Hindi matanggap nina Wendy at Christopher ang katotohanan na ito. Tila ba sinampal sila at pinahiya sa publiko! Gusto talaga nilang ilibing ang sarili nila sa oras na iyon.Grabe ito!Sa sandaling iyon, biglang may lumabas na isang matandang lalaki sa villa.Naglakad ang matandang lalaki papunta kay Charlie bago niya tinanong nang magalang, “Hello, ikaw po ba si Mr. Wade?”Tumango si Charlie at sumagot, “Oo, ako nga. Maaari ko bang malaman kung sino ka?”Sumagot ang matandang lalaki, “Hello, Mr. Wade. Ako ang mayordomo ni Mr. White at ako ang responsable na mag-alaga sa villa na ito. Ako si Barry Landon pero pwede mo akong tawaging Barry. Ako ang namamahala sa pagpapanatili ng villa.”“Barry?” Gulat na tumingin sa kanya si Wendy na tila ba nakuryente siya.Hindi ba’t si Barry ang mayordomo ng kanyang nobyo, si Gary? Bakit nandito siya?Sa pamilya White ba ang villa na ito?Kung gano’n, bakit ito binigay kay Charlie?Mabilis na tinanong ni Wendy, “Barry, anong nangyayari? Sa p
Nagulantang din si Gerald.Ang villa sa Thompson First ay ang pinakamahal na pagmamay-ari ng pamilya White.Ang bahay na ito ay pagmamay-ari ni Zeke, ang kasalukuyang pinuno ng pamilya White, at ang tito ni Gerald.Si Zeke ang ama ni Kevin, ang ama ni Gerald ay kinatawan lamang.Kahit na mahal ni Gerald at ng kanyang ama ang Thompson First, hindi nila kayang bumili ng ganito kamahal na villa!Kaya, sobrang nagulat at hindi naging kumportable si Gerald nang marinig niya na ibinigay ng tito niya ang villa kay Charlie. Agad niyang sinabi kay Wendy, “Wendy, maghintay ka lang. Tatanungin ko ang tito ko tungkol dito.”Binaba ni Wendy ang tawag bago siya tumingin nang masama kay Charlie habang kagat-kagat ang kanyang ngipin at tinanong, “Charlie, anong ginawa mo? Paano mo niloko si Tito White na ibigay sa iyo ang villa na ito?”Sa sandaling ito, sumagot nang kalmado si Charlie, “Si Mr. White mismo ang nag-alok sa akin ng villa na ito.”“Nagsisinungaling ka!” Biglang sinabi ni Wendy. “
”Charlie, ito… binigay ba talaga ng pamilya White ang villa na ito sa iyo?” Tinanong sa sorpresa ni Jacob nang bumalik siya sa kanyang diwa.“Oo, pa,” sumagot si Charlie habang ngumiti siya.“Ito… ikaw…” nautal si Jacob. Naramdaman niya na parang nananaginip siya.Nagmadali si Claire sa kanyang ama at sinabi, “Pa, bakit hindi ka muna umupo at magpahinga nang ilang sandali? Dahil, ipinaliwanag na ni Mr. White ang sitwasyon sa lahat, malinaw na dapat sa lahat na si ang nararapat na maging may-ari ng villa na ito.”Partikular na diniinan ni Claire ang mga salitang ‘nararapat na maging may-ari’ dahil gusto niyang marinig ito ng mga kamag-anak niya.Nilagay ni Hannah ang mga kamay niya sa kanyang puso dahil hindi siya makapaniwala at sinabi, “Baliw na talaga ang pamilya White! Kung gusto nilang ibigay ang villa na ito sa iba, bakit hindi nila ito binigay sa akin?”Hindi lang si Hannah ang hindi makapaniwala dahil lahat sila ay nagulat din nang sobra sa sandaling ito. Sa totoo lang, so
Nang makita ni Charlie na nag-papanic si Claire, ngumiti siya at tinanggal ang kaguluhan sa isip nito. “Mahal kong asawa, huwag kang mag-alala sa villa. Hindi pupunta si Mr. White at gagawa ng gulo dahil sa villa na ito.”Patuloy na umiling si Jacob. “Hindi. Dati noong tinulungan mo ang pamilya Quinton sa problema nila sa Feng Shui, gumastos ka nang isang daang milyong dolyar na pera nila para mag-bid sa kabibe. Ngayon, binigyan ka ng pamilya White ng villa para lang magpasalamat! Ang dalawang pamilya na ito ay sobrang tanyag at prestihiyoso sa Aurous Hill. Natatakot ako na pagsisisihan nila ang desisyon nila sa hinaharap, at sa maaga o sa huli, pupunta sila at ipapabalik ang kinuha mo sa kanila!”Nagpatuloy si Jacob, “Dapat mong ibalik ang villa sa pamilya White sa lalong madaling panahon. Kung hindi, natatakot ako na mapapahamak tayo kung kakalabanin tayo nila!”Sa sandaling ito, biglang nagsalita ang biyenan na babae ni Charlie, “Anong ibig mong sabihin?! Bakit natin ibabalik ang
Pakiramdam ni Elaine na sobrang matagumpay siya habang inalog niya ang jade bracelet sa kanyang kamay. “Nag-text na ako sa ibang mga kaibigan ko. Marami sa kanila ang nainggit sa’kin dahil sa jade bracelet na ito, at ngayon, may malaki at maluho na rin akong villa!”Tumingin si Charlie sa jade bracelet na nasa kamay ng kanyang biyenan na babae. Sa totoo lang, ang bracelet na iyon ang binigay sa kanya ni Graham, at sa una ay balak niyang ibigay ito kay Claire. Gayunpaman, sinong mag-aakala na mapupunta ito kay Elaine.***Sa mansyon ng pamilya White.Nakatayo si Gerald sa bulwagan habang iniulat niya ang nalaman niya sa kanyang ama sa telepono.Pagkatapos niyang magsalita, nag-atubili nang sandali si Gerald at itinaas niya ang kanyang ulo at sinabi, “Pa, nalilito pa si tito? Hindi pa nga siya tumira kahit isang araw sa villa na iyon, pero hindi siya nag-atubili na ibigay ito lahat kay Charlie! Kailangan mo siyang hikayarin na kunin ito kay Charlie!”Mayroong taimtim na ekspresyon
Habang nangangarap si Lady Wilson an makalipat sa villa sa Thompson First, biglang kinuskos ni Christopher ang mga kamay niya at nagbuntong hininga bago sinabi, “Ma, balak kong magpadala ng tao upang imbitahan ang pamilya ni Loreen bilang bisita natin. Pagkatapos, gusto kong ipanukala sa pamilya Thomas na magpakasal sina Loreen at Harold. Ano ang palagay mo sa aking mungkahi?”“Ang pamilya Thomas…” Nagbuntong hininga si Lady Wilson at sumagot, “Noong nakaraan, iniwan ni Harold si Loreen at tumakbo mag-isa! Sa tingin ko ay hindi maganda ang tingin sa kanya ni Loreen.”Sa sandaling ito, sinabi ni Charlie, “Sa tingin ko ay hindi ito nakapipinsala. Dahil magkasosyo ang mga pamilya natin sa negosyo, naniniwala ako na mas nakatuon ang pamilya Thomas sa pagkakataon na umunlad kung magpapakasal ang mga anak namin. Kahit na hindi maikukumpara ang pamilya Wilson sa pamilya Thomas, nakasuporta sa atin ang Emgrand Group. Bukod dito, marami pa tayong magagawa upang madagdagan ang pagtutulungan ng
Nang makita ni Jacob na hinihintay ng lahat ang pamilya niya, mabilis niyang ibinaba ang ulo niya habang binati niya ang kanyang ina at kuya nang nakangiti.Nagkunwari si Christopher na hindi niya siya narinig at hindi siya pinansin.Bahagyang tumango si Lady Wilson.Mabilis na tinanong ni Jacob, “Ma, bakit niyo kami pinapunta ngayon dito? May problema ba?”“May gusto akong itanong. Sa inyo ba ang isa sa mga villa sa Thompson First?” Tinanong nang malamig ni Lady Wilson.Sa sandaling ito, mabilis na sumagot si Jacob, “Oo, ma. Binigay ni Mr. White ang villa kay Charlie dahil nagbigay siya ng payo tungkol sa Feng Shui.”“Payo sa Feng Shui?” Suminghal si Harold at sinabi, “Kung nakuha talaga ni Charlie ang villa dahil nagbigay lang siya ng payo sa Feng Shui, dapat ay umalis na sa trabaho ang lahat sa pamilya Wilson at magtrabaho na lang bilang maestro ng Feng Shui!”Ang lahat ng tao sa sala ay suminghal nang marinig ito.Pilit na tumawa lang si Jacob nang marinig niyang kinukutya
Nagulantang si Jacob, at mabilis siyang sumagot, “Ma, pasensya na, pero binigay ng pamilya White ang villa kay Charlie, hindi sa akin.”Nauubusan na ng pasensya si Lady Wilson sa sandaling ito, at hindi na siya nag-abalang itago ang intensyon niya. Nang marinig niya ito, sinabi niya, “Si Charlie ang manugang ng pamilya Wilson! Kaya, ang villa na binigay ng pamilya White kay Charlie ay pagmamay-ari rin ng pamilya Wilson! Bilang pinuno ng pamilya Wilson, hindi ba’t nararapat lang na tumira ako sa villa na iyon?”Sa oras na iyon, hindi maiwasang umirap ni Charlie nang marinig ang sinabi ng matandang babae. Hindi siya nagsalita kanina dahil inaasahan niya na walang magandang mangyayari sa pagtitipon ng pamilya ngayon.Gusto palang kunin ng matandang babae ang villa sa kanya.Nang napagtanto ni Jacob ang gustong sabihin sa kanya ng kanyang ina, nagpawis siya at nauutal habang nakatingin siya nang nahihiya kay Charlie.Biglang nag salita nang matagumpay si Christopher. “Jacob, ikaw ang
“Sa sumunod na dalawang taon, kumuha ang aking ama at si Fleur ng mga determinadong makabayan na gustong ibalik ang bansa natin. Patuloy silang nakipaglaban sa Qing army, pero dahil sa limitadong lakas nila, hindi nila nabago ang unti-unting pagsasama-sama ng Qing army.”“Sa taong 1662, ang tanyag na traydor, si Sanguine, ay pinatay ang hari ng Yorkshire Hill. Napuno ng lungkot ang aking ama at nagdalamhati siya nang sobra. Nakipagtulungan siya kay Fleur at pinangunahan ang mga makatarungan na tao mula sa Qing Eliminating Society para patayin si Sanguine. Sa kasamaang palad, nabigo ang misyon nila.”“Ang aking ama at si Fleur ay hinabol ng sampu-sampung libong sundao mula sa Qing army, at dahil nasa ilalim na ng kontrol ng Qing army ang mga rehiyon sa loob ng bansa, nagpasya silang tumakas sa Taiwan at magtago doon para patuloy na labanan ang Qing army. Sa hindi-inaasahan, hindi matagal pagkatapos nilang umalis, dumating ang balita na biglang pumanaw ang leader ng Taiwan. Dahil wala
Nang marinig niya ang pangalan na ‘Fleur Wiley’, lumaki ang mga mata ni Charlie sa gulat at tinanong, “Babae ang leader ng Qing Eliminating Society?”Tumango si Vera, nagngalit, at sinabi, “Hindi lang siya isang babae, ngunit siya ang pinakamalupit na babae sa buong mundo!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Kung siya ang kapatid ng sinumpaang kapatid ng iyong ama, hindi ba’t nabubuhay na rin siya ng tatlo o apat na raang taon?”Nag-isip saglit si Vera at sinabi, “Isang taon na mas bata si Felur sa ama ko, at dalawampu’t tatlong taon na mas matanda siya kaysa sa akin. Apat na raang taon na siya ngayon.”Sinabi ni Charlie, “Uminom din siguro siya ng Eternal Pill, tama?”“Syempre,” sinabi nang emosyonal ni Vera, “Ang Eternal Pill ay binigay sa ama ko at kay Fleur ng kanilang master. Sa una ay nag-iwan siya ng tig-isang pill sa kanila, umaasa na maipagpapatuloy nila ang layunin na pabagsakin ang Qing Dynasty. Bukod sa tig-isang Eternal Pill, ipinagkatiwala rin ng master nila sa ama ko
“Mabilis kong pinahiga nang pansamantala ang aking ama, at binigyan niya ako ng isang hindi kilalang pill, inutusan ako na inumin ito nang masunurin nang hindi nagtatanong.”“Hindi ko alam ang mga epekto ng pill na ito, pero hindi ko kayang suwayin ang utos ng aking ama. Kaya, ininom ko ang pill. Pagkatapos ko itong inumin, sinabi sa akin ng ama ko kung anong pill ito at ang mga epekto nito.”Habang nagsasalita siya, namula ang mga mata niya, at sinabi niya sa malambot na boses, “Para naman sa kung bakit hindi ito ininom ng aking ama at binigay ang Eternal Pill sa akin, sinabi niya na ito ay dahil ayaw niyang makita ang araw nang siya, bilang ama, ay kailangan akong panoorin na tumanda at mamatay nang unti-unti sa harap niya. Sinabi rin ng ama ko na kung may pill na kayang hayaan ang isang ama na mabuhay para panoorin ang kanyang anak na babae na unti-unting tumanda at mamatay, hindi isang elixir ang pill na iyon ngunit isang lason.”‘Sinabi ng ama ko na kailangan niyang mamatay bag
Humagikgik si Vera, itinupi ang mga kamay niya nang matiwasay sa isang bahagi ng kanyang baywang, at yumuko nang bahagya kay Charlie. Sinabi niya nang magalang, “Young Master, hindi mo ako kailangan maging magalang nang sobra sa akin. Tawagin mo na lang ako na Vera.”Sinabi nang tapat ni Charlie, “Hindi, halos 400 years old ka na, kaya dapat kitang tawagin bilang nakakatanda ko…”Ngumiti si Vera at sinabi nang seryoso, “Sa pananaw ko, isa lang akong babae na hindi lumaki, hindi isang imortal at matandang mangkukulam. Kahit na halos apat na raang taon na talaga ako nabubuhay, pakiramdam ko na tila ba 17 years old lang ako…”“Ah…” Nalaman ni Charlie na hindi akma ang sitwasyon niya, na may dalawang magkasalungat na boses na nagtatalo sa isipan niya.Sinabi ng isang boses, “Tama siya. Kahit na halos apat na raang taon na siyang nabubuhay, noon pa man ay 17 o 18 years old lang siya.”Sinabi ng isang boses, “Pero halos 400 years old na siya ngayon! Anong ibig sabihin ng 400 years old?!
Nang maglaho ang katawan ni Vera sa itaas ng bundok, agad bumalik ang kamalayan ni Charlie sa realidad mula sa kailaliman ng mga bundok sa timog ng Yorkshire Hill.Sa sandaling binuksan niya ang mga mata niya, naniwala na siya nang buo sa mga sinabi ni Vera. Naniniwala siya na ang babaeng ito ay nabubuhay na mula tatlong daang taon na ang nakalipas hanggang ngayon. Sa sandaling ito, sa wakas ay napagtanto na niya kung bakit palagi niyang nararamdaman na kahanga-hanga si Vera kahit na hindi niya maintindihan kung ano ang mayroon sa kanya.Sa edad na 17 o 18, bihasa na siya sa halos mala-diyos na sining ng panghuhula, na kahit ang isang katulad ni Chandler, na 100 years old, ay hindi na-master.Sa 17 o 18, walang tigil siyang hinabol ng Qing Eliminating Society. Kung limang taon na siya hinabol ng Qing Eliminating Society, hindi ba’t nakikipagtagisan ng talas ng isip na siya sa kanila noong 12 years old pa lang siya?Bukod dito, sa edad na 17 o 18, misteryoso siyang lumitaw sa Aurous
Tinanong ni Charlie si Vera nang hindi namamalayan, “Ipininta mo ba ang painting na ito?”Tumango si Vera at sinbi, “Ipininta ko ito ilang araw na ang nakalipas. Ipininta ko ito para sayo, Young Master.”Hindi maiwasang mamangha ni Charlie. Hindi niya inaasahan na may pambihirang galing si Vera sa pagpipinta. Kailan lang, sinabi ng biyenan na lalaki niya na may isang art exhibition na isasagawa ng Calligraphy and Painting Association, at nahihirapan siyang makahanap ng mga magagandang likha. Kung dadalhin ni Charlie ang painting na ito doon, marahil ay gumawa ito ng kaguluhan sa mga landscape painter sa buong bansa!Biglang sinunggaban ni Vera nang kanang kamay ni Charlie, na may singsing, at pinagsama ang daliri nila. Pagkatapos ay sinabi niya nang may umaasang ekspresyon, “Young Master, maaari ko bang imungkahi na dalhin ka para makita ang hitsura nito gamit ang sarili mong mga mata noong tatlong daang taon na ang nakalipas?”Pagkasabi nito, ang singsing, na nanatiling tahimik ka
“Ano… Anong sinabi mo?!” Pakiramdam ni Charlie na namanhid ang buong katawan niya dahil sa mga sinabi ni Vera. Hindi ito pagmamalabis. Nakaramdam talaga siya ng mahinang kuryente mula sa kanyang ulo hanggang paa!Sinabi ni Vera na napanood niya ang Mother of Pu’er Tea na nabigong lampasan ang kalamidad nito sa Heavenly Lake tatlong daang taon na ang nakalipas. Ang ibig sabihin ba nito ay mahigit 300 years old na siya?!Sa una ay hindi kayang maniwala ni Charlie sa sinabi ni Vera. Dahil, kahit na nahanap talaga ng isang tao ang daan sa mahabang buhay, karaniwan ay unti-unting proseso ito.Marahil ay mag-cultivate ang isang tao sa 20s o 30s, pero madalas posible na magsimula ang cultivation sa edad na 50 o 60, o mas matanda pa.Habang lumalalim ang cultivation ng isang tao, humahaba ang buhay niya, pero kahit ang isang cultivator na mahigit 100 years old, tulad ng great earl ng Qing Eliminating Society, ay napanatili lang ang hitsura niya na isang lalaki na nasa 60 years old.Kung m
Humagikgik si Vera at sinabi, “Nagkataon, may natira pa na huling piraso ng Pu’er tea. Nag-aatubili akong inumin ito, at hinihintay ko ang araw na maitimpla ko ito para sayo para matikman mo ito. Charlie, mangyaring maghintay ka saglit!”Sinabi nang nagmamadali ni Charlie, “Miss Lavor, hindi mo na kailangan abalahin ang sarili mo. Bigyan mo na lang ako ng isang baso ng tubig.”Tumayo si Vera at hindi na lumingon habang sinabi, “Ang Pu’er tea na mayroon ako ay ang pinakamasarap ng Pu’er tea sa buong mundo. Charlie, siguradong pagsisisihan mo sa hinaharap kung hindi mo ito titikman.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “At saka, ipapaliwanag ko ang lahat ng mga bagay kung saan ka nalilito, simula sa piraso ng Pu’er tea na iyon.”Pagkatapos ay mabilis na kinuha ni Vera ang kumpletong tea set niya at ang Pu’er tea na palagi niyang pinapahalagahan nang hindi na hinihintay ang sagot ni Charlie.Pagkatapos bumalik sa tabi ng kama, maingat na sinindihan ni Vera ang uling ng olibo
Nang marinig ang paliwanag ni Vera, kumunot ang noo ni Charlie at tinanong, “Paano iyon posible? Nagsisinungaling ka siguro sa akin.”“Bakit ako magsisinungaling sayo?” Sinabi nang sigurado ni Vera, “Totoo talaga ito! Kaya kong mangako sa buhay ko!”Umiling si Charlie at sinabi nang sobrang seryoso at tapat, “Paniniwalaan kita kahit na may pagdududa ako. Naniniwala ako na kaya nga ng singsing na ito na ipadala ang tao sa iba, pero nang mangyari ang pagsabog kanina, hindi ikaw ang iniisip ko… Ang iniisip ko ay ang mga pumanaw na magulang ko…”Pagkasabi nito, patuloy na binulong ni Charlie, “Mukhang lumitaw sa isipan ko ang imahe ng asawa ko sa dulo. Kung totoo ang sinabi mo, dapat ay ipinadala ako ng singsing na ito sa asawa ko…”Tinikom ni Vera ang mga labi niya at sinabi nang may kaunting lungkot, “Charlie, hindi ako nagsisinungaling sayo. Natural na alam ko na hindi mo ako iisipin sa sandali ng buhay at kamatayan. Kaso nga lang ay ang ama ko ang nag-iwan ng singsing na ito sa aki