lang ng babae sa backstage. Pagkatapos ng kanyang performance, kailangan niya nang magpalit ng damit.Ang unang bagay na ginawa ni Quinn ay padalhan si Charlie ng isang text bago siya magpalit sa suot niyang evening gown. Gusto niyang malaman kung ano ang opinyon ng lalaki sa kanyang performance.Noong una, balak sana ng gala director team na umawit si Quinn ng isang kanta tungkol sa pagkakaibigan. Matagal na itong ipinangako ni Quinn sa team. Pero, nang muli silang magkita ni Charlie, nagbago ang kanyang puso.Kaya, muli niyang kinausap ang kanyang director team para sabihing gusto niyang baguhin ang kantang aawitin sa Spring Festival Gala. Nag-aalangan ang director team dahil pinlano nila nang mabuti ang magiging takbo ng programa, bibihira lamang ang mga pagkakataon na pinapalitan ang kantang napag-usapan.Subalit, dahil patuloy ang
Tumugon si Charlie, “Kailangan mo nang bilisan para masamahan mo si Uncle at Aunt. Pakikamusta na lang sila para sa akin. Gusto ko rin silang batiin ng Happy New Year!”Sumagot si Quinn, “Maraming salamat, Charlie. Happy New Year rin sa iyo!”Pagkatapos, itinabi ni Charlie ang kanyang cellphone at nakatuon na lamang ang kanyang atensyon sa panonood ng Spring Festival Gala kasama ang kanyang asawa na si Claire.Nang malapit na ang hatinggabi, malungkot na nagsalita si Jacob, “Kahit mas environmentally friendly na ang bansa ngayon simula nang ipagbawal nila ang mga paputok, para bang kulang pa rin ang ere ng New Year. Sayang talaga…”“Tama ka, Papa.” Hindi mapigilang mapabuntong hininga ni Claire habang nasa tabi, “Noong bata pa ako, gustong-gusto ko ang amoy ng usok na nanggagaling sa paputok. Bibihira lang para sa atin na magkaroon ng tsansa na makakita ng mga paputok ngayon.”Tumugon si Charlie, “Kahit bawal tayong magpaputok sa loob ng siyudad, posible pa rin naman ito sa labas
Diretsong nagmaneho si Charlie papuntang Shangri-La. Sa pagkakataong ito, itinulak na ng isang empleyado ang isang cart na puno ng paputok papunta sa entrance.Nang makita ng empleyado na dumating na si Charlie, agad niyang itinulak ang card papunta sa direksyon ng lalaki. Magalang siyang bumati, “Master Wade, sinabihan ako ni Mr. Cameron na maghanda ng fireworks at mga paputok para sa inyo. Gusto niyo bang tulungan ko kayong ilagay ito sa kotse niyo?”Tumango si Charlie saka niya binuksan ang likod ng kanyang kotse, “Maraming salamat sa tulong mo.”Agad na kumaway ang empleyado, “Master Wade, masyado kayong mabuti. Ito naman talaga ang kailangan kong gawin.”Pagkatapos, nagmadali ang empleyado na ilagay ang malalaking mga kahon ng fireworks at firecrackers sa trunk ng BMW na kotse.Pinasalamatan ni Charlie ang kabilang panig saka siya nagmaneho pabalik ng villa. Sa pagkakataong ito, tinawagan niya si Claire para makapaghanda sila ng mga biyenan niya. Pagdating niya sa Thompson Fi
Inangat ni Jacob ang kanyang ulo para tignan ang fireworks. Kita ang sigla sa kanyang mukha. Sa kabila ng mga kulubot niya, nababalot ng kakaibang tuwa ang kanyang ekspresyon.Sa pagkakataong ito, biglang naalala ni Jacob si Matilda.Ito ang unang Spring Festival ni Matilda sa loob ng dalawang dekada pagkatapos niyang makabalik ng bansa.Palihim na inilabas ni Jacob ang kanyang cellphone saka niya pinadalhan ng isang text si Matilda. Apat na salita lamang ang nilalaman nito, “Happy New Year, Matilda!”Samantala, sa pagkakataong ito, punong-puno ng iba’t ibang notifications ang cellphone ni Charlie.Marami ang nagpadala sa kanya ng kanilang mga bati. Subalit, dahil wala ng lakas si Charlie na isa-isang sagutin ang mga mensahe nila, nagpadala na lamang siya ng iisang text para sa lahat, “Happy New Year sa lahat ng mga kamag-anak at pamilya ko!”Sa gabing iyon, kumikislap sa iba’t ibang liwanag ang siyudad ng Aurous Hill.Nanatili sila Charlie at ang tatlo niyang kasama sa tabing-i
Sa wakas, nalasap na rin ni Lady Wilson na mabusog pagkatapos kumain. Naging mahimbing ang tulog niya pagkatapos.Sa hindi inaasahang pagkakataon, sinipa nang malakas ng isang galit na galit na Jennifer ang pinto ng matanda sa umagang iyon!Bago pa makakilos si Lady Wilson, agad na sinugod ni Jennifer ang matanda sa kanyang kama at binigyan niya ito ng isang malakas na sampal sa mukha habang galit na nagmumura, “Buwisit ka talagang matanda ka! Talagang ang lakas ng loob mong nakawin ang bigas na nasa loob ng incense burner ko! Alay ko iyon para sa Goddess of Mercy. Wala ka bang moralidad?”Naramdaman ni Lady Wilson na nahilo siya nang kaunti pagkatapos masampal ni Jennifer. Nang makita niyang malapit ang mukha ni Jennifer sa kanya at galit na galit ito, hindi niya mapigilang magmakaawa agad, “Jennifer! Pasensya na talaga, Jennifer! Hindi ko talaga gustong nakawin ang bigas mo. Pero, gutom na gutom na talaga ako…”Galit na galit si Jennifer at nagngingitngit sa galit ang kanyang ngi
Kahit na palihim na hinahangad ni Charlie ang Thunderstrike wood ni Vera, nag-atubili siyang hingin ito nang lantaran. Dahil, pinahahalagahan ni Vera ang bagay na ito na mahigit tatlong daang taon, at siguradong napakahalaga nito sa kanya. Pero, alam ni Charlie na hindi niya kailangan mabalisa nang sobra.Sa kasalukuyang sitwasyon, kahit na ibigay sa kanya ni Vera ang Thunderstrike wood, hindi niya ito malilinang.Kaya, tumingin si Charlie kay Vera at tinanong ang isang tanong na nagpausisa sa kanya, “Miss Lavor, sobrang interesado akong malaman kung paano mo pinalampasa ang tatlong daang taon na ito?”Nagkibit balikat si Vera at tumawa na parang sinisisi ang sarili niya, “Hindi ako magaling sa Reiki tulad ni Fleurr, kaya hindi ko kayang makipaglaban sa kanya. Sa nagdaang tatlong daang taon, palagi akong tumatakbo.”Pagkatapos itong sabihin, nagpatuloy si Vera, “Medyo ayos lang ang unang dalawang daang taon. Sa oras na iyon, hindi madali ang transportasyon, at hindi pa maunlad ang
Tumawa si Charlie na parang sinisisi ang sarili niya at tumango habang sinabi, “Wala man lang pala para sa Diyos ang mabuhay ng isang libong taon. Hindi ito karapat-dapat para magpadala siya ng mga kidlat.”Tumango nang bahagya si Vera, “Mukhang gano’n na nga.”Pagkatapos itong sabihin, hindi niya mapigilan na bumuntong hininga, “Pero, may koneksyon nga kayo ni Master Marcius Stark. Kahit na pumanaw na si Master Marcius Stark ng mahigit tatlong daang taon noong ipinanganak ka, may ugnayan ka pa rin sa kanya sa unang limang daang taon na buhay niya at ang pangalawang limang daang taon na buhay niya…”Sa puntong ito, biglang tinanong nang mausisa ni Vera, “Maaari ko bang itanong, paano ka nagsimulang mag-cultivate, Young Master? Sino ang marangal na nakatatanda na gumabay sayo at nagpasok sayo sa cultivation?”Nang makita ni Charlie na sinabi na ni Vera ang lahat ng nakaraan at sikreto niya, hindi na niya itinago ang kahit ano at sinabi, “Nagkataon na may nakuha akong isang sinaunang
Nabigla si Vera sa pangalan na sinabi ni Charlie.Si Charlie ang tuloy-tuloy na nagulat ngayong gabi, habang nanatili siyang kalmado mula sa umpisa kahit na medyo malungkot siya habang pinag-uusapan ang kanyang ama. Pero, nang binanggit ni Charlie ang mga salitang ‘Marcius Stark’, biglang nagulat nang sobra si Vera!Sinabi niya nang hindi nag-iisip, “Paano mo nalaman ang totoong pangalan ng master?! Mahigit tatlong daang taon na simula noong pumanaw siya, at nag-cultivate siya sa seklusyon sa Mount Tason ng sa loob ng isang libong taon noong buhay pa siya. Sobrang kaunting tao lang ang may alam tungkol sa kanya kahit noong buhay pa siya…”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Marcius Stark, na ang orihinal na pangalan ay Martin, ay ipinanganak sa Coleham. Pagkatapos mag-cultivate, tinawag siyang Longevity Master at binago ang pangalan niya na Marcius Stark.”Mas lalong nagulat si Vera, “Young Master, paano mo nalaman ang napakaraming impormasyon tungkol sa ma
“Sa sumunod na dalawang taon, kumuha ang aking ama at si Fleur ng mga determinadong makabayan na gustong ibalik ang bansa natin. Patuloy silang nakipaglaban sa Qing army, pero dahil sa limitadong lakas nila, hindi nila nabago ang unti-unting pagsasama-sama ng Qing army.”“Sa taong 1662, ang tanyag na traydor, si Sanguine, ay pinatay ang hari ng Yorkshire Hill. Napuno ng lungkot ang aking ama at nagdalamhati siya nang sobra. Nakipagtulungan siya kay Fleur at pinangunahan ang mga makatarungan na tao mula sa Qing Eliminating Society para patayin si Sanguine. Sa kasamaang palad, nabigo ang misyon nila.”“Ang aking ama at si Fleur ay hinabol ng sampu-sampung libong sundao mula sa Qing army, at dahil nasa ilalim na ng kontrol ng Qing army ang mga rehiyon sa loob ng bansa, nagpasya silang tumakas sa Taiwan at magtago doon para patuloy na labanan ang Qing army. Sa hindi-inaasahan, hindi matagal pagkatapos nilang umalis, dumating ang balita na biglang pumanaw ang leader ng Taiwan. Dahil wala
Nang marinig niya ang pangalan na ‘Fleur Wiley’, lumaki ang mga mata ni Charlie sa gulat at tinanong, “Babae ang leader ng Qing Eliminating Society?”Tumango si Vera, nagngalit, at sinabi, “Hindi lang siya isang babae, ngunit siya ang pinakamalupit na babae sa buong mundo!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Kung siya ang kapatid ng sinumpaang kapatid ng iyong ama, hindi ba’t nabubuhay na rin siya ng tatlo o apat na raang taon?”Nag-isip saglit si Vera at sinabi, “Isang taon na mas bata si Felur sa ama ko, at dalawampu’t tatlong taon na mas matanda siya kaysa sa akin. Apat na raang taon na siya ngayon.”Sinabi ni Charlie, “Uminom din siguro siya ng Eternal Pill, tama?”“Syempre,” sinabi nang emosyonal ni Vera, “Ang Eternal Pill ay binigay sa ama ko at kay Fleur ng kanilang master. Sa una ay nag-iwan siya ng tig-isang pill sa kanila, umaasa na maipagpapatuloy nila ang layunin na pabagsakin ang Qing Dynasty. Bukod sa tig-isang Eternal Pill, ipinagkatiwala rin ng master nila sa ama ko
“Mabilis kong pinahiga nang pansamantala ang aking ama, at binigyan niya ako ng isang hindi kilalang pill, inutusan ako na inumin ito nang masunurin nang hindi nagtatanong.”“Hindi ko alam ang mga epekto ng pill na ito, pero hindi ko kayang suwayin ang utos ng aking ama. Kaya, ininom ko ang pill. Pagkatapos ko itong inumin, sinabi sa akin ng ama ko kung anong pill ito at ang mga epekto nito.”Habang nagsasalita siya, namula ang mga mata niya, at sinabi niya sa malambot na boses, “Para naman sa kung bakit hindi ito ininom ng aking ama at binigay ang Eternal Pill sa akin, sinabi niya na ito ay dahil ayaw niyang makita ang araw nang siya, bilang ama, ay kailangan akong panoorin na tumanda at mamatay nang unti-unti sa harap niya. Sinabi rin ng ama ko na kung may pill na kayang hayaan ang isang ama na mabuhay para panoorin ang kanyang anak na babae na unti-unting tumanda at mamatay, hindi isang elixir ang pill na iyon ngunit isang lason.”‘Sinabi ng ama ko na kailangan niyang mamatay bag
Humagikgik si Vera, itinupi ang mga kamay niya nang matiwasay sa isang bahagi ng kanyang baywang, at yumuko nang bahagya kay Charlie. Sinabi niya nang magalang, “Young Master, hindi mo ako kailangan maging magalang nang sobra sa akin. Tawagin mo na lang ako na Vera.”Sinabi nang tapat ni Charlie, “Hindi, halos 400 years old ka na, kaya dapat kitang tawagin bilang nakakatanda ko…”Ngumiti si Vera at sinabi nang seryoso, “Sa pananaw ko, isa lang akong babae na hindi lumaki, hindi isang imortal at matandang mangkukulam. Kahit na halos apat na raang taon na talaga ako nabubuhay, pakiramdam ko na tila ba 17 years old lang ako…”“Ah…” Nalaman ni Charlie na hindi akma ang sitwasyon niya, na may dalawang magkasalungat na boses na nagtatalo sa isipan niya.Sinabi ng isang boses, “Tama siya. Kahit na halos apat na raang taon na siyang nabubuhay, noon pa man ay 17 o 18 years old lang siya.”Sinabi ng isang boses, “Pero halos 400 years old na siya ngayon! Anong ibig sabihin ng 400 years old?!
Nang maglaho ang katawan ni Vera sa itaas ng bundok, agad bumalik ang kamalayan ni Charlie sa realidad mula sa kailaliman ng mga bundok sa timog ng Yorkshire Hill.Sa sandaling binuksan niya ang mga mata niya, naniwala na siya nang buo sa mga sinabi ni Vera. Naniniwala siya na ang babaeng ito ay nabubuhay na mula tatlong daang taon na ang nakalipas hanggang ngayon. Sa sandaling ito, sa wakas ay napagtanto na niya kung bakit palagi niyang nararamdaman na kahanga-hanga si Vera kahit na hindi niya maintindihan kung ano ang mayroon sa kanya.Sa edad na 17 o 18, bihasa na siya sa halos mala-diyos na sining ng panghuhula, na kahit ang isang katulad ni Chandler, na 100 years old, ay hindi na-master.Sa 17 o 18, walang tigil siyang hinabol ng Qing Eliminating Society. Kung limang taon na siya hinabol ng Qing Eliminating Society, hindi ba’t nakikipagtagisan ng talas ng isip na siya sa kanila noong 12 years old pa lang siya?Bukod dito, sa edad na 17 o 18, misteryoso siyang lumitaw sa Aurous
Tinanong ni Charlie si Vera nang hindi namamalayan, “Ipininta mo ba ang painting na ito?”Tumango si Vera at sinbi, “Ipininta ko ito ilang araw na ang nakalipas. Ipininta ko ito para sayo, Young Master.”Hindi maiwasang mamangha ni Charlie. Hindi niya inaasahan na may pambihirang galing si Vera sa pagpipinta. Kailan lang, sinabi ng biyenan na lalaki niya na may isang art exhibition na isasagawa ng Calligraphy and Painting Association, at nahihirapan siyang makahanap ng mga magagandang likha. Kung dadalhin ni Charlie ang painting na ito doon, marahil ay gumawa ito ng kaguluhan sa mga landscape painter sa buong bansa!Biglang sinunggaban ni Vera nang kanang kamay ni Charlie, na may singsing, at pinagsama ang daliri nila. Pagkatapos ay sinabi niya nang may umaasang ekspresyon, “Young Master, maaari ko bang imungkahi na dalhin ka para makita ang hitsura nito gamit ang sarili mong mga mata noong tatlong daang taon na ang nakalipas?”Pagkasabi nito, ang singsing, na nanatiling tahimik ka