Magkahalo ang nararamdaman ni Quinn, at tumingin siya sa mga mata ni Charlie habang galit na tinanong, “Hindi ka ba natatakot na sasabihin ko sa kanya na ako ang nararapat na fiancée mo at siya ang sabit sa relasyon natin?”Medyo nahiya si Charlie at sinabi, “Iyon ang dahilan kung bakit may isa pa akong hiling.”Suminghal si Quinn bago niya sinabi nang galit, “Gusto mong itago ang relasyon sa pagitan nating dalawa sa asawa mo, tama?”Sumagot si Charlie, “Akala niya na isa akong ulila at wala siyang alam sa totoo kong pagkakakilanlan o pamilya. Ayokong malaman niya ito.”Tinanong ni Quinn dahil hindi niya maintindihan, “Asawa mo siya. Hindi mo man lang ba sasabihin sa kanya ang tunay mong pagkakakilanlan? Balak mo bang itago lang ito sa kanya?”Sumagot si Charlie, “Hindi naman sa ayokong sabihin ito sa kanya dahil gusto ko itong itago sa kanya. Pero, hindi pa tama ang oras. Kakausapin ko siya tungkol dito pagdating ng tamang oras.”Ginalaw ni Quinn ang kanyang ilong at sinabi, “Gu
Nagulantang si Charlie sa mga sinabi ni Quinn.Pakakasalan ang isang divorcee? Siya ba ang tinutukoy niya?!Masyadong makulit ang batang Golding na ito, tama? Pasalitang kasunduan lang ito sa pagitan ng mga magulang nila noong bata pa sila. Ano na ang panahon ngayon? Sinong seseryosohin pa rin ang ganitong bagay?Bata siya, maganda, malamig, at mayabang. Mukhang siya ang uri ng babae na siguradong may sariling ideya at plano. Kaya, bakit konserbatibo ang pag-iisip niya?Habang iniisip niya ito, hindi maiwasang sabihin ni Charlie, “Nana, hindi mo dapat masyadong seryosohin ang lahat ng nangyari sa pagitan natin noong bata pa tayo. Hindi mo dapat ito masyadong pag-isipan at baka mapalampas mo ang sarili mong kasiyahan!”Sumagot nang tapat si Quinn, “Charlie! Masamang lalaki ka talaga na walang konsensya. Mahigit sampung taon na kitang hinihintay, at sinasabihan mo talaga ako na huwag itong seryosohin? Naniniwala ka ba na magsasagawa ako ng press conference bukas para i-anunsyo sa pu
Sa sandaling dumating siya sa pinto ng opisina, nakasalubong niya ang kanyang kababata, si Stephanie, na kalalabas lang sa opisina. Nang makita niya si Charlie, sinabi niya nang masaya, “Kuya Charlie, bakit nandito ka?”Ngumiti nang bahagya si Charlie at sinabi, “Pumunta ako para hanapin si Mrs. Lewis tungkol sa ilang bagay. Nandito ba siya?”“Oo, nandito siya.” Ngumiti si Stephanie bago siya lumapit at hinawakan ang braso ni Charlie habang sinabi niya nang malambing, “Kuya Charlie, medyo matagal kang hindi pumunta sa bahay ampunan. Na-miss kita!”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Bakit hindi mo ako tawagan kung na-miss mo ako?”“Natatakot ako na abala ka!” Sumagot si Stephani sa mahina at matamis na boses. “Ayokong abalahin ka sa ginagawa mo!”Sumagot si Charlie, “Okay. Ililibre kita sa hapunan balang araw. Maging abala ka muna. Papasok ako at hahanapin si Mrs. Lewis.”Sumagot si Stephanie, “Okay, “Kuya Charlie. Hanapin mo muna si Mrs. Lewis. Pupunta ako sa kusina at titingnan kung
Biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Mrs. Lewis dahil sa tanong ni Charlie!Bigla siyang nataranta!Hinding-hindi niya inaasahan na itatanong ni Charlie sa kanya ito.Kaya, nataranta siya at sinabi, “Ito… ito… kailanman ay hindi ko pa naririnig ang tungkol dito. Kung may pumunta talaga dito para hanapin ka, siguradong hindi namin itatago ang kahit ano. Sa tingin mo ba ay may hindi pagkakaintindihan tungkol dito?”Umiling si Charlie at sinabi, “Hindi, hindi maaaring hindi lang kami nagkakaintindihan. Sa kailaliman ng puso ko, hindi ko rin matatanggap ang paliwanag na hindi ito pagkakaintindihan.”Habang nagsasalita siya, mayroong banal na ekspresyon si Charlie sa kanyang mukha habang tinanong, “Mrs. Lewis, pinuntahan kita hindi dahil gusto kong sisihin ang kahit sino. Dahil, kahit ano pa ito, ikaw ang nagligtas sa buhay ko at nagpalaki sa akin nang sampung taon. Kahit na may tinatago ka sa akin, hinding-hindi kita kamumuhian.”Nahiya nang sobra si Mrs. Lewis nang marinig niy
“Opo!” Tumango si Mrs. Lewis bago siya umiyak at sinabi, “Dati, hindi ako naka-istasyon sa Aurous Hill, sa Raventon ako nagtatrabaho. Isang gabi, nagpadala ng tauhan ang steward ng pamilya Wade, si Mr. Thompson, na kunin ako sa Raventon at dalhin ako sa Aurous Hill. Pagkatapos, inaayos niya na kasama ang ibang tao sa pamilya Wade na kunin ang bahay ampunan na ito. Makalipas ang ilang araw, pinalitan namin ng mga miyembro ng pamilya Wade ang lahat ng staff sa bahay ampunan. Pagkatapos maayos ang lahat, nahanap kita ayon sa utos ni Mr. Thompson at dinala ka sa bahay ampunan na ito…”Nagulat nang sobra si Charlie!Ito lang ang nag-iisang bagay na narinig niya simula pa noong bata siya na nagpagulat nang sobra sa kanya!Pumasok siya sa bahay ampunan sa edad na walong taon at tumira siya dito sa loob ng sampung taon. Pero, ngayon niya lang nalaman na ang lahat ng empleyado sa bahay ampunan ay mga tao mula sa pamilya Wade?!Maaari bang nabuhay siya nang ignorante sa buong pagkabata niya
Tama talaga si Mrs. Lewis.Nagbago nang sobra si Charlie simula noong bata pa siya. Naranasan niya ang pinakamagandang araw sa mundo, pero naranasan niya rin ang mga pinakamahirap na araw. Natutunan na niya na huwag isapuso ang mga bagay-bagay, at huwag maapektuhan sa kahit anong trahedya na nangyayari sa labas.Kahit na hindi siya kinasal kay Claire at kahit na nagtatrabaho pa rin siya sa construction site ngayon, ayos lang sa kanya ang buhay niya.Dahil naramdaman ni Charlie na pagkatapos mamatay ng mga magulang niya, kung magsisikap siya para mabuhay, ito na ang pinakamagandang kaginhawaan para sa kanila.Para naman sa pera at katayuan, hindi na niya ito prinoblema.Naghirap na siya sa pagpapahiya at pangungutya pagkatapos ikasal kay Claire, pero kailanman ay hindi niya inisip na bumalik sa pamilya Wade para humingi ng tulong sa kanila.Kaya niya pang tanggapin nang kalmado noong paulit-ulit na tinapakan ng pamilya Wilson ang dignidad niya sa mga nagdaang taon.Lumipas ang ta
Pero, panandalian lang ang galit na ito sa puso niya.Ito ay dahil alam niya na ginawa lang nina Stephen at Mrs. Lewis ito para sa sarili niyang kapakanan.Kung hindi nila siya prinotektahan nang ganito, marahil mahigit sampung taon na siyang patay ngayon.Para protektahan siya, hindi nag-alangan si Stephen na palitan ang buong Aurous Hill Welfare Institute ng mga tuhan niya sa pamilya Wade. Sapat na ito para ipakita ang dedikasyon at katapatan ni Stephen sa kanya.Nang maisip niya ito, nagmamadaling kinilos ni Charlie ang kanyang kamay para suportahan si Mrs. Lewis at tulungan siyang tumayo habang sinabi nang nagpapasalamat, “Mrs. Lewis, hindi mo kailangang humingi ng tawad sa akin. Tagapagligtas ko kayong dalawa ni Mr. Thompson. Dapat ako ang nagpapasalamat sa iyo sa pagprotekta mo sa akin at sinigurado mo ang kaligtasan ko.”Kumaway nang nagmamadali si Mrs. Lewis bago sinabi, “Young Master, masyado kang magalang. Ito dapat ang ginagawa namin.”Nagbuntong hininga si Charlie at
Sa sandaling natapos si Stephen, biglang tumunog ang cellphone niya sa mesa.Tumatawag si Charlie.Nagmamadali niyang pinunsan ang mga luha sa kanyang mukha. Pagkatapos, nagpanggap siya habang sinagot niya ang tawag at sinabi nang magalang, “Young Master!”Nalabas na ni Charlie ang kanyang motorsiklo sa bahay ampunan sa sandaling ito. Nakatayo siya sa gilid ng kalsada sa harap ng pasukan ng bahay ampunan habang hawak-hawak niya ang cellphone at sinabi, “Mr. Thompson, salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin sa mga nagdaang taon.”Sinabi nang nagmamadali ni Stephen, “Young Master, anong sinasabi mo? Bakit hindi ko maintindihan sinasabi mo?”Sumagot si Charlie, “Kalalabas ko lang sa Aurous Hill Welfare Institute.”Ngumiti si Stephen at sinabi, “Ah, kababalik lang pala ng young master mula sa bahay ampunan. Siugradong marami kang pagmamahal at emosyon sa lugar na iyon dahil doon ka lumaki.”Sobrang kalmado ni Charlie habang sinabi, “Okay, pwede mo nang itigil ang pagpapanggap mo.
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro
Pagkatapos niyang magsalita, tahimik niyang tinanong si Charlie, “Charlie, bakit ka tinatawag ni Miss Lavor na ‘Young Master’?”Nag-isip sandali si Charlie, saka ngumiti at sinabi, “Mahilig siya sa ancient culture. Huwag ka nang magulat kung tawagin pa niya ang sarili niya bilang 'ang aba'.”Umiling si Jeremiah at ngumiti habang sinasabi, “Matanda na ako, hindi ko na talaga maintindihan ang hilig ng mga kabataan ngayon.”Pagkatapos ay hininaan niya ulit ang boses niya at sinabi kay Charlie, “Pero may tindig talaga si Miss Lavor na parang isang maharlikang babae. Medyo bata lang siya. Kung hindi, bagay sana siya sayo.”“Oo nga, bata pa talaga siya…” Tumango si Charlie habang nakangiti, pero sa isip niya, ‘Kung alam mo lang na mahigit tatlong daan taon na si Vera, baka magulat ka nang sobra.’Pagkatapos nito, sabay na silang pumunta ni Jeremiah sa dining room.Binubuksan ni Vera ang mga biniling almusal nang inabot ni Charlie ang photo album kay Jeremiah at tinanong siya, “Lolo, naa
Hatinggabi na nang lumayag ang isang cargo ship mula sa Blue Bay, sakay si Stephen papuntang Tahiti sa South Pacific.Nakatayo si Stephen sa hulihan ng barko at nilamon ng emosyon habang pinapanood ang lungsod na unti-unting nawawala sa dilim ng gabi. Dati siyang pinagkakatiwalaang tauhan ni Curtis, ang ama ni Charlie. Dalawampung taon na ang nakalipas nang ibigay sa kanya ni Curtis ang dalawang misyon: una, protektahan ang kaligtasan ni Charlie pagkatapos ng mangyayari sa kanya, at pangalawa, sundin ang lahat ng utos ni Ashley. Sa paglipas ng mga taon, kahit nanatili siyang butler ng pamilya Wade, ang lahat ng ginawa niya ay ayon talaga sa mga utos ni Ashley.Sa mahigit sampung taon, kahit si Jeremiah ay walang alam kung buhay pa ba o patay na si Charlie. Dahil hindi inatasan ni Curtis si Stephen na ipaalam ang sitwasyon ni Charlie kay Jeremiah. Si Ashley pa rin ang may hawak ng lahat sa likod ng mga pangyayari.Nang maramdaman lang ni Ashley na dumating na ang tamang panahon, saka
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Posible nga. Sa biglaan niyang pag-alis, parang pakiramdam ko na mahihirapan na akong makita siya ulit. Matalinong tao siya, at alam niyang hindi siya pwedeng magtago habambuhay. Kaya hindi niya gagawin na patayin lang ang cellphone niya ngayong gabi tapos babalik lang bukas sa Wade Mansion na parang walang nangyari, maliban na lang kung disidido na siyang hindi na muling magpakita pagkatapos niyang umalis.”Nagulat si Vera at nagtanong, “Sa puntong ito, ano pa bang itinatago ni Mr. Thompson sa iyo? Hindi ba’t matagal na niyang tinutupad ang mga utos ng iyong ama? Bakit bigla na lang siyang aalis ngayon? Alam ba niyang tatanungin mo siya tungkol sa mga larawan na ito?”Umiling si Charlie at sinabi, “Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero base sa pagkakakilala ko sa kanya, tapat siya sa pamilya Wade. Baka may sarili siyang dahilan kung bakit siya umalis nang hindi nagpapaalam, o baka ito rin ay bahagi ng mga plano ng aking ama.”Sinabi
Alam ni Charlie na si Stephen ang dating pinaka-pinagkakatiwalaang tauhan ng kanyang ama, at sigurado siyang maraming masusing plano ang iniwan ng ama niya noon. Kahit matagal nang nagsisilbi si Stephen sa pamilya Wade, ang totoo, halos lahat ng oras at lakas niya ay nakatuon sa pagtupad ng mga misyon na binigay sa kanya ng kanyang ama.Nang maalala ni Charlie na bahagi rin si Raymond ng plano ng kanyang ama, naisip niyang malamang ay may alam din si Stephen tungkol sa kanya. Kaya sinabi niya kay Vera, “Hindi ko pa masyadong natanong si Mr. Thompson ng mga detalye dati, pero mukhang kailangan ko na talagang kausapin siya ngayon at hingan siya ng malinaw na sagot.”Sa sandaling iyon, nakatuon ang isip ni Charlie sa pagbubunyag ng lahat ng nangyari noon at ng mga planong iniwan ng kanyang ama. Kahit pa kailangan niyang gumamit ng psychological hints kay Stephen, determinado siyang makuha ang lahat ng impormasyon na alam ni Stephen.Dahil doon, sinabi niya kay Vera, “Hahanapin ko na si
Sinabi ni Charlie, “Makakauwi rin ako agad, siguro mga isa o dalawang araw pa.”Sagot ni Jacob, “Ayos! Pagbalik mo, maghanap tayo ng lugar na pwedeng mag-barbecue at mag-beer!”“Sige.”Pagkatapos pumayag sa hiling ni Jacob, nagpaalam si Charlie sa kanya sa tawag. Pagkababa niya ng tawag, tinanong niya si Vera na nasa harapan niya, “Miss Lavor, ano sa tingin mo?”Sagot ni Vera, “Sa tingin ko, hindi nagsinungaling ang biyenan na lalaki mo, at tugma ang kwento niya sa hinala ko.”Nagpatuloy si Vera, “Naniniwala ako na posibleng matagal nang pinaghandaan ng ama mo, halos dalawampung taon na, ang pagkuha mo sa Apocalyptic Book. Base sa kwento ng biyenan na lalaki mo, kusa talagang nabasag ang vase, at yung vibration na binanggit niya, baka galing talaga iyon sa mismong Apocalyptic Book.”“Kaya ang hinala ko, hindi lang kung sino-sino ang pwedeng makakuha ng Apocalyptic Book sa pamamagitan ng vase. Dapat ang tao ay pasok sa mga requirements ng libro at karapat-dapat para mabuksan ito. S
Sinabi ni Jacob nang hindi nasisiyahan, “Syempre hindi ako malamya. Alam mo naman ang kalagayan ko sa pera. Si Elaine ang humahawak ng lahat ng pera sa bahay, at halos wala akong naitatabi, baka ilang libo lang. Kaya kahit anong antique ang tinitingnan ko, doble-ingat ako palagi. Baka mabitawan ko, mahawakan nang mali, o mapagbintangan pa akong may ginagawang kalokohan…”Sa puntong ito, nagpatuloy si Jacob nang naiinis, “Sa araw na iyon, parang may sumpa rin yung jade vase na iyon. Pagkahawak ko, parang may langis, at dumulas agad ito mula sa kamay ko. Nahulog ito sa sahig at nabasag. Baka sinadya talaga ni Mr. Cole na pagbintangan ako.”Napaisip si Charlie, “Pa, noong nabasag yung jade vase, ako ang nag-ayos noon gamit ang egg whites. Hindi ko naman maalalang parang may langis iyon. Ang pagkakaalala ko, medyo magaspang ang vase dahil galing pa iyon sa Tang Dynasty. Hindi makinis ang glaze, parang may buhangin pa nga ang pakiramdam kapag hinawakan. Paano ito dumulas sa kamay mo?”“Eh