Sa wakas, nalasap na rin ni Lady Wilson na mabusog pagkatapos kumain. Naging mahimbing ang tulog niya pagkatapos.Sa hindi inaasahang pagkakataon, sinipa nang malakas ng isang galit na galit na Jennifer ang pinto ng matanda sa umagang iyon!Bago pa makakilos si Lady Wilson, agad na sinugod ni Jennifer ang matanda sa kanyang kama at binigyan niya ito ng isang malakas na sampal sa mukha habang galit na nagmumura, “Buwisit ka talagang matanda ka! Talagang ang lakas ng loob mong nakawin ang bigas na nasa loob ng incense burner ko! Alay ko iyon para sa Goddess of Mercy. Wala ka bang moralidad?”Naramdaman ni Lady Wilson na nahilo siya nang kaunti pagkatapos masampal ni Jennifer. Nang makita niyang malapit ang mukha ni Jennifer sa kanya at galit na galit ito, hindi niya mapigilang magmakaawa agad, “Jennifer! Pasensya na talaga, Jennifer! Hindi ko talaga gustong nakawin ang bigas mo. Pero, gutom na gutom na talaga ako…”Galit na galit si Jennifer at nagngingitngit sa galit ang kanyang ngi
Dahil walang lalabas para kumita ng pera, natural lang na wala silang pambili ng pagkain na lulutuin. Kaya, talagang magugutom na lang ang apat na ito.Simula nang dukutin ni Christopher at Harold si Elaine at aksidente rin nilang nasama si Carmen nang hindi sinasadya, naging miserable na ang buhay nilang apat. Pumayat sila at naging matamlay.Samantala, nag-iimpake na sila Charlie at ang kanyang pamilya sa kabilang villa. Sa unang araw ng New Year, pupunta sila sa hot springs villa na inirekomenda ni Isaac kay Charlie. Balak nilang manatili roon sa loob ng dalawang araw.Sa gabing dumating sila sa hot spring villa, nakaupo si Carmen sa loob ng gula-gulanit na bahay at nakatitig siya nang mapanglaw sa isang pack ng dumplings.Simula nang ikulong siya ni Charlie sa Aurous Hill, laging takeout food na lang ang kinakain ni Carmen bawat araw.Lalo pang nakakainis dahil hindi siya hinahayaan ni Charlie na umorder ng sarili niyang takeout. Ang tauhan ni Albert ang siyang bumibili ng lah
Walang alam ang tauhan ni Albert kung sino si Carmen. Wala siyang kahit anong detalye tungkol sa babae.Alam niya lang na kailangan niyang bantayan nang mabuti ang matandang babaeng ito ayon sa utos ng kanyang boss. Hindi niya nga alam ang pangalan nito, saan man ito nanggaling, o ang kahit anong bagay tungkol sa kanya. Hindi niya alam na miyembro siya ng pamilya Wade.Kaya, nang magwala si Carmen dahil sa dumplings na dinala niya, agad siyang nagalit. Pakiramdam niya naging mabuti ang pakikitungo niya sa isang taong hindi marunong magpasalamat.Hind inaakala ni Carmen na ganito ang magiging ugali ng isang tauhang nagtatrabaho kay Charlie, napakalakas ng loob nito. Kaya, agad siyang nagalit at nadismaya.Pinagtuturo niya ang kabilang panig habang masungit na nagsasalita, “Kilala mo ba kung sino ako? Ang lakas naman yata ng loob mo na kausapin ako sa ganitong paraan?!”Nagngitngit ang ngipin ng kabilang panig habang nagmumura, “Wala akong paki kung sino ka! Talagang ininsulto mo pa
Napasimangot si Jeremiah saka siya nagtanong, “Bilang miyembro ng pamilya Wade, bakit wala kang pasensya para magtiis nang kaunti? Kung hindi mo kayang tiisin ang ganitong klase ng maliit na bagay, ano kaya ang posibleng magagawa mo sa hinaharap?”Habang nagsasalita, muling pinaalalahanan ni Jeremiah ang kanyang anak, “Nga pala, mula sa araw na ito, siguraduhin mong hindi na kayo magkakaroon ng alitan ni Charlie. Huwag mo na siyang guluhin dahil lang sa mga ganitong bagay. Pumayag na si Charlie na pumunta sa ancestor worship ceremony sa Tomb Sweeping Festival. Magandang pagkakataon ito para makabalik na rin siya sa pamilya Wade natin.”Galit na nagtanong si Carmen, “Papa! Bakit ba lagi mong pinapaboran ang tarantadong si Charlie? Wala naman siyang galang sa mga nakakatanda sa kanya! Isa lang siyang kawawang bata na tumira nang matagal sa labas ng pamilya natin. Wala siyang pormal na edukasyon at hindi rin siya nakapasok sa isang unibersidad. Ano ba ang halaga niya sa pamilya natin? B
Mas masarap mabuhay sa hot spring villa ng Champs Elys Spa Resort kumpara sa Thompson First.Nasa tabi ng bundok ang villa na ito at napakaganda ng tanawing makikita. Hindi lamang nakamamangha ang senaryo pero higit sa lahat, napakatahimik at mapayapa ang lugar dahil magkakalayo ang bawat villa sa isa’t isa. Talagang napoprotektahan nito ang privacy ng may-ari.Bukod pa roon, kahit kalahati lamang ang presyo ng hot spring villa sa Champ Elys Spa Resort kumpara sa isang villa sa Thompson First, mas malaki naman ang hot springs villa ng Champs Elys Spa Resort at mas malawak rin ang bakuran nito.Mahal ang presyo ng mga bahay sa siyudad dahil mahal ang lupang kinatatayuan nito. Dahil nasa labas ng bayan ang Champs Elys Spa Resort, mas mababa ang presyo ng lupa kumpara sa loob ng siyudad.Gustong-gusto ni Claire ang paligid rito. Para sa kanya, matagal na rin simula nang magkaroon siya ng oportunidad na makaranas ng isang mapayapa at tahimik na buhay.Kaya, napagpasyahan ng pamilya na
Napagdesisyunan niyang joint venture ang partnership na mangyayari, gaya ng isang automobile company, gusto niyang ipakilala ang nakamamanghang teknolohiya ng Nippon Steel sa kanyang steel company.Ganitong klase ng ideya ang joint venture na ginawa ng Volkswagen, Honda, at Ford. Pagkatapos ng 20 hanggang 30 na taon na joint venture development, nagtagumpay ang mga kumpanyang ito at nakakalula ang naging resulta ng kanilang collaboration.Interesado rin ang Nippon Steel sa inaalok ni Jasmine. Matapos ang lahat, sa lakas ng pamilya Moore, mga assets nila, pati na rin karanasan sa steel industry, masasabing mataas ang kanilang potensyal para maging partner ng Nippon Steel.Kaya, agad na nagkasundo ang dalawa. Kailangan na lamang nilang magkaroon ng diskusyon, formulation ng collaboration, at ilang mga detalye sa kanilang partnership.Gusto ni Jasmine na 51% ang shares na hahawakan ng pamilya niya samantalang 49% naman ang sa Nippon Steel, subalit ito rin ang intensyon ng Nippon Steel
Alam ni Jasmine na totoo ang sinasabi ng kabilang panig.Sa totoo lang, isang top-notch steel group ang Nippon Steel at talagang sikat ito sa kahit anong bansa.Ang kanilang kakayahan at karanasan sa paggawa ng special steels ay masasabing isa sa pinakamagagaling sa mundo.Halimbawa sa usapang militar.Matindi at mabusisi ang mga requirements para sa isang simpleng baril at artilerya nito.Kung maganda ang materyal na gagamitin, magtatagal ang baril at magiging tumpak ang tama nito. Samantala, kung hindi maganda ang materyal, imposible ang mga benepisyong nabanggit. Sa madaling salita, imposibleng maabot ng baril ang kanyang pinakamataas na potensyal.Iilan sa mga baril ang pinapalitan na agad pagkatapos ng isang libong pagpapaputok. Kailangan na itong palitan dahil hindi maganda ang materyal na ginamit.Pero may iba pang mas malala. Ilang mga baril ang natatapos na ang buhay pagkatapos lamang ng ilang daang rounds. Kapag hindi naingatan nang mabuti, may posibilidad rin na sumab
‘Subalit, kapag isinuko ko ang controlling rights, magiging katumbas ito ng pagsuko ko sa awtonomiya ng kumpanya. Sa hinaharap, kung ang Nippon Steel ang bahalang magdesisyon para sa kumpanya, mawawalan ng kapangyarihan ang pamilya Moore. Kung iyan ang kaso, bakit pa ako magsasayang ng pagod…’Nang makita ni Kazumi na hindi alam ni Jasmine ang gagawin niya, ngumiti siya saka siya nagsalita, “Miss Moore, hindi natin kailangang magmadali. Pwede ka munang umuwi at pag-isipan ito. Mag-usap na lang ulit tayo bukas. Ano sa tingin mo?”Nag-alangan si Jasmine sa loob ng ilang sandali saka siya marahang tumango.Alam niyang wala talaga siyang advantage sa negosasyong ito.Kapag nagpatuloy sila sa kanilang diskusyon, malalagay lamang siya sa isang malalang puwesto. Baka umabot pa sa puntong kailangan niyang isuko ang interes ng Moore Group.Maihahalintulad ang sitwasyon sa pagbili ng isang gamit sa isang tindahan. Kung kinakabahan ang nagbebenta, natural na bibigyan niya ng mas mataas na po
Kahit na palihim na hinahangad ni Charlie ang Thunderstrike wood ni Vera, nag-atubili siyang hingin ito nang lantaran. Dahil, pinahahalagahan ni Vera ang bagay na ito na mahigit tatlong daang taon, at siguradong napakahalaga nito sa kanya. Pero, alam ni Charlie na hindi niya kailangan mabalisa nang sobra.Sa kasalukuyang sitwasyon, kahit na ibigay sa kanya ni Vera ang Thunderstrike wood, hindi niya ito malilinang.Kaya, tumingin si Charlie kay Vera at tinanong ang isang tanong na nagpausisa sa kanya, “Miss Lavor, sobrang interesado akong malaman kung paano mo pinalampasa ang tatlong daang taon na ito?”Nagkibit balikat si Vera at tumawa na parang sinisisi ang sarili niya, “Hindi ako magaling sa Reiki tulad ni Fleurr, kaya hindi ko kayang makipaglaban sa kanya. Sa nagdaang tatlong daang taon, palagi akong tumatakbo.”Pagkatapos itong sabihin, nagpatuloy si Vera, “Medyo ayos lang ang unang dalawang daang taon. Sa oras na iyon, hindi madali ang transportasyon, at hindi pa maunlad ang
Tumawa si Charlie na parang sinisisi ang sarili niya at tumango habang sinabi, “Wala man lang pala para sa Diyos ang mabuhay ng isang libong taon. Hindi ito karapat-dapat para magpadala siya ng mga kidlat.”Tumango nang bahagya si Vera, “Mukhang gano’n na nga.”Pagkatapos itong sabihin, hindi niya mapigilan na bumuntong hininga, “Pero, may koneksyon nga kayo ni Master Marcius Stark. Kahit na pumanaw na si Master Marcius Stark ng mahigit tatlong daang taon noong ipinanganak ka, may ugnayan ka pa rin sa kanya sa unang limang daang taon na buhay niya at ang pangalawang limang daang taon na buhay niya…”Sa puntong ito, biglang tinanong nang mausisa ni Vera, “Maaari ko bang itanong, paano ka nagsimulang mag-cultivate, Young Master? Sino ang marangal na nakatatanda na gumabay sayo at nagpasok sayo sa cultivation?”Nang makita ni Charlie na sinabi na ni Vera ang lahat ng nakaraan at sikreto niya, hindi na niya itinago ang kahit ano at sinabi, “Nagkataon na may nakuha akong isang sinaunang
Nabigla si Vera sa pangalan na sinabi ni Charlie.Si Charlie ang tuloy-tuloy na nagulat ngayong gabi, habang nanatili siyang kalmado mula sa umpisa kahit na medyo malungkot siya habang pinag-uusapan ang kanyang ama. Pero, nang binanggit ni Charlie ang mga salitang ‘Marcius Stark’, biglang nagulat nang sobra si Vera!Sinabi niya nang hindi nag-iisip, “Paano mo nalaman ang totoong pangalan ng master?! Mahigit tatlong daang taon na simula noong pumanaw siya, at nag-cultivate siya sa seklusyon sa Mount Tason ng sa loob ng isang libong taon noong buhay pa siya. Sobrang kaunting tao lang ang may alam tungkol sa kanya kahit noong buhay pa siya…”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Marcius Stark, na ang orihinal na pangalan ay Martin, ay ipinanganak sa Coleham. Pagkatapos mag-cultivate, tinawag siyang Longevity Master at binago ang pangalan niya na Marcius Stark.”Mas lalong nagulat si Vera, “Young Master, paano mo nalaman ang napakaraming impormasyon tungkol sa ma
“Sa sumunod na dalawang taon, kumuha ang aking ama at si Fleur ng mga determinadong makabayan na gustong ibalik ang bansa natin. Patuloy silang nakipaglaban sa Qing army, pero dahil sa limitadong lakas nila, hindi nila nabago ang unti-unting pagsasama-sama ng Qing army.”“Sa taong 1662, ang tanyag na traydor, si Sanguine, ay pinatay ang hari ng Yorkshire Hill. Napuno ng lungkot ang aking ama at nagdalamhati siya nang sobra. Nakipagtulungan siya kay Fleur at pinangunahan ang mga makatarungan na tao mula sa Qing Eliminating Society para patayin si Sanguine. Sa kasamaang palad, nabigo ang misyon nila.”“Ang aking ama at si Fleur ay hinabol ng sampu-sampung libong sundao mula sa Qing army, at dahil nasa ilalim na ng kontrol ng Qing army ang mga rehiyon sa loob ng bansa, nagpasya silang tumakas sa Taiwan at magtago doon para patuloy na labanan ang Qing army. Sa hindi-inaasahan, hindi matagal pagkatapos nilang umalis, dumating ang balita na biglang pumanaw ang leader ng Taiwan. Dahil wala
Nang marinig niya ang pangalan na ‘Fleur Wiley’, lumaki ang mga mata ni Charlie sa gulat at tinanong, “Babae ang leader ng Qing Eliminating Society?”Tumango si Vera, nagngalit, at sinabi, “Hindi lang siya isang babae, ngunit siya ang pinakamalupit na babae sa buong mundo!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Kung siya ang kapatid ng sinumpaang kapatid ng iyong ama, hindi ba’t nabubuhay na rin siya ng tatlo o apat na raang taon?”Nag-isip saglit si Vera at sinabi, “Isang taon na mas bata si Felur sa ama ko, at dalawampu’t tatlong taon na mas matanda siya kaysa sa akin. Apat na raang taon na siya ngayon.”Sinabi ni Charlie, “Uminom din siguro siya ng Eternal Pill, tama?”“Syempre,” sinabi nang emosyonal ni Vera, “Ang Eternal Pill ay binigay sa ama ko at kay Fleur ng kanilang master. Sa una ay nag-iwan siya ng tig-isang pill sa kanila, umaasa na maipagpapatuloy nila ang layunin na pabagsakin ang Qing Dynasty. Bukod sa tig-isang Eternal Pill, ipinagkatiwala rin ng master nila sa ama ko
“Mabilis kong pinahiga nang pansamantala ang aking ama, at binigyan niya ako ng isang hindi kilalang pill, inutusan ako na inumin ito nang masunurin nang hindi nagtatanong.”“Hindi ko alam ang mga epekto ng pill na ito, pero hindi ko kayang suwayin ang utos ng aking ama. Kaya, ininom ko ang pill. Pagkatapos ko itong inumin, sinabi sa akin ng ama ko kung anong pill ito at ang mga epekto nito.”Habang nagsasalita siya, namula ang mga mata niya, at sinabi niya sa malambot na boses, “Para naman sa kung bakit hindi ito ininom ng aking ama at binigay ang Eternal Pill sa akin, sinabi niya na ito ay dahil ayaw niyang makita ang araw nang siya, bilang ama, ay kailangan akong panoorin na tumanda at mamatay nang unti-unti sa harap niya. Sinabi rin ng ama ko na kung may pill na kayang hayaan ang isang ama na mabuhay para panoorin ang kanyang anak na babae na unti-unting tumanda at mamatay, hindi isang elixir ang pill na iyon ngunit isang lason.”‘Sinabi ng ama ko na kailangan niyang mamatay bag
Humagikgik si Vera, itinupi ang mga kamay niya nang matiwasay sa isang bahagi ng kanyang baywang, at yumuko nang bahagya kay Charlie. Sinabi niya nang magalang, “Young Master, hindi mo ako kailangan maging magalang nang sobra sa akin. Tawagin mo na lang ako na Vera.”Sinabi nang tapat ni Charlie, “Hindi, halos 400 years old ka na, kaya dapat kitang tawagin bilang nakakatanda ko…”Ngumiti si Vera at sinabi nang seryoso, “Sa pananaw ko, isa lang akong babae na hindi lumaki, hindi isang imortal at matandang mangkukulam. Kahit na halos apat na raang taon na talaga ako nabubuhay, pakiramdam ko na tila ba 17 years old lang ako…”“Ah…” Nalaman ni Charlie na hindi akma ang sitwasyon niya, na may dalawang magkasalungat na boses na nagtatalo sa isipan niya.Sinabi ng isang boses, “Tama siya. Kahit na halos apat na raang taon na siyang nabubuhay, noon pa man ay 17 o 18 years old lang siya.”Sinabi ng isang boses, “Pero halos 400 years old na siya ngayon! Anong ibig sabihin ng 400 years old?!
Nang maglaho ang katawan ni Vera sa itaas ng bundok, agad bumalik ang kamalayan ni Charlie sa realidad mula sa kailaliman ng mga bundok sa timog ng Yorkshire Hill.Sa sandaling binuksan niya ang mga mata niya, naniwala na siya nang buo sa mga sinabi ni Vera. Naniniwala siya na ang babaeng ito ay nabubuhay na mula tatlong daang taon na ang nakalipas hanggang ngayon. Sa sandaling ito, sa wakas ay napagtanto na niya kung bakit palagi niyang nararamdaman na kahanga-hanga si Vera kahit na hindi niya maintindihan kung ano ang mayroon sa kanya.Sa edad na 17 o 18, bihasa na siya sa halos mala-diyos na sining ng panghuhula, na kahit ang isang katulad ni Chandler, na 100 years old, ay hindi na-master.Sa 17 o 18, walang tigil siyang hinabol ng Qing Eliminating Society. Kung limang taon na siya hinabol ng Qing Eliminating Society, hindi ba’t nakikipagtagisan ng talas ng isip na siya sa kanila noong 12 years old pa lang siya?Bukod dito, sa edad na 17 o 18, misteryoso siyang lumitaw sa Aurous
Tinanong ni Charlie si Vera nang hindi namamalayan, “Ipininta mo ba ang painting na ito?”Tumango si Vera at sinbi, “Ipininta ko ito ilang araw na ang nakalipas. Ipininta ko ito para sayo, Young Master.”Hindi maiwasang mamangha ni Charlie. Hindi niya inaasahan na may pambihirang galing si Vera sa pagpipinta. Kailan lang, sinabi ng biyenan na lalaki niya na may isang art exhibition na isasagawa ng Calligraphy and Painting Association, at nahihirapan siyang makahanap ng mga magagandang likha. Kung dadalhin ni Charlie ang painting na ito doon, marahil ay gumawa ito ng kaguluhan sa mga landscape painter sa buong bansa!Biglang sinunggaban ni Vera nang kanang kamay ni Charlie, na may singsing, at pinagsama ang daliri nila. Pagkatapos ay sinabi niya nang may umaasang ekspresyon, “Young Master, maaari ko bang imungkahi na dalhin ka para makita ang hitsura nito gamit ang sarili mong mga mata noong tatlong daang taon na ang nakalipas?”Pagkasabi nito, ang singsing, na nanatiling tahimik ka