Kahit na hindi pa kasal sina Gerald at Wendy, matagal na silang magkasintahan. Kailan lang, hindi naging maingat sina Gerald at Wendy, at nabuntis siya nang hindi inaasahan. Upang hindi magkaroon ng mga tsismis at usapin, inutos ng matandang babae na ipalaglag ni Wendy ang bata at magkaroon na lang sila ng anak pagkatapos nilang magpakasal.Sa hindi inaasahan, gustong ipawalang bisa ng pamilya White ang kasal nila ngayon!Hindi ba’t ang ibig sabihin nito ay pinaglalaruan lang ni Gerald ang kanyang apo?!Hindi lamang iyon, pero gusto niyang umalis pagkatapos niyang buntisin ang apo niya?Nagalit si Lady Wilson, at tinanong niya sa nanginginig na boses, “Mr. White, anong ibig sabihin mo dito? Hindi ka ginalit ng pamilya Wilson sa kahit anong paraan! Bukod dito, palagi namin itinuring si Gerald na anak namin bago pa niya makasama si Wendy. Nabuntis pa si Wendy ni Gerald. Pero, ipinalaglag ko ito sa kanya dahil inisip ko ang reputasyon ng mga pamilya natin dahil hindi maganda na mabunt
Nagulat nang sobra si Lady Wilson.Paano ito nangyari?Hindi siya makapaniwala na may kapangyarihan si Charlie na impluwensyahan ang pamilya White na ikansela ang kasal sa pamilya Wilson!Tila ba sumasakit ang puso niya habang iniisip niya ito.Gustong magmakaawa si Lady Wilson kay Zeke na huwag iwan ang pamilya Wilson. Gayunpaman, hindi siya pinansin ng kabilang partido. Pagkatapos i-anunsyo na ipapawalang bisa nila ang kasal sa pagitan nina Gerald at Wendy, tumalikod agad si Zeke at umalis na ng villa ng pamilya Wilson kasama si Gerald.Nasira nang buo si Wendy at hindi niya mapigilan ang kanyang pag-iyak.Matagal niya nang sinusundan si Gerald, binibigay ang lahat nang mayroon siya sa kanya. Nabuntis pa siya sa kanyang anak, pero, iniwan niya siya sa sandaling ito!Hindi niya mapigilan na magkaroon ng poot at sama ng loob sa kanyang lola.Malungkot din si Christopher sa oras na iyon. Kumilos siya at kinalaban ang pamilya ng kapatid niya dahil sa utos ng matandang babae, pero
Ito ay isang kidlat na biglang lumitaw para kina Lady Wilson at Christopher!Pinag-uusapan lang nila kanina na kailangan nilang umasa sa Emgrand Group upang makaalis sa problema, pero ngayon, nandito ang kinatawan ng Emgrand Group upang ipatigil ang kontrata at ang kahit anong kolaborasyon kasama sila! Bukod dito, sinabi pa nila na hindi na sila makikipagtulungan sa kanila kahit kailan!Ito...Malaking suntok ito sa Wilson Group!Nanginig ang matandang babae at tinanong, “Abogado, anong nangyayari? Bakit ito nangyayari? Hindi ba’t tagumpay naman ang lahat ng mga kolaborasyon natin?”Sumagot nang malamig ang abogado, “Oo, totoo nga na maganda ang trabaho at kooperasyon namin ni Miss Claire dati. Gayunpaman, narinig namin ang balita na umalis na si Miss Claire sa Wilson Group. Kaya, hindi na kami interesadong makipag koopera o makipag kolaborasyon sa Wilson Group.”Napagtanto ni Lady Wilson na ang lahat ng ito ay dahil kay Claire!Nagalit siya!Bakit!?Bakit mayroon siyang walan
Ang balita na na-blacklist ang Wilson Group ng Emgrand Group ay mabilis na kumalat sa Aurous Hill.Sa oras na ito, alam na ng lahat sa Aurous Hill na tapos na ang pamilya Wilson. Ang balita rin na na-hospital ang matandang babae sa sandaling narinig niya ang kahihinatnan ng Wilson Group ay kumalat din nang mabilis.Si Jacob, ang biyenan na lalaki ni Charlie, ay hindi man lang nasorpresa nang marinig ang balita.Kalmado niyang sinabi sa kanyang anak na babae at sa kanyang manugang, “Ganyan talaga ang ina ko. Lagi niyang gustong kontrolin ang ibang tao sa buong buhay niya. Dumating na ang panahon na nagdusa siya sa kanyang mga ginawa! Hindi na natin kailangan maawa. Dapat natin siyang bigyan ng oras na magsisi siya sa hospital. Marahil, maiintindihan niya na kung ano ang maling ginawa niya sa kanyang buhay!”Naluwagan si Charlie dahil bihira lang kay Jacob na hindi unahin ang mga bagay tungkol sa kanyang ina.Pagkatapos huminga nang maluwag, palihim na naghanap ng trabaho si Claire.
Sino ang malas na mayamang tao na naloko ng mapagsamantalang taong iyon?Hindi maiwasang itanong ni Charlie kay Jacob, “Kanino ibenenta ni Zachary ang mga tableta?”“Hindi ko sigurado. Sinabi sa akin ni Zachary na kailangan niyang panatilihin ang etika ng pagiging propesyonal niya at dapat ay kumpidensyal lang ang mga impormasyon ng kanyang kliyente.”Pagkatapos niyang magsalita, umiling si Jacob at nagbuntong hininga, “Binigay sa akin ni Zachary ang limang daang libong dolyar at sinabi niya sa akin na ginawan niya ako ng pabor upang galangin ka. Sinubukan ko siyang bigyan ng komisyon, pero tinanggihan niya ang mga pera mula sas akin. Magaling talaga siyang tindero, pero sayang at manloloko siya. Pinayuhan ko siya na magtrabaho siya ng marangal.”Umiling si Charlie. Talagang imposibleng mag-iba ng trabaho si Zachary!Siya ay manloloko na sa pagbebenta ng mga antigo simula noong bata pa siya, at naging gawi niya na ito. Kung magtatrabaho siya ng marangal na trabaho sa opisina, mara
Ang pamilya Moore ay isa sa pinakamataas na pamilya sa Aurous Hill.Gayunpaman, ang pamilya Moore ay hindi maikukumpara sa pamilya Wade pagdating sa kanilang katayuan o reputasyon.Hindi alam ni Jasmine ang tunay na pagkakakilanlan ni Charlie, at sa kanyang mga mata, si Charlie ay isang lang binata na may kakayahan at abilidad sa mga antigo pati na rin may kaalaman sa metaphysics.Nang tinawag ni Charlie ang Thunder Oder at ginamit ang kulog at kidlat upang patayin si Jack sa mansyon ng pamilya White, totoo ngang tinakot niya nang sobra ang mga tao. Gayunpaman, tinago ni Charlie ang katotohanan kay Charlie at sinadya niya na sabihin sa kanya na nagkataon lang ito. Dahil, paano makakatawag ang isang ordinaryong tao tulad niya ng kulog at kidlat kahit kailan niya gusto.Kaya, nalito rin nang sobra si Jasmine at inisip na sobrang swerte lang talaga ni Charlie.Simula noon, tuluyang naglaho si Jasmine sa mundo ni Charlie.Sa una ay inakala ni Charlie na nawawala lang siya, gayunpaman
Pagkatapos bumaba ni Charlie, si Albert, na nakaupo sa loob ng kotse, ay sinabi agad kay Charlie. “Mr. Wade, pumasok ka na po sa kotse!”Tumango si Charlie bago siya mabilis na pumasok sa kotse. Nagmaneho agad si Albert sa sandaling nakapasok si Charlie sa kotse at pumunta sila sa dakong labas ng bayan.Sa daan papunta, sinabi nang nababalisa ni Albert, “Narinig ko na pupunta rin isang sikat at kagalang-galang na maestro ng Feng Shui mula sa Hong Kong. Mr. Wade, hindi mo siya maaaring hayaan na agawin ang gawain mo!”Pagkatapos, nagpatuloy si Albert. “Si Miss Moore ang pinakamatandang anak na babae ng pamilya Moore, at malapit na rin niyang pamahalaan ng negosyo ng pamilya Moore. Kung maliligtas natin siya sa suliraning ito, siguradong aalagaan niya tayo sa hinaharap!”Tumawa si Charlie at sinabi, “Albert, hindi ka pala gano’n kabait. Kahapon, sinabi mo sa akin na ang dahilan kung bakit nag-aalala ka kay Jasmine ay dahil gusto mong bayaran ang kabaitan ng lolo niya. Gayunpaman, lum
Kahit na malinaw na kinamumuhian ng mayordomo si Albert, hindi nagalit si Albert. Bagkus, patuloy siyang nakipag-usap nang magalang kay Oscar habang nakangiti. “Tingnan mo ito, Tito Oscar. Ang mga kaharap na problema ni Miss Moore ay mas nagiging malubha. Lahat tayo ay nag-aalala sa kanya! Bukod dito, hindi tayo sigurado na malulutas ni Master Lennard ang mga problema ni Miss Moore.”Nang marinig ito, sumagot nang malamig si Oscar, “Sa tingin mo ba talaga ay makakahanap ka ng taong kasing galing ni Master Lennard? Mangyaring umalis ka na agad. Hindi mo mababayaran ang maagiging pagkalugi ng pamilya Moore kung guguluhin mo si Master Lennard habang binabasa niya ang Feng Shui ni Miss Moore!”Balisang kinamot ni Albert ang kanyang ulo dahil hindi niya inaasahan na pipigilan sila ni Oscard na pumasok sa villa. Kung hindi sila papapasukin ni Oscar, paano matutulungan ni Charlie si Jasmine?”Habang pinag-isipan niya ito, biglang sinabi ni Albert, “Tito Oscar, narinig mo na ba ang tungkol
Medyo nag-alala rin si Fleur sa sandaling ito habang binulong niya sa sarili niya, “Kahanga-hanga na ang lakas ni Mr. Chardon, at mas malakas pa siya gamit ang mahiwagang instrumento na binigay ko sa kanya. Kung sinakripisyo niya talaga ang sarili niya sa pagsabog, siguradong mas malakas ang taong pumuwersa sa kanya na gawin ito.”Habang nagsasalita siya, hindi mapigilang sabihin ni Fleur, “Hinding-hindi ko inaasahan na may napakagaling na master sa Aurous Hill. Ayon sa pagkakaintindi ko sa mga Acker, imposible na magkaroon sila ng ugnayan sa ganito kalakas na tao. Kaya, sino kaya ang taong ito?”Hindi mapigilang sabihin ni Tarlon, “British Lord, naniniwala ako na kakilala ng tao ang mga Acker. Kung hindi, bakit niya sila ililigtas sa kritikal na sandali?”Umiling si Fleur habang may madilim na ekspresyon at sinabi, “Hindi ko rin alam. Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, ang kalaban niya siguro ay isang cultivator na mas malakas. Pero, nagpadala ako ng mga tao para palih
Habang pinaandar ulit ni Vera ang light helicopter sa ere, sinamantala ni Charlie ang pagkakataon na inumin ang Regeneration Pill. Samantala, libo-libong milya ang layo sa headquarters ng Qing Eliminating Society, naglalakad nang nababalisa si Fleur sa kanyang kwarto.400 years old na siya ngayong taon, pero mukhang nasa 30s pa rin siya. Kahit na kaakit-akit at masigla siya, nakaukit sa kanyang mukha ang kanyang kalupitan dahil sa kanyang pangamba at pagkabalisa, matatakot ang kahit sinong makakakita sa kanya.Ang huling beses na nabalisa nang ganito si Fleur ay noong unang beses na hinabol siya sa bulubundukin ng Qing army kasama si Elijah.. Sa mga nagdaang taon, kahit na hindi niya nahanap si Vera, kahit papaano, isa itong laro ng pusa at daga na tumagal ng tatlong daang taon. Noon pa man ay ginampanan niya ang papel na pusa, kaya hindi siya nabalisa nang sobra kahit na hindi niya mahanap si Vera.Pero, ang pinagmulan ng pagkabalisa at pangamba niya sa sandaling ito ay dahil ang d
Hindi sinasadyang sabihin ni Vera, “Iba iyon…”Tinanong siya ni Charlie, “Paano iyon naiiba? Kaya mo itong tanggapin noong Charlie ang tawag mo sa akin, pero hindi mo ito matanggap ngayong tinatawag mo akong ‘Young Master’?”Sumagot nang nahihiya si Vera, “Hindi… Hindi iyon ang ibig kong sabihin… Pakiramdam ko lang na masyadong mahalaga ang mga pill na ito. Ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang natitirang pill bago ito ay dahil natatakot ako na malalagay ka sa panganib sa hinaharap. Kung gano’n, kaya kong itago ang natitirang pill para sa emergency. Ngayong ligtas ka na, hindi na angkop para sa akin na tanggapin ang kahit anong pill mula sayo, Young Master.”Sinabi nang walang pag-aalinlangan ni Carlie, “Kung gano’n, ayusin mo ang pananaw mo sa lalong madaling panahon at sabihin mo sa sarili mo na walang hindi angkop tungkol dito.”Pagkasabi nito, direktang nilagay ni Charlie ang pill sa kanyang kamay. Pagkatapos nito, hindi na niya hinintay ang sagot niya at naglabas siya ng isa
Humagikgik si Lord Acker at sinabi, “Nararapat lang na palabasin ka. Sinabi na ni Charlie na dapat inumin doon ang pill, pero hinamon mo ang mga patakaran niya, kaya hindi ba’t natural lang na paalisin ka niya?”Nalungkot si Christian at sinabi, “Pa, para kanino ko hinamon ang mga patakaran ni Charlie?”Si Kaeden, na nasa gilid, ay tinapik ang balikat ni Christian at sinabi nang nakangiti, “Sige na, Christian. Kahit na pinaalis ka sa auction ni Charlie, dapat magpasalamat tayo para sa pangyayaring iyon. Kung hindi dahil sayo, marahil ay hindi agad nakuha ng mga Acker ang atensyon ni Charlie. Magandang bagay ito, at nakinabang ang buong pamilya natin dito!”Bumuntong hininga si Christian at sinabi nang tapat, “Ah, hindi malaking bagay para sa akin na paalisin ako ng pamangkin ko. Hindi ko lang inaasahan na magiging sobrang galing ng pamangkin ko at magiging benefactor pa natin. Nahihiya lang ako nang kaunti kapag naiisip ko ang mga sinabi ko at ang mga ginawa ko sa auction.”Sa sand
Habang lumilipad si Charlie papunta sa Champs Elys hot spring villa kasama si Vera, isla Merlin, Isaac, Albert, at ang iba, ay huminga nang maluwag, itinigil ang paghahanap nila, at bumalik nang maaga sa Champs Elys hot spring villa.Alam ni Merlin na nag-aalala ang mga Acker sa kaligtasan ni Charlie, kaya nagmamadali siyang bumalik sa villa sa sandaling bumaba siya sa eroplano.Balisang naghihintay ang mga miyembro ng pamilya Acker sa sala, umaasa na babalik si Merlin na may magandang balita. Dahil, sobrang halaga ni Charlie para sa mga Acker at dalawampung taon na silang nag-aalala sa kanya. Bukod dito, ang isa pang pagkakakilanlan ni Charlie ay ang benefactor na nagligtas dati sa mga Acker, kaya tumaas ang katayuan ni Charlie sa mga mata ng mga miyembro ng pamilya Acker.Nang makita nila na mabilis na naglalakad papasok si Merlin, agad tumayo ang mga miyembro ng pamilya Acker at tumingin sa kanya nang sabik. Lumapit si Lady Acker sa kanya nang hindi niya namamalayan at binulong,
Habang nagsasalita siya, namula nang bahagya si Vera at sinabi, “At saka, wala ka pang damit. Kung lalabas ang balita tungkol dito, hindi ako maaabala dito, pero paano mo ito maipapaliwanag sa asawa mo? Bukod dito, nakatira si Mr. Raven at ang iba sa ibaba. Kung lilipad ang isang helicopter sa gabi at ilang lalaki ang pumunta sa kwarto ko, at isang lalaki na walang damit ang kinuha, anong iisipin nila sa akin?”Tumango si Charlie at sinabi nang walang magawa, “Tama ka sa lahat ng iyon, pero paano tayo makakapunta doon ngayon?”Sinabi ni Vera, “Saglit lang, Young Master. Aayusin ko na ang lahat ng kailangan.”Pagkatapos itong sabihin, tumayo agad si Vera, bumaba, at nagsuot ng isang simpleng T-shirt at isang pares ng pantalon.Tumawag siya sa kanyang cellphone, at makalipas ang dalawampung minutor, isang two-seater light helicopter ang mabilis na lumipad sa itaas ng courtyard, pagkatapos ay mabagal itong bumaba sa bakuran.Sa sandaling lumabas ang piloto sa helicopter, lumabas siya
Naguluhan saglit si Albert nang marinig ang boses ni Charlie. Hindi agad nakabalik sa realidad ang isipan niya. Nakatulala lang siya sa langit, habang binubulong, “Ay naku… Nananaginip ba ako? Ganito ba talaga kalakas ang kapangyarihan ng Diyos?”Si Charlie, na nasa kabilang linya, ay tinanong, “Albert, anong binubulong mo sa sarili mo?”Doon lang natauhan si Albert, tinanong sa pagkagulat, “Master… Master Wade?! Ikaw ba talaga ito, o mali lang ang naririnig ko?!”Sa sandaling nagsalita si Albert, nagkaroon ng maraming tanong sa isipan nila ang lahat ng tao sa paligid niya. Tinanong nila siya, gustong malaman kung galing ba talaga ang tawag kay Charlie.Tinanong ulit ni Charlie si Albert, “Hindi mo na ba naaalala ang boses ko?”Doon lang nakumpirma ni Albert na si Charlie talaga ang taong kausap niya sa kabilang linya.Agad napaiyak si Albert sa saya, tinatanong, “Master Wade, nasaan ka?! Halos isang oras na kaming naghahanap sa lambak at hindi ka pa rin namin nahahanap. Nag-aala
Malapit nang masira ang emosyon ni Rosalie. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, nakuha agad ang atensyon ng lahat. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, agad nakuha ang atensyon ng iba.Mabilis na lumapit ang mga tao para pagaanin ang kalooban ni Rosalie. Kahit na nahihirapan din si Albert, nanguna pa rin siya at nagsalita, “Miss Rosalie, huwag kang masyadong mag-alala sa ngayon. Marahil ay may biyaya ng Diyos si Master Wade!”“Tama, Miss Rosalie,” Si Isaac, na kahit na namumula at may mga luha na ang mata, ay sinubukan siyang pakalmahin, “Basta’t walang kongkretong ebidensya na nasa panganib si Young Master, may pag-asa pa rin sa lahat.”Alam ni Rosalie na pinapagaan lang nila ang kalooban niya. Sa realidad, nag-aalala ang lahat at malungkot dahil hindi nila mahanap si Charlie. Kaso nga lang ay siya ang unang nawalan ng kontrol sa emosyon niya.Sa sandaling iyon, lumapit si Merlin habang may kampanteng tingin sa kanyang mukha at sinabi sa lahat, “Huwag kayong mawalan ng pag-
Nang marinig ni Vera ang mga sinabi ni Charlie, sinabi niya, “Babae? Young Master, naaalala mo ba kung ano ang hitsura niya?”Kumunot ang noo ni Charlie, inalala ang nakita niya, at sinabi, “Pakiramdam ko na nasa 30s ang babae, at may medyo maayos na hitsura niya.”Tumango nang marahan si Vera, “Si Miss Dijo siguro iyon, isa sa apat na great earl ng Qing Eliminating Society!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Alam mo ang tungkol sa apat na great earl?”“Kaunti lang ang alam ko.” Sumagot si Vera, “Kahit na si Fleur lang ang nabubuhay hanggang ngayon sa Qing Eliminating Society, may mga supling pa rin ng mga dating kasamahan ng aking ama sa organisasyon. Dahil sa espesyal na lason na ginawa ni Fleur, nakatadhana na pagsilbihan nila siya sa mga dumaang henerasyon. Pero, alam nila na buhay pa rin ako at sinusubukan nila itong ipaalam sa akin sa lahat ng posibleng paraan. Kaya, may ilang kaalaman ako sa panloob na sitwasyon ng Qing Eliminating Society.”“Kahit na ang apat na great earo