“Tatayo lang ba kayo diyan at papanoorin si Harold na pumatay?!”Nang makita ni Jacob na iwinasiwas ni Harold ang palakol kay Charlie, hindi niya maiwasang sumigaw nang galit.Gayunpaman, sa oras na ito, sina Lady Wilson at Christopher ay walang pag-aalangan. Patuloy silang umupo sa loob ng bahay habang pinapanood ang laban na nangyayari sa patyo, hindi man lang sila kumukurap!Ang ibang miyembro ng pamilya Wilson ay nanatiling tahimik din, tila ba wala silang kinalaman sa nangyayari doon.Bukod dito, ngayon, interesado lang si Lady Wilson sa villa.Wala siyang pakialam sa ibang bagay!Minsan, sa tuwing tumatanda ang isang tao, ay mas nagiging sakim siya!Kahit sa nakaraan, ang hari ay gustong magtayo ng malaki, maganda, at mas maluhong palasyo, at nagtatayo pa sila ng mas magandang kabaong para sa kanila habang tumatanda sila.Kaya, sa tuwing tumatanda si Lady Wilson, ay mas gusto niyang mamuhay nang marangya.Gustong tumira ng matandang babae sa mas malaki at mas maluhong ba
Nagalit si Lady Wilson nang makita niyang binali ni Charlie ang kamay ng apo niya sa harap niya.Sa sobrang galit niya ay agad siyang lumabas dahil gusto niyang sampalin siya sa kanyang mukha.Sa sandaling itinaas niya ang kanyang kamay, biglang tumalikod si Charlie at sinabi nang malamig “Matandang babae! Hinihiling mong mamatay!”Nang sinabi niya ito, sinampal ni Charlie si Lady Wilson sa kanyang mukha nang hindi nag-aalangan. Ang matandang babae ay nagulat nang sobra at umatras siya agad.Ang mga mata ni Charlie ay malamig, at naglalabas siya ng nakamamatay na aura sa kanyang katawan. Kahit na sobrang galit si Lady Wilson, hindi niya mapigilang manginig dahil naramdaman niya ang sobrang sakit mula sa sampal na tumama sa kanyang mukha.Tinakpan niya ang kanyang mukha gamit ang kanyang kamay bago siya umatras nang takot.Umatras ang matandang babae, pero hindi siya naglakas-loob na itaas ang kanyang ulo at tumingin kay Charlie. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya siyang may
Habang nagmamaneho si Charlie, papalayo sa villa ng pamilya Wilson, galit na sinabi ni Jacob, “Kung alam ko lang na ang ina ko at ang kuya ko ay walang damdamin, hindi ko na sila tinulungan dati!”Nakaupo si Claire sa upuan ng pasahero sa oras na ito, at nagbuntong hininga na lang siya habang sinabi, “Kung ipagpapatuloy nila ito, tiyak na babagsak nang mabilis ang Wilson Group.”Sa sandaling iyon, sinabi nang galit ni Elaine, “Ang pangunahing punto ay masyado natin silang tinulungan! Hindi ba’t nakuha nila ang kontrata sa Emgrand Group dahil sa atin? Ngayon, para bang tinulungan natin sila nang walang dahilan!”Sumagot nang walang bahala si Charlie, “Ma, kung ipagpapatuloy nila ang ganito, hindi rin maganda ang patutunguhan nila.”Ang tanging dahilan kung bakit nabubuhay pa ang Wilson Group hanggang ngayon ay dahil sa kolaborasyon nila sa Emgrand Group. Gayunpaman, hindi nila alam na siya ang may-ari ng Emgrand Group!Ginalit na nila siya nang ganito, at iniisip pa rin nila na kik
“Charlie, basura ka! Ngayong pinalayas ka na sa pamilya Wilson, mananatili ang villa na ito sa pamilya Wilson. Nandito ako ngayon para kunin ang villa sa pangalan ng pamilya Wilson!”Kinagat ni Claire ang kanyang ngipin at sinabi, “Sumosobra na talaga kayo! Gusto niyong nakawin nang pwersahan ang villa dahil nabigo kayong isuko ito ni Charlie sa inyo?!”Galit na sumigaw din si Jacob, “Harold! Sa manugang ko ang villa na ito. Walan makakakuha nito sa kanya!”Dumura si Harold at nagmura,, “Sino ka ba sa tingin mo, Claire? Ngayon ay isa ka lang tao na pinalayas at itinakwil ng pamilya Wilson. Sa tingin mo ba ay may kwalipikasyon ka o nararapat kang kausapin ako?”Pagkatapos, itinaas ni Harold ang crowbar habang tinuro niya ito kay Jacob at nagpatuloy, “At ikaw, matandang lalaki. Sa tingin mo ba ay tito pa rin kita? Bilisan mo na at umalis ka na sa villa na ito. Kung hindi, babaliin ko ang mga binti mo!”Sobrang galit si Charlie, at tinanong niya nang malamig, “Nasaan si Barry?”Umab
Nagulantang si Harold sa nakita niya!Alam niya na magaling makipaglaban si Charlie, pero hindi niya talaga inasahan na hindi man lang matatalo ng mga bodyguard na may kutsilyo si Charlie.Nanginig si Harold nang makita niya ang nakakamatay na tingin ni Charlie.Sa totoo lang, ang tanging dahilan kung bakit pumunta si Harold upang kunin ang villa bilang lupain ng pamilya Wilson ay dahil inutusan siya ng matandang babae. Dahil may poot siya kay Charlie, pumayag si Harold na kunin ang pagkakataon na ito upang buwagin at sirain si Charlie.Bukod dito, hindi niya talaga inaasahan na madaling matatalo ni Charlie ang lahat ng bodyguard. At saka, hindi man lang siya nasugatan!Tao ba talaga si Charlie.Sa sandaling ito, naglakad na papunta si Charlie kay Harold na may nakamamatay na ekspresyon sa kanyang mukha.Kailangan niya turuan ang bobong ito ng mabuting leksyon ngayon para maintindihan niya na kung sino ang kinakalaban niya.Nanginig sa takot si Harold nang makita niyang naglala
Sumagot si Claire, “Anong plano pa ang mayroon ako? Maghahanap ako ng ibang trabaho!”Wala nang sinabi si Charlie nang marinig niya ang sinabi ni Claire. Sa halip, pumunta lang siya sa balkonahe habang tinawagan niya si Zeke.Sa sandaling sinagot ni Zeke ang tawag, tinanong agad siya ni Charlie, “Ang pamangkin mo, si Gerald… nobya ba niya si Wendy?”“Opo.” Sumagot nang mabilis si Zeke bago niya tinanong, “Anong magagawa ko para sa iyo, Mr. Wade?”Sumagot nang malamig si Charlie, “Sinira ko na ang lahat ng relasyon ko sa pamilya Wilson. Kung tatanggap ang pamilya White ng kasal mula sa pamilya Wilson, ang ibig sabihin ay hindi niyo ako nirerespeto. Kaya, kung gagawin niyo ito, huwag niyo akong sisihin na maging bastos sa sandaling may hidwaan sa hinaharap.”Sa sandaling narinig ni Zeke ang mga sinabi niya, nag-panic siya at agad sinabi, “Mr. Wade, huwag mo sana akong maliin. Matagal nang pinagsisihan ng pamilya White ang kasal. Kung hindi dahil ikaw ang manugang ng pamilya Wilson,
Ngumiti si Graham sa sandaling makita si Charlie. “Mr. Wade, narinig ko na may hindi inaasahan na sitwasyon kang nakaharap ngayon. Kaya, naglikom ako ng mga halamang gamot at medisina, at nagpasya akong dalhin ito dito para makita mo.”Pagkatapos niyang magsalita, isang bodyguard ang lumitaw sa likod ni Graham bago niya magalang na ipinakita kay Charlie ang isang pulang kahon na gawa sa kahoy..Binuksan ni Graham ang takip ng kahon bago siya ngumiti at sinabi, “Mr. Wade, mangyaring tingnan mo ito.”Nakita ni Charlie na nagdala si Graham ng isang kahon na puno ng matanda at makapal na ligaw na ginseng, ilang mga makintab na lilang-pulang Ganoderma lucidum, at ilang mga halamang gamot na hindi makikita sa kahit anong ordinaryong pamilihan ng mga halamang gamot.Kahit na ang mga halamang gamot na ito ay sobrang mahalaga at mahal, kaunti lang ang ispiritwal na enerhiya nila. Gayunpaman, mas mabuti na ang mga halamang gamot na ito kaysa wala.Bukod dito, magagamit din ni Charlie ang mg
Ang sikretong tableta ay ginawa ng isang sikat na Tsinong manggagamot, si Sun Simiao, sa panahon ng Tang Dynasty. Ang mga kumalat na gawa niya ay ang Qianjin Prescriptions at Tang Materia Medica. Sinulat niya rin ang librong Simiao’s Medical Classics. Ang Simiao’s Medical Classics ay isang memorandum na laman ang lahat ng karanasan sa panggagamot at pamamaraan ng medisina sa nakaraang mga dynasty, at kasama rin ang mga ito sa Apocalyptic Book.Ang Simiao’s Medical Classics ay mas mahalaga sa klinika kumpara sa dalawang librong pang-medisina. Gayunpaman, kaunti na lang ang nakakaalam dito ngayon. Mukhang tuluyan na itong nawala, at maraming mga taong nagsasanay ng medisina ang hindi pa naririnig ang pangalan na ito.Mabilis na inihanda ni Charlie ang isang kahon ng anim na tableta ng honey na kasing laki ng walnut ayon sa reseta sa mga librong pang-medisina.Sa sandaling natapos siyang ihanda ang mga tableta, nakabalik na sina Jacob at Claire.Sobrang sakit ng ulo ni Jacob, at mas l
Pero, ang puso niya na isang daan at limampu’t anim na taon nang tumitibok ay parang tumitibok sa hindi karaniwang bilis nang walang dahilan. Minsan ay sobrang bilis ng tibok ng puso niya at minsan ay mabagal ito, parang isang rollercoaster, kaya natakot siya.Alam ni Mr. Chardon na ang abnormal na kilos na ito ay dahil kinakabahan siya.Kahit na hindi pa siya kinakabahan nang sobra sa loob ng napakaraming taon, naaalala niya pa rin na nararamdaman niya ito paminsan-minsan kapag kinakabahan siya dati. Isa itong gawi na mayroon siya simula kabataan.Hindi mapigilang alalahanin ni Mr. Chardon ang mahabang paglalakbay niya. Lumaki siya sa panahon ng mga miserableng digmaan. Hindi siya kailanman nagkaroon ng sapat na makakain, walang sapat na masutt, at palagi siyang napapaligiran ng mga mababangis at masasamang tao.Noong bata pa siya, walang bisa at sobrang gulo ng bansa. May mga problema sa loob at labas, at sobrang sama ng kalagayan ng mga tao.Hindi mabilang ni Mr. Chardon kung g
Nakabangon na sina Charlie at Claire sa pagsikat ng araw kinabukasan. Nakapaghanda na sila ng alas sais ng umaga at nagmaneho sa airport bago pa magising sina Jacob at Elaine.Ito ang unang biyahe ni Claire sa malayo pagkatapos nilang ikasal ni Charlie ng napakaraming taon. Kahit na nag-aalangan silang dalawa na magpaalam sa isa’t isa, alam nla na hindi nila maiiwasan ang pansamantalang paghihiwalay na ito.Gustong siguraduhin ni Charlie ang kaligtasan ni Claire. Sigurado siya na aalagaan nang mabuti ni Kathleen si Claire kung ipapadala niya si Claire sa kanya.Pakiramdam ni Claire na kailangan niyang tulungan si Kathleen na lutasin ang problema niya, kaya pansamantala lang siyang mahihiwalay sa asawa niya.Habang nagpapaalam sila sa isa’t isa, namumula ang mga mata ni Claire, at niayak niya nang marahan si Charlie habang binulong, “Honey, hindi ko alam kung gaano katagal ako sa United States ngayon, kaya kailangan ko iwan sayo ang lahat sa bahay…”Hinimas ni Charlie ang likod ni
Hindi na tumanggi si Claire nang sinabi ni Kathleen na wala ng oras at marahil ay lumampas ng 10 million dollars araw-araw ang pagkalugi ng kumpanya niya.Pinaalalahanan siya ulit ni Kathleen, “Siya nga pala, Claire, hindi mo kailangan magdala ng maraming bagahe. Mayroon ako ng lahat ng kailangan mo dito, kasama na ang mga pang araw-araw na gamit o kahit ano na kailangan mo sa trabaho. Pwede kang manatili sa kwarto ko sa bahay ko pagkatapos mong pumunta dito. Pwede mong gamitin ang kahit ano kung may kahit anong kailangan ka, kaya kaunti lang ang iimpake mo ngayon. Mas mabuti kung mas simple.”“Okay.”Hindi na nangahas si Claire na antalain ito dahil sinabi ni Kathleen na sobrang madalian ang sitwasyon nyia. Binaba niya ang tawag at bumalik sa kwarto kasama si Charlie at nagsimulang mag-impake ng gamit.Kahit na sinabi ni Kathleen na kaunti lang ang kailangan dalhin ni Claire, inimpake pa rin ni Claire ang lahat ng kailangan na personal na gamit para hindi na niya maabala si Kathle
Kahit na may malambot na pagkatao si Claire, noon pa man ay determinado na siya na maging isang malakas na career woman. Naantig din siya sa mga sinabi ni Charlie.Paano magagawa ng babae na dalhin palagi ang asawa niya sa tuwing lumalabas siya para magtrabaho? Hindi lang na magmumukha siyang hindi kwalipikado, ngunit magmumukhang walang silbi rin ang asawa niya.Bukod dito, tama rin ang huling sinabi ni Charlie.Mabuting magkaibigan sina Claire at Kathleen. Hindi rin pwede na dalhin palagi ni Claire ang asawa niya sa tuwing nakikipagkita kay Kathleen, kung hindi, siguradong iisipin ni Kathleen na kakaiba ito.Nang maisip ito ni Claire, tumango na lang siya at humingi ng tawad kay Charlie, “Honey, kung gano’n, kailangan kong pumunta nang mag-isa. Kailangan mong alagaan ang sarili mo kapag wala ako sa Aurous Hill. Pakitulungan din akong alagaan ang mga magulang ko.”“Makasisiguro ka.” Pagkatapos ay tinanong ni Charlie nang nakangiti, “Siya nga pala, Honey, hindi mo pa sinasagot nan
Tinanong siya nang mabilis ni Kathleen, “Nakipag… Nakipagkita ka na ba kina Lord Acker at Lady Acker?”Bumuntong hininga si Charlie at sinabi nang walang magawa, “Hindi pa, pero natatakot ako na hindi ko na matatago ang pagkakakilanlan ko sa kanila kung nasa panganib talaga sila ngayon.”Tinanong nang kinakabahan ni Kathleen, “Mr. Wade, kailangan mo ba ng kahit anong tulong? Kung kailangan, titipunin ko ang lahat ng tauhan ko para papuntahin sa Aurous Hill sa lalong madaling panahon!”Sinabi nang kalmado ni Charlie, “Hindi na. Sobrang komplikado ng kasalukuyang sitwasyon sa Aurous Hill, at mas lalong magiging magulo kung dadami ang tao. Kung hindi, hindi ko iisipin na paalisin muna si Claire sa Aurous Hill.”Pagkasabi nito, tinanong ni Charlie si Kathleen, “Miss Fox, pwede mo ba akong tulungan na mag-isip ng paraan para papunthin si Claire sa United States at manatili siya doon pansamantala? Mas maganda kung mas maaga.”Pumayag nang walang pag-aatubili si Kathleen at sinabi, “Wala
Sa opinyon ni Charlie, kahit na marahil ay pinupuntirya ng Qing Eliminating Society ang pamilya ng lolo at lola niya, dahil sinabi ni Vera na malalagay siya sa panganib, ang ibig sabihin ay kailangan niyang dumaan sa marahas na laban.Hindi natatakot si Charlie. Alam niya na ang araw-araw na buhay niya ay pinaghirapan niya simula noong nabuhay siya sa edad na walong taon.Ang pinaka kinatatakutan niya ay kapag nalagay sa panganib ang pamilya ng lolo at lola niya at ang asawa niya, si Claire, sa parehong oras. Hindi niya sila mapoprotektahan lahat nang mag-isa sa parehong oras.Nang maisip niya ito, ang unang ideya na dumating sa isipan niya ay humanap ng paraan para paalisin muna si Claire sa Aurous Hill.Kung wala sa Aurous Hill si Claire, wala nang aalalahanin si Charlie, at makakapag-concentrate siya sa pagtatanggol ng pamilya ng lolo at lola niya sa Aurous Hill.Pero, hindi makapag-isip si Charlie ng magandang paraan para paalisin si Claire sa Aurous Hill nang walang pagdududa
Isa itong lohikal at makatwiran na paliwanag. Minsan, kailangan ng isang daang kasinungalingan para maipaliwanag ang isang kasinungalingan. Ito ay dahil mahirap para sa mga sinungaling na manatiling lohikal, kaya palaging nadidiskubre ang kasinungalingan nila.Pero, sobrang talinong babae ni Vera, kaya sinigurado na niya na ang mga kasinungalingan niya ay matatag, lohikal, at walang butas. Kaya, walang napansin na kakaiba si Charlie pagkatapos makinig sa kanya.Pakiramdam niya na gusto lang gumawa ng isang divination ni Vera para sa kanya dahil sa mabuting intensyon niya.Nang maisip niya ang tungkol dito, hindi na niya ito itinago at sinabi kay Vera ang petsa ng kapanganakan niya.Nang marinig ni Vera ang petsa ng kapanganakan si Charlie, gumaan ang pakiramdam niya dahil ang petsa ng kapanganakan niya ay ang parehong kaarwan na alam niya mula sa impormasyon niya.Mukhang pinagkakatiwalaan talaga siya ni Charlie. Kaya, sinabi niya, “Charlie, tutulungan kitang gumawa ng isang divin
Nang makita ni Vera ang resulta ng hexagram na nakaturo kay Charlie, bigla siyang kinabahan ulit nang sobra.Alam niya ang lakas ni Charlie at alam niya na karamihan ng tao ay walang dalang panganib sa kaligtasan niya. Kaya, siguro ay mas malakas ang tao na kaya siyang ilagay sa mapanganib na sitwasyon.Hindi niya maiwasang isipin, ‘Maaari ba na pupunta sa Aurous Hill ang ibang great earl mula sa Qing Eliminating Society? Gano’n siguro! Kung hindi, hindi ako papaalalahanan ni Charlie na bigyang atensyon ang kaligtasan ko!’Nang maisip ito ni Vera, nilabas niya nang hindi namamalayan ang kanyang cellphone at gusto niyang tawagan si Charlie. Pero, hindi niya alam kung ano ang sasabihin pagkatapos kunin ang cellphone niya.Dahil, nagpapanggap siya sa harap ni Charlie, at sa wakas ay napababa na niya ang depensa niya sa kanya. Kung magkukusa siyang balaan siya sa sandaling ito, siguradong magdududa ulit siya sa kanya.Pagkatapos itong pag-isipan nang maingat, pakiramdam pa rin ni Vera
Ngumiti si Vera at sinabi, “Mas mabuti pa nga na isulat mo ang salitang ‘paghanga’ sa mukha mo pero may lakas ng loob ka pa rin na sabihin na kalokohan ang sinasabi ko…”Tumingin nang kinakabahan si Claudia sa paligid. Nang makita niya na walang ibang tao sa paligid, hininaan niya ang boses niya at sinabi kay Vera, “Veron, huwag mo sanang sabihin ang ganitong kalokohan sa hinaharap. Anong magagawa ko kahit na hinahangaan ko si Charlie? Kasal na si Charlie, kaya wala akong magagawa kundi magsisi na pinanganak ako sa maling panahon…”Tumango si Vera at sinabi, “Iyon ang ibig sabihin ng pagsisisi dahil nahuli kang pinanganak.”Bumuntong nang tahimik si Vera habang may komplikadong ekspresyon habang sinabi niya ito. Pagkatapos ay inayos niya ang mga emosyon niya at sinabi nang nakangiti, “Pero hindi mahalaga kung kasal na siya. Pwede kang maging kabit niya.”Sinabi nang nahihiya ni Claudia, “Bakit… Bakit mas lalong nagiging walang kabuluhan ang kalokohan mo?! Tinutukso mo ba ako?”Sin