Sumagot nang nahihiya si Hiroshi, “Miss, pinapahalagahan talaga nang sobra ng chairman ang kolaborasyon nila ng Kobayashi Pharma. Kaya, huwag ka po sanang maging makulit at matigas ang ulo…”Sumagot nang magaan si Nanako, “Pasensya na, Tanaka-san. Gusto ko nang ipagpatuloy ang pag-eensayo ko.””Pagkatapos, ibinaba nang direkta ni Nanako ang tawag.Twenty-two years old na si Nanako ngayong taon at isa siyang senior sa University of Tokyo, ang top university sa Japan. Sobrang simple at inosenteng tao siya, at nagdala rin ng kaunting lamig at kawalan ng pakialam ang marahan at tahimik na ugali at pagkatao niya.Siya ang pinakamagandang babae sa apat na sunod-sunod na taon sa University of Tokyo. Bukod dito, maraming top family sa Japan ang naglalaban para maging manugang nila si Nanako dahil siya ang pinakamagandang kandidato. Pero, isang simple at inosenteng babae lang si Nanako na mahal ang combat and fighting.Hindi niya naiintindihan ang relasyon sa pagitan ng lalaki at babae, at
Sa sandaling narinig ito ni Hiroshi, sinabi niya nang nagmamadali, “Chairman, makasisiguro ka na hinding-hindi ko sasabihin sa kahit sino ang sasabihin mo sa akin.”Sumagot nang kuntento si Yahiko, “May ginagawa ang Kobayashi Pharma na isang uri ng stomach powder na may magandang epekto at sobrang ganda ng benta ng gamot na ito. Bukod dito, patuloy itong kumakalat sa global market. Sa panahon ngayon, kadalasan ay may stomach upset ang mga tao. Kaya, sobrang lawak ng market para sa ganitong gamot. Sa sandaling nilabas ang gamot na ito sa buong mundo, siguradong aabot sa sampu-sampung bilyong dolyar ang taunang kita nito.”Sinabi ni Hiroshi, “May sobrang laking market para lang sa stomach medicine?”Sumagot si Yahiko, “Ito pa lang ang preliminary estimation. Tinanong ko na ang pharmaceutical laboratory sa University of Tokyo para suriin at ikumpara ang stomach powder ng Kobayashi Pharma sa stomach medicine na ginagawa ng ibang kumpanya sa merkado. Ang konklusyon nila ay, ang Kobayashi
“Magaling!” Sumagot nang sumasang-ayon si Yahiko. “Tulad ng inaasahan sa isang anak ng pamilya Ito. Hindi ka mayabang o mapagmataas at hindi mo nakalimutan ang orihinal na layunin mo!”Kahit na nakikipag-usap si Nanako sa kanyang ama sa cellphone, yumuko siya nang kaunti nang hindi nag-iisip sa silangan habang sinabi nang magalang, “Maraming salamat sa papuri mo, Marangal kong Ama! Patuloy akong magsisikap!”Humuni si Yahiko bago sinabi, “Siya nga pala, Nanako, pumunta ba ang chairman ng Kobayashi Pharma, si Kobayashi Jiro, diyaan at hiniling na makipagkita sayo?”Opo, Marangal kong Ama!”Sumagot si Yahiko, “Hindi ka na bata. Dapat ay hindi ka na lumalayo palagi sa magkaibang kasarian. Nakipagkita na ako sa binatang ito, kay Jiro, dati. Dalawang taon lang siya na mas matanda sa iyo at maaasahan siyang binata. Hindi masamang ideya na makipag-ugnayan ka sa kanya sa hinaharap.”Sumagot nang nagmamadali si Nanako, “Marangal kong Ama, wala pa akong hangarin tungkol sa relasyon sa pagit
Nang marinig ni Yahiiko ang pangako ni Nanako, bahagyang nanlambot ang boses niya habang tinanong, “Nanako, nag tanghalian ka na ba?”Sumagot nang tapat si Nanako, ‘Marangal kong Ama, patuloy akong mag-ensayo pagkabalik ko mula sa stadium kaya hindi pa ako nag tanghalian.”Humuni si Yahiko habang sinabi, “Mabuti. Dahil tanghali na rin ngayon, sa tingin ko ay yayain mo na rin si Jiro na manatili at mag tanghalian kasama mo. Sa ganitong paraan, ginawa mo na ang lahat ng makakaya mo para pagsilbihan at aliwin siya sa sa ngalan ng ama mo.”“Yayain siyang mag tanghalian?”Hindi maiwasang mag-alangan nang kaunti ni Nanako.Noon pa man ay malamig na ang pagkatao. Noong tinuturuan siyang pamilya nia ng feminine etiquette, palagi siyang sinasabihan na magpanatili ng sapat na distansya sa mga lalaki sa labas. Bukod dito, maraming taon nang nahuhumaling si Nanako sa combat and fighting. Kaya, wala siyang masyadong karanasan sa mga lalaki.Bukod sa mga miyembro ng pamilya niya, hindi pa kuma
Pagkatapos, nagbuntong hininga ulit si Jiro na may pagkainis habang sinabi nang nagsisisi, “Kadarating ko lang sa Aurous Hill kanianng umaga. Pumunta ako agad dito pagkatapos makumpleto ang immigration procedures. Hindi ako nakapaglaan ng oras para pumunta sa stadium upang panoorin ang laban mo ngayong araw, Miss Ito. Narinig ko na tinalo mo ang kalaban mo sa unang round ngayong araw. Nagsisisi talaga ako at hindi ko napanood ang laban na ito!”Sumagot si Nanako, “Mr. Kobayashi, masyado kang mabait.”“Simula ngayon, siguradong pupunta na ako para suportahan ka sa bawat laban mo, Miss Ito!”“Sa totoo lang, ang Kobayashi Pharma ko ang nag-sponsor ng combat and fighting championship na ito. Kapag dumating ang oras, ako ang magbibigay ng mga trophy sa mga mananalo sa championship. Hindi na ako makapaghintay at sabik na ako para sa finals, kung saan ibibigay ko ang trophy ng champion sa iyo, Miss Ito!”Sumagot nang mapagpakumbaba si Nanako, “Mr. Kobayashi, bago matapos ang kompetisyon,
Hindi inaasahan ni Nanako na namatay talaga ang kapatid ni Jiro sa Aurous Hill. Nahiya siya nang kaunti at sinabi niya nang nagmamadali, “Patawad, Mr. Kobayashi. Hindi ko sinasadyang banggitin at ipaalala sa iyo ang masakit na ala-ala mo.”Nagmamadaling kumaway si Jiro bago niya sinabi nang seryoso, “Ayos lang. Kahit na nakakalungkot na bagay ito, Miss Ito, hindi ka naman tagalabas para sa akin. Mapapawi ko rin ang ilan sa kalungkutan ko sa pamamagitan ng pagsabi nito sa iyo…”Sa totoo lang, hindi talaga malungkot si Jiro nang maisip niya ang kanyang kapatid na lalaki, si Ichiro. Sa kabaliktaran, sobrang saya niya talaga.Palaging malalim na nakatanim sa isipan ng mga Japanese ang ideya na ang pinakamatandang anak na lalaki ang magmamana ng negosyo ng pamilya.Kahit gaano kalaki o kalakas ang isang pamilya, ang pinakamatandang anak palagi ang nagmamana ng negosyo ng pamilya. Kahit na hindi mas magaling ang pinakamatandang anak sa pangalawang anak o sa ibang anak, siya pa rin ang ma
Hindi sumuko si Jiro. Sa halip, patuloy niyang tinanong, ‘Kung gano’n, bakit hindi mo ito pag-isipan ngayon? Anong klaseng lalaki ang aabot sa pamantayan mo?”Nag-isip nang maingat si Nanako bago sinabi, “Una sa lahat, ang pangunahing pamantayan ay kailangan mas magaling siya kaysa sa akin!”“Mas magaling sa iyo? Sa anong paraan? Sa career niya? Edukasyon? O tagumpay?”Sumagot nang seryoso si Nanako, “Kailangan mas magaling at mas malakas siya sa akin pagdating sa combat and fighting skills! Ayokong humanap ng isang lalaki na hindi ako matatalo sa hinaharap.”Umubo nang hindi mapalagay si Jiro habang iniisip niya, ‘Kahit na mukhang tahimik na tao si Nanako, medyo competitive talaga siya.”Ayos lang kung mahilig siya sa combat and fighting at gusto niyang habulin ang combat and fighting nang mag-isa. Pero, bakit siya maghahanap ng isang lalaki na mas malakas at mas magaling sa kanya pagdating sa pag-ibig?Dahil, mahina siya pagdating sa pisikal na aspeto kaya kaunti lang ang lakas
Ngumiti nang nahihiya si Aurora bago niya sinabi nang masunurin, “Alam ko, Pa. Sasamahan ko si Master Wade at iinom nang kaunti kasam siya.”Bahagyang ngumiti si Charlie bago sinabi, “Aurora, kailangan kong tulungan kang kunin ang lakas ng mahiwagang pill pagkatapos kumain. Kaya, hindi maganda para sayo na uminom ngayon. Kung gusto mo talagang uminom kasama ako, maghintay ka lang at uminom tayo pagkatapos mong manalo sa championship.”Kinagat ni Aurora ang babang labi niya at hindi siya kumpiyansa habang sinabi, “Master Wade, sa totoo lang, kung lalabanan ko si Ito Nanako, hindi man lang ako kumpiyansa nang 20% na mananalo ako… dahil, sobrang lakas talaga ni Ito Nanako. Wala siyang karibal sa mga taong kasing tanda niya.”Ngumiti si Charlie at tinanong, “Gano’n ba talaga kagaling si Nanako?”Sinabi ni Aurora, “Nag-eensayo na si Ito Nanako ng combat and fighting simula noong limang taon pa lang siya. Bukod dito, palagi siyang nag-eensayo sa isang mataas na combat and fighting master
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro
Pagkatapos niyang magsalita, tahimik niyang tinanong si Charlie, “Charlie, bakit ka tinatawag ni Miss Lavor na ‘Young Master’?”Nag-isip sandali si Charlie, saka ngumiti at sinabi, “Mahilig siya sa ancient culture. Huwag ka nang magulat kung tawagin pa niya ang sarili niya bilang 'ang aba'.”Umiling si Jeremiah at ngumiti habang sinasabi, “Matanda na ako, hindi ko na talaga maintindihan ang hilig ng mga kabataan ngayon.”Pagkatapos ay hininaan niya ulit ang boses niya at sinabi kay Charlie, “Pero may tindig talaga si Miss Lavor na parang isang maharlikang babae. Medyo bata lang siya. Kung hindi, bagay sana siya sayo.”“Oo nga, bata pa talaga siya…” Tumango si Charlie habang nakangiti, pero sa isip niya, ‘Kung alam mo lang na mahigit tatlong daan taon na si Vera, baka magulat ka nang sobra.’Pagkatapos nito, sabay na silang pumunta ni Jeremiah sa dining room.Binubuksan ni Vera ang mga biniling almusal nang inabot ni Charlie ang photo album kay Jeremiah at tinanong siya, “Lolo, naa
Hatinggabi na nang lumayag ang isang cargo ship mula sa Blue Bay, sakay si Stephen papuntang Tahiti sa South Pacific.Nakatayo si Stephen sa hulihan ng barko at nilamon ng emosyon habang pinapanood ang lungsod na unti-unting nawawala sa dilim ng gabi. Dati siyang pinagkakatiwalaang tauhan ni Curtis, ang ama ni Charlie. Dalawampung taon na ang nakalipas nang ibigay sa kanya ni Curtis ang dalawang misyon: una, protektahan ang kaligtasan ni Charlie pagkatapos ng mangyayari sa kanya, at pangalawa, sundin ang lahat ng utos ni Ashley. Sa paglipas ng mga taon, kahit nanatili siyang butler ng pamilya Wade, ang lahat ng ginawa niya ay ayon talaga sa mga utos ni Ashley.Sa mahigit sampung taon, kahit si Jeremiah ay walang alam kung buhay pa ba o patay na si Charlie. Dahil hindi inatasan ni Curtis si Stephen na ipaalam ang sitwasyon ni Charlie kay Jeremiah. Si Ashley pa rin ang may hawak ng lahat sa likod ng mga pangyayari.Nang maramdaman lang ni Ashley na dumating na ang tamang panahon, saka
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Posible nga. Sa biglaan niyang pag-alis, parang pakiramdam ko na mahihirapan na akong makita siya ulit. Matalinong tao siya, at alam niyang hindi siya pwedeng magtago habambuhay. Kaya hindi niya gagawin na patayin lang ang cellphone niya ngayong gabi tapos babalik lang bukas sa Wade Mansion na parang walang nangyari, maliban na lang kung disidido na siyang hindi na muling magpakita pagkatapos niyang umalis.”Nagulat si Vera at nagtanong, “Sa puntong ito, ano pa bang itinatago ni Mr. Thompson sa iyo? Hindi ba’t matagal na niyang tinutupad ang mga utos ng iyong ama? Bakit bigla na lang siyang aalis ngayon? Alam ba niyang tatanungin mo siya tungkol sa mga larawan na ito?”Umiling si Charlie at sinabi, “Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero base sa pagkakakilala ko sa kanya, tapat siya sa pamilya Wade. Baka may sarili siyang dahilan kung bakit siya umalis nang hindi nagpapaalam, o baka ito rin ay bahagi ng mga plano ng aking ama.”Sinabi
Alam ni Charlie na si Stephen ang dating pinaka-pinagkakatiwalaang tauhan ng kanyang ama, at sigurado siyang maraming masusing plano ang iniwan ng ama niya noon. Kahit matagal nang nagsisilbi si Stephen sa pamilya Wade, ang totoo, halos lahat ng oras at lakas niya ay nakatuon sa pagtupad ng mga misyon na binigay sa kanya ng kanyang ama.Nang maalala ni Charlie na bahagi rin si Raymond ng plano ng kanyang ama, naisip niyang malamang ay may alam din si Stephen tungkol sa kanya. Kaya sinabi niya kay Vera, “Hindi ko pa masyadong natanong si Mr. Thompson ng mga detalye dati, pero mukhang kailangan ko na talagang kausapin siya ngayon at hingan siya ng malinaw na sagot.”Sa sandaling iyon, nakatuon ang isip ni Charlie sa pagbubunyag ng lahat ng nangyari noon at ng mga planong iniwan ng kanyang ama. Kahit pa kailangan niyang gumamit ng psychological hints kay Stephen, determinado siyang makuha ang lahat ng impormasyon na alam ni Stephen.Dahil doon, sinabi niya kay Vera, “Hahanapin ko na si
Sinabi ni Charlie, “Makakauwi rin ako agad, siguro mga isa o dalawang araw pa.”Sagot ni Jacob, “Ayos! Pagbalik mo, maghanap tayo ng lugar na pwedeng mag-barbecue at mag-beer!”“Sige.”Pagkatapos pumayag sa hiling ni Jacob, nagpaalam si Charlie sa kanya sa tawag. Pagkababa niya ng tawag, tinanong niya si Vera na nasa harapan niya, “Miss Lavor, ano sa tingin mo?”Sagot ni Vera, “Sa tingin ko, hindi nagsinungaling ang biyenan na lalaki mo, at tugma ang kwento niya sa hinala ko.”Nagpatuloy si Vera, “Naniniwala ako na posibleng matagal nang pinaghandaan ng ama mo, halos dalawampung taon na, ang pagkuha mo sa Apocalyptic Book. Base sa kwento ng biyenan na lalaki mo, kusa talagang nabasag ang vase, at yung vibration na binanggit niya, baka galing talaga iyon sa mismong Apocalyptic Book.”“Kaya ang hinala ko, hindi lang kung sino-sino ang pwedeng makakuha ng Apocalyptic Book sa pamamagitan ng vase. Dapat ang tao ay pasok sa mga requirements ng libro at karapat-dapat para mabuksan ito. S
Sinabi ni Jacob nang hindi nasisiyahan, “Syempre hindi ako malamya. Alam mo naman ang kalagayan ko sa pera. Si Elaine ang humahawak ng lahat ng pera sa bahay, at halos wala akong naitatabi, baka ilang libo lang. Kaya kahit anong antique ang tinitingnan ko, doble-ingat ako palagi. Baka mabitawan ko, mahawakan nang mali, o mapagbintangan pa akong may ginagawang kalokohan…”Sa puntong ito, nagpatuloy si Jacob nang naiinis, “Sa araw na iyon, parang may sumpa rin yung jade vase na iyon. Pagkahawak ko, parang may langis, at dumulas agad ito mula sa kamay ko. Nahulog ito sa sahig at nabasag. Baka sinadya talaga ni Mr. Cole na pagbintangan ako.”Napaisip si Charlie, “Pa, noong nabasag yung jade vase, ako ang nag-ayos noon gamit ang egg whites. Hindi ko naman maalalang parang may langis iyon. Ang pagkakaalala ko, medyo magaspang ang vase dahil galing pa iyon sa Tang Dynasty. Hindi makinis ang glaze, parang may buhangin pa nga ang pakiramdam kapag hinawakan. Paano ito dumulas sa kamay mo?”“Eh