Nang marinig ni Yahiiko ang pangako ni Nanako, bahagyang nanlambot ang boses niya habang tinanong, “Nanako, nag tanghalian ka na ba?”Sumagot nang tapat si Nanako, ‘Marangal kong Ama, patuloy akong mag-ensayo pagkabalik ko mula sa stadium kaya hindi pa ako nag tanghalian.”Humuni si Yahiko habang sinabi, “Mabuti. Dahil tanghali na rin ngayon, sa tingin ko ay yayain mo na rin si Jiro na manatili at mag tanghalian kasama mo. Sa ganitong paraan, ginawa mo na ang lahat ng makakaya mo para pagsilbihan at aliwin siya sa sa ngalan ng ama mo.”“Yayain siyang mag tanghalian?”Hindi maiwasang mag-alangan nang kaunti ni Nanako.Noon pa man ay malamig na ang pagkatao. Noong tinuturuan siyang pamilya nia ng feminine etiquette, palagi siyang sinasabihan na magpanatili ng sapat na distansya sa mga lalaki sa labas. Bukod dito, maraming taon nang nahuhumaling si Nanako sa combat and fighting. Kaya, wala siyang masyadong karanasan sa mga lalaki.Bukod sa mga miyembro ng pamilya niya, hindi pa kuma
Pagkatapos, nagbuntong hininga ulit si Jiro na may pagkainis habang sinabi nang nagsisisi, “Kadarating ko lang sa Aurous Hill kanianng umaga. Pumunta ako agad dito pagkatapos makumpleto ang immigration procedures. Hindi ako nakapaglaan ng oras para pumunta sa stadium upang panoorin ang laban mo ngayong araw, Miss Ito. Narinig ko na tinalo mo ang kalaban mo sa unang round ngayong araw. Nagsisisi talaga ako at hindi ko napanood ang laban na ito!”Sumagot si Nanako, “Mr. Kobayashi, masyado kang mabait.”“Simula ngayon, siguradong pupunta na ako para suportahan ka sa bawat laban mo, Miss Ito!”“Sa totoo lang, ang Kobayashi Pharma ko ang nag-sponsor ng combat and fighting championship na ito. Kapag dumating ang oras, ako ang magbibigay ng mga trophy sa mga mananalo sa championship. Hindi na ako makapaghintay at sabik na ako para sa finals, kung saan ibibigay ko ang trophy ng champion sa iyo, Miss Ito!”Sumagot nang mapagpakumbaba si Nanako, “Mr. Kobayashi, bago matapos ang kompetisyon,
Hindi inaasahan ni Nanako na namatay talaga ang kapatid ni Jiro sa Aurous Hill. Nahiya siya nang kaunti at sinabi niya nang nagmamadali, “Patawad, Mr. Kobayashi. Hindi ko sinasadyang banggitin at ipaalala sa iyo ang masakit na ala-ala mo.”Nagmamadaling kumaway si Jiro bago niya sinabi nang seryoso, “Ayos lang. Kahit na nakakalungkot na bagay ito, Miss Ito, hindi ka naman tagalabas para sa akin. Mapapawi ko rin ang ilan sa kalungkutan ko sa pamamagitan ng pagsabi nito sa iyo…”Sa totoo lang, hindi talaga malungkot si Jiro nang maisip niya ang kanyang kapatid na lalaki, si Ichiro. Sa kabaliktaran, sobrang saya niya talaga.Palaging malalim na nakatanim sa isipan ng mga Japanese ang ideya na ang pinakamatandang anak na lalaki ang magmamana ng negosyo ng pamilya.Kahit gaano kalaki o kalakas ang isang pamilya, ang pinakamatandang anak palagi ang nagmamana ng negosyo ng pamilya. Kahit na hindi mas magaling ang pinakamatandang anak sa pangalawang anak o sa ibang anak, siya pa rin ang ma
Hindi sumuko si Jiro. Sa halip, patuloy niyang tinanong, ‘Kung gano’n, bakit hindi mo ito pag-isipan ngayon? Anong klaseng lalaki ang aabot sa pamantayan mo?”Nag-isip nang maingat si Nanako bago sinabi, “Una sa lahat, ang pangunahing pamantayan ay kailangan mas magaling siya kaysa sa akin!”“Mas magaling sa iyo? Sa anong paraan? Sa career niya? Edukasyon? O tagumpay?”Sumagot nang seryoso si Nanako, “Kailangan mas magaling at mas malakas siya sa akin pagdating sa combat and fighting skills! Ayokong humanap ng isang lalaki na hindi ako matatalo sa hinaharap.”Umubo nang hindi mapalagay si Jiro habang iniisip niya, ‘Kahit na mukhang tahimik na tao si Nanako, medyo competitive talaga siya.”Ayos lang kung mahilig siya sa combat and fighting at gusto niyang habulin ang combat and fighting nang mag-isa. Pero, bakit siya maghahanap ng isang lalaki na mas malakas at mas magaling sa kanya pagdating sa pag-ibig?Dahil, mahina siya pagdating sa pisikal na aspeto kaya kaunti lang ang lakas
Ngumiti nang nahihiya si Aurora bago niya sinabi nang masunurin, “Alam ko, Pa. Sasamahan ko si Master Wade at iinom nang kaunti kasam siya.”Bahagyang ngumiti si Charlie bago sinabi, “Aurora, kailangan kong tulungan kang kunin ang lakas ng mahiwagang pill pagkatapos kumain. Kaya, hindi maganda para sayo na uminom ngayon. Kung gusto mo talagang uminom kasama ako, maghintay ka lang at uminom tayo pagkatapos mong manalo sa championship.”Kinagat ni Aurora ang babang labi niya at hindi siya kumpiyansa habang sinabi, “Master Wade, sa totoo lang, kung lalabanan ko si Ito Nanako, hindi man lang ako kumpiyansa nang 20% na mananalo ako… dahil, sobrang lakas talaga ni Ito Nanako. Wala siyang karibal sa mga taong kasing tanda niya.”Ngumiti si Charlie at tinanong, “Gano’n ba talaga kagaling si Nanako?”Sinabi ni Aurora, “Nag-eensayo na si Ito Nanako ng combat and fighting simula noong limang taon pa lang siya. Bukod dito, palagi siyang nag-eensayo sa isang mataas na combat and fighting master
Tumango si Charlie at sinabi, “Okay, pwede mo nang inumin ang medisina ngayon at gagabayan kita sa pag-absorb nang mabilis sa medisina!”Napakagandang medisina na ng mahiwagang pill para sa paggamot ng kahit anong pisikal at panloob na sugat. Dahil nababalot ito ng ilang Reiki, tumaas nang sobra ang kalidad at epekto ng medisina na ito.Ang mga di gaano katanda at mga matatandang tao ay maraming pisikal na kondisyon sa katawan nila, at humihina na rin ang mga organs nila. Kaya, sa sandaling ginamit nila ang mahiwagang pill, direktang aayusin ng epekto ng medisina ang mga katawan nila at hindi na sila kailangang gabayan.Pero, dahil malakas pa ang katawan ng isang batang tao at dahil nasa pinakamataas pa rin ang mga organs niya, hindi mapupunta sa katawan niya ang malakas na mahiwagang epekto ng mga pill kung iinumin niya lang ang medisina.Kung ang katawan ng isang tao ay maikukumpara sa isang sponge, ang katawan ng di gaano katanda o matandang tao ay isang sponge na nawalan na ng
Habang ginagabayan ni Charlie ang pag-absorb ng medisina sa katawan ni Aurora, sadyang naglagay si Charlie ng ilang Reiki sa katawan ni Aurora. Ito ay para tahimik na bigyan suplemento ng Reiki ang katawan ni Aurora na parang isang ulan sa tagsibol.Amg e[eltp mg Reiki ay mas malakas pa sa epekto ng mahiwagang pill an ginawa niya dati. Hindi lamang nito pinalakas ang physical fitness ni Aurora, pinalakas din nito nang sobra ang kanyang mga muscle, meridians, buto, at lamang loob.Kahit na maraming taon nang nagsasanay si Aurora sa combat and fighting, isa pa rin siyang ordinaryong tao. Para sa isang ordinaryong tao, mas malakas pa ang kapangyarihan ng Reiki kaysa sa isang panacea.Hindi na maikukumpara ang pisikal na lakas ni Aurora ngayon.Nang sinabi ni Charlie kay Aurora na tapos na ang lahat, naglabas ng mahabang buntong hininga si Aurora. Pagkatapos, tumayo siya nang nagmamadali bago siya naglakad papunta sa sandbag upang gawin ang ilang set ng punching movements..Gayunpaman
Sinabi nang nagmamadali ni Aurora, “Master Wade, kailangan mong pumunta sa laban ko sa makalawa!”“Huwag kang mag-alala. Siguradong pupunta ako!”***Sa sandaling ito, sa pinakamalaking entertainment company ng bansa, ang Yorkbel Entertainment Group, na matatagpuan sa central business district ng Eastliff, ang pinakamataas na babaeng artista ng Yorkbel, si Quinn, ay nasa studio ng Yorkbel Entertainment Group dahil may shooting siya para sa isang cover ng isang fashion magazine sa sandaling ito.Ito na ang pang-apat na beses na lilitaw siya sa cover ng isang fashion magazine. Kaya, karaniwan na lugar lang ito para sa kanya.Nasa loob ng studio si Quinn at may suot siyang black and white na dress na ginawa mismo para sa kanya ng Chanel. Mukha siyang malayo sa kahali-halina niya at mukha siyang isang malakas na babae na makikita lang sa malayo, pero hindi mapapaglaruan.Pagkatapos kumuha ng ilang sunod-sunod na litrato ng photographer, sa wakas ay nakumpleto na ni Quinn ang kanyang
Tulad ng sinabi ni Vera, sa buong buhay niya, hindi niya kayang maghiganti kay Fleur gamit ang lakas niya, pero kaya niyang harapin si Fleur gamit ang matinding tapang. Marahil ay ang pinakamagandang paraan para harapin niya si Fleur ngayon ay huwag mapansin ni Fleur na malapit siya sa kanya.Kaya, medyo naimpluwensyahan din si Charlie sa kanya at sinabi, “Kung gano’n, hindi na natin kailangan kumuha ng tao para palihim na maglagay ng mga monitoring equipment. Sasamahan kita dito at hihintayin si Fleur. Gusto kong makita kung sino ba talaga ang Fleur na ito!”Tinanong ni Vera sa sorpresa, “Young Master, sasamahan mo talaga ako?”Tumango si Charlie. “Oo.”Sinabi nang seryoso ni Vera, “Parang maglalakad tayo sa isang lubid sa bangin. Nakamamatay ang isang kamalian.”Tumawa si Charlie at sinabi, “Kung hindi ka takot, bakit ako matatakot?”Ngumiti nang bahagya si Vera, at puno ng katapatan ang kanyang mga mata habang sinabi, “Kuntento ako sa mga sinabi mo, Young Master, pero hindi ak
Hindi inaasahan ni Charlie na si Vera, na mukhang mahina at walang masyadong karanasan, ay may ganitong tapang. Malinaw na alam niya na hindi nila kayang tapatan ni Fleur. Sa sandaling magkita sila, halos sigurado na mamamatay sila.Dahil, dati, sinabi ni Ruby sa kanila na nabuksan na ni Fleur ang kanyang elixir field, mahigit isang daang taon na ang nakalipas, at ang ibig sabihin ay mas malakas na siya noong isang daang taon na ang nakalipas kaysa sa kasalukuyang lakas ni Charlie.Pero kahit gano’n, handa si Vera na kunin ang panganib.“Alam mo na wala tayong pag-asa na mabuhay laban kay Fleur. Sigurado ka ba na gusto mong kunin ang panganib dito?” Tinanong nang seryoso ni Charlie.Tumango nang seryoso si Vera, nakatingin kay Charlie nang disidido habang sinabi, “Sa mahigit tatlong daang taon, iniwasan ko siya. Naging maingat ako sa punto na hindi na ako tumatapak sa kahit anong lugar na may kaugnayan sa kanya sa halos buong buhay ko. Pero ngayon, kahit alam ko na marahil ay pupun
Bukod dito, kung may mangyayari, mahihirapan siyang protektahan si Vera.Mukhang alam na ni Vera ang iniisip ni Charlie. Ngumiti siya at naunang magsalita at sinabi, “Darling, huwag kang mag-alala. Bihira lang magkaroon ng malakas na hangin sa Yorkshire Hill, at mas bihira pa dito sa taas. Bukod dito, sobrang ganda ng panahon ngayon. Isang gabi lang tayo mananatili, kaya walang kahit anong malakas na hangin. Kahit na mayroon, hindi ito abot sa atin.”Hindi inaasahan ni Charlie na may ganitong hilaw na ideya si Vera, kaya sinabi niya, “Sige, Darling, bumaba muna tayo sa bundok at pag-usapan ito sa daan.”“Okay!” Tumango nang kuntento si Vera, kinabit ang kanyang braso sa braso ni Charlie, at sinabi nang malambing, “Kung gano’n, kailangan nating magmadali. Natatakot ako na kung mahuhuli tayo, wala nang matitira na maayos na lugar!”Habang pababa ang dalawa sa bundok at nang silang dalawa na lang sa paligid, nagsalita si Charlie, “Miss Lavor, seryoso ka ba sa sinabi mo?”Sumagot nang
Hindi maiwasan ni Vera na ngumiti nang kaunti nang makita niya ang seryosong ekspresyon ni Charlie, at sinabi niya, “Young Master, kahit na kayang patayin ng mga close-defense missile si Mr. Jothurn, marahil ay hindi nila mapatay si Fleur. Bukod dito, si Fleur lang ang nakakaalam kung saan nag-cultivate si Master Marcius Stark. Young Master, mangyaring magtiis ka pa nang kaunti at huwag mong tapusin ang buhay ni Fleur dito.”Tumawa nang masaya si Charlie, “Sinasabi ko lang ang mga pakiramdam ko. Kahit na may makakapagdala ng mga close-defense missile dito, hindi ko magagamit ang mga ito dito.”Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Young Master, walang mga camera dito. Mangyaring hintayin mo ako saglit. Magbibigay galang ako sa mga ninuno ng mga Lavor.”Tumango sa maginoong paraan si Charlie at sinabi, “Hihintayin kita dito.”Ngumiti si Vera na parang humihingi siya ng tawad, pagkatapos ay naglakad sa malapit na gubat ng mga pine.Makalipas ang limang minuto, naglakad si Vera pa
Ngumiti si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala, hindi ako padalus-dalos na tao. Alam ko ang mga limitasyon ko.”Huminga nang maluwag si Vera, “Mabuti naman…”Pagkatapos nilang umakyat sa unang undok, inakyat nila ang bundok na parang likod ng isang pagong. Dahil ito ang ruta sa pangalawang bundok, marami pa rin ang mga tao dito tulad sa unang bundok.Ipinakilala ni Vera kay Charlie, “Parang likod ng isang pagong ang bundok na ito. Tinatawag itong Mount Turtle Back. Isa itong bihirang kayamanan na lupa dito. Noong isang lokal na pinuno ang lolo ko, nagsikap siya na piliin ang bundok na ito bilang ancestral tomb ng pamilya namin.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Ang buong bundok ba na ito ang ancestral tomb ng pamilya ng lolo mo?”Tumango si Vera at sinabi, “Tama. Maganda ang Feng Shui dito, parang isang dragon na nakapalibot sa bundok. Itinuturing ito na sobrang swerte. Ang pagpili sa lugar na para paglagyan ng ancestral tomb ay kayang biyayaan ang mga susunod na henerasyon
Nang bumalik si Vera sa Stoneridge makalipas ang mahigit tatlong daang taon, hindi na ito kagaya ng dati. Kahit na nandoon pa rin ang Ensel Bay, nabago na nang sobra ang hitsura nito dahil sa ilang siglo na pag-unlad kumpara sa nakaraang tatlong daang taon.Habang nakatayo sa malagong mga kalye ng Stoneridge, hindi tugma sa memorya ni Vera ang kasalukuyang eksena. Buti na lang, hindi malaki ang mga pagbabago sa bundok. Sa kabila ng ilang rurok na medyo minina, hindi nagbago masyado ang kabuuang tanawin.Pagkatapos itong makita ni Vera, natukoy niya na ang libingan ng kanyang ama ay matatagpuan sa hilagang-silangan ng kasalukuyang bayan ng Stoneridge, sa likod ng medyo mininang rurok at ang bundok na parang isang shell pagong.Iniwan nina Charlie at Vera ang kotse sa bayan at nagsuot ng magkaparehong sapatos na maagang inihanda ni Vera. Pagkatapos ay umakyat sila papunta sa mga bundok.Habang umaalis sila, tahimik na pinagana ni Charlie ang kanyang mental cultivation method, itinago
“Sa kalaunan, naisip ko rin na sa halip na tumakbo palagi, mas mabuti na iwan ko ang singsing kay Fleur para hindi na niya ako habulin at hayaan akong mabuhay nang payapa. Pero pagkatapos itong pag-isipan ulit, si Fleur ang pumatay sa aking ama. Kung magkokompromiso ako at magmamakaawa sa kanya, anong kaibahan namin ni Sanguine, na nagpapasok sa Qing dynasty? Magiging traydor kaming dalawa, kung gano’n.”Pagkatapos itong sabihin, sinabi ni Vera, “Pagkatapos maintindihan ang lahat ng ito, nagpasya ako na kahit gaano pa ito kahirap, dapat ay mabuhay ako. Kahit gaano pa ito kahirap, hindi ako pwedeng magkompromiso at sumuko kay Fleur. Basta’t mabubuhay ako, siguradong mabubuhay ako nang mas matagal kay Fleur. Sa sandaling iyon, ako ang mananalo sa huli.”Sinabi nang matatag ni Charlie, “Huwag kang mag-alala, siguradong mas tatagal ang buhay mo kaysa sa kanya.”Tumango nang tapat si Vera at sinabi, “Sigurado ako na mas tatagal ang buhay mo sa akin, Young Master. Pagkatapos kong mamatay,
Sa tuwing binabanggit si Sanguine, nagngangalit si Vera sa galit. Nang binanggit niya na walang nabuhay sa apat na tito at sa mga supling nila, napaiyak si Vera.Hindi inaasahan ni Charlie na sobrang lagim ng nangyari sa pamilya ng lolo ni Vera, at hindi niya maiwasan na bumuntong hininga habang sinabi, “Sa panahon na iyon, ang mga buhay ay kasing liit ng mga damo at dahon. Maraming pamilya na tumagal ng daang-daang taon o kahit libo-libong taon ang naputol sa panahon na iyon.”Kinuyom ni Vera ang mga kamao niya at nagngalit, sinasabi, “Ang lahat ng ito ay dahil sa traydor na iyon, si Sanguine!”Nang sinabi ang mga ito, nagpakita siya ng isang mabangis na ugali na bihira niyang ipinapakita, at sinabi nang mabagal, “Naging tapat ang mga Lavor sa maraming henerasyon! Ibinuhos ng mga ninuno ko ang lahat para pagsilbihan ang bansa, at sumali pa sa militar ang aking ama, nilabanan ang Qing Dynasty sa kalahati ng buhay niya, hindi nakalimutan na suportahan ang Oskia. Pero, hindi lang pina
Tumango nang marahan si Charlie, “Okay, salamat sa pagsisikap mo.”-Nang dumating ang eroplano ni Fleur sa Melbourne, nakaalis na sa Aurous Airport ang eroplano na sinakyan nina Charlie at Vera, papunta sa malayong Londel na mahigit isang libong kilometro ang layo.Habang lumilipad ang eroplano sa kanluran, nawala na ang dating sigla at kulit ni Vera. Sumandal siya panandalian sa balikat ni Charlie, at pagkatapos ay para bang nawalan ng focus ang kanyang mga mata habang nakatingin sa labas ng bintana.Nakikita ni Charlie na may mali sa kanya, at naiintindihan niya nang mabuti ang kalagayan niya ngayon. Dahil, sa mundong ito, walang sino man ang mas angkop na mangulila sa tahanan kaysa kay Vera.Isa siyang dalaga na mahigit tatlong daang taon nang hindi nakakauwi, at sa wakas ay pauwi na siya. Ang kahit sino ay makakaramdam ng magkahalong mga emosyon.Makalipas ang mahigit dalawang oras, dumating ang eroplano sa Londel Airport. Nang bumaba si Vera sa eroplano, medyo nanghina nang