Para i-endorse ang Apothecary Stomach Pill, dinala ni Quinn ang kanyang assistant at bodyguard habang nagmadali sila papunta sa Aurous Hill gamit ang eroplano.Dahil ang pamilya Golding ang ikatlong pinakamalakas na pamilya sa Eastcliff, ang pamilya nila ay may medyo malakas at makapangyarihan na background. Kaya, palaging ginagamit ni Quinn ang sarili niyang private jet kapag bumabyahe siya.Sa kabilang dako, mas madali at mas maginhawa ito. Ang mas mahalaga, marami siyang privacy sa ganitong paraan.Malaking gulo ang magagawa ng isang malaking artista na tulad niya kahit saang siyudad siya lumitaw sa bansa.Kung gusto niya ng katahimikan at manatiling payapa ang buhay niya, kailangan niyang iwasan ang media, paparazzi at ang mga tagahanga niya.Kaya, ang private jet ang una niyang pinipili kapag kailangan niyang bumiyahe. Pagkatapos dumating ng private jet sa Aurous Hill, pumunta mismo si Liam para sunduin sila at batiin sila. Pagkatapos, dinala niya si Quinn at ang mga kasama
Sumimangot si Dorothy habang tinanong, “May persecutory delusional disorder ba ang boss mo? Twenty-first century na ngayon. Sobrang istrikto ng lahat ng batas sa mga patents. Basta’t may patent na ang medisina mo, hindi mo na kailangang mag-alala na makukuha ng iba ang formula mo at gamitin ito sa maling paraan.”Umiling si Liam at sinabi, “Miss Chan, may hindi ka alam na bagay. Sa pharmaceutical industry ngayon, ang mga chemically synthesized drugs lang ang talagang napoprotektahan ng mga patent. Maipapatupad lang talaga ang patent sa mga chemically synthesized drugs.”Tinanong ni Dorothy, “Chemically synthesized drugs? Ano ang ibig mong sabihin?”Sumagot si Liam, “Ang mga chemically synthesized drugs ay may istrikto at malinaw na chemical molecular equations at ang chemical structures nila ay sobrang tatag din. Halimbawa, ang partikular na gamot para magamot ang leukemia ay ang Glenin at ayon sa chemical structure nito, isa tala itong imatinib mesylate. Ginawa ito ng Novartis, isa
Nang makita niya ang panghahamak ni Dorothy sa kanyang boss, sumagot nang mahigpit si Liam, “Miss Chan, pwede mo akong maliitin, pero hindi mo dapat maliitin ang boss ko. Kung makikita at makikilala mo ang boss ko, maiintindihan mo na ang lahat ng sinasabi ko ay hindi kasinungalingan.”Kumulot ang mga labi ni Dorothy at magsasalita na sana. Pero, sinunggaban ni Quinn ang kanyang braso bago sinabi, “Dorothy, huwag kang maging bastos kapag nasa labas tayo. Naniniwala ako sa lahat ng sinabi ni Mr. Weaver. Kung nag-aral talaga ang boss niya at siya mismo ang gumawa ng prescription, nararapat lang sabihin na siya ang Terrence Hamms sa mundo ngayon, ayon sa mahiwagang medisina tulad ng Apothecary Stomach Pill.”Nilabas ni Dorothy ang kanyang dila at sinabi, “Dahil sinabi mo na, hindi na ako makikipagtalo sa kanya para lang makipagtalo. Sa una ay balak ko pa siyang tuksuhin.”Walang masabi si Liam nang ilang sandali. Hindi niya talaga inaasahan na sadyang tinutukso lang siya ng babaeng ito
Ang ganitong uri ng pundasyon ay matatag sa loob ng tatlong henerasyon sa pinakamababa, o mas higit pa sa apat na henerasyon sa pamilya.Malilinang lang ang ganitong uri ng tunay na maharlika at dakilang aura pagkatapos matatag ng ilang henerasyon ng pamilya ang pundasyon na ito.Sa Aurous Hill, isang babae lang ang may ganitong uri ng aura at iyon ay walang iba kundi si Jasmine.Pero, mas dakila pa ang aura ni Quinn kumpara kay Jasmine.Bumalik sa diwa si Charlie at tumingin siya sa dalawang babae bago siya ngumiti nang kaunti. Pagkatapos, sinabi niya nang medyo humihingi ng tawad, “Pasensya na at pinaghintay ko kayong dalawa. Medyo nahuli ako dahil sa ibang bagay ngayong araw.”Nilabas ni Quinn ang tapang na tanungin siya, “Ang… ang pangalan mo ay Charlie Wade?”Tumango si Charlie at sinabi, “Oo. Anong mayroon? Anong problema, Miss Goldin?”Tinuro ni Quinn ang sarili niya habang nakatitig siya sa kanya gamit ang mga magagandang mata niya at tinanong, “Naalala mo ba ako?”Sa s
Hindi maiwasang tumawa ni Charlie nang marinig niya ang mga sinabi ni Dorothy. “Ito ay dahil hindi pa nakatala sa market ang Apothecary Stomach Pill. Kaya, kailangan naming mag-ingat sa pagtatago nito. Normal lang ito sa lahat ng pharmaceutical industry. Isa itong industrial practice.”Humingi ng tawad si Quinn, “Patawad, Mr. Wade. Hindi dapat ako gumagawa ng hindi makatwiran na hiling. Ito ay dahil lang gumawa ako ng pelikula sa ibang bansa kailan lang at sumakit ang tiyan ko at nagkaroon ng stomach disorder. Sinubukan kong gumamit ng iba’t ibang uri ng medisina, pero hindi ako makahanap ng gamot para sa stomach disorder ko. Guminhawa lang ako nang sobra pagkatapos gamitin ang Apothecary Stomach Pill. Iyon ang dahilan kung bakit medyo sabik akong makuha ang medisina.”Tumango nang kaunti si Charlie. Pagkatapos, kumuha siya ng isang sachet ng Apothecary Stomach Pill na kababalot lang mula sa production line bago ito ibinigay kay Quinn. Pagkatapos, ngumiti siya at sinabi, “Dahil kaila
Sa sandaling sumara ang pinto, ang diyosa na ito, na kinababaliwan ng hindi mabilang na lalaki, ay tumingin kay Charlie habang namumula ang mga mata niya. Pagkatapos, nabulunan siya habang tinanong niya si Charlie, “Kuya Charlie, hindi mo talaga ako naaalala?”Umiling nang kaunti si Charlie bago siya sumagot sa seryosong tono, “Pasensya na. Umalis ako sa Eastcliff noong eight years old pa lang ako. Sobrang daming taon na akong hindi bumabalik sa Eastcliff, kaya hindi ko naalala o wala akong malalim na memorya ng mga tao o bagay sa Eastcliff.”Napuno ng luha ang mga mata ni Quinn sa sandaling ito. Pagkatapos, bumulong siya nang malambot, “Kuya Charlie, ako si Nana! Hindi mo ako naaalala? Nana!“Nana?” Kumunot nang kaunti ang noo ni Charlie.Sumagot nang nagmamadali si Quinn, “Hindi mo ba naaalala si Nana Golding?”Maraming babae ang tumatawag sa sarili nilang Nana bilang pinaikling pangalan nila. Kaya, kung Nana lang ang binanggit niya, hindi talaga maaalala ni Charlie kung sino si
Simula noong dumating si Charlie sa Aurous Hill, ang nag-iisang luma at pamilyar na nakita niya lang pagkalipas ng napakaraming taon ay walang iba kundi ang steward ng pamilya Wade, si Stephen.Si Stephen ang biglang lumitaw sa harap niya at binigay sa kanya ang Emgrand Group at ang sampung bilyong dolyar na pera sa kanya mula sa pamilya Wade.Pero, pagkatapos nito, hindi pa bumabalik si Charlie sa Eastcliff.Labis na kawili-wili talaga ito. Kahit na binigyan siya ng ilang pera ng pamilya Wade at ang kumpanya, nang marinig nila na ayaw bumalik ni Charlie sa pamilya Wade, walang tao sa pamilya Wade ang pumunta sa Aurous Hill para hanapin siya.Sa totoo lang, sobrang saya rin ni Charlie tungkol dito.Dahil, palagi siyang nandidiri at naiinis sa mga galit at sama ng loob na mayroon sa pagitan ng mga mayayaman at makapangyarihan. Ayaw niyang madamay siya at ang asawa niya, si Claire, sa mga ganito. Dahil pwede siyang mabuhay nang matatag at payapa sa Aurous Hill tulad ng ginagawa niya
Galit na sumagot si Quinn, “Noon pa man ay ang Aurous Hill na ang focus ng imbestigasyon ng ama ko. Ilang beses na ring pumunta si papa dito. Ginamit niya ang lahat ng koneksyon at relasyon niya para imbestigahan at tingnan ang background ng lahat ng batang lalaki sa Aurous Hill na ka-edad mo. Ilang beses niya pang sinuri at inimbestigahan ang bagay na ito. Siniyasat na ng ama ko ang bawat rescue station, bahay ampunan, at private welfare organization sa Oskia para hanapin ka, pero walang impormasyon tungkol sayo kahit saan!”“Imposible iyon!” Sinabi ni Charlie, “Sampung taon akong nakatira sa Aurous Hill Welfare Institute, simula noong walong taong gulang ako hanggang sa naging labing-walong taong gulang ako. Bukod dito, hindi ko binago ang pangalan ko simula noong pumasok ako sa bahay ampunan. Pinangalanan ako ng mga magulang ko na Charlie Wade, at ang lahat ng personal information na nilagay ko sa bahay ampunan ay Charlie Wade din. Kung pumunta si Tito Golding dito, siguradong naha
Sa sandaling ito, naging isang mala-impyernong lugar ng digmaan ang paligid ng villa!May hawak si Mr. Chardon na isang kahoy na ispada na wala pang tatlumpung sentimetro sa kanyang kamay, pero ang invisible na talim nito ay may haba na halos dalawang metro!Ito ang pansamantalang mahiwagang instrumento na ipinagkatiwala ng British Lord kay Mr. Chardon.Kahit na mukhang maikli, maliit, at karaniwan ang kahoy na ispada, sa totoo lang, parang isa itong lightsaber mula sa Star Wars, na may pambihirang saklaw ng atake.Sa lohika ng pelikula na ito, may plasma ang lightsabe mula sa hawakan hanggang sa patalim. Lampas sa konsepto na ito ang kahoy na ispada ni Mr. Chardon. Kaya nitong gawing isang patalim ang Reiki, at kaya niyang kontrolin ang patalim!Ilang bodyguard ang sinubukang palibutan at atakihin si Mr. Chardon, pero kaswal niyang iwinasiwas ang ispada sa hangin gamit lang ang isang kamay. Isang invisible na enerhiya ang mabilis na lumabas sa ispada, tumagos sa dibdib ng mga nas
Ang nag-iisang anak nina Ashley at Curtis, si Charlie, ay naglaho rin dalawampung taon na ang nakalipas.Pakiramdam ng lahat ng tila ba naghahanap sila nang bulag ng dalawampung taon sa buong mundo, at sa sandaling ito, pakiramdam nila na tila ba may sa wakas ay may nakita na sila.Sinabi nang naiinip ni Christian, “Sabihin mo sa amin nang detalyado ang oras ng pagpasok ng labing-anim na tao na ito!”Mabilis na sumagot si Azure, “Sa labing-anim na tao na ito, labing-apat na tao ang pumasok sa dulo ng taglamig sa Pebrero, dalawampung taon na ang nakalipas, at ang dating dean nila, si Killian Caito, ay pumasok sa taglagas ng Nobyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Bukod sa labing-limang tao an ito, ang pinakabagong pumasok ay isang babae na pumasok sa taglamig sa Disyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Magda-dalawampung taon at tatlong buwan na simula ito.”Biglang nagkaroon ng takot na ekspresyon si Lady Acker. Napaiyak siya at humikbi habang sinabi, “Umalis sina Ashley
“Simple lang ito!” Sinabi nang sabik ni Lulu, “Pwede nating suriin ang mga social security file ng dating team! Ang welfare institute ay isang welfare organization na pinopondohan ng gobyerno at ng mga private donation. Bilang isang unit na binabantayan ng publiko, siguradong kumpleto rin ang record ng mga tauhan nila, lalo na kung nasa isang malaking misyon talaga sila, tulad ng sinabi ni Merlin. Kailangan nilang sumunod at maging walang pintas, kung hindi, kung may makakapanasin na may kakaiba sa record ng mga tauhan nila, agad itong gagawa ng pagdududa!”Pinuri ni Merlin, “Sobrang linaw ng pag-iisip ni Lulu. Marahil ay makakuha tayo ng ilang bakas kung makakahanap tayo ng paraan para suriin ang mga personnel record ng dating staff ng Aurous Hill Welfare Institute!”Sinabi ni Kaeden, “Kukuha ako ng tao para suriin agad ito!”Pagkatapos itong sabihin, nilabas niya agad ang kanyang cellphone at tumawag.Maraming taon nang retirado si Keith, at sa mga nagdaang panahon, nabawasan ang
Sinabi ni Lady Acker, “Sige at sabihin mo, Lulu.”Sinabi ni Luu, “Inimbestigahan ko ang sitwasyon sa Aurous Hill Welfare Institute ngayong araw. Gusto kong makita kung may kahit anong impormasyon kaugnay kay Charlie sa mga ulila na niligtas nila sa mga nagdaang taon. Sa ngayon, walang bakas na ipinapakita ang mga tala ng institute na kaugnay kay Charlie, pero ang kakaiba ay dumaan sa malaking pagbabago sa mga tauhan ang Aurous Hill Welfare Institute noong nakaraang taon. Mula sa director ng institute hanggang sa staff at kahit ang mga chef na nagluluto para sa mga ulila, lahat sila ay nagbago. Wala sa mga dating empleyado ang natira. Nakita ko na kakaiba ito. Hindi bihira na magpalit ng mga tao sa mga welfare organization, pero parang kakaiba ang lahat at biglaan na pagbabago. Ano sa tingin niyo?”Kumunot ang noo ni Keith at sinabi, “May sampu o dalawampung tao siguro sa panig ng pamamahala at pagpapatupad ng isang bahay ampunan. Kahit na magbago ang mga namamahala, hindi dapat map
Bandang 9:00 p.m. ng gabi sa Willow Manor.Katatapos lang kumain ng mga Acker at hinihiling kay Merlin na analisahin ang mga bakas na nakuha nila sa nakaraang ilang araw sa sala.Si Keith, ang head ng mga Acker, ay nananatili sa villa sa mga nagdaang araw at may malaking pag-unlad sa kalusugan niya. Hindi lang na hindi na lumala ang memorya niya, ngunit unti-unti niya ring naalala ang mga memorya na nakalimutan niya.Ang mas mahalaga, pagkatapos gumaling, umunlad nang sobra ang kabuuang lohikal na pag-iisip niya, bumalik ang istilo ng pag-uutos at lakasa niya dati.Sa pagpupulong ng pamilya, binigyan muna ng buod ni Christian ang lahat tungkol sa progreso ng kolaborasyon nila ng Moore Group.Sinabi ni Christian, “Opisyal na pumasok na sa proseso ng negosasyon ang kolaborasyon natin sa Moore Group. Simula ngayong araw, pinag-uusapan na ng mga legal team ng dalawa ang mga detalye ng kooperasyon, inaayos ang mga tiyak na termino. Dahil sa tapat na kilos ng mga Acker, maayos ang negos
Pagkatapos ay nilabas ni Charlie ang kanyang cellphone at tinawagan si Merlin. Samantala, kumakain si Merlin kasama ang mga Acker, ilang kilometro ang layo sa Willow Manor.Nag-iimbestiga ang mga Acker sa Aurous Hill sa nakaraang ilang araw pero wala pa silang nahahanap na bakas na kaugnay kay Charlie. Ang tito ni Charlie, si Christian, ay tatanungin na sana si Merlin para manghingi ng payo habang kumakain nang tumunog ang cellphone ni Merlin.Tumayo nang mabilis si Merlin at sinabi sa mga Acker, “Pakituloy muna ang pag-uusap niyo. Lalabas ako at sasagutin ang tawag.”Pagkatapos ay pumunta siya sa courtyard at sinigurado na walang mga nakatingin bago sinagot ang tawag. “Hello, Mr. Wade,” sinabi niya sa magalang na tono.Dumiretso sa punto si Charlie, “Chief Lammy, nasa Willow Manor ba ngayon ang lolo ko at ang pamilya niya?”“Oo, nandito sila.” Tinanong nang mausisa ni Merlin, “Anong problema, Mr. Wade? May mali ba?”Kinumpirma ni Charlie sa seryosong tono, “Marahil ay may maglag
Natakot nang sobra si Albert dahil sa mga sinabi ni Charlie. Tinanong niya nang balisa, “Master Wade, anong ibig mong sabihin dito? Malaking panganib ba ang haharapin mo ngayong araw?”Nanatiling tahimik nang ilang sandali si Charlie, hindi sigurado kung paano sasagot. Malaking panganib? Pakiramdam niya na marahil ay hindi siya malalagay sa totoong panganib.May tatlong mahiwagang instrumento ang great earl ng Qing Eliminating Society na ginawa nang basta-basta ni Charlie, at tinatrato ito ng great earl bilang mga kayamanan. Ipinapakita nito ang kakulangan sa malalim na kasanayan sa Reiki ng great earl.Bukod dito, may dalawang mahiwagang instrumento si Charlie na pang-atake, kasama na ang ilang pill, kaya mayroon siyang pang-atake at pang-depensa. At saka, nakatago siya, habang nasa liwanag ang kalaban niya. Ang ibig sabihin nito ay lamang si Charlie kung magkakaroon ng laban.Kaya, naniniwala si Charlie na sa kahit anong aspeto, mas mataas ang tsansa niyang manalo kaysa sa kalaba
Para naman sa mga Regeneration Pill, sa ngayon ay ito ang pinakamalakas na pill na pagmamay-ari ni Charlie para sa pagliligtas ng buhay. Lampas pa sa Rejuvenating Pill ang lakas nila, at maaari nilang iligtas ang buhay niya sa kritikal na sandali.Kung pambihirang master talaga ang kalaban niya, maaaring ang mga Regeneration Pill ang maging salbabida ng buhay niya.Naniniwala si Charlie na gamit ang mga pill na ito, may kumpiyansa siya na makipaglaban sa great earl mula sa Qing Eliminating Society. Bukod dito, dahil sa pagiging maingat niya sa paghahanda, mukhang malabong mangyari na makaharap niya ang kahit anong panganib tulad ng kinalkula ni Vera.Bukod sa mga pag-iingat na ito, nilagay ni Charlie sa safe ang singsing na binigay sa kanya ni Vera at ang Phoenixica na binigay ni Madam Fumiko.Pagkatapos makumpleto ang lahat ng pagsasaayos, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Isaac na umalis na si Mr. Chardon sa Holiday Inn, tumawag ng taxi sa entrance, at palabas
May nanghihinayang na ekspresyon din si Zachary sa kanyang mukha. “Pasensya na, sir, baka maaari nating ipagpatuloy ang pagtutulungan sa hinaharap kung may pagkakataon.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Zachary, “Siya nga pala, sir, hindi ba’t sinabi mo na kaya mong maghintay hanggang 7:00 p.m.? Susubukan ko ulit makipag negosasyon sa boss ko mamaya. Kung makukumbinsi ko siya, hahanapin kita sa Holiday Inn!”Nawalan na ng pag-asa si Mr. Chardon, pero nang marinig ang mga sinabi ni Zachary, tumango siya nang maluwag at sinabi, “Nasa Holiday Inn lang ako bago mag 7:00 p.m.”Tumango nang masigla si Zachary at sinabi, “Okay, pupunta ako sa sandaling may balita ako!”Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na gamitin ang pagdating ng malaking batch ng mga produkto sa makalawa para tuksuhin at subukan si Mr. Chardon ay para pukawin nang buo si Mr. Chardon para makita niya kung hindi na ba talaga mababago ang huling deadline ngayong gabi.”Kung hindi pa rin makakapaghintay si