Nagulantang si Jacob, at mabilis siyang sumagot, “Ma, pasensya na, pero binigay ng pamilya White ang villa kay Charlie, hindi sa akin.”Nauubusan na ng pasensya si Lady Wilson sa sandaling ito, at hindi na siya nag-abalang itago ang intensyon niya. Nang marinig niya ito, sinabi niya, “Si Charlie ang manugang ng pamilya Wilson! Kaya, ang villa na binigay ng pamilya White kay Charlie ay pagmamay-ari rin ng pamilya Wilson! Bilang pinuno ng pamilya Wilson, hindi ba’t nararapat lang na tumira ako sa villa na iyon?”Sa oras na iyon, hindi maiwasang umirap ni Charlie nang marinig ang sinabi ng matandang babae. Hindi siya nagsalita kanina dahil inaasahan niya na walang magandang mangyayari sa pagtitipon ng pamilya ngayon.Gusto palang kunin ng matandang babae ang villa sa kanya.Nang napagtanto ni Jacob ang gustong sabihin sa kanya ng kanyang ina, nagpawis siya at nauutal habang nakatingin siya nang nahihiya kay Charlie.Biglang nag salita nang matagumpay si Christopher. “Jacob, ikaw ang
Para naman sa katayuan niya bilang manugang ng pamilya Wilson, hindi siya tinrato ng mga taong ito bilang isa sa kanila.Hindi man lang sila nag-abala tungkol kay Charlie.Si Jacob lamang ang magtitiis sa ugali nila dahil mapagmahal siya at nagmamalasakit siya sa kanyang pamilya.Bukod dito, laging inaapi si Claire. Kinamumuhian ng buong pamilya Wilson si Claire dahil sa posisyon niya bilang direktor ng Emgrand Group.Kaya, palaging tinatapakan ng pamilya Wilson ang pamilya niya.Palagi silang inaapi!Hindi ito pinapansin ni Charlie para sa kanyang asawa. Matagal niyang tiniis ang pang-aapi nila, pero hindi niya talaga inaasahan na magiging walang hiya ang mga taong ito. Kailan man ay hindi niya inasahan na susubukan nilang kunin ang villa sa kanya!“Charlie, ang lakas ng loob mong magsalita nang ganyan kay lola?” Galit na sinigaw ni Harold kay Charlie. “Tuturuan kita ng leksyon ngayon!”“Sa tingin mo ba talaga ay kaya mo?” Suminghal si Charlie bago niya sinabi nang mapanghamak
Sa katunayan, maingat na pinlano na ni Christopher ang lahat kagabi kasama si Lady Wilson.Bukod dito, sinadya niyang imbitahin ang lahat ng mga kagalang-galang na matatanda sa pamilya Wilson upang pumunta sa pagtitipon ngayon.Sa una ay inakala ni Christopher na kusang ibibigay ni Jacob ang villa kung pupwersahin nila siya.Pinlano niya rin na pwersahin si Jacob na ibigay ang villa gamit ang pagbabanta kung tatanggi siya.Palaging walang imik si Jacob, at lagi siyang nanginginig sa takot sa tuwing pinapagalitan siya ng ina niya. Kaya, kumpiyansa si Christopher na tiyak na ibibigay ni Jacob ang villa kay Lady Wilson kung uutusan siya.Bukod dito, walang respeto si Christopher kay Claire. Isa siyang babaeng may asawa, kaya, wala siyang karapatan na mag-salita.At saka, kasal siya sa isang piraso ng basura!Para naman kay Charlie, hindi na siya nag-atubili sa kanya.Isa lang siyang manugang ng pamilya Wilson na walang katayuan, at wala siyang kwalipikasyon na magsalita o sumagot
Ang lahat ng nasa patyo ay nagulat sa sandaling ito.Ang battuta ay gawa sa pinakamatigas na yellow elmwood at sobrang tibay nito. Kahit dalawang matipunong lalaki ay mahihirapan na baliin ang batuta na ito kahit pa gamitin nila ang buong lakas nila.Gayunpaman, sa mga kamay ni Charlie, para bang kasing hina ng pansit ang batutang ito!Pagkatapos sanayin ang kasanayan niya sa pakikipaglaban sa Apocalyptic Book, ang lakas ni Charlie ay labis na tumaas, kaya, ang mga bodyguard na ito ay walang banta sa kanya.Huminga nang maluwag si Jacob nang makita niyang kumilos si Charlie.Hindi niya inaasahan na sobrang galing ng manugang niya! Mukhang makakaalis silang tatlo nang ligtas sa villa pamilya Wilson ngayon.Ang mga bodyguard sa villa ng pamilya Wilson ay pinili ni Christopher, at kumpiyansa siya sa kakayahan nila. Gayunpaman, kaunting nabulabog ang mga bodyguard nang makita nila ang lakas si Charlie.Kinagat ni Christopher ang kanyang ngipin at sinabi, “Charlie! Hindi ko talaga in
“Tatayo lang ba kayo diyan at papanoorin si Harold na pumatay?!”Nang makita ni Jacob na iwinasiwas ni Harold ang palakol kay Charlie, hindi niya maiwasang sumigaw nang galit.Gayunpaman, sa oras na ito, sina Lady Wilson at Christopher ay walang pag-aalangan. Patuloy silang umupo sa loob ng bahay habang pinapanood ang laban na nangyayari sa patyo, hindi man lang sila kumukurap!Ang ibang miyembro ng pamilya Wilson ay nanatiling tahimik din, tila ba wala silang kinalaman sa nangyayari doon.Bukod dito, ngayon, interesado lang si Lady Wilson sa villa.Wala siyang pakialam sa ibang bagay!Minsan, sa tuwing tumatanda ang isang tao, ay mas nagiging sakim siya!Kahit sa nakaraan, ang hari ay gustong magtayo ng malaki, maganda, at mas maluhong palasyo, at nagtatayo pa sila ng mas magandang kabaong para sa kanila habang tumatanda sila.Kaya, sa tuwing tumatanda si Lady Wilson, ay mas gusto niyang mamuhay nang marangya.Gustong tumira ng matandang babae sa mas malaki at mas maluhong ba
Nagalit si Lady Wilson nang makita niyang binali ni Charlie ang kamay ng apo niya sa harap niya.Sa sobrang galit niya ay agad siyang lumabas dahil gusto niyang sampalin siya sa kanyang mukha.Sa sandaling itinaas niya ang kanyang kamay, biglang tumalikod si Charlie at sinabi nang malamig “Matandang babae! Hinihiling mong mamatay!”Nang sinabi niya ito, sinampal ni Charlie si Lady Wilson sa kanyang mukha nang hindi nag-aalangan. Ang matandang babae ay nagulat nang sobra at umatras siya agad.Ang mga mata ni Charlie ay malamig, at naglalabas siya ng nakamamatay na aura sa kanyang katawan. Kahit na sobrang galit si Lady Wilson, hindi niya mapigilang manginig dahil naramdaman niya ang sobrang sakit mula sa sampal na tumama sa kanyang mukha.Tinakpan niya ang kanyang mukha gamit ang kanyang kamay bago siya umatras nang takot.Umatras ang matandang babae, pero hindi siya naglakas-loob na itaas ang kanyang ulo at tumingin kay Charlie. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya siyang may
Habang nagmamaneho si Charlie, papalayo sa villa ng pamilya Wilson, galit na sinabi ni Jacob, “Kung alam ko lang na ang ina ko at ang kuya ko ay walang damdamin, hindi ko na sila tinulungan dati!”Nakaupo si Claire sa upuan ng pasahero sa oras na ito, at nagbuntong hininga na lang siya habang sinabi, “Kung ipagpapatuloy nila ito, tiyak na babagsak nang mabilis ang Wilson Group.”Sa sandaling iyon, sinabi nang galit ni Elaine, “Ang pangunahing punto ay masyado natin silang tinulungan! Hindi ba’t nakuha nila ang kontrata sa Emgrand Group dahil sa atin? Ngayon, para bang tinulungan natin sila nang walang dahilan!”Sumagot nang walang bahala si Charlie, “Ma, kung ipagpapatuloy nila ang ganito, hindi rin maganda ang patutunguhan nila.”Ang tanging dahilan kung bakit nabubuhay pa ang Wilson Group hanggang ngayon ay dahil sa kolaborasyon nila sa Emgrand Group. Gayunpaman, hindi nila alam na siya ang may-ari ng Emgrand Group!Ginalit na nila siya nang ganito, at iniisip pa rin nila na kik
“Charlie, basura ka! Ngayong pinalayas ka na sa pamilya Wilson, mananatili ang villa na ito sa pamilya Wilson. Nandito ako ngayon para kunin ang villa sa pangalan ng pamilya Wilson!”Kinagat ni Claire ang kanyang ngipin at sinabi, “Sumosobra na talaga kayo! Gusto niyong nakawin nang pwersahan ang villa dahil nabigo kayong isuko ito ni Charlie sa inyo?!”Galit na sumigaw din si Jacob, “Harold! Sa manugang ko ang villa na ito. Walan makakakuha nito sa kanya!”Dumura si Harold at nagmura,, “Sino ka ba sa tingin mo, Claire? Ngayon ay isa ka lang tao na pinalayas at itinakwil ng pamilya Wilson. Sa tingin mo ba ay may kwalipikasyon ka o nararapat kang kausapin ako?”Pagkatapos, itinaas ni Harold ang crowbar habang tinuro niya ito kay Jacob at nagpatuloy, “At ikaw, matandang lalaki. Sa tingin mo ba ay tito pa rin kita? Bilisan mo na at umalis ka na sa villa na ito. Kung hindi, babaliin ko ang mga binti mo!”Sobrang galit si Charlie, at tinanong niya nang malamig, “Nasaan si Barry?”Umab
“Sa sumunod na dalawang taon, kumuha ang aking ama at si Fleur ng mga determinadong makabayan na gustong ibalik ang bansa natin. Patuloy silang nakipaglaban sa Qing army, pero dahil sa limitadong lakas nila, hindi nila nabago ang unti-unting pagsasama-sama ng Qing army.”“Sa taong 1662, ang tanyag na traydor, si Sanguine, ay pinatay ang hari ng Yorkshire Hill. Napuno ng lungkot ang aking ama at nagdalamhati siya nang sobra. Nakipagtulungan siya kay Fleur at pinangunahan ang mga makatarungan na tao mula sa Qing Eliminating Society para patayin si Sanguine. Sa kasamaang palad, nabigo ang misyon nila.”“Ang aking ama at si Fleur ay hinabol ng sampu-sampung libong sundao mula sa Qing army, at dahil nasa ilalim na ng kontrol ng Qing army ang mga rehiyon sa loob ng bansa, nagpasya silang tumakas sa Taiwan at magtago doon para patuloy na labanan ang Qing army. Sa hindi-inaasahan, hindi matagal pagkatapos nilang umalis, dumating ang balita na biglang pumanaw ang leader ng Taiwan. Dahil wala
Nang marinig niya ang pangalan na ‘Fleur Wiley’, lumaki ang mga mata ni Charlie sa gulat at tinanong, “Babae ang leader ng Qing Eliminating Society?”Tumango si Vera, nagngalit, at sinabi, “Hindi lang siya isang babae, ngunit siya ang pinakamalupit na babae sa buong mundo!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Kung siya ang kapatid ng sinumpaang kapatid ng iyong ama, hindi ba’t nabubuhay na rin siya ng tatlo o apat na raang taon?”Nag-isip saglit si Vera at sinabi, “Isang taon na mas bata si Felur sa ama ko, at dalawampu’t tatlong taon na mas matanda siya kaysa sa akin. Apat na raang taon na siya ngayon.”Sinabi ni Charlie, “Uminom din siguro siya ng Eternal Pill, tama?”“Syempre,” sinabi nang emosyonal ni Vera, “Ang Eternal Pill ay binigay sa ama ko at kay Fleur ng kanilang master. Sa una ay nag-iwan siya ng tig-isang pill sa kanila, umaasa na maipagpapatuloy nila ang layunin na pabagsakin ang Qing Dynasty. Bukod sa tig-isang Eternal Pill, ipinagkatiwala rin ng master nila sa ama ko
“Mabilis kong pinahiga nang pansamantala ang aking ama, at binigyan niya ako ng isang hindi kilalang pill, inutusan ako na inumin ito nang masunurin nang hindi nagtatanong.”“Hindi ko alam ang mga epekto ng pill na ito, pero hindi ko kayang suwayin ang utos ng aking ama. Kaya, ininom ko ang pill. Pagkatapos ko itong inumin, sinabi sa akin ng ama ko kung anong pill ito at ang mga epekto nito.”Habang nagsasalita siya, namula ang mga mata niya, at sinabi niya sa malambot na boses, “Para naman sa kung bakit hindi ito ininom ng aking ama at binigay ang Eternal Pill sa akin, sinabi niya na ito ay dahil ayaw niyang makita ang araw nang siya, bilang ama, ay kailangan akong panoorin na tumanda at mamatay nang unti-unti sa harap niya. Sinabi rin ng ama ko na kung may pill na kayang hayaan ang isang ama na mabuhay para panoorin ang kanyang anak na babae na unti-unting tumanda at mamatay, hindi isang elixir ang pill na iyon ngunit isang lason.”‘Sinabi ng ama ko na kailangan niyang mamatay bag
Humagikgik si Vera, itinupi ang mga kamay niya nang matiwasay sa isang bahagi ng kanyang baywang, at yumuko nang bahagya kay Charlie. Sinabi niya nang magalang, “Young Master, hindi mo ako kailangan maging magalang nang sobra sa akin. Tawagin mo na lang ako na Vera.”Sinabi nang tapat ni Charlie, “Hindi, halos 400 years old ka na, kaya dapat kitang tawagin bilang nakakatanda ko…”Ngumiti si Vera at sinabi nang seryoso, “Sa pananaw ko, isa lang akong babae na hindi lumaki, hindi isang imortal at matandang mangkukulam. Kahit na halos apat na raang taon na talaga ako nabubuhay, pakiramdam ko na tila ba 17 years old lang ako…”“Ah…” Nalaman ni Charlie na hindi akma ang sitwasyon niya, na may dalawang magkasalungat na boses na nagtatalo sa isipan niya.Sinabi ng isang boses, “Tama siya. Kahit na halos apat na raang taon na siyang nabubuhay, noon pa man ay 17 o 18 years old lang siya.”Sinabi ng isang boses, “Pero halos 400 years old na siya ngayon! Anong ibig sabihin ng 400 years old?!
Nang maglaho ang katawan ni Vera sa itaas ng bundok, agad bumalik ang kamalayan ni Charlie sa realidad mula sa kailaliman ng mga bundok sa timog ng Yorkshire Hill.Sa sandaling binuksan niya ang mga mata niya, naniwala na siya nang buo sa mga sinabi ni Vera. Naniniwala siya na ang babaeng ito ay nabubuhay na mula tatlong daang taon na ang nakalipas hanggang ngayon. Sa sandaling ito, sa wakas ay napagtanto na niya kung bakit palagi niyang nararamdaman na kahanga-hanga si Vera kahit na hindi niya maintindihan kung ano ang mayroon sa kanya.Sa edad na 17 o 18, bihasa na siya sa halos mala-diyos na sining ng panghuhula, na kahit ang isang katulad ni Chandler, na 100 years old, ay hindi na-master.Sa 17 o 18, walang tigil siyang hinabol ng Qing Eliminating Society. Kung limang taon na siya hinabol ng Qing Eliminating Society, hindi ba’t nakikipagtagisan ng talas ng isip na siya sa kanila noong 12 years old pa lang siya?Bukod dito, sa edad na 17 o 18, misteryoso siyang lumitaw sa Aurous
Tinanong ni Charlie si Vera nang hindi namamalayan, “Ipininta mo ba ang painting na ito?”Tumango si Vera at sinbi, “Ipininta ko ito ilang araw na ang nakalipas. Ipininta ko ito para sayo, Young Master.”Hindi maiwasang mamangha ni Charlie. Hindi niya inaasahan na may pambihirang galing si Vera sa pagpipinta. Kailan lang, sinabi ng biyenan na lalaki niya na may isang art exhibition na isasagawa ng Calligraphy and Painting Association, at nahihirapan siyang makahanap ng mga magagandang likha. Kung dadalhin ni Charlie ang painting na ito doon, marahil ay gumawa ito ng kaguluhan sa mga landscape painter sa buong bansa!Biglang sinunggaban ni Vera nang kanang kamay ni Charlie, na may singsing, at pinagsama ang daliri nila. Pagkatapos ay sinabi niya nang may umaasang ekspresyon, “Young Master, maaari ko bang imungkahi na dalhin ka para makita ang hitsura nito gamit ang sarili mong mga mata noong tatlong daang taon na ang nakalipas?”Pagkasabi nito, ang singsing, na nanatiling tahimik ka
“Ano… Anong sinabi mo?!” Pakiramdam ni Charlie na namanhid ang buong katawan niya dahil sa mga sinabi ni Vera. Hindi ito pagmamalabis. Nakaramdam talaga siya ng mahinang kuryente mula sa kanyang ulo hanggang paa!Sinabi ni Vera na napanood niya ang Mother of Pu’er Tea na nabigong lampasan ang kalamidad nito sa Heavenly Lake tatlong daang taon na ang nakalipas. Ang ibig sabihin ba nito ay mahigit 300 years old na siya?!Sa una ay hindi kayang maniwala ni Charlie sa sinabi ni Vera. Dahil, kahit na nahanap talaga ng isang tao ang daan sa mahabang buhay, karaniwan ay unti-unting proseso ito.Marahil ay mag-cultivate ang isang tao sa 20s o 30s, pero madalas posible na magsimula ang cultivation sa edad na 50 o 60, o mas matanda pa.Habang lumalalim ang cultivation ng isang tao, humahaba ang buhay niya, pero kahit ang isang cultivator na mahigit 100 years old, tulad ng great earl ng Qing Eliminating Society, ay napanatili lang ang hitsura niya na isang lalaki na nasa 60 years old.Kung m
Humagikgik si Vera at sinabi, “Nagkataon, may natira pa na huling piraso ng Pu’er tea. Nag-aatubili akong inumin ito, at hinihintay ko ang araw na maitimpla ko ito para sayo para matikman mo ito. Charlie, mangyaring maghintay ka saglit!”Sinabi nang nagmamadali ni Charlie, “Miss Lavor, hindi mo na kailangan abalahin ang sarili mo. Bigyan mo na lang ako ng isang baso ng tubig.”Tumayo si Vera at hindi na lumingon habang sinabi, “Ang Pu’er tea na mayroon ako ay ang pinakamasarap ng Pu’er tea sa buong mundo. Charlie, siguradong pagsisisihan mo sa hinaharap kung hindi mo ito titikman.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “At saka, ipapaliwanag ko ang lahat ng mga bagay kung saan ka nalilito, simula sa piraso ng Pu’er tea na iyon.”Pagkatapos ay mabilis na kinuha ni Vera ang kumpletong tea set niya at ang Pu’er tea na palagi niyang pinapahalagahan nang hindi na hinihintay ang sagot ni Charlie.Pagkatapos bumalik sa tabi ng kama, maingat na sinindihan ni Vera ang uling ng olibo
Nang marinig ang paliwanag ni Vera, kumunot ang noo ni Charlie at tinanong, “Paano iyon posible? Nagsisinungaling ka siguro sa akin.”“Bakit ako magsisinungaling sayo?” Sinabi nang sigurado ni Vera, “Totoo talaga ito! Kaya kong mangako sa buhay ko!”Umiling si Charlie at sinabi nang sobrang seryoso at tapat, “Paniniwalaan kita kahit na may pagdududa ako. Naniniwala ako na kaya nga ng singsing na ito na ipadala ang tao sa iba, pero nang mangyari ang pagsabog kanina, hindi ikaw ang iniisip ko… Ang iniisip ko ay ang mga pumanaw na magulang ko…”Pagkasabi nito, patuloy na binulong ni Charlie, “Mukhang lumitaw sa isipan ko ang imahe ng asawa ko sa dulo. Kung totoo ang sinabi mo, dapat ay ipinadala ako ng singsing na ito sa asawa ko…”Tinikom ni Vera ang mga labi niya at sinabi nang may kaunting lungkot, “Charlie, hindi ako nagsisinungaling sayo. Natural na alam ko na hindi mo ako iisipin sa sandali ng buhay at kamatayan. Kaso nga lang ay ang ama ko ang nag-iwan ng singsing na ito sa aki