Share

Kabanata 1382

Author: Lord Leaf
Magkahalo ang nararamdaman ni Quinn, at tumingin siya sa mga mata ni Charlie habang galit na tinanong, “Hindi ka ba natatakot na sasabihin ko sa kanya na ako ang nararapat na fiancée mo at siya ang sabit sa relasyon natin?”

Medyo nahiya si Charlie at sinabi, “Iyon ang dahilan kung bakit may isa pa akong hiling.”

Suminghal si Quinn bago niya sinabi nang galit, “Gusto mong itago ang relasyon sa pagitan nating dalawa sa asawa mo, tama?”

Sumagot si Charlie, “Akala niya na isa akong ulila at wala siyang alam sa totoo kong pagkakakilanlan o pamilya. Ayokong malaman niya ito.”

Tinanong ni Quinn dahil hindi niya maintindihan, “Asawa mo siya. Hindi mo man lang ba sasabihin sa kanya ang tunay mong pagkakakilanlan? Balak mo bang itago lang ito sa kanya?”

Sumagot si Charlie, “Hindi naman sa ayokong sabihin ito sa kanya dahil gusto ko itong itago sa kanya. Pero, hindi pa tama ang oras. Kakausapin ko siya tungkol dito pagdating ng tamang oras.”

Ginalaw ni Quinn ang kanyang ilong at sinabi, “Gu
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1383

    Nagulantang si Charlie sa mga sinabi ni Quinn.Pakakasalan ang isang divorcee? Siya ba ang tinutukoy niya?!Masyadong makulit ang batang Golding na ito, tama? Pasalitang kasunduan lang ito sa pagitan ng mga magulang nila noong bata pa sila. Ano na ang panahon ngayon? Sinong seseryosohin pa rin ang ganitong bagay?Bata siya, maganda, malamig, at mayabang. Mukhang siya ang uri ng babae na siguradong may sariling ideya at plano. Kaya, bakit konserbatibo ang pag-iisip niya?Habang iniisip niya ito, hindi maiwasang sabihin ni Charlie, “Nana, hindi mo dapat masyadong seryosohin ang lahat ng nangyari sa pagitan natin noong bata pa tayo. Hindi mo dapat ito masyadong pag-isipan at baka mapalampas mo ang sarili mong kasiyahan!”Sumagot nang tapat si Quinn, “Charlie! Masamang lalaki ka talaga na walang konsensya. Mahigit sampung taon na kitang hinihintay, at sinasabihan mo talaga ako na huwag itong seryosohin? Naniniwala ka ba na magsasagawa ako ng press conference bukas para i-anunsyo sa pu

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1384

    Sa sandaling dumating siya sa pinto ng opisina, nakasalubong niya ang kanyang kababata, si Stephanie, na kalalabas lang sa opisina. Nang makita niya si Charlie, sinabi niya nang masaya, “Kuya Charlie, bakit nandito ka?”Ngumiti nang bahagya si Charlie at sinabi, “Pumunta ako para hanapin si Mrs. Lewis tungkol sa ilang bagay. Nandito ba siya?”“Oo, nandito siya.” Ngumiti si Stephanie bago siya lumapit at hinawakan ang braso ni Charlie habang sinabi niya nang malambing, “Kuya Charlie, medyo matagal kang hindi pumunta sa bahay ampunan. Na-miss kita!”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Bakit hindi mo ako tawagan kung na-miss mo ako?”“Natatakot ako na abala ka!” Sumagot si Stephani sa mahina at matamis na boses. “Ayokong abalahin ka sa ginagawa mo!”Sumagot si Charlie, “Okay. Ililibre kita sa hapunan balang araw. Maging abala ka muna. Papasok ako at hahanapin si Mrs. Lewis.”Sumagot si Stephanie, “Okay, “Kuya Charlie. Hanapin mo muna si Mrs. Lewis. Pupunta ako sa kusina at titingnan kung

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1385

    Biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Mrs. Lewis dahil sa tanong ni Charlie!Bigla siyang nataranta!Hinding-hindi niya inaasahan na itatanong ni Charlie sa kanya ito.Kaya, nataranta siya at sinabi, “Ito… ito… kailanman ay hindi ko pa naririnig ang tungkol dito. Kung may pumunta talaga dito para hanapin ka, siguradong hindi namin itatago ang kahit ano. Sa tingin mo ba ay may hindi pagkakaintindihan tungkol dito?”Umiling si Charlie at sinabi, “Hindi, hindi maaaring hindi lang kami nagkakaintindihan. Sa kailaliman ng puso ko, hindi ko rin matatanggap ang paliwanag na hindi ito pagkakaintindihan.”Habang nagsasalita siya, mayroong banal na ekspresyon si Charlie sa kanyang mukha habang tinanong, “Mrs. Lewis, pinuntahan kita hindi dahil gusto kong sisihin ang kahit sino. Dahil, kahit ano pa ito, ikaw ang nagligtas sa buhay ko at nagpalaki sa akin nang sampung taon. Kahit na may tinatago ka sa akin, hinding-hindi kita kamumuhian.”Nahiya nang sobra si Mrs. Lewis nang marinig niy

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1386

    “Opo!” Tumango si Mrs. Lewis bago siya umiyak at sinabi, “Dati, hindi ako naka-istasyon sa Aurous Hill, sa Raventon ako nagtatrabaho. Isang gabi, nagpadala ng tauhan ang steward ng pamilya Wade, si Mr. Thompson, na kunin ako sa Raventon at dalhin ako sa Aurous Hill. Pagkatapos, inaayos niya na kasama ang ibang tao sa pamilya Wade na kunin ang bahay ampunan na ito. Makalipas ang ilang araw, pinalitan namin ng mga miyembro ng pamilya Wade ang lahat ng staff sa bahay ampunan. Pagkatapos maayos ang lahat, nahanap kita ayon sa utos ni Mr. Thompson at dinala ka sa bahay ampunan na ito…”Nagulat nang sobra si Charlie!Ito lang ang nag-iisang bagay na narinig niya simula pa noong bata siya na nagpagulat nang sobra sa kanya!Pumasok siya sa bahay ampunan sa edad na walong taon at tumira siya dito sa loob ng sampung taon. Pero, ngayon niya lang nalaman na ang lahat ng empleyado sa bahay ampunan ay mga tao mula sa pamilya Wade?!Maaari bang nabuhay siya nang ignorante sa buong pagkabata niya

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1387

    Tama talaga si Mrs. Lewis.Nagbago nang sobra si Charlie simula noong bata pa siya. Naranasan niya ang pinakamagandang araw sa mundo, pero naranasan niya rin ang mga pinakamahirap na araw. Natutunan na niya na huwag isapuso ang mga bagay-bagay, at huwag maapektuhan sa kahit anong trahedya na nangyayari sa labas.Kahit na hindi siya kinasal kay Claire at kahit na nagtatrabaho pa rin siya sa construction site ngayon, ayos lang sa kanya ang buhay niya.Dahil naramdaman ni Charlie na pagkatapos mamatay ng mga magulang niya, kung magsisikap siya para mabuhay, ito na ang pinakamagandang kaginhawaan para sa kanila.Para naman sa pera at katayuan, hindi na niya ito prinoblema.Naghirap na siya sa pagpapahiya at pangungutya pagkatapos ikasal kay Claire, pero kailanman ay hindi niya inisip na bumalik sa pamilya Wade para humingi ng tulong sa kanila.Kaya niya pang tanggapin nang kalmado noong paulit-ulit na tinapakan ng pamilya Wilson ang dignidad niya sa mga nagdaang taon.Lumipas ang ta

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1388

    Pero, panandalian lang ang galit na ito sa puso niya.Ito ay dahil alam niya na ginawa lang nina Stephen at Mrs. Lewis ito para sa sarili niyang kapakanan.Kung hindi nila siya prinotektahan nang ganito, marahil mahigit sampung taon na siyang patay ngayon.Para protektahan siya, hindi nag-alangan si Stephen na palitan ang buong Aurous Hill Welfare Institute ng mga tuhan niya sa pamilya Wade. Sapat na ito para ipakita ang dedikasyon at katapatan ni Stephen sa kanya.Nang maisip niya ito, nagmamadaling kinilos ni Charlie ang kanyang kamay para suportahan si Mrs. Lewis at tulungan siyang tumayo habang sinabi nang nagpapasalamat, “Mrs. Lewis, hindi mo kailangang humingi ng tawad sa akin. Tagapagligtas ko kayong dalawa ni Mr. Thompson. Dapat ako ang nagpapasalamat sa iyo sa pagprotekta mo sa akin at sinigurado mo ang kaligtasan ko.”Kumaway nang nagmamadali si Mrs. Lewis bago sinabi, “Young Master, masyado kang magalang. Ito dapat ang ginagawa namin.”Nagbuntong hininga si Charlie at

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1389

    Sa sandaling natapos si Stephen, biglang tumunog ang cellphone niya sa mesa.Tumatawag si Charlie.Nagmamadali niyang pinunsan ang mga luha sa kanyang mukha. Pagkatapos, nagpanggap siya habang sinagot niya ang tawag at sinabi nang magalang, “Young Master!”Nalabas na ni Charlie ang kanyang motorsiklo sa bahay ampunan sa sandaling ito. Nakatayo siya sa gilid ng kalsada sa harap ng pasukan ng bahay ampunan habang hawak-hawak niya ang cellphone at sinabi, “Mr. Thompson, salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin sa mga nagdaang taon.”Sinabi nang nagmamadali ni Stephen, “Young Master, anong sinasabi mo? Bakit hindi ko maintindihan sinasabi mo?”Sumagot si Charlie, “Kalalabas ko lang sa Aurous Hill Welfare Institute.”Ngumiti si Stephen at sinabi, “Ah, kababalik lang pala ng young master mula sa bahay ampunan. Siugradong marami kang pagmamahal at emosyon sa lugar na iyon dahil doon ka lumaki.”Sobrang kalmado ni Charlie habang sinabi, “Okay, pwede mo nang itigil ang pagpapanggap mo.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1390

    “Pero, natatakot ako na may mananakit sayo sa pamilya Wade. Dahil, matanda na si Lord Wade. Kung ibabalik ka niya sa pamilya Wade at ihaharap ka sa ibang miyembro ng pamilya Wade, marahil ay hindi ka niya maprotektahan nang mabuti. Kaya, nagpasya ako na itago ka sa Aurous Hill bago ko tuluyang tinago ang pagkakakilanlan at impormasyon mo sa lahat. Hindi ko rin hinayaan si Yule ng pamilya Golding na malaman kung nasaan ka noong hinanap ka niya dati.”Tinanong ulit ni Charlie, “Bakit ka pumunta at hinanap ako para bumalik ako sa pamilya Wade kailan lang?”Tapat na sumagot si Stephen, “Young Master, sa totoo lang, nagiging mas lumalala na ang kalusugan ni Lord Wade sa nakaraang dalawang taon. Pero, hindi siya nasisiyahan nang sobra sa kasalukuyang sitwasyon at sa status quo ng mga kasalukuyang tagapagmana ng pamilya Wade. Kaya, ayaw niyang ibigay ang pamilya Wade sa kanila. Nang sinabi ko kay Lord Wade na buhay ka pa, nasabik siya nang sobra. Kaya, gusto niyang sanayin ka na maging isan

Pinakabagong kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5627

    Sa sandaling ito, naging isang mala-impyernong lugar ng digmaan ang paligid ng villa!May hawak si Mr. Chardon na isang kahoy na ispada na wala pang tatlumpung sentimetro sa kanyang kamay, pero ang invisible na talim nito ay may haba na halos dalawang metro!Ito ang pansamantalang mahiwagang instrumento na ipinagkatiwala ng British Lord kay Mr. Chardon.Kahit na mukhang maikli, maliit, at karaniwan ang kahoy na ispada, sa totoo lang, parang isa itong lightsaber mula sa Star Wars, na may pambihirang saklaw ng atake.Sa lohika ng pelikula na ito, may plasma ang lightsabe mula sa hawakan hanggang sa patalim. Lampas sa konsepto na ito ang kahoy na ispada ni Mr. Chardon. Kaya nitong gawing isang patalim ang Reiki, at kaya niyang kontrolin ang patalim!Ilang bodyguard ang sinubukang palibutan at atakihin si Mr. Chardon, pero kaswal niyang iwinasiwas ang ispada sa hangin gamit lang ang isang kamay. Isang invisible na enerhiya ang mabilis na lumabas sa ispada, tumagos sa dibdib ng mga nas

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5626

    Ang nag-iisang anak nina Ashley at Curtis, si Charlie, ay naglaho rin dalawampung taon na ang nakalipas.Pakiramdam ng lahat ng tila ba naghahanap sila nang bulag ng dalawampung taon sa buong mundo, at sa sandaling ito, pakiramdam nila na tila ba may sa wakas ay may nakita na sila.Sinabi nang naiinip ni Christian, “Sabihin mo sa amin nang detalyado ang oras ng pagpasok ng labing-anim na tao na ito!”Mabilis na sumagot si Azure, “Sa labing-anim na tao na ito, labing-apat na tao ang pumasok sa dulo ng taglamig sa Pebrero, dalawampung taon na ang nakalipas, at ang dating dean nila, si Killian Caito, ay pumasok sa taglagas ng Nobyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Bukod sa labing-limang tao an ito, ang pinakabagong pumasok ay isang babae na pumasok sa taglamig sa Disyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Magda-dalawampung taon at tatlong buwan na simula ito.”Biglang nagkaroon ng takot na ekspresyon si Lady Acker. Napaiyak siya at humikbi habang sinabi, “Umalis sina Ashley

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5625

    “Simple lang ito!” Sinabi nang sabik ni Lulu, “Pwede nating suriin ang mga social security file ng dating team! Ang welfare institute ay isang welfare organization na pinopondohan ng gobyerno at ng mga private donation. Bilang isang unit na binabantayan ng publiko, siguradong kumpleto rin ang record ng mga tauhan nila, lalo na kung nasa isang malaking misyon talaga sila, tulad ng sinabi ni Merlin. Kailangan nilang sumunod at maging walang pintas, kung hindi, kung may makakapanasin na may kakaiba sa record ng mga tauhan nila, agad itong gagawa ng pagdududa!”Pinuri ni Merlin, “Sobrang linaw ng pag-iisip ni Lulu. Marahil ay makakuha tayo ng ilang bakas kung makakahanap tayo ng paraan para suriin ang mga personnel record ng dating staff ng Aurous Hill Welfare Institute!”Sinabi ni Kaeden, “Kukuha ako ng tao para suriin agad ito!”Pagkatapos itong sabihin, nilabas niya agad ang kanyang cellphone at tumawag.Maraming taon nang retirado si Keith, at sa mga nagdaang panahon, nabawasan ang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5624

    Sinabi ni Lady Acker, “Sige at sabihin mo, Lulu.”Sinabi ni Luu, “Inimbestigahan ko ang sitwasyon sa Aurous Hill Welfare Institute ngayong araw. Gusto kong makita kung may kahit anong impormasyon kaugnay kay Charlie sa mga ulila na niligtas nila sa mga nagdaang taon. Sa ngayon, walang bakas na ipinapakita ang mga tala ng institute na kaugnay kay Charlie, pero ang kakaiba ay dumaan sa malaking pagbabago sa mga tauhan ang Aurous Hill Welfare Institute noong nakaraang taon. Mula sa director ng institute hanggang sa staff at kahit ang mga chef na nagluluto para sa mga ulila, lahat sila ay nagbago. Wala sa mga dating empleyado ang natira. Nakita ko na kakaiba ito. Hindi bihira na magpalit ng mga tao sa mga welfare organization, pero parang kakaiba ang lahat at biglaan na pagbabago. Ano sa tingin niyo?”Kumunot ang noo ni Keith at sinabi, “May sampu o dalawampung tao siguro sa panig ng pamamahala at pagpapatupad ng isang bahay ampunan. Kahit na magbago ang mga namamahala, hindi dapat map

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5623

    Bandang 9:00 p.m. ng gabi sa Willow Manor.Katatapos lang kumain ng mga Acker at hinihiling kay Merlin na analisahin ang mga bakas na nakuha nila sa nakaraang ilang araw sa sala.Si Keith, ang head ng mga Acker, ay nananatili sa villa sa mga nagdaang araw at may malaking pag-unlad sa kalusugan niya. Hindi lang na hindi na lumala ang memorya niya, ngunit unti-unti niya ring naalala ang mga memorya na nakalimutan niya.Ang mas mahalaga, pagkatapos gumaling, umunlad nang sobra ang kabuuang lohikal na pag-iisip niya, bumalik ang istilo ng pag-uutos at lakasa niya dati.Sa pagpupulong ng pamilya, binigyan muna ng buod ni Christian ang lahat tungkol sa progreso ng kolaborasyon nila ng Moore Group.Sinabi ni Christian, “Opisyal na pumasok na sa proseso ng negosasyon ang kolaborasyon natin sa Moore Group. Simula ngayong araw, pinag-uusapan na ng mga legal team ng dalawa ang mga detalye ng kooperasyon, inaayos ang mga tiyak na termino. Dahil sa tapat na kilos ng mga Acker, maayos ang negos

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5622

    Pagkatapos ay nilabas ni Charlie ang kanyang cellphone at tinawagan si Merlin. Samantala, kumakain si Merlin kasama ang mga Acker, ilang kilometro ang layo sa Willow Manor.Nag-iimbestiga ang mga Acker sa Aurous Hill sa nakaraang ilang araw pero wala pa silang nahahanap na bakas na kaugnay kay Charlie. Ang tito ni Charlie, si Christian, ay tatanungin na sana si Merlin para manghingi ng payo habang kumakain nang tumunog ang cellphone ni Merlin.Tumayo nang mabilis si Merlin at sinabi sa mga Acker, “Pakituloy muna ang pag-uusap niyo. Lalabas ako at sasagutin ang tawag.”Pagkatapos ay pumunta siya sa courtyard at sinigurado na walang mga nakatingin bago sinagot ang tawag. “Hello, Mr. Wade,” sinabi niya sa magalang na tono.Dumiretso sa punto si Charlie, “Chief Lammy, nasa Willow Manor ba ngayon ang lolo ko at ang pamilya niya?”“Oo, nandito sila.” Tinanong nang mausisa ni Merlin, “Anong problema, Mr. Wade? May mali ba?”Kinumpirma ni Charlie sa seryosong tono, “Marahil ay may maglag

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5621

    Natakot nang sobra si Albert dahil sa mga sinabi ni Charlie. Tinanong niya nang balisa, “Master Wade, anong ibig mong sabihin dito? Malaking panganib ba ang haharapin mo ngayong araw?”Nanatiling tahimik nang ilang sandali si Charlie, hindi sigurado kung paano sasagot. Malaking panganib? Pakiramdam niya na marahil ay hindi siya malalagay sa totoong panganib.May tatlong mahiwagang instrumento ang great earl ng Qing Eliminating Society na ginawa nang basta-basta ni Charlie, at tinatrato ito ng great earl bilang mga kayamanan. Ipinapakita nito ang kakulangan sa malalim na kasanayan sa Reiki ng great earl.Bukod dito, may dalawang mahiwagang instrumento si Charlie na pang-atake, kasama na ang ilang pill, kaya mayroon siyang pang-atake at pang-depensa. At saka, nakatago siya, habang nasa liwanag ang kalaban niya. Ang ibig sabihin nito ay lamang si Charlie kung magkakaroon ng laban.Kaya, naniniwala si Charlie na sa kahit anong aspeto, mas mataas ang tsansa niyang manalo kaysa sa kalaba

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5620

    Para naman sa mga Regeneration Pill, sa ngayon ay ito ang pinakamalakas na pill na pagmamay-ari ni Charlie para sa pagliligtas ng buhay. Lampas pa sa Rejuvenating Pill ang lakas nila, at maaari nilang iligtas ang buhay niya sa kritikal na sandali.Kung pambihirang master talaga ang kalaban niya, maaaring ang mga Regeneration Pill ang maging salbabida ng buhay niya.Naniniwala si Charlie na gamit ang mga pill na ito, may kumpiyansa siya na makipaglaban sa great earl mula sa Qing Eliminating Society. Bukod dito, dahil sa pagiging maingat niya sa paghahanda, mukhang malabong mangyari na makaharap niya ang kahit anong panganib tulad ng kinalkula ni Vera.Bukod sa mga pag-iingat na ito, nilagay ni Charlie sa safe ang singsing na binigay sa kanya ni Vera at ang Phoenixica na binigay ni Madam Fumiko.Pagkatapos makumpleto ang lahat ng pagsasaayos, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Isaac na umalis na si Mr. Chardon sa Holiday Inn, tumawag ng taxi sa entrance, at palabas

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5619

    May nanghihinayang na ekspresyon din si Zachary sa kanyang mukha. “Pasensya na, sir, baka maaari nating ipagpatuloy ang pagtutulungan sa hinaharap kung may pagkakataon.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Zachary, “Siya nga pala, sir, hindi ba’t sinabi mo na kaya mong maghintay hanggang 7:00 p.m.? Susubukan ko ulit makipag negosasyon sa boss ko mamaya. Kung makukumbinsi ko siya, hahanapin kita sa Holiday Inn!”Nawalan na ng pag-asa si Mr. Chardon, pero nang marinig ang mga sinabi ni Zachary, tumango siya nang maluwag at sinabi, “Nasa Holiday Inn lang ako bago mag 7:00 p.m.”Tumango nang masigla si Zachary at sinabi, “Okay, pupunta ako sa sandaling may balita ako!”Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na gamitin ang pagdating ng malaking batch ng mga produkto sa makalawa para tuksuhin at subukan si Mr. Chardon ay para pukawin nang buo si Mr. Chardon para makita niya kung hindi na ba talaga mababago ang huling deadline ngayong gabi.”Kung hindi pa rin makakapaghintay si

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status