Share

Kabanata 1445

Author: Lord Leaf
Akala ni Jacob na silang dalawa lang ni Charlie ang nasa loob ng kotse. Hindi niya lang manugang si Charlie, ngunit siya rin ang taong pinagkakatiwalaan niya nang sobra.

Kaya, hindi siya maingat sa tabi ni Charlie. Hindi rin siya natatakot na malalaman ni Charlie ang mga bagay na nangyayari sa kanila ni Matilda.

Sa sandaling ito, habang binubuksan niya ang regalo, nagbuntong hininga si Jacob habang sinabi, “Oh, mahal kong manugang, alam mo ba kung gaano kasikat ang Tita Hall mo sa Senior University? Ang mga interesado sa kanya ay mga batang nasa tatlumpu o apatnapung taong gulang at mga matatanda na nasa animnapu at pitumpung taong gulang. Sobrang dami talaga, at hindi ko mabilang ang mga taong may gusto sa kanya! Kung hindi ko ito bibigyan ng atensyon, natatakot ako na magiging masama ang sitwasyon ko.”

Tumawa nang hindi mapalagay si Charlie habang sinubukang niyang palitan ang paksa sa pagsabi, “Pa, siguradong medyo marami kang nainom ngayong gabi, tama? Bakit hindi ka muna tumahi
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1446

    Itinaas ni Charlie ang kanyang kanang kamay para takpan ang kalahati ng kanyang mukha dahil hindi niya talaga alam kung paano sasagot sa kanyang tangang biyenan na lalaki.Sa sandaling ito, sinagot ni Jacob ang tawag, at sinabi niya nang kaswal, “Hello, Claire. Kasama ko na si Charlie, at pauwi na kami ngayon.”Biglaan, narinig niya ang galit na boses ni Claire sa likod, “Pa! Binigo mo talaga ako!”Napasigaw si Jacob sa gulat. Dahil hindi mahigpit ang hawak niya sa kanyang cellphone, dumulas ito sa kanyang kamay at nahulog sa puwang.Hindi man lang siya nag-abala na pulutin ang kanyang cellphone. Sa halip, tumalikod lang siya at tinitigan si Claire sa sindak. “Cla… Claire?! Ikaw… bakit nasa kotse ka rin?!”Tinanong ni Claire sa galit, “Bakit hindi ako pwede sa kotse? Kung wala ako sa kotse, hinding-hindi ko malalaman na nagloloko ka kay Mama!”Naagrabyado nang sobra si Jacob, at sinabi niya, “Oh! Claire, huwag kang magsabi ng kalokohan. Kailan ako nagloko sa mama mo?!”Sumagot s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1447

    Nagulantang si Claire, at hindi niya alam kung paano siya sasagot.Si Jacob, na nakaupo sa harap, ay naagrabyado nang sobra sa punto na napaiyak siya at nabulunan habang sinabi, “Dati, wala kaming emosyonal na koneksyon o pagmamahal ng mama mo sa isa’t isa. Sa totoo lang, bago ako malasing sa gabing iyon, bilang ko kung ilang beses pa lang kami nag-uusap ng mama mo. Dapat nakikita mo rin na mas magaling sa lahat ng aspeto ang Tita Hall mo kaysa sa mama mo. Talagang imposible para sa isang lalaki na sukuan ang Tita Hall mo at piliin ang mama mo. Wala talaga akong nagawa, at napilitan ako dati!”Habang nagsasalita siya, dumungaw si Jacob sa bintana habang may malungkot at naagrabyadong hitsura sa kanyang mukha at sinabi nang malungkot, “Sa una, planado na namin ni Tita Hall mo ang buhay namin pagkatapos ng graduation. Pupunta kami United States at mag-aaral nang magkasama. Dapat alam mo rin na sobrang sikat ng pagpunta sa ibang bansa para mag-aral dati. Lahat kami ay nagsisikap, at gag

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1448

    “Oo! Oo!” Tumango nang sabik si Jacob habang sinabi niya nang paulit-ulit, “Hinding-hindi ko susuotin ang relo sa bahay sa hinaharap.”Kahit na kanina pa nakaupo si Charlie sa gilid at hindi siya nagsasalita, medyo naluwagan din siya nang marinig ito.Hindi talaga madali ang pinagdaanan ng kanyang biyenan na lalaki. Sa totoo lang, ang tanging dahilan lang kung bakit niya tiniis sa napakaraming taon si Elaine ay dahil kay Claire.Kung hindi dahil sa kanyang anak na babae, hindi niya ito titiisin nang napakatagal. Kaya, makikita na hindi talaga walang kwenta ang kanyang biyenan na lalaki. Kahit papaano, malaki nga talaga ang pagmamahal niya bilang ama kay Claire.Bukod dito, kahit na tinatanong siya ni Claire tungkol dito, kailanman ay hindi binanggit ni Jacob na ang dahilan kung bakit siya naghirap nang sobra sa nakaraang dalawang dekada ay dahil kay Claire. Karapat-dapat nga sabihin na malaki at disente ang pagmamahal ng isang ama.***Nang dumating sila sa Thompson First, magmam

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1449

    Nang lumabas si Charlie sa villa community, hindi na niya makita si Nanako.Tumingin siya sa paligid nang ilang beses, pero hindi niya mahanap si Nanako.Hindi maiwasang malito at maguluhan nang kaunti ni Charlie. Alam niya na hindi nagkamali ang paningin niya. Kahit na may maskara ang babaeng iyon, sigurado siya na si Nanako iyon.Dahil pumunta si Nanako dito sa villa sa Thompson First, siguradong nandito si Nanako para hanapin siya. Kaya, bakit bigla siyang nawala?Nang maisip niya ito, hindi maiwasang magbuntong hininga ni Charlie. Hindi niya talaga malaman kung ano ang tumatakbo sa isipan ng Japanese na babaeng iyon.Samantala, nagtatago si Nanako sa isang milk tea shop habang nakatingin siya kay Charlie sa malayo.Nang makita niya ang nalilito at malungkot na hitsura sa mukha ni Charlie, kakaiba ang naramdaman niya sa kanyang puso.Pumunta nga siya dito ngayong gabi para hanapin si Charlie. Malapit na ang final match, at alam niya na mahihirapan siya nang sobra na talunin s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1450

    Kaya, sinabi nang nagmamadali ni Nanako sa boss, “Boss, mangyaring bigyan mo pa ako ng isa pang tasa ng milk tea.”Sumagot ang boss, “Miss, malapit na kaming magsara. Umalis na rin ang mga empleyado namin. Pasensya na pero hindi na kami makakagawa ng isa pang tasa ng milk tea para sayo.”“Okay.” Tumango nang walang magawa si Nanako.Sa sandaling ito, nakita niya si Charlie na naglalakad papunta sa kanang bahagi ng gate ng villa community ng Thompson First. Kaya, nagmamadali niyang kinuha ang kanyang milk tea habang tumakbo siya para habulin si Charlie.Akala ni Charlie na umalis na si Nanako. Kaya, balak niyang pumunta sa pharmacy para bumili ng isang kahon ng liver supplement tablet para sa kanyang biyenan na lalaki.Nang dumating siya sa entrance ng pharmacy, nadiskubre niya ang isang malaking poster na nakasabit sa entrance ng pharmacy. Ito ay poster ni Quinn, na maganda at hindi mapantayan, habang hawak niya ang Apothecary Stomach Pill. May slogan din na si Quinn mismo ang nag

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1451

    Sa totoo lang, hindi alam ni Nanako kung ano ang dapat niyang sabihin sa sandaling ito. Kaya naman bigla niyang naisip na ibigay ang milk tea kay Charlie.Kahit na medyo nagulat si Charlie, hindi pa siya nakainom ng kahit kaunting tubig simula nang lumabas siya para sunduin ang biyenan na lalaki niya, at medyo nauuhaw na siya sa mga oras na ito.Kaya, kinuha niya ang tasa ng milk tea bago siya ngumiti at sinabing, “Salamat. Nagkataon lang na medyo nauuhaw na rin ako.”Pagkasabi nito, ibinaba ni Charlie ang kanyang ulo bago siya humigop sa straw at uminom ng maraming milk tea.Sa oras na ito, biglang natauhan si Nanako, at napabulalas siya sa kanyang puso, 'Oops! Sumipsip ako sa tasa ng milk tea ngayon lang... Kahit na kaunti lang ang nainom ko na milk tea, ininom ko pa rin ito! Hindi ba't ang ibig sabihin ay hindi direktang hinalikan ko si Charlie?'Hindi alam ni Charlie na nakainom na si Nanako sa milk tea. Habang patuloy siyang umiinom ng milk tea, sinabi ni Charlie, “Ito-san, b

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1452

    “Palaging iniisip ng mga ninuno namin kung paano namin papaunlarin ang aming sarili. Kahit na makikipaglaban kami, sarili lang namin ang lalabanan namin—lalabanan namin ang aming nakaraan at ang kasalukuyan namin!”“Ang dahilan kung bakit namin nilalaban ang nakaraan namin ay para lampasan ang kasaluuyan at ang nakaraan na pagkatao namin. Gusto naming ipagbuti ang sarili namin sa larangan ng medisina para mas matagal kaming mabuhay. Gusto naming paunlarin ang galing namin sa pagsasaka para mas marami ang mapakain namin. Gusto naming sanayin ang kakayahan namin sa combat and fighting para mas gumaling at mas lumakas kami.”Pagkatapos itong sabihin, tumingin si Charlie kay Nanako bago tinanong, “Kung hindi ka na pwedeng sumali sa mga kompetisyon simula ngayon, susukuan mo ba ang pagpapaunlad sa sarili mo o pagsasanay ng combat and fighting sa hinaharap?”Sinabi ni Nanako, “Syempre hindi! Kahit na hindi na ako pwedeng sumali sa mga kompetisyon, hinding-hindi ako susuko sa combat and fi

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1453

    Hindi alam ni Charlie kung anong uri ng tingin ang ibinigay niya kay Nanako.Dahil, wala naman siyang salamin sa sandaling iyon para tingnan ang ekspresyon sa kanyang mukha.Pero, naalala niya ang kalooban niya sa oras na iyon.Sa oras na iyon, nabalisa talaga siya nang makita niya na tuloy-tuloy na inaatake at tinatamaan si Nanako ng kaniyang kalaban.Kaya, ang nakita dapat ni Nanako sa oras na iyon ay ang nababalisang tingin niya?Nang maisip niya ito, medyo nahiya si Charlie. Nagbuntong-hininga siya habang sinabi nang seryoso, “Huwag ka nang maging makulit sa hinaharap. Pwede mong gamitin ang lahat ng lakas mo sa laban, pero huwag mong ilagay sa panganib ang sarili mo para lang sa gusto mo.”Nang marinig ni Nanako na nag-aalala si Charlie, naging sabik na sabik siya, na parang isang maselan at mainam na dalaga. Tumango siya bago sinabi, “Naiintindihan ko, Mr. Wade!”Tumingin si Charlie sa kanya, at nakikita niya pa rin ang mga sugat at pilat sa sulok ng mga mata ni Nanako. Sa

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5630

    Walang nag-aakala na sa kalagitnaan ng sitwasyon kung saan pinatay ang mga bodyguard ng mga Acker at nakakalat ang mga bangkay nila, may maglalakas-loob pa rin na pumasok sa pinto na iyon!”Si Mr. Chardon, na sobrang yabang, ay sumabog agad sa galit nang marinig ang mapanuyang boses. Tumalikod siya, sabik makita kung sino ang mapangahas na gago na naglakas-loob na tawagin siyang alalay!Agad nakilala ni Merlin at ng mga miyembro ng pamilya Acker ang pamilyar na boses na ito. Alam ni Merlin na si Charlie ang dumating, at alam ng mga Acker na ito ang benefactor nila.Kahit na nakilala nila ang boses ni Charlie, ibang-iba ang emosyon nila.Matagal nang inaasahan ni Merlin na darating si Charlie, at iniisip niya pa, ‘Charlie, oh Charlie, sa wakas ay nagpasya ka nang magpakita! Kung nahuli ka ng ilang segundo, nawala na ang buhay ko dito…”Para naman sa mga miyembro ng pamilya Acker, sa sandaling ito, ang iniisip lang nila ay maligtas sa isang kritikal na sandali at mabuhay sa isang kr

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5629

    Kung magpapatuloy ang ganitong uri ng Reiki, walang duda na ang pananatili at ang pag-cultivate dito ay magkakaroon ng dobleng resulta gamit ang kalahating pagsisikap!Sabik na sabik siya at tinuro ang kanyang kahoy na ispada sa mga tao habang sinabi nang malamig, “Walang sasagot sa akin, tama? Dahil walang sasagot sa akin, pipili na lang ako ng isang tao at puputulan siya ng ulo bilang isang halimbawa!”Pagkatapos itong sabihin, napansin niya si Lulu, na may maayos na damit, at ngumisi, “Si Lulu Acker siguro ang binibini na ito, ang second young lady ng mga Acker, tama?”Tinanong nang maingat ni Lulu, “Anong kailangan mo?”Ngumisi si Mr. Chardon, “Gusto kong turuan ng leksyon ang mga magulang at kuya mo. Ang leksyon na ito ay tinatawag na ‘Ang epekto ng kawalan ng kooperasyon’.”Pagkatapos itong sabihin, iwinasiwas niya aga ang kanyang kahoy na ispada, at agad umatake ang isang invisible na patalim kay Lulu. Nakaramdam si Lulu ng isang bugso ng hangin na papunta sa kanya, at para

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5628

    Minaliit niya si Mr. Chardon sa mahabang panahon, palaging iniisip na naka-focus lang sa cultivation ang matandang lalaki na ito. Pero, ngayong araw niya lang napagtanto na may malakas na pagnanasa pala ang matandang lalaki na ito sa pagkatay ng tao!Habang naramdaman niya na sobrang lupit ni Mr. Chardon, isang helicopter na lumilipad nang mababa ang lumitaw sa ere, mabilis na lumapit sa Willow Manor!Sa sandaling ito, nakaramdam ng bukol sa lalamunan nila ang mga miyembro ng pamilya Acker nang marinig ang sigawan sa labas. Hindi nila inaasahan na pagkatapos ng krisis nila kailan lang sa New York, mabilis silang susundan ng kabila sa Oskia.Ang pangatlong tito ni Charlie, si Jaxson, ay sinabi nang kinakabahan, “Pa, Ma, natatakot ako na kritikal na sitwasyon ito ngayon. Dapat mauna muna kayong umalis sa pinto sa likod!”Napagtanto rin ni Christian ang sitwasyon at sinabi nang mabilis, “Tama, Pa. Mauna muna kayo ni Mama. Mananatili kami dito at magbabantay!”Suminghal nang malamig s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5627

    Sa sandaling ito, naging isang mala-impyernong lugar ng digmaan ang paligid ng villa!May hawak si Mr. Chardon na isang kahoy na ispada na wala pang tatlumpung sentimetro sa kanyang kamay, pero ang invisible na talim nito ay may haba na halos dalawang metro!Ito ang pansamantalang mahiwagang instrumento na ipinagkatiwala ng British Lord kay Mr. Chardon.Kahit na mukhang maikli, maliit, at karaniwan ang kahoy na ispada, sa totoo lang, parang isa itong lightsaber mula sa Star Wars, na may pambihirang saklaw ng atake.Sa lohika ng pelikula na ito, may plasma ang lightsabe mula sa hawakan hanggang sa patalim. Lampas sa konsepto na ito ang kahoy na ispada ni Mr. Chardon. Kaya nitong gawing isang patalim ang Reiki, at kaya niyang kontrolin ang patalim!Ilang bodyguard ang sinubukang palibutan at atakihin si Mr. Chardon, pero kaswal niyang iwinasiwas ang ispada sa hangin gamit lang ang isang kamay. Isang invisible na enerhiya ang mabilis na lumabas sa ispada, tumagos sa dibdib ng mga nas

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5626

    Ang nag-iisang anak nina Ashley at Curtis, si Charlie, ay naglaho rin dalawampung taon na ang nakalipas.Pakiramdam ng lahat ng tila ba naghahanap sila nang bulag ng dalawampung taon sa buong mundo, at sa sandaling ito, pakiramdam nila na tila ba may sa wakas ay may nakita na sila.Sinabi nang naiinip ni Christian, “Sabihin mo sa amin nang detalyado ang oras ng pagpasok ng labing-anim na tao na ito!”Mabilis na sumagot si Azure, “Sa labing-anim na tao na ito, labing-apat na tao ang pumasok sa dulo ng taglamig sa Pebrero, dalawampung taon na ang nakalipas, at ang dating dean nila, si Killian Caito, ay pumasok sa taglagas ng Nobyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Bukod sa labing-limang tao an ito, ang pinakabagong pumasok ay isang babae na pumasok sa taglamig sa Disyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Magda-dalawampung taon at tatlong buwan na simula ito.”Biglang nagkaroon ng takot na ekspresyon si Lady Acker. Napaiyak siya at humikbi habang sinabi, “Umalis sina Ashley

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5625

    “Simple lang ito!” Sinabi nang sabik ni Lulu, “Pwede nating suriin ang mga social security file ng dating team! Ang welfare institute ay isang welfare organization na pinopondohan ng gobyerno at ng mga private donation. Bilang isang unit na binabantayan ng publiko, siguradong kumpleto rin ang record ng mga tauhan nila, lalo na kung nasa isang malaking misyon talaga sila, tulad ng sinabi ni Merlin. Kailangan nilang sumunod at maging walang pintas, kung hindi, kung may makakapanasin na may kakaiba sa record ng mga tauhan nila, agad itong gagawa ng pagdududa!”Pinuri ni Merlin, “Sobrang linaw ng pag-iisip ni Lulu. Marahil ay makakuha tayo ng ilang bakas kung makakahanap tayo ng paraan para suriin ang mga personnel record ng dating staff ng Aurous Hill Welfare Institute!”Sinabi ni Kaeden, “Kukuha ako ng tao para suriin agad ito!”Pagkatapos itong sabihin, nilabas niya agad ang kanyang cellphone at tumawag.Maraming taon nang retirado si Keith, at sa mga nagdaang panahon, nabawasan ang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5624

    Sinabi ni Lady Acker, “Sige at sabihin mo, Lulu.”Sinabi ni Luu, “Inimbestigahan ko ang sitwasyon sa Aurous Hill Welfare Institute ngayong araw. Gusto kong makita kung may kahit anong impormasyon kaugnay kay Charlie sa mga ulila na niligtas nila sa mga nagdaang taon. Sa ngayon, walang bakas na ipinapakita ang mga tala ng institute na kaugnay kay Charlie, pero ang kakaiba ay dumaan sa malaking pagbabago sa mga tauhan ang Aurous Hill Welfare Institute noong nakaraang taon. Mula sa director ng institute hanggang sa staff at kahit ang mga chef na nagluluto para sa mga ulila, lahat sila ay nagbago. Wala sa mga dating empleyado ang natira. Nakita ko na kakaiba ito. Hindi bihira na magpalit ng mga tao sa mga welfare organization, pero parang kakaiba ang lahat at biglaan na pagbabago. Ano sa tingin niyo?”Kumunot ang noo ni Keith at sinabi, “May sampu o dalawampung tao siguro sa panig ng pamamahala at pagpapatupad ng isang bahay ampunan. Kahit na magbago ang mga namamahala, hindi dapat map

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5623

    Bandang 9:00 p.m. ng gabi sa Willow Manor.Katatapos lang kumain ng mga Acker at hinihiling kay Merlin na analisahin ang mga bakas na nakuha nila sa nakaraang ilang araw sa sala.Si Keith, ang head ng mga Acker, ay nananatili sa villa sa mga nagdaang araw at may malaking pag-unlad sa kalusugan niya. Hindi lang na hindi na lumala ang memorya niya, ngunit unti-unti niya ring naalala ang mga memorya na nakalimutan niya.Ang mas mahalaga, pagkatapos gumaling, umunlad nang sobra ang kabuuang lohikal na pag-iisip niya, bumalik ang istilo ng pag-uutos at lakasa niya dati.Sa pagpupulong ng pamilya, binigyan muna ng buod ni Christian ang lahat tungkol sa progreso ng kolaborasyon nila ng Moore Group.Sinabi ni Christian, “Opisyal na pumasok na sa proseso ng negosasyon ang kolaborasyon natin sa Moore Group. Simula ngayong araw, pinag-uusapan na ng mga legal team ng dalawa ang mga detalye ng kooperasyon, inaayos ang mga tiyak na termino. Dahil sa tapat na kilos ng mga Acker, maayos ang negos

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5622

    Pagkatapos ay nilabas ni Charlie ang kanyang cellphone at tinawagan si Merlin. Samantala, kumakain si Merlin kasama ang mga Acker, ilang kilometro ang layo sa Willow Manor.Nag-iimbestiga ang mga Acker sa Aurous Hill sa nakaraang ilang araw pero wala pa silang nahahanap na bakas na kaugnay kay Charlie. Ang tito ni Charlie, si Christian, ay tatanungin na sana si Merlin para manghingi ng payo habang kumakain nang tumunog ang cellphone ni Merlin.Tumayo nang mabilis si Merlin at sinabi sa mga Acker, “Pakituloy muna ang pag-uusap niyo. Lalabas ako at sasagutin ang tawag.”Pagkatapos ay pumunta siya sa courtyard at sinigurado na walang mga nakatingin bago sinagot ang tawag. “Hello, Mr. Wade,” sinabi niya sa magalang na tono.Dumiretso sa punto si Charlie, “Chief Lammy, nasa Willow Manor ba ngayon ang lolo ko at ang pamilya niya?”“Oo, nandito sila.” Tinanong nang mausisa ni Merlin, “Anong problema, Mr. Wade? May mali ba?”Kinumpirma ni Charlie sa seryosong tono, “Marahil ay may maglag

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status