Hindi ito sineryoso ni Jiro habang umiinom siya ng Apothecary Stomach Pill.Pakiramdam niya ay siguradong mas malala ang gamot na ito kumpara sa sarili niyang Kobayashi Stomach Pill. Kailangan niyang matukoy kung gaano kalala ang gamot na ito kumpara sa sarili niyang Kobayashi Stomach Pill ayon sa naramdaman niya pagkatapos uminom ng isang sachet ng gamot na ito.Gayunpaman, kumunot agad ang noo ni Jiro sa sumunod na segundo.Pagkatapos inumin ang Apothecary Stomach Pill, ramdam na ramdam ni Jiro ang napakainit na agos sa kanyang tiyan.Ang mainit na agos ay parang isang ulan sa tagsibol na tahimik na pinapalago ang lupa. Mabilis na binalot ng mainit na agos ang kanyang tiyan, at nagdulot ito ng napakalakas at mabisang analgesic effect, na nagbibigay sa kanya ng napakainit at komportableng pakiramdam.Talagang nawala ang sakit niya sa tiyan dahil sa mainit na agos na ito, at sobrang na-relax at naging komportable ng kanyang buong katawan.Ganito ang karaniwang nararamdaman ni Jir
Galit na galit talaga si Jiro at naiinis sa sandaling ito.Pareho ang ginagamot ng Apothecary Stomach Pill sa Kobayashi Stomach Pill. Isa talaga itong benchmark sa produkto.Pero, mas malakas ang epekto ng Apothecary Stomach Pill kumpara sa Kobayashi Stomach Pill.Bukod dito, mas malala pa ang mga packaging specification, ang kabuuang laman ng gamot, at ang presyo ng Apothecary Stomach Pil, ay pareho sa Kobayashi Stomach Pill!Sobrang hindi naging komportable ni Jiro!Mas magaling talaga ang Apothecary Stomach Pil kumpara sa Kobayashi Stomach Pill, pero ang dami at presyo ng gamot ay talagang magkatulad.Hindi ba’t tinutulak lang nito sa bangin ang benta ng Kobayashi Stomach Pill?!At saka, dahil inindorso ni Quinn Golding ang Apothecary Stomach Pil, biglang naging sobrang sikat ng gamot na ito sa Oskian market. Para bang pinutol nito ang layunin ng Kobayashi Stomach Pill na magpalawak sa Oskian market!Bukod dito, unang hakbang pa lang ang pagkatalo sa Apothecary Stomach Pil s
Sumagot nang nahihiya ang kanyang assistant, “Chairman, hindi ko alam ang tungkol diyan. Binaba lang ng kabila ang tawag at hindi ako hinayaang magtanong pa ng ibang detalye…”“G*go siya!” Galit na sinabi ni Jiro, “Kung gano’n, mag-isip na lang tayo ng paraan para patumbahin ang Apothecary Pharmaceutical. Kahit anong mangyari, kailangan kong bilhin ang kanilang patent formula kahit gaano kalaki pa ang gastusin ko!”Tinanong nang maingat ng assistant, “Chairman, sobrang epektibo ba ng gamot?”“Sobrang epektibo nito…” Sumagot sa malungkot na paraan si Jiro, “Sa pinakamababa, sampung beses na mas mabisa ito sa Kobayashi Stomach Pill!”Nagulat ang assistant ni Jiro. “Sampung beses? Gano’n kalaki?!”Tumango si Jiro, at mayroon siyang madilim na ekspresyon sa kanyang mukha habang sinabi, “Hindi mo dapat sabihin ito sa publiko. Kung makukuha natin ang reseta para sa Apothecary Stomach Pill, mababaliktad natin ang lahat at mapapaangat pa natin sa susunod na antas ang Kobayashi Pharma. Per
Sa sumunod na araw.Umalis nang maaga si Jiro habang dumiretso siya sa Apothecary Pharmaceutical.Pagkatapos kumain ng almusal na gawa ng kanyang biyenan na babae, ni Elaine, hiniram ni Charlie ang kotse ng kanyang biyenan na lalaki habang nagmaneho siya papunta sa Aurous Stadium.Sa totoo lang, mas naging maamo ang ugali ni Elaine, at naging mas komportable na nang sobra ang buhay ni Charlie sa bahay.Simula noong sinabi ni Charlie kay Elaine na bibigyan niya siya ng maraming pera para alagaan ang anak nila pagkatapos manganak ni Claire, mas madalas nang pinagsisilbihan ni Elaine si Charlie ngayon. Sa parehong oras, palagi niyang hinihimok si Claire na magkaroon ng anak sa lalong madaling panahon.Kahit na napakaraming taon nang kasal ni Elaine kay Jacob, kailanman ay hindi gumaling ang kakayahan niya sa pagluluto. Dahil, sinusubukan niya lang gawin ang mga ito nang walang pagsisikap kasama ang kanyang asawa at anak.Pero ngayon, talagang nag-aaral na si Elaine at nagbabasa ng i
Katulad siya ng pinakamaganda at pinakamabangong bulaklak, at lahat ay gusto siyang alagaan at magpakita ng pagmamalasakit sa kanya.Kahit na hindi siya gusto nang romantiko ni Charlie, talagang nagkaroon siya ng matinding paggalang at pagpapahalaga sa kanya dahil sa kung sino siya.Kung pinahahalagahan niya ang isang tao, natural na ayaw niyang mapahamak ang taong iyon.Gayunpaman, ang kalaban ni Nanako ay ang masiglang si Aurora.Tiyak na umaasa si Charlie na makakamit ni Aurora ang championship. Sa parehong oras, makakakuha siya ng karangalan at tagumpay sa mga Oskian.Gayunpaman, hindi niya gustong masaktan nang husto si Nanako.Sa isang sandali, naramdaman pa ni Charlie na hikayatin si Aurora na magpigil siya upang hindi niya magamit ang lahat ng kanyang lakas pagkatapos pagtuntong sa ring. Sa ganoong paraan, hindi niya masasaktan nang husto si Nanako.Gayunpaman, sinukuan ni Charlie ang ideya pagkatapos mag-alinlangan nang ilang sandali.Ito ay dahil alam niya na hindi da
Mahilig sumunod sa uso ang mga batang tao.Kung ikukumpara mo ang mga usong trend at fashion, hinding-hindi magpapatalo ang Japan sa Oskia.Masasabi pa na ang mga trends at fashion sa Japan ay mas mataas kumpara sa Oskia.Iyon ang dahilan kung bakit mayroong Japanese pop culture, at iyon din ang dahilan kung bakit may mga hairstyle, manicure, makeup, at iba pa ang mga Japanese.Masasabi na ang mga Japanese na babae ay sobrang fashionable. Iyon ang dahilan kung bakit karamihan sa kanila ay gustong tumira sa isang fashionable na metropolis tulad ng Tokyo.Pero, iba si Nanako.Kailanman ay ayaw niya sa uso o modernong bagay.Sa kabaliktaran, palagi niyang pinapahalagahan ang mga klasikong kultura.Halimbawa, mahilig siyang mag-aral sa sining ng paggawa ng tsaa, sinaunang Oskian, sinaunang mga tula, at kahit ang mga sinaunang arkitektura at pananamit.Kaya, noon pa man ay bagay na bagay na ang Kyoto sa kanyang aura at pagkatao.Alam niya rin na walang magandang kalalabasan ang la
Para naman sa kanilang dalawa, hindi sila nakatingin sa referee o sa isa’t isa. Sa halip, nakatingin silang dalawa kay Charlie, na nakaupo kasama ang mga manonood.Medyo nabalisa rin si Charlie.Hindi niya inaasahan na hindi maghahanda ang dalawang babaeng ito sa laban. Sa halip, nakatitig lang silang dalawa sa kanya sa sandaling tumuntong sila sa ring.Gano’n ba kaakit-akit ang hitsura niya? Hindi ba’t dapat mag-abala sila sa mga importanteng bagay?!Habang iniisip niya ito, ang referee, na nakatayo sa arena, ay nahiya rin nang sobra. Umubo siya nang dalawang beses bago sinabi, “Nakikinig ba kayong dalawa sa akin?”Si Aurora ang unang natauhan, at namula siya habang sinabi nang nagmamadali, “Pasensya na, referee. Naligaw ako sa iniisip ko nang ilang sandali.”Walang nagawa ang referee, at tumingin siya kay Nanako at sinabi, “Ikaw naman, Miss Ito?”Namula agad ang mukha ni Nanako, at sinabi niya nang nagmamadali sa mahinang boses, “Pasensya na, referee. Medyo natulala rin ako.”
Dahil wala sa isip ang dalawang babae kanina, nang inanunsyo ng referee na opisyal nang nagsimula ang laban, ni isa sa kanila ay wala sa kalagayan na makipaglaban.Kaya, medyo kakaiba ang kapaligiran sa ring.Sa sandaling sinimulan ng referee ang laban at mabilis na umatras sa kanilang dalawa, inisip niya na agad papasok sa ritmo ang dalawa at aatake na sila. Pero, tulala pa rin sila habang nakatayo sila sa ring nang ilang segundo.Sa oras na ito, sumigaw ang isang lalaki audience, “Aurora! Anong ginagawa mo?! Bakit tulala ka?! Bilisan mo at talunin mo ang babaeng Japanese na iyan!”"Oo, Aurora! Panahon na para manalo ka at magbigay ng karangalan sa ating bansa!”“Oh! Aurora, ang babaeng medyo maganda talaga ang Japanese na babae. Ipangako mo sa akin na hindi mo aatakihin ang mukha niya, okay?"Biglang nakaramdam ng kaba si Aurora.Ang laban na ito ay ang pinakamataas na antas ng laban na sinalihan niya pagkatapos ng mahabang panahon.Gayunpaman, ito rin ang tanging laban na ku
Walang nag-aakala na sa kalagitnaan ng sitwasyon kung saan pinatay ang mga bodyguard ng mga Acker at nakakalat ang mga bangkay nila, may maglalakas-loob pa rin na pumasok sa pinto na iyon!”Si Mr. Chardon, na sobrang yabang, ay sumabog agad sa galit nang marinig ang mapanuyang boses. Tumalikod siya, sabik makita kung sino ang mapangahas na gago na naglakas-loob na tawagin siyang alalay!Agad nakilala ni Merlin at ng mga miyembro ng pamilya Acker ang pamilyar na boses na ito. Alam ni Merlin na si Charlie ang dumating, at alam ng mga Acker na ito ang benefactor nila.Kahit na nakilala nila ang boses ni Charlie, ibang-iba ang emosyon nila.Matagal nang inaasahan ni Merlin na darating si Charlie, at iniisip niya pa, ‘Charlie, oh Charlie, sa wakas ay nagpasya ka nang magpakita! Kung nahuli ka ng ilang segundo, nawala na ang buhay ko dito…”Para naman sa mga miyembro ng pamilya Acker, sa sandaling ito, ang iniisip lang nila ay maligtas sa isang kritikal na sandali at mabuhay sa isang kr
Kung magpapatuloy ang ganitong uri ng Reiki, walang duda na ang pananatili at ang pag-cultivate dito ay magkakaroon ng dobleng resulta gamit ang kalahating pagsisikap!Sabik na sabik siya at tinuro ang kanyang kahoy na ispada sa mga tao habang sinabi nang malamig, “Walang sasagot sa akin, tama? Dahil walang sasagot sa akin, pipili na lang ako ng isang tao at puputulan siya ng ulo bilang isang halimbawa!”Pagkatapos itong sabihin, napansin niya si Lulu, na may maayos na damit, at ngumisi, “Si Lulu Acker siguro ang binibini na ito, ang second young lady ng mga Acker, tama?”Tinanong nang maingat ni Lulu, “Anong kailangan mo?”Ngumisi si Mr. Chardon, “Gusto kong turuan ng leksyon ang mga magulang at kuya mo. Ang leksyon na ito ay tinatawag na ‘Ang epekto ng kawalan ng kooperasyon’.”Pagkatapos itong sabihin, iwinasiwas niya aga ang kanyang kahoy na ispada, at agad umatake ang isang invisible na patalim kay Lulu. Nakaramdam si Lulu ng isang bugso ng hangin na papunta sa kanya, at para
Minaliit niya si Mr. Chardon sa mahabang panahon, palaging iniisip na naka-focus lang sa cultivation ang matandang lalaki na ito. Pero, ngayong araw niya lang napagtanto na may malakas na pagnanasa pala ang matandang lalaki na ito sa pagkatay ng tao!Habang naramdaman niya na sobrang lupit ni Mr. Chardon, isang helicopter na lumilipad nang mababa ang lumitaw sa ere, mabilis na lumapit sa Willow Manor!Sa sandaling ito, nakaramdam ng bukol sa lalamunan nila ang mga miyembro ng pamilya Acker nang marinig ang sigawan sa labas. Hindi nila inaasahan na pagkatapos ng krisis nila kailan lang sa New York, mabilis silang susundan ng kabila sa Oskia.Ang pangatlong tito ni Charlie, si Jaxson, ay sinabi nang kinakabahan, “Pa, Ma, natatakot ako na kritikal na sitwasyon ito ngayon. Dapat mauna muna kayong umalis sa pinto sa likod!”Napagtanto rin ni Christian ang sitwasyon at sinabi nang mabilis, “Tama, Pa. Mauna muna kayo ni Mama. Mananatili kami dito at magbabantay!”Suminghal nang malamig s
Sa sandaling ito, naging isang mala-impyernong lugar ng digmaan ang paligid ng villa!May hawak si Mr. Chardon na isang kahoy na ispada na wala pang tatlumpung sentimetro sa kanyang kamay, pero ang invisible na talim nito ay may haba na halos dalawang metro!Ito ang pansamantalang mahiwagang instrumento na ipinagkatiwala ng British Lord kay Mr. Chardon.Kahit na mukhang maikli, maliit, at karaniwan ang kahoy na ispada, sa totoo lang, parang isa itong lightsaber mula sa Star Wars, na may pambihirang saklaw ng atake.Sa lohika ng pelikula na ito, may plasma ang lightsabe mula sa hawakan hanggang sa patalim. Lampas sa konsepto na ito ang kahoy na ispada ni Mr. Chardon. Kaya nitong gawing isang patalim ang Reiki, at kaya niyang kontrolin ang patalim!Ilang bodyguard ang sinubukang palibutan at atakihin si Mr. Chardon, pero kaswal niyang iwinasiwas ang ispada sa hangin gamit lang ang isang kamay. Isang invisible na enerhiya ang mabilis na lumabas sa ispada, tumagos sa dibdib ng mga nas
Ang nag-iisang anak nina Ashley at Curtis, si Charlie, ay naglaho rin dalawampung taon na ang nakalipas.Pakiramdam ng lahat ng tila ba naghahanap sila nang bulag ng dalawampung taon sa buong mundo, at sa sandaling ito, pakiramdam nila na tila ba may sa wakas ay may nakita na sila.Sinabi nang naiinip ni Christian, “Sabihin mo sa amin nang detalyado ang oras ng pagpasok ng labing-anim na tao na ito!”Mabilis na sumagot si Azure, “Sa labing-anim na tao na ito, labing-apat na tao ang pumasok sa dulo ng taglamig sa Pebrero, dalawampung taon na ang nakalipas, at ang dating dean nila, si Killian Caito, ay pumasok sa taglagas ng Nobyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Bukod sa labing-limang tao an ito, ang pinakabagong pumasok ay isang babae na pumasok sa taglamig sa Disyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Magda-dalawampung taon at tatlong buwan na simula ito.”Biglang nagkaroon ng takot na ekspresyon si Lady Acker. Napaiyak siya at humikbi habang sinabi, “Umalis sina Ashley
“Simple lang ito!” Sinabi nang sabik ni Lulu, “Pwede nating suriin ang mga social security file ng dating team! Ang welfare institute ay isang welfare organization na pinopondohan ng gobyerno at ng mga private donation. Bilang isang unit na binabantayan ng publiko, siguradong kumpleto rin ang record ng mga tauhan nila, lalo na kung nasa isang malaking misyon talaga sila, tulad ng sinabi ni Merlin. Kailangan nilang sumunod at maging walang pintas, kung hindi, kung may makakapanasin na may kakaiba sa record ng mga tauhan nila, agad itong gagawa ng pagdududa!”Pinuri ni Merlin, “Sobrang linaw ng pag-iisip ni Lulu. Marahil ay makakuha tayo ng ilang bakas kung makakahanap tayo ng paraan para suriin ang mga personnel record ng dating staff ng Aurous Hill Welfare Institute!”Sinabi ni Kaeden, “Kukuha ako ng tao para suriin agad ito!”Pagkatapos itong sabihin, nilabas niya agad ang kanyang cellphone at tumawag.Maraming taon nang retirado si Keith, at sa mga nagdaang panahon, nabawasan ang
Sinabi ni Lady Acker, “Sige at sabihin mo, Lulu.”Sinabi ni Luu, “Inimbestigahan ko ang sitwasyon sa Aurous Hill Welfare Institute ngayong araw. Gusto kong makita kung may kahit anong impormasyon kaugnay kay Charlie sa mga ulila na niligtas nila sa mga nagdaang taon. Sa ngayon, walang bakas na ipinapakita ang mga tala ng institute na kaugnay kay Charlie, pero ang kakaiba ay dumaan sa malaking pagbabago sa mga tauhan ang Aurous Hill Welfare Institute noong nakaraang taon. Mula sa director ng institute hanggang sa staff at kahit ang mga chef na nagluluto para sa mga ulila, lahat sila ay nagbago. Wala sa mga dating empleyado ang natira. Nakita ko na kakaiba ito. Hindi bihira na magpalit ng mga tao sa mga welfare organization, pero parang kakaiba ang lahat at biglaan na pagbabago. Ano sa tingin niyo?”Kumunot ang noo ni Keith at sinabi, “May sampu o dalawampung tao siguro sa panig ng pamamahala at pagpapatupad ng isang bahay ampunan. Kahit na magbago ang mga namamahala, hindi dapat map
Bandang 9:00 p.m. ng gabi sa Willow Manor.Katatapos lang kumain ng mga Acker at hinihiling kay Merlin na analisahin ang mga bakas na nakuha nila sa nakaraang ilang araw sa sala.Si Keith, ang head ng mga Acker, ay nananatili sa villa sa mga nagdaang araw at may malaking pag-unlad sa kalusugan niya. Hindi lang na hindi na lumala ang memorya niya, ngunit unti-unti niya ring naalala ang mga memorya na nakalimutan niya.Ang mas mahalaga, pagkatapos gumaling, umunlad nang sobra ang kabuuang lohikal na pag-iisip niya, bumalik ang istilo ng pag-uutos at lakasa niya dati.Sa pagpupulong ng pamilya, binigyan muna ng buod ni Christian ang lahat tungkol sa progreso ng kolaborasyon nila ng Moore Group.Sinabi ni Christian, “Opisyal na pumasok na sa proseso ng negosasyon ang kolaborasyon natin sa Moore Group. Simula ngayong araw, pinag-uusapan na ng mga legal team ng dalawa ang mga detalye ng kooperasyon, inaayos ang mga tiyak na termino. Dahil sa tapat na kilos ng mga Acker, maayos ang negos
Pagkatapos ay nilabas ni Charlie ang kanyang cellphone at tinawagan si Merlin. Samantala, kumakain si Merlin kasama ang mga Acker, ilang kilometro ang layo sa Willow Manor.Nag-iimbestiga ang mga Acker sa Aurous Hill sa nakaraang ilang araw pero wala pa silang nahahanap na bakas na kaugnay kay Charlie. Ang tito ni Charlie, si Christian, ay tatanungin na sana si Merlin para manghingi ng payo habang kumakain nang tumunog ang cellphone ni Merlin.Tumayo nang mabilis si Merlin at sinabi sa mga Acker, “Pakituloy muna ang pag-uusap niyo. Lalabas ako at sasagutin ang tawag.”Pagkatapos ay pumunta siya sa courtyard at sinigurado na walang mga nakatingin bago sinagot ang tawag. “Hello, Mr. Wade,” sinabi niya sa magalang na tono.Dumiretso sa punto si Charlie, “Chief Lammy, nasa Willow Manor ba ngayon ang lolo ko at ang pamilya niya?”“Oo, nandito sila.” Tinanong nang mausisa ni Merlin, “Anong problema, Mr. Wade? May mali ba?”Kinumpirma ni Charlie sa seryosong tono, “Marahil ay may maglag