Nagulantang si Harold sa nakita niya!Alam niya na magaling makipaglaban si Charlie, pero hindi niya talaga inasahan na hindi man lang matatalo ng mga bodyguard na may kutsilyo si Charlie.Nanginig si Harold nang makita niya ang nakakamatay na tingin ni Charlie.Sa totoo lang, ang tanging dahilan kung bakit pumunta si Harold upang kunin ang villa bilang lupain ng pamilya Wilson ay dahil inutusan siya ng matandang babae. Dahil may poot siya kay Charlie, pumayag si Harold na kunin ang pagkakataon na ito upang buwagin at sirain si Charlie.Bukod dito, hindi niya talaga inaasahan na madaling matatalo ni Charlie ang lahat ng bodyguard. At saka, hindi man lang siya nasugatan!Tao ba talaga si Charlie.Sa sandaling ito, naglakad na papunta si Charlie kay Harold na may nakamamatay na ekspresyon sa kanyang mukha.Kailangan niya turuan ang bobong ito ng mabuting leksyon ngayon para maintindihan niya na kung sino ang kinakalaban niya.Nanginig sa takot si Harold nang makita niyang naglala
Sumagot si Claire, “Anong plano pa ang mayroon ako? Maghahanap ako ng ibang trabaho!”Wala nang sinabi si Charlie nang marinig niya ang sinabi ni Claire. Sa halip, pumunta lang siya sa balkonahe habang tinawagan niya si Zeke.Sa sandaling sinagot ni Zeke ang tawag, tinanong agad siya ni Charlie, “Ang pamangkin mo, si Gerald… nobya ba niya si Wendy?”“Opo.” Sumagot nang mabilis si Zeke bago niya tinanong, “Anong magagawa ko para sa iyo, Mr. Wade?”Sumagot nang malamig si Charlie, “Sinira ko na ang lahat ng relasyon ko sa pamilya Wilson. Kung tatanggap ang pamilya White ng kasal mula sa pamilya Wilson, ang ibig sabihin ay hindi niyo ako nirerespeto. Kaya, kung gagawin niyo ito, huwag niyo akong sisihin na maging bastos sa sandaling may hidwaan sa hinaharap.”Sa sandaling narinig ni Zeke ang mga sinabi niya, nag-panic siya at agad sinabi, “Mr. Wade, huwag mo sana akong maliin. Matagal nang pinagsisihan ng pamilya White ang kasal. Kung hindi dahil ikaw ang manugang ng pamilya Wilson,
Ngumiti si Graham sa sandaling makita si Charlie. “Mr. Wade, narinig ko na may hindi inaasahan na sitwasyon kang nakaharap ngayon. Kaya, naglikom ako ng mga halamang gamot at medisina, at nagpasya akong dalhin ito dito para makita mo.”Pagkatapos niyang magsalita, isang bodyguard ang lumitaw sa likod ni Graham bago niya magalang na ipinakita kay Charlie ang isang pulang kahon na gawa sa kahoy..Binuksan ni Graham ang takip ng kahon bago siya ngumiti at sinabi, “Mr. Wade, mangyaring tingnan mo ito.”Nakita ni Charlie na nagdala si Graham ng isang kahon na puno ng matanda at makapal na ligaw na ginseng, ilang mga makintab na lilang-pulang Ganoderma lucidum, at ilang mga halamang gamot na hindi makikita sa kahit anong ordinaryong pamilihan ng mga halamang gamot.Kahit na ang mga halamang gamot na ito ay sobrang mahalaga at mahal, kaunti lang ang ispiritwal na enerhiya nila. Gayunpaman, mas mabuti na ang mga halamang gamot na ito kaysa wala.Bukod dito, magagamit din ni Charlie ang mg
Ang sikretong tableta ay ginawa ng isang sikat na Tsinong manggagamot, si Sun Simiao, sa panahon ng Tang Dynasty. Ang mga kumalat na gawa niya ay ang Qianjin Prescriptions at Tang Materia Medica. Sinulat niya rin ang librong Simiao’s Medical Classics. Ang Simiao’s Medical Classics ay isang memorandum na laman ang lahat ng karanasan sa panggagamot at pamamaraan ng medisina sa nakaraang mga dynasty, at kasama rin ang mga ito sa Apocalyptic Book.Ang Simiao’s Medical Classics ay mas mahalaga sa klinika kumpara sa dalawang librong pang-medisina. Gayunpaman, kaunti na lang ang nakakaalam dito ngayon. Mukhang tuluyan na itong nawala, at maraming mga taong nagsasanay ng medisina ang hindi pa naririnig ang pangalan na ito.Mabilis na inihanda ni Charlie ang isang kahon ng anim na tableta ng honey na kasing laki ng walnut ayon sa reseta sa mga librong pang-medisina.Sa sandaling natapos siyang ihanda ang mga tableta, nakabalik na sina Jacob at Claire.Sobrang sakit ng ulo ni Jacob, at mas l
Sa oras na ito, sa villa ng pamilya Wilson.Naghihintay sina Lady Wilson at Christopher sa magandang balita ni Harold na nagtagumpay niyang makuha ang villa sa Thompson First.Gayunpaman, hindi nila inaasahang matanggap ang balita na malubhang nasugatan si Harold at inaresto siya ng mga pulis, kasalukuyang nakakulong dahil pumasok siya nang walang pahintulot sa isang pribadong lugar at nanakit ng tao!Nagalit ng sobra si Lady Wilson dito!Galit na nagsalita si Lady Wilson, “Siguradong kagagawan nanaman ito ni Claire at ng kanyang pamilya! Hindi talaga ito katanggap-tanggap!”Sobrang kinabahan si Christopher at nag-panic nang marinig niya na malubhang nasugatan ang anak niyang lalaki. Mabilis niyang sinabi sa pagkabalisa, “Ma! Masyadong mayabang si Jacob! Kailangan mong kunin ang hustisya para kay Harold! Lagi naman nakikinig si Harold sa iyo. Kung pagsasabihan mo siya na itigil na ang mga ginagawa niya, siguradong makikinig siya at susundin ang mga utos mo.”“Syempre!” Suminghal
Kahit na hindi pa kasal sina Gerald at Wendy, matagal na silang magkasintahan. Kailan lang, hindi naging maingat sina Gerald at Wendy, at nabuntis siya nang hindi inaasahan. Upang hindi magkaroon ng mga tsismis at usapin, inutos ng matandang babae na ipalaglag ni Wendy ang bata at magkaroon na lang sila ng anak pagkatapos nilang magpakasal.Sa hindi inaasahan, gustong ipawalang bisa ng pamilya White ang kasal nila ngayon!Hindi ba’t ang ibig sabihin nito ay pinaglalaruan lang ni Gerald ang kanyang apo?!Hindi lamang iyon, pero gusto niyang umalis pagkatapos niyang buntisin ang apo niya?Nagalit si Lady Wilson, at tinanong niya sa nanginginig na boses, “Mr. White, anong ibig sabihin mo dito? Hindi ka ginalit ng pamilya Wilson sa kahit anong paraan! Bukod dito, palagi namin itinuring si Gerald na anak namin bago pa niya makasama si Wendy. Nabuntis pa si Wendy ni Gerald. Pero, ipinalaglag ko ito sa kanya dahil inisip ko ang reputasyon ng mga pamilya natin dahil hindi maganda na mabunt
Nagulat nang sobra si Lady Wilson.Paano ito nangyari?Hindi siya makapaniwala na may kapangyarihan si Charlie na impluwensyahan ang pamilya White na ikansela ang kasal sa pamilya Wilson!Tila ba sumasakit ang puso niya habang iniisip niya ito.Gustong magmakaawa si Lady Wilson kay Zeke na huwag iwan ang pamilya Wilson. Gayunpaman, hindi siya pinansin ng kabilang partido. Pagkatapos i-anunsyo na ipapawalang bisa nila ang kasal sa pagitan nina Gerald at Wendy, tumalikod agad si Zeke at umalis na ng villa ng pamilya Wilson kasama si Gerald.Nasira nang buo si Wendy at hindi niya mapigilan ang kanyang pag-iyak.Matagal niya nang sinusundan si Gerald, binibigay ang lahat nang mayroon siya sa kanya. Nabuntis pa siya sa kanyang anak, pero, iniwan niya siya sa sandaling ito!Hindi niya mapigilan na magkaroon ng poot at sama ng loob sa kanyang lola.Malungkot din si Christopher sa oras na iyon. Kumilos siya at kinalaban ang pamilya ng kapatid niya dahil sa utos ng matandang babae, pero
Ito ay isang kidlat na biglang lumitaw para kina Lady Wilson at Christopher!Pinag-uusapan lang nila kanina na kailangan nilang umasa sa Emgrand Group upang makaalis sa problema, pero ngayon, nandito ang kinatawan ng Emgrand Group upang ipatigil ang kontrata at ang kahit anong kolaborasyon kasama sila! Bukod dito, sinabi pa nila na hindi na sila makikipagtulungan sa kanila kahit kailan!Ito...Malaking suntok ito sa Wilson Group!Nanginig ang matandang babae at tinanong, “Abogado, anong nangyayari? Bakit ito nangyayari? Hindi ba’t tagumpay naman ang lahat ng mga kolaborasyon natin?”Sumagot nang malamig ang abogado, “Oo, totoo nga na maganda ang trabaho at kooperasyon namin ni Miss Claire dati. Gayunpaman, narinig namin ang balita na umalis na si Miss Claire sa Wilson Group. Kaya, hindi na kami interesadong makipag koopera o makipag kolaborasyon sa Wilson Group.”Napagtanto ni Lady Wilson na ang lahat ng ito ay dahil kay Claire!Nagalit siya!Bakit!?Bakit mayroon siyang walan
Parang naputol ang daloy ng kuryente sa utak ni Charlie sa sandaling iyon. Sa ngayon, mukhang malaki na ang posibilidad na sadyang ipinadala si Raymond sa Aurous Hill, at ang taong nagplano ng lahat ng ito ay marahil ang mismong ama niya na pumanaw na dalawampung taon na ang nakalipas.Dahil dito, nakaramdam si Charlie ng kakaibang tensyon at bigat sa dibdib. Ano ba talaga ang nangyari sa mga magulang niya noon? Hindi lang ito nauwi sa isang trahedya, kundi mukhang may matagal at malawak na plano na pala para sa kanya, kahit bago pa man nangyari ang lahat.Nang mangyari ang aksidente sa mga magulang niya, agad siyang inilagay ni Stephen sa ampunan. Isa na iyon sa mga plano ng ama niya noon pa man. At sa hindi inaasahan, pati ang pagpapapunta kay Mr. Cole sa Aurous Hill at ang pagsasaayos ng ‘bitag’ na ito para sa kanya halos dalawampung taon ang lumipas, ay bahagi rin pala ng plano ng kanyang ama.Habang iniisip ito ni Charlie, agad niyang kinuha muli ang cellphone at tinawagan si Ja
Pagkasabi nito, muling nagtanong si Charlie, “Siya nga pala, Jasmine, pwede mo ba akong tulungan na maghanap ng impormasyon tungkol sa taong ito?”Sagot ni Jasmine, “Kakausapin ko ang kasalukuyang namamahala sa Vintage Deluxe. Naka-save pa sa computer ang mga employee records nila. Hindi kasi orihinal na naka-rehistro sa Moore Group ang Vintage Deluxe kaya hindi naisama ang files sa main HR system ng Moore Group, at hindi rin ganoon kahigpit ang file management nila.”Sabi ni Charlie, “Kung ganoon, pakikuha sana ang impormasyon, at kapag nahanap mo na, pakipadala agad ito sa akin sa lalong madaling panahon.”“Okay, Master Wade!”Pagkatapos ng tawag, sinabi ni Charlie kay Vera, “Kapag nakuha na natin ang impormasyon mamaya, paki-forward kay Mr. Sandsor ito at pakisabi sa kanya na sana ay tulungan niya akong suriin ang lahat ng impormasyon kaugnay sa tanong ito.”Agad na sumagot si Vera, “Huwag kang mag-alala, Young Master, agad ko siyang sasabihan.”Tumango si Charlie at balisa sil
Noong una, akala niya ay sinuwerte lang talaga siya na nakuha niya ang Apocalyptic Book. Pero kamakailan, nabanggit ng uncle niya na nakuha raw ng mga magulang niya noon ang Preface to the Apocalyptic Book, kaya nagsimula siyang maghinala na baka may koneksyon ang dalawang aklat. Pero wala siyang matibay na ebidensya.Ngayon, bigla niyang nadiskubre na ang manager ng Vintage Deluxe na si Raymond ay matalik palang kaibigan ng tatay niya mula pa mahigit dalawampung taon na ang nakaraan. At si Raymond din mismo ang nag-abot ng jade vase sa biyenan niyang si Jacob.Noong nangyari iyon, nasa labas si Charlie ng VIP room habang sina Raymond at Jacob ay nasa loob. Hindi niya mismo nasaksihan ang eksaktong nangyari, pero ayon sa kwento ni Jacob pagkatapos, si Raymond daw ang naglabas ng jade vase mula sa magandang packaging at iniabot ito sa kanya. Pero nadulas ito sa kamay ni Jacob at nahulog sa sahig. Ngayon na alam niyang kasangkot si Raymond, hindi na ito maaaring isang simpleng pagkakata
Nang makita ni Vera ang pangungusap na ito, agad niyang sinabi, “Ang Queens na ito ay siguro ang Queens, New York City. Kaya't ang larawang ito ay talagang kuha sa Queens. Tungkol naman sa ‘Cole’, mukhang ang tao sa larawan kasama ang tatay mo ay may apelyidong Cole at siya ay may lahing Oskian. Ang hindi lang natin alam ay ang buong pangalan niya.”“Tama ka…” Tumango si Charlie nang marahan habang patuloy na nakakunot ang kanyang kilay.Bumulong siya, “May pakiramdam ako na pamilyar ang lalaking may apelyidong Cole, pero kahit anong gawin ko, hindi ko maalala kung saan ko siya nakita dati.”Nagmamadaling sinabi ni Vera, “Wag kang mag-alala, Young Master. Ang pakiramdam ng pagiging pamilyar ay tiyak na may pinagmulan sa iyong alaala. Baka lang hindi malalim ang alaala mo sa taong iyon, o baka saglit lang ang pagkikita niyo. Kaya, wag kang mag-alala. Kung mag-iisip ka nang mabuti, tiyak may maalala kang mga palatandaan.”Pagkatapos niyang sabihin iyon, tinanong ni Vera si Charlie, “B
Itinuro ni Vera ang isang karatula na may postcode sa tabi ng pinto ng tindahan at sinabi, “Young Master, ang tindahang ito ay nasa Queens, New York.”Nagtanong si Charlie nang mausisa, “Ganoon ba? Paano mo nalaman? Hindi ko halos mabasa ang mga salita dito dahil sa resolution na ito.”Ipinaliwanag ni Vera, “Dati akong nakatira sa Queens. Ang laki, kulay, at pwesto ng karatulang ito para sa postal code ay tipikal na istilo ng Queens noon. Hindi ko lang alam kung sinusunod pa nila ang parehong istilo ngayon.”“New York…” Tumango si Charlie, bigla niyang naalala ang sinabi ng tiyuhin niya ilang araw na ang nakalipas. Bumili ang mga magulang niya ng set ng mga sinaunang libro mula sa isang antique shop sa New York. Ang set ng mga librong ito ay walang iba kundi ang Preface to the Apocalyptic Book.Kasama ng antique shop sa larawan, biglang naalala ni Charlie ang isang bagay at sinabi kay Vera, “Maaaring ito nga ang antique shop kung saan nabili ng tatay ko ang Preface to the Apocalypti
Nang marinig ni Charlie ang mga sinabi ni Vera, tumingin siya agad sa itim na photo album na hawak niya. Sa unang tingin, halatang luma na ang album.Sa nakaraang dekada, dahil sa mabilis na pag-usbong ng mga smartphone, hindi namamalayan ng karamihan na nadidigitize na nila lahat ng mga larawan nila. Kunti na lang ang bumibili ng mga photo album na iba't ibang laki at kapal tulad ng ginagawa ng mga tao dalawampung taon na ang nakalipas para ayusin ang mga litrato nila.Hindi alam ni Charlie kung ano ang laman ng album, kaya kinuha niya ito mula kay Vera at maingat na binuksan ang unang pahina. Ang unang bagay na tumama sa mata niya sa unang pahina ay dalawang magkahiwalay na larawan ng dalawang kabataan na kuha sa harap ng Statue of Liberty sa America.Ang lalaki sa larawan ay kamukhang-kamukha ni Charlie, pero medyo luma ang pananamit dahil suot ng lalaki ang kilalang knit sweater at kupas na jeans na sikat noong mga panahong iyon. Siya ang ama ni Charlie, si Curtis.Ang babae sa
Pagkasabi nito, sumunod siya kay Charlie palabas ng dining room at pumunta sa courtyard kung saan dating nakatira ang mga magulang ni Charlie.Dahil malaki ang courtyard na iyon, may apat na magkadikit na kwarto ang mga magulang ni Charlie noon. Bukod sa main hall at bedroom, may study rin at sariling kwarto si Charlie.Sa madaling sabi, parang isang three-bedroom apartment na may living room ito. Ilang taon din siyang nanirahan doon kaya kabisado na niya ang buong ayos ng lugar. Bukod pa roon, halos walang nabagong anuman kaya madali para sa kanya na suriin ito.Pagpasok sa main hall, halos pareho pa rin ang mga kasangkapan at ayos ng lahat mula noong huling naroon sila ng mga magulang niya. Sa isang iglap, bumalik sa alaala ni Charlie ang mga sandaling magkasama sila ng kanyang mga magulang noong bata pa siya, at biglang sumiklab ang samu’t saring damdamin sa puso niya.Mabilis niyang nilibot ang mga kwarto kasama si Vera. Maliban sa mga kasangkapan, may mga bagong kumot at unan s
Madalas mag-alala si Ashley noon tungkol sa pagpapalaki kay Charlie pagdating sa ugali niya, pagkatao, at mga pinapahalagahan sa buhay. Bilang ina, natural lang na gusto niyang maibigay ang pinakamahusay na edukasyon, kapaligiran, at gabay para sa anak niya. Pero ang tanging magagawa lang niya ay panoorin si Charlie habang lumalaki sa ampunan kasama ng ibang bata, at panoorin siyang tumigil sa pag-aaral sa high school para magtrabaho sa isang construction site, nang hindi man lang niya kayang makialam o makagambala kahit kaunti.May mga pagkakataong nag-aalala siya na baka maapektuhan ang pananaw sa buhay ni Charlie, o kaya’y masyado siyang matutong makibagay sa mga kalakaran ng mundo sa ganoong kapaligiran. Pero sa kabutihang palad, nahanap ni Charlie ang tamang balanse sa pagitan ng pagiging anak-mayaman noong bata pa siya, at ng pagiging ulilang mahirap pagkatapos niyon. Dahil doon, napanatili niya ang maayos na pananaw sa buhay at matibay na pakiramdam ng katarungan.Hindi lang ni
Sarado na ngayon ang sikat na templong ito sa mga bisita.Mag-isa lang si Ashley na nakatayo sa loob ng courtyard, habang napapaligiran ng amoy ng insenso na nanatili sa hangin. Nakatingala siya sa maliwanag na buwan at damang-dama ang halo-halong emosyon. Matagal na niyang inaasam ang kanyang anak, si Charlie, na dalawampung taon na niyang hindi nakikita.Ang layo ng Harmony Temple sa lumang mansyon ng mga Wade ay isa o dalawang milya lang, sampung minuto lang ang biyahe sakay ng kotse. Pero kahit ganoon, paulit-ulit na ipinapaalala ni Ashley sa sarili niya na hindi pa ito ang tamang oras para magkita sila ng anak niya.Nang makita ng pekeng abbess na tila malungkot si Ashley habang nakatayo nang mag-isa sa courtyard, marespeto siyang lumapit at nagtanong, “Madam, ilang kanto na lang ang layo niyo kay Young Master. Siguro ay sabik na sabik ka nang makita siya, tama po ba?”Tumango si Ashley, “Dalawampung taon ko nang hindi nakikita ang anak ko. Paanong hindi ako mananabik?”Pagka